tl_jhn_text_ulb/18/28.txt

1 line
447 B
Plaintext

\v 28 Pagkatapos ay dinala nila si Jesus mula kay Caifas patungo sa Pretorio. Umagang-umaga pa noon at sila mismo ay hindi pumasok sa Pretorio upang hindi sila marumihan at upang sila ay makakain sa Paskwa. \v 29 Kaya lumabas si Pilato sa kanila at sinabing, "Anong paratang ang dala-dala ninyo laban sa lalaking ito?" \v 30 Sumagot sila at sinabi sa kaniya, "Kung ang lalaking ito ay hindi manggagawa ng masama, hindi namin siya dadalhin sa iyo."