# Nag-uugnay na Pahayag: Dinala ni Festo si Pablo sa harapan ni Haring Agripa. Sa talatang 2, nagsimulang ibigay ni Pablo ang pagtatanggol niya sa kaniyang sarili kay Haring Agripa. # iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay "itinaas niya ang kaniyang kamay sa harap ng mga tao upang makuha ang kanilang atensyon" # ipinahayag ang kaniyang pagtatanggol "sinimulan niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili laban sa mga paratang" # Ako'y masaya Masaya si Pablo dahil isinaalang-alang niya ang pagharap niya kay Haring Agripa para maging pagkakataon na magsalita patungkol sa ebanghelyo.