tl_luk_text_ulb/05/04.txt

1 line
604 B
Plaintext

\v 4 Nang matapos na siyang magsalita, sinabi niya kay Simon, "Dalhin mo ang bangka sa mas malalim na tubig at ibaba ang inyong mga lambat para manghuli". \v 5 Sumagot si Simon at sinabi, "Panginoon, magdamag kaming nangisda ngunit wala kaming nahuli, ngunit sa iyong salita, ibababa ko ang mga lambat." \v 6 Nang ginawa nila ito, nakahuli sila ng napakaraming bilang ng isda, at ang kanilang mga lambat ay nagsimulang mapunit. \v 7 Kaya't kumaway sila kanilang kasamahan sa kabilang bangka upang puntahan at tulungan sila. Dumating sila at napuno ang dalawang bangka, kaya't sila ay nagsimulang lumubog.