tl_luk_text_ulb/14/15.txt

1 line
415 B
Plaintext

\v 15 Nang marinig ng isa sa mga taong kasalo ni Jesus ang mga bagay na ito, sinabi niya kay Jesus, "Pinagpala siya na kakain ng tinapay sa kaharian ng Diyos!" \v 16 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "May isang taong naghanda ng malaking hapunan at inanyayahan ang marami. \v 17 Nang maihanda na ang hapunan, inutusan niya ang kaniyang utusan na sabihin sa mga naanyayahan, 'Halikayo, dahil nakahanda na ang lahat.'