tl_luk_text_ulb/02/36.txt

1 line
604 B
Plaintext

\v 36 Naroon din ang isang babaeng propeta na ang pangalan ay Ana. Siya ay anak ni Fanuel na nagmula sa tribo ni Aser. Napakatanda na niya. Siya ay namuhay kasama ng kaniyang asawa sa loob ng pitong taon pagkatapos ng kaniyang pag-aasawa, \v 37 at pagkatapos ay balo ng walumpu't apat na taon. Hindi siya kailanman umalis sa templo at patuloy siyang sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin, gabi at araw. \v 38 Sa oras ding iyon, lumapit siya sa kanila at nagsimulang magpasalamat sa Diyos. Siya ay nagsalita tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay para sa katubusan ng Jerusalem.