initial conversion

This commit is contained in:
Larry Versaw 2018-03-19 09:36:17 -06:00
parent 11af168643
commit 8f35e9b785
1051 changed files with 15657 additions and 0 deletions

4090
bible/asterisk.txt Normal file

File diff suppressed because it is too large Load Diff

14
bible/kt/abomination.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# kasuklam-suklam
Ang salitang "kasuklam-suklam" ay ginagamit na tumutukoy sa isang bagay na dahilan ng pagkakasuka o matinding hindi pagkakagusto.
* Itinuring ng mga taga-Egipto ang mga taong Hebreo na "kasuklam-suklam." Ito ay nangangahulugan na ayaw ng mga taga-Egipto na makasama ang mga Hebreo o mapalapit sila sa kanila.
* Ang ilan sa mga bagay na tinatawag ng Bibliya "na kasuklam-suklam kay Yahweh" kabilang ang: pagsisinungaling, pagmamataas, paghahandog ng mga tao, pagsasamba ng mga diyus-diyosan, pagpatay, at sekswal na mga kasalanan tulad ng pangangalunya at pakikisiping sa kapwa babae o lalaki.
* Sa pagtuturo sa kaniyang mga alagad patungkol sa katapusan ng mga panahon, tinutukoy ni Jesus ang isang propesiya ni propeta Daniel patungkol sa isang "kasuklam-suklam na lagim" na itatakda bilang paghihimagsik laban sa Diyos, pagdungis ng kaniyang lugar sambahan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Ang salitang "kasuklam-suklam" ay maaaring isalin na: "bagay na kinapupootan ng Diyos" o "isang kasuklam-sakulam na gawain" o "nakamumuhing gawain" o "napakasamang gawain."
* Depende sa konteksto, mga paraan sa pagsalin sa parirala na "ay isang kasuklam-suklam sa" maaaring kabilang ang: "labis na ikinagagalit ng" o "kasuka-suka sa" o "lubusang hindi katanggap-tanggap sa" o "dahilan ng malalim na pagkamuhi."
* Ang pariralang "kasuklam-suklam na lagim" maaaring isalin na, pagdungis sa bagay na dahilan sa mga tao na lubusang mapinsala" o "nakamumuhing bagay na dahilan ng lubusang kalungkutan."

12
bible/kt/adoption.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,12 @@
# pag-aampon
Ang salitang "pag-aampon" ay tumutukoy sa kaparaanan na ang tao ay legal na naging anak ng mga tao na hindi niya tunay na mga magulang.
* Ginagamit ng Bibliya ang "pag-aampon" at "pag-ampon" sa talinghagang paraan upang ilarawan kung paano ginawa ng Diyos na maging bahagi ng kaniyang pamilya ang mga tao, ginagawa silang maging kaniyang espiritwal na mga anak na lalaki at mga babae.
* Bilang ampon na mga anak, ang mga mananampalataya ay tagapagmana kasama ni Jesu Cristo, na mayroong karapatan sa lahat ng pribilihiyo ng mga anak ng Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Ang salitang ito ay maaaring isalin kasama ang salita na ang wika ng pagsasalin ay ginagamit na ilarawan nitong natatanging relasyon ng magulang at anak. Tiyakin na ito ay naiintindihan, na ito ay may talinghaga o espiritwal na kahulugan.
* Ang salitang, "nakaranas ng pag-aampon bilang anak na lalaki" ay maaaring isalin na, "ina-ampon ng Diyos bilang kaniyang mga anak" o "maging sa Diyos."

15
bible/kt/adultery.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,15 @@
# pangangalunya,
Ang salitang "pangangalunya" ay tumutukoy sa kasalanan kung saan ang may asawang tao ay nakipagsiping sa ibang tao na hindi niya asawa. Ang salitang "pangangalunya" ay naglalarawan sa ganitong uri ng ugali o ang tao na nakagawa nitong kasalanan.
* Ang salitang "nangangalunya" ay tumutukoy sa pangkalahatan sa kahit sinong tao na nakagawa ng pangangalunya.
* Minsan ang salitang "babaeng nangangalunya" ay ginagamit upang tukuyin na ang babae ang nakagawa ng pangangalunya.
* Ang pangangalunya ay sisira sa mga pangako na ginawa ng asawang lalaki at asawang babae sa isa't-isa sa kanliang kasunduan ng pag-aasawa.
* Inuutusan ng Diyos ang mga Israelita na hindi gagawa ng pangangalunya.
* Ang salitang "pangangalunya" ay karaniwang ginagamit sa talinghagang paraan na naglalarawan sa mga tao ng Israel bilang hindi tapat sa Diyos, lalo na nang sila'y nagsamba ng mga diyus-diyosan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Kung ang wika na isasalin ay wala ni isang salita na nangangahulugang "pangangalunya" ang salitang ito ay maaaring isalin sa mga salita tulad ng, "pagkakaroon ng sekswal na relasyon kasama ang ibang asawa" o "nakikipagtalik kasama ang ibang asawa."
* Ang ilang wika ay maaaring may paliguy-ligoy na paraan na sinasabi patungkol sa pangangalunya, tulad ng "natutulog sa ibang asawa" o "pagiging hindi tapat sa isang asawa."

12
bible/kt/almighty.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,12 @@
# Makapangyarihan
Ang salitang "Makapangyarihan" ay nangangahulugang "makapangyarihan sa lahat"; sa Biblia, palagi itong tumutukoy ito sa Diyos.
* Ang mga katawagan na "ang Makapangyarihan" o "Ang Isang Makapangyarihan" ay tumutukoy sa Diyos at pagbubunyag na mayroon siyang ganap na lakas at kapangyarihan sa lahat ng bagay.
* Ginamit din ang salitang ito para ilarawan ang Diyos sa mga tawag na, "Makapanyarihang Diyos" o "Diyos na Makapangyarihan" o "Panginoong Makapangyarihan" o "Panginoong Diyos na Makapangyarihan."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Maaari rin isalin ang salitang ito katulad ng "Makapangyarihan sa lahat" o "Lubos na Nag-iisang Makapangyarihan" o "Diyos na makapangyarihang lubos."
* Mga paraan para isalin ang salitang "Panginoong Diyos na Makapangyarihan" ay, "Diyos, ang Makapangyarihang Tagapamahala" o "Makapangyarihan Pinakadakilang Diyos" o "Makapangyarihang Diyos na Panginoon sa lahat ng bagay."

8
bible/kt/altar.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,8 @@
# altar
Ang altar ay itinayong estruktura na kung saan ang mga Israelita ay nagsunog ng mga hayop at mga butil bilang pag-aalay sa Diyos.
* Sa panahon ng Bibliya, ang simpleng altar ay madalas na yari sa tambak na dumi o sa pamamagitan ng maingat na paglilipat sa malaking mga bato upang makabuo ng matibay na salansan.
* Ilang sa natatanging kwadradong-hugis na altar ay gawa sa kahoy na pinatungan ng mga bakal, katulad ng ginto, o tanso.
* Ang ibang mga pangkat ng tao na nakatira malapit sa mga Israelita ay gumawa din ng mga altar para maghandog ng mga pag-aalay sa kanilang mga diyus diyosan.

35
bible/kt/amen.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,35 @@
# amen, tunay, tunay nga
Ang salitang "amen" ay isang salitang ginamit upang mabigyang diin o tumawag ng pansin kung ano ang sinabi ng isang tao. Madalas itong isalin na "tunay o totoo" kapag sinabi ito ni Jesus.
* Kapag ginamit ito sa wakas ng panalangin, ang "amen" ay nagpapabatid ng
kasunduan kasama ang pananalangin o paghahayag ng hangarin na ang
panalangin ay matutupad.
* Sa kaniyang pagtuturo, ginamit ni Jesus ang "amen" upang pagtibayan ang
kaniyang sinabi. Madalas niya itong sinusundan ng "At sinasabi ko sa iyo" upang
pasimulan ng iba pang katuruan na kaugnay ng kaniyang sinabi.
* Ilan sa mga salin sa Ingles ay isinasalin itong "tunay". Ginagamit ito para
mabigyan ng diin ang isang bagay o para iparating na ang sinabi ay tapat o totoo.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Ituring kung ang wikang isasalin ay may natatanging salita o salitang ginamit
para mabigyan ng diin ang isang bagay na sinabi.
* Kapag ginamit sa wakas ng panalangin o upang tiyakin ang isang bagay, ang
"amen" ay maaaring isalin na, "hayaang mangyari" o "nawa ay maaaring
mangyari" o "iyon ay totoo."
* Nang sinabi ni Jesus, "totoong sasabihin ko sa inyo", maaari din itong isalin na,
"tapat ko itong sasabihin sa inyo" o "iyon ay totoo, at "sasabihin ko din ito sa
inyo."
* Ang salitang, "totoo, totoong sasabihin ko sa inyo." ay maaaring isalin na
"sasabihin ko sa inyo ng labis na may katapatan" o "labis na masugid ko itong
sasabihin sa inyo" o "anuman ang sasabihin ko sa inyo ay totoo."

20
bible/kt/angel.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,20 @@
# anghel, arkanghel
Ang anghel ay isang makapangyarihang nilalang na espiritu na ginawa ng Diyos. Ang mga anghel ay umiiral upang paglingkuran ang Diyos sa paggagawa sa anumang sabihin niya sa kanila na gawin. Ang salitang "arkanghel" ay tumutukoy sa anghel na namumuno sa lahat ng iba pang mga anghel.
* Ang salitang "anghel" ay literal na nangangahulugang "mensahero."
* Ang salitang "arkanghel" ay literal na nangangahulugang "punong mensahero." Ang anghel lamang na tinukoy sa Bibliya bilang isang "arkanghel" ay si Miguel.
* Sa Bibliya, ang mga anghel ay nagbigay ng mga mensahe para sa mga tao mula sa Diyos. Ang mga mensaheng ito ay kabilang ang mga tagubulin tungkol sa ninais ng Diyos na gawin ng mga tao.
* Ang mga anghel din ang nagsabi sa mga tao tungkol sa mga pangyayari na mangyayari pa lang sa hinaharap o mga pangyayaring naganap na.
* Ang mga anghel ay mayroong kapangyarihan ng Diyos bilang kaniyang mga kinatawan at kung minsan sa Bibliya, nagsalita sila na para bang Diyos mismo ang nagsasalita.
* Ang iba pang mga paraan sa paglilingkod ng mga anghel sa Diyos ay sa pamamagitan ng pangangalaga at pagpapatibay sa mga tao.
* Ang isang natatanging salitang, "anghel ni Yahweh" ay mayroong higit sa isang maaaring kahulugan: 1) Maaaring ibig sabihin nito ay "anghel na kumakatawan mismo kay Yahweh." 2) Maaari din itong tumukoy kay Yahweh mismo, na katulad ng isang anghel habang nakikipag-usap sa isang tao.
Alinman sa mga kahulugang ito ay maaaring ipaliwanag ang paggamit ng anghel sa salitang "Ako" na parang si Yahweh mismo ang nagsasalita.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Mga paraan ng pagsasalin ng "anghel" ay maaaring, "mensahero mula sa Diyos" o "panlangit na manlilingkod ng Diyos" o "espiritung mensahero ng Diyos."
* Ituring din ito kung paano ang mga salitang ito ay isinalin sa pambansang wika o isa pang pansariling wika.
* Ang salitang "anghel ni Yahweh" ay dapat isalin gamit ang salita para sa salitang "anghel" at "Yahweh". Ito ay upang maaring magbigay ng iba't-ibang mga pagpapakahulugan sa salitang iyon. Maaaring mga pagsasalin ay kabilang ang, "anghel mula kay Yahweh" o "anghel na ipinadala ni Yahweh" o "Yahweh na kamukha ng isang anghel."

19
bible/kt/anoint.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,19 @@
# magpahid, pinahiran
Ang salitang "magpahid" ay nangangahulugan na ang langis ay ihaplos o ibuhos sa isang tao o bagay. Kung minsan ang langis ay hinahaluan ng mga pampabango kung saan nagbibigay ito ng matamis, at mabangong amoy. Ang salitang ito ay ginagamit din sa paglalarawan sa Banal na Espiritu sa pamimili at pagbibigay niya ng kapangyarihan sa isang tao.
* Sa Lumang Tipan, ang mga pari, mga hari, at mga propeta ay pinapahiran ng langis upang sila ay ilaan sa natatanging paglilingkod sa Diyos.
* Mga bagay katulad ng mga altar o tabernakulo ay pinapahiran din ng langis upang maipakita na ang mga ito ay gagamitin sa pagsamba at sa pagluwalhati sa Diyos.
* Sa Bagong Tipan, ang mga maysakit na tao ay pinapahiran ng langis upang gumaling.
* Ang Bagong Tipan ay nakapagtala ng dalawang beses na si Jesus ay pinahiran ng pinabanguhang langis ng isang babae, bilang pagpapakita ng kaniyang pagsamba. Isang araw sinabi ni Jesus na sa paggawa nito, inihahanda siya nito sa kaniyang hinaharap na libing.
* Pagkatapos mamatay ni Jesus, hinanda ng kaniyang mga kaibigan ang kaniyang katawan para sa libing sa pamamagitan ng pagpahid ng mga langis at pabango.
* Ang mga katawagang "Mesias" (Hebreo) at "Cristo" (Griyego) nangangahulugang "Ang Pinili."
* Si Jesus na Mesiyas ay siyang napili at napahiran bilang isang Propeta, Punong Pari, at Hari.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Depende sa konteksto, ang salitang "magpahid" ay maaring isalin na "pagbuhos ng langis" o "lagyan ng langis sa" o "naialay sa pamamagitan ng pagbuhos ng pinabanguhang langis."
* Sa "pagiging napahiran" ay maaring isalin na " naialay sa pamamagitan ng paglagay ng langis." o "hinirang" o "naialay."
* Sa ibang konteksto ng salitang "magpahid" maaring isalin na "hinirang." or 'pinili'.
* Ang mga salita tulad ng "ang hinirang na pari," pwedeng isalin na "ang paring naialay sa pamamagitan ng paglagay ng langis" o "ang paring inilaan sa pamamagitan ng pagbubuhos ng langis."

14
bible/kt/antichrist.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# anticristo
Ang salitang "anticristo" ay tumutukoy sa isang tao o katuruan laban kay Jesu Cristo at kaniyang gawa. Maraming mga anticristo sa mundong ito.
* Isinulat ni apostol Juan na ang isang tao ay ang anticristo kung siya ay manlilinlang ng mga tao sa pamamagitan ng pagsasabi na si Jesus ay hindi ang Mesiyas o kung kaniyang tanggihan na si Jesus ay parehong Diyos at tao.
* Itinuturo rin ng Bibliya na may isang espiritu ng anticristo sa mundo kung saan tumututol sa gawa ni Jesus.
* Ang librong Pahayag sa Bagong Tipan ay nagpapaliwanag na may isang taong tinatawag na anticristo na maihahayag sa mga huling araw. Ang taong ito'y magtatangkang puksain ang mga tao ng Diyos, ngunit siya'y tatalunin ni Jesus.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Maaaring isalin ang salitang ito sa isang salita o mga salitang nangangahulugang "tumututol kay Cristo" o "kaaway ni Cristo" o "taong laban kay Cristo."
* Ang mga salitang, "espiritu ng anticristo" ay maaaring isalin na, "espiritung laban kay Cristo."

14
bible/kt/apostle.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# apostol, pagka-apostol
Ang mga "apostol" ay mga lalaking isinugo ni Jesus upang ipangaral ang tungkol sa Diyos at sa kaniyang kaharian. Ang salitang "pagka-apostol" ay tumutukoy sa isang katayuan at kapangyarihan ng mga pinili bilang mga apostol. Ang apostol ay may parehong kapangyarihan katulad ng nagsugo sa kaniya.
* Ang salitang "apostol" ay nangangahulugang "isang taong isinugo para sa isang natatanging layunin."
* Ang labindalawang malalapit na apostol ni Jesus ang naging mga unang alagad. Ang ibang mga lalaki, katulad ni Pablo at Santiago, ay naging mga alagad din.
* Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, ang mga alagad ay may kakayahang ipangaral ng may tapang ang ebanghelyo at magpagaling ng mga tao, kabilang ang pagpwersa sa mga demonyo na lumabas sa katawan ng mga tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Ang salitang "apostol" ay maaari ring isalin sa pamamagitan ng salita na nangangahulugang "isang taong isinugo" o "isang ipinadala" o "ang taong ipinadala para magpangaral ng mensahe ng Diyos sa mga tao."
* Mahalagang isalin ang salitang "apostol" at "mga alagad" sa magkaibang mga paraan.
* Maaaring isaalang-alang kung paano ang salitang ito ay isinalin sa isang pagsasalin sa Bibliya sa isang lokal o pambansang wika.

14
bible/kt/appoint.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# humirang, hinirang
Ang mga salitang "humirang" at "hinirang" ay tumutukoy sa pagpili ng isang tao upang tuparin ang isang tiyak na gawain o tungkulin.
* Ang salitang "hirangin" ay maaaring tukuyin para sa pagiging "napili" upang makatanggap ng isang bagay, katulad sa, "nahirang patungo sa walang hanggang buhay." Ito ay nangangahulugang sila ay pinili upang makatanggap ng walang hanggang buhay.
* Ang salitang "hinirang panahon" ay tumutukoy sa "piniling panahon" o "binalak na panahon" ng Diyos sa isang bagay na mangyayari.
* Ang salitang "maghirang" ay maaaring ibig sabihin na isang "utos" o "magtalaga" ng isang tao para gawin ang isang bagay.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Depende sa konteksto, mga paraan upang isalin ang "humirang" ay maaaring "pagpili" o "pagtalaga" o "pormal na pagpili" o "maatasan."
* Ang salitang "hinirang" ay maaaring isalin bilang, "itinalaga" o "binalak" o "tiyak na napili."
* Ang salitang "nahirang" ay maaring isalin bilang, "napili."

10
bible/kt/ark.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,10 @@
# Arko
Ang salitang, "Arko" ay literal na tumutukoy sa yaring kahoy na kahon na hugis parihaba na ginawa upang hawakan o pangalagaan ang isang bagay. Ang isang arko ay maaaring malaki o maliit sa sukat, depende kung paano ito gagamitin.
* Sa Bibliyang Ingles, ang salitang "arko" ay unang ginamit upang tukuyin ang isang napaka-laki, hugis parihabang yari sa kahoy na bangka na itinayo ni Noe upang takasan ang baha sa buong mundo. Ang arko ay may pantay o patag na ilalim, may bubong, at mga dingding.
* Mga paraan upang isalin ang salitang ito ay, "napaka-laking bangka" o "lantsa" o "barkong may lulan" o "malaking, hugis kahon na bangka."
* Ang salitang Hebreo na ginamit upang tukuyin ang malaking bangka ay parehong salita na ginamit para sa basket o kahon na nagtaglay sa sanggol na si Moises nang ilagay siya ng kaniyang ina sa Ilog Nilo upang itago siya. Ito ay karaniwang isinasalin bilang "basket."
* Ang salitang "kaban ng tipan," ay ibang salitang Hebreo na ginagamit para sa "arko." Maaari itong isalin bilang "kahon" o "baul" o "sisidlan."
* Sa pagpili ng isang salita upang isalin ang "arko," mahalaga sa bawat konteksto na isaalang-alang kung anong laki nito at kung paano at saan ito ginagamit.

View File

@ -0,0 +1,11 @@
# kaban ng tipan, kaban ng tipan ng kautusan, kaban ni Yahweh
Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa isang natatanging baul na gawa sa kahoy, na nababalutan ng ginto, iyon ay naglalaman ng dalawang tapyas na mga bato kung saan ang Sampung Utos ay nakasulat. Ito rin ay naglalaman ng tungkod ni Aaron at isang sisidlan na naglalaman ng mana.
* Ang salitang "kaban" dito ay maaaring isalin bilang "kahon" o "baul" o "sisidlan."
* Ang mga bagay sa baul ay nagpapa-alala ng tipan ng Diyos sa mga Israelita.
* Ang kaban ng tipan ay matatagpuan sa "pinaka-banal na lugar".
* Ang presensiya ng Diyos ay nasa ibabaw ng kaban ng tipan sa pinaka-banal na lugar ng tabernakulo, kung saan nakipag-usap ang Diyos kay Moises para sa mga Isaraelita.
* Sa panahon na ang kaban ng tipan ay nasa pinaka-banal na lugar ng templo, ang pinakapunong pari noon ang kaisaisa na maaaring lumapit sa kaban, minsan sa isang taon sa Araw ng Pagsisisi.
* Maraming salin sa Ingles na isinasalin ang salitang "tipan ng kautusan" literal na "patotoo." Ito ay tumutukoy sa katotohan na ang Sampung Kautusan ay isang patotoo o saksi sa tipan ng Diyos sa kaniyang mga tao. Ito rin ay maaring isalin bilang "tipan ng batas."

14
bible/kt/atonement.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# pagbabayad, bayad
Ang mga salitang "bayad" at "pagbabayad" ay tumutukoy kung papaanong ang Diyos ay nagbigay ng handog upang bayaran ang mga kasalanan ng mga tao at upang pahupain ang kaniyang galit sa kasalanan.
* Sa panahon ng Lumang Tipan, pinapayagan ng Diyos ang pansamantalang pagbabayad na ginagawa para sa kasalanan ng mga Israelita sa pamamagitan ng paghahandog ng dugong handog, na kalakip ang pagpakatay ng hayop.
* Ayon sa nakatala sa Bagong Tipan, ang kamatayan ni Cristo sa krus ay ang nag-iisa, totoo, at permanenting kabayaran sa kasalanan.
* Noong namatay si Jesus, kinuha niya ang kaparusahan na nararapat sa mga tao dahil sa kanilang kasalanan. Binayaran niya ang bayad na halaga sa pamamagitan ng kaniyang sakripisyong kamatayan.
Mga Mungkahi sa Pagsalin
* Maaaring isalin ang salitang "bayad" sa salita o mga salita na ang kahulugan ay, "bayad sa" o "magbigay ng pambayad sa" o "dahilan upang mapatawad ang kasalanan ng isang tao" o "gumawa ng bayad-pinsala sa krimen."
* Maaaring isama sa mga pamaraan ng pagsalin sa "pagbabayad" ang "kabayaran" o "sakripisyo upang ibayad sa kasalanan" o "ibigay ang kailangan ng kapatawaran."
* Tiyakin na ang pagsalin sa salitang ito ay hindi tumutukoy sa pambayad na pera.

15
bible/kt/atonementlid.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,15 @@
# takip ng pagbabayad
Ang "takip ng pagbabayad" ay pirasong ginto na ginagamit pangtakip sa taas ng kaban ng kasunduan. Sa maraming salin sa English, ito rin ay tumutukoy sa "panakip ng pagbabayad."
* Ang takip ng pagbabayad ay nasa mga 115 sentimetro ang haba at 70 sentimetro ang lapad.
* Sa itaas ng takip ng pagbabayad ay dalawang gintong kerubin na ang kanilang mga pakpak ay magkadikit o magkasagi.
* Sinabi ni Yahweh na makikipagtagpo siya sa mga Israelita sa taas ng takip ng pagbabayad, sa ilalim ng nakabukang mga pakpak ng kerubin. Tanging ang pinakapunong pari lamang ang pinapayagang gumawa nito, bilang kinatawan ng mga tao.
* Minsan ang takip ng pagbabayad ay tinukoy na "luklukan ng awa" dahil ito ay nagpapakita sa habag ng Diyos na bumaba upang tubusin ang mga makasalanang tao.
Mga Mungkahi sa Pagsalin
* Iba pang mga paraan sa pagsalin ng salitang ito ay maaaring ibilang ang "panakip ng kaban kung saan ang Diyos ay nangako ng pagtubos" o "lugar kung saan ang Diyos magbabayad" o "takip ng kaban kung saan ang Diyos magpapatawad at magpapanumbalik."
* Maaaring kahulugan din ay "lugar ng pagsusuyo."
* Ihambing ang salitang ito kung papaano mo sinalin ang "pagbabayad," at "pagtubos."

14
bible/kt/authority.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# kapangyarihan
Ang salitang "kapangyarihan" ay tumutukoy sa lakas ng panghihikayat at pamamahala ng isang tao sa isa pang tao.
* Ang mga hari at iba pang namamahalang mga pinuno ay may kapangyarihan sa mga tao na kanilang pinamumunuan.
* Ang salitang "may kapangyarihan" ay tumutukoy sa mga tao, pamahalaan, o samahan na mayroong kapangyarihan sa iba.
Mga Mungkahi sa Pagsalin
* Maaaring isalin ang kapangyarihan sa "pamamahala" o "karapatan" o "mga katangian."
* Minsan ang salitang "kapangyarihan" ay ginamit kasama ang salitang "lakas" o "kakayanan."
* Kapag ang "may kapangyarihan" ay ginamit upang tumutukoy sa mga tao o samahan na nangunguna sa mga tao, maaaring isalin din ito na "mga pinuno" o "mga namamahala" o "mga makapangyarihan."
* Maaaring isalin ang salitang "sa kaniyang sariling kapangyarihan" na "kaniyang sariling karapatang mamuno" o "ayon sa kaniyang sariling mga katangian."

12
bible/kt/baptize.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,12 @@
# bautismuhan, bautismo
Sa Bagong Tipan, ang mga salitang "bautismuhan" at "bautismo" ay kadalasang tumutukoy sa seremonya ng pagpapaligo ng isang Kristiyano sa pamamagitan ng tubig upang ipakitang siya ay nalinisan na mula sa kasalanan at nakipag-isa kay Cristo.
* Maliban sa bautismo sa tubig, nagbanggit ang Bibliya tungkol sa "pagbautismo sa Banal na Espiritu" at "pagbautismo sa apoy."
* Ang salitang "bautismo" ay ginamit din sa Bibliya upang tumukoy sa pagdaan sa matinding pagdurusa.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Magkakaiba ang mga pananaw ng mga Kristiyano tungkol sa kung paano dapat mabautismuhan ang isang tao sa tubig. Marahil, pinakamainam na isalin ang salitang ito sa pangkalahatang paraan na maaari pinapahintulutan ang ibang mga paraan ng paggamit ng tubig.
* Depende sa konteksto, ang salitang "pagbautismo" ay maaaing isalin na "linisin," "ibuhos sa," "ilubog"

9
bible/kt/believe.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,9 @@
# pagsampalataya, pagtiwala, paniniwala
Ang mga salitang "pagsampalataya" at "pagtiwala sa" ay may malapit na kaugnayan, ngunit may kaunting pagkakaiba ang mga kahulugan.
Mga mungkahi sa Pagsasalin:
* Ang "pagsampalataya" ay maaaring isalin na "nalalaman na totoo" o "nalalaman na tama."
* Ang "pagtiwala sa" ay maaaring isalin na "magtiwala ng lubusan" o "magtiwala at sumunod" o "ganap na magtiwala at sumunod."

14
bible/kt/beloved.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# minamahal
Ang salitang "minamahal" ay isang pagpapahayag ng pagsinta na naglalarawan sa isang taong minamahal at iniibig ng isa pang tao.
* Ang salitang "minamahal" ay literal na nangangahulugang "mahal (na tao)" o "(na siyang) minahal."
* Tinatawag ng Diyos si Jesus bilang kaniyang "minamahal na Anak."
* Sa kanilang mga liham sa mga iglesiyang Kristiyano, kadalasang tinatawag ng mga apostol ang kanilang mga kapwa mananampalataya bilang "minamahal."
Mga mungkahi sa Pagsasalin:
* Ang salitang ito ay maaari ring isalin na "mahal" o "mahal na tao" o "mahal na mahal" o "labis na iniibig."
* Sa konteksto ng pakikipag-usap tungkol sa malapit na kaibigan, ito ay maaaring isalin na "aking mahal na kaibigan" o "aking malapit na kaibigan." Sa Ingles, natural itong sabihin na, "my dear friend, Paul (aking mahal na kaibigang Pablo)" o "Paul, who is my dear friend. (Pablo, na aking mahal na kaibigan.)" Mas natural sa ibang mga wika kapag inayos ito sa ibang paraan.
* Pansinin na ang salitang "minamahal" ay nanggagaling sa salita para sa pagmamahal ng Diyos, na walang pasubali, hindi makasarili, at nagpapasakit.

13
bible/kt/birthright.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,13 @@
# karapatan ng unang isinilang
Ang salitang "karapatan ng unang isinilang" sa Bibliya ay tumutukoy sa karangalan, pangalan ng pamilya, at pisikal na kayamanan na karaniwang ibinibigay sa unang anak na lalaki sa pamilya.
* Kalakip sa karapatan ng unang isinilang na anak na lalaki ay ang dobleng bahagi sa pamana ng ama.
* Ang unang anak na lalaki ng hari ay karaniwang nabibigyan ng karapatan ng unang isinilang na mamuno pagkatapos mamatay ang kaniyang ama.
* Ipinagbili ni Esau ang kaniyang karapatan ng unang isinilang sa kaniyang nakababatang kapatid na si Jacob. Dahil dito, si Jacob ang nagmana ng basbas sa unang anak na lalaki sa halip na si Esau.
* Ang karapatan ng unang isinilang kasama din ang karangalan ng pagkakaroon ng pamilya na matunton ang kaapu-apuhan sa pamamagitan ng hanay ng unang anak na lalaki.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Ang maaaring mga paraan sa pagsalin ng "karapatan ng unang isinilang" ay maaring kasama ang, mga "karapatan at kayamanan ng unanag anak na lalaki" o "karangalan ng pamilya" o "karapatan at mana ng unang anak."

12
bible/kt/blameless.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,12 @@
# walang maipuna, walang masabi
Ang salitang "walang maipuna" ay literal na nangangahulugang "walang maibintang." Ito ay ginagamit na tumutukoy sa tao na sumunod sa Diyos ng buong puso, ngunit hindi nangangahulugang ang taong iyon ay walang kasalanan.
* Si Abraham at si Noe ay ibinilang na walang maipuna sa harapan ng Diyos.
* Ang tao na ang reputasyon sa pagiging "walang maipuna" ay kumikilos sa paraan na nagbibigay karangalan sa Diyos.
* Ayon sa isang talata, ang tao na walang maipuna ay "tao na may takot sa Diyos at tumatalikod sa kasamaan."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Maaari din itong isalin na, "walang kamalian sa kaniyang ugali" o "ganap na masunurin sa Diyos" o "umiiwas sa kasalanan" o "lumalayo mula sa kasamaan."

13
bible/kt/blasphemy.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,13 @@
# kalapastanganan, paglapastangan
Sa Bibliya, ang salitang "kalapastanganan" ay tumutukoy sa pagsasalita sa paraan na nagpapakita ng labis na walang paggalang sa Diyos o mga tao. Ang "paglapasatangan" sa isang tao ay pagsasalita laban sa taong iyon upang ang iba ay mag-isip ng mali o masama patungkol sa kaniya.
* Karaniwan, ang paglapastangan sa Diyos ay nangangahulugan ng paninirang puri o paglait sa kaniya sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga bagay na hindi totoo patungkol sa kaniya o sa pamamagitan ng pagkilos sa imoral na paraan na hindi pagbigay karangalan sa kaniya.
* Isang kalapastanganan sa isang tao ang pag-angkin na siya ay diyos o pag-angkin na may diyos maliban sa nag-iisa at totoong Diyos.
* Ang ibang bersiyon sa Englis isinalin ng salitang ito na "paninirang puri" kung tumutukoy sa panglalapastang sa mga tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Ang "paglapastangan" ay maaaring isalin na, "pagsabi ng masama laban kay" o "sa paglagay sa Diyos sa kahihiyan" o "sa paninirang puri."
* Mga paraan sa pagsalin ng "kalapastanganan" ay maaaring kasama ang, "pagsasalita ng mali patungkol sa iba" o "paninirang puri" o "pagpapakalat ng maling mga alingawngaw."

20
bible/kt/bless.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,20 @@
# pagpalain, pinagpala, pagpapala
Ang "pagpalain" ang isang tao o isang bagay ay nangangahulugan na naisin ang maganda at kapaki-pakinabang na mga bagay na mangyayari sa isang tao o bagay na pinagpala.
* Ang pagpapala sa isang tao ay nangangahulugan din ng pagpapahayag ng pagnanais sa positibo at kapakipakinabang na mga bagay na mangyayari sa taong iyon.
* Sa panahon ng Bibliya, kadalasang inihahayag ng ama na pormal ang pagpapala sa kaniyang mga anak.
* Kung "pagpalain" ng mga tao ang Diyos o nagpapahayag ng pagnanais na pagpalain, nangangahulugan ito na sila ay nagpupuri sa kaniya.
* Ang salitang "pagpalain" minsan ay ginagamit sa paglaan ng pagkain bago ito kainin, o sa pagpapasalamat at nagpuri sa Diyos dahil sa pagkain.
//puna mula sa baba: mahalaga na hindi ipaliwanag, o bigyang halaga, o nakatutok sa pinagmulan ng salitang "pagpalain" na nagmumungkahi sa payabong o masaganang sa mga bagay na materyal o pisikal na kabutihan. Isaalang-alang ang malawak na katuruan ng kasulatan sa pagmamahal ng Diyos, habag at biyaya na hindi lamang noon ngunit sa ngayon. Isaalang-alang ang pag-aaruga at presensiya ng Espiritu ng Diyos. Upang pagpalain natin ang Diyos, maaari tayong maghandog ng pagpapasalamat, pagpapahalaga, at pag-uunawa habang natuto at sumunod sa kaniya.//
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Ang "pagpalain" ay maaaring isalin na, "magbigay ng kasaganahan sa" o maging mabait at pagsang-ayon sa."
* "Nagdadala ang Diyos ng malaking pagpapala sa" ay maaaring isalin na, "nagbigay ang Diyos ng maraming magagandang mga bagay sa."
* "Pinagpala siya" ay maaaring isalin na, "labis siyang nakikinabang" o "nakatamasa siya ng magagandang mga bagay" o "Diyos ang dahilan sa kaniyang pagyabong."
* "Pinagpala ang tao na" ay maaaring isalin na, "Mabuti sa taong iyon na."
* Ang kasabihan tulad ng, "pinagpala ang Panginoon" maaari itong isalin na, "nawa'y mapuri ang Panginoon" o "papuri sa Diyos" o "ako ay nagpupuri sa Diyos."
* Sa konteksto ng pagpapala ng pagkain, ito ay maaaring isalin na, "salamat sa Diyos sa pagkain" o "salamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanila ng pagkain" o ilaan ang pagkain sa pamamagitan ng pagpupuri nito sa Diyos."

17
bible/kt/blood.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,17 @@
# dugo
Ang salitang "dugo" ay tumutukoy sa pulang likido na lumalabas sa balat ng tao kapag mayroong pinsala o sugat. Nagdadala ng buhay at sustansiya ang dugo sa buong katawan ng tao.
* Sumasagisag ang dugo ng buhay at kung dadaloy ito o mabubuhos, sumasagisag ito na wala ng buhay, o pagkamatay.
* kung gagawa ng mga alay ang mga tao sa Diyos, magkakatay sila ng isang hayop at ibubuhos nila ang kaniyang dugo sa altar. Sumasagisag ito na ang buhay ng inalay na hayop ay bayad sa kasalanan ng mga tao.
* Sa pamamagitan ng kaniyang pagkamatay sa krus, sumasagisag ang dugo ni Jesus na naglilinis sa mga tao mula sa kanilang mga kasalanan at nagbayad sa kaparusahan na sila ang karapat-dapat sa mga kasalanang iyon.
* Ang salitang "laman at dugo" ay talinhaga na tumutukoy sa isang tao
* Ang talinhagang "sariling laman at dugo" ay tumutukoy sa taong magkadugo.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Dapat isalin ang salitang ito kasama ang salita na ginagamit sa dugo sa isasalin na wika.
* Ang talinhagang "laman at dugo" ay maaaring isalin na, "mga tao" o "tao."
* Depende sa konteksto, ang talinhagang "sarili kung laman at dugo" ay maaaring isalin na "ang aking pamilya" o "ang aking mga kamag-anak" o "sarili kung mga tao."
* Kung may talinhaga sa wika na isasalin na ginagamit sa ganitong kahulugan, maaaring gamitin ang talinhagang iyon upang isalin ang "laman at dugo."

17
bible/kt/boast.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,17 @@
# magyabang, mapagyabang
Ang salitang "magyabang" ay nangangahulugan na pagsasalita na nagmamataas tungkol sa isang bagay o isang tao. Madalas itong nangangahulugan na ipagmayabang ang sarili.
* Ang isang tao na "mapagyabang" ay nagsasalita tungkol sa kaniyang sarili sa mapagmataas na paraan.
* Pinagsalitaan ng Diyos ang mga Israelita sa "pagyayabang" sa kanilang mga diyus-diyosan. Mapagmataas nilang sinamba ang mga diyus-diyosan sa halip na ang tunay na Diyos.
* Nagsasabi din ang Bibliya tungkol sa mga tao na nagyayabang sa mga bagay katulad ng kanilang kayamanan, kanilang lakas, kanilang masaganang lupain, at kanilang mga batas. Nangangahulugan ito na nagmamalaki sila sa mga bagay na ito at hindi nila kinikilala na ang Diyos ang siyang nag-bibigay sa lahat ng mga bagay.
* Sinabi ng Diyos sa mga Israelita na "magyabang" o "ipagmalaki" ang tungkol sa katotohanang kilala nila siya.
* Ang apostol na si Pablo ay nagsalita din tungkol sa pagmamalaki nila sa Panginoon, na nangangahulugang kagalakan at pasalamat sa lahat ng ginawa ng Diyos sa kanila.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Maaaring kabilang sa iba pang paraan upang isalin ang "magyabang" ang "maghambog" o "pagsasalita na mapagmataas" o "maging mapagmataas."
* Ang salitang "magyabang" ay maaaring isalin sa pamamagitan ng isang salita na nangangahulugang, "puno ng mayabang na pananalita" o "mapagmataas" o "pananalita ng mapagmataas tungkol sa sarili."
* Sa konstekto ng pagyayabang o tungkol sa pagkilala sa Diyos, maaari itong isalin na "pigilan ang pagmamataas" o "magpuri" o "magalak ng lubos' o "magpasalamat sa Diyos."
* Ilan sa mga wika ay may dalawang salita para sa "mapagmataas": isa doon ay negatibo, kasama ang kahulugan na pagiging mayabang, ang isa naman ay positibo, kasama ang kahulugan ng mapagmataas sa gawa ng isang tao, pamilya, o bansa.

18
bible/kt/body.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,18 @@
# katawan
Ang salitang "katawan" ay literal na tumutukoy sa pisikal na katawan ng tao o hayop. Ang salitang ito ay ginamit din na matalinghaga upang tumukoy sa isang bagay o buong pangkat na mayroong pansariling mga kasapi.
* Madalas, ang salitang "katawan" ay tumutukoy sa patay na tao o hayop. Minsan ito ay tumutukoy katulad ng isang "patay na katawan" o isang "bangkay."
* Nang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad sa kaniyang huling hapunan, "Itong (tinapay) ay aking katawan," tinutukoy niya ang kaniyang pisikal na katawan na ibig niyang "pagpirasauhin" (mamatay) upang mabayaran ang kanilang mga kasalanan.
* Sa Bibliya, ang mga Kristiyano bilang isang pangkat ay tinukoy bilang ang "katawan ni Cristo."
* Katulad ng isang pisikal na katawan na may maraming bahagi, ang "katawan ni Cristo" ay may maraming pansariling mga kasapi.
* Bawat isang mananampalataya ay may natatanging tungkulin sa katawan ni Cristo upang tumulong sa buong pangkat na magtrabaho ng magkakasama upang maglingkod sa Diyos at magdala sa kaniya ng kaluwalhatian.
* Si Jesus ay tinukoy din bilang "ulo" (pinuno) ng "katawan" ng kaniyang mga mananampalataya. Katulad lamang ng ulo ng isang tao na nagsasabi kung ano ang gagawin ng kaniyang katawan, kaya si Jesus ang isang gumagabay at namamahala sa mga Kristiyano bilang mga kasapi ng kaniyang "katawan".
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Ang pinakamahusay na paraan para isalin ang salitang ito kasama ang salita na pinaka karaniwang ginamit upang tumukoy sa isang pisikal na katawan sa isasalin na wika. Siguraduhin na ang salitang ginamit ay hindi nakakasakit na salita.
* Kapag tumutukoy sa mga mananampalataya, para sa ilang mga wika, ito ay maaaring mas lalo pang magiging natural at tama na sabihing, "espirituwal na katawan ni Cristo."
* Kapag sinabi ni Jesus na, "Ito ang aking katawan" mas mahusay itong isalin ng literal, na may tanda para ipaliwanag ito kung kailangan.
* Ilan sa mga wika ay maaaring may hiwalay na salita kung tumutukoy sa patay na katawan, katulad ng "bangkay" para sa isang tao o "patay na hayop" para sa hayop. Siguraduhin na ang salitang ginamit para isalin ito ay nagbigay ng kahulugan sa wikang isinasalin at katanggap-tanggap.

18
bible/kt/bond.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,18 @@
# gapusin, paggapos, nakagapos
Ang salitang "gapusin" ay nangangahulugang talian ang isang bagay o ikabit ito ng mahusay. Ang isang bagay na nakatali o pinagsama ay tinatawag na "paggapos."
* Ang "nakagapos" ay nangangahulugan na ang isang bagay ay nakatali o naibalot sa isang bagay.
* Ang salitang "paggapos" ay tumutukoy sa anumang bagay na ginagapos, inilagay o kinukulong ang isang tao. Ito ay karaniwang tumutukoy sa pisikal na mga kadena, pataw sa paa o lubid na pumipigil sa tao sa pagkilos na malaya.
* Sa panahon ng Bibliya, ang paggapos tulad ng mga lubid o mga kadena ay ginagamit upang ikabit ang mga bilanggo sa pader o sa sahig sa bato na kulungan.
* Ang salitang "gapusin" ay maaari din gamitin na ang ibig sabihin ay pagbalot ng tela palibot sa isang sugat upang tulungan ito na gumaling.
* Ang patay na tao ay maaaring "nakabalot" sa tela sa paghahanda sa paglibing.
* Ang salitang "paggapos" ay ginagamit sa talinghaga na tumutukoy sa isang bagay, tulad ng kasalanan, na humahawak o nag-aalipin sa isang tao.
* Ang paggapos ay maaari ding tumutukoy sa malapit na relasyon sa pagitan ng mga tao kung saan tinutulongan nila ang isa't isa sa emosyon, espiritwal at sa pisikal. Ito ay ginagamit sa "paggapos sa pag-aasawa".
* Halimbawa, ang asawang lalaki at asawang babae ay "nakatali" o nabigkis sa isa't isa. Ito ay bigkis na ayaw ng Diyos na masira.
* Ang tao ay maaari ding "nakatali" sa isang pangako, na ang ibig sabihin siya ay "kailangang tuparin" kung ano ang kaniyang ipinangako na gawin.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Ang salitang "gapusin" ay maaaring isalin tulad ng "bigkis" o "ibigkis" o "ibalot."

16
bible/kt/bornagain.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,16 @@
# ipinanganak muli, ipinanganak sa Diyos, bagong kapanganganak
Ang salitang "ipinanganak muli" ay unang ginamit ni Jesus upang ilarawan kung ano ang kahulugan nito para sa Diyos upang baguhin ang isang tao mula sa pagkamatay espirituwal patungong pagkabuhay sa espirituwal, ang mga salitang "ipinanganak sa Diyos" at "ipanganak sa Espiritu" ay tumutukoy din sa pagbibigay ng bagong buhay sa espirituwal.
* Lahat ng mga tao ay ipinanganak na patay sa espirituwal at binigyan ng "bagong kapanganganak" nang tanggapin nila si Jesu Cristo bilang kanilang tagapagligtas.
* Sa sandaling ng bagong kapanganakang espirituwal, ang Banal na Espiritu ng Diyos ay nag-uumpisang manirahan sa bagong mananampalataya at binigyan siya ng kapangyarihan upang gumawa ng mabuting espirituwal na bunga sa kaniyang buhay.
* Ito ang gawain ng Diyos na maipanganak muli ang isang tao maging anak niya.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Iba pang paraan sa pagsalin ng "ipinanganak muli" ay "muling ipanganak" o "ipinanganak sa espirituwal."
* Pinakamahusay na isalin ito sa salitang literal at gumamit ng karaniwang salita sa wika na gagamitin para sa ipinanganak.
* Ang salitang "bagong panganak" ay maaaring isalin na, "pinanganak sa espirituwal."
* Ang salitang "pinanganak sa Diyos" ay maaaring isalin na, "binigyan ng Diyos ng panibagong buhay katulad ng isang bagong panganak na sanggol" o "bagong buhay na ibinigay ng Diyos."
* Sa parehong pamamaraan, ang "ipinanganak sa Espirituwal" ay maaaring isalin na, "panibagong buhay na ibinigay ng Banal na Espiritu" o "binigyan ng lakas mula sa Banal na Espiritu upang maging anak ng Diyos" o " ng dahil sa Espiritu ng Diyos nagkaroon ng panibagong buhay katulad ng bagong silang na sanggol."

17
bible/kt/brother.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,17 @@
# kapatid na lalaki
Ang salitang "kapatid na lalaki" ay tumutukoy sa isang taong lalaki na may kaugnayan sa isang tao sa dahilang iisa ang kanilang mga magulang.
* Sa Lumang Tipan, ang salitang "mga kapatid" ay ginagamit din bilang pangkalahatang pagtukoy sa mga kamag-anak, katulad ng mga pangkat ng magkaparehong tribu, angkan, o pangkat ng mga tao.
* Sa Bagong Tipan, madalas ginagamit ng mga apostol ang "mga kapatid" upang tukuyin ang mga kapwa Kristiyano, kabilang ang mga lalaki at babae, yaman din namang ang lahat ng mananampalataya kay Cristo ay mga kasapi ng isang espirituwal na pamilya, ang Diyos bilang kanilang Amang nasa langit.
* Sa ilang mga beses sa Bagong Tipan, ang mga apostol ay ginamit ang salitang "kapatid na babae" kapag tinutukoy ng may katiyakan ang isang kapwa Kristiyano na isang babae, o bigyang-diin na ang mga lalaki at babae ay kasama. Halimbawa, binigyang-diin ni Santiago na siya ay nakikipag-usap tungkol sa lahat ng mga mananampalataya nang tukuyin niya ang "isang kapatid na lalaki o babae na nangangailangan ng pagkain at mga kasuotan."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Mas mabuting isalin ang salitang ito sa isang literal na salita na ginagamit sa wikang isasalin upang tumukoy sa isang likas o natural na kapatid, maliban kung ito ay magbibigyan ng maling kahulugan.
* Sa Lumang Tipan lalo na, kapag ang "mga kapatid" ay ginamit sa isang pangkalahatan upang tukuyin ang mga kasapi ng iisang pamilya, angkan, o pangkat ng mga tao, ito ay maaaring isalin na: ang mga "kamag-anak" o "mga kasapi ng angkan" o "mga kapwa Israelita."
* Sa salita na tumutukoy sa isang kapwa mananampalataya kay Cristo, ang salitang ito ay maaaring isalin bilang, "kapatid kay Cristo" o "espirituwal na kapatid."
* Kung parehong mga lalaki at babae ang mga tinutukoy sa "kapatid" at maaarin itong magbigay ng maling kahulugan, maraming gumamit ng pangkalahatang salita ng pagkakamag-anak na maaring gamitin at idagdag o ibilang ang parehong mga lalaki at babae.
* Sa mga ibang paraan sa pagsasalin ng salitang ito, upang tumukoy ito sa parehong lalaki at babaeng mga mananampalataya ay maaaring maging isalin na "kapwa mga mananampalataya" o "mga kapatid na lalaki at babaeng Kristiyano."
* Tiyaking tama ang salita upang malaman kung lalaki lamang ang siyang tinutukoy, o kung parehong mga lalaki at babae angtinutukoy.

26
bible/kt/call.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,26 @@
# tawag, pagkatawag, tinawag, tumawag
Ang mga salitang "tawag" at "tinawag" ay literal na nangangahulugang may malakas na sasabihin sa isang tao sa hindi kalayuan. "Mayroon ding ilang mga matalinghagang kahulugan ito.
* ng "tumawag" sa isang tao ay nangangahulugang sumigaw o magsalita ng malakas sa taong malayo. Maaari din itong mangahulugan na humiling sa isang tao ng tulong, lalo na sa Diyos.
* adalas sa Bibliya, ang "tawag" ay may kahulugan na "ipatawag" o "utusan na lumapit" o "pakiusapang lumapit."
* umatawag ang Diyos ng mga tao na lumapit sa kaniya at maging kaniyang mga tao. Ito ang kanilang "pagkatawag".
* ng salitang "tinawag" ay ginamit sa Bibliya upang ipakahulugan na nagtalaga ang Diyos o pumili ng mga tao upang maging kaniyang mga anak, upang maging kaniyang mga lingkod at mga tagapagpahayag ng kaniyang mensahe ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesus.
* ng salitang ito ay ginamit din sa konteksto ng pagtawag sa pangalan ng isang tao. Halimbawa, "Siya ay tinawag na Juan," na nangangahulugang, "Siya ay pinangalanang Juan" o "Ang kaniyang pangalan ay Juan."
* ng "tawagin sa pangalan ni" ay nangangahulugan na ang isang tao ay binigyan ng pangalan ng ibang tao. Sinabi ng Diyos na tinawag niya ang kaniyang mga tao sa kanilang pangalan.
* ng mgasalita na, "Tinawag ko kayo sa pangalan" ay nangangahulugan na alam ng Diyos ang pangalan ng isang tao at may tiyak na pagpili sa kaniya.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* ng salitang "tawag" ay maaaring isalin sa pamamagitan ng salita na nangangahulugang "ipinatawag," kung saan kabilang dito ang kaisipan ng pagsadya o layunin ng pagkatawag.
* ng talinghagang "tumawag sa iyo" ay maaaring isalin bilang "humingi sa iyo ng tulong" o "manalangin sa iyo ng matimtiman."
* apag sinabi ng Bibliya na "tinawag" tayo ng Diyos na maging kaniyang mga lingkod, maaaring isalin ito na, "natatanging pagpili sa atin" o "itinalaga tayo" upang maging kaniyang mga lingkod.
* Kailangan mong tawagin ang kaniyang pangalan" ay maaari ding isalin na, "kailangan mo siyang pangalanan."
* Ang tawag ng kaniyang kaniyang pangalan ay " ay maaaring isalin na, "ang kaniyang pangalan ay" o "siya ay pinangalanan na.
* ng "pagtawag" ay maaaring isalin" na "sabihin ng malakas" o "sumigaw" o "sabihin ng may malakas na tinig." Siguraduhin na ang pagsalin dito ay hindi nagpapakita na ang tao ay galit.
* Ang mga salitang 'ang iyong pagkatawag" ay maaring isalin na "ang iyong layunin" o "layunin ng Diyos para sa iyo" o " natatanging gawain ng Diyos para sa iyo."
* ng "tumawag sa pangalan ng Panginoon" ay maaaring isalin na "hanapin ang Diyos at umasa sa kaniya'' o " magtiwala sa Panginoon at sumunod sa kaniya."
* ng 'tumawag para sa" ay maaaring isalin na "humingi ng pagpilit sa isang bagay" o "humingi ng" o "iutos."
* ng "ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng aking pangalan" ay maaaring isalin na "Ibinigay ko sa iyo ang aking pangalan, na nagpapakita na ikaw ay akin."
* apag sinabi ng Diyos na, "Tinawag kita sa inyong pangalan" maaari itong isalin na "Alam ko ang iyong pangalan at pinili kita."

9
bible/kt/centurion.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,9 @@
# senturion
Ang senturion ay isang pinunong kawal ng Romano na mayroong isang pangkat ng isandaang mga sundalo sa ilalim ng kaniyang pamunuan.
* aaari din itong isalin na "pinuno ng isandaang mga lalaki" o " kawal na pinuno" o "pinuno na nangangalaga ng isangdaan sundalo."
* sang Romanong senturion ang pumunta kay Jesus upang hilingin ang kagalingan para sa kaniyang lingkod.
* ng senturion na may pananagutan sa pagpapapako kay Jesus ay namangha nang kaniyang nasaksihan kung paano namatay si Jesus.
* agpadala ng isang senturion ang Diyos kay Pedro upang maipaliwanag ni Pedro sa kaniya ang mabuting balita tungkol kay Jesus.

21
bible/kt/children.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,21 @@
# mga anak, bata
Sa Bibliya, madalas ginagamit ang katawagang "bata" upang pangkalahatang tukuyin ang isang taong nasa murang edad, kabilang ang mga sanggol. Ang mga saiatng "mga bata" ay ang pangmaramihang anyo at mayroon ding ilang mga matalinghagang gamit.
* a Bibliya, ang mga alagad o mga tagasunod ay tinatawag minsan na "mga anak."
* adalas ginagamit ang "mga anak" upang tukuyin ang mga kaapu-apuhan ng isang tao.
* ng pariralang "mga anak ng" ay maaaring tumukoy sa inilalarawan ng isang bagay. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay:
* ga anak ng liwanag
* ga anak ng pagsunod
* ga anak ng diyablo
* aaari ring tumukoy ang salitang ito sa mga taong katulad ng mga espirituwal na anak. Halimbawa, "mga anak ng Diyos" ay tumutukoy sa mga taong pag-aari ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* ng "mga anak" ay maaaring isalin na "mga kaapu-apuhan" kapag tumutukoy ito sa mga apo ng isang tao o pinaka-inapo, atbp.
* atay sa konteksto, ang "mga anak ng" ay maaaring isalin na, "mga taong may mga katangian ng" o "mga taong kumikilos gaya ng."
* ung maaari, dapat literal na isalin ang pariralang "mga anak ng Diyos" dahil mahalagang paksa sa Bibliya na ang Diyos ay ating Ama sa langit. Ang mga maaaring alternatibong pagsalin ay, "mga taong pag-aari ng Diyos" o "mga espirituwal na anak ng Diyos."
* ang tawagin ni Jesus na "mga anak" ang kaniyang mga alagad, maaari rin itong isalin na "mga minamahal na kaibigan" o "mga minamahal kong alagad."
* ang tawgin nina Pablo at Juan na "mga anak" ang mga mananampalataya kay Jesus, maaari rin itong isalin na, "mga minamahal kong kapwa mananampalataya."
* ng pariralang, "mga anak ng pangako" ay maaaring isalin na, "mga taong nakatanggap sa ipinangako ng Diyos sa kanila."

16
bible/kt/christ.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,16 @@
# Cristo, Mesias
Ang mga katawagang "Mesias" at "Cristo" ay nangangahulugang "ang Binasbasan" at tumutukoy kay Jesus na Anak ng Diyos.
* apwa ginamit ang "Mesiyas" at "Cristo" sa Bagong Tipan upang tukuyin ang Anak ng Diyos, na siyang hinirang ng Diyos Ama upang mamuno bilang hari sa kaniyang mga tao, at upang iligtas sila mula sa kasalanan at kamatayan.
* a Lumang Tipan, sumulat ang mga propeta ng mga propesiya tungkol sa Mesiyas daan-daang taon na ang nakalipas bago siya dumating sa daigdig.
* adalas ang salitang nangangahulugan na "(isang) binasbasan" ay ginamit sa Lumang Tipan upang tukuyin ang Mesiyas na darating.
* sinakatuparan ni Jesus ang marami sa mga propesiyang ito at gumawa ng maraming kamangha-manghang mga gawain na nagpatunay na siya ang Mesiyas; maisasakatuparan ang iba sa mga propesiyang ito kapag bumalik na siya.
* ng salitang "Cristo" ay madalas ginagamit bilang isang titulo, gaya ng "ang Cristo" at "Cristo Jesus."
* ng "Cristo" ay ginamit din upang gamitin bilang bahagi ng kaniyang pangalan, gaya ng "Jesu-Cristo."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* ng katawagang ito ay maaaring isalin sa pamamagitan ng paggamit ng kahulugan nito, "Ang Binasbasan" o "Binasbasan ng Diyos na Tagapagaligtas."
* araming mga wika ang gumagamit ng naisatitik na salitang may anyo o tunog na gaya ng "Cristo" o "Mesiyas."

15
bible/kt/christian.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,15 @@
# Kristiyano
Ilang panahon matapos bumalik si Jesus sa langit, ginawa ng mga tao ang pangalang "Kristiyano" na nangangahulugang "tagasunod ni Cristo."
* a lungsod ng Antioquia unang tinawag na "Kristiyano" ang mga tagasunod ni Jesus.
* ng Kristiyano ay isang taong naniniwala na si Jesus ang Anak ng Diyos, at nagtitiwala kay Jesus upang iligtas siya mula sa kaniyang mga kasalanan.
* a ating makabagong panahon, madalas ginagamit ang katawagang "Kristiyano" para sa isang taong kinikilala na kasama sa relihiyong Kristiyano, ngunit hindi talaga sumusunod kay Jesus. Hindi ito ang kahulugan ng "Kristiyano" sa Bibliya.
* ahil ang katawagang "Kristiyano" sa Bibliya ay laging tumutukoy sa isang taong tunay na naniniwala kay Jesus, ang isang Kristiyano ay tinatawag ding isang "mananampalataya."
Mga Mungkahi sa Pagsalin
* ng katawagang ito ay maaaring isalin na "tagasunod ni Cristo" o marahil gaya ng, "tao ni Cristo."
* iyakin na ang pagsalin sa katawagang ito ay isinalin nang naiiba sa mga katawagang ginamit para sa alagad o apostol.
* aging maingat sa pagsalin ng katawagang ito sa pamamagitan ng salitang maaaring tumukoy sa lahat ng mga naniniwala kay Jesus, hindi lamang isang pangkat.
* saalang-alang din kung paano isinalin ang katawagang ito sa pagsasalin ng Bibliya sa wikang pambayan o wikang pambansa.

16
bible/kt/church.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,16 @@
# iglesiya, Iglesiya, simbahan
Sa Bagong Tipan, ang salitang "simbahan" ay tumutukoy sa grupong pambayan ng mga mananampalataya kay Jesus na palaging nagtitipon upang manalangin at makinig sa salita ng Diyos na ipinapangaral. Ang salitang "ang Iglesiya" ay madalas tumutukoy sa lahat ng mga Kristiyano.
* iteral na tumutukoy ang salitang ito sa "ang tinawag" na pagtitipon o kapulungan ng mga taong nagtitipon para sa isang natatanging layunin.
* apag ginamit ang salitang ito upang tukuyin ang lahat ng mga mananampalataya sa lahat ng dako sa katawan ni Cristo, isinusulat ng ilang mga pagsalin sa Bibliya sa malaking titik ang unang titik ng ("Iglesiya") upang makita ang pagkakaiba nito mula sa simbahang pambayan.
* adalasan ang mga mananampalataya sa isang lungsod ay nagtitipun-tipon sa tahanan ng isang tao. Ang mga simbahang pambayang ito ay binigyan ng pangalan ng lungsod gaya ng "iglesiya sa Efeso."
* a Bibliya, ang "iglesiya" ay hindi tumutukoy sa isang gusali.
Mga Mungkahi sa Pagsalin
* ng salitang "iglesiya" ay maaaring isalin na "sama-samang nagtitipon" o "pagtitipon" o "kapulungan" o "mga nagtitipon-tipon."
* ng salita o pariralang ginamit upang isalin ang salitang ito ay dapat ding tumukoy sa lahat ng mga mananampalataya, hindi lamang sa isang maliit na grupo.
* iyakin na ang pagsalin sa "iglesiya" ay hindi lamang tumutukoy sa isang gusali.
* ng salitang ginamit upang isalin ang "pagtitipon" sa Lumang Tipan ay maaari ring gamitin upang isalin ang salitang ito.
* saalang-alang din kung paano ito isinalin sa pambayan o pambansang pagsasalin ng Bibliya.

17
bible/kt/circumcise.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,17 @@
# tuli, pagtutuli
Ang salitang "tuli" ay nagangahulugang hiwain ang unahang balat ng isang lalaki o batang lalaki. Ang seremonya ng pagtutuli ay maaaring gawin nang may kaugnayan dito.
* nutusan ng Diyos si Abraham na tuliin ang bawat lalaki sa kaniyang pamilya at ang mga lingkod bilang tanda ng kasunduan ng Diyos sa kanila.
* nutusan din ng Diyos ang mga kaapu-apuhan ni Abraham upang patuloy itong gawin sa bawat sanggol na lalaking isisilang sa kanilang sambahayan.
* ng pariralang, "pagtutuli ng puso" ay matalinghagang tumutukoy sa "pagpuputol" o pag-aalis ng kasalanan mula sa isang tao.
* a espiritwal na kahulugan, "ang tuli" ay tumutukoy sa mga taong nilinis ng Diyos mula sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Jesus at sila ay kaniyang mga tao.
* Ang salitang "hindi tuli" ay tumutukoy sa mga hindi pa natuli sa pisikal. Maaari rin itong matalinghagang tumukoy sa mga hindi pa natuli sa espiritwal, mga wala pang kaugnayan sa Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* ung ang kultura ng isasalin na wika ay nagsasagawa ng mga pagtutuli sa lalaki, ang salitang ginamit upang tukuyin ito ay dapat gamitin para sa salitang ito.
* ng iba pang paraan upang isalin ang salitang ito ay maaaring, "putulin sa palibot" o "putulin ng pabilog" o "putulin ang unahang balat."
* a mga kultura kung saan hindi kilala ang pagtutuli, maaaring kailangan itong ipaliwanag sa isang talababa o talahulugan.
* iyakin na ang salitang ginamit upang isalin ito ay hindi tumutukoy sa mga babae. Maaaring kailangang isalin ito sa pamamagitan ng salita o parirala na kabilang ang kahulugan ng "lalaki."

13
bible/kt/clean.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,13 @@
# malinis, linisin
Ang salitang "malinis" ay literal na nangangahulugang walang anumang karumihan o bahid. Sa Bibliya, madalas itong gamitin sa matalinghagang pamamaraan upang mangahulugang, "dalisay," "banal," o "malaya mula sa kasalanan."
* Ang "Linisin" ay ang proseso ng "paglilinis" sa isang bagay. Maaari rin itong isalin na "hugasan" o "dalisayin."
* a Lumang Tipan, sinabi ng Diyos sa mga Israelita kung aling mga hayop ang kaniyang tinukoy bilang "malinis" ayon sa ritwal at alin ang mga "hindi malinis." Ang mga malilinis na hayop lamang ang pinahihintulutan upang gamitin para sa pagkain o para sa handog. Sa kontekstong ito, ang salitang "malinis" ay nangangahulugan na ang hayop ay katanggap-tanggap sa Diyos para gamitin bilang isang handog.
* ng isang taong mayroong mga sakit sa balat ay hindi magiging malinis hangga't hindi pa tuluyang gumagaling ang balat upang hindi na makahawa. Ang mga panuntunan para sa paglilinis ng balat ay dapat sundin upang ang taong iyon ay maihayag na "malinis" muli.
* insan ang "malinis" ay matalinghagang ginagamit upang tukuyin ang moral na kadalisayan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* ng salitang ito ay maaaring isalin kasama ang karaniwang salita para sa "malinis" o "dalisay"

14
bible/kt/command.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# utos, utusan, kautusan
Ang salitang b"utusan" ay nangangahulugang atasan ang isang taong gumawa ng isang bagay. Ang "utos" o "kautusan" ay kung ano ang iniuutos na gawin ng isang tao.
* agaman ang mga salitang ito ay mayroon talagang parehong kahulugan, ang "kautusan" ay kadalasang tumutukoy sa mga tiyak na utos ng Diyos na mas pormal at permanente, gaya ng "Sampung Utos."
* ng isang utos ay maaaring positibo ("Igalang mo ang iyong mga magulang") o negatibo ("Huwag kang magnanakaw").
* ng "mag-utos" ay nangangahulugang upang "mamuno" o "mamahala" sa isang bagay o isang tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* inakamainam na isalin ang salitang ito sa ibang paraan mula sa salitang, "batas." Ihambing din sa mga kahulugan ng "atas" at "batas."
* Ang ilang mga tagapagsalin ay maaaring isalin ang "utos" at "kautusan" sa parehong salita sa kanilang wika.
* ng iba ay maaaring mas pipiliin na gumamit ng natatanging salita para sa kautusan na tumutukoy sa tumatagal, at pormal na mga utos na ginawa ng Diyos.

14
bible/kt/compassion.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# habag, pakikiramay, mahabagin
Ang salitang "habag" ay tumutukoy sa pakiramdam na pagmamalasakit para sa mga tao, lalo na para sa mga nagdurusa. Ang isang taong "mahabagin" ay mayroong pakialam sa ibang tao at tinutulungan sila.
* Ang salitang "habag" ay kadalasang may kasamang pag-aalaga sa mga taong nangangailangan, at gayundin ang pagtulong sa kanila.
* Sinasabi sa Bibliya na ang Diyos ay mahabagin, na siya ay puno ng pag-ibig at awa.
* Sa liham ni Pablo sa mga taga-Colosas, sinabi niya sa kanila na "bihisan ng habag ang kanilang mga sarili." Tinuturuan niya silang pangalagaan ang mga tao at aktibong tulungan ang iba pang nangangailangan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* ng literal na kahulugan ng "habag" ay "mga bituka ng awa." Ito ay isang talinghaga na nangangahulugang "awa" o "pagkaawa." Ang ibang mga wika ay maaaring mayroong sariling talinghaga na nangangahulugan nito.
* aaaring isama sa mga paraan ng pagsasalin ng "habag" ang "malalim na pangangalaga para sa" o "matulunging awa."
* Ang salitang "mahabagin" ay maaaring isalin na, "maalaga at matulungin" o "labis na mapagmahal at maawain."

14
bible/kt/condemn.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# hatulan, paghatol
Ang mga salitang "hatulan" at "paghatol" ay tumutukoy sa paghahatol sa isang tao dahil sa ginawa niyang masama.
* Madalas kasama sa salitang "hatulan" ang pagpaparusa sa taong iyon dahil sa ginawa nilang masama.
* Minsan it ay nangangahulugang "hinatulan" ng maling pagparatang ang isang tao o malupit na paghatol ng isang tao.
* Ang salitang "paghatol" ay tumutukoy sa paghahatol o pag-aakusa sa isang tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Batay sa konteksto, maaaring isalin ang salitang ito na "malupit na paghatol" o "maling pagpuna."
* Maaaring isalin ang salitang "hatulan siya" na "hatulan na siya ay may kasalanan" o "ipahayag na dapat siyang parusahan dahil sa kaniyang kasalanan."
* Maaaring isalin ang salitang "paghatol" na "malupit na paghahatol" o "pagpapahayag na nagkasala siya" o "kaparusahan sa kasalanan"

15
bible/kt/confess.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,15 @@
# aminin, pag-amin
Ang "aminin" ay nangangahulugan na tanggapin o ipahayag na ang isang bagay ay totoo. Ang isang "pag-amin" ay isang pagpapahayag o pagtanggap na totoo ang isang bagay.
* Maaaring tumutukoy ang salitang "aminin" sa matapang na pagpapahayag ng katotohanan tungkol sa Diyos. Tumutukoy din ito sa pagtanggap na nagkasala tayo.
* Sinasabi sa Bibliya na kapag inamin ng mga tao ang kanilang mga kasalanan sa Diyos, patatawarin niya sila.
* Isinulat ni apostol Santiago sa kaniyang liham na kung aaminin ng mga mananampalataya ang kanilang mga kasalanan sa isa't isa, magdudulot ito ng kagalingang espiritwal.
* Isinulat ni apostol Pablo sa mga taga-Filipos na balang araw aaminin o ipahahayag ng lahat na Panginoon si Jesus.
* Sinabi rin ni Pablo na kung aaminin ng mga tao na Panginoon si Jesus at maniwala na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas sila.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Depende sa konteksto, maaaring isama sa mga paraan ng pagsalin sa "aminin" ang "tanggapin" o "patunayan" o "ipahayag" o "kilalanin" o "pagtibayin."
* Ang ibang mga paraan ng pagsalin sa "pag-amin" maaaring maging, "pagpapahayag" o "pagpapatotoo" o "pahayag tungkol sa kung ano ang ating pinaniniwalaan" o "pagtanggap ng kasalanan."

10
bible/kt/conscience.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,10 @@
# budhi
Ang budhi ay bahagi ng pag-iisip ng isang tao kung saan sa pamamagitan nito ipinababatid ng Diyos sa kaniya na gumagawa siya ng isang bagay na masama.
* inigyan ng Diyos ang tao ng budhi upang tulungan sila na malaman ang pagkakaiba ng tama at mali.
* Ang isang taong sinusunod ang Diyos ay sinabing merong "dalisay" o "malinaw" o "malinis" na budhi.
* Kapag mayroong "malinaw na budhi", ang isang tao, nangangahulugang hindi siya nagtatago ng anumang kasalanan.
* Kapag ipinagwawalang-bahala ng isang tao ang kaniyang budhi at hindi na nakakaramdam ng anumang kamalian sa tuwing siya ay nagkakasala, nangangahulugan itong hindi na nakakaramdam ng anumang kamalian ang kaniyang budhi . Tinatawag ito sa Bibliya na "nanunuyong" budhi, na parang "tinatakan" sa pamamagitan ng isang mainit na bakal gaya ng isang budhing tinawag na "walang pakiramdam" at "marumi."
* Maaaring isama sa mga paraan ng pagsasalin sa salitang ito ang, "panloob na gabay sa magandang asal" o "mabuting pag-iisip."

14
bible/kt/consecrate.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# gawing banal
Ang "gawing banal" ay nangangahulugan na ilaan ang isang bagay o isang tao na maglingkod sa Diyos. Ang tao o bagay na ginawang banal ay itinuring na banal at ibinukod para sa Diyos.
* Ang kahulugan ng salitang ito ay tulad ng "pabanalin" o "gawing banal," ngunit may naidagdag na kahulugan ng pormal na pagbubukod sa isang tao para sa paglilingkod sa Diyos.
* Kasama ang mga hayop na ihahandog sa mga bagay na ginawang banal para sa Diyos, ang altar ng handog na susunugin, at ang tabernakulo.
* Kabilang ang mga taong ginawang banal para sa Diyos ang mga pari, ang mga tao sa Israel, at ang pinakamatandang anak na lalaki.
* Minsan ang salitang "gawing banal" ay may kahulugan na tulad ng "dalisayin," lalo na kung may kinalaman ito sa paghahanda ng tao o mga bagay para sa paglilingkod sa Diyos ng sa gayon maging malinis sila at maging katanggap-tanggap sa kaniya.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Maaaring isama sa mga paraan ng pagsalin sa "gawing banal" ang "ibukod para sa paglilingkod sa Diyos" o "dalisayin para sa paglilingkod sa Diyos."
* Isinasaalang-alang din kung paano isinalin ang mga salitang "banal" at "pabanalin".

16
bible/kt/cornerstone.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,16 @@
# panulukang bato
Ang salitang "panulukang bato" ay tumutukoy sa isang malaking bato na sadyang tinapyasan at inilagay sa sulok ng pundasyon ng isang gusali.
* Sinukat ang lahat ng ibang mga bato ng gusali at inilagay na nai-uugnay sa panulukang bato.
* Napakahalaga ito para sa kalakasan at katatagan ng buong gusali.
* Sa Bagong Tipan, matalinghagang inihambing ng Kapulungan ng mga mananampalataya ang isang gusali kung saan si Jesu-Cristo ay ang "panulukang bato" nito.
* Kung paanong ang panulukang bato ng isang gusali ay tumutulong at nalalaman ang kalagayan ng buong gusali, ganoon din si Jesu-Cristo ay ang panulukang bato kung saan ang Kapulungan ng mga mananampalataya ay itinatag at tinulungan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Ang salitang "panulukang bato" ay maaari ring isalin bilang "pangunahing bato ng gusali" o "pundasyong bato."
* Isaalang-alang kung ang wikang isasalin ay may katawagan para sa bahagi ng pundasyon na siyang pangunahing tumutulong sa isang gusali. Kung gayon, maaaring gamitin ang katawagang ito.
* Ang isa pang maaaring paraan upang isalin ito ay, "isang pundasyong bato na ginamit para sa sulok ng isang gusali."
* Mahalaga ito upang mapanatili ang katotohanan na ito ay isang malaking bato, ginamit bilang matatag at matibay na kagamitan sa isang gusali. Kung hindi ginamit ang mga bato para sa pagpapatayo ng mga gusali, marahil may ibang salita na maaring gamitin na nangangahulugang "malaking bato"

17
bible/kt/covenant.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,17 @@
# kasunduan
Ang isang kasunduan ay isang pormal pagkakasundo sa pagitan ng dalawang partido na dapat tuparin ng isa o dalawang partido.
* Ang pagkakasundong ito ay maaaring sa pagitan ng mga tao, sa pagitan ng pangkat ng mga tao, o sa pagitan ng Diyos at mga tao.
* Kapag gumawa ang mga tao ng isang kasunduan sa isa't isa, ipinapangako nila na gagawin nila ang isang bagay, at kailangan nila itong gawin.
* Ang mga halimbawa ng kasunduan ng mga tao ay tungkol sa pag-aasawa, pagkakasundo sa negosyo, at pakikitungo sa pagitan ng mga bansa.
* Sa buong Bibliya, gumawa ang Diyos ng ilang mga iba't ibang kasunduan sa kaniyang mga tao.
* Sa ilang mga kasunduan, nangako ang Diyos na tutuparin ang kaniyang bahagi nang walang hinihinging kapalit. Halimbawa nang pinagtibay ng Diyos ang kaniyang kasunduan sa sangkatauhan, nangangakong hindi kailanman muling sisirain ang mundo sa pamamagitan ng isang pagbaha sa buong mundo, ang pangakong ito ay walang hinihinging kapalit sa mga tao upang tuparin.
* Sa ibang mga kasunduan, ipinangako ng Diyos na tutuparin lamang niya ang kaniyang bahagi kung sumunod at tinupad ng mga tao ang kanilang bahagi sa kasunduan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Depende sa konteksto, maaaring isama sa mga paraan ng pagsalin ng salitang ito ang, "kasunduang nagbubuklod" o "pormal na pangako" o "pangako" o "kontrata."
* Maaaring may iba't ibang mga salita ang ilang mga wika para sa kasunduan, nababatay ito kung ang isang partido o ang dalawang partido ay may ginawang pangakong dapat nilang tuparin. Kung pumapanig lamang sa isa ang kasunduan, maaari itong isalin na "pangako" o "panunumpa."
* Tiyaking ang pagsasalin ng salitang ito ay nangangahulugan na hindi ang mga tao ang nagmungkahi ng kasunduan. Sa lahat ng mga pangyayari sa mga kasunduan sa pagitan ng Diyos at tao, ang Diyos lamang ang nagpasimula ng kasunduan.

14
bible/kt/covenantfaith.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# tipan ng katapatan, katapatan sa kasunduan
Ang mga salitang ito ay ginamit upang ilarawan ang sinabi ng Diyos na tutuparin ang mga pangako na ginawa niya sa kaniyang mga tao.
* Gumawa ng mga pangako ang Diyos sa mga Israelita sa pormal na kasunduan na tinawag na "mga kasunduan."
* Tutumutukoy ang "tipan ng katapatan" o "katapatan sa kasunduan" ni Yahweh sa katotohanang tinutupad niya ang kaniyang mga pangako sa kaniyang mga tao.
* ng katapatan ng Diyos na mapanatili niya ang kaniyang mga pangako sa kasunduan ay isang pagpapahayag ng kaniyang biyaya sa kaniyang mga tao.
* Ang salitang "katapatan" ay isa pang salita na tumutukoy sa pagiging tapat at maaasahan na gawin at sabihin kung ano ang ipinangako at kung ano ang pakikinabangan ng sinuman.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* ng paraan ng pagsalin sa salitang ito ay batay sa kung paano isinalin ang mga salitang "kasunduan" at "katapatan."
* Maaaring isalin ito na "tapat na pag-ibig" o "totoo at matapat na pag-ibig" o "maaasahan na may pagmamahal."

14
bible/kt/cross.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# krus
Sa panahon ng Bibliya, ang isang krus ay isang tuwid na posteng kahoy na nakabaon sa lupa, na may isang pahalang na kahoy na nakakabit malapit sa tuktok nito.
* Sa panahon ng Imperyong Romano, ang pamahalaang Romano ay nagpaparusa sa mga kriminal sa pamamgitan ng pagtatali o pagpapako sa kanila sa isang krus at iniiwan sila doon upang mamatay.
* Maling pinaratangan si Jesus ng mga krimeng hindi niya ginawa at pinatay siya ng mga Romano sa pamamagitan ng pagpapako sa krus.
Mga mungkahi sa pagsasalin
* Maaaring isalin ang salitang ito na ginagamit ang isang katawagan sa ibang mga wika na tumutukoy sa hugis ng isang krus.
* Isaalang-alang na ang paglalarawan sa krus bilang isang bagay kung saan pinapatay ang mga tao, ginamit ang mga salita kagaya ng "posteng bitayan" o "kahoy ng kamatayan."
* Isaalang-alang din kung paano isinalin ang salitang ito sa isang pagsasalin sa Bibliya sa isang lokal o pambansang wika.

12
bible/kt/crucify.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,12 @@
# ipako sa krus
Ang katawagang "ipako sa krus" ay nangangahulugan ng pagpatay sa isang tao sa pamamagitan ng paglagay sa kaniya sa isang krus at iwanan siya doon upang magdusa at mamatay sa labis na paghihirap.
* ng biktima ay maaaring igapos o ipako sa krus. Ang mga taong ipianako sa krus ay namamatay sa pagkaubos ng dugo o ng hininga.
* adalas gamitin ng sinaunang Emperyo ng Roma ang pamamaraang ito ng pagpatay upang parusahan at patayin ang mga taong kilabot na mga kriminal o naghimagsik laban sa kapangyarihan ng kanilang pamahalaan.
* iniling ng mga pinuno ng relihiyon ng mga Judio sa gobernador ng Roma na utusan ang kaniyang mga kawal upang ipako sa krus si Jesus. Ipinako sa krus ng mga kawal Jesus. Nagdusa siya doon ng anim na oras, at pagkatapos ay namatay.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* ng mga saliatang "ipako sa krus" ay maaaring isalin bilang, "patayin sa krus" o "patayin sa pamamagitan ng pagpako sa krus."

13
bible/kt/curse.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,13 @@
# sumpa, isinumpa
Ang salitang "sumpa" ay nangangahulugang maging dahilan upang mangyari ang negatibong mga bagay sa isang tao o bagay na isinumpa.
* ng sumpa ay maaaring isang pahayag na ang kapahamakan ay mangyayari sa isang tao o isang bagay.
* ng isumpa ang isang tao ay maaari ring maging pagpapahayag ng pagnanais na mangyari ang mga masasamang bagay sa kaniya.
* to rin ay maaaring tumutukoy sa kaparusahan o iba pang mga negatibong bagay na ninanais o gagawin ng isang tao upang mangyari sa ibang tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* ng salitang ito ay maaaring isalin na "dahilan upang mangyari ang mga masasamang bagay" o "magsasabi na may masamang bagay na mangyayari" o "sumumpa na maging dahilan upang mangyari ang mga masasamang bagay."
* a konteksto ng Diyos ang pagdadala ng mga sumpa sa kaniyang mga suwail na tao ay maaaring isallin na, "parusahan sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga masasamang bagay na mangyari."

View File

@ -0,0 +1,14 @@
# Anak na Babae ng Sion
Ang "Anak na Babae ng Sion" ay isang matalinghagang paraan ng pagtukoy sa mga tao sa Israel. Ito ay karaniwang ginamit sa mga propesiya.
* a Lumang Tipan, ang "Sion" ay madalas na ginamit bilang isa pang pangalan para sa lungsod ng Jerusalem.
* apwa ang "Sion" at "Jerusalem" ay ginamit din upang tukuyin ang Israel.
* ng salitang "Anak" ay isang katawagan ng pagmamahal o pagsuyo. Ito ay isang talinghaga para sa pagtitiis at pag-aalaga na mayroon ang Diyos para sa kaniyang mga tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* abilang sa mga paraan sa pagsalin nito ay, "aking anak na babae na Israel, mula sa Sion" o "mga tao mula sa Sion, na anak ang turing ko sa kanila" o "Sion, mga minamahal kong tao sa Israel."
* inakamainam na panatilihin ang katawagan na "Sion" sa pagpapahayag na ito yamang ito ay ginamit ng maraming ulit sa Bibliya. Ang tala ay maaaring isama sa pagsasalin upang ipaliwanag ang matalinghagang kahulugan nito at pangpropesiyang gamit.
* as mabuti rin na panatilihin ang salita na "anak" sa pagsasalin sa pagpapahayag na ito, hangga't naiintindihan ito ng tama.

14
bible/kt/dayofthelord.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# araw ng Panginoon, araw ni Yahweh
Sa Lumang Tipan ginamit ang mga salita na "araw ni Yahweh" upang tumukoy sa isang tiyak na panahon (o mga panahon) kapag paparusahan ng Diyos ang mga tao sa kanilang mga kasalanan.
* a Bagong Tipan ang mga salitang "araw ng Panginoon" ay karaniwang tumutukoy sa araw o oras kung kailan ang Panginoong Jesus ay babalik upang hatulan ang mga tao sa katapusan ng panahon.
* tong huli at panghinaharap na panahon ng paghatol at muling pagkabuhay, ay minsan ding tinutukoy na "huling araw." Ang panahong ito ay magsisimula kapag dumating ang Panginoong Jesus upang hatulan ang mga makasalanan at permanenteng itatatag ang kaniyang pamumuno.
* ng salitang "araw" sa mga pariralang ito ay minsang tumutukoy sa literal na araw o ito ay maaaring tumukoy sa "panahon" o "pagkakataon" na mas mahaba sa isang araw.
* insan ang kaparusahan ay tumutukoy bilang "pagbuhos ng matinding galit ng Diyos"
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* epende sa konteksto, ang ibang paraan ng pagsalin ng "araw ni Yahweh" ay maaaring, "panahon ni Yahweh" o "panahon na paparusahan ni Yahweh ang kaniyang mga kaaway" o "panahon ng poot ni Yahweh."
* ga ibang paraan upang isalin ang "araw ng Panginoon" ay maaaring "panahon ng paghatol ng Panginoon" o "panahon kapag ang Panginoong Jesus ay babalik upang hatulan ang mga tao."

9
bible/kt/deacon.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,9 @@
# diakono
Ang diakono ay isang tao na naglilingkod sa lokal na iglesiya, tumutulong sa mga kapwa mananampalataya na may praktikal na pangangailangan, gaya ng pagkain at pera.
* ng salitang "diakono" ay kinuha mula sa salitang Griyego na nangangahulugan na "lingkod" o "ministro."
* ula sa panahon ng mga sinaunang mga Kristiyano, ang pagiging isang diakono ay mayroong malinaw na tungkulin at ministeryo sa bahagi ng Iglesiya.
* alimbawa sa Bagong Tipan, tinitiyak ng mga diakono na anumang pera o pagkain na ibinahagi ng mga mananampalataya ay dapat na ipamahagi ng patas sa mga balong kasama nila.
* ng salitang "diakono" ay maaari ring isalin na, "ministro ng iglesiya" o "manggagawa ng iglesiya" o "lingkod ng iglesiya," o ilang mga parirala na nagpapakita na ang isang tao ay pormal na hinirang upang gumawa ng tiyak na mga gawaing pakikinabangan ng lokal na komunidad ng mga Kristiyano.

16
bible/kt/demon.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,16 @@
# demonyo, masamang espiritu, maruming espiritu
Tumutukoy ang lahat ng mga salitang ito sa mga demonyo na kung saan ito ay mga espiritu na sumasalungat sa kalooban ng Diyos.
* ilalang ng Diyos ang mga anghel upang paglingkuran siya. Nang maghimagsik ang diyablo laban sa Diyos, ilan ding mga anghel ang naghimagsik at itinapon sila palabas ng langit. Pinaniniwalaan na ang mga demonyo at mga masasamang espiritu ay ang mga "nahulog na mga anghel."
* ung minsan tinatawag ang mga demonyong ito na "maruming espiritu" na nangangahulugang "hindi malinis" o "masama" o "hindi banal".
* ahil naglilingkod ang mga demonyo sa diyablo, gumagawa sila ng mga masasamang bagay. Kung minsan naninirahan sila sa loob ng mga tao at pinamumunuan sila.
* as makapangyarihan ang mga demonyo kaysa sa mga tao, ngunit hindi makapangyarihan gaya ng Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* aaari ring isalin ang salitang "demonyo" bilang "masamang espiritu."
* aaari ring isalin ang salitang "maruming espiritu" na "hindi malinis na espiritu" o "madungis na espiritu" o "masamang espiritu."
* iguraduhin na ang salita o pariralang ginamit sa pagsalin sa salitang ito ay iba sa katawagang ginamit sa pagtukoy sa diyablo.
* saalang-alang din kung paano isinalin ang katawagang "demonyo" sa lokal o pambansang wika.

View File

@ -0,0 +1,11 @@
# sinapian ng demonyo
Ang taong sinapian ng demonyo ay may demonyo o masamang espiritu na pumipigil sa ginagawa at iniisip niya.
* adalas sinasaktan ng taong sinapian ng demonyo ang kaniyang sarili o ang ibang tao dahil sa demonyo na nagpapagawa sa kaniya nito.
* inagaling ni Jesus ang mga sinapian ng demonyo sa pamamagitan ng pag-uutos sa mga demonyo na lumabas sa kanila. Madalas itong tawagin na "pagpapalayas" ng mga demonyo.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* ng mga ibang paraan sa pagsalin sa katawagang ito ay maaaring isama ang, "kontrolado ng demonyo" o "kontrolado ng masamang espiritu" o "may naninirahan na masamang espiritu sa loob."

18
bible/kt/disciple.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,18 @@
# alagad
Tumutukoy ang salita na "alagad" sa isang tao na ginugugol ang maraming oras kasama ang guro, natututo mula sa mga katangian at aral ng guro.
* ng mga taong sumusunod kay Jesus, nakikinig sa kaniyang mga turo at sumusunod sa mga ito, ay tinawag na kaniyang "mga alagad."
* ay mga alagad din si Juan na Taga-pagbautismo.
* a panahon ng ministeryo ni Jesus, maraming mga alagad ang sumunod sa kaniya at nakarinig ng kaniyang mga aral.
* umili si Jesus ng labindalawang mga alagad upang maging kaniyang pinakamalapit na mga taga-sunod; nakilala ang mga lalaking ito bilang kaniyang "mga apostol."
* atuloy na nakilala ang labindalawang apostol ni Jesus bilang kaniyang mga "alagad" o "ang labindalawa."
* ago umakyat sa langit si Jesus, inutusan niya ang kaniyang mga alagad na turuan ang ibang mga tao tungkol sa kung papaano din sila magiging alagad ni Jesus.
* inawag na alagad ni Jesus ang sinumang sumasampalataya at sumusunod sa kaniyang mga aral.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* aaaring isalin ang katawagan na "alagad" sa pamamagitan ng salita o parirala na nangangahulugan na "tagasunod" o "estudyante" o "mag-aaral" o "nag-aaral."
* iguraduhin na ang pagsasalin sa katawagang ito ay hindi lamang tumutukoy sa isang estudyante na natututo sa isang silid-aralan.
* ng pagsasalin sa katawagang ito ay dapat magkaiba din mula sa pagkakasalin sa "apostol."

14
bible/kt/discipline.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# disiplina, disiplina sa sarili
Tumutukoy ang salitang "disiplina" sa pagsasanay sa mga tao upang sumunod sa isang hanay ng mga panuntunan para sa mabuting asal.
* inidisiplina ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng mabuting panuntunan at panuto para sa kanila at pagtuturo sa kanila upang sumunod.
* ayon din naman, dinidisiplina ng Diyos ang kaniyang mga anak upang tulungan sila na makagawa ng mabuting bunga ng espiritual sa kanilang mga buhay, gaya ng kagalakan, pag-ibig at pagtitiyaga.
* abilang sa disiplina ang pagtuturo tungkol sa kung papaano mamuhay upang mabigyang-lugod ang Diyos, gaya ng kaparusahan para sa mabuting asal na laban sa kalooban ng Diyos.
* ng disiplina sa sarili ay isang paraan sa paggamit ng moral at espiritual na mga alituntunin sa sariling buhay.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* epende sa konteksto, maaaring isalin ang "disiplina" na "pagsanay at pagturo" o "mabuting paggabay" o "parusa para sa maling gawain."
* aaaring isalin ang pangngalang "disiplina" na "mabuting pagsasanay" o "kaparusahan" o "mabuting pagwawasto" o "mabuting paggagabay at pagtuturo."

14
bible/kt/divine.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# banal
Ang salitang "banal" ay tumutukoy sa anumang bagay na nauukol sa Diyos.
* Kabilang ang "banal na kapangyarihan," "banal na kahatulan," "banal na karapatan," at "banal na kaluwalhatian" sa ilang mga paraan upang gamitin ang salitang ito.
* Sa isang pahayag sa Bibliya, ang salitang "banal" ay ginamit upang ilarawan ang isang bagay tungkol sa hindi tunay na Diyos.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
* Kabilang sa mga paraan upang isalin ang salitang "banal" ay ang mga "sa Diyos" o "mula sa Diyos" o "nauukol sa Diyos" o "makilala sa pamamagitan ng Diyos."
* Halimbawa, ang "banal na kapangyarihan" ay maaaring isalin na "kapangyarihan ng Diyos" o "kapangyarihan na nagmumula sa Diyos."
* Ang mga salitang "banal na kaluwalhatian" ay maaaring isalin na "kaluwalhatian ng Diyos" o "kaluwalhatian na nagmumula sa Diyos."
* Ang ibang mga pagsasalin ay ninanais na gumamit ng ibang salita kapag naglalarawan ng isang bagay na tumutukoy sa diyus-diyosan.

13
bible/kt/dominion.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,13 @@
# pamamahala
Ang salitang "pamamahala" ay tumutukoy sa kapangyarihan, kontrol, o kakayahang mamuno sa lahat ng tao, mga hayop, o lupain.
* Sinasabing si Jesu-Cristo ang namamahala sa buong mundo, bilang propeta, pari, at hari.
* Ang pamamahala ni Satanas ay natalo magpakailanman sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesu-Cristo sa krus.
* Sa paglikha ng Diyos sa mundo, sinabi niya na ang tao ang mamamahala sa lahat ng isda, mga ibon, at sa lahat ng mga nilalang sa daigdig.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
* Depende sa konteksto, ang ibang mga kaparaanan upang isalin ang salitang ito ay maaaring kabilang ang "karapatan" o "kapangyarihan" o "kontrol."
* Ang mga salitang "namamahala sa lahat" ay maaaring isalin na, "pamunuan ang lahat" o "pangasiwaan."

17
bible/kt/elect.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,17 @@
# pinili, mga taong pinili, Hinirang, ang pinili
Ang salitang, "ang pinili" ay literal na nangangahulugang "mga pinili" o "mga taong pinili" at tumutukoy sa mga itinalaga ng Diyos o pinili upang maging mga tao niya. Ang "Hinirang" o "Hinirang ng Diyos" ay katawagang tumutukoy kay Jesus na siyang piniling Mesiyas.
* umili ang Diyos ng mga tao upang maging banal, upang ilaan niya para sa layunin na taglayin ang mabuting bungang espirituwal. Kaya tinawag silang
"(mga) pinili" o "ang pinili."
* ng mga salitang "taong pinili" ay minsang ginagamit sa Bibliya upang tukuyin ang tiyak na mga tao gaya nina Moises at Haring David na itinalaga ng Diyos bilang mga pinuno na mamamahala sa kaniyang mga tao. Ginamit din ito upang tukuyin ang bayan ng Israel bilang pinili ng Diyos.
* ng pariralang "the elect" sa English ay mas lumang katawagan na literal na nangangahulugang "ang (mga) pinili" o "ang (mga) taong pinili." Kapag ginamit sa isang parirala gaya ng "the elect lady" nangangahulugan lamang ito na "piniling babae."
* a mas lumang bersyon ng Bibliyang Ingles, ang salitang "elect" ay parehong ginamit sa Luma at Bagong Tipan upang isalin ang salita na "(mga) pinili." Mas maraming mga modernong bersyon ang gumagamit lamang ng "pinili" sa bagong Tipan upang tukuyin ang mga taong iniligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Sa iba pang mga teksto sa Bibliya, isinalin nila ang salitang ito nang mas literal bilang "mga pinili."
Mga mungkahi sa pagsasalin:
* ng salitang "pinili" o "mga pinili/mga taong pinili" ay maaari ring isalin na "mga taong pinili ng Diyos" o "mga itinalaga ng Diyos upang maging mga tao niya."
* ung maaari, pinakamainam na literal na isalin ang salitang ito bilang "mga pinili" o "mga taong pinili."
* a pagtukoy kay Jesus, ang "Hinirang" ay maaari ring isalin na, "Pinili ng Diyos" o "Bukod-tanging itinalaga ng Diyos na Mesiyas" o "ang itinalaga ng Diyos.

9
bible/kt/ephod.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,9 @@
# epod
Ang epod ay isang tapis na tulad ng kasuotan na sinusuot ng mga paring Israelita. Ito ay may dalawang bahagi, harap at likod, na pinagsama sa balikat at tinatali sa palibot ng baywang na may sintrong tela.
* Ang isang uri ng epod ay gawa sa purong lino at nisnis na sinusuot ng mga pangkaraniwang pari.
* Ang epod na sinusuot ng mga punong pari ay natatanging burdado na may ginto, asul, lila, at pulang sinulid.
* Ang baluti ng punong pari ay nakakabit sa harap ng epod. Sa likod ng baluti nakatago ang Urim at Thummim, kung saan ito ay mga bato na ginagamit upang tanungin ang Diyos kung ano ang kaniyang kalooban sa mga tiyak na mga bagay.
* Ang hukom na si Gideon ay hangal na gumawa ng isang efod na mula sa ginto at ito ay naging isang bagay na sinamba ng mga Israelita bilang isang diyus-diyosan.

16
bible/kt/eternity.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,16 @@
# walang hanggan, walang katapusan
Ang mga salitang "walang hanggan" at "walang katapusan" ay may pagkatulad ng kahulugan at tumutukoy sa isang bagay na laging namamalagi o nagtatagal magpakailanman.
* Ang salitang "walang-hanggan" ay tumutukoy sa isang kalagayan na walang simula o katapusan. Maaari ding tumukoy sa buhay na hindi kailanman matatapos.
* Pagkatapos ng buhay na ito sa lupa, ang mga tao ay gugugol ng walang-hanggan sa langit na kasama ang Diyos o sa impiyerno na malayo mula sa Diyos.
* Ang mga salitang "buhay na walang hanggan" at "walang hanggang buhay" ay ginamit sa Bagong Tipan upang tumukoy sa pamumuhay magpakailanman kasama ang Diyos sa langit.
* Ang salitang "magpakailanman" ay may panahon na hindi kailanman matatapos at nagpapahayag kung ano ang katulad ng walang-hanggan o buhay na walang hanggan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Maaaring kabilang sa mga paraan sa pagsasalin ng "walang katapusan" o "walang hanggan" ay maaaring "di-matatapos" o "hindi kailanman hihinto" o "laging nagpapatuloy."
* Ang mga salitang "buhay na walang hanggan" at "walang hanggang buhay" ay maaari ding isalin na "buhay na hindi kailanman matatapos" o "buhay na nagpapatuloy na walang paghinto" o "ang pagkabuhay ng ating katawan upang mamuhay magpakailanman."
* Depende sa konteksto maaaring isalin ang "walang hanggan" na "sa umiiral ng walang panahon" o "buhay na hindi natatapos" o "buhay sa langit".
* Isaalang-alang din ang salitang ito kung paano isinalin sa Bibiliya sa isang lokal o pambansang wika.

8
bible/kt/eunuch.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,8 @@
# eunuko
Karaniwan, ang salitang "eunuko" ay tumutukoy sa isang taong kinapon. Di nagtagal, ang salitang ito ay naging isang pangkalahatang katawagan upang tukuyin ang anumang pamahalaang opisyal, kahit na ang mga walang kapinsalaan.
* Sinabi ni Jesus na ang ilang mga eunuko ay ipinanganak sa ganoong paraan, marahil dahil sa nasirang bahagi ng kasarian o dahil sa walang kakayahang makipagtalik. Ang iba ay piniling mabuhay tulad ng mga eunuko na ayaw mag-asawa sa kanilang pamumuhay.
* Sa sinaunang panahon, ang mga eunuko ay madalas na mga lingkod ng hari na nakatakda bilang mga bantay sa mga tirahan ng mga babae (katulad sa kuwento ni Esther).
* Ang ilang mga eunuko ay mga mahahalagang opisyal ng pamahalaan, na maaaring magpatunay sa ulat sa Bagong Tipan sa Etiopiang eunuko na nasagupa ni Felipe.

13
bible/kt/evangelism.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,13 @@
# ebanghelista
Ang "ebanghelista" ay isang taong nagsasabi ng mabuting balita sa ibang mga tao tungkol kay Jesu-Cristo.
* Ang literal na ibig sabihin ng "ebanghelista" ay "isang taong nangangaral ng mabuting balita."
* Ipinadala ni Jesus ang kaniyang mga apostol upang ipalaganap ang mabuting balita tungkol sa kung paano maging kabahagi sa kaharian ng Diyos sa pagtitiwala kay Jesus at sa kaniyang sakripisyo para sa kasalanan.
* Ang lahat ng mga Kristiyano ay pinagtagubilinan upang magbahagi ng mabuting balitang ito.
* Ang ilang mga Kristiyano ay binigyan ng isang natatanging espirituwal na kaloob upang epektibong sabihin ang ebanghelyo sa iba. Ang mga taong ito ay sinabing may kaloob ng pagbabahagi ng ebanghelyo at tinawag na "ebanghelista."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Ang salitang "ebanghelista" ay maaaring isalin na "isang tao na nangangaral ng mabuting balita" o "guro ng mabuting balita" o "ang tao na nagpapahayag ng mabuting balita

14
bible/kt/evil.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# kasamaan, masama
Ang mga salitang "evil" at "wickedness" sa ingles ay may parehong kahulugan na "kasamaan" sa wikang tagalog.
* Habang ang "kasamaan" ay maaaring ilarawan ang katangian ng isang tao, ang "masama" ay maaaring mas tumukoy sa pag-uugali ng isang tao. Gayunman, ang mga salitang ito ay magkapareho ng kahulugan.
* Ang salitang "kasamaan" ay tumutukoy sa kalagayan ng pamumuhay na umiiral kapag ang mga tao ay gumagawa ng masasamang bagay.
* Ang mga resulta ng kasamaan ay maliwanag na ipinapakita sa kung paano abusuhin ng mga tao ang iba sa pamamagitan ng pagpatay, pagnanakaw, kasiraan ng puri, o kalupitan at kawalan ng habag.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Maaaring isalin ang mga salitang "kasamaan" at "masama" na "sama" o "makasalanan" o "imoral" depende sa konteksto.
* Maaari ring isalin na "hindi mabuti" o "hindi matuwid" o "hindi moral."
* Siguraduhin na ang salita o mga salita na ginamit upang isalin ang mga salitang ito ay akma sa kontekstong natural sa wika na isasalin.

14
bible/kt/exalt.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# itaas, pagdakila
Ang "itaas" ang isang tao o bagay ay ang labis na pagpuri at parangalan ng isang tao. Maaari din itong mangahulugang ilagay ang isang tao sa mataas na posisyon.
* Sa Biblia, ang salitang "itaas" ay madalas na ginamit para sa pagpupuri sa Diyos.
* Kapag ang isang tao ay itinaas ang kaniyang sarili, ito ay nangangahulugan na iniisip niya ang kaniyang sarili sa mapagmataas o mayabang na paraan.
Mga mungkahi sa Pagsasalin:
* Maaaring kabilang sa mga paraan upang isalin ang "itaas" ay ang "mataas na papurihan" o "parangalan ng labis" o "itanyag" o "magsalita ng labis."
* Sa ilang konteksto, maaari itong isalin sa pamamagitan ng isang salita o mga salita na ang ibig sabihin ay, "ilagay sa isang mataas na posisyon" o "magbigay ng mas maraming parangal sa" o "magsalita ng mapagmataas."
* Ang "huwag itaas ang inyong sarili" ay maaari ding isalin na "huwag rin mag-isip ng labis sa inyong sarili" o "huwag magmayabang tungkol sa inyong sarili."
* "Ang mga nagtataas sa kanilang mga sarili" ay maaari ding isalin gaya ng "ang mga nag-iisip ng kapurihan tungkol sa kanilang mga sarili" o "ang mga nagmamayabang tungkol sa kanilang mga sarili"

14
bible/kt/exhort.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# hikayat, paghikayat, pagtagubilinan
Ang salitang "hikayat" ay nangangahulugang labis na palakasin ang loob at himukin ng maigi at pakiusapan ang isang tao upang gawin kung ano ang tama. Ang pagpapalakas ng kalooban na iyon ay tinawag na "paghikayat."
* Ang layunin ng paghikayat ay upang himukin ang ibang tao upang iwasan ang kasalanan at sundin ang kalooban ng Diyos.
* Ang Bagong Tipan ay nagtuturo sa mga Kristiyano upang hikayatin ang iba na may pagmamahal, hindi sa malupit o biglaan na paraan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Maaaring isalin ang, "pakahikayatin" na "paki-usapan ng matindi" o "himukin" o "payuhan" , dependey sa konteksto.
* Siguraduhin na ang pagsasalin ng salitang ito ay hindi nagpapahiwatig na ang tagahikayat ay galit. Ang salita ay dapat mangahulugan ng lakas at pagkaseryoso, ngunit hindi dapat tumutukoy sa galit na pananalita.
* Sa karamihang konteksto, ang salitang "hikayatin" ay dapat isalin sa ibang paraan kaysa sa "himukin," na nangangahulugang pasiglahin, muling bigyan ng katiyakan, o aliwin ang isang tao.
* Karaniwan, ang salitang ito ay maari ding isalin na iba sa "pagsabihan" na nangangahulugang balaan o itama ang isang tao sa kaniyang maling asal.

15
bible/kt/faith.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,15 @@
# pananampalataya
Sa pangkalahatan, ang salitang "pananampalataya " ay tumutukoy sa paniniwala, tiwala o pagtitiwala sa sinuman o sa isang bagay.
* ng "pagkakaroon ng pananampalataya " sa sinuman ay ang maniwala na ang kaniyang mga sinasabi at ginagawa ay totoo at mapagkakatiwalaan.
* ng "pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesus" ay nagangahulugang naniniwala ka sa lahat ng itinuturo ng Diyos tungkol kay Jesus. Ito ay bukod-tanging nangangahulugan na ang tao ay nagtitiwala kay Jesus at sa kaniyang pag-aalay upang sila ay linisin mula sa kanilang kasalanan at iligtas sila mula sa parusa na nararapat sa kanila dahil sa kanilang kasalanan.
* ng tunay na pananampalataya o paniniwala kay Jesus ang dahilan upang ang tao ay makalikha ng mabuting espiritual na mga bunga o mga pag-uugali dahil ang Banal na Espiritu ang nabubuhay sa kaniya.
* insan ang "pananampalataya" ay pangkalahatang tumutukoy sa mga katuruan tungkol kay Jesus, gaya ng pahayag na, "mga katotohanan ng pananampalataya."
* a pahayag katulad ng "panatilihin ang pananampalataya " o "pabayaaan ang pananampalataya", ang salitang "pananampalataya" ay tumutukoy sa katayuan o kalagayan ng pagtitiwala sa lahat ng katuruan tungkol kay Jesus.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
* a ilang mga pahayag, ang "pananampalataya" ay maaaring isalin na "paniniwala"o "matibay na paniniwala" o "pagtitiwala."
* ara sa ilang mga wika ang mga salitang ito ay isasalin na gamit ang mga anyo ng pandiwa na "maniwala."

14
bible/kt/faithful.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# tapat, katapatan
Ang maging "tapat" sa Diyos ay nangangahulugan ng tuluy-tuloy na pamumuhay ayon sa mga katuruan ng Diyos. Ito ay nangangahulugang maging tapat sa kaniya sa pamamamagitan ng pagsunod sa kaniya. Ang katayuan o kalagayan ng pagiging tapat ay "katapatan."
* ng taong tapat ay palaging mapagkakatiwalaan at tinutupad ang kaniyang mga pangako at laging ginagawa ang kaniyang mga pananagutan sa ibang tao.
* ng tapat na tao ay matiyaga sa paggawa ng gawain kahit na ito ay matagal at mahirap.
* ng pagiging tapat sa Diyos ay ang patuloy na paggawa ng nais ng Diyos na gawin natin.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
* a maraming mga pahayag, ang "tapat" ay maaring isalin na "dedikasyon" o "maaasahan."
* a ibang kaugnay na mga kahulugan, ang "tapat" ay maaaring isalin sa pamamagitan ng salita o mga salita na ang kahulugan ay "patuloy na maniwala" o "matiyagang naniniwala at sumusunod sa Diyos."
* abilang sa mga paraan upang isalin ang "katapatan" ay maaaring "matiyagang naniniwala" o "katapatan" o "mapagkakatiwalaan" o "naniniwala at sumusunod sa Diyos."

13
bible/kt/faithless.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,13 @@
# walang pananampalataya, kawalan ng pananampalataya
Ang mga salitang "walang pananampalataya" ay nangangahulugan na hindi magkaroon ng pananampalataya o hindi naniniwala.
* ng mga salitang ito ay ginamit upang ilarawan ang taong hindi naniniwala sa Diyos, na nakikita sa pamamagitan ng imoral na paraan ng kaniyang kilos.
* inaratangan ni propeta Jeremias ang Israel na walang pananampalataya at hindi sumusunod sa Diyos.
* umamba sila sa mga diyus-diyosan at sinunod ang mga hindi makadiyos na kaugalian ng mga pangkat ng taong hindi sumasamba at sumusunod sa Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* epende sa konteksto, ang salitang "walang pananampalataya" ay maaring isalin na "hindi tapat" o "hindi naniniwala" o "hindi sumusunod sa Diyos" o " hindi naniniwala."
* ng mga salitang "kawalan ng pananampalataya" ay maaaring isalin na "walang paniniwala" o "hindi tapat" o "naghihimagsik laban sa Diyos."

19
bible/kt/falsegod.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,19 @@
# diyus-diyosan, banyagang diyus-diyosan, diyosa
Ang diyus-diyosan ay sinasamba ng tao sa halip na ang nag-iisang tunay na Diyos. Ang salitang "diyosa" ay tiyak na tumutukoy sa babaeng diyus-diyosan.
* ng mga diyus-diyosan o mga diyosa ay hindi nabubuhay. Si Yahweh lamang ang nag-iisang Diyos.
* insan ang tao ay gumagawa ng mga bagay na maging imahe upang sambahin bilang simbolo ng kanilang mga diyus-diyosan.
* a Bibliya, ang mga tao ng Diyos ay madalas tumalikod mula sa pagsunod sa Diyos upang sumasamba sa mga diyus-diyosan.
* adalas linlangin ng mga demonyo ang mga tao na maniwala na ang mga diyus-diyosan at mga imahe na sinasamba nila ay may kapangyarihan.
* ina Baal, Dagon, at Molech ang tatlo sa mga diyus-diyosan na sinasamba ng mga tao sa panahon ng Bibliya.
* ina Ashera at Artemis (Diana) ang dalawa sa mga diyosa na sinasamba ng mga sinaunang tao.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
* aaaring may salita para sa "diyosa" o " diyus-diyosan" sa mga wikang isasalin o sa malapit na wika.
* ng salitang "imahe " ay maaring gamitin upang tumutukoy sa mga diyus -diyosan.
* a Ingles, ang maliit na letra ay ginagamit sa pagtukoy sa mga diyus-diyosan (god), ang malaking letra ay ginagamit sa pagtukoy sa nag-iisang tunay na Diyos (God). Ganoon din ang ginagawa ng ibang mga wika.
* ng iba pang paraan ay ang paggamit ng ibang tiyak na salita patungkol sa mga diyus-diyosan.
* Ang iba pang mga wika ay maaaring magdagdag ng salita upang matukoy kung ang diyus-diyosan ay inilalarawan bilang lalaki o babae.

14
bible/kt/favor.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# pabor, nasasang-ayon, pagpanig
Ang salitang "pabor" ay tumutukoy sa paggawa ng isang bagay para makinabang ang sinumang pinapanigan. Ang isang bagay na "nasasang-ayon" ay positibo na sinang-ayunan, o kapakipakinabang.
* ng salitang "pagpanig" ay nangangahulugang pagkilos nang naaayon sa ibang tao ngunit hindi sa iba. Kadalasan ang "pagpanig" ay ipinapakita sa mga taong mayaman o mga kakilala.
* i Jesus ay lumaking may "pagpanig" ang Diyos at mga tao sa kaniya. Ito ay nangangahulugang sila ay sumasang-ayon sa kaniyang katangian at pag-uugali.
* ng kawikaan na "nagkaroon ng pagpanig" ay nangangahulugan na ang isang tao ay sinasang-ayunan ng isa tao.
* Kung ang isang hari ay nagpakita ng pabor sa isang tao, ito ay kadalasang nangangahulugan na sinang-ayunan niya ang kahilingan ng tao na iyon at ibinigay ito.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
* Ang ibang paraan para isalin ang salitang "pabor" ay maaring, " biyaya" o "pakinabang."
* ng "nasasang-ayonana na taon ni Yahweh" ay maaring isalin na "ang taon"

16
bible/kt/fear.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,16 @@
# takot, natatakot, takot kay Yahweh
Ang mga salitang "takot" at "natatakot" ay tumutukoy sa hindi nakasisiya na pakiramdam ng isang tao kapag may banta ng kapahamakan laban sa kaniya o sa iba.
* Ang salitang "takot" ay maaari din tumukoy sa paggalang at paghanga sa taong
may kapangyarihan.
* Ang mga salitang "takot kay Yahweh" (at kaugnay na mga salita, "takot sa Diyos" at "takot sa Panginoon") ay tumutukoy sa malalim na paggalang sa Diyos at pagpapakita ng paggalang na iyon sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniya. Ang takot na ito ay napapalakas dahil sa pagkilala na ang Dios ay banal at namumuhi sa kasalanan.
* Itinuturo ng Biblia na ang taong may takot kay Yahweh ay magiging matalino.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
* Depende sa konteksto, ang "matakot" ay maaaring isalin na "taos-pusong paggalang" o "igalang" o "humahanga sa."
* ng salitang "natatakot" ay maaaring isalin na "nasindak."
* ng pangungusap na, "Ang takot sa Diyos ay naramdaman nilang lahat" ay maaaring isalin na "Bigla silang nakadama ng labis na paghanga at paggalang sa Diyos" o "Kaagad silang nakaramdam ng paghanga at paggalang sa Diyos" o "Sa oras ding iyon, nakaramdam silang lahat ng matinding takot sa Diyos."

13
bible/kt/fellowship.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,13 @@
# pagtitipon
Sa pangkalahatan, ang salitang "pagtitipon" ay tumutukoy sa magiliw na pakikitungo sa bawat kasapi ng pangkat ng mga tao na may parehong ninanais at mga karanasan.
* a Bibliya, ang salitang "pagtitipon" ay karaniwang tumutukoy sa pagkakaisa ng mga mananampalataya kay Cristo.
* Ang Kristiyanong pagtitipon ay ugnayan na mayroon ang mga mananampalataya para sa isa't-isa sa pamamagitan ng kanilang ugnayan kay Cristo at sa Banal na Espiritu.
* pinapahayag ng mga unang Kristiyano ang kanilang pagtitipon sa pamamagitan ng pakikinig sa mga katuruan ng Salita ng Diyos at sama-samang pananalangin, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang pag-aari, sama-samang kumakain.
* ng mga Kristiyano din ay may pakikipagtipon sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Jesus at sa kaniyang inialay na kamatayan sa krus na nag-alis ng hadlang sa pagitan ng Diyos at ng tao.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
* Kasama sa mga paraan ng pagsasalin ng "pagtitipon" ay ang "sama-samang pakikibahagi" o "ugnayan" o pagsasamasama" o "Kristiyanong komunidad.

13
bible/kt/filled.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,13 @@
# napuspos ng Espiritu
Ang salitang "napuspos ng Espiritu" ay matalinghagang pahayag na nangangahulugang, binibigyan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang isang tao upang gumawa ng kalooban ng Diyos.
* Ang mga salitang "napuspos ng" ay isang kawikaan na kadalasang nangangahulugang "kontrolado ng."
* Ang mga tao ay "napuspos ng Espiritu" kung sumusunod sila sa pangunguna ng Banal na Espiritu at lubos na nagtitiwala sa kaniyang tulong upang gawin ang kagustuhan ng Diyos.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
* Ang salitang ito ay maaring isalin na, "binigyan ng Banal na Espiritu ng kapangyarihan" o "pinangungunahan ng Banal na Espiritu." Ngunit ito ay hindi dapat magkaroon ng kahulugan na pinipilit ng Banal na Espiritu ang isang tao na gawin ang isang bagay.
* Ang pangungusap kagaya ng "siya ay napuspos ng Espiritu" ay maaaring isalin na, "siya ay lubos na nabubuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu" o "siya ay lubos na pinangungunahan ng Banal na Espiritu" o "ang Banal na Espiritu ang lubos na nangunguna sa kaniya."
* Ang salitang ito ay may parehong kahulugan sa kawikaan na "mamuhay sa Espiritu," ngunit ang "napuspos ng Espiritu" ay nagbibigay-diin sa lubos na pagpahintulot ng isang tao sa Banal na Espiritu na magkaroon ng pamamahala o impluwensiya sa buhay niya. Kaya kung maaari ang dalawang kawikaan na ito ay dapat isalin nang magkaiba.

17
bible/kt/flesh.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,17 @@
# laman
Sa Bibliya, ang salitang "laman" ay literal na tumutukoy sa malambot na bahagi ng pisikal na katawan ng tao o hayop.
* Ginamit din sa Bibliya ang salitang "laman" sa matalinghagang paraan upang tukuyin ang lahat ng tao o lahat ng nilikhang may buhay.
* Sa Bagong Tipan, ang salitang "laman" ay ginamit para tukuyin ang pagiging likas na makasalanan ng tao. Ito ay karaniwang ginamit na kasalungat sa kanilang espirituwal na kalikasan.
* Ang salitain na, "sariling laman at dugo" ay tumutukoy sa isang tao na kamag-anak ng isang tao, gaya ng magulang, kapatid, anak o apo.
* Ang salitaing "laman at dugo" ay maaari ring tumukoy sa mga ninuno o mga kaapu-apuhan ng isang tao.
* Ang kasabihang "isang laman" ay tumutukoy sa pisikal na pagsasama ng isang lalaki at babae sa pag-aasawa.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Sa konteksto ng katawan ng isang hayop, ang "laman" ay maaaring isalin bilang "katawan" o "balat" o "karne."
* Kapag ginamit ito upang pangkalahatang tukuyin ang lahat ng nilikhang may buhay, ang katawagang ito ay maaaring isalin bilang "buhay na nilalang" o "lahat ng buhay."
* Kapag pangkalahatan tumutukoy sa lahat ng tao, ang salitang ito ay maaaring isalin na "mga tao" o "lahat ng nabubuhay."
* Ang salitain na "laman at dugo" ay maaari ring isalin bilang "kamag-anak" o "pamilya" o "angkan ng pamilya." May mga konteksto na maaaring isalin na "mga ninuno" o "mga kaapu-apuhan."

14
bible/kt/foolish.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# mangmang, hangal, kahangalan
Ang salitang "mangmang" ay tumutukoy sa tao na madalas gumagawa ng maling pagpili, lalo na ang pagpili na sumuway. Inilalarawan ng salitang "hangal" ang isang tao o pag-uugali na hindi maingat na pinag-isipan.
* Sa Bibliya, ang salitang "mangmang" ay karaniwang tumutukoy sa tao na hindi naniniwala o hindi sumusunod sa Diyos. Ito ay kadalasang ginagamit na kasalungat sa matatalinong tao na nagtitiwala sa Diyos at sumusunod sa Diyos.
* Sa Mga Awit, inilarawan ni David ang mangmang bilang tao na hindi naniniwala sa Diyos at ipinagwawalang-bahala ang lahat ng patunay ng Diyos sa kaniyang mga nilikha.
* Ang Lumang Tipan na aklat ng Kawikaan ay nagbibigay ng maraming paglalarawan kung ano ang katulad ng mangmang na tao.
* Ang salitang "kahangalan" ay tumutukoy sa kilos na hindi maingat na pinag-isipan dahil ito ay laban sa kagustuhan ng Diyos. Kadalasan, kabilang din sa kahulugan ng "kahangalan" ay isang bagay na walang katotohanan at mapanganib.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Ang salitang "mangmang" ay maaaring isalin bilang "mangmang na tao" o "walang alam na tao" o "walang saysay na tao" o "hindi reliyosong tao."
* Mga paraan upang isalin ang "mangmang" ay maaaring "nagkukulang sa kaalaman" o "walang alam" o "walang saysay."

13
bible/kt/forgive.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,13 @@
# magpatawad, kapatawaran
Ang pagpapatawad sa isang tao ay ang hindi pagtatanim ng sama ng loob laban sa isang tao na nakagawa ng isang bagay na masakit. Ang "pagpapatawad" ay ang kilos ng pagbibigay kapatawaran sa isang tao.
* Ang pagpapatawad sa isang tao ay kadalasang nangangahulugan na hindi pagpaparusa sa tao na iyon sa isang maling bagay na ginawa niya.
* Ang salitang ito ay maaaring gamitin ng matalinghaga upang mangahulugan na "pawalang bisa" o "patawarin ang pagkakautang."
* Sa tuwing magtatapat ang mga tao ng kanilang mga kasalanan, pinapatawad sila ng Diyos batay sa sakripisyo ni Jesus na namatayan sa krus.
* Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na patawarin ang iba gaya ng pagpapatawad niya sa kanila.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Batay sa konteksto, ang "magpatawad" ay maaari ring isalin na "pagpasensiyahan" o "pawalang bisa" o "palayain" o "huwag panghawakan laban sa."

16
bible/kt/forsaken.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,16 @@
# pabayaan, pinabayaan
Ang salitang "pabayaan" ay nangangahulugang iwanan ang isang tao o talikuran ang isang bagay. Ang isang tao na "pinabayaan" ay iniwan o tinalikuran ng isang tao.
* Kapag "pinabayaan" ng mga tao ang Diyos, nangangahulugan ito na sila ay hindi nagiging tapat sa kaniya sa pamamagitan ng pagsuway sa kaniya.
* Kapag "pinabayaan" ng Diyos ang mga tao, nangangahulugan ito na itinigil niya ang pagtulong sa kanila at hinayaan na maranasan nila ang paghihirap para manumbalik sila sa kaniya.
* Ang salitang ito ay maaari ring mangahulugan na pabayaan o hindi pagsunod sa mga katuruan ng Diyos.
* Ang salitang "pinabayaan" ay maaaring gamitin sa pagsasabi ng natapos na pangyayari gaya ng "pinabayaan ka niya" o tukuyin ang isang tao na "pinabayaan."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Ang ibang paraan para isalin ang salitang ito ay "iwanan" o "kaligtaan" o "talikdan" o "layuan" o "lisanin" depende sa konteksto.
* "Pabayaan" ang kautusan ng Diyos ay maaaring isalin na "suwayin ang kautusan ng Diyos." Ito ay maaari ring isalin na "iwanan" o "talikdan" o "itigil ang pagsunod" sa kaniyang mga katuruan at mga kautusan.
* Ang salitang "mapabayaan" ay maaaring isalin na "maiwan."
* Sa wikang isinasalin, maaaring mas malinaw kung gagamit ng ibang mga salita upang isalin ang salitang ito depende kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa pag-iwan sa isang bagay o sa isang tao.

14
bible/kt/fulfill.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# tuparin
Ang salitang "tuparin" ay nangngahulugang pagtapos o paggawa hanggang sa matapos ang isang bagay na siyang inaasahan.
* Kapag ang isang propesiya ay natupad, nangangahulugan na ang Diyos ay kumilos upang mangyari ang sinabi sa propesiya.
* Kung tinupad ng isang tao ang isang pangako o panata, nangangahulugan na ginawa niya kung ano ang ipinangako niyang gawin.
* Ang pagtupad sa isang pananagutan ay nangangahulugan ng paggawa sa gawain na itinalaga o hinihingi.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Depende sa konteksto, ang "tuparin" ay maaaring isalin na "gawin" o "tapusin" o "gumawa para mangyari" o "sumunod" o "gampanan."
* Ang mga salitang "natupad na" ay maaaring isalin na "naging totoo" o "nangyari na" o "naganap na."
* Ang mga paraan upang isalin ang "tuparin" gaya ng "tuparin mo ang iyong ministeryo" ay maaaring, "tapusin" o "gampanan" o "manungkulan" o "paglingkuran mo ang ibang tao gaya ng pagkatawag ng Diyos na iyong gagawin."

10
bible/kt/gentile.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,10 @@
# Gentil
Ang isang Gentil ay taong hindi nagmula sa angkan ni Jacob o ng kaniyang labindalawang anak na lalaki. Kung kaya't ang mga Gentil ay mga taong hindi Judio.
* Sa Kasulatan, ang mga Gentil ay paminsan-minsang tinutukoy bilang mga "hindi tuli" dahil marami sa kanila ang hindi tinuli ang kanilang mga anak na lalaki na tulad ng ginawa ng mga Israelita.
* Dahil pinili ng Diyos ang mga Judio bilang kaniyang natatanging mga tao, inisip nila na ang mga Gentil ay mga tagalabas na hindi kailanman magiging tao ng Diyos.
* Ang mga Judio ay tinatawag ding mga Israelita o Hebreo sa magkaibang panahon sa kasaysayan. Ang lahat na hindi Judio ay tinatawag na Gentil.
* Ang Gentil ay maaari ring isalin na "hindi Judio" o "hindi Israelita" (Lumang Tipan.)
* Ayon sa kaugalian, ang mga Judio ay hindi kumakain kasama ang mga Gentil, na sa una ay naging dahilan ng mga problema sa iglesya.

14
bible/kt/gift.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# kaloob
Ang salitang "kaloob" ay tumutukoy sa anumang bagay na ibinigay o inihandog sa isang tao. Ang kaloob ay ibinigay na hindi naghahangad ng anumang bagay na kapalit.
* Salapi, pagkain, damit, o ibang mga bagay na naibigay sa mga mahihirap na tao ay tinawag na "mga kaloob".
* Sa Bibliya, ang isang handog o sakripisyo na ibinigay sa Diyos ay tinatawag ding isang kaloob.
* Ang kaloob ng kaligtasan ay isang bagay na ibinigay ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus.
* Sa Bagong Tipan, ang salitang "mga kaloob" ay ginamit din upang tumukoy sa natatanging espirituwal na kakayahang ibinigay ng Diyos sa lahat ng mga Kristiyano para paglingkuran ang ibang mga tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Ang karaniwang salita para sa "kaloob" ay maaaring isalin na may salita o mga salita na nangangahulugang "isang bagay na ibinigay."
* Sa konteksto ng isang tao na mayroong kaloob o natatanging kakayahan na nanggaling mula sa Diyos, ang salitang "kaloob mula sa Espiritu" ay maaaring isalin bilang, "espituwal na kakayahan" o "natatanging kakayahan mula sa Banal na Espiritu" o "natatanging espirituwal na kakayahan na ibinigay ng Diyos."

16
bible/kt/glory.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,16 @@
# luwalhati, maluwalhati
Sa pangkalahatan, ang salitang "luwalhati" ay nangangahulugang karangalan, kagandahan, at matinding kadakilaan. Anumang bagay na may luwalhati ay sinasabing "maluwalhati."
* Minsan ang "luwalhati" ay tumutukoy sa isang bagay na may malaking halaga at kahalagahan. Sa ibang mga konteksto ito ay nagpapabatid ng kagandahan, liwanag, o paghatol.
* Halimbawa, ang salitang "luwalhati ng mga pastol" ay tumutukoy sa malagong pastulan kung saan ang kanilang mga tupa ay mayroong maraming damong makain.
* Ang luwalhati ay bukod-tanging ginagamit upang ilarawan ang Diyos na higit na maluwalhati kaysa sa sinuman o anumang bagay sa sansinukob. Lahat ng bagay na kaniyang katangian ay nagpapahayag ng kaniyang kaluwalhatian at ng kaniyang kagandahan.
* Ang mga salitang "luwalhatiin sa" ay nangangahulugang ipagyabang o pagmamataas sa isang bagay.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
* Depende sa konteksto, kabilang sa ibang kaparaanan upang isalin ang "luwalhati" ay ang "kagandahan" o "liwanag" o "kamahalan" o "kahanga-hangang kadakilaan" o "napakahalaga."
* Ang salitang "maluwalhati" ay maaaring isalin na, "napupuno ng luwalhati" o "matinding pagpapahalaga" o "maliwanag na nagniningning" o "kamangha-manghang kadakilaan."
* Ang kawikaang, "magbigay luwalhati sa Diyos" ay maaaring isalin na "parangalan ang kadakilaan ng Diyos" o "purihin ang Diyos dahil sa kaniyang kaluwalhatian" o "sabihin sa iba kung gaano kadakila ang Diyos."
* Ang mga salitang "luwalhati sa" ay maaari ring isalin na "papuri" o "pagmamataas sa" o "ipagyabang ang tungkol sa" o "kasiyahan sa."

21
bible/kt/god.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,21 @@
# Diyos
Sa Bibliya, ang salitang "Diyos" ay tumutukoy sa kaniya na lumikha ng daigdig mula sa wala. Ang Diyos ay may tatlong persona bilang Ama, Anak at Banal na Espiritu. Ang personal na pangalan ng Diyos ay "Yahweh."
* Ang Diyos ay buhay magpakailanman; siya ay buhay bago pa magkaroon ng anumang bagay at siya ay mananatiling buhay magpakailanman.
* Siya lamang ang tunay na Diyos at may karapatan sa lahat ng bagay sa daigdig.
* Ang Diyos ay ganap na matuwid, may walang hanggang karunungan, banal, walang kasalanan, makatarungan, maawain at mapagmahal.
* Siya ay Diyos na tinutupad at inaalala ang tipan, na laging tinutupad ang kaniyang mga pangako.
* Ang mga tao ay nilikha upang sumamba sa Diyos at siya lamang ang tanging dapat nilang sambahin.
* Inihayag ng Diyos ang kaniyang pangalan na "Yahweh" na nangangahulugan na, "siya nga" o "Ako nga" o "Siya na buhay magpakailanman."
* Itinuturo din ng Bibliya ang tungkol sa mga hindi totoong "diyos" na walang buhay na diyus-diyosan na maling sinasamba ng mga tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Mga paraan upang isalin ang "Diyos" ay maaaring, "Lumikha" o "Kataas-taasan."
* Ang ibang mga paraan upang isalin ang "Diyos" ay maaaring, "Kataas-taasang Lumikha" o "Walang Katapusang Makapangyarihang Panginoon" o "Walang Hanggang Kataas-taasan."
* Isaalang-alang kung paano tinutukoy ang Diyos sa lokal o pambansang wika. Maaaring mayroon ng salita para sa "Diyos" sa wikang isinasalin. Kung ganoon nga, mahalaga na tiyakin na ang salitang ito ay angkop sa katauhan ng nag-iisang tunay na Diyos na inilarawan sa itaas.
* Maraming wika ang gumagamit ng malaking titik sa unang letra ng salita para sa nag-iisang tunay na Diyos upang makita ang pagkakaiba nito sa salitang ginagamit para sa diyus-diyosan.
* Ang isa pang paraan upang gumawa ng pagkakaiba ay ang paggamit sa dalawang magkaibang katawagan para sa "Diyos" at "diyos."
* Ang mga salitang, "Ako ang kanilang magiging Diyos at sila ang aking magiging bayan" ay maaaring isalin na, " Ako, na Diyos, ay mamumuno sa mga taong ito at sila ay sasamba sa akin."

12
bible/kt/godly.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,12 @@
# maka-diyos, kabanalan
Ang salitang "maka-diyos" ay ginamit upang ilarawan ang isang tao na kumikilos sa paraan na napaparangalan ang Diyos at nagpapakita kung ano ang katangian ng Diyos. Ang katangian na pagpaparangal sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng kaniyang kalooban ay tinutukoy bilang "kabanalan".
* Ang tao na may maka-diyos na katangian ay nagpapakita ng mga bunga ng Banal na Espiritu, gaya ng pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, at pagpipigil sa sarili.
* Ang katangian ng kabanalan na kumilos sa paraan na napaparangalan ang Diyos, ay ang bunga o panlabas na patunay na ang isang tao ay may Banal na Espiritu at siya ay nagpapasakop sa kaniya.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
* Ang mga salitang "ang maka-diyos" ay maaaring isalin na, "maka-diyos na mga tao" o "mga tao na sumusunod sa Diyos."

14
bible/kt/godthefather.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# Diyos Ama, Ama na nasa langit, Ama
Ang mga salitang, "Diyos Ama" at "Ama na nasa langit" ay tumutukoy kay Yahweh, ang tunay na Diyos. Ang salitang ito ay ginamit din bilang "Ama," lalo na kung si Jesus ang tumutukoy sa kaniya.
* Ang Diyos ay buhay bilang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos na banal na Espiritu. Bawat isa ay ganap na Diyos, at gayon pa man sila ay iisang Diyos. Ito ay isang misteryo na hindi lubos na naiintindihan ng mga tao lamang.
* Ang Diyos Ama ay isinugo ang Diyos Anak (si Jesus) sa mundo at ipinadala ang Banal na Espiritu sa kaniyang mga tao.
* Ang sinuman na naniniwala sa Diyos Anak ay magiging anak ng Diyos Ama, at ang Diyos na Banal na Espiritu ay mananahan sa taong iyon. Ito ay isa pang misteryo na hindi lubos na nauunawaan ng mga tao.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
* Sa mga salitang "Diyos Ama," mas mabuting isalin ang "Ama" sa parehong salita na likas na ginagamit sa inyong wika upang tukuyin ang ama sa lupa.
* Ang mga salitang "Ama na nasa langit" ay maaaring isalin sa pamamagitan ng "Ama na nakatira sa langit" o "Diyos Ama na nakatira sa langit" o "Diyos na ating Ama na mula sa langit."
* Kadalasan ang "Ama" ay nakasulat sa malaking titik upang ipakita na ito ay tumutukoy sa Diyos.

21
bible/kt/good.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,21 @@
# mabuti, kabutihan
Ang salitang "mabuti" ay may ibang kahulugan naaayon sa konteksto. Maraming mga wika ang gagamit ng ibang mga salita upang isalin itong mga iba't ibang kahulugan.
* Sa pangkalahatan, mapapabuti ang isang bagay kung ito ay mai-akma sa katangian, mga layunin, at kalooban ng Diyos.
* Ang isang bagay ay "mabuti" kung ito ay nakalulugod, napakahusay, nakakatulong, naaangkop, kapaki-pakinabang, may tamang kagandahang asal.
* Ang lupain na "mabuti" ay maaring tawagin na "mataba" o "mabunga."
* Ang isang "mabuting" pananim ay maaaring isang "masaganang" pananim.
* Ang tao ay maaaring maging "mabuti" sa anumang kaniyang ginagawa kung siya ay magalang sa kanilang gawain at hanap-buhay, gaya ng, "isang mabuting magsasaka."
* Sa Bibliya, ang pangkalahatang kahulugan ng "mabuti" ay madalas kasalungat ang "kasamaan."
* Ang salitang "kabutihan" ay karaniwang tumutukoy sa mabuting asal o makatuwiran sa mga iniisip at sa mga kilos.
* Ang kabutihan ng Diyos ay tumutukoy sa kung paano niya pinagpapala ang mga tao sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng mabuti at kapaki-pakinabang na mga bagay. Ito din ay tumutukoy sa kaniyang kabutihang asal.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Ang pangkalahatang salita para sa "mabuti" sa wika na isasalin ay kailangang gamitin kung saan ang pangkalahatang kahulugan ay tama at likas, lalong-lalo na sa mga konteksto na kung saan ito ay kasalungat sa kasamaan.
* Depende sa konteksto, ang ibang mga paraan sa pagsasalin ng salitang ito ay maaaring isama ang, "mabait" o "napakahusay" o "nakalulugod sa Diyos" o "makatuwiran" o "tuwid sa kagandahang asal" o "kapaki-pakinabang."
* Ang "Mabuting lupain" ay maaaring isalin na "mayabong na lupain" o "nagbubungang lupain"; ang "mabuting pananim" ay maaaring isalin na "masaganang ani" o "malaking halagang pananim."
* Ang salitang "gumawa ng mabuti sa" ay nangangahulugang gagawa ng isang bagay na napapakinabangan ng iba at maaaring isalin bilang "maging mabait sa" o "tumulong" o "pakinabangan ang" sa tao.
* Mababatay sa konteksto, mga paraan upang isalin ang salitang "kabutihan" ay maaaring isama ang, "pagpapala" o "kabaitan" o "kabutihang asal" o "katuwiran" o "kadalisayan."

13
bible/kt/goodnews.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,13 @@
# magandang balita, ebanghelyo
Ang salitang "ebanghelyo" ay nangangahulugang "magandang balita" at tumutukoy sa isang mensahe o pahayag na nagsasabi sa mga tao na kanilang napapakinabangan at nakapagpapasaya sa kanila.
* Sa Biblia, ang salitang ito ay karaniwang tumutukoy sa mensahe tungkol sa kaligtasan ng Diyos para sa mga tao sa pamamagitan ng sakripisyo ni Jesus sa krus.
* Karamihan sa Bibliang Ingles, ang "magandang balita" ay karaniwang naisalin bilang "ebanghelyo" at ito rin ay ginamit sa mga salita gaya ng, ang "ebanghelyo ni Jesu-Cristo," ang "ebanghelyo ng Diyos" at ang "ebanghelyo ng kaharian."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Ang ibang paraan sa pagsalin ng salitang ito ay maaaring isama ang, "mabuting mensahe" o "mabuting pahayag" o "Mensahe ng Diyos ng kaligtasan" o "ang mga mabuting bagay na itinuro ng Diyos patungkol kay Jesus."
* Ayon sa konteksto, ang mga paraan upang isalin ang mga salitang, "mabuting balita ng" ay maaaring isama ang "mabuting mga balita/mensahe tungkol sa" o "mabuting mensahe mula" o "ang mga mabuting bagay na sinasabi ng Diyos sa atin patungkol sa" o "kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa kung paano niya inililigtas ang mga tao."

14
bible/kt/grace.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# biyaya, mapagbiyaya, mapagbigay loob
Ang salitang "biyaya" ay tumutukoy sa pagtulong o pagpapala na ibinigay sa isang tao na hindi niya pinaghirapan. Ang salitang "mapagbigay-biyaya" ay naglalarawan sa isang tao na nagpapakita ng biyaya sa iba.
* Ang biyaya ng Diyos sa mga makakasalanang tao ay isang kaloob na ibinibigay ng kusang loob.
* Ang konsepto ng biyaya ay tumutukoy din sa pagiging mabait at nagpapatawad sa isang tao na gumawa ng mali o nakasasakit na mga bagay.
* Ang mga salitang "upang makahanap ng biyaya" ay isang talinghaga na nangangahulugan ng makatanggap ng tulong at awa mula sa Diyos. Kadalasan isinasama nito ang kahulugan na ang Diyos ay nalulugod sa isang tao at siya ay tinutulungan niya.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Ang ibang mga paraan na ang "biyaya" ay maaaring isalin kasama ang, "dakilang kabaitan" o "kabutihang loob ng Diyos" o "kabaitan ng Diyos at pagpapatawad sa mga makakasalanan" o "maawaing kabaitan."
* Ang salitang "mapagbiyaya" ay maaaring isalin sa "puno ng biyaya" o "mabait" o "maawain" o "maawaing kabaitan."
* Ang talinghagang "natagpuan niya ang biyaya sa mata ng Diyos" ay maaaring isalin na, "natanggap niya ang awa mula sa Diyos" o "kinaawaan na tinulungan siya ng Diyos" o "naipakita ng Diyos ang kaniyang kabutihang loob sa kaniya" o "ang Diyos ay nalugod sa kaniya at tinulungan siya."

14
bible/kt/guilt.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,14 @@
# pakiramdam ng pagkakasala, bigat ng pagkakasala, may kasalanan
Ang salitang "pakiramdam ng pagkakasala/ bigat ng pagkakasala" ay tumutukoy sa katotohanan ng pagkakaroon ng pagkakasala o gumawa ng krimen.
* Ang "pagkakasala" ay nangangahulugan na gumawa ng isang bagay na mali sa pag-uugali, ibig sabihin, sumuway sa Diyos.
* Ang kabaliktaran ng "pagkakasala" ay "walang kasalanan."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Maaaring isalin ng ibang mga wika ang "may kasalanan" na "ang bigat ng kasalanan" o "ang pagbibilang ng kasalanan."
* Ang mga paraan sa pagsasalin ng "na magkasala" ay maaaring isama ang salita o mga salita na nangangahulugan ng "maging may sala" o "nakagawa ng maling pag-uugali" o "nakagawa ng isang kasalanan."
Halimbawa sa ULB: alisin ang iyong pakiramdam ng pagkakasala ng iyong kasalanan, alisin ang iyong bigat ng pagkakasala, pag-aalay para sa pagkakasala, parusahan ang iyong pagkakasala, walang bigat ng pagkakasala sa pagpatay ng tao ang maipaparatang sa kaniya, buhatin niya ang kaniyang sariling pagkakasala, hugasan ang kaniyang kasalanan, maging nasa matinding pagkakasala, ang ating kasalanan ay umaabot sa langit.

15
bible/kt/hades.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,15 @@
# hades, sheol
Ang mga salitang "hades" at "sheol" ay ginamit sa Bibliya upang tukuyin ang kamatayan at ang lugar kung saan pupunta ang mga kaluluwa ng mga tao kapag sila ay namatay. Ang kanilang mga kahulugan ay magkatulad.
* Ang Hebreo na salitang "sheol" ay madalas na ginamit sa Lumang Tipan upang tukuyin ang lugar ng kamatayan.
* Sa Bagong Tipan, ang salitang Griyego na "hades" ay tumutukoy sa lugar para sa mga kaluluwa ng mga tao na nagrebelde laban sa Diyos. Ang mga kaluluwang ito ay tinawag na patungong "ibaba" sa hades. Ito ay minsan na pasalungat sa patungong "itaas" sa langit, kung saan nakatira ang mga kaluluwa ng mga tao na nananalig kay Jesus.
* Ang salitang "hades" ay isinasama sa salitang "kamatayan" sa aklat ng Pahayag. Sa huling mga panahon, parehong ang kamatayan at ang hades ay itatapon sa Dagat-dagatang Apoy, na ang impiyerno.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Sa salita sa Lumang Tipan na "sheol" ay maaaring isalin bilang "lugar ng mga patay" o "lugar para sa patay na mga kaluluwa." Ang ilang mga pagsasalin ay isinalin ito bilang "ang hukay" o "kamatayan," depende sa konteksto.
* Ilan sa mga salin ay tinatawag itong "ang hukay" o ginagamit sa pangkalahatang salita bilang "kamatayan."
* Ang salita "hades" sa Bagong Tipan ay maaari ding isalin bilang "lugar para sa hindi nananampalataya na mga kaluluwa na namatay" o "lugar ng pagdurusa para sa mga patay na" o "lugar para sa mga kaluluwa ng mga taong namatay na hindi nananampalataya."
* Ang ilan sa mga pagsasalin ay pinapanatili ang salitang "sheol" o "hades," na binabaybay ang mga ito para umakma ang tunong ng mga kataga sa wika ng isasalin.

19
bible/kt/heart.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,19 @@
# puso
Sa Bibliya, ang salitang "puso" ay kadalasang ginagamit ng patalinhaga upang tukuyin ang mga pag-iisip ng mga tao, mga damdamin, mga pagnanais, o kalooban.
* ng magkaroon ng "matigas na puso" ay isang pangkaraniwang kasabihan na nangangahulugan na ang isang tao ay may matigas na ulo na tumatangging sumunod sa Diyos.
* ng mga kasabihang "buong puso ko" o "kasama ng aking buong puso" ay nangangahulugan na gumawa ng isang bagay na walang pagtitimpi, nang may buong pangako at kagustuhan.
* Ang idyomang, "isapuso" ay nangangahulugang ng seryosong pagtrato sa isang bagay at gamitin ito.
* Ang salitang "basag na puso " ay naglalarawan ng isang tao na napaka-lungkot. Sila ay labis na nasaktan ang kanilang mga damdamin.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Ang ilang mga wika ay gumagamit ng ibat-ibang bahagi ng katawan gaya ng "sikmura" o 'atay" upang tukuyin ang mga kaisipang ito.
* ng ibang mga wika ay maaaring gumamit ng isang salita upang ipahayag ang ilan sa mga konsepto at isa pang salita upang ipahayag ang iba.
* Kung ang "puso" o ibang bahagi ng katawan ay walang ganitong kahulugan, ang ilang mga wika ay maaaring diretsahan at hindi naglalarawan at sabihin ang "kaisipan" o "mga damdamin" o "saloobin" sa halip na gumagamit ng patalinghagang pananalita.
* Depende sa konteksto, " buong puso ko" o " nang aking buong puso" ay maaaring isalin ng "nang aking buong lakas " o " nang may buong dedikasyon" o " kumpleto".
* Ang mga salitang "isapuso" maaaring isalin bilang "seryosong pakikitungo" o "maingat itong pinagiisipan"
* Ang idiyomang "matigas ang puso" ay maaari rin isalin na "matigas na pagrerebelde " o " tumatangging sumunod" o "patuloy na sumusuway sa Diyos."
* Ang mga pamamaraan ng pagsasalin ng "pusong nasaktan" ay maaaring "napaka-lungkot" o "labis na nasaktan."

16
bible/kt/heaven.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,16 @@
# langit, alapaap, kalangitan, makalangit
Ang salitang naisalin bilang "langit" ay tumutukoy kung saan naninirahan ang Diyos. Ang parehong salita ay maaari rin nangangahulugan ng "alapaap", depende sa konteksto.
* Ang salitang "kalangitan" ay tumutukoy sa lahat ng nakikita natin sa itaas ng mundo, kasama na ang araw, buwan, at mga bituin. Kasama rin dito ang kalawakan, gaya ng malalayong mga planeta na hindi direktang nakikita mula sa mundo.
* ng salitang "alapaap" ay tumutukoy sa bughaw na kalawakan sa itaas ang mundo na kinalalagyan ng mga ulap at ang hangin na ating hinihinga. Kadalasan din na sinasabi na ang araw at buwan ay nasa "itaas ng alapaap."
* Sa ilang mga konteksto sa Bibliya, ang salitang "langit" ay maaaring tumutukoy sa alapaap o lugar na kung saan ang Diyos ay nakatira.
* apag ginamit ang "langit" sa matalinghagang paraan, ito ay isang pamamaraan na upang tukuyin ang Diyos. Halimbawa, ang isinulat ni Mateo ang tungkol sa "kaharian ng langit" tinutukoy niya ang kaharian ng Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Kapag ginamit ang "langit" sa matalinghagang paraan, ito ay maaaring isalin na "Diyos."
* Para sa "kaharian ng langit" sa aklat ni Mateo, mas nakakabuting panatilihin ang salitang "langit" yamang ito ay naging katangi tangi sa ebanghelyo ni Mateo.
* Ang salitang "kalangitan" o "kalawakan" ay maaari rin isalin sa "araw, buwan, at mga bituin" o "lahat ng mga bituin sa sandaigdigan."
* ng mga salitang, "mga bituin sa langit" ay maaaring maisalin sa "mga bituin sa alapaap" o "mga bituin sa sandaigdigan."

9
bible/kt/hebrew.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,9 @@
# Hebreo
Ang mga "Hebreo" ay mga tao na mula sa lahi ni Abraham na mula kay Isaac at Jacob. Si Abraham ang unang tao sa Bibliya na tinawag na isang "Hebrew".
* Ang salitang "Hebreo" ay tumutukoy din sa wika na sinasalita ng mga taong Hebreo. Ang Lumang Tipan ay orihinal na naisulat sa wikang Hebreo.
* Ang mga Hebreo ay tinawag din na mga "taong Judio" o mga
"Israelita." Mas mainam na panatilihin ang tatlong mga salita sa kanilang orihinal na konteksto, hangga't ito ay malinaw na ang mga salitang ito ay tumutukoy sa mga tao.

15
bible/kt/hell.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,15 @@
# Impiyerno, lawa ng apoy
Ang Impiyerno ay ang kahuli-huliang lugar ng walang hanggang paghihirap at pagdurusa kung saan parurusahan ng Diyos ang lahat na nagrebelde laban sa kaniya at tumanggi sa kaniyang planong pagliligtas sa kanila sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ni Jesus. Tinutukoy din ito na "lawang apoy."
* Ang impiyerno ay inilalarawan bilang isang lugar ng apoy at matinding pagdurusa.
* Si Satanas at ang mga masasamang espiritu na sumunod sa kaniya ay itatapon sa impiyerno para sa walang hanggang kaparusahan.
* Ang mga taong hindi naniniwala sa sakripisyo ni Jesus para sa kanilang mga kasalanan, at hindi nagtiwala sa kaniya upang mailigtas sila, ay parurusahan magpa-kailanman sa impiyerno.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Ang mga salitang ito ay maaring isalin nang magkakaiba yamang nangyayari ang mga ito sa magkakaibang mga konteksto.
* Ang ilang mga wika ay ginamit ng "lawa" sa mga salitang "lawa ng apoy" dahil tumutukoy ito sa tubig.
* Ang salitang "impiyerno" ay maaaring isalin bilang "lugar ng pagdurusa" o "huling lugar ng kadiliman at paghihirap."
* Ang terminong "lawa ng apoy" ay maaari rin na isalin bilang "dagat ng apoy" o "napakalaking apoy."

13
bible/kt/highpriest.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,13 @@
# Pinaka-punong pari
Ang salitang "pinakapunong pari" ay tumutukoy sa natatanging pari na itinalaga na maglingkod ng isang taon bilang isang pinuno sa lahat ng mga pari na mga Israelita.
* Ang pinakapunong pari ay may natatanging responsibilidad. Siya lamang ang pinahihintulutang pumasok sa pinaka banal na lugar ng templo para maghandog ng natatanging handog isang beses sa isang taon.
* ng mga Israelita ay mayroong maraming pari, pero iisa lamang ang pinakapunong pari isa taon.
* Nang si Jesus ay hinuhuli, si Caifas ang opisyal na pinakapunong pari nuon. Ang biyenang lalaki ni Caifas na si Anas ay nabanggit din minsan dahil siya ang dating pinakapunong pari na maaaring mayroon paring kapangyarihan at pamamahala sa mga tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* "Ang pinaka-punong pari" ay maaaring isalin sa "Kataas-taasang pari" o "may pinaka-mataas na antas ng pagka pari."
* Siguruhin ang salitang ito ay naisalin ng kaiba sa salitang " Punong pari."

16
bible/kt/holy.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,16 @@
# banal, kabanalan
Ang mga salitang "banal" at "kabanalan" ay tumutukoy sa katangian ng Diyos na ganap na inilaan at ibinukod mula sa lahat ng makasalanan at hindi perpekto.
* Tanging ang Diyos lamang ang lubos na banal. Ginagawa niyang banal ang mga tao at ang lahat ng mga bagay.
* Ang isang taong banal ay pagmamay-ari ng Diyos at nailaan para sa layuning paglingkuran ang Diyos at magbibigay sa kaniya ng kaluwalhatian.
* Ang isang bagay na ipinahayag ng Diyos na maging banal ay inilaan para sa kaniyang kaluwalhatian at gamit, gaya ng isang altar na para sa pag-aalay ng handog para sa kaniya.
* Dahil banal ang Diyos, hindi makakalapit sa kaniya ang mga tao maliban na pahintulutan niya sila, dahil tao lamang sila, makasalanan at hindi perpekto.
* Sa Lumang Tipan, inilaan ng Diyos ang mga pari bilang banal para sa mga natatanging paglilingkod sa kaniya. Nararapat silang maging malinis sa pamamagitan ng seremoniya mula sa kasalanan upang makalapit sa Diyos.
* aglaan din ang Diyos ng mga banal na lugar at mga bagay na napabilang sa kaniya o naihayag niya ang kaniyang sarili, gaya ng kaniyang templo.
Mga Mukahing sa Pagsasalin:
* ng mga paraan ng pagsasalin ng "banal" ay maaaring isama ang "inilaan para sa Diyos" o "pagmamay-ari ng Diyos" o "ganap na dalisay" o "lubos na walang sala" o "naihiwalay mula sa kasalanan."
* Ang "gawing banal" ay kadalasang isinasalin sa "pinabanal. Ito ay maaari rin isalin na "ibinukod"

12
bible/kt/holyone.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,12 @@
# Ang Banal
Ang salitang "Ang Banal" ay isang titulo sa Bibliya na palaging tumutukoy sa Diyos.
* Sa Lumang Tipan, ang titulong ito ay madalas nakikita sa mga salitang "Ang Banal ng Israel."
* Sa Bagong Tipan, tinutukoy din si Jesus bilang "Ang Banal."
* ng salitang "ang banal" ay ginagamit minsan ng Bibliya upang tukuyin ang isang anghel.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
* Ang literal na salita ay, "ang Banal"

18
bible/kt/holyplace.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,18 @@
# banal na lugar, kabanalbanalang lugar
Sa Bibliya ang mga salitang "banal na lugar" at "kabanal-banalang lugar" ay tumutukoy sa dalawang silid ng tabernakulo o templo. Minsan ang "banal na lugar" ay tumutukoy sa anumang lugar na inilaan para sa Diyos.
* Ang "banal na lugar" at "kabanal-banalang lugar" ay napapaloob sa isang gusali na napapaligiran ng nakapader na patyo ng tabernakulo o templo. Isang makapal, at mabigat na kurtina ang nasa pasukan ng kabanal-banalang lugar.
* Kinakatagpo dito ng Diyos ang pinakapunong pari na kumatawan sa lahat ng mga Israelita.
* Ang pinakapunong pari lamang ang pinahihintulutan na pumasok sa loob ng kabanalbanalang lugar. Isang makapal, at mabigat na kurtina ang humaharang sa sinumang taong papasok.
* Ang "banal na lugar" ay ang unang silid at naglalaman ito ng dalawang bagay: ang altar ng insenso at ang mesa na may tinapay na pinabanal.
* Ang "kabanal-banalang lugar" ay ang pangalawang silid, at naglalaman ito ng kaban ng tipan.
* Minsan ang "banal na lugar" ay tumutukoy sa kabuuan ng templo o ng tabernakulo.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Ang salitang "banal na lugar" ay maaari ring isalin na, "silid na nailaan para sa Diyos" o "natatanging silid para makipagtagpo sa Diyos." o "lugar na inilaan para sa Diyos"
* Ang salitang "kabanal-banalang lugar" ay maaaring isalin na, "silid na nakalaan para sa Diyos" o natatanging silid para katagpuin ang Diyos."
* Depende sa konteksto, ang mga salitang "isang banal na lugar," ay maaaring isalin na "isang lugar na pinabanal" o "isang lugar na inilaan ng Diyos" o ang "kabuuan ng templo na banal" o "isang patyo ng templo ng Diyos."

15
bible/kt/holyspirit.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,15 @@
# Banal na Espiritu, Espiritu ng Diyos, Espiritu ng Panginoon
Tumutukoy ang lahat ng mga salitang ito sa Banal na Espiritu na siyang Diyos. Ang nag-iisang tunay na Diyos na mamalagi sa habang panahon bilang Ama, anak, at Banal na Espiritu.
* ng Banal na Espuritu ay tumutukoy din sa "ang Espiritu" at "Espiriu ni Yahweh" at "Espiritu ng Katotohanan."
* Dahil ang Banal na Espiritu ay Diyos, siya ay ganap na banal, walang hanggang kadalisayan, at ganap ang kagandahang asal sa lahat ng kaniyang kalikasan at sa lahat ng kaniyang ginagawa.
* Kasama ng Ama at ng Anak, ang Banal na Espiritu ay aktibo sa paglilikha ng mundo.
* Nang ang anak ng Diyos, na si Jesus, ay bumalik sa langit, ipinadala ng Diyos ang Banal na Espirtu sa kaniyang mga tao upang pangunahan sila, turuan sila, gabayan sila, at bigyan sila ng kakayanan na gawin ang kalooban ng Diyos.
* Pinatnubayan ng Banal na Espiritu si Jesus at papatnubayan ang mga maniniwala kay Jesus.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
* Ang salitang ito ay maaaring isalin gamit ang mga salita sa pagsalin ng "banal" at "espiritu."
* Ang mga paraan ng pagsasalin ng salitang ito ay maaaring isama ang "Dalisay na Espiritu" o "Espiritung Banal" o "Espiritu na Diyos."

Some files were not shown because too many files have changed in this diff Show More