tl_luk_text_ulb/08/51.txt

1 line
458 B
Plaintext

\v 51 Pagkatapos, nang siya ay dumating sa bahay, hindi niya pinayagan ang sinuman na pumasok kasama niya, maliban kina Pedro, Juan, at Santiago, ang ama ng batang babae, at ang kaniyang ina. \v 52 Ngayon, lahat ng taong naroroon ay nagluluksa at tumataghoy para sa kaniya, ngunit sinabi niya, "Huwag kayong tumaghoy. Hindi siya patay, ngunit natutulog lamang." \v 53 Ngunit siya ay pinagtawanan nila nang may pangungutya, sa pagkakaalam na siya ay patay na.