tl_jhn_text_ulb/21/04.txt

1 line
463 B
Plaintext

\v 4 Nang magbubukang liwayway na, tumayo si Jesus sa dalampasigan, ngunit hindi nakikilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus. \v 5 At sinabi ni Jesus sa kanila, "Mga kabataan, mayroon ba kayong kahit anumang makakain? Sumagot sila sa kaniya, "Wala." \v 6 Sinabi niya sa kanila, "Ihagis ninyo ang lambat sa kanang bahagi ng bangka at mayroon kayong mahuhuli." Kaya inihagis nga nila ang kanilang lambat, ngunit hindi na nila ito mahatak dahil sa dami ng mga isda.