tl_luk_text_ulb/01/56.txt

1 line
361 B
Plaintext

\v 56 Nanatili si Maria kina Elisabet ng mga tatlong buwan at pagkatapos ay bumalik siya sa kaniyang bahay. \v 57 Ngayon ay dumating ang panahon ng panganganak ni Elisabet at nagsilang siya ng isang lalaki. \v 58 Narinig ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na ang Panginoon ay nagpakita ng dakilang habag para sa kaniya, at sila ay nagalak kasama niya.