\v 1 Nangyari sa isang Araw ng Pamamahinga, nang pumunta si Jesus sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Pariseo upang kumain ng tinapay, na minamanmanan nila si Jesus. \v 2 Masdan ito, doon sa kaniyang harapan ay may isang lalaking nagdurusa dahil sa pamamanas. \v 3 Tinanong ni Jesus ang mga dalubhasa sa kautusan ng Judio at ang mga Pariseo, "Naaayon ba sa batas na magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?"