forked from WA-Catalog/tl_ulb
108 lines
7.6 KiB
Plaintext
108 lines
7.6 KiB
Plaintext
\id TIT
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Tito
|
|
\toc1 Tito
|
|
\toc2 Tito
|
|
\toc3 tit
|
|
\mt Tito
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Pablo, isang lingkod ng Diyos at isang apostol ni Jesu- Cristo, para sa pananalig ng mga pinili ng Diyos at sa kaalaman ng katotohanang naaayon sa kabanalan.
|
|
\v 2 Ang mga ito ay nasa pagtitiwala sa buhay na walang hanggan na ang Diyos, siyang walang pagsisinungaling, ay ipinangako bago ang lahat ng panahon.
|
|
\v 3 At sa takdang panahon, ipinahayag niya ang kanyang salita sa mensahe na ipinagkatiwala sa akin upang isalaysay. Ginawa ko ito dahil sa utos ng Diyos na ating tagapagligtas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Kay Tito, isang tunay na anak sa ating pangkalahatang pananampalataya. Biyaya, awa at kapayapaan mula sa Diyos Ama at tagapagligtas na si Cristo Jesus.
|
|
\v 5 Para sa ganitong layunin iniwan kita sa Creta, upang ikaw ang maaaring mag-ayos ng mga bagay na hindi pa natapos at magtalaga ng mga nakatatanda sa bawat lungsod gaya ng iniutos ko sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Ang isang nakatatanda ay dapat walang kapintasan, may iisang asawa, mayroong masunurin na mga anak hindi naparatangan ng pagiging masama o matigas ang ulo.
|
|
\v 7 Kinakailangan para sa tagapangasiwa, bilang tagapamahala ng sambahayan ng Diyos, ay walang kapintasan. Hindi dapat matabil at walang pagpipigil sa sarili. Hindi madaling magalit, hindi lulon sa alak, hindi isang palaaway, at hindi isang taong sakim.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Subalit dapat bukas ang kaniyang tahanan sa mga panauhin at isang kaibigan ng mabuti. Dapat siya ay matino, matuwid, makadiyos, at may pagpipigil sa sarili.
|
|
\v 9 Dapat siya ay matibay na nananangan sa naiturong mapakakatiwalaang mensahe, upang yaon siya ay maaaring magpalakas sa mga iba pa sa pamamagitan ng mabuting katuruan, at maituwid yaong mga sumasalungat sa kanya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Dahil marami ang taong naghihimagsik, lalo na sa yaong mga tuli. Walang silbi ang kanilang mga salita. Nililinlang nila at pinamumunuan ang mga tao sa maling dako.
|
|
\v 11 Kinakailangan pigilan ang kanilang mga labi. Sila ay nagtuturo ng hindi dapat ituro para sa kahiya-hiyang kapakinabangan at winawasak ang mga pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Isa sa kanila, isang matalinong tao mula sa kanila, ang nagsabi "Ang mga Creto ay walang tigil sa pagsisinungaling, masama at mapanganib na mga hayop, tamad ang mga sikmura."
|
|
\v 13 Ang pahayag na ito ay totoo, kaya mahigpit mo silang iwasto sa gayon sila ay maaaring maayos sa pananampalataya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Huwag paglaanan ng pansin ang mga kathang isip ng Judio o sa mga kautusan ng mga taong tumalikod sa katotohan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Sa yaong mga dalisay, lahat ng mga bagay ay dalisay. Ngunit sa yaong mga marumi at hindi naniniwala ay walang kadalisayan. Sapagkat ang kanilang mga pag-iisip at mga budhi ay madumi.
|
|
\v 16 Sinasabi nila na kilala ang Diyos, ngunit kanilang itinatatwa siya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Sila ay kasuklam-suklam at masuwayin. Sila ay tumututol sa anumang mabuting gawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngunit ikaw, sabihin ang tama kasama ng tapat na pagtuturo.
|
|
\v 2 Ang mga nakatatandang lalake ay dapat maging mahinahon, marangal, matino, nasa tamang pananampalataya, sa pag-ibig, at sa katiyagaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ang mga nakatatandang babae gayon din dapat laging ipakilalang sila rin ay kagalang-galang at hindi mga tsismosa. Sila ay hindi dapat inalipin ng sobrang alak. Sila ay dapat nagtuturo ng kung ano ang mabuti
|
|
\v 4 upang masanay ang mga nakababatang babae sa matinong pagmamahal sa kanilang sariling mga asawa at mga anak.
|
|
\v 5 Sila ang dapat magsanay sa kanila na maging matino, dalisay, mga mabuting tagapangalaga ng tahanan at masunurin sa kanilang sariling mga asawa. Dapat nilang gawin ang mga bagay na ito upang ang Salita ng Diyos ay hindi maalipusta.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Sa parehong paraan, himukin ninyo ang mga nakababatang lalake upang maging matino.
|
|
\v 7 Sa lahat ng paraan, ihayag ang inyong sarili bilang isang huwaran ng mabubuting gawa; at kapag nagtuturo kayo, ipakita ang katapatan at karangalan.
|
|
\v 8 Magpahayag ng isang mensahe na nakapagpapalakas at walang kapintasan, kaya yaong sinuman ang sumasalungat ay mapahiya, dahil wala siyang masamang masasabi tungkol sa atin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ang mga alipin ay dapat sumunod sa kanilang amo sa lahat ng bagay. Sila ay dapat magbigay-lugod at hindi mangatwiran sa kanila.
|
|
\v 10 Hindi sila dapat mangupit. Sa halip, dapat silang magpakita ng lahat ng mabuting pananalig, upang sa lahat ng paraan, sila ay magpaganda sa ating katuruan tungkol sa Diyos na ating tagapagligtas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Pagkat ang biyaya ng Diyos ay nahayag sa lahat ng tao.
|
|
\v 12 Ito ay nagsasanay sa atin na tumanggi sa walang kabanalan at makamundong pagkahumaling. Ito ang nagsanay sa ating mamuhay ng matino, makatarungan at sa makadiyos na paraan sa kapanahunan ngayon
|
|
\v 13 habang tayo ay nag-aabang sa pagtanggap ng ating pinagpalang pag-asa, ang kahayagan ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ibinigay ni Jesus ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kawalan ng batas at gawing dalisay, para sa kanyang sarili, isang natatanging mga tao na sabik sa paggawa ng mabubuti.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Ipahayag mo at ang lahat ng mga ito sa pagpalakas ng loob. Magbigay ng pag-aayos kasama lahat ng kapangyarihan. Huwag mong hayaang may isang magpasawalang bahala sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Ipaalala sa kanila na magpasakop sa mga namumuno at may kapangyarihan, upang sundin sila, para maging handa sa lahat ng mabuting gawa.
|
|
\v 2 Paalalahanan sila wag manglait nang sinuman, iwasan ang pagtalo-talo, hayaan ang ibang mga tao sa kanilang pamamaraan, at magpakita ng kababaan ng loob sa lahat ng tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Minsan tayo ay naging pabaya at suwail. Dati tayo ay naligaw at inalipin sa iba't ibang mga pagkahumaling at kasiyahan. Namuhay tayo sa kasamaan at inggit. Tayo ay kasuklam-suklam at kinamuhian ang isa't-isa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ngunit kapag ang kabutihan at pagmamahal ng ating Diyos na tagapagligtas ay nalantad sa sangkatauhan,
|
|
\v 5 eto ay hindi sa pamamagitan na ating makatuwirang mga nagawa, kundi dahil sa kanyang habag kaya tayo ay naligtas. Niligtas nya tayo sa pamamagitan ng paghuhugas ng bagong kapanganakan at pagpapabago sa pamamagitan ng Banal na Espirito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Masaganang binuhos ng Panginoon sa atin ang Banal na Espirito sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu Cristo.
|
|
\v 7 Ginawa Nya ito, upang, ang mga pinawalang sala sa pamamagitan ng kanyang biyaya, tayo'y maaring maging kabahagi sa kasiguraduhan ng buhay na walang hanggan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Itong mensahe na ito ay mapagkakatiwalaan. Gusto ko kayong magsalita ng may kalakasan ng loob tungkol sa mga bagay na ito, Nang sa gayon ang mga nagtitiwala sa Diyos ay maghangad ng mabubuting gawa na nilagay Niya bago sa kanila. Ang mga bagay na ito ay maganda at kapakipakinabang para sa lahat ng tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ngunit iwasan ang kawalang katuturan na pagtatalo at mga pagkakasunod-sunod ng lahi at pagkakagalit-galit at hindi pagkakasundo tungkol sa mga batas. Ang mga bagay na iyon ay walang halaga at hindi kapakipakinabang.
|
|
\v 10 Itanggi ang sinumang nagdudulot ng pagkahati-hati sa inyo, pagkatapos ng isa o dalawang babala,
|
|
\v 11 at ipaalam na ang taong ito ay tumalikod sa tamang daan at nagkakasala at sinumpa ang kanyang sarili.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Nang pinapunta ko sa inyo sila Artemas at Tychicus, magmadali at sumama kayo sa akin sa Nicopolis, kung saan ako nagpasyang magpalipas ng tag-lamig.
|
|
\v 13 Magmadali at papuntahin si Zenas, ang dalubhasa sa batas, at si Apollos, nang sa gayon wala ng kakulangan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ang ating mga tao dapat matutunan ang makisali sa paggawa ng mabuti na tumutugon sa mga agarang pangangailangan upang sila ay maging mabunga.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 lahat ng mga kasama ko ay bumabati sa inyo. Batiin ninyo ang lahat ng nagmamahal sa atin dahil sa pananampalataya. Sumainyo lahat ang biyaya.
|