tl_luk_text_ulb/04/09.txt

1 line
379 B
Plaintext

\v 9 Pagkatapos dinala ng diyablo si Jesus sa Jerusalem at inilagay siya sa pinakamataas na bahagi ng templo, at sinabi sa kaniya, "Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka mula dito, \v 10 Sapagkat nasusulat, 'Uutusan niya ang kaniyang mga anghel upang alagaan ka at ingatan ka,' \v 11 at, 'Iaangat ka nila sa kanilang mga kamay, upang hindi tumama ang iyong paa sa bato '."