tl_luk_text_ulb/01/21.txt

1 line
486 B
Plaintext

\v 21 Ngayon ay inaantay ng mga tao si Zacarias. Sila ay nagulat sapagkat siya ay labis na gumugol ng panahon sa loob ng templo. \v 22 Ngunit nang siya ay lumabas, hindi siya makapagsalita sa kanila. Naisip ng mga tao na nagkaroon siya ng pangitain habang siya ay nasa loob ng templo. Patuloy siyang gumagawa ng mga senyas sa kanila at nanatiling hindi makapagsalita. \v 23 Dumating ang panahon na natapos ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, umalis siya at bumalik sa kaniyang bahay.