tl_luk_text_ulb/09/07.txt

1 line
490 B
Plaintext

\v 7 At ngayon, narinig ni Herodes na tetrarka ang tungkol sa lahat ng mga nangyayari at siya ay lubhang nabahala, sapagkat sinasabi ng iba na si Juan na Tagapagbautismo ay nabuhay muli mula sa kamatayan, \v 8 at sinabi ng iba na nagpakita si Elias, at sabi ng iba na isa sa mga sinaunang propeta ang muling nabuhay. \v 9 Sinabi ni Herodes, "Pinapugutan ko si Juan, ngunit patungkol kanino itong mga bagay na naririnig ko?" At sinubukan ni Herodes na gumawa ng paraan upang makita si Jesus.