tl_luk_text_ulb/06/03.txt

1 line
507 B
Plaintext

\v 3 Sumagot si Jesus sa kanila na sinabi, "Hindi man lamang ba ninyo nabasa ang tungkol sa ginawa ni David nang siya ay magutom, siya at ang kaniyang mga kasamang kalalakihan? \v 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos, at kinuha ang tinapay na handog at kumain ng ilan sa mga ito, at ibinigay din ang ilan sa kaniyang mga kasamang kalalakihan para kainin, kahit na ayon sa batas mga pari lamang ang pwedeng kumain." \v 5 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, "Ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga."