tl_luk_text_ulb/13/12.txt

1 line
504 B
Plaintext

\v 12 Nang makita siya ni Jesus, tinawag niya ito at sinabi, "Babae, napalaya ka na mula sa iyong panghihina." \v 13 Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa babae, at kaagad siyang naunat at niluwalhati niya ang Diyos. \v 14 Ngunit nagalit ang pinuno ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya sumagot ang pinuno at sinabi sa maraming mga tao, "May anim na araw kung saan kinakailangang magtrabaho. Pumarito kayo at mapagaling sa mga araw na iyon, huwag sa Araw ng Pamamahinga."