# Sa anong titulo ipinakilala ni Juan ang kaniyang sarili? Ipinakilala ni Juan ang kaniyang sarili bilang isang nakatatanda. # Anong relasyon mayroon si Juan kay Gayo, ang siyang tumanggap ng liham na ito? Mahal ni Juan si Gayo sa katotohanan. # Ano ang pinapanalangin ni Juan patungkol kay Gayo? Pinapanalangin ni Juan na si Gayo ay sumagana sa lahat ng bagay at maging sa kalusugan, habang sumasagana ang kaniyang kaluluwa. # Ano ang lubos na kagalakan ni Juan? Ang lubos na kagalakan ni Juan ay marinig ang kaniyang mga anak na lumalakad sa katotohanan.