Sat Oct 09 2021 08:49:07 GMT+0800 (Australian Western Standard Time)

This commit is contained in:
Eleazar Atienza 2021-10-09 08:49:08 +08:00
commit 53d4c93e35
434 changed files with 500 additions and 0 deletions

1
01/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ito ang aklat ng talaan ng angkan ni Jesu-Cristo na anak ni David na anak ni Abraham. \v 2 Si Abraham ang ama ni Isaac at si Isaac ang ama ni Jacob, at si Jacob ang ama ni Juda at ng mga kapatid niya. \v 3 Si Juda ang ama ni Fares at Zara kay Tamar, si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram.

1
01/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Si Aram ang ama ni Aminadab, si Aminadab ang ama ni Naason, si Naason ang ama ni Salmon. \v 5 Si Salmon ang ama ni Boaz kay Rahab, si Boaz ang ama ni Obed kay Ruth, si Obed ang ama ni Jesse, \v 6 Si Jesse ang ama ni David na hari, si David ang ama ni Solomon sa asawa ni Urias.

1
01/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Si Solomon ang ama ni Rehoboam, si Rehoboam ang ama ni Abias, si Abias ang ama ni Asa. \v 8 Si Asa ang ama ni Josafat, si Josafat ang ama ni Joram, si Joram ang ama ni Ozias.

1
01/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Si Ozias ang ama ni Jotam, si Jotam ang ama ni Acaz, si Acaz ang ama ni Ezequias. \v 10 Si Ezequias ang ama ni Manases, si Manases ang ama ni Amon, at si Amon ang ama ni Josias. \v 11 Si Josias ang ama ni Jeconias at ng mga kapatid niya noong panahon ng pagpapatapon sa Babilonia.

1
01/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Pagkatapos ng pagpapatapon sa Babilonia, anak naman ni Jeconias si Salatiel, si Salatiel ay ninuno ni Zerubabel. \v 13 Si Zerubabel ang ama ni Abiud, si Abiud ang ama ni Eliakim, at si Eliakim ang ama ni Azor. \v 14 Si Azor ang ama ni Sadok, si Sadok ang ama ni Aquim, at si Aquim ang ama ni Eliud.

1
01/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Si Eliud ang ama ni Eliasar, si Eliasar ang ama ni Matan, at si Matan ang ama ni Jacob. \v 16 Si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria na nagsilang kay Jesus, na tinatawag na Cristo. \v 17 Lahat ng salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David ay labing-apat na salinlahi, mula kay David hanggang sa pagkakatapon sa Babilonia ay labing-apat na salinlahi, mula sa pagpapatapon sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labing-apat na salinlahi.

1
01/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Naganap ang kapanganakan ni Jesu-Cristo sa ganitong kapamaraanan. Si Maria na kaniyang ina ay naipagkasundong maikasal kay Jose. Ngunit bago pa man sila magsama, nalamang nagdadalang tao siya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. \v 19 Si Jose na asawa niya ay isang matuwid na tao, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria sa mga tao. Kaya palihim niyang tinapos ang kasunduan niyang magpakasal sa kaniya.

1
01/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Habang iniisip ni Jose ang mga bagay na ito, nagpakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon sa panaginip at sinabi, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang kaniyang pinagbubuntis ay sa Banal na Espiritu. \v 21 Isisilang niya ang isang anak na lalaki at papangalanan mo siyang Jesus, sapagkat ililigtas niya ang kaniyang mga tao mula sa mga kasalanan nila."

1
01/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang mga sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, \v 23 "Masdan ito, magdadalang tao ang isang birhen at magsisilang ng isang lalaki at tatawagin nilang Emmanuel"— na nangangahulugang, "kasama natin ang Diyos."

1
01/24.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24 Nagising si Jose mula sa kaniyang pagkakatulog at ginawa niya ang iniutos ng anghel ng Panginoon sa kaniya at kinuha niya si Maria bilang asawa niya. \v 25 Gayunpaman, hindi niya ito sinipingan hanggang sa isinilang niya ang anak na lalaki. At tinawag niya ang kaniyang pangalan na Jesus.

1
02/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pagkatapos maipanganak si Jesus sa Bethlehem ng Judea sa mga araw ni Haring Herodes, dumating sa Jerusalem ang mga pantas na kalalakihan mula sa silangan na nagsasabi, \v 2 "Nasaan siyang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Nakita namin ang bituin niya sa silangan kaya pumarito kami upang sumamba sa kaniya." \v 3 Nang marinig ito ni haring Herodes, nabagabag siya at ang buong Jerusalem na kasama niya.

1
02/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 At tinipon ni Herodes ang lahat ng mga punong pari at mga eskriba ng mga tao, at tinanong niya ang mga ito, "Saan ipapanganak ang Cristo?" \v 5 Sinabi nila sa kaniya, "Sa Bethlehem ng Judea, sapagkat ito ang isinulat ng propeta, \v 6 'At ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Judah, ay hindi pinakahamak sa mga pinuno ng Judah, sapagkat sayo magmumula ang isang pinuno na magpapastol sa aking mga taong Israelita.'"

1
02/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 At lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas na kalalakihan upang tanungin kung ano ang tiyak na oras na nagpakita ang bituin. \v 8 Pinapunta niya ang mga ito sa Bethlehem at sinabing, "Humayo kayo at hanaping mabuti ang bata. Kung nahanap ninyo siya, ipaalam ninyo sa akin upang makapunta at makasamba din ako sa kaniya."

1
02/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Pagkatapos nilang makinig sa hari, sila ay tumuloy sa kanilang lakbayin, at pinangunahan sila ng bituwin na kanilang nakita mula sa silangan hanggang sa ito ay tumigil kung nasaan naroroon ang bata. \v 10 Nang nakita nila ang bituin, sila ay nagalak nang may labis na kagalakan.

1
02/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Sila ay pumunta sa bahay at kanilang nakita ang bata kasama ng kaniyang inang si Maria. Yumukod sila at sumamba sa kaniya. Binuksan nila ang kanilang mga kayamanan at inihandog nila ang kanilang mga kaloob na ginto, kamanyang, at mira. \v 12 Binalaan sila ng Diyos sa panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya umiba sila ng daan pauwi sa kanilang bayan.

1
02/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Pagkatapos nilang umalis, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita kay Jose sa panaginip at sinabi, "Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas kayo patungong Egipto. Manatili kayo doon hanggang sa sasabihin ko, sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin siya". \v 14 Sa gabing iyon, bumangon si Jose at kinuha ang bata at ang kaniyang ina at umalis patungong Egipto. \v 15 Nanatili siya roon hanggang sa pagkamatay si Herodes. Tinupad nito ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, "Mula sa Egipto tinawag ko ang aking anak."

1
02/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Nang nakita ni Herodes na kinutya siya ng mga pantas na kalalakihan, siya ay nagalit nang labis. Nagsugo siya at ipinapatay ang lahat ng mga batang lalaking naroon sa Bethlehem at sa buong rehiyon, ang mga may dalawang taong gulang pababa ayon sa tiyak na panahong nalaman niya mula sa mga pantas.

1
02/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 At natupad nga ang sinabi sa pamamagitan ng propeta na si Jeremias, \v 18 "Isang tinig ang narinig sa Ramah, pananangis at labis na pagdadalamhati, umiiyak si Raquel para sa kaniyang mga anak at ayaw niyang paaliw sapagkat sila ay wala na."

1
02/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Nang si Herodes ay namatay, masdan ito, nagpakita sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon kay Jose sa Egipto at sinabi, \v 20 "Bumangon ka at kunin mo ang bata at ang kaniyang ina at pumunta kayo sa lupain ng Israel, sapagkat ang mga naghahangad sa buhay ng bata ay patay na." \v 21 Bumangon si Jose at kinuha ang bata at ang kaniyang ina at tumungo sila sa lupain ng Israel.

1
02/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Ngunit nang mabalitaan niya na si Arquelao na ang naghahari sa Judea kapalit ng kaniyang ama na si Herodes, natakot siyang pumunta roon. Pagkatapos siyang balaan ng Diyos sa panaginip, umalis siya patungo sa rehiyon ng Galilea \v 23 at pumunta siya at nanirahan sa lungsod na tinatawag na Nazaret. Natupad kung ano ang sinabi sa pamamagitan ng mga propeta na siya ay tatawaging Nazareno.

1
03/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Sa mga araw na iyon ay dumating si Juan na Tagapagbautismo na nangangaral sa ilang ng Judea at nagsasabi, \v 2 "Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit." \v 3 Sapagkat siya ang binanggit ni propeta Isaias na nagsasabi, "Isang tinig ang sumisigaw mula sa ilang, 'Ihanda ang daan ng Panginoon, gawing matuwid ang kaniyang landas.'"

1
03/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Ngayon, nagsusuot si Juan ng damit na gawa sa buhok ng kamelyo at sinturong balat sa kaniyang baywang. Ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan. \v 5 Pumunta sa kaniya ang mga taga-Jerusalem, taga-Judea at lahat ng karatig rehiyon ng Ilog ng Jordan. \v 6 Binautismuhan niya sila sa Ilog ng Jordan habang sila ay nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan.

1
03/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Ngunit nang makita niyang nagsisidatingan ang maraming mga Pariseo at mga Saduseo upang magpabautismo sa kaniya, sinabi niya sa kanila, "Kayong mga anak ng mga makamandag na mga ahas, sino ang nagbabala sa inyo na makakaiwas kayo sa poot na darating? \v 8 Mamunga kayo na karapat-dapat sa pagsisisi. \v 9 Huwag ninyong isiping sabihin sa inyong mga sarili na, 'Si Abraham ang aming ama.' Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kayang bumuhay ng Diyos ng mga anak ni Abraham kahit pa mula sa mga batong ito.

1
03/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Nakahanda na ang palakol sa mga ugat ng mga puno. Kaya bawat punong hindi namumunga ng mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy. \v 11 Binabautismuhan ko kayo sa tubig para sa pagsisisi. Ngunit ang darating kasunod ko ay mas makapangyarihan kaysa sa akin at ako ay hindi karapat-dapat na magdala maging sa kaniyang sandalyas. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at sa apoy. \v 12 Hawak niya ang kaniyang kalaykay upang linising maigi ang kaniyang giikan at tipunin ang kaniyang trigo sa bahay-imbakan. Ngunit susunugin niya ang mga ipa sa pamamagitan ng apoy na kailanman ay hindi maapula."

1
03/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Pagkatapos ay dumating si Jesus sa Ilog ng Jordan mula Galilea upang magpabautismo kay Juan. \v 14 Ngunit pinigilan siya ni Juan at nagsasabi, "Ako ang dapat mong bautismuhan? Bakit ka lumalapit sa akin?" \v 15 Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya, "Pahintulutan mo ito ngayon sapagkat ito ang nararapat upang matupad natin ang lahat ng katuwiran." Kaya pinahintulutan siya ni Juan.

1
03/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Pagkatapos niyang mabautismuhan, agad umahon si Jesus sa tubig, at masdan ito, bumukas ang mga langit sa kaniya. Nakita niya ang pagbaba ng Espiritu ng Diyos na parang kalapati na dumapo sa kaniya. \v 17 Masdan ito, may isang tinig na mula sa mga langit na nagsasabi, "Ito ang pinakamamahal kong Anak. Lubos akong nalulugod sa kaniya."

1
04/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pagkatapos, pinangunahan ng Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. \v 2 Noong nag-ayuno siya sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom. \v 3 Dumating ang manunukso at sinabi sa kaniya, "Kung ikaw ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay." \v 4 Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Nasusulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos."'

1
04/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod at dinala siya sa pinakamataas na bahagi ng gusali ng templo \v 6 at sinabi sa kaniya, "Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka sa baba, sapagkat nasusulat, 'Uutusan niya ang kaniyang mga anghel upang pangalagaan ka,' at 'Itataas ka nila sa kanilang mga kamay upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato."'

1
04/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "At nasusulat din, 'Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.'" \v 8 Muli, dinala siya ng diyablo sa isang mataas na lugar at ipinakita ang lahat ng mga kaharian ng mundo pat na ang kanilang karingalan. \v 9 Sinabi niya sa kaniya, "Ang lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay yuyukod at sasambahin ako."

1
04/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 At sinabi ni Jesus sa kaniya, "Umalis ka dito Satanas! Sapagkat nasusulat, 'Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglingkuran." \v 11 At iniwan siya ng diyablo at masdan ito, dumating ang mga anghel at naglingkod sa kaniya.

1
04/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Ngayon, nang marinig ni Jesus na nadakip si Juan, umalis siya patungong Galilea. \v 13 Umalis siya sa Nazaret at nagpunta at nanirahan sa Capernaum, na nasa Dagat ng Galilea, sa mga teritoryo ng Zebulun at Neftali.

1
04/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias, \v 15 "Ang lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, sa gawing dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Gentil! \v 16 Ang mga taong nakaupo sa kadiliman ay nakakita ng matinding liwanag at sumikat ang liwanag sa mga taong nakaupo sa rehiyon at anino ng kamatayan. "

1
04/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Mula nang panahong iyon, nagsimulang mangaral si Jesus at sinasabi, "Magsisi na kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit."

1
04/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Habang naglalakad si Jesus sa Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro at ang kapatid niyang si Andres na naghahagis ng lambat sa dagat sapagkat sila ay mga mangingisda. \v 19 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao." \v 20 Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.

1
04/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Habang naglalakad si Jesus mula doon, nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak na lalaki ni Zebedeo at si Juan na kaniyang kapatid. Kasama nila si Zebedeo na kanilang ama sa bangka na nagkukumpuni ng kanilang mga lambat. Tinawag niya ang mga ito, \v 22 at agad nilang iniwan ang kanilang ama at ang bangka at sumunod sa kaniya.

1
04/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea, nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, ipinangaral niya ang ebanghelyo ng kaharian, pinapagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao. \v 24 Kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa buong Siria at dinala ng mga tao sa kaniya ang lahat ng mga may sakit, may iba't ibang uri ng karamdaman at sakit, ang mga sinaniban ng mga demonyo, lahat ng epileptiko at paralisado, pinagaling sila ni Jesus. \v 25 Maraming tao ang sumunod kay Jesus mula sa Galilea, sa Decapolis, Jerusalem at Judea at maging sa ibayo ng Jordan.

1
05/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Noong nakita ni Jesus ang maraming tao, umakyat siya sa bundok. Nang makaupo na siya, lumapit sa kaniya ang mga alagad niya. \v 2 Nagsalita siya at tinuruan sila na sinasabi, \v 3 "Pinagpala ang mahihirap sa espiritu, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit. \v 4 Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat sila ay aaliwin.

1
05/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Pinagpala ang mga maamo, sapagkat mamanahin nila ang mundo. \v 6 Pinagpala ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin. \v 7 Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat sila ay kahahabagan. \v 8 Pinagpala ang may pusong dalisay, sapagkat makikita nila ang Diyos.

1
05/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Pinagpala ang mga mapagpayapa, sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. \v 10 Pinagpala ang mga inuusig alang-alang sa katuwiran, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.

1
05/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Pinagpala kayo kung inaalipusta kayo at inuusig ng mga tao o pagsalitaan ng lahat ng uri ng mga masasamang bagay na pawang mga kasinungalingan ng dahil sa akin. \v 12 Magsaya kayo at labis na magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Sapagkat sa ganitong paraan inusig ng mga tao ang mga propetang nabuhay noon bago pa kayo.

1
05/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung nawala ang lasa ng asin, paano muling maibabalik ang alat nito? Wala na itong pakinabang pa kundi itapon at tapak-tapakan ng mga tao. \v 14 Kayo ang ilaw ng mundo. Ang lungsod na nakatayo sa isang burol ay hindi maitatago.

1
05/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Ni hindi nagsisindi ang mga tao ng lampara at ilagay sa loob ng basket, bagkus sa isang patungan ng ilawan, at magliliwanag ito sa lahat ng nasa bahay. \v 16 Hayaan ninyong magliwanag ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao sa paraang makikita nila ang inyong mga mabubuting gawa at papurihin ang inyong Amang nasa langit.

1
05/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Huwag ninyong isipin na pumarito ako upang sirain ang kautusan o ang mga propeta. Naparito ako hindi upang sirain ang mga ito kundi upang ito ay tuparin. \v 18 Sapagkat totoo itong sinasabi ko sa inyo, hanggang hindi lilipas ang langit at lupa, wala ni isang tuldok o kudlit man ang mawawala sa kautusan, hanggang sa ang lahat ng mga bagay ay maganap.

1
05/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Kung gayon, sinuman ang lalabag ng kahit isa sa kaliit-liitan sa mga kautusang ito at nagtuturo sa iba na gawin ang paglabag nito ay tatawaging pinakahamak sa kaharian ng langit. Ngunit ang sinumang tumupad sa mga ito at itinuturo sa iba na tupariin ito ay tatawaging dakila sa kaharian ng langit. \v 20 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hangga't hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.

1
05/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Inyong narinig na sinabi sa kanila noong mga unang panahon, 'Huwag kang pumatay,' at 'Sinumang papatay ay manganganib sa paghuhukom.' \v 22 Ngunit sinasabi ko sa inyo na sinumang magalit sa kaniyang kapatid ay manganganib sa paghuhukom. At kung sinuman ang magsabi sa kaniyang kapatid na, 'Wala kang kuwentang tao!' ay manganganib sa konseho. At sinumang magsabi ng, 'Hangal ka!' ay manganganib sa apoy ng impiyerno.

1
05/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 23 Kaya kung ikaw ay naghahandog ng iyong kaloob sa altar at maalala mo doon ang iyong kapatid na may anumang bagay laban sa iyo, \v 24 iwan mo doon ang iyong kaloob sa harap ng altar at humayo ka. Makipag-ayos ka muna sa iyong kapatid, pagkatapos ay pumunta ka at ihandog mo ang iyong kaloob.

1
05/25.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 25 Makipagkasundo ka agad sa nagsakdal sa iyo habang siya ay kasama mo pa sa daan patungo sa hukuman, o ipapasakamay ka ng nagsakdal sa iyo sa hukom at ipapasakamay ka ng hukom sa pinuno at ikaw ay ipapatapon sa bilangguan. \v 26 Totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ka kailanman makalalabas doon hanggang mapagbayaran mo ang kahuli-hulihang salapi na iyong inutang.

1
05/27.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 27 Narinig ninyo na sinabi, 'Huwag kang mangangalunya.' \v 28 Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang tumingin sa isang babae upang siya ay pagnasaan ay nangalunya sa babaing iyon sa kaniyang puso.

1
05/29.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 29 At kung ang iyong kanang mata ang nagiging sanhi ng iyong pagkatisod, dukutin mo ito at itapon sa malayo sapagkat mas mabuti para sa iyo na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa maitapon ang buo mong katawan sa impiyerno. \v 30 At kung ang iyong kanang kamay ang sanhi ng iyong pagkadapa, putulin mo ito at itapon sa malayo. Sapagkat mas mabuti na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ay mapunta sa impiyerno.

1
05/31.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 31 At sinabi din, 'Kung sinuman ang magpalayas sa kaniyang asawang babae, dapat niya itong bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.' \v 32 Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang makipaghiwalay sa kaniyang asawang babae maliban lamang kung sa sekswal na imoralidad ang dahilan nito ay nagiging sanhi ng pangangalunya ng kaniyang asawa. At kung sinumang magpakasal sa kaniya pagkatapos siyang hiwalayan ay nangangalunya rin.

1
05/33.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 33 Narinig ninyo rin na sinabi nang mga tao noong unang panahon, 'Huwag kang manunumpa ng kasinungalingan ngunit tuparin mo ang iyong mga sumpa sa Panginoon.' \v 34 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag na lamang kayong manumpa, huwag sa langit dahil ito ang trono ng Diyos, \v 35 huwag sa lupa dahil ito ang tapakan ng kaniyang mga paa, huwag din sa Jerusalem dahil ito ang lungsod ng dakilang Hari.

1
05/36.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 36 Huwag ka ring manumpa sa pamamagitan ng iyong ulo sapagkat ni isa mang buhok ay hindi mo kayang gawing puti o itim. \v 37 Ngunit hayaan mo ang iyong salita ay maging, 'Oo, kung oo' o 'Hindi, kung hindi.' Anuman ang lalabis pa sa mga ito ay galing sa kaniya na masama.

1
05/38.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 38 Narinig ninyo itong sinabi, 'Mata para sa mata at ngipin para sa ngipin.' \v 39 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong labanan ang taong masama, sa halip, sinumang sumampal sa iyong kanang pisngi, iharap mo rin sa kaniya ang kabila.

1
05/40.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 40 At kung hiniling ng sinuman na magpunta sa hukuman kasama ka at kunin ang iyong tuniko, hayaan mo rin na mapasakaniya ang iyong balabal. \v 41 At sinumang pumilit sa iyo na maglakad ng isang milya, lumakad ka ng dalawang milya kasama niya. \v 42 Ibigay mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong talikuran ang sinumang nanghihiram sa iyo.

1
05/43.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 43 Inyong narinig na sinabing, 'Mahalin ninyo ang inyong kapwa at kamuhian ang inyong kaaway.' \v 44 Ngunit sinasabi ko sa inyo, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo, \v 45 upang magiging mga anak kayo ng inyong Amang nasa langit, sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga masama at mabuti at kaniyang ipinadadala ang ulan sa mga matutuwid at sa mga hindi matutuwid.

1
05/46.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 46 Sapagkat kung mamahalin ninyo lamang ang mga nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang inyong makakamit? Hindi ba't ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? \v 47 At kung ang mga kapatid ninyo lamang ang inyong babatiin, ano ang ginawa ninyo na higit sa iba? Hindi ba't ganiyan din ang ginagawa ng mga Gentil? \v 48 Kaya dapat kayong maging ganap sapagkat ang inyong Amang nasa langit ay ganap.

1
06/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pag-ingatan ninyo na hindi ninyo gawin ang inyong mga gawain ng katuwiran sa harap ng mga tao upang makita nila ito, kung hindi ay wala kayong matatanggap na gantimpala mula sa Ama na nasa langit. \v 2 Kung magbibigay ka ng mga limos, huwag mong patunugin ang isang trumpeta para sa iyong sarili tulad ng ginagawa ng mga mapagpanggap sa mga sinagoga at sa mga lansangan, upang sumakanila ang papuri ng mga tao. Totoo itong sasabihin ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala.

1
06/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Ngunit kung magbibigay ka ng mga limos, huwag mong hayaang malaman ng kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay, \v 4 upang maibigay mo nang lihim ang iyong handog. At ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang gagantimpala sa iyo.

1
06/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 At kung manalangin kayo, huwag kayong maging katulad ng mga mapagpanggap, sapagkat nais nilang tumayo at manalangin sa mga sinagoga at mga sulok ng lansangan upang makita ng mga tao. Totoo itong sinasabi ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. \v 6 Ngunit ikaw, kung mananalangin ka, pumasok ka sa loob ng iyong silid. Isara ang pinto at manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim. At ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang gagantimpala sa inyo. \v 7 At kung mananalangin kayo, huwag kayong gumamit ng paulit-ulit ng mga walang kabuluhang salita tulad ng ginagawa ng mga Gentil, sapagkat iniisip nila na mas maririnig sila dahil sa dami ng kanilang sinasabi.

1
06/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Kaya, huwag kayong maging katulad nila, sapagkat alam ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kailangan bago pa ninyo hilingin sa kaniya. \v 9 Kaya manalangin kayo ng katulad nito: 'Ama naming nasa langit, gawing banal ang iyong pangalan. \v 10 Pumarito ang inyong kaharian, mangyari ang iyong kalooban, dito sa lupa katulad ng sa langit.

1
06/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Bigyan mo kami ngayon ng aming pang araw-araw na pagkain. \v 12 Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang katulad din ng pagpapatawad namin sa mga nagkautang sa amin. \v 13 At huwag mo kaming dalhin sa tukso, ngunit iligtas mo mula sa masama.

1
06/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Sapagkat kung patatawarin ninyo ang pagkakasala ng mga tao, patatawarin din kayo ng Ama na nasa langit. \v 15 Ngunit kung hindi ninyo patatawarin ang kanilang pagkakasala, maging ang inyong Ama ay hindi rin patatawarin ang inyong pagkakasala.

1
06/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Bukod doon, kung mag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang nagdadalamhati katulad ng ginagawa ng mga mapagpanggap, sapagkat dinudungisan nila ang kanilang mga mukha upang makita ng mga taong nag-aayuno sila. Totoo itong sasabihin ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. \v 17 Ngunit ikaw, kung mag-aayuno ka, lagyan mo ng langis ang iyong ulo at maghilamos ka. \v 18 Sa ganoon ay hindi ka mapansin ng mga tao na nag-aayuno, ngunit sa iyong Ama na nasa lihim lamang. At gagantimpalaan ka ng iyong Ama na nakakakita sa lihim.

1
06/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Huwag kayong mag-ipon ng mga kayamanan para sa inyong sarili dito sa lupa, kung saan sisirain ng tanga at kalawang, at kung saan papasukin at nanakawin ng mga magnanakaw. \v 20 Sa halip, mag-ipon para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, kung saan maging mga tanga ni kalawang ay di kayang sirain, at kung saan ang mga magnanakaw ay di kayang pasukin at nakawin. \v 21 Sapagkat kung saan naroon ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.

1
06/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Ang mata ay ang ilaw ng katawan. Kaya kung mabuti ang inyong mata, mapupuno ng liwanag ang buong katawan. \v 23 Ngunit kung masama ang inyong mata, ang inyong buong katawan ay puno ng kadiliman. Kaya kung ang liwanag na nasa inyo ay pawang kadiliman, napakatindi ng kadilimang iyon! \v 24 Walang sinuman ang maaaring maglingkod sa dalawang amo, sapagkat kakamuhian niya ang isa at mamahalin ang isa, o di kaya tapat siya sa isa at hahamakin ang isa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran ang Diyos at ang kayamanan.

1
06/25.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 25 Ngayon sasabihin ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o ang inyong iinumin--o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot. Sapagkat hindi ba mas higit ang buhay kaysa sa pagkain, at ang katawan kaysa sa mga damit? \v 26 Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim o nag-aani ni nag-iipon sa mga kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba higit kayong mahalaga kaysa sa kanila?

1
06/27.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 27 At sino sa inyo ang kayang dagdagan ng isang siko ang haba ng kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagkabalisa? \v 28 At bakit kayo nababalisa tungkol sa inyong kasuotan? Isipin ninyo ang mga liryo sa mga bukirin kung papaano sila tumubo. Hindi sila nagtatrabaho, at hindi sila gumagawa ng damit. \v 29 Gayon pa man, sinasabi ko sa inyo, kahit na si Solomon sa lahat ng kaniyang kaluwalhatian ay hindi nakapagsuot ng tulad sa isa sa mga ito.

1
06/30.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 30 Kung ganoong dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa bukirin, na nabubuhay ngayon at itatapon sa hurno kinabukasan, gaano pa kaya na kayo ay higit na kaniyang dadamitan, kayong may maliit na pananampalataya? \v 31 Kaya huwag kayong mabalisa at sabihin, 'Ano ang aming kakainin?' o 'Ano ang aming iinumin?' o di kaya, 'Ano ang isusuot naming mga damit?'

1
06/32.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 32 Sapagkat hinahanap ng mga Gentil ang mga bagay na ito, at alam ng iyong makalangit na Ama na kailangan ninyo ang lahat ng mga ito. \v 33 Sapagkat hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian at ang kaniyang katuwiran at ang lahat na ito ay maibibigay sa inyo. \v 34 Kaya huwag kayong mabahala sa kinabukasan, sapagkat ang bukas ang mababahala sa kaniyang sarili. Ang bawat araw ay may sapat na sariliing kaguluhan.

1
07/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Huwag kayong humatol, at kayo ay hindi hahatulan. \v 2 Sapagkat ang paghatol na iyong inihatol ay siyang ihahatol sa inyo. At ang panukat na inyong ginamit ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.

1
07/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 At bakit mo tinitingnan ang maliit na pirasong dayami na nasa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo napapansin ang troso na nasa sarili mong mata? \v 4 Paano mo sasabihin sa iyong kapatid, 'Hayaan mo akong alisin ang pirasong dayami na nasa iyong mata,' habang ang troso ay nasa iyong mata? \v 5 Mapagpanggap ka! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, at pagkatapos ay malinaw kang makakakita upang alisin ang piraso ng dayami na nasa mata ng iyong kapatid.

1
07/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Huwag ninyong ibigay ang anumang banal sa mga aso, at huwag ninyong ihagis ang inyong mga perlas sa harapan ng mga baboy. Kung hindi, ito ay tatapak-tapakan lang nila, at kayo ay babalingan at pagpipira-pirasuhin.

1
07/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Humingi kayo, at ito ay ibibigay sa inyo. Humanap kayo, at kayo ay makakatagpo. Kumatok kayo, at bubuksan ito para sa inyo. \v 8 Sapagkat ang lahat na humihingi, ay makatatanggap. At ang lahat na maghahanap, ay makakatagpo. At sa kanila na kumakatok, ito ay mabubuksan. \v 9 O anong tao sa inyo na kapag humingi ng tinapay ang kaniyang anak ay bibigyan niya ng bato? \v 10 O kapag humihingi siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?

1
07/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Kaya kung kayong mga masasama ay marunong magbigay ng mga mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit na nagbibigay ng mga mabubuting bagay sa mga humihingi sa kaniya? \v 12 Kaya kung anuman ang gusto inyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang gawin ninyo sa kanila, sapagkat ito ang sa kautusan at ng mga propeta.

1
07/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Pumasok kayo sa makipot na tarangkahan. Sapagkat malawak ang tarangkahan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at maraming tao ang dumaraan doon. \v 14 Subalit makitid ang tarangkahan at makitid ang daan na patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakahanap nito.

1
07/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na darating sa inyo na nakadamit na parang mga tupa ngunit ang katotohanan ay para silang mga gutom na gutom na mga lobo. \v 16 Sa pamamagitan ng kanilang mga bunga sila ay inyong makikilala. Makapipitas ba ang tao ng mga ubas mula sa puno ng dawag, o ng mga igos sa mga matitinik na halaman? \v 17 Sa gayon ding paraan, ang lahat ng puno na namumunga ng mabuti ay mabuti, ngunit ang masamang puno ay namumunga ng masamang bunga.

1
07/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Ang mabuting puno ay hindi maaaring magbunga ng masamang bunga, hindi rin magbubunga ng mabuti ang masamang puno. \v 19 Bawat puno na hindi namumunga ng mabuting bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. \v 20 Sa gayon, makikilala ninyo sila sa pamamagitan nang kanilang mga bunga.

1
07/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay makakapasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumagawa lamang sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit. \v 22 Maraming tao ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, 'Panginoon, Panginoon, hindi ba kami nagsabi ng propesiya sa iyong pangalan, sa iyong pangalan ay nagpalayas ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa ng maraming makapangyarihang gawain?' \v 23 At hayagan kong sasabihin sa kanila, 'Hindi ko kayo nakikilala! Lumayo kayo sa akin, kayong gumagawa ng masama!'

1
07/24.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24 Kaya ang lahat ng nakikinig sa aking mga salita at sumusunod sa kanila ay maihahalintulad sa isang matalinong tao na nagtayo ng kaniyang bahay sa isang bato. \v 25 Bumuhos ang ulan at bumaha, umihip ang hangin at hinagupit ang bahay ngunit hindi ito bumagsak, sapagkat ito ay natatayo sa bato.

1
07/26.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 26 Subalit lahat ng nakarinig sa aking mga salita at hindi sinusunod ang mga ito ay mahahalintulad sa isang taong mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa buhanginan. \v 27 Bumuhos ang ulan, bumaha, umihip ang hangin at hinagupit ang bahay. At ito ay bumagsak at nawasak nang tuluyan."

1
07/28.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 28 At pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, namangha ang maraming tao sa kaniyang pagtuturo, \v 29 sapagkat nagturo siya sa kanila tulad ng isang may kapangyarihan, at hindi kagaya ng kanilang mga eskriba.

1
08/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Noong bumaba si Jesus mula sa burol, maraming tao ang sumunod sa kaniya. \v 2 Masdan ito, isang lalaking may ketong ang lumapit at lumuhod sa kaniya na nagsasabi, "Panginoon, kung iyong nais, maaari mo akong gawing malinis." \v 3 Inabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya na nagsasabin, "Nais ko. Maging malinis ka." Agad siyang nalinis sa kaniyang ketong.

1
08/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Huwag mo itong sabihin kahit kanino man. Humayo ka sa iyong daan at magpakita ka sa pari at ihandog mo ang kaloob na iniutos ni Moises, bilang patotoo sa kanila."

1
08/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, isang senturion ang lumapit at kumausap sa kaniya \v 6 na nagsasabin, "Panginoon, ang aking lingkod ay nakaratay sa bahay, paralisado at lubhang nahihirapan." \v 7 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Pupunta ako at pagagalingin ko siya."

1
08/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Sumagot ang senturion at sinabing, "Panginoon, hindi ako karapat-dapat na papasukin ka sa ilalim ng aking bubong, sabihin mo lamang ang salita at gagaling na ang aking lingkod. \v 9 Sapagkat ako ma'y isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan at may mga kawal ako na napapasailalim sa akin. Sinasabi ko sa isa, 'Humayo ka' at siya ay humayo, sa isa 'Halika' at siya ay lalapit at sa aking lingkod 'Gawin mo ito' at ginawa nga niya." \v 10 Nang marinig ito ni Jesus, siya ay namangha at kaniyang sinabi sa mga taong sumusunod sa kaniya, "Totoo ito sasabihin ko sa inyo, hindi pa ako nakakita ng may ganitong pananampalataya sa Israel.

1
08/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Sinasabi ko sa inyo, maraming darating mula sa silangan at kanluran at sila ay sasandal sa mesa ni Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit. \v 12 Ngunit ang mga anak ng kaharian ay ipatatapon sa kadiliman sa labas na kung saan may pagtangis at pagngangalit ng ngipin." \v 13 Sinabi ni Jesus sa senturion, "Humayo ka! Mangyari sa iyo ang naaayon sa iyong pinaniwalaan." At gumaling nga ang kaniyang lingkod sa ganap na oras na iyon.

1
08/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Pagkarating ni Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang biyenang babae ni Pedro na nakahiga at nilalagnat. \v 15 Hinawakan ni Jesus ang kaniyang kamay at inibsan siya ng lagnat. Bumangon siya at nagsimulang maglingkod sa kaniya.

1
08/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Nang sumapit ang gabi, dinala ng mga tao kay Jesus ang maraming taong sinapian ng mga demonyo. Pinalayas niya ang mga espiritu sa pamamagitan ng salita at pinagaling niya ang lahat ng may sakit. \v 17 Sa ganitong paraan natupad ang sinabi ni Isaias na propeta, "Kinuha niya ang ating mga sakit at dinala ang ating mga karamdaman."

1
08/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Ngayon, nang nakita ni Jesus ang maraming tao sa paligid niya, nagbigay siya ng mga tagubilin na aalis siya upang magpunta sa kabilang ibayo ng Dagat ng Galilea. \v 19 At may lumapit na eskriba sa kaniya at nagsabi, "Guro, susunod ako sa iyo saan ka man magpunta." \v 20 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "May mga lungga ang mga asong-gubat, may mga pugad ang mga ibon sa himpapawid, ngunit ang Anak ng Tao ay wala man lamang lugar na mapagsandalan ng kaniyang ulo."

1
08/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 May ibang alagad din ang nagsabi sa kaniya, "Panginoon, payagan mo akong ilibing muna ang aking ama." \v 22 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "Sumunod ka sa akin, hayaan mong ang patay ang maglibing sa sarili nilang patay."

1
08/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 23 Nang sumakay na si Jesus sa bangka, sumunod sa kaniya ang mga alagad niya. \v 24 Masdan ito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa dagat kaya natabunan ng mga alon ang bangka. Ngunit natutulog si Jesus. \v 25 Pumunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at siya ay ginising nila na nagsasabi, "Iligtas mo tayo, Panginoon, mamamatay na tayo!"

1
08/26.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 26 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Bakit kayo natatakot, kayong maliit ang pananampalataya?" At bumangon si Jesus at sinaway ang mga hangin at ang dagat. At nagkaroon ng labis na katahimikan. \v 27 Namangha ang mga lalaki at sinabi nila, "Anong uring tao ito, maging ang dagat at hangin ay sumusunod sa kaniya?"

1
08/28.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 28 Nang dumating si Jesus sa kabilang dako, sa bayan ng mga Gadareno, may sumalubong sa kaniya na dalawang lalaki na sinapian ng mga demonyo. Galing sila sa mga libingan at lubhang napakarahas kaya walang mga manlalakbay ang nakararaan sa daan na iyon. \v 29 Masdan ito, sumigaw sila at nagsabi, "Ano ang pakialam namin sa iyo, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang kami ay pahirapan bago ang itinakdang oras?"

1
08/30.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 30 Ngayon, may kawan ng mga baboy ang nanginginain doon sa hindi kalayuan sa kinarorooonan nila. \v 31 Patuloy na nagmakaawa kay Jesus ang mga demonyo at nagsasabing, "Kung paaalisin mo kami, ipadala mo kami at papasukin sa kawan ng mga baboy." \v 32 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Pumunta kayo!" Lumabas ang mga demonyo at pumasok sa mga baboy. At masdan ito, nagmadali ang mga baboy pababa sa isang matarik na burol sa dagat at namatay silang lahat sa tubig.

1
08/33.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 33 Ang mga lalaking nag-aalaga sa mga baboy ay nagsitakbuhan. Nagpunta sila sa lungsod at ipinamalita ang lahat, lalo na ang nangyari sa mga lalaking sinapian ng mga demonyo. \v 34 Masdan ito, lahat ng lungsod ay nagpunta upang makita si Jesus. At nang makita nila siya, nagmakaawa sila na umalis siya sa kanilang rehiyon.

1
09/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Sumakay si Jesus sa bangka, tumawid sa kabilang dako, at nakarating sa kaniyang lungsod. \v 2 Masdan ito, dinala nila sa kaniya ang isang lalaking paralisado na nakaratay sa isang higaan. Nang nakita niya ang kanilang pananampalataya, sinabi ni Jesus sa paralisado, "Anak, magalak ka. Ang iyong mga kasalanan ay napatawad na."

1
09/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Masdan ito, may ilan sa mga eskriba ang nagsabi sa kanilang mga sarili, "Ang taong ito ay lumalapastangan sa Diyos," \v 4 Batid ni Jesus ang mga nasa isip nila at sinabi, "Bakit kayo nag-iisip ng masama sa inyong mga puso? \v 5 Sapagkat alin ba ang mas madaling sabihin, 'Napatawad na ang iyong mga kasalanan' o ang sabihin, 'Tumayo ka at lumakad'? \v 6 Ngunit para malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan dito sa lupa,..." sinabi niya sa paralisado, "Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa iyong bahay."

1
09/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Pagkatapos ay tumayo ang lalaki at umuwi sa kaniyang bahay. \v 8 Nang makita ito ng napakaraming tao, namangha sila at nagpuri sa Diyos, na siyang nagbigay ng ganoong kapangyarihan sa mga tao. \v 9 Nang si Jesus ay umalis mula doon, nakita niya ang lalake na nagngangalang Mateo na nakaupo sa lugar ng paningilan ng buwis. Sinabi niya sa kaniya, "Sumunod ka sa akin." Tumayo siya at sumunod sa kaniya.

1
09/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Habang nakaupo si Jesus upang kumain sa bahay, masdan ito, dumating ang maraming mga maniningil ng buwis at mga makasalanang tao at nakisalo sila kay Jesus at sa mga alagad niya. \v 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kaniyang mga alagad, "Bakit ang iyong guro ay kumakain kasama ng mga maniningil ng buwis at mga taong makasalan?"

1
09/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya," Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga taong may malalakas na pangangatawan, iyon lamang may mga sakit. \v 13 Dapat kayong humayo at unawain ang ibig sabihin nito, 'Nais ko ay habag at hindi alay.' Sapagkat ako ay pumarito, hindi upang tawagin ang matuwid na magsisi, kundi ang mga makasalanan."

Some files were not shown because too many files have changed in this diff Show More