tl_1jn_text_ulb/04/11.txt

1 line
510 B
Plaintext

\v 11 Minamahal, kung tayo'y lubos na minahal ng Diyos, nararapat din nating mahalin ang bawat isa. \v 12 Walang sinuman ang nakakita kailanman sa Diyos. Kung mahal natin ang isa't isa, ang Diyos ay mananatili sa atin at ang pag-ibig niya ay lubos na nasa atin. \v 13 Sa pamamagitan nito malalaman natin na tayo ay nananatili sa kanya at siya sa atin, dahil binigay niya sa atin ang kanyang Espiritu. \v 14 At nakita natin at nasaksihan na ipinadala ng Ama ang kanyang anak upang maging tagapagligtas ng mundo.