tl_luk_text_ulb/12/41.txt

1 line
529 B
Plaintext

\v 41 Sinabi ni Pedro, "Panginoon, sa amin mo lamang ba sinasabi ang talinghagang ito o para rin sa lahat?" \v 42 Sinabi ng Panginoon, "Sino ngayon ang tapat at matalinong tagapamahala na itatakda ng kaniyang panginoon para sa ibang lingkod upang ibigay sa kanila ang kanilang bahagi ng pagkain sa tamang panahon? \v 43 Pinagpala ang lingkod na iyon, na masusumpungan ng kaniyang panginoon na gumagawa niyan sa kaniyang pagdating. \v 44 Totoong sinasabi ko sa inyo na siya ay gagawing tagapamahala sa lahat ng kaniyang ari-arian.