# Sino ang nagdala kay Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo? Dinala ng Banal na Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. [4:1] # Gaano katagal nag-ayuno si Jesus sa ilang? Nag-ayuno si Jesus sa ilang ng apatnapung araw at apatnapung gabi. [4:2] # Ano ang unang tukso na iniharap ng diyablo kay Jesus? Tinukso ng diyablo si Jesus na gawing tinapay ang bato. [4:3] # Ano ang sagot ni Jesus sa unang tukso? Sinabi ni Jesus na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos. [4:4]