tl_luk_text_ulb/18/18.txt

1 line
512 B
Plaintext

\v 18 Isang pinuno ang nagtanong sa kaniya, sinasabi, "Mabuting guro, ano ang kailangan kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?" \v 19 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti, kundi ang Diyos lamang. \v 20 Alam mo ang mga kautusan—huwag kang mangalunya, huwag kang pumatay, huwag kang magnakaw, huwag kang magpatotoo ng kasinungalingan, igalang mo ang iyong ama at ina." \v 21 Sinabi ng pinuno, "Sinunod ko ang lahat ng bagay na ito mula pa sa aking pagkabata."