tl_jhn_text_ulb/17/06.txt

1 line
466 B
Plaintext

\v 6 Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa mundo. Sila ay iyo; at ibinigay mo sila sa akin, at pinanatili nila ang iyong salita. \v 7 Ngayon, alam nila na kahit anumang mga bagay na ibinigay mo sa akin ay nagmula sa iyo, \v 8 dahil ang mga salitang ibinigay mo sa akin -- ibinigay ko ang mga salitang ito sa kanila. Tinanggap nila ang mga ito at totoong nalaman na ako ay nanggaling sa iyo, at naniwala sila na ako ay isinugo mo.