tl_luk_text_ulb/15/28.txt

1 line
568 B
Plaintext

\v 28 Nagalit ang nakatatandang anak, at ayaw niyang pumasok, at lumabas ang kaniyang ama, at pinakiusapan siya. \v 29 Ngunit sumagot ang nakatatandang anak at sinabi sa kaniyang ama, 'Tingnan mo, nagpa-alipin ako sa iyo sa loob ng maraming taon, at kailanman ay hindi ako sumuway sa iyong utos, ngunit kailanman ay hindi mo ako binigyan ng isang batang kambing upang magdiwang ako kasama ng aking mga kaibigan, \v 30 ngunit nang dumating ang iyong anak, na umubos ng iyong kabuhayan sa mga babaing nagbebenta ng aliw, nagpakatay ka ng pinatabang guya para sa kaniya.'