tl_luk_text_ulb/05/29.txt

1 line
698 B
Plaintext

\v 29 Pagkatapos ay naghanda si Levi sa kaniyang bahay ng malaking handaan para kay Jesus, at maraming mga maniningil ng buwis ang nandoon, at iba pang mga taong nakasandal sa mesa ang kumakain kasama nila. \v 30 Ngunit ang mga Pariseo at kanilang mga eskriba ay nagreklamo sa kaniyang mga alagad sinasabing, "Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ang mga naniningil ng buwis at iba pang mga taong makasalanan?" \v 31 Sumagot si Jesus sa kanila, "Ang mga taong malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot, ang mga taong may sakit lamang ang nangangailangan nito. \v 32 Hindi ako dumating upang tawagin sa pagsisisi ang mga taong matuwid, kundi tawagin sa pagsisisi ang mga taong makasalanan."