tl_luk_text_ulb/15/17.txt

1 line
432 B
Plaintext

\v 17 Ngunit nang nakapag-isip-isip ang nakababatang anak, sinabi niya, 'Napakaraming mga upahang utusan ng aking ama ang may higit pa sa sapat na pagkain, at ako ay nandito, namamatay sa gutom! \v 18 Aalis ako rito at pupunta sa aking ama, at sasabihin ko sa kaniya, "Ama, ako ay nagkasala laban sa langit at sa iyong paningin. \v 19 Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo; gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan.'"