tl_luk_text_ulb/19/32.txt

1 line
456 B
Plaintext

\v 32 Ang mga isinugo ay pumunta at natagpuan ang bisiro gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila. \v 33 Habang kinakalagan nila ang bisiro, sinabi ng mga may-ari sa kanila, "Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?" \v 34 Sinabi nila, "Kailangan ito ng Panginoon." \v 35 Dinala nila ito kay Jesus, at inilagay nila ang kanilang mga kasuotan sa ibabaw ng bisiro at pinasakay si Jesus. \v 36 Habang siya ay nagpapatuloy, inilatag nila ang kanilang mga kasuotan sa daan.