1.5 KiB
rc://tl/bible/questions/comprehension/job/03
rc://tl/bible/questions/comprehension/job/03
Sa lugar na iyon, ang mga masasama ay wala nang kaguluhan, at ang mga pagod ay nakakapagpahinga
Gumagamit si Job ng paralelismo para bigyang-diin ang mga mahihirap ay makakatagpo ng kapahingahan mula sa mga taong nagiging dahilan ng kanilang paghihirap. (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-parallelism)
Sa lugar na iyon, ang mga masasama ay wala nang kaguluhan
Tinutukoy ni Job ang lugar kung saan mapupunta ang mga tao kapag sila ay patay na. Maaaring Isalin na: "Sa lugar na iyon, ang mga masama ay hindi na nakapanggugulo."
wala nang kaguluhan
Maaaring Isalin na: "hindi na nakapanggugulo"
ang mga pagod ay nakakapagpahinga
Maaaring Isalin na: "sa lugar na iyon, ang mga pagod na pagod ay nasa mapayapa."
Na kung saan ang mga bilanggo ay nagkakasundo
Maaaring Isalin na: "Ang mga taong nasa bilangguan ay nagkakasundo."
ang boses ng mga tagapamahala sa kanila
Ang "boses" dito ay isang metonimi para sa kapangyarihan ng mga tagapamahala sa kanilang alipin. Maaaring Isalin na: "Hindi na sila saklaw ng kapangyarihan ng mga tagapamahala ng mga alipin." (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy)
mga karaniwan at mga tanyag
Ito ay isang tayutay na nangangahulugang "ang lahat ng tao, ang parehong mahihirap at mayayaman." (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-merism)
ang lingkod doon ay malaya mula sa kayang amo
Ang isang lingkod ay hindi na inaasahang magsilbi pa sa kaniyang amo.