tl_luk_text_ulb/21/20.txt

1 line
394 B
Plaintext

\v 20 Kapag nakita ninyo ang Jerusalem na napaliligiran ng mga hukbo, kung gayon malalaman ninyo malapit na ang pagkawasak nito. \v 21 Kung magkagayon, ang mga nasa Judea ay magsitakas patungo sa mga bundok, at lahat ng mga nasa kalagitnaan ng lungsod ay umalis, at ang mga nasa bayan ay huwag pumasok doon. \v 22 Sapagkat ito ang mga araw ng paghihiganti, upang matupad ang lahat ng nasusulat.