# bumaba din silang kasama niya sa sheol "Ang mga punongkahoy ng Lebanon ay namatay rin at bumaba sa sheol kasama ang punong sedar" # silang mga napatay sa pamamagitan ng mga espada Maaaring isalin na: "mga kaaway na pinatay sa pamamagitan ng mga espada" o "mga namatay sa labanan" (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]] at [[rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy]] ) # Ito ang mga malalakas niyang braso "Ang mga punongkahoy ng Lebanon ay ang mga malalakas nitong braso." Ang mga salitang "malakas na braso" ay nangangahulugang "kapangyarihan." Maaaring isalin na: "Ang mga punongkahoy ng Lebanon na ito ay ang kapangyarihan ng punong sedar" o "Ang mga punongkahoy na ito ang nagpapalakas sa punong sedar." (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy]]) # Alin sa mga punongkahoy sa Eden ang papantay sa iyong kaluwalhatian at kadakilaan? Alin sa mga punongkahoy na ito sa Eden ang katumbas ng kaluwalhatian at kadakilaan na gaya mo?" Tinanong ng Diyos si Paraon upang ipakita sa kaniya na ang talinghaga ay mangyayari sa kaniya at sa kaniyang bansa. Maaari itong simulan sa "Kaya Paraon" o "kaya mga taga-Egipto." (Tingnan sa" [[rc://tl/ta/man/translate/figs-rquestion]]) # Sapagkat dadalhin ka pababa Maaaring isalin na: "Sapagkat ibabagsak kita" # kasama ng mga punongkahoy ng Eden Maaaring isalin na: "gaya ng iba pang mga punongkahoy ng Eden" # sa pinakamababang bahagi ng mundo "sa lugar ng kailaliman sa lupa" # kasama ng mga taong hindi tuli Maaaring isalin na: "kung saan makakasama mo ang mga taong hindi tuli" # ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh Tingnan kung paano ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/ezk/05/11]].