tl_luk_text_ulb/01/01.txt

1 line
494 B
Plaintext

\c 1 \v 1 Marami na ang sumubok na bumuo ng salaysay tungkol sa lahat ng bagay na naganap sa aming kalagitnaan, \v 2 gaya ng binigay nila sa amin, sila na sa simula pa ay naging saksi at mga lingkod ng mensahe. \v 3 Kaya naman minabuti ko rin, sapagkat siniyasat ko nang mabuti ang lahat ng pangyayaring ito mula pa noong simula—na sumulat ng isang maayos na salaysay ng mga bagay na ito para sa iyo—pinakatanyag na Teopilo. \v 4 Nang sa gayon ay matiyak mo ang mga bagay na itinuro sa iyo.