tl_luk_text_ulb/04/35.txt

1 line
560 B
Plaintext

\v 35 Sinaway ni Jesus ang demonyo, na nagsasabi, "Manahimik ka at lumabas ka sa kaniya!" Nang naihagis ng demonyo ang lalaki sa kalagitnaan nila, siya ay lumabas mula sa kaniya na walang nangyaring masama sa lalaki. \v 36 Lahat ng tao ay lubhang namangha, at sila ay patuloy na nag-uusap sa isa't isa sa nangyari. Sinabi nila, "Anong uri ang mga salitang ito? Inutusan niya ang mga maruruming espiritu na may kakayahan at kapangyarihan at sila ay lumabas." \v 37 Kaya nagsimulang kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa bawat bahagi ng nakapaligid na rehiyon.