tl_jhn_text_ulb/19/23.txt

1 line
574 B
Plaintext

\v 23 Pagkatapos ipako ng mga sundalo si Jesus, kinuha nila ang kaniyang kasuotan at pinaghatihati ng apat, isang bahagi sa bawat sundalo, at gayon din ang tunika. Ngayon ang tunika ay walang tahi, ito ay hinabi mula sa itaas at sa lahat ng bahagi. \v 24 Pagkatapos sinabi nila sa isa't isa, "Huwag nating punitin ito, sa halip tayo ay magsapalaran para dito upang malaman natin kung kanino ito mapupunta." Nangyari ito upang maganap ang kasulatan na nagsasabi, "Pinaghati-hatian nila ang mga kasuotan ko sa kanilang mga sarili, at para sa aking damit sila ay nagsapalaran."