tl_luk_text_ulb/08/49.txt

1 line
321 B
Plaintext

\v 49 Habang siya ay patuloy pang nagsasalita, may isang lumapit mula sa bahay ng pinuno ng sinagoga, na nagsasabi, "Ang iyong anak na babae ay patay na. Huwag mong gambalain ang guro." \v 50 Ngunit nang marinig iyon ni Jesus, siya ay sumagot sa kaniya, "Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang, at siya ay maliligtas."