tl_luk_text_ulb/05/01.txt

1 line
559 B
Plaintext

\c 5 \v 1 Ngayon nangyari na habang nagsisiksikan ang maraming tao sa paligid ni Jesus at nakikinig sila sa salita ng Diyos, si Jesus ay nakatayo sa tabi ng lawa ng Genesaret. \v 2 Nakakita siya ng dalawang bangka na nakapagilid sa pampang ng lawa. Nakababa na ang mga mangingisda mula dito at naglilinis sila ng kanilang mga lambat. \v 3 Sumakay si Jesus sa isa sa mga bangka, na pagmamay-ari ni Simon at hiniling niya sa kaniya na dalhin niya ito sa tubig na hindi kalayuan sa dalampasigan. Pagkatapos ay umupo siya at nagturo sa mga tao habang nasa bangka.