tl_luk_text_ulb/06/06.txt

1 line
552 B
Plaintext

\v 6 Nangyari sa ibang Araw ng Pamamahinga na siya ay pumunta sa sinagoga at nagturo sa mga tao doon. Isang tao ang naroon na tuyot ang kanang kamay. \v 7 Ang mga eskriba at mga Pariseo ay nagmamanman sa kaniya upang makita kung si Jesus ay magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga, upang sila ay makahanap ng dahilan upang siya ay paratangan na gumagawa ng masama. \v 8 Ngunit alam niya kung ano ang kanilang iniisip at sinabi niya sa tao na may tuyot na kamay, "Tumayo ka, at pumunta ka dito sa gitna ng lahat." Kung kaya't ang tao ay tumayo at pumaroon.