tl_luk_text_ulb/13/31.txt

1 line
520 B
Plaintext

\v 31 Hindi nagtagal, may ilang mga Pariseong dumating at sinabi sa kaniya, "Pumunta ka at umalis dito dahil nais kang patayin ni Herodes." \v 32 Sinabi ni Jesus, "Pumunta kayo at sabihin sa asong-gubat na iyon, 'Tingnan mo, nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling ako ngayon at bukas, at sa ikatlong araw ay maaabot ko ang aking layunin.' \v 33 Gayunman, kinakailangan na ako ay magpatuloy ngayon, bukas at sa susunod na araw, sapagkat hindi katanggap-tanggap na pumatay ng isang propeta sa labas ng Jerusalem.