tl_luk_text_ulb/07/39.txt

1 line
367 B
Plaintext

\v 39 Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya sa kaniyang sarili, na nagsasabi, "Kung ang taong ito ay isang propeta, malalaman niya sana kung sino at anong klaseng babae ang humahawak sa kaniya, na siya ay isang makasalanan." \v 40 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Simon, mayroon akong sasabihin sa iyo." Sinabi niya, "Sabihin mo, Guro!"