tl_luk_text_ulb/04/40.txt

1 line
401 B
Plaintext

\v 40 Nang palubog na ang araw, dinala ng mga tao kay Jesus ang bawat may sakit at may iba't ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa bawat isa sa kanila at sila ay gumaling. \v 41 May mga demonyo din na lumabas mula sa kanila, sumusigaw at nagsasabi, "Ikaw ang Anak ng Diyos!" Sinaway ni Jesus ang mga demonyo at hindi niya sila pinayagang magsalita, dahil alam nila na siya ang Cristo.