tl_luk_text_ulb/05/08.txt

1 line
563 B
Plaintext

\v 8 Ngunit nang makita ito ni Simon Pedro, siya ay lumuhod sa paanan ni Jesus, na nagsasabi, "Lumayo ka sa akin, Panginoon, sapagkat ako ay taong makasalanan." \v 9 Sapagkat siya ay namangha at ang lahat din na kaniyang mga kasama, sa dami ng isdang kanilang nahuli. \v 10 Kasama dito sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, "Huwag kang matakot, sapagkat mula ngayon, mangingisda ka na ng tao." \v 11 Nang madala nila sa dalampasigan ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod sa kaniya.