tl_luk_text_ulb/16/05.txt

1 line
479 B
Plaintext

\v 5 At tinawag ng tagapamahala ang mga tao na may utang sa kaniyang amo, at tinanong niya ang una, 'Magkano ang utang mo sa amo ko?' \v 6 Sinabi niya, 'Isang daang takal na langis ng olibo'. At sinabi niya sa kaniya, 'Kunin mo ang iyong kasulatan, umupo kang madali at isulat mong limampu.' \v 7 At sinabi ng tagapamahala sa isa pa, 'Magkano ang utang mo?' Sumagot siya, 'Isang daang takal ng trigo.' Sinabi niya sa kaniya, 'Kunin mo ang iyong kasulatan at isulat mong walumpu.'