tl_luk_text_ulb/01/18.txt

1 line
513 B
Plaintext

\v 18 Sinabi ni Zacarias sa anghel, "Paano ko malalaman ito? Sapagkat ako ay matanda na at ang aking asawa ay napakatanda na rin." \v 19 Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, "Ako si Gabriel na nakatayo sa presensiya ng Diyos. Inatasan ako upang makipag-usap sa iyo, upang iparating sa iyo ang mabuting balita. \v 20 Masdan mo, magiging pipi ka, hindi ka makapagsasalita hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito. Ito ay dahil sa hindi ka naniwala sa aking mga salita na matutupad ito sa tamang panahon."