tl_ulb/41-MAT.usfm

1997 lines
156 KiB
Plaintext
Raw Blame History

This file contains invisible Unicode characters

This file contains invisible Unicode characters that are indistinguishable to humans but may be processed differently by a computer. If you think that this is intentional, you can safely ignore this warning. Use the Escape button to reveal them.

This file contains Unicode characters that might be confused with other characters. If you think that this is intentional, you can safely ignore this warning. Use the Escape button to reveal them.

\id MAT
\ide UTF-8
\h Mateo
\toc1 Mateo
\toc2 Mateo
\toc3 mat
\mt Mateo
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ito ang aklat ng talaan ng angkan ni Jesu-Cristo na anak ni David na anak ni Abraham.
\v 2 Si Abraham ang ama ni Isaac at si Isaac ang ama ni Jacob, at si Jacob ang ama ni Juda at ng mga kapatid niya.
\v 3 Si Juda ang ama ni Fares at Zara kay Tamar, si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram.
\s5
\v 4 Si Aram ang ama ni Aminadab, si Aminadab ang ama ni Naason, si Naason ang ama ni Salmon.
\v 5 Si Salmon ang ama ni Boaz kay Rahab, si Boaz ang ama ni Obed kay Ruth, si Obed ang ama ni Jesse,
\v 6 Si Jesse ang ama ni David na hari, si David ang ama ni Solomon sa asawa ni Urias.
\s5
\v 7 Si Solomon ang ama ni Rehoboam, si Rehoboam ang ama ni Abias, si Abias ang ama ni Asa.
\v 8 Si Asa ang ama ni Josafat, si Josafat ang ama ni Joram, si Joram ang ama ni Ozias.
\s5
\v 9 Si Ozias ang ama ni Jotam, si Jotam ang ama ni Acaz, si Acaz ang ama ni Ezequias.
\v 10 Si Ezequias ang ama ni Manases, si Manases ang ama ni Amon, at si Amon ang ama ni Josias.
\v 11 Si Josias ang ama ni Jeconias at ng mga kapatid niya noong panahon ng pagpapatapon sa Babilonia.
\s5
\v 12 Pagkatapos ng pagpapatapon sa Babilonia, anak naman ni Jeconias si Salatiel, si Salatiel ay ninuno ni Zerubabel.
\v 13 Si Zerubabel ang ama ni Abiud, si Abiud ang ama ni Eliakim, at si Eliakim ang ama ni Azor.
\v 14 Si Azor ang ama ni Sadok, si Sadok ang ama ni Aquim, at si Aquim ang ama ni Eliud.
\s5
\v 15 Si Eliud ang ama ni Eliasar, si Eliasar ang ama ni Matan, at si Matan ang ama ni Jacob.
\v 16 Si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria na nagsilang kay Jesus, na tinatawag na Cristo.
\v 17 Lahat ng salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David ay labing-apat na salinlahi, mula kay David hanggang sa pagkakatapon sa Babilonia ay labing-apat na salinlahi, mula sa pagpapatapon sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labing-apat na salinlahi.
\s5
\v 18 Naganap ang kapanganakan ni Jesu-Cristo sa ganitong kapamaraanan. Si Maria na kaniyang ina ay naipagkasundong maikasal kay Jose. Ngunit bago pa man sila magsama, nalamang nagdadalang tao siya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
\v 19 Si Jose na asawa niya ay isang matuwid na tao, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria sa mga tao. Kaya palihim niyang tinapos ang kasunduan niyang magpakasal sa kaniya.
\s5
\v 20 Habang iniisip ni Jose ang mga bagay na ito, nagpakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon sa panaginip at sinabi, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang kaniyang pinagbubuntis ay sa Banal na Espiritu.
\v 21 Isisilang niya ang isang anak na lalaki at papangalanan mo siyang Jesus, sapagkat ililigtas niya ang kaniyang mga tao mula sa mga kasalanan nila."
\s5
\v 22 Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang mga sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
\v 23 "Masdan ito, magdadalang tao ang isang birhen at magsisilang ng isang lalaki at tatawagin nilang Emmanuel"— na nangangahulugang, "kasama natin ang Diyos."
\s5
\v 24 Nagising si Jose mula sa kaniyang pagkakatulog at ginawa niya ang iniutos ng anghel ng Panginoon sa kaniya at kinuha niya si Maria bilang asawa niya.
\v 25 Gayunpaman, hindi niya ito sinipingan hanggang sa isinilang niya ang anak na lalaki. At tinawag niya ang kaniyang pangalan na Jesus.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Pagkatapos maipanganak si Jesus sa Bethlehem ng Judea sa mga araw ni Haring Herodes, dumating sa Jerusalem ang mga pantas na kalalakihan mula sa silangan na nagsasabi,
\v 2 "Nasaan siyang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Nakita namin ang bituin niya sa silangan kaya pumarito kami upang sumamba sa kaniya."
\v 3 Nang marinig ito ni haring Herodes, nabagabag siya at ang buong Jerusalem na kasama niya.
\s5
\v 4 At tinipon ni Herodes ang lahat ng mga punong pari at mga eskriba ng mga tao, at tinanong niya ang mga ito, "Saan ipapanganak ang Cristo?"
\v 5 Sinabi nila sa kaniya, "Sa Bethlehem ng Judea, sapagkat ito ang isinulat ng propeta,
\v 6 'At ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Judah, ay hindi pinakahamak sa mga pinuno ng Judah, sapagkat sayo magmumula ang isang pinuno na magpapastol sa aking mga taong Israelita.'"
\s5
\v 7 At lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas na kalalakihan upang tanungin kung ano ang tiyak na oras na nagpakita ang bituin.
\v 8 Pinapunta niya ang mga ito sa Bethlehem at sinabing, "Humayo kayo at hanaping mabuti ang bata. Kung nahanap ninyo siya, ipaalam ninyo sa akin upang makapunta at makasamba din ako sa kaniya."
\s5
\v 9 Pagkatapos nilang makinig sa hari, sila ay tumuloy sa kanilang lakbayin, at pinangunahan sila ng bituwin na kanilang nakita mula sa silangan hanggang sa ito ay tumigil kung nasaan naroroon ang bata.
\v 10 Nang nakita nila ang bituin, sila ay nagalak nang may labis na kagalakan.
\s5
\v 11 Sila ay pumunta sa bahay at kanilang nakita ang bata kasama ng kaniyang inang si Maria. Yumukod sila at sumamba sa kaniya. Binuksan nila ang kanilang mga kayamanan at inihandog nila ang kanilang mga kaloob na ginto, kamanyang, at mira.
\v 12 Binalaan sila ng Diyos sa panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya umiba sila ng daan pauwi sa kanilang bayan.
\s5
\v 13 Pagkatapos nilang umalis, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita kay Jose sa panaginip at sinabi, "Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas kayo patungong Egipto. Manatili kayo doon hanggang sa sasabihin ko, sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin siya".
\v 14 Sa gabing iyon, bumangon si Jose at kinuha ang bata at ang kaniyang ina at umalis patungong Egipto.
\v 15 Nanatili siya roon hanggang sa pagkamatay si Herodes. Tinupad nito ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, "Mula sa Egipto tinawag ko ang aking anak."
\s5
\v 16 Nang nakita ni Herodes na kinutya siya ng mga pantas na kalalakihan, siya ay nagalit nang labis. Nagsugo siya at ipinapatay ang lahat ng mga batang lalaking naroon sa Bethlehem at sa buong rehiyon, ang mga may dalawang taong gulang pababa ayon sa tiyak na panahong nalaman niya mula sa mga pantas.
\s5
\v 17 At natupad nga ang sinabi sa pamamagitan ng propeta na si Jeremias,
\v 18 "Isang tinig ang narinig sa Ramah, pananangis at labis na pagdadalamhati, umiiyak si Raquel para sa kaniyang mga anak at ayaw niyang paaliw sapagkat sila ay wala na."
\s5
\v 19 Nang si Herodes ay namatay, masdan ito, nagpakita sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon kay Jose sa Egipto at sinabi,
\v 20 "Bumangon ka at kunin mo ang bata at ang kaniyang ina at pumunta kayo sa lupain ng Israel, sapagkat ang mga naghahangad sa buhay ng bata ay patay na."
\v 21 Bumangon si Jose at kinuha ang bata at ang kaniyang ina at tumungo sila sa lupain ng Israel.
\s5
\v 22 Ngunit nang mabalitaan niya na si Arquelao na ang naghahari sa Judea kapalit ng kaniyang ama na si Herodes, natakot siyang pumunta roon. Pagkatapos siyang balaan ng Diyos sa panaginip, umalis siya patungo sa rehiyon ng Galilea
\v 23 at pumunta siya at nanirahan sa lungsod na tinatawag na Nazaret. Natupad kung ano ang sinabi sa pamamagitan ng mga propeta na siya ay tatawaging Nazareno.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Sa mga araw na iyon ay dumating si Juan na Tagapagbautismo na nangangaral sa ilang ng Judea at nagsasabi,
\v 2 "Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit."
\v 3 Sapagkat siya ang binanggit ni propeta Isaias na nagsasabi, "Isang tinig ang sumisigaw mula sa ilang, 'Ihanda ang daan ng Panginoon, gawing matuwid ang kaniyang landas.'"
\s5
\v 4 Ngayon, nagsusuot si Juan ng damit na gawa sa buhok ng kamelyo at sinturong balat sa kaniyang baywang. Ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan.
\v 5 Pumunta sa kaniya ang mga taga-Jerusalem, taga-Judea at lahat ng karatig rehiyon ng Ilog ng Jordan.
\v 6 Binautismuhan niya sila sa Ilog ng Jordan habang sila ay nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan.
\s5
\v 7 Ngunit nang makita niyang nagsisidatingan ang maraming mga Pariseo at mga Saduseo upang magpabautismo sa kaniya, sinabi niya sa kanila, "Kayong mga anak ng mga makamandag na mga ahas, sino ang nagbabala sa inyo na makakaiwas kayo sa poot na darating?
\v 8 Mamunga kayo na karapat-dapat sa pagsisisi.
\v 9 Huwag ninyong isiping sabihin sa inyong mga sarili na, 'Si Abraham ang aming ama.' Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kayang bumuhay ng Diyos ng mga anak ni Abraham kahit pa mula sa mga batong ito.
\s5
\v 10 Nakahanda na ang palakol sa mga ugat ng mga puno. Kaya bawat punong hindi namumunga ng mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy.
\v 11 Binabautismuhan ko kayo sa tubig para sa pagsisisi. Ngunit ang darating kasunod ko ay mas makapangyarihan kaysa sa akin at ako ay hindi karapat-dapat na magdala maging sa kaniyang sandalyas. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at sa apoy.
\v 12 Hawak niya ang kaniyang kalaykay upang linising maigi ang kaniyang giikan at tipunin ang kaniyang trigo sa bahay-imbakan. Ngunit susunugin niya ang mga ipa sa pamamagitan ng apoy na kailanman ay hindi maapula."
\s5
\v 13 Pagkatapos ay dumating si Jesus sa Ilog ng Jordan mula Galilea upang magpabautismo kay Juan.
\v 14 Ngunit pinigilan siya ni Juan at nagsasabi, "Ako ang dapat mong bautismuhan? Bakit ka lumalapit sa akin?"
\v 15 Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya, "Pahintulutan mo ito ngayon sapagkat ito ang nararapat upang matupad natin ang lahat ng katuwiran." Kaya pinahintulutan siya ni Juan.
\s5
\v 16 Pagkatapos niyang mabautismuhan, agad umahon si Jesus sa tubig, at masdan ito, bumukas ang mga langit sa kaniya. Nakita niya ang pagbaba ng Espiritu ng Diyos na parang kalapati na dumapo sa kaniya.
\v 17 Masdan ito, may isang tinig na mula sa mga langit na nagsasabi, "Ito ang pinakamamahal kong Anak. Lubos akong nalulugod sa kaniya."
\s5
\c 4
\p
\v 1 Pagkatapos, pinangunahan ng Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.
\v 2 Noong nag-ayuno siya sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom.
\v 3 Dumating ang manunukso at sinabi sa kaniya, "Kung ikaw ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay."
\v 4 Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Nasusulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos."'
\s5
\v 5 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod at dinala siya sa pinakamataas na bahagi ng gusali ng templo
\v 6 at sinabi sa kaniya, "Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka sa baba, sapagkat nasusulat, 'Uutusan niya ang kaniyang mga anghel upang pangalagaan ka,' at 'Itataas ka nila sa kanilang mga kamay upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato."'
\s5
\v 7 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "At nasusulat din, 'Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.'"
\v 8 Muli, dinala siya ng diyablo sa isang mataas na lugar at ipinakita ang lahat ng mga kaharian ng mundo pat na ang kanilang karingalan.
\v 9 Sinabi niya sa kaniya, "Ang lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay yuyukod at sasambahin ako."
\s5
\v 10 At sinabi ni Jesus sa kaniya, "Umalis ka dito Satanas! Sapagkat nasusulat, 'Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglingkuran."
\v 11 At iniwan siya ng diyablo at masdan ito, dumating ang mga anghel at naglingkod sa kaniya.
\s5
\v 12 Ngayon, nang marinig ni Jesus na nadakip si Juan, umalis siya patungong Galilea.
\v 13 Umalis siya sa Nazaret at nagpunta at nanirahan sa Capernaum, na nasa Dagat ng Galilea, sa mga teritoryo ng Zebulun at Neftali.
\s5
\v 14 Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias,
\v 15 "Ang lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, sa gawing dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Gentil!
\v 16 Ang mga taong nakaupo sa kadiliman ay nakakita ng matinding liwanag at sumikat ang liwanag sa mga taong nakaupo sa rehiyon at anino ng kamatayan. "
\s5
\v 17 Mula nang panahong iyon, nagsimulang mangaral si Jesus at sinasabi, "Magsisi na kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit."
\s5
\v 18 Habang naglalakad si Jesus sa Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro at ang kapatid niyang si Andres na naghahagis ng lambat sa dagat sapagkat sila ay mga mangingisda.
\v 19 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao."
\v 20 Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.
\s5
\v 21 Habang naglalakad si Jesus mula doon, nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak na lalaki ni Zebedeo at si Juan na kaniyang kapatid. Kasama nila si Zebedeo na kanilang ama sa bangka na nagkukumpuni ng kanilang mga lambat. Tinawag niya ang mga ito,
\v 22 at agad nilang iniwan ang kanilang ama at ang bangka at sumunod sa kaniya.
\s5
\v 23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea, nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, ipinangaral niya ang ebanghelyo ng kaharian, pinapagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao.
\v 24 Kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa buong Siria at dinala ng mga tao sa kaniya ang lahat ng mga may sakit, may iba't ibang uri ng karamdaman at sakit, ang mga sinaniban ng mga demonyo, lahat ng epileptiko at paralisado, pinagaling sila ni Jesus.
\v 25 Maraming tao ang sumunod kay Jesus mula sa Galilea, sa Decapolis, Jerusalem at Judea at maging sa ibayo ng Jordan.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Noong nakita ni Jesus ang maraming tao, umakyat siya sa bundok. Nang makaupo na siya, lumapit sa kaniya ang mga alagad niya.
\v 2 Nagsalita siya at tinuruan sila na sinasabi,
\v 3 "Pinagpala ang mahihirap sa espiritu, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.
\v 4 Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat sila ay aaliwin.
\s5
\v 5 Pinagpala ang mga maamo, sapagkat mamanahin nila ang mundo.
\v 6 Pinagpala ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin.
\v 7 Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat sila ay kahahabagan.
\v 8 Pinagpala ang may pusong dalisay, sapagkat makikita nila ang Diyos.
\s5
\v 9 Pinagpala ang mga mapagpayapa, sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos.
\v 10 Pinagpala ang mga inuusig alang-alang sa katuwiran, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.
\s5
\v 11 Pinagpala kayo kung inaalipusta kayo at inuusig ng mga tao o pagsalitaan ng lahat ng uri ng mga masasamang bagay na pawang mga kasinungalingan ng dahil sa akin.
\v 12 Magsaya kayo at labis na magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Sapagkat sa ganitong paraan inusig ng mga tao ang mga propetang nabuhay noon bago pa kayo.
\s5
\v 13 Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung nawala ang lasa ng asin, paano muling maibabalik ang alat nito? Wala na itong pakinabang pa kundi itapon at tapak-tapakan ng mga tao.
\v 14 Kayo ang ilaw ng mundo. Ang lungsod na nakatayo sa isang burol ay hindi maitatago.
\s5
\v 15 Ni hindi nagsisindi ang mga tao ng lampara at ilagay sa loob ng basket, bagkus sa isang patungan ng ilawan, at magliliwanag ito sa lahat ng nasa bahay.
\v 16 Hayaan ninyong magliwanag ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao sa paraang makikita nila ang inyong mga mabubuting gawa at papurihin ang inyong Amang nasa langit.
\s5
\v 17 Huwag ninyong isipin na pumarito ako upang sirain ang kautusan o ang mga propeta. Naparito ako hindi upang sirain ang mga ito kundi upang ito ay tuparin.
\v 18 Sapagkat totoo itong sinasabi ko sa inyo, hanggang hindi lilipas ang langit at lupa, wala ni isang tuldok o kudlit man ang mawawala sa kautusan, hanggang sa ang lahat ng mga bagay ay maganap.
\s5
\v 19 Kung gayon, sinuman ang lalabag ng kahit isa sa kaliit-liitan sa mga kautusang ito at nagtuturo sa iba na gawin ang paglabag nito ay tatawaging pinakahamak sa kaharian ng langit. Ngunit ang sinumang tumupad sa mga ito at itinuturo sa iba na tupariin ito ay tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
\v 20 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hangga't hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.
\s5
\v 21 Inyong narinig na sinabi sa kanila noong mga unang panahon, 'Huwag kang pumatay,' at 'Sinumang papatay ay manganganib sa paghuhukom.'
\v 22 Ngunit sinasabi ko sa inyo na sinumang magalit sa kaniyang kapatid ay manganganib sa paghuhukom. At kung sinuman ang magsabi sa kaniyang kapatid na, 'Wala kang kuwentang tao!' ay manganganib sa konseho. At sinumang magsabi ng, 'Hangal ka!' ay manganganib sa apoy ng impiyerno.
\s5
\v 23 Kaya kung ikaw ay naghahandog ng iyong kaloob sa altar at maalala mo doon ang iyong kapatid na may anumang bagay laban sa iyo,
\v 24 iwan mo doon ang iyong kaloob sa harap ng altar at humayo ka. Makipag-ayos ka muna sa iyong kapatid, pagkatapos ay pumunta ka at ihandog mo ang iyong kaloob.
\s5
\v 25 Makipagkasundo ka agad sa nagsakdal sa iyo habang siya ay kasama mo pa sa daan patungo sa hukuman, o ipapasakamay ka ng nagsakdal sa iyo sa hukom at ipapasakamay ka ng hukom sa pinuno at ikaw ay ipapatapon sa bilangguan.
\v 26 Totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ka kailanman makalalabas doon hanggang mapagbayaran mo ang kahuli-hulihang salapi na iyong inutang.
\s5
\v 27 Narinig ninyo na sinabi, 'Huwag kang mangangalunya.'
\v 28 Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang tumingin sa isang babae upang siya ay pagnasaan ay nangalunya sa babaing iyon sa kaniyang puso.
\s5
\v 29 At kung ang iyong kanang mata ang nagiging sanhi ng iyong pagkatisod, dukutin mo ito at itapon sa malayo sapagkat mas mabuti para sa iyo na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa maitapon ang buo mong katawan sa impiyerno.
\v 30 At kung ang iyong kanang kamay ang sanhi ng iyong pagkadapa, putulin mo ito at itapon sa malayo. Sapagkat mas mabuti na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ay mapunta sa impiyerno.
\s5
\v 31 At sinabi din, 'Kung sinuman ang magpalayas sa kaniyang asawang babae, dapat niya itong bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.'
\v 32 Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang makipaghiwalay sa kaniyang asawang babae maliban lamang kung sa sekswal na imoralidad ang dahilan nito ay nagiging sanhi ng pangangalunya ng kaniyang asawa. At kung sinumang magpakasal sa kaniya pagkatapos siyang hiwalayan ay nangangalunya rin.
\s5
\v 33 Narinig ninyo rin na sinabi nang mga tao noong unang panahon, 'Huwag kang manunumpa ng kasinungalingan ngunit tuparin mo ang iyong mga sumpa sa Panginoon.'
\v 34 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag na lamang kayong manumpa, huwag sa langit dahil ito ang trono ng Diyos,
\v 35 huwag sa lupa dahil ito ang tapakan ng kaniyang mga paa, huwag din sa Jerusalem dahil ito ang lungsod ng dakilang Hari.
\s5
\v 36 Huwag ka ring manumpa sa pamamagitan ng iyong ulo sapagkat ni isa mang buhok ay hindi mo kayang gawing puti o itim.
\v 37 Ngunit hayaan mo ang iyong salita ay maging, 'Oo, kung oo' o 'Hindi, kung hindi.' Anuman ang lalabis pa sa mga ito ay galing sa kaniya na masama.
\s5
\v 38 Narinig ninyo itong sinabi, 'Mata para sa mata at ngipin para sa ngipin.'
\v 39 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong labanan ang taong masama, sa halip, sinumang sumampal sa iyong kanang pisngi, iharap mo rin sa kaniya ang kabila.
\s5
\v 40 At kung hiniling ng sinuman na magpunta sa hukuman kasama ka at kunin ang iyong tuniko, hayaan mo rin na mapasakaniya ang iyong balabal.
\v 41 At sinumang pumilit sa iyo na maglakad ng isang milya, lumakad ka ng dalawang milya kasama niya.
\v 42 Ibigay mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong talikuran ang sinumang nanghihiram sa iyo.
\s5
\v 43 Inyong narinig na sinabing, 'Mahalin ninyo ang inyong kapwa at kamuhian ang inyong kaaway.'
\v 44 Ngunit sinasabi ko sa inyo, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo,
\v 45 upang magiging mga anak kayo ng inyong Amang nasa langit, sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga masama at mabuti at kaniyang ipinadadala ang ulan sa mga matutuwid at sa mga hindi matutuwid.
\s5
\v 46 Sapagkat kung mamahalin ninyo lamang ang mga nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang inyong makakamit? Hindi ba't ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?
\v 47 At kung ang mga kapatid ninyo lamang ang inyong babatiin, ano ang ginawa ninyo na higit sa iba? Hindi ba't ganiyan din ang ginagawa ng mga Gentil?
\v 48 Kaya dapat kayong maging ganap sapagkat ang inyong Amang nasa langit ay ganap.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Pag-ingatan ninyo na hindi ninyo gawin ang inyong mga gawain ng katuwiran sa harap ng mga tao upang makita nila ito, kung hindi ay wala kayong matatanggap na gantimpala mula sa Ama na nasa langit.
\v 2 Kung magbibigay ka ng mga limos, huwag mong patunugin ang isang trumpeta para sa iyong sarili tulad ng ginagawa ng mga mapagpanggap sa mga sinagoga at sa mga lansangan, upang sumakanila ang papuri ng mga tao. Totoo itong sasabihin ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala.
\s5
\v 3 Ngunit kung magbibigay ka ng mga limos, huwag mong hayaang malaman ng kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay,
\v 4 upang maibigay mo nang lihim ang iyong handog. At ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang gagantimpala sa iyo.
\s5
\v 5 At kung manalangin kayo, huwag kayong maging katulad ng mga mapagpanggap, sapagkat nais nilang tumayo at manalangin sa mga sinagoga at mga sulok ng lansangan upang makita ng mga tao. Totoo itong sinasabi ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala.
\v 6 Ngunit ikaw, kung mananalangin ka, pumasok ka sa loob ng iyong silid. Isara ang pinto at manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim. At ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang gagantimpala sa inyo.
\v 7 At kung mananalangin kayo, huwag kayong gumamit ng paulit-ulit ng mga walang kabuluhang salita tulad ng ginagawa ng mga Gentil, sapagkat iniisip nila na mas maririnig sila dahil sa dami ng kanilang sinasabi.
\s5
\v 8 Kaya, huwag kayong maging katulad nila, sapagkat alam ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kailangan bago pa ninyo hilingin sa kaniya.
\v 9 Kaya manalangin kayo ng katulad nito: 'Ama naming nasa langit, gawing banal ang iyong pangalan.
\v 10 Pumarito ang inyong kaharian, mangyari ang iyong kalooban, dito sa lupa katulad ng sa langit.
\s5
\v 11 Bigyan mo kami ngayon ng aming pang araw-araw na pagkain.
\v 12 Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang katulad din ng pagpapatawad namin sa mga nagkautang sa amin.
\v 13 At huwag mo kaming dalhin sa tukso, ngunit iligtas mo mula sa masama.
\s5
\v 14 Sapagkat kung patatawarin ninyo ang pagkakasala ng mga tao, patatawarin din kayo ng Ama na nasa langit.
\v 15 Ngunit kung hindi ninyo patatawarin ang kanilang pagkakasala, maging ang inyong Ama ay hindi rin patatawarin ang inyong pagkakasala.
\s5
\v 16 Bukod doon, kung mag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang nagdadalamhati katulad ng ginagawa ng mga mapagpanggap, sapagkat dinudungisan nila ang kanilang mga mukha upang makita ng mga taong nag-aayuno sila. Totoo itong sasabihin ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala.
\v 17 Ngunit ikaw, kung mag-aayuno ka, lagyan mo ng langis ang iyong ulo at maghilamos ka.
\v 18 Sa ganoon ay hindi ka mapansin ng mga tao na nag-aayuno, ngunit sa iyong Ama na nasa lihim lamang. At gagantimpalaan ka ng iyong Ama na nakakakita sa lihim.
\s5
\v 19 Huwag kayong mag-ipon ng mga kayamanan para sa inyong sarili dito sa lupa, kung saan sisirain ng tanga at kalawang, at kung saan papasukin at nanakawin ng mga magnanakaw.
\v 20 Sa halip, mag-ipon para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, kung saan maging mga tanga ni kalawang ay di kayang sirain, at kung saan ang mga magnanakaw ay di kayang pasukin at nakawin.
\v 21 Sapagkat kung saan naroon ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.
\s5
\v 22 Ang mata ay ang ilaw ng katawan. Kaya kung mabuti ang inyong mata, mapupuno ng liwanag ang buong katawan.
\v 23 Ngunit kung masama ang inyong mata, ang inyong buong katawan ay puno ng kadiliman. Kaya kung ang liwanag na nasa inyo ay pawang kadiliman, napakatindi ng kadilimang iyon!
\v 24 Walang sinuman ang maaaring maglingkod sa dalawang amo, sapagkat kakamuhian niya ang isa at mamahalin ang isa, o di kaya tapat siya sa isa at hahamakin ang isa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran ang Diyos at ang kayamanan.
\s5
\v 25 Ngayon sasabihin ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o ang inyong iinumin--o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot. Sapagkat hindi ba mas higit ang buhay kaysa sa pagkain, at ang katawan kaysa sa mga damit?
\v 26 Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim o nag-aani ni nag-iipon sa mga kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba higit kayong mahalaga kaysa sa kanila?
\s5
\v 27 At sino sa inyo ang kayang dagdagan ng isang siko ang haba ng kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagkabalisa?
\v 28 At bakit kayo nababalisa tungkol sa inyong kasuotan? Isipin ninyo ang mga liryo sa mga bukirin kung papaano sila tumubo. Hindi sila nagtatrabaho, at hindi sila gumagawa ng damit.
\v 29 Gayon pa man, sinasabi ko sa inyo, kahit na si Solomon sa lahat ng kaniyang kaluwalhatian ay hindi nakapagsuot ng tulad sa isa sa mga ito.
\s5
\v 30 Kung ganoong dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa bukirin, na nabubuhay ngayon at itatapon sa hurno kinabukasan, gaano pa kaya na kayo ay higit na kaniyang dadamitan, kayong may maliit na pananampalataya?
\v 31 Kaya huwag kayong mabalisa at sabihin, 'Ano ang aming kakainin?' o 'Ano ang aming iinumin?' o di kaya, 'Ano ang isusuot naming mga damit?'
\s5
\v 32 Sapagkat hinahanap ng mga Gentil ang mga bagay na ito, at alam ng iyong makalangit na Ama na kailangan ninyo ang lahat ng mga ito.
\v 33 Sapagkat hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian at ang kaniyang katuwiran at ang lahat na ito ay maibibigay sa inyo.
\v 34 Kaya huwag kayong mabahala sa kinabukasan, sapagkat ang bukas ang mababahala sa kaniyang sarili. Ang bawat araw ay may sapat na sariliing kaguluhan.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Huwag kayong humatol, at kayo ay hindi hahatulan.
\v 2 Sapagkat ang paghatol na iyong inihatol ay siyang ihahatol sa inyo. At ang panukat na inyong ginamit ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.
\s5
\v 3 At bakit mo tinitingnan ang maliit na pirasong dayami na nasa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo napapansin ang troso na nasa sarili mong mata?
\v 4 Paano mo sasabihin sa iyong kapatid, 'Hayaan mo akong alisin ang pirasong dayami na nasa iyong mata,' habang ang troso ay nasa iyong mata?
\v 5 Mapagpanggap ka! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, at pagkatapos ay malinaw kang makakakita upang alisin ang piraso ng dayami na nasa mata ng iyong kapatid.
\s5
\v 6 Huwag ninyong ibigay ang anumang banal sa mga aso, at huwag ninyong ihagis ang inyong mga perlas sa harapan ng mga baboy. Kung hindi, ito ay tatapak-tapakan lang nila, at kayo ay babalingan at pagpipira-pirasuhin.
\s5
\v 7 Humingi kayo, at ito ay ibibigay sa inyo. Humanap kayo, at kayo ay makakatagpo. Kumatok kayo, at bubuksan ito para sa inyo.
\v 8 Sapagkat ang lahat na humihingi, ay makatatanggap. At ang lahat na maghahanap, ay makakatagpo. At sa kanila na kumakatok, ito ay mabubuksan.
\v 9 O anong tao sa inyo na kapag humingi ng tinapay ang kaniyang anak ay bibigyan niya ng bato?
\v 10 O kapag humihingi siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?
\s5
\v 11 Kaya kung kayong mga masasama ay marunong magbigay ng mga mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit na nagbibigay ng mga mabubuting bagay sa mga humihingi sa kaniya?
\v 12 Kaya kung anuman ang gusto inyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang gawin ninyo sa kanila, sapagkat ito ang sa kautusan at ng mga propeta.
\s5
\v 13 Pumasok kayo sa makipot na tarangkahan. Sapagkat malawak ang tarangkahan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at maraming tao ang dumaraan doon.
\v 14 Subalit makitid ang tarangkahan at makitid ang daan na patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakahanap nito.
\s5
\v 15 Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na darating sa inyo na nakadamit na parang mga tupa ngunit ang katotohanan ay para silang mga gutom na gutom na mga lobo.
\v 16 Sa pamamagitan ng kanilang mga bunga sila ay inyong makikilala. Makapipitas ba ang tao ng mga ubas mula sa puno ng dawag, o ng mga igos sa mga matitinik na halaman?
\v 17 Sa gayon ding paraan, ang lahat ng puno na namumunga ng mabuti ay mabuti, ngunit ang masamang puno ay namumunga ng masamang bunga.
\s5
\v 18 Ang mabuting puno ay hindi maaaring magbunga ng masamang bunga, hindi rin magbubunga ng mabuti ang masamang puno.
\v 19 Bawat puno na hindi namumunga ng mabuting bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.
\v 20 Sa gayon, makikilala ninyo sila sa pamamagitan nang kanilang mga bunga.
\s5
\v 21 Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay makakapasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumagawa lamang sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit.
\v 22 Maraming tao ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, 'Panginoon, Panginoon, hindi ba kami nagsabi ng propesiya sa iyong pangalan, sa iyong pangalan ay nagpalayas ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa ng maraming makapangyarihang gawain?'
\v 23 At hayagan kong sasabihin sa kanila, 'Hindi ko kayo nakikilala! Lumayo kayo sa akin, kayong gumagawa ng masama!'
\s5
\v 24 Kaya ang lahat ng nakikinig sa aking mga salita at sumusunod sa kanila ay maihahalintulad sa isang matalinong tao na nagtayo ng kaniyang bahay sa isang bato.
\v 25 Bumuhos ang ulan at bumaha, umihip ang hangin at hinagupit ang bahay ngunit hindi ito bumagsak, sapagkat ito ay natatayo sa bato.
\s5
\v 26 Subalit lahat ng nakarinig sa aking mga salita at hindi sinusunod ang mga ito ay mahahalintulad sa isang taong mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa buhanginan.
\v 27 Bumuhos ang ulan, bumaha, umihip ang hangin at hinagupit ang bahay. At ito ay bumagsak at nawasak nang tuluyan."
\s5
\v 28 At pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, namangha ang maraming tao sa kaniyang pagtuturo,
\v 29 sapagkat nagturo siya sa kanila tulad ng isang may kapangyarihan, at hindi kagaya ng kanilang mga eskriba.
\s5
\c 8
\p
\v 1 Noong bumaba si Jesus mula sa burol, maraming tao ang sumunod sa kaniya.
\v 2 Masdan ito, isang lalaking may ketong ang lumapit at lumuhod sa kaniya na nagsasabi, "Panginoon, kung iyong nais, maaari mo akong gawing malinis."
\v 3 Inabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya na nagsasabin, "Nais ko. Maging malinis ka." Agad siyang nalinis sa kaniyang ketong.
\s5
\v 4 Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Huwag mo itong sabihin kahit kanino man. Humayo ka sa iyong daan at magpakita ka sa pari at ihandog mo ang kaloob na iniutos ni Moises, bilang patotoo sa kanila."
\s5
\v 5 Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, isang senturion ang lumapit at kumausap sa kaniya
\v 6 na nagsasabin, "Panginoon, ang aking lingkod ay nakaratay sa bahay, paralisado at lubhang nahihirapan."
\v 7 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Pupunta ako at pagagalingin ko siya."
\s5
\v 8 Sumagot ang senturion at sinabing, "Panginoon, hindi ako karapat-dapat na papasukin ka sa ilalim ng aking bubong, sabihin mo lamang ang salita at gagaling na ang aking lingkod.
\v 9 Sapagkat ako ma'y isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan at may mga kawal ako na napapasailalim sa akin. Sinasabi ko sa isa, 'Humayo ka' at siya ay humayo, sa isa 'Halika' at siya ay lalapit at sa aking lingkod 'Gawin mo ito' at ginawa nga niya."
\v 10 Nang marinig ito ni Jesus, siya ay namangha at kaniyang sinabi sa mga taong sumusunod sa kaniya, "Totoo ito sasabihin ko sa inyo, hindi pa ako nakakita ng may ganitong pananampalataya sa Israel.
\s5
\v 11 Sinasabi ko sa inyo, maraming darating mula sa silangan at kanluran at sila ay sasandal sa mesa ni Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.
\v 12 Ngunit ang mga anak ng kaharian ay ipatatapon sa kadiliman sa labas na kung saan may pagtangis at pagngangalit ng ngipin."
\v 13 Sinabi ni Jesus sa senturion, "Humayo ka! Mangyari sa iyo ang naaayon sa iyong pinaniwalaan." At gumaling nga ang kaniyang lingkod sa ganap na oras na iyon.
\s5
\v 14 Pagkarating ni Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang biyenang babae ni Pedro na nakahiga at nilalagnat.
\v 15 Hinawakan ni Jesus ang kaniyang kamay at inibsan siya ng lagnat. Bumangon siya at nagsimulang maglingkod sa kaniya.
\s5
\v 16 Nang sumapit ang gabi, dinala ng mga tao kay Jesus ang maraming taong sinapian ng mga demonyo. Pinalayas niya ang mga espiritu sa pamamagitan ng salita at pinagaling niya ang lahat ng may sakit.
\v 17 Sa ganitong paraan natupad ang sinabi ni Isaias na propeta, "Kinuha niya ang ating mga sakit at dinala ang ating mga karamdaman."
\s5
\v 18 Ngayon, nang nakita ni Jesus ang maraming tao sa paligid niya, nagbigay siya ng mga tagubilin na aalis siya upang magpunta sa kabilang ibayo ng Dagat ng Galilea.
\v 19 At may lumapit na eskriba sa kaniya at nagsabi, "Guro, susunod ako sa iyo saan ka man magpunta."
\v 20 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "May mga lungga ang mga asong-gubat, may mga pugad ang mga ibon sa himpapawid, ngunit ang Anak ng Tao ay wala man lamang lugar na mapagsandalan ng kaniyang ulo."
\s5
\v 21 May ibang alagad din ang nagsabi sa kaniya, "Panginoon, payagan mo akong ilibing muna ang aking ama."
\v 22 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "Sumunod ka sa akin, hayaan mong ang patay ang maglibing sa sarili nilang patay."
\s5
\v 23 Nang sumakay na si Jesus sa bangka, sumunod sa kaniya ang mga alagad niya.
\v 24 Masdan ito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa dagat kaya natabunan ng mga alon ang bangka. Ngunit natutulog si Jesus.
\v 25 Pumunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at siya ay ginising nila na nagsasabi, "Iligtas mo tayo, Panginoon, mamamatay na tayo!"
\s5
\v 26 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Bakit kayo natatakot, kayong maliit ang pananampalataya?" At bumangon si Jesus at sinaway ang mga hangin at ang dagat. At nagkaroon ng labis na katahimikan.
\v 27 Namangha ang mga lalaki at sinabi nila, "Anong uring tao ito, maging ang dagat at hangin ay sumusunod sa kaniya?"
\s5
\v 28 Nang dumating si Jesus sa kabilang dako, sa bayan ng mga Gadareno, may sumalubong sa kaniya na dalawang lalaki na sinapian ng mga demonyo. Galing sila sa mga libingan at lubhang napakarahas kaya walang mga manlalakbay ang nakararaan sa daan na iyon.
\v 29 Masdan ito, sumigaw sila at nagsabi, "Ano ang pakialam namin sa iyo, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang kami ay pahirapan bago ang itinakdang oras?"
\s5
\v 30 Ngayon, may kawan ng mga baboy ang nanginginain doon sa hindi kalayuan sa kinarorooonan nila.
\v 31 Patuloy na nagmakaawa kay Jesus ang mga demonyo at nagsasabing, "Kung paaalisin mo kami, ipadala mo kami at papasukin sa kawan ng mga baboy."
\v 32 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Pumunta kayo!" Lumabas ang mga demonyo at pumasok sa mga baboy. At masdan ito, nagmadali ang mga baboy pababa sa isang matarik na burol sa dagat at namatay silang lahat sa tubig.
\s5
\v 33 Ang mga lalaking nag-aalaga sa mga baboy ay nagsitakbuhan. Nagpunta sila sa lungsod at ipinamalita ang lahat, lalo na ang nangyari sa mga lalaking sinapian ng mga demonyo.
\v 34 Masdan ito, lahat ng lungsod ay nagpunta upang makita si Jesus. At nang makita nila siya, nagmakaawa sila na umalis siya sa kanilang rehiyon.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Sumakay si Jesus sa bangka, tumawid sa kabilang dako, at nakarating sa kaniyang lungsod.
\v 2 Masdan ito, dinala nila sa kaniya ang isang lalaking paralisado na nakaratay sa isang higaan. Nang nakita niya ang kanilang pananampalataya, sinabi ni Jesus sa paralisado, "Anak, magalak ka. Ang iyong mga kasalanan ay napatawad na."
\s5
\v 3 Masdan ito, may ilan sa mga eskriba ang nagsabi sa kanilang mga sarili, "Ang taong ito ay lumalapastangan sa Diyos,"
\v 4 Batid ni Jesus ang mga nasa isip nila at sinabi, "Bakit kayo nag-iisip ng masama sa inyong mga puso?
\v 5 Sapagkat alin ba ang mas madaling sabihin, 'Napatawad na ang iyong mga kasalanan' o ang sabihin, 'Tumayo ka at lumakad'?
\v 6 Ngunit para malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan dito sa lupa,..." sinabi niya sa paralisado, "Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa iyong bahay."
\s5
\v 7 Pagkatapos ay tumayo ang lalaki at umuwi sa kaniyang bahay.
\v 8 Nang makita ito ng napakaraming tao, namangha sila at nagpuri sa Diyos, na siyang nagbigay ng ganoong kapangyarihan sa mga tao.
\v 9 Nang si Jesus ay umalis mula doon, nakita niya ang lalake na nagngangalang Mateo na nakaupo sa lugar ng paningilan ng buwis. Sinabi niya sa kaniya, "Sumunod ka sa akin." Tumayo siya at sumunod sa kaniya.
\s5
\v 10 Habang nakaupo si Jesus upang kumain sa bahay, masdan ito, dumating ang maraming mga maniningil ng buwis at mga makasalanang tao at nakisalo sila kay Jesus at sa mga alagad niya.
\v 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kaniyang mga alagad, "Bakit ang iyong guro ay kumakain kasama ng mga maniningil ng buwis at mga taong makasalan?"
\s5
\v 12 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya," Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga taong may malalakas na pangangatawan, iyon lamang may mga sakit.
\v 13 Dapat kayong humayo at unawain ang ibig sabihin nito, 'Nais ko ay habag at hindi alay.' Sapagkat ako ay pumarito, hindi upang tawagin ang matuwid na magsisi, kundi ang mga makasalanan."
\s5
\v 14 Pagkatapos ay pumunta ang mga alagad ni Juan sa kaniya at sinabi, bakit kami at ang mga Pariseo ay madalas na nag-aayuno, ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?
\v 15 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Malungkot ba ang mga panauhin habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Ngunit darating ang mga araw na kukunin na sa kanila ang lalaking ikakasal at saka sila mag-aayuno.
\s5
\v 16 Walang tao ang maglalagay ng bagong tela sa lumang damit, sapagkat pupunitin lamang ng tagpi ang bagong damit, at gagawa lamang ito ng mas malalang punit.
\s5
\v 17 Ni walang taong maglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Kung ito ay gagawin, puputok ang sisidlang balat at matatapon lang ang alak, at ang sisidlang balat ay masisira. Sa halip, ilalagay nila ang bagong alak sa bagong sisidlang balat, at pareho silang magtatagal."
\s5
\v 18 Habang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa kanila, masdan ito, dumating ang isang opisyal at lumuhod sa kaniya. At nagsabi, "Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae, ngunit sumama ka at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya, at siya ay mabubuhay."
\v 19 Pagkatapos ay tumayo si Jesus at sumunod sa kaniya, at ganoon din ang ginawa ng kaniyang mga alagad.
\s5
\v 20 Masdan ito, may isang babae na dinudugo ng malala sa loob ng labindalawang taon ang lumapit sa likuran ni Jesus at hinawakan ang laylayan ng kaniyang damit.
\v 21 Sapagkat sinabi niya sa kanyang sarili, "Kung mahawakan ko lamang ang kaniyang damit, ay gagaling na ako."
\v 22 Ngunit lumingon si Jesus at nakita siya at sinabi, "Anak, magpakatatag ka. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya." At agad na gumaling ang babae.
\s5
\v 23 Nang dumating si Jesus sa bahay ng opisyal nakita niya ang mga tumutugtog ng plauta at ang mga tao na gumagawa ng matinding ingay.
\v 24 Sinabi niya, "Umalis kayo, sapagkat hindi patay ang babae kundi natutulog lamang." Ngunit siya ay pinagtawanan nila nang may pangungutya.
\s5
\v 25 Noong napalabas na ang mga tao, pumasok siya sa silid at hinawakan niya ito sa kamay at ang batang babae ay bumangon.
\v 26 Ang balita tungkol dito ay kumalat sa buong rehiyon na iyon.
\s5
\v 27 Habang papalayo si Jesus mula roon, dalawang bulag na lalaki ang sumunod sa kaniya. Patuloy silang sumisigaw at nagsasabi, "Maawa ka sa amin, Anak ni David!"
\v 28 Nang dumating si Jesus sa bahay, lumapit ang mga bulag sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kanila, "Naniniwala ba kayo na magagawa ko ito?" Sinabi nila sa kanya, "Opo, Panginoon."
\s5
\v 29 At hinawakan ni Jesus ang kanilang mga mata at sinabi, "Mangyari ito sa inyo ayon sa inyong pananampalataya."
\v 30 At nabuksan ang kanilang mga mata. Pagkatapos ay mahigpit silang pinagbilinan ni Jesus, "Tiyakin ninyo na walang makakaalam tungkol dito."
\v 31 Ngunit lumabas ang dalawang lalake at ikinalat ang balitang ito sa buong rehiyon.
\s5
\v 32 Habang papalayo ang dalawang lalaki, masdan ito, isang lalaking pipi na sinapian ng demonyo ang dinala kay Jesus.
\v 33 Nang mapalayas na ang demonyo, ang lalaking pipi ay nakapagsalita. Ang mga tao ay namangha at nagsabi, "Kailan man ay hindi pa ito nakita sa Israel!" Ngunit sinabi ng mga Pariseo,
\v 34 "Sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo, siya ay nakapagpapalayas ng mga demonyo."
\s5
\v 35 Pumunta si Jesus sa lahat ng mga lungsod at mga nayon. Nagpatuloy siyang nagtuturo sa kanilang mga sinagoga, ipinangangaral ang mabuting balita ng kaharian, at pinapagaling niya ang lahat ng mga uri ng karamdaman at ang lahat ng uri ng sakit.
\v 36 Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila, dahil sila ay naguguluhan at pinanghihinaan ng loob. Para silang tupang walang pastol.
\s5
\v 37 Sinabi niya sa kaniyang mga alagad, "Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang manggagawa.
\v 38 Kaya madaliin ninyong idalangin sa Panginoon ng pag-aani, upang makapagpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang anihan."
\s5
\c 10
\p
\v 1 Tinawag ni Jesus ang kaniyang labindalawang alagad nang magkakasama at binigyan sila ng kapangyarihan laban sa mga masasamang espiritu, upang palayasin ang mga ito, at upang pagalingin ang lahat ng uri ng karamdaman at lahat ng uri ng sakit.
\s5
\v 2 Ngayon ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: Ang una, si Simon (na siya ring tinatawag niyang Pedro), at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kaniyang kapatid;
\v 3 si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alpeo, at si Tadeo;
\v 4 si Simon na Makabayan, at si Judas Escariote na siyang magkakanulo sa kaniya.
\s5
\v 5 Ipinadala ni Jesus ang labindalawang ito. Tinagubilinan niya ang mga ito at sinabi, "Huwag kayong pumunta sa alin mang lugar na tinitirhan ng mga Gentil, at huwag kayong papasok sa alin mang bayan ng mga Samaritano.
\v 6 Sa halip, pumunta kayo sa mga nawawalang tupa sa sambahayan ng Israel.
\v 7 At sa pagpunta ninyo, ipangaral ninyo at sabihing, 'Ang kaharian ng langit ay nalalapit na.'
\s5
\v 8 Pagalingin ninyo ang may sakit, buhayin ang patay, linisin ang mga ketongin, at palayasin ang mga demonyo. Tumanggap kayo nang walang bayad, ipamigay ninyo nang walang bayad.
\v 9 Huwag kayong magdala ng anumang ginto, pilak o tanso sa inyong mga pitaka.
\v 10 Huwag kayong magdala ng panglakbay na lalagyan, o dagdag na tunika, ni sandalyas, o di kaya'y tungkod, sapagkat nararapat sa manggagawa ang kaniyang pagkain.
\s5
\v 11 Anumang lungsod o nayon ang inyong mapuntahan, hanapin ninyo ang karapat-dapat at manatili kayo doon hanggang sa kayo ay aalis.
\v 12 Pagpasok ninyo sa bahay, batiin ninyo ang mga nandoon.
\v 13 Kung ang bahay ay karapat-dapat, pumaroon ang inyong kapayapaan. Ngunit kung ito ay hindi karapat-dapat, hayaan ninyong bumalik ang inyong kapayapaan sa inyo.
\s5
\v 14 Sa mga hindi naman tumatanggap sa inyo o nakikinig sa inyong mga salita, kapag kayo ay umalis sa bahay o lungsod na iyon, pagpagin ninyo ang mga alikabok mula sa inyong mga paa.
\v 15 Totoo itong sinasabi ko sa inyo, mas mapagtitiisan pa ang lupain ng Sodoma at Gomorra sa araw ng paghuhukom kaysa sa lungsod na iyon.
\s5
\v 16 Tingnan ninyo, ipadadala ko kayo na parang mga tupa sa kalagitnaan ng mga asong lobo, kaya maging marunong kayo tulad ng mga ahas at hindi mapanakit tulad ng mga kalapati.
\v 17 Mag-ingat kayo sa mga tao! Dadalhin nila kayo sa mga konseho, at hahagupitin nila kayo sa kanilang mga sinagoga.
\v 18 At kayo ay dadalhin at ihaharap sa mga gobernador at mga hari dahil sa akin, bilang patotoo sa kanila at sa mga Gentil.
\s5
\v 19 Kapag dinala nila kayo, huwag kayong mabahala kung paano o kung ano ang inyong sasabihin, sapagkat ibibigay sa inyo ang mga dapat ninyong sabihin sa oras na iyon.
\v 20 Sapagkat hindi kayo ang magsasalita subalit ang Espiritu ng inyong Ama ang siyang magsasalita sa inyo.
\s5
\v 21 Dadalhin ng kapatid ang kaniyang kapatid sa kamatayan, at ang ama sa kaniyang anak. Sasalungat ang mga anak laban sa kanilang mga magulang at ipapapatay nila sila.
\v 22 Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit sinuman ang makapagtitiis hanggang huli, ang taong iyon ay maliligtas.
\v 23 Kapag inusig nila kayo sa lungsod na ito, tumakas kayo sa kabila, sapagkat totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ninyo matatapos na puntahan ang mga lungsod ng Israel bago dumating ang Anak ng Tao.
\s5
\v 24 Ang alagad ay hindi nakahihigit sa kaniyang guro, ni mas mataas ang lingkod sa kaniyang amo.
\v 25 Sapat na ang alagad ay maging katulad ng kaniyang guro, at ang lingkod na katulad ng kaniyang amo. Kung tinawag nilang Beelzebub ang amo ng bahay, gaano pa kaya nila ipapahiya ang buo niyang sambahayan!
\s5
\v 26 Samakatwid huwag ninyo silang katakutan, sapagkat walang lihim ang hindi nabubunyag, at walang natatago na hindi malalaman.
\v 27 Ang sinabi ko sa inyo sa kadiliman ay sabihin sa liwanag, at kung anong narinig ninyo ng mahina sa inyong tainga, ipahayag sa ibabaw ng mga bubungan.
\s5
\v 28 Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit walang kakayahang pumatay ng kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa kaniya na kayang makapupuksa ng kaluluwa at katawan sa impyerno.
\v 29 Hindi ba ang dalawang maya ay ibinenta sa isang baryang maliit ang halaga? Ngunit wala ni isa sa kanila ang nalaglag sa lupa na hindi nalalaman ng Ama.
\v 30 At kahit na ang mga buhok ng inyong ulo ay bilang lahat.
\v 31 Huwag kayong matakot. Mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.
\s5
\v 32 Samakatwid ang lahat na kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko din sa harap ng Ama na nasa langit.
\v 33 Ngunit ang magtanggi sa akin sa harap ng mga tao ay itatanggi ko din sa harap ng aking Ama na nasa langit.
\s5
\v 34 Huwag ninyong isipin na pumarito ako sa lupa upang magbigay ng kapayapaan. Hindi ako dumating upang magbigay ng kapayapaan, kundi isang espada.
\v 35 Sapagkat naparito ako upang paglabanin ang isang lalaki sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenan na babae.
\v 36 Ang magiging kaaway ng tao ay kaniyang sariling sambahayan.
\s5
\v 37 Ang nagmamahal sa kaniyang ama at ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nagmamahal sa kaniyang anak na lalaki at babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
\v 38 Ang hindi nagbubuhat ng kaniyang krus at sumunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
\v 39 Ang naghahanap ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang mawawalan ng buhay nang dahil sa akin ay makahahanap nito.
\s5
\v 40 Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa kaniya na nagsugo sa akin.
\v 41 Ang tumatanggap sa isang propeta dahil isang propeta siya ay makatatanggap ng gantimpalan ng isang propeta. At siya na tumatanggap sa isang matuwid na tao dahil matuwid na tao siya ay makatatanggap ng gantimpala ng isang matuwid na tao.
\s5
\v 42 Sinuman ang magbibigay sa isa sa mga hamak na mga ito, kahit na isang basong malamig na tubig upang inumin, dahil isa siyang alagad, totoo itong sasabihin ko sa inyo, hindi maaring mawala sa kaniya ang kaniyang gantimpala."
\s5
\c 11
\p
\v 1 Nangyari nang matapos tagubilinan ni Jesus ang labingdalawa niyang alagad, umalis siya mula doon upang magturo at mangaral sa kanilang mga lungsod.
\v 2 Ngayon, nang marinig ni Juan mula sa bilangguan ang mga bagay tungkol sa mga gawa ng Cristo, nagpadala siya ng mensahe sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad
\v 3 at sinabi nito sa kaniya, "Ikaw na nga ba Ang Darating o mayroon pang ibang tao na dapat naming hanapin?"
\s5
\v 4 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Humayo kayo at iulat ninyo kay Juan kung ano ang inyong nakita at narinig.
\v 5 Ang mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, nakapaglalakad ang mga lumpo, ang mga may ketong ay nagiging malinis, ang mga bingi ay nakaririnig nang muli, ang mga patay ay muling binuhay, at ang mga mahihirap ay nasabihan na tungkol sa mabuting balita.
\v 6 At pinagpala ang sinumang hindi makahahanap ng katitisuran sa akin."
\s5
\v 7 Habang nagtungo ang mga lalaking ito sa kanilang daan, sinimulang sabihin ni Jesus sa mga tao ang tungkol kay Juan, "Ano ang nilabas ninyo sa ilang para makita—isang tambo na inaalog-alog ng hangin?
\v 8 Ngunit ano ang nilabas ninyo para makita—isang lalaki na nakasuot ng malambot na kasuotan? Totoo nga, ang nagsusuot lamang ng ganoong kasuotan ay iyong naninirahan sa bahay ng mga hari.
\s5
\v 9 Ngunit ano ang nilabas ninyo para makita—isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo at mas higit pa sa isang propeta.
\v 10 Siya itong sinasabi sa naisulat, 'Tingnan ninyo, ipadadala ko ang aking mensahero na mauuna sa iyo na siyang maghahanda ng iyong daan.'
\s5
\v 11 Sinasabi ko sa inyo, totoo nga na sa lahat ng mga ipinanganak ng mga babae, walang nakahihigit kay Juan na Tagapagbautismo. Ngunit ang pinakahamak na tao sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa sa kaniya.
\v 12 Mula sa mga araw ni Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagdurusa sa karahasan at sapilitan itong kinukuha ng mga taong mararahas.
\s5
\v 13 Sapagkat lahat ng mga propeta at ang kautusan ay patuloy na nagpapahayag hanggang kay Juan.
\v 14 At kung nakahanda kayong tanggapin ito, ito ay si Elias na paparating.
\v 15 Ang may taingang pandinig ay makinig.
\s5
\v 16 Saan ko dapat ihalintulad ang salinlahing ito? Tulad nito ay mga batang naglalaro sa may pamilihan, na nakaupo at tinatawag ang isa't isa
\v 17 at magsasabi, 'Kami ay tumugtog ng plauta para sa inyo ngunit hindi kayo nagsayaw. Kami ay nagluksa ngunit hindi kayo tumangis.'
\s5
\v 18 Sapagkat dumating si Juan na hindi kumakain ng tinapay ni umiinom ng alak, at sasabihin nilang, 'May demonyo siya.'
\v 19 Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at umiinom at sinasabi nilang, 'Tingnan ninyo, siya ay napakatakaw na tao at lasenggero, kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!' Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa."
\s5
\v 20 At sinimulang sawayin ni Jesus ang mga lungsod kung saan nangyari ang karamihan sa mga makapangyarihan niyang gawa dahil sila ay hindi nagsisi.
\v 21 "Sa aba mo, Korazin! Sa aba mo, Bethsaida! Kung ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa inyo ay nangyari sa Tiro at Sidon, noon pa man nagsisi na sana sila sa pamamagitan ng sako at mga abo.
\v 22 Ngunit mas mapagtitiisan pa ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo.
\s5
\v 23 Ikaw, Capernaum, sa tingin mo ba ay maitataas ka sa langit? Hindi, ikaw ay maibababa sa hades. Kung sa Sodoma ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa iyo, nananatili pa sana magpahanggang ngayon ang bayan na iyon.
\v 24 Ngunit sinasabi ko sa iyo na mas magiging madali pa para sa lupain ng Sodoma sa araw ng paghuhukom kaysa sa iyo."
\s5
\v 25 Nang mga oras na iyon sinabi ni Jesus, "Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga marurunong at nakauunawa at iyong inihayag ang mga ito sa mga hindi nakapag-aral, tulad ng mga maliliit na bata.
\v 26 Oo, Ama, sapagkat ito ang labis na nakalulugod sa iyong paningin.
\v 27 Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking ama. At walang nakakikilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakikilala sa Ama maliban sa Anak, at sa kahit sinuman na naisin ng Anak na ihayag ang Ama.
\s5
\v 28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.
\v 29 Dalhin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay mahinahon at may mapagpakumbabang puso at makakamit ninyo ang kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.
\v 30 Sapagkat madali ang aking pamatok at ang aking pasanin ay magaan."
\s5
\c 12
\p
\v 1 Nang panahong iyon, sa Araw ng Pamamahinga, napadaan si Jesus sa mga triguhan. Ang kaniyang mga alagad ay nagutom at nag-umpisa silang pumitas ng mga uhay at kinain iyon.
\v 2 Ngunit nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Jesus, "Tingnan mo, ang iyong mga alagad ay gumagawa ng labag sa kautusan sa Araw ng Pamamahinga."
\s5
\v 3 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya ay nagutom at pati ang mga lalaking kasama niya?
\v 4 Kung paano siya pumasok sa tahanan ng Diyos at kinain ang tinapay na handog, na labag sa kautusan na kainin niya at labag sa kautusan na kainin din ng kaniyang mga kasama, ngunit nararapat lamang sa mga pari?
\s5
\v 5 At hindi ba ninyo nabasa sa kautusan na sa Araw ng Pamamahinga, ang mga pari sa templo ay nilalapastanganan ang Araw ng Pamamahinga ngunit hindi nagkakasala?
\v 6 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang mas dakila sa templo ay narito.
\s5
\v 7 At kung alam sana ninyo ang ibig sabihin nito, 'Ang nais ko ay habag at hindi handog,' hindi sana ninyo hinatulan ang walang kasalanan.
\v 8 Sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga."
\s5
\v 9 Pagkatapos, umalis si Jesus mula doon at pumasok sa kanilang sinagoga.
\v 10 Masdan ito, may isang lalake na tuyot ang kamay. Nagtanong ang mga Pariseo kay Jesus, at sinabi, "Naaayon ba sa kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga?" upang siya ay maparatangan nila ng pagkakasala.
\s5
\v 11 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Sino kaya sa inyo, na kung mayroon siyang nag-iisang tupa, at nahulog ang tupang ito sa malalim na butas sa Araw ng Pamamahinga ay hindi ito iaahon sa butas para ilabas?
\v 12 Gaano pa kaya kahalaga ang isang tao kaysa sa isang tupa. Kaya hindi labag sa kautusan ang paggawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga."
\s5
\v 13 At sinabi ni Jesus sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay." Iniunat nga niya ito, at bumalik ang dating kalusugan nito, gaya ng kaniyang isang kamay.
\v 14 Ngunit lumabas ang mga Pariseo at nagsabwatan laban sa kaniya. Naghahanap sila ng paraan kung paano siya maipapatay.
\s5
\v 15 Nang mapansin ito ni Jesus, lumayo siya doon. Maraming tao ang sumunod sa kaniya, at pinagaling niya silang lahat.
\v 16 Sila ay pinagbilinan niya na huwag ipapaalam sa iba ang tungkol sa kaniya,
\v 17 ito ay upang magkatotoo ang sinabi sa pamamagitan ni Isaias na propeta, na nagsasabi,
\s5
\v 18 "Tingnan ninyo, ang aking lingkod na aking pinili; ang aking pinakamamahal, na siyang lubos na kinalulugdan ng aking kaluluwa. Ilalagay ko sa kaniya ang aking Espiritu, at ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil.
\s5
\v 19 Hindi siya magpupumilit o makikipagsigawan ng malakas, ni walang sinumang makaririnig ng kaniyang tinig sa mga lansangan.
\v 20 Hindi niya babaliin ang anumang tambong marupok; hindi rin niya papatayin ang kahit na anong umuusok na pabilo, hanggang maipadala niya ang paghuhukom sa katagumpayan.
\v 21 At ang mga Gentil ay magkakaroon ng pananalig sa kaniyang pangalan."
\s5
\v 22 Pagkatapos ay may isang tao na bulag at pipi na sinapian ng demonyo ang dinala kay Jesus. Pinagaling niya ito at ang lalaki ay nakapagsalita at nakakita.
\v 23 Ang lahat ng napakaraming tao ay namangha, at sinabi, " Anak kaya ni David ang lalaking ito?"
\s5
\v 24 Ngunit nang marinig ng mga Pariseo ang mga himalang ito, kanilang sinabi, "Ang taong ito ay hindi nakapagpapalayas ng mga demonyo maliban sa pamamagitan ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. "
\v 25 Ngunit nalalaman ni Jesus ang kanilang mga iniisip at sinabi sa kanila, "Ang bawat kahariang nahahati laban sa kaniyang sarili ay magiging mapanglaw, at bawat lungsod o bahay na nahahati laban sa kaniyang sarili ay hindi mananatili.
\s5
\v 26 Kung pinalalayas ni Satanas si Satanas, siya ay nahahati laban sa kaniyang sarili. Paano mananatili ang kaniyang kaharian?
\v 27 At kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sa kanino pinalalayas ng inyong mga tagasunod ang mga demonyo? Dahil dito, sila ang inyong magiging mga hukom.
\s5
\v 28 Ngunit kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, samakatuwid, ang kaharian ng Diyos ay dumating na sa inyo.
\v 29 Paano malolooban ng sinuman ang bahay ng isang malakas na tao at nanakawin ang kaniyang mga pag-aari na hindi muna igagapos ang malakas na tao? Saka pa niya nanakawin ang kaniyang mga pag-aari sa kaniyang bahay.
\v 30 Ang sinuman na hindi kasapi ko ay laban sa akin, at sino man ang hindi nagtitipong kasama ko ay nagkakalat.
\s5
\v 31 Kung gayon ay sinasabi ko sa inyo, ang lahat ng kasalanan at kalapastangan sa tao ay mapapatawad. Ngunit ang lahat ng kalapastanganan sa Espiritu ay hindi mapapatawad.
\v 32 Sinumang magbigkas ng anumang salita laban sa Anak ng Tao, siya ay mapapatawad. Ngunit sinumang magsasalita laban sa Banal na Espiritu, siya ay hindi mapapatawad, maging dito sa mundo o sa darating.
\s5
\v 33 O gawing mabuti ang puno at ang bunga nito ay mabuti, o gawing masama ang puno at ang bunga nito ay masama, sapagkat makikilala ang bawat puno ayon sa bunga nito.
\v 34 Kayong mga anak ng mga ulupong, dahil kayo ay masama, paano kayo magsasabi ng mga mabubuting bagay? Sapagkat kung ano ang nilalaman ng puso ay siyang binibigkas ng bibig.
\v 35 Ang mabuting tao mula sa mabuting kayamanan ng kaniyang puso ay naglalabas ng mabuti at ang masamang tao na may masamang kayamanan sa kaniyang puso ay naglalabas ng masama.
\s5
\v 36 At sinasabi ko sa inyo na sa araw ng paghuhukom, ang mga tao ay mananagot sa bawat salita na kanilang binitawan na walang kabuluhan.
\v 37 Sapagkat sa iyong mga salita ikaw ay mapapawalang-sala, at sa iyong mga salita ikaw ay parurusahan."
\s5
\v 38 At sumagot ang ilang mga eskriba at Pariseo kay Jesus at sinabi, "Guro, nais naming makakita ng palatandaan mula sa iyo,"
\v 39 Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Isang masama at mapangalunyang salinlahi ang naghahanap ng palatandaan. Ngunit walang ibibigay na palatandaan sa kaniya maliban sa palatandaan ni Jonas na propeta.
\v 40 Sapagkat gaya ni Jonas na tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan ng malaking isda, gayundin na ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabi na nasa ilalim ng lupa.
\s5
\v 41 Ang mga tao sa Nineve ay tatayo sa paghuhukom kasama ng salinlahing ito at parurusahan ito. Sapagkat sila ay nagsisi sa pangangaral ni Jonas, at tingnan ninyo, ang narito ay mas dakila kay Jonas.
\s5
\v 42 Ang Reyna ng Timog ay tatayo sa paghuhukom kasama ng mga tao ng salinlahing ito at parurusahan ito. Naglakbay siya mula sa dulo ng mundo upang dinggin ang karunungan ni Solomon, at tingnan ninyo, ang narito ay mas dakila kay Solomon.
\s5
\v 43 Kung ang isang masamang espiritu ay umalis sa isang tao, siya ay dadaan sa lugar na walang tubig, at siya ay maghahanap ng mapagpapahingahan, ngunit hindi niya ito mahanap.
\v 44 At sasabihin nitong, 'Ako ay babalik sa dati kong tahanan kung saan ako nanggaling.' Nang makabalik, nakita niya ang bahay na malinis at maayos.
\v 45 Siya ay aalis at magsasama ng pito pang espiritu na mas masama pa sa kaniya at silang lahat ay papasok at maninirahan doon. At ang kalagayan ng taong iyon ay magiging mas malala pa kaysa sa dati. Katulad ng masasamang salinlahing ito."
\s5
\v 46 Habang nagsasalita pa si Jesus sa napakaraming tao, masdan ito, ang kaniyang ina at mga kapatid ay nakatayo sa labas, hinahanap siya upang kausapin.
\v 47 May nagsabi sa kaniya, "Tingnan mo, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas, hinahanap ka upang makausap."
\s5
\v 48 Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Sino ang aking ina? At sino ang aking mga kapatid?"
\v 49 Pagkatapos iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad at sinabi, "Tingnan ninyo, nandito ang aking ina at ang aking mga kapatid!
\v 50 Sapagkat ang sinumang gumagawa sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit, ang taong iyon ay aking kapatid at ina."
\s5
\c 13
\p
\v 1 Sa araw na iyon ay lumabas ng bahay si Jesus at umupo sa tabi ng dagat.
\v 2 May napakaraming bilang ng tao ang pumalibot sa kaniya kaya sumakay siya sa isang bangka at umupo doon. Ang lahat ng tao ay tumayo sa dalampasigan.
\s5
\v 3 At nagsabi si Jesus sa kanila ng maraming bagay sa pamamagitan ng talinghaga. Kaniyang sinabi, "Masdan ito, isang manghahasik ang lumabas upang maghasik.
\v 4 Sa kaniyang paghahasik, nahulog ang ilang mga binhi sa tabi ng daan, dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito.
\v 5 Ang ibang mga binhi naman ay nahulog sa mabatong lupa kung saan kakaunti lamang ang lupa. Ang mga ito ay mabilis na tumubo sapagkat mababaw lamang ang lupa.
\v 6 Ngunit nang sumikat na ang araw, ang mga ito ay natuyo dahil wala itong mga ugat, at nalanta ang mga ito.
\s5
\v 7 Ang ibang mga binhi ay nahulog sa may mga matitinik na halaman. Lumaki ang mga halamang may tinik at sinakal ang mga ito.
\v 8 Ang ibang mga binhi ay nahulog sa mabuting lupa at ang mga ito ay namunga, ang iba ay tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tigtatatlumpu.
\v 9 Ang may taingang pandinig, ay makinig."
\s5
\v 10 Dumating ang mga alagad at sinabi kay Jesus, "Bakit mo kinakausap ang mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga?"
\v 11 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Nabigyan kayo ng pribilehiyo ng pagkaunawa sa mga hiwaga ng kaharian ng langit, ngunit sa kanila ay hindi naibigay.
\v 12 Dahil kung sinuman ang mayroon na ay higit pang mabibigyan at siya ay magkakaroon ng sagana. Ngunit ang sinuman na wala, kukunin sa kaniya maging ang tanging mayroon siya.
\s5
\v 13 Kaya kinakausap ko sila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat kahit na sila ay nakakakita, hindi sila tunay na nakakakita. At bagaman nakaririnig sila ay hindi naman sila tunay na nakaririnig, ni hindi sila makaunawa.
\v 14 Sa kanila natupad ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi, 'Habang pinakikinggan ay inyong maririnig, ngunit hindi ninyo talaga maintindihan; habang tinitingnan ay inyong nakikita, ngunit hindi ninyo talaga maunawaan.
\s5
\v 15 Sapagkat ang puso ng mga taong ito ay naging mapurol, at hirap sila sa pakikinig, at ipinikit nila ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita sa kanilang mga mata, o makarinig sa kanilang mga tainga, o makaintindi sa kanilang mga puso, upang sila ay babalik muli at sila ay aking pagagalingin.'
\s5
\v 16 Ngunit pinagpala ang inyong mga mata, sapagkat ang mga ito ay nakakakita; at ang inyong mga tainga, sapagkat ang mga ito ay nakakarinig.
\v 17 Totoo itong sinasabi ko sa inyo na maraming mga propeta at mga taong matuwid ang ninais na makita ang mga bagay na inyong nakikita, ngunit hindi nila ito nakita. Ninais nila na marinig ang mga bagay na inyong mga naririnig, ngunit hindi nila ito napakinggan.
\s5
\v 18 Ngayon, makinig kayo sa talinghaga ng manghahasik.
\v 19 Kapag mapakinggan ng sinuman ang salita ng kaharian ngunit hindi ito nauunawaan, darating ang masama at nanakawin ang mga binhi na naihasik sa kaniyang puso. Ito ay ang binhi na naihasik sa tabi ng daan.
\s5
\v 20 Siya na naihasik sa mabatong lupa ay siyang nakakarinig sa salita at agad itong tinatanggap nang may galak.
\v 21 Gayunman wala siyang mga ugat at tumatagal lamang ng panandalian. At kung ang kapighatian at pag-uusig ay dumating dahil sa salita, siya ay agad nadadapa.
\s5
\v 22 Siya na naihasik sa may mga matitinik na halaman ay nakaririnig ng salita, ngunit ang pagkabalisa sa mundo at ang panlilinlang ng mga yaman ang siyang sumakal sa salita, at hindi siya namunga.
\v 23 Siya na naihasik sa mabuting lupa ay siyang nakarinig sa salita at nakaunawa dito. Siya ang tunay na namumunga at nagpapayabong nito; ang ilan ay namunga ng tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tig-tatatlumpu.."
\s5
\v 24 Nagkuwento si Jesus ng isa pang talinghaga sa kanila. Sinabi niya, "Ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lalaking naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid.
\v 25 Ngunit habang tulog ang mga tao, dumating ang kaniyang kaaway at naghasik din ng mga damo kasama ng mga trigo saka umalis.
\v 26 Nang sumibol ang mga dahon at namunga ay lumitaw din ang mga damo.
\s5
\v 27 Dumating ang mga tagapaglingkod ng may-ari ng lupa at sinabi sa kaniya, 'Ginoo, hindi ba mabuti ang inihasik mong mga binhi sa iyong bukirin? Papaanong nagkaroon ito ng mga damo?'
\v 28 Sinabi niya sa kanila, 'Ginawa ito ng isang kaaway.' Sinabi ng mga tagapaglingkod sa kaniya, 'Nais mo bang puntahan namin at bunutin ang mga ito?'
\s5
\v 29 Sinabi ng may-ari ng lupa, 'Huwag, sapagkat kapag binunot ninyo ang mga damo, baka mabunot niyo din ang mga trigo kasama nito.
\v 30 Hayaan lang silang parehong lumaki hanggang dumating ang anihan. Sa oras na nang pag-aani ay sasabihin ko sa mga tagapag-ani na, "Unahin ninyong bunutin ang mga damo at bigkisin ang mga ito at inyong sunugin samantalang ang mga trigo naman ay inyong ipunin sa aking kamalig.'""
\s5
\v 31 Muling nagkuwento si Jesus ng talinghaga sa kanila. Kaniyang sinabi, "Ang kaharian ng langit ay tulad ng binhi ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihasik sa kaniyang bukid.
\v 32 Tunay ngang pinakamaliit ang binhing ito sa lahat ng ibang mga binhi. Ngunit nang ito ay lumaki, naging mas malaki ito kaysa sa mga halamang panghardin. Ito ay naging puno kaya ang mga ibon sa himpapawid ay pumunta at namugad sa mga sanga nito."
\s5
\v 33 Muling nagsabi si Jesus ng talinghaga sa kanila, "Ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lebadura na kinuha ng isang babae at inihalo sa tatlong takal ng harina hanggang ito ay umalsa."
\s5
\v 34 Ang lahat ng mga bagay na ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng talinghaga. At kung hindi sa pamamagitan ng talinghaga ay hindi siya nagsalita sa kanila.
\v 35 Ito ay upang magkatotoo ang mga nasabi sa pamamagitan ng mga propeta noong sinabi niyang, "Bubuksan ko ang aking bibig sa pamamagitan ng talinghaga, sasabihin ko ang mga bagay na naitago buhat nang itatag ang mundo."
\s5
\v 36 Pagkatapos ay iniwan ni Jesus ang maraming tao at nagtungo sa isang bahay. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga ng mga damo sa bukid."
\v 37 Sumagot si Jesus at sinabi, "Ang naghasik ng mabuting buto ay ang Anak ng Tao.
\v 38 Ang bukid ay ang mundo; at ang mabuting binhi ay ang mga anak ng kaharian. Ang mga damo ay ang mga anak ng masama,
\v 39 at ang kaaway na naghasik sa kanila ay ang diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng mundo at ang mga tagapag-ani ay ang mga anghel.
\s5
\v 40 Kaya gaya ng mga damo na inipon at sinunog sa apoy, ganun din sa katapusan ng mundo.
\v 41 Magpapadala ang Anak ng Tao ng kaniyang mga anghel at titipunin nila sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng bagay na sanhi ng kasalanan at ang mga gumagawa ng masama.
\v 42 Itatapon nila ang mga ito sa pugon ng apoy na kung saan mayroong mga iyakan at nagngangalit na ngipin.
\v 43 At ang mga matutuwid na tao ay magliliwanag tulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may taingang pandinig ay makinig.
\s5
\v 44 Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang kayamanang nakatago sa bukid. Natagpuan ito ng isang tao at itinago. Sa kaniyang kagalakan ay umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ang bukid na iyon.
\v 45 Gayun din naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang mangangalakal na naghahanap ng mga mahahalagang perlas.
\v 46 Nang mahanap niya ang isang perlas na may malaking halaga, umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ito.
\s5
\v 47 Gayun din naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng iba't ibang uri ng lamang dagat.
\v 48 Nang ito ay napuno, hinila ito ng mga mangingisda sa dalampasigan. Pagkatapos ay umupo sila at tinipon ang mga mabuting bagay sa mga lalagyan, ngunit kanilang itinapon ang mga bagay na walang pakinabang.
\s5
\v 49 Ganito ang mangyayari pagdating ng katapusan ng mundo. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang masama sa mga matuwid.
\v 50 Sila ay itatapon nila sa pugon ng apoy na kung saan mayroong mga iyakan at nagngangalit na ngipin.
\s5
\v 51 Naiintindihan ba ninyo ang lahat ng mga bagay na ito?" Sinabi ng mga alagad sa kaniya, "Oo."
\v 52 At sinabi ni Jesus sa kanila, "Kaya bawat eskriba na naging alagad ng kaharian ng langit ay katulad ng isang tao na nagmamay-ari ng isang bahay, na naglalabas ng luma at mga bagong bagay mula sa kaniyang kayamanan."
\v 53 At nangyari na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito ay umalis na siya sa lugar na iyon.
\s5
\v 54 Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa kaniyang sariling rehiyon at nagturo sa mga tao sa kanilang mga sinagoga. Ang kinalabasan nito ay namangha sila at sinabi, "Saan kinuha ng taong ito ang kaniyang karunungan at saan nagmula ang mga himalang ito?
\v 55 Hindi ba siya ang anak ng karpintero? Hindi ba't si Maria ang kaniyang ina? At ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas?
\v 56 At hindi ba ang kaniyang mga kapatid na babae ay kasama din natin? Kaya saan nakuha ng taong ito ang lahat ng mga bagay na ito?"
\s5
\v 57 Nasaktan sila nang dahil sa kaniya. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang propeta ay hindi nawawalan ng karangalan maliban sa kaniyang sariling bansa o sa kaniyang sariling pamilya."
\v 58 At hindi siya gumawa ng maraming himala doon dahil sa kawalan nila ng paniniwala.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Nang mga panahon na iyon, narinig ni Herodes na tetrarka ang mga balita tungkol kay Jesus.
\v 2 Sinabi niya sa kaniyang mga lingkod, "Ito ay si Juan na Tagapagbautismo, muli siyang nabuhay mula sa mga patay. Kaya ang mga kapangyarihang ito ay gumagawa sa kaniya."
\s5
\v 3 Sapagkat ipinadakip ni Herodes si Juan, iginapos siya at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe.
\v 4 Sapagkat sinabi ni Juan sa kaniya, "Labag sa batas na gawin mo siyang asawa mo."
\v 5 Nais ni Herodes na siya ay ipapatay subalit natatakot siya sa mga tao sapagkat itinuring nila itong propeta.
\s5
\v 6 Ngunit noong dumating ang kaarawan ni Herodes, ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw sa gitna at nalugod si Herodes.
\v 7 Bilang tugon, nangako siya na may panunumpa na ipagkakaloob ang anumang hihilingin nito.
\s5
\v 8 Pagkatapos matagubilinan ng kaniyang ina, sinabi niya, "Ibigay mo sa akin dito, sa isang bandihado, ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo."
\v 9 Lubhang nabalisa ang hari dahil sa kaniyang kahilingan, ngunit dahil sa kaniyang sumpang binitawan at dahil sa lahat ng naroon sa hapunan na kasama niya, iniutos niya na ito ay mangyari.
\s5
\v 10 Nag-utos siya at pinapugutan ng ulo si Juan sa bilangguan.
\v 11 Pagkatapos ay dinala ang kaniyang ulong nasa bandihado at ibinigay sa babae at dinala niya ito sa kaniyang ina.
\v 12 Pagkatapos nito ay dumating ang kaniyang mga alagad at kinuha ang kaniyang bangkay at saka inilibing. Pagkatapos nito, umalis sila at ibinalita ito kay Jesus.
\s5
\v 13 Ngayon, nang marinig ito ni Jesus, umalis siya mula roon sa pamamagitan ng bangka at nagpunta sa isang liblib na lugar. Nang marinig ito ng mga tao, sinundan siya ng mga ito na naglalakad mula sa mga lungsod.
\v 14 At dumating si Jesus na nauna sa kanila at nakita ang maraming tao. Nahabag siya sa kanila at pinagaling ang mga may sakit sa kanila.
\s5
\v 15 Nang sumapit ang gabi, lumapit ang mga alagad sa kaniya at sinabi, "Ito ay ilang na lugar at natapos na ang araw. Pauwiin na ninyo ang mga taong napakarami, upang sila ay makapunta sa mga nayon at makapamili ng makakain para sa kanilang sarili."
\s5
\v 16 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi na nila kailangan pang umalis. Bigyan ninyo sila ng makakain."
\v 17 Sinabi nila sa kaniya, "Mayroon lamang kaming limang piraso ng tinapay at dalawang isda rito."
\v 18 Sinabi ni Jesus, "Dalhin ninyo sa akin ang mga iyan."
\s5
\v 19 Pagkatapos ay inutusan ni Jesus ang mga maraming tao na maupo sa damuhan. Kinuha niya ang limang pirasong tinapay at dalawang isda. Habang nakatingala sa langit, binasbasan niya at pinagpira-piraso ang mga tinapay at saka ibinigay sa mga alagad. Ipinamahagi naman ito ng mga alagad sa mga tao.
\v 20 Lahat sila ay nakakain at nabusog. Pagkatapos ay inipon nila ang mga natira sa mga pinagpira-pirasong pagkain—labindalawang basket ang napuno.
\v 21 Lahat ng kumain ay umabot sa limanlibong kalalakihan bukod sa mga kababaihan at mga bata.
\s5
\v 22 Kaagad na pinasakay niya ang mga alagad sa bangka upang mauna silang tumungo sa kabilang dako, habang pina-uuwi niya ang mga tao.
\v 23 Pagkatapos niyang mapauwi ang mga tao, umakyat siyang mag-isa sa isang bundok upang manalangin. Nang lumalim na ang gabi, mag-isa lamang siya roon.
\v 24 Ngunit ang bangka ay nasa kalagitnaan na ng dagat, halos hindi na ito mapigilan dahil sa mga alon, sapagkat pasalubong ang hangin.
\s5
\v 25 Nang madaling araw na, nilapitan sila ni Jesus na naglalakad sa dagat.
\v 26 Nang makita siya ng kaniyang mga alagad na naglalakad sa dagat, natakot sila at sinabi, "Multo," at sila ay nagsigawan sa takot.
\v 27 Ngunit agad nagsalita si Jesus sa kanila at sinabi, "Magpakatapang kayo! Ako ito! Huwag kayong matakot."
\s5
\v 28 Sumagot si Pedro sa kaniya at sinabi, "Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo akong pumunta sa iyo sa tubig."
\v 29 Sinabi ni Jesus, "Halika." Kaya bumaba si Pedro sa bangka at lumakad sa tubig papunta kay Jesus.
\v 30 Ngunit nang napansin ni Pedro ang hangin, siya ay natakot. Habang siya ay nagsimulang lumubog, sumigaw siya at sinabi, "Panginoon, iligtas mo ako!"
\s5
\v 31 Kaagad iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at inabot si Pedro at sinabi sa kaniya, "Ikaw na may maliit na pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?"
\v 32 At nang sumakay si Jesus at Pedro sa bangka, huminto ang hangin sa pag-ihip.
\v 33 At ang mga alagad sa bangka ay sumamba kay Jesus at sinabi, "Tunay ngang ikaw ang Anak ng Diyos."
\s5
\v 34 Nang makatawid na sila, nakarating sila sa lupain ng Genasaret.
\v 35 Nang nakilala si Jesus ng mga taong tagaroon, ipinamalita nila saan mang lugar sa palibotlibot at dinala nila sa kaniya ang bawat isa na may sakit.
\v 36 Nagmakaawa sila sa kaniya na kung maaari ay mahawakan nila ang laylayan ng kaniyang kasuotan, at lahat ng humawak dito ay gumaling.
\s5
\c 15
\p
\v 1 At may ilang mga Pariseo at mga eskriba na mula sa Jerusalem ang pumunta kay Jesus. Sinabi nila,
\v 2 "Bakit nilalabag ng iyong mga alagad ang mga kaugalian ng mga nakatatanda? Sapagkat hindi nila hinuhugasan ang kanilang mga kamay kapag sila ay kakain."
\v 3 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "At kayo—bakit ninyo nilalabag ang kautusan ng Diyos alang-alang sa inyong mga kaugalian?
\s5
\v 4 Sapagkat sinabi ng Diyos, 'Igalang mo ang iyong ama at iyong ina,' at 'Sinuman ang magsalita ng masama sa kaniyang ama o ina ay tiyak na mamamatay.
\v 5 Ngunit sinabi ninyo, 'Sinuman ang magsabi sa kaniyang ama o ina, "Anumang tulong ang matanggap sana ninyo na galing sa akin, ngayon ay isa nang kaloob na ibinigay sa Diyos,"'
\v 6 hindi na kailangang igalang ng taong iyon ang kaniyang ama. Sa ganitong paraan binalewala ninyo ang salita ng Diyos alang-alang sa inyong mga kaugalian.
\s5
\v 7 Kayong mga mapagkunwari, tama ang propesiya tungkol sa inyo ni Isaias noong sinabi niya,
\v 8 'Iginagalang ako ng mga taong ito sa kanilang mga labi ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin.
\v 9 Sinasamba nila ako na walang kabuluhan, dahil ang itinuturo nila bilang mga doktrina ay ang mga utos ng mga tao.'''
\s5
\v 10 Pagkatapos ay tinawag niya ang maraming tao palapit sa kaniya at sinabi sa kanila, ''Makinig kayo at intindihin ninyo—
\v 11 Walang pumapasok sa bibig ang nakapagpaparumi sa isang tao. Sa halip, kung ano ang lumalabas sa kaniyang bibig, ito ang nakapagpaparumi sa tao.''
\s5
\v 12 Pagkatapos, lumapit ang kaniyang mga alagad at sinabi kay Jesus, "Alam ba ninyo na nasaktan ang mga Pariseo nang marinig nila ang inyong sinabi?"
\v 13 Sumagot si Jesus at sinabi, "Bawat halaman na hindi itinanim ng aking Amang nasa langit ay bubunutin.
\v 14 Hayaan ninyo sila, mga bulag sila na gabay. Kung ang isang bulag na tao ay gagabayan ang kapwa niyang bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay."
\s5
\v 15 Sumagot si Pedro at sinabi kay Jesus, "Ipaliwanag mo sa amin ang talinghagang ito."
\v 16 Sinabi ni Jesus, "Kayo din ba ay wala pa ring pang-unawa?
\v 17 Hindi ba ninyo nakikita na kung anumang pumapasok sa inyong bibig ay dadaan sa tiyan at pagkatapos pinapalabas sa palikuran?
\s5
\v 18 Ngunit ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay galing sa puso. Ang mga bagay na ito ang nakapagpaparumi sa tao.
\v 19 Sapagkat sa puso nanggagaling ang mga masasamang pag-iisip, pagpatay, pangangalunya, sekswal na imoralidad, pagnanakaw, bulaang saksi at mga paghamak.
\v 20 Ito ang mga bagay na nakapagpaparumi sa tao. Ngunit ang kumain na hindi naghugas ng mga kamay ay hindi nakapagpaparumi sa tao."
\s5
\v 21 Pagkatapos, umalis si Jesus mula roon at pumunta patungo sa mga rehiyon sa lungsod ng Tiro at Sidon.
\v 22 Masdan ito, may isang Cananeang babae ang lumabas galing sa rehiyon na iyon. Sumigaw siya at sinabing, "Kahabangan mo ako, Panginoon, anak ni David; ang aking anak na babae ay lubhang pinapahirapan ng isang demonyo.
\v 23 Ngunit hindi siya sinagot ni Jesus kahit isang salita. Lumapit ang kaniyang mga alagad at nagmakaawa sa kaniya, sinabi, "Paalisin ninyo siya sapagkat sumisigaw siyang sumusunod sa atin."
\s5
\v 24 Subalit sumagot si Jesus at sinabi, "Hindi ako sinugo sa kaninuman maliban sa mga tupang naliligaw sa tahanan ng Israel."
\v 25 Ngunit lumapit at lumuhod ang babae sa kaniyang harapan, na nagsasabi, "Panginoon, tulungan mo ako."
\v 26 Sumagot siya at sinabi, "Hindi tama na kunin ang tinapay ng mga anak at ihagis sa mga tuta."
\s5
\v 27 Sinabi niya, "Oo nga, Panginoon, ngunit kahit ang mga tuta ay kinakain ang mga katiting na tinapay na nahulog mula sa kainan ng kanilang mga amo.
\v 28 Pagkatapos, sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Babae, napakalaki ng iyong pananampalataya. Mangyari sa iyo ayon sa iyong hinihiling." At gumaling ang kaniyang anak na babae sa oras na iyon.
\s5
\v 29 Umalis si Jesus sa lugar na iyon at pumunta malapit sa Dagat ng Galilea. Pagkatapos umakyat siya sa isang burol at doon umupo.
\v 30 Napakaraming tao ang lumapit sa kaniya. Kasama nila ang mga pilay, bulag, pipi at mga lumpo, at marami pang iba na may mga sakit. Inilagay sila sa paanan ni Jesus at sila ay pinagaling niya.
\v 31 Kaya namangha ang maraming tao nang nakita nila ang mga pipi na nakapagsalita, ang lumpo na napagaling, ang pilay na nakakalakad at mga bulag na nakakakita. Pinuri nila ang Diyos ng Israel.
\s5
\v 32 Tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Nahahabag ako sa mga tao dahil sila ay nanatili kasama ko sa loob na ng tatlong araw at walang makain. Ayaw ko silang pauwiin na hindi kumakain upang hindi sila himatayin sa daan."
\v 33 Sinabi ng mga alagad sa kaniya, "Saan naman tayo kukuha ng sapat na tinapay sa ilang para busugin ang napakamaraming tao?"
\v 34 Sinabi ni Jesus sa kanila, "IIan ang tinapay na meron kayo?" Sinabi nila, "Pito, at kaunting maliliit na isda."
\v 35 At inutosan ni Jesus ang maraming tao na maupo sa lupa.
\s5
\v 36 Kinuha niya ang pitong tinapay at mga isda, at pagkatapos magbigay ng pasasalamat, pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad. At ibinigay ng mga alagad ang mga ito sa mga tao.
\v 37 Ang lahat ng tao ay nakakain at nabusog. At inipon nila ang mga pagkain mula sa pira-pirasong natira, pitong basket ang napuno.
\v 38 Mayroong apat na libong lalaki ang kumain, bukod sa mga babae at mga bata.
\v 39 Pagkatapos, pinauwi ni Jesus ang maraming tao at sumakay siya sa bangka at pumunta sa rehiyon ng Magadan.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Lumapit ang mga Pariseo at Saduseo at sinubok si Jesus sa pamamagitan ng paghingi sa kaniya na ipakita sa kanila ang isang palatandaan mula sa langit.
\v 2 Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, "Pagsapit ng gabi, sasabihin ninyo. 'Magiging maganda ang panahon, sapagkat pula ang kalangitan.'
\s5
\v 3 At sasabihin ninyo sa umaga, 'Hindi magiging maganda ang panahon ngayon, sapagkat ang langit ay pula at maulap.' Alam ninyo kung paano bigyan ng kahulugan ang anyo ng langit, ngunit hindi ninyo kayang bigyang kahulugan ang mga palatandaan ng mga panahon.
\v 4 Maghahanap ng palatandaan ang mga masama at mapang-apid na salinlahi, ngunit walang maibibigay na palatandaan sa kanila maliban sa palatandaan ni Jonas." Pagkatapos ay iniwan sila ni Jesus at umalis.
\s5
\v 5 Nagpunta ang mga alagad sa kabilang bahagi, ngunit nakalimutang magdala ng tinapay.
\v 6 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Unawain ninyo at mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo at mga Saduseo."
\v 7 Nagdahilan ang mga alagad sa kanilang mga sarili at sinabi, "Ito ay dahil wala tayong nadalang tinapay."
\v 8 Batid ito ni Jesus at sinabi, "Kayong maliit ang pananampalataya, bakit kayo nagdadahilan sa inyong mga sarili at sinasabi na ito ay dahil wala kayong nadalang tinapay?
\s5
\v 9 Hindi pa rin ba ninyo napapansin o naaalala ang limang tinapay para sa limang-libo, at ilang mga basket na tinapay ang naipon ninyo?
\v 10 O ang pitong basket na tinapay na para sa apat na libo at ilang mga basket ang inyong naipon?
\s5
\v 11 Paanong hindi ninyo naintindihan na hindi ako nagsasalita sa inyo tungkol sa tinapay? "Unawain ninyo at mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo at Saduseo."
\v 12 Pagkatapos naintindihan nila na sila ay hindi pinag-iingat sa lebadura sa tinapay, kundi upang mag-ingat sa itinuturo ng mga Pariseo at mga Saduseo.
\s5
\v 13 Ngayon, nang dumating si Jesus sa mga bahagi ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kaniyang mga alagad, na sinasabi, "Ano ang sinasabi ng mga tao kung sino ang Anak ng Tao?"
\v 14 Sinabi nila, "Sabi ng iba na si Juan na Tagapagbawtismo; ang iba, si Elias; at ang iba, si Jeremias, o isa sa mga propeta."
\v 15 Sinabi niya sa kanila, "Ngunit ano ang sinasabi ninyo sa kung sino ako?"
\v 16 Sumagot si Simon Pedro at sinabi, "Ikaw ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos."
\s5
\v 17 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Pinagpala ka, Simon Bar Jonas, sapagkat ito ay hindi nahayag sa iyo ng laman o ng dugo, kundi ng aking Amang nasa langit.
\v 18 Sinasabi ko rin sa iyo na ikaw ay si Pedro at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Ang tarangkahan ng hades ay hindi mananaig laban dito.
\s5
\v 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi sa kaharian ng langit. Anumang gapusin mo sa lupa ay gagapusin din sa langit, at anumang kalagan ninyo sa lupa ay kakalagan din sa langit."
\v 20 At inutusan ni Jesus ang mga alagad na huwag nilang sabihin sa iba na siya ang Cristo.
\s5
\v 21 Magmula sa oras na iyon sinimulang sabihin ni Jesus sa kaniyang mga alagad na kailangan niyang pumunta sa Jerusalem, magdurusa ng maraming bagay sa kamay ng mga nakatatanda at sa mga punong pari at sa mga eskriba, papatayin at mabubuhay muli sa ikatlong araw.
\v 22 Pagkatapos ay hinila siya ni Pedro sa tabi at pinagsabihan siya, na sinasabi, "Mailayo sana ito sa iyo, Panginoon, hindi sana ito mangyari sa iyo."
\v 23 Ngunit bumaling si Jesus kay Pedro at sinabi, "Lumayo ka sa akin, Satanas! Hadlang ka sa akin, sapagkat wala kang pakialam sa mga bagay ng Diyos, kundi sa mga bagay ng mga tao."
\s5
\v 24 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Kung sinuman ang nais sumunod sa akin, kailangan niyang ikaila ang kaniyang sarili, buhatin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
\v 25 Sapagkat sinuman ang may nais iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, at kung sinuman ang mawala ang buhay alang-alang sa akin ay matatagpuan niya ito.
\v 26 Ano ang mapapala ng isang tao, kung mapasakaniya man ang buong mundo ngunit ang kabayaran ay ang kaniyang buhay? Ano ang maibibigay ng tao kapalit ng kaniyang buhay?
\s5
\v 27 Sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang kaniyang mga anghel. Pagkatapos, bibigyan niya ang bawat tao ayon sa kaniyang mga gawa.
\v 28 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, may mga ilan sa inyo na nakatayo dito na hindi makatitikim ng kamatayan hanggang sa makita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa kaniyang kaharian."
\s5
\c 17
\p
\v 1 Makalipas ang anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at si Juan na kaniyang kapatid at sila ay dinala niya sa isang mataas na bundok nang sila lang.
\v 2 Siya ay nagbagong anyo sa kanilang harapan. Ang kaniyang mukha ay nagliwanag na katulad ng araw, at ang kaniyang mga damit ay naging puting-puti katulad ng liwanag.
\s5
\v 3 Masdan ito, nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kaniya.
\v 4 Nagsalita si Pedro at sinabi kay Jesus, "Panginoon, mabuti na kami ay narito. Kung nais ninyo, gagawa ako dito ng tatlong pagsisilungan—isa para sa inyo, at isa para kay Moises, at isa para kay Elias."
\s5
\v 5 Habang siya ay nagsasalita pa, masdan ito, isang nakakasilaw na ulap ang lumilim sa kanila, at masdan ito, may isang tinig na mula sa ulap na nagsasabi, "Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Makinig kayo sa kaniya."
\v 6 Nang marinig ito ng mga alagad, sila ay nagpatirapa at lubhang natakot.
\v 7 Pagkatapos, lumapit si Jesus at sila ay hinawakan at sinabi, "Tumayo kayo at huwag kayong matakot."
\v 8 At sila ay tumingala ngunit walang ibang nakita maliban kay Jesus lamang.
\s5
\v 9 Nang pababa na sila sa bundok, inutos ni Jesus sa kanila, na nagsasabi, "Huwag ninyong ipagsabi sa sinuman ang pangitaing ito hanggang ang Anak ng Tao ay muling ibangon mula sa mga patay."
\v 10 Tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na sinasabi, "Bakit sinasabi ng mga eskriba na kailangan daw munang dumating si Elias?"
\s5
\v 11 Sumagot si Jesus at sinabi, "Totoo na darating si Elias at aayusin ang lahat ng mga bagay.
\v 12 Ngunit sinasabi ko sa inyo, si Elias ay dumating na, ngunit siya ay hindi nila nakilala. Sa halip, ginawa nila ang nais nilang gawin sa kaniya. Sa gayon ding paraan, ang Anak ng Tao ay magdurusa rin sa kanilang mga kamay."
\v 13 At naintindihan ng mga alagad na ang tinutukoy niya ay si Juan na Tagapagbautismo.
\s5
\v 14 Pagbalik nila sa kinaroroonan ng mga tao, lumapit ang isang tao at lumuhod sa kaniyang harapan, at sinabi,
\v 15 "Panginoon, mahabag kayo sa aking anak na lalaki, sapagkat siya ay may epilepsiya at lubhang nahihirapan. Sapagkat madalas siyang nahuhulog sa apoy o sa tubig.
\v 16 Dinala ko siya sa inyong mga alagad, ngunit hindi nila siya mapagaling.
\s5
\v 17 Sumagot si Jesus at sinabi, "Kayong salinlahi na walang pananampalataya at mga baluktot, hanggang kailan ba ako mananatili kasama ninyo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin ninyo siya sa akin."
\v 18 Sinaway siya ni Jesus at umalis ang demonyo sa kaniya. Gumaling ang bata sa oras ding iyon.
\s5
\v 19 Pagkatapos nito sarilinang lumapit kay Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Bakit hindi namin ito mapalayas?"
\v 20 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Dahil maliit ang inyong pananampalataya. Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung mayroon kayong pananampalataya na kasinliit ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, 'Lumipat ka roon,' at lilipat nga ito at walang magiging imposible sa inyo.
\v 21 (Ngunit hindi mapapalayas ang ganitong uri ng demonyo maliban sa panalangin at pag-aayuno.)
\s5
\v 22 Habang sila ay nanatili sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao.
\v 23 At siya ay papatayin nila, at mabubuhay siya sa ikatlong araw." Labis itong ikinalungkot ng kaniyang mga alagad.
\s5
\v 24 Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga lalaking naningil ng kalahating siklo ng buwis at sinabi, "Nagbabayad ba ng kalahating siklo ng buwis ang iyong guro?"
\v 25 Sinabi niya, "Oo." Ngunit nang pumunta si Pedro sa bahay, una siyang kinausap ni Jesus at sinabi, " Ano sa palagay mo, Simon? Ang mga hari sa lupa, kanino sila tumatanggap ng buwis o ng pagpupugay? Mula sa kanilang mga mamamayan o mula sa mga dayuhan?"
\s5
\v 26 Nang sinabi ni Pedro, "Sa mga dayuhan," sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kung ganoon hindi kasama ang kanilang mamamayan sa pagbabayad.
\v 27 Ngunit upang hindi tayo maging sanhi ng pagkakasala ng mga nangongolekta ng buwis, pumunta ka sa dagat, ihagis mo ang iyong pamingwit, at kunin ang unang isda na nahuli. Kapag binuka mo ang bibig nito, makikita mo ang isang siklo. Kunin mo ito at ibigay sa mga nangongolekta ng buwis para sa akin at para sa iyo."
\s5
\c 18
\p
\v 1 Sa oras ding iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at sinabi, " Sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit?"
\v 2 Tinawag ni Jesus ang isang bata sa kaniya, at inilagay niya sa kanilang kalagitnaan,
\v 3 at sinabi, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo, maliban na lamang kung kayo ay magsisi at maging katulad ng mga maliliit na bata, hindi talaga kayo makapapasok sa kaharian ng langit.
\s5
\v 4 Kaya kung sinuman ang nagpapakumbaba sa kaniyang sarili katulad ng maliit na batang ito, ang taong iyon ang pinakadakila sa kaharian ng langit.
\v 5 At sinumang tumatanggap sa katulad ng maliit na batang ito alang-alang sa aking pangalan ay tinatanggap ako.
\v 6 Ngunit ang sinuman ang magiging sanhi ng pagkakasala ng isa sa mga maliliit na bata na sumampalataya sa akin, mas mabuti para sa kaniya na talian ang leeg ng malaking batong gilingan, at dapat siyang ilubog sa kailaliman ng dagat.
\s5
\v 7 Sa aba sa sanlibutan dahil sa panahon ng pagkatisod! Sapagkat kinakailangang dumating ang mga panahong iyon, ngunit sa aba sa taong sanhi ng pinanggalingan nito!
\v 8 Kung ang iyong kamay o mga paa ay nagiging sanhi ng inyong pagkatisod, putulin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may kapansanan o lumpo, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang kamay o dalawang paa.
\s5
\v 9 Kung ang inyong mga mata ay maging dahilan ng inyong pagkatisod, dukutin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may isang mata, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang mata.
\s5
\v 10 Tingnan ninyo na huwag ninyong hahamakin kahit na isa sa mga maliliit na bata. Sapagkat sasabihin ko sa inyo na sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nakatingin sa mukha ng aking Amang nasa langit. (
\v 11 Sapagkat pumarito ang Anak ng Tao upang maligtas ang mga nawawala.)
\s5
\v 12 Ano sa palagay ninyo? Kung may isang taong mayroong isandaang tupa, at ang isa ay naligaw, hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa burol at maghahanap sa isang naliligaw?
\v 13 At kung matagpuan niya ito, totoo itong sinasabi ko sa inyo, ikagagalak niya ito higit sa siyamnapu't siyam na hindi naligaw.
\v 14 Sa gayon ding paraan, hindi ito ang kalooban ng inyong Ama na nasa langit na ang isa sa mga maliliit na batang ito ay mapahamak.
\s5
\v 15 Kung ang iyong kapatid ay nagkasala laban sa iyo, pumuntahan mo, ipakita mo ang kaniyang pagkakamali na ikaw at siya lamang. Kung makikinig siya sa iyo, mapapanumbalik mo ang iyong kapatid.
\v 16 Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, isama mo sa iyo ang isa o dalawa pang mga kapatid, upang sa pamamamagitan ng bibig ng dalawa o tatlong mga saksi ang bawat salita ay maaaring mapatunayan.
\s5
\v 17 At kung tumanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa iglesiya. Kung siya ay tumanggi na makinig sa iglesiya, ituring ninyo siyang gaya ng isang Gentil at maniningil ng buwis.
\s5
\v 18 Totoo itong sinasabi ko sa inyo, anumang mga bagay ang igapos ninyo sa lupa ay igagapos din sa langit. At anumang mga bagay ang inyong kalagan sa lupa ay kakalagan din sa langit.
\v 19 Dagdag pa nito, sinasabi ko sa inyo, na kung ang dalawa sa inyo ay sumang-ayon sa lupa tungkol sa anumang bagay na kanilang hinihiling, mangyayari ito sa kanila sa pamamagitan ng aking Amang nasa langit.
\v 20 Sapagkat kung saan ang dalawa o tatlo ang nagkatipon dahil sa aking pangalan, naroon ako sa kanilang kalagitnaan."
\s5
\v 21 Pagkatapos, lumapit si Pedro at sinabi kay Jesus, "Panginoon, ilang beses ba na magkakasala ang aking kapatid laban sa akin at akin siyang patatawarin? Hanggang pitong beses?"
\v 22 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Hindi ko sasabihin sa inyo na pitong beses, kundi hanggang pitumpung ulit at pito.
\s5
\v 23 Samakatuwid, ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa isang hari na nais makipagsulit sa kaniyang mga utusan.
\v 24 Habang inuumpisahan ang pagsusulit, isang utusan ang dinala sa kaniya na nagkautang ng sampung libong mga talento.
\v 25 Ngunit dahil sa wala siyang kakayanan na magbayad, inutusan siya ng kaniyang amo na ipagbili, kasama ng kaniyang asawa at mga anak at lahat na mayroon siya, at nang makabayad.
\s5
\v 26 Kaya lumuhod ang utusan, yumuko sa kaniyang harapan, at sinabi, 'Amo, pagtiisan mo ako, at babayaran ko ang lahat.'
\v 27 Kaya nahabag ang amo sa kaniyang utusan, pinakawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang.
\s5
\v 28 Ngunit lumabas ang utusan at nakita ang isa sa kaniyang kapwa utusan na nagkautang sa kaniya ng isang daang denario. Sinunggaban niya ito, sinakal at sinabi, 'Bayaran mo ako sa iyong inutang.'
\v 29 Ngunit lumuhod ang kaniyang kapwa utusan at nakiusap sa kaniya na nagsasabi, "Pagtiisan mo ako, at babayaran rin kita.'
\s5
\v 30 Ngunit tumanggi ang naunang utusan. Sa halip, pumunta siya at itinapon siya sa kulungan, hanggang sa mabayaran niya ang kaniyang inutang.
\v 31 Nang makita ng kapwa mga utusan kung ano ang nangyari, labis silang nagdamdam. Pumunta sila sa kanilang amo at sinabi ang lahat ng nangyari.
\s5
\v 32 Pagkatapos nito, ipinatawag ng amo ang kaniyang utusan, at sinabi sa kaniya, 'Napakasama mong utusan, pinatawad kita sa lahat ng iyong inutang dahil ikaw ay nakiusap sa akin.
\v 33 Hindi ba dapat naawa ka din sa iyong kapwa utusan, gaya ng pagkahabag ko sa iyo?
\s5
\v 34 Nagalit ang kaniyang amo at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang mga inutang.
\v 35 Kaya ganoon din ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung ang bawat isa sa inyo ay hindi magpapatawad sa kaniyang kapatid na mula sa kaniyang puso."
\s5
\c 19
\p
\v 1 Nangyari, nang matapos na ni Jesus ang mga salitang ito, umalis siya mula sa Galilea at nakarating sa hangganan ng Judea lampas pa ng Ilog Jordan.
\v 2 Napakaraming tao ang sumunod sa kaniya at sila ay pinagaling niya roon.
\s5
\v 3 Pumunta sa kaniya ang mga Pariseo upang subukin siya na nagsasabi, "Pinahihintulutan ba sa batas na hihiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa sa anumang kadahilanan?"
\v 4 Si Jesus ay sumagot at nagsabi, "Hindi ba ninyo nabasa, na ang gumawa sa kanila sa simula pa lamang ay ginawa silang lalaki at babae?
\s5
\v 5 At sinabi rin niyang, 'Sa ganitong dahilan iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina upang makiisa sa kaniyang asawa, at ang dalawa ay magiging iisang laman?'
\v 6 Kaya nga sila ay hindi na dalawa, kundi iisang laman. Samakatwid ang ano mang pinagsama ng Diyos ay walang sinumang makapaghihiwalay."
\s5
\v 7 Sinabi nila sa kaniya, "Bakit noon ay inutusan tayo ni Moises na gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay at paalisin na siya?"
\v 8 Sinabi niya sa kanila, "Dahil sa katigasan ng inyong puso ay pinayagan ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong mga asawa, subalit mula sa simula hindi gayon.
\v 9 Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang makikipaghiwalay sa kaniyang asawa, maliban sa sekwal na imoralidad, at mag-aasawa ng iba, ay nangangalunya. At ang lalaki na magpapakasal sa hiniwalayan na babae ay nakagawa ng pangangalunya."
\s5
\v 10 Sinabi ng mga alagad kay Jesus, "Kung ganyan ang kalagayan ng lalaki sa kaniyang asawa, mabuti pang hindi na mag-aasawa."
\v 11 Subalit sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi lahat ay tatanggap sa aral na ito, kundi sila lamang na pinahihintulutan na tanggapin ito.
\v 12 Sapagkat mayroong mga eunuko na ipinanganak sa sinapupunan ng kanilang ina. At may mga eunoko na ginawang eunuko ng mga tao. At may mga eunuko na ginawa nilang mga eunuko ang kanilang sarili alang-alang sa kaharian ng langit. Siya na kayang tumanggap sa aral na ito, tanggapin niya ito.
\s5
\v 13 May maliliit na mga bata na dinala sa kaniya upang patungan ng kaniyang mga kamay at ipanalangin sila, ngunit pinagalitan sila ng mga alagad.
\v 14 Ngunit sinabi ni Jesus, "Hayaan ang maliliit na mga bata, at huwag silang pagbawalan na pumunta sa akin, sapagkat ang kaharian ng langit ay para sa mga ganito."
\v 15 At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at pagkatapos umalis mula roon.
\s5
\v 16 Masdan ito, isang lalaki ang lumapit kay Jesus at sinabi, "Guro, ano ang mabuting bagay na kinakailangan kong gawin upang ako ay magkaroon ng buhay na walang hanggan?"
\v 17 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bakit mo ako tinatanong tungkol sa kung ano ang mabuti? Isa lang ang mabuti, ngunit kung nais mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga kautusan."
\s5
\v 18 At sinabi ng lalaki sa kaniya, "Alin sa mga kautusan? Sinabi ni Jesus, "Huwag kang pumatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnakaw, huwag kang magsinungaling sa iyong pagsaksi,
\v 19 igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamamhal mo sa iyong sarili.
\s5
\v 20 At sinabi ng binatang lalaki sa kaniya, ang lahat nang ito ay sinunod ko. Ano pa ba ang kailangan ko?
\v 21 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kung nais mong maging ganap, humayo ka at ipagbili mo ang iyong ari-arian at ibigay sa mahihirap, at magkakaroon ka ng yaman sa langit. At halika, sumunod ka sa akin."
\v 22 Subalit ng marinig ng binatang lalaki ang sinabi ni Jesus, umalis siya na malungkot, sapagkat siya ay may napakaraming mga ari-arian.
\s5
\v 23 Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo, mahirap makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng langit.
\v 24 Muling sinasabi ko sa inyo, madali pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos."
\s5
\v 25 Nang mapakinggan ito ng mga alagad, sila ay namangha at sinabi, "Sino kung gayon ang maaaring maligtas?"
\v 26 Tumingin sa kanila si Jesus at sinabi, "Sa mga tao ito ay imposible ngunit sa Diyos, lahat ay posible."
\v 27 Sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, "Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod saiyo. Ano ang makakamtan namin?"
\s5
\v 28 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo, kayo na sumunod sa akin, sa bagong kapanganakan kapagka ang Anak ng Tao ay uupo na sa trono sa kaniyang kaluwalhatian, kayo rin naman ay uupo sa labindalawang mga trono, maghuhukom sa labingdalawang mga tribu ng Israel."
\s5
\v 29 Ang bawat isa na nag-iwan ng mga bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, ama at ina, o lupain alang alang sa akin, ay makakatanggap ng isang daang beses at magmamana ng buhay na walang hanggan.
\v 30 Subalit marami ang nauna ngayon na mahuhuli at marami sa mga nahuhuli ay mauuna.
\s5
\c 20
\p
\v 1 Sapagkat ang kaharian ng langit ay tulad sa isang nagmamay-ari ng lupain, na lumabas ng maagang-maaga upang umupa ng mga manggagawa para sa kaniyang ubasan.
\v 2 Pagkatapos niyang makipagsundo sa mga manggagawa sa isang denaryo sa isang araw, pinapunta niya sila sa kaniyang ubasan.
\s5
\v 3 Lumabas siya muli sa dakong alas nuwebe noong umagang iyon at nakita niya ang ibang mga manggagawa na nakatayong walang ginagawa sa pamilihan.
\v 4 Sinabi niya sa kanila, 'Pumunta rin kayo sa ubasan, at kung ano ang nararapat sa inyo ay ibibigay ko.' At sila ay pumunta upang magtrabaho.
\s5
\v 5 Lumabas siyang muli nang mag-aalas dose ng tanghali at muli nang mag-aalas tres ng hapaon, at ganoon din ang ginawa niya.
\v 6 At sa isa pang pagkakataon nang mag-aalas singko ng hapon, siya ay lumabas at nakatagpo ng iba pang nakatayong walang ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo nakatayo rito na walang ginagawa sa maghapon?'
\v 7 Sinabi nila sa kaniya, 'Sapagka't wala ni isang umupa sa amin,' Sinabi niya sa kanila, 'Kayo rin ay pumunta sa ubasan.'
\s5
\v 8 At nang sumapit ang gabi, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang tagapangasiwa, 'Tawagin ang mga manggagawa at ibigay ang kanilang sahod, mula sa nahuli hanggang sa nauna.'
\v 9 At nang ang mga manggagawa na inupahan nang mag-aalas singko ay dumating, bawat isa sa kanila ay tumanggap ng isang denaryo.
\v 10 At nang ang mga naunang manggagawa ay dumating, inisip nila na higit na marami ang kanilang tatanggapin, subalit bawat isa sa kanila ay tumanggap rin ng tig-iisang denaryo.
\s5
\v 11 At nang matanggap nila ang kanilang mga sahod, sila ay nagreklamo tungkol sa may-ari ng ubasan.
\v 12 Sabi nila, 'Ang mga huling manggagawang ito ay isang oras lang na nagtrabaho, ngunit ipinantay mo sila sa amin, sa amin na nagdala ng pasan sa buong araw at sa nakakasunog na init.'
\s5
\v 13 Subalit sumagot ang may-ari ng ubasan at nagsabi sa isa sa kanila, 'Kaibigan, wala akong nagawang mali sa iyo, Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang denaryo?
\v 14 Tanggapin mo ang para sa iyo at humayo ka. Kagalakan ko ang magbigay sa mga nahuling mga manggagawa na inupahan katulad ng sa inyo.
\s5
\v 15 Hindi ba marapat sa akin na gawin kung ano ang nais kong gawin sa aking mga pag-aari?' O ang iyong mata ay masama dahil ako ay mabuti?
\v 16 Kaya nga ang nauuna ay nahuhuli at ang nahuhuli ay nauuna."
\s5
\v 17 Habang si Jesus ay patungo sa Jerusalem, ang labindalawa ay isinama niya at habang nasa daan sinabi niya sa kanila,
\v 18 "Tingnan ninyo, aakyat tayo patungo sa Jerusalem at ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga punong mga pari at mga eskriba. At siya ay hahatulan nila ng kamatayan
\v 19 at ibibigay sa mga Gentil upang siya ay kutyain, paluin, at ipako siya sa krus. Ngunit sa ikatlong araw siya ay babangunin.
\s5
\v 20 At ang ina ng mga anak na lalaki ni Zebedeo ay pumunta kay Jesus kasama ang kaniyang mga anak. Yumukod siya sa kaniyang harapan at humiling ng isang bagay sa kaniya.
\v 21 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ano ang nais mong hilingin?" Sinabi niya sa kaniya, "Ipag-utos mo na ang aking dalawang anak ay makakaupo sa iyong kaharian, ang isa sa iyong dakong kanang kamay at ang isa naman ay sa iyong dakong kaliwang kamay,."
\s5
\v 22 Subalit sinagot siya ni Jesus at nagsabi, "Hindi ninyo alam kung ano ang iyong hinihiling. Kaya ba ninyong inumin ang tasa na aking iinumin?" Sinabi nila sa kaniya, "Kaya namin."
\v 23 Sinabi niya sa kanila, "Ang aking tasa ay tunay ninyong inumin. Subalit ang pag-upo sa aking dakong kanang kamay at sa aking dakong kaliwang kamay ay hindi sa aking pagpapasya, ngunit ito ay para sa kanila na pinaghandaan ng aking Ama."
\v 24 At nang mapakinggan ito ng sampung mga alagad, labis silang hindi nasiyahan sa dalawang magkapatid.
\s5
\v 25 Ngunit tinawag sila ni Jesus sa kaniya at sinabi, "Alam ninyo na ang mga namumuno sa mga Gentil ay nanglulupig sa kanila, at ang mga mahahalagang mga tao sa kanila ay gumagamit ng kapangyarihan upang sundin sila.
\v 26 Subalit hindi dapat mangyari ito sa inyo. Sa halip, ang sinumang nagnanais na maging dakila sa inyo ay dapat maging tagapaglingkod ninyo.
\v 27 At ang sinumang nagnanais na maging una sa inyo ay dapat maging tagapaglingkod ninyo.
\v 28 Katulad ng Anak ng Tao hindi siya naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at upang ibigay ang kaniyang buhay bilang pangtubos sa marami.
\s5
\v 29 Habang sila ay paalis mula sa Jerico, napaka-raming tao ang sumunod sa kaniya.
\v 30 At nakita nila ang dalawang bulag na lalaki na nakaupo sa daan. Nang marinig nila na si Jesus ay dumaraan, sila ay sumigaw at nagsabi, "Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin."
\v 31 Subalit sinaway sila ng mga tao, sinabihan sila na tumahimik. Ngunit, lalo silang nagsisisigaw ng malakas at nagsabi, "Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin."
\s5
\v 32 At huminto si Jesus at tinawag sila at nagsabi, "Ano ang nais ninyong gawin ko sa inyo?"
\v 33 Sinabi nila sa kaniya, "Panginoon, na ang aming mga mata ay mabuksan."
\v 34 At si Jesus, na nakadama ng pagkahabag, hinipo ang kanilang mga mata. Agad agad ay natanggap nila ang kanilang paningin at sumunod sa kaniya.
\s5
\c 21
\p
\v 1 Habang si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay papalapit na sa Jerusalem at dumating sa Bethfage, sa Bundok ng mga Olibo, sinugo ni Jesus ang dalawa sa kaniyang mga alagad
\v 2 na nagsasabi sa kanila, "Pumunta kayo sa susunod na nayon at makakakita kaagad kayo ng nakataling asno at may kasamang isang batang asno. Kalagan ninyo sila at dalhin sa akin.
\v 3 Kung may magsabi sa inyo ng kahit na ano sa inyo tungkol dito sabihin ninyo, 'Kailangan sila ng Panginoon,' at kaagad-agad ipapadala ng taong iyon ang mga iyon sa inyo.
\s5
\v 4 Ngayon nangyari nga ito upang maganap kung ano ang sinabi sa pamamagitan ng propeta. Sinabi niya,
\v 5 "Sabihin sa anak na babae ng Sion, 'Tingnan mo, ang inyong Hari ay darating sa inyo, mapagpakumbaba at nakasakay sa asno at sa batang asno, ang anak ng asno.
\s5
\v 6 At ang mga alagad ay nagpunta at ginawa kung ano ang ibinilin sa kanila ni Jesus.
\v 7 Dinala nila ang asno at ang batang asno, at inilagay nila ang kanilang mga damit sa kanila, at umupo roon si Jesus.
\v 8 Karamihan sa mga tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan, ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga kahoy at inilatag sa daan.
\s5
\v 9 Ang mga taong nauna kay Jesus at ang mga sumunod sa kaniya ay sumisigaw na nagsasabi, "Hosana sa anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon. Hosana sa kataas-taasan!"
\v 10 Nang makarating si Jesus sa Jerusalem, ang buong lungsod ay nagkagulo at nagsabi, "Sino ba ito?"
\v 11 Ang mga tao ay sumagot, "Si Jesus ito na propeta, na taga-Nazaret ng Galelia."
\s5
\v 12 Pumasok si Jesus sa templo ng Diyos. At pinaalis palabas ang lahat ng mga namili at nagbebenta sa templo. At pinagbubuwal din niya ang mga mesa ng mga mamamalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng mga kalapati.
\v 13 Sinabi niya sa kanila, "Ito ay nasusulat, 'Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw."
\v 14 At pumunta sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga lumpo at sila ay pinagaling niya.
\s5
\v 15 Subalit nang makita ng mga pinunong pari at ng mga eskriba ang mga kamanghamanghang mga bagay na kaniyang ginawa, at nang mapakinggan nila ang mga bata na sumisigaw sa templo at nagsasabi, "Hosana sa anak ni David," sila ay lubhang nagalit.
\v 16 Sinabi nila sa kaniya, "Narinig mo ba kung ano ang sinasabi ng mga taong ito?" Sinabi ni Jesus sa kanila, "Oo! Ngunit hindi ba ninyo nababasa, 'Na mula sa mga bibig ng mga sanggol at mga sumususo pa lamang ay ginawa mong ganap ang papuri'?"
\v 17 At iniwan sila ni Jesus at nagtungo sa lungsod ng Betania at natulog doon.
\s5
\v 18 Kinaumagahan nang pabalik na si Jesus sa lungsod, nagutom siya.
\v 19 Nakakita siya ng puno ng igos sa tabi ng daan. Pinuntahan niya ito, subalit wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. At sinabihan niya ito, "Hindi ka na magbubunga mula ngayon at magpakailan man." Kaagad-agad ang puno ng igos ay natuyo.
\s5
\v 20 At nang makita ito ng kaniyang mga alagad, namangha sila at sinabi, "Paanong ang puno ng igos ay kaagad-agad na natuyo?"
\v 21 Sumagot at sinabi ni Jesus sa kanila, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo, kung kayo ay may pananampalataya at hindi mag-alinlangan, hindi lang ninyo magagawa kung ano ang nangyari sa puno ng igos, maaari ninyo ring sabihin sa burol na ito, 'Maiangat ka at maihagis sa dagat,' at ito ay magaganap.
\v 22 Lahat ng hihilingin ninyo sa panalangin na may paniniwala, matatanggap ninyo."
\s5
\v 23 Nang dumating si Jesus sa templo, pumunta sa kaniya ang mga punong pari at mga nakatatanda sa mga tao habang siya ay nagtuturo at sinabi nila sa kaniya, "Sa anong kapangyarihan ginawa mo ang mga bagay na ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan na ito?"
\v 24 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Ako rin ay magtatanong sa inyo ng isang tanong. Kung sasagutin ninyo ako, sasagutin ko rin kayo kung sa anong kapangyarihan ginawa ko ang mga bagay na ito.
\s5
\v 25 Ang bautismo ni Juan--saan ba ito galing, galing ba sa langit o sa mga tao?" Pinag-usapan nila ito sa kanilang mga sarili, na nagsasabi, "Kung sasabihin natin na, 'Nagmula sa langit,' sasabihin niya sa atin, 'Bakit hindi kayo naniwala sa kaniya?'
\v 26 Kung sasabihin natin na, 'Galing sa tao,' natatakot tayo sa mga tao, sapagkat kinikilala nila si Juan bilang isang propeta."
\v 27 Sumagot sila kay Jesus at nagsabi, "Hindi namin alam." Sinabi rin niya sa kanila, 'Kung gayon hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapangyarihan ginawa ko ang mga bagay na ito.
\s5
\v 28 Subalit ano sa palagay ninyo? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Pumunta siya sa una at sinabi, 'Anak pumunta ka at magtrabaho sa araw na ito sa ubasan,'
\v 29 Sumagot ang anak at nagsabi, 'Ayaw ko,' subalit, pagkatapos nito nagbago ang kaniyang isip at pumunta siya.
\v 30 At ang taong ito ay pumunta sa kaniyang pangalawang anak at nagsabi ng ganoon din. Sumagot ang anak na ito at nagsabi, 'Ginoo, pupunta ako.' Ngunit hindi siya pumunta.
\s5
\v 31 Alin sa dalawang anak na lalaki ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?" Sabi nila, "Ang nauna." Sinabi ni Jesus sa kanila, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaing nagbebenta ng aliw ay mauunang makapasok sa kaharian ng Diyos bago kayo.
\v 32 Sapagkat si Juan ay pumunta sa inyo sa daan ng katuwiran, subalit hindi ninyo siya pinaniwalaan, samantalang ang mga maniningil ng buwis at mga nagbebenta ng aliw ay naniwala sa kaniya. At kayo, noong nakita ninyo na nangyari, hindi man lang kayo nagsisi pagkatapos nito upang maniwala sa kaniya.
\s5
\v 33 Pakinggan ang isa pang talinghaga. May isang tao na nagmamay-ari ng napakalawak na lupain. Nagtanim ng mga ubas at binakuran niya ito, at naghukay ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng tore ng bantay, at pinaupahan ito sa mga tagapag-alaga ng ubasan. At siya ay nagtungo sa ibang bayan.
\v 34 Nang ang panahon ng pag-aani ng ubasan ay papalapit na, nagpadala siya ng ilan sa kaniyang mga utusan sa mga tagapag-alaga ng ubasan upang kunin ang kaniyang mga ubas.
\s5
\v 35 Subalit sinunggaban ng mga tagapag-alaga ng ubasan ang kaniyang mga utusan, pinalo ang isa, pinatay ang iba, at binato rin ang iba.
\v 36 Minsan pa, ang may ari ay nagpadala ng iba pang mga utusan, mas marami pa sa nauna, subalit ganoon din ang ginawa sa kanila ng mga tagapag-alaga ng ubasan.
\v 37 Pagkatapos noon, pinadala ng may-ari ang kaniyang sariling anak sa kanila, na nagsabi, ''Igagalang nila ang aking anak.'
\s5
\v 38 At nang makita ng mga tagapag-alaga ng ubas ang anak, sinabi nila sa kanilang mga sarili, "Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya at angkinin natin ang mana.'
\v 39 Kaya kinuha nila siya at itinapon palabas ng ubasan, at pinatay siya.
\s5
\v 40 Ngayon, kung darating ang may ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga tagapag-alaga ng ubasan?"
\v 41 Sinabi nila sa kaniya, "Pupuksain niya sila na tampalasan na mga tao sa mabagsik na pamamaraan at ang ubasan ay pauupahan sa ibang tagapagpangalaga ng ubasan, sa mga taong magbabayad kapag ang ubas ay mahinog na."
\s5
\v 42 At sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi ba ninyo nabasa sa mga kasulatan, 'Ang bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ay naging batong panulukan. Ito ay galing sa Panginoon, at ito ay kamanghamangha sa ating mga mata.'
\s5
\v 43 Kaya sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin niya sa inyo at ibibigay sa ibang bansa na mag-aalaga sa mga bunga nito.
\v 44 Ang sinumang babagsak sa batong ito ay mababasag ng pirapiraso. At kung kanino man ito babagsak, madudurog siya."
\s5
\v 45 Nang napakinggan ng mga punong pari at mga Pariseo ang kaniyang mga talinghaga, nakita nila na ang kaniyang sinasabi ay patungkol sa kanila.
\v 46 Subalit sa tuwing naisin nilang dakpin siya, natatakot sila sa mga tao sapagkat tinuturing siya ng mga tao na isang propeta.
\s5
\c 22
\p
\v 1 At muling nagsalita si Jesus sa kanila ng isang talinghaga, at nagsabi,
\v 2 "Ang kaharian ng langit ay katulad sa isang hari na naghanda ng salu-salo sa kasal ng kaniyang anak na lalaki.
\v 3 Sinugo niya ang kaniyang mga utusan na tawagin ang mga naanyayahan sa salu-salo sa kasal, subalit ayaw nilang pumunta.
\s5
\v 4 At muling nagsugo ang hari ng iba pang mga utusan, na nagsabing, 'Sabihin sa mga naanyayahan, "Tingnan ninyo, naihanda ko na ang aking hapunan. Ang aking mga baka at pinatabang mga batang baka ay nakatay na, at ang lahat ay nakahanda na. Pumunta kayo sa salu-salo sa kasal.'
\s5
\v 5 Subalit binabalewala ng mga taong ito ang kaniyang paanyaya. Ang iba ay bumalik sa kanilang sariling mga bukirin, ang iba naman ay nagtungo sa mga lugar ng kanilang negosyo.
\v 6 Ang iba naman ay sinunggaban ang mga utusan ng hari, pinahiya at pinatay sila.
\v 7 Subalit nagalit ang hari. Inutusan niya ang kaniyang mga sundalo na patayin ang mga mamamatay na iyon, at sunugin ang kanilang lungsod.
\s5
\v 8 At sinabi niya sa kaniyang mga utusan, 'Ang kasal ay handa na, ngunit ang mga naanyayahan ay hindi karapat-dapat.
\v 9 Kaya pumunta kayo sa mga sangandaan at anyayahan ninyo kung gaano karaming tao ang inyong matatagpuan sa salu-salo sa kasal.'
\v 10 At ang mga utusan ay nagtungo sa mga malalaking daan at inipon ang lahat ng mga taong matagpuan nila kapwa mabuti at masama. Kaya't ang bulwagan pangkasalan ay napuno ng mga panauhin.
\s5
\v 11 Subalit nang dumating ang hari upang tingnan ang mga panauhin, nakakita siya ng tao na hindi nakasuot ng pangkasal na kasuotan.
\v 12 Sinabi ng hari sa kaniya, 'Kaibigan, paano ka nakapasok dito nang walang pangkasal na kasuotan?' At walang maisagot ang tao.
\s5
\v 13 At sinabi ng hari sa kaniyang mga utusan, 'Gapusin ang kamay at paa ng taong ito, at ihagis siya sa kadiliman sa labas, kung saan doon ay may pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.'
\v 14 Sapagkat maraming tao ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili."
\s5
\v 15 At umalis ang mga Pariseo at nagbalak kung papaanong mabitag nila si Jesus sa kaniyang sariling salita.
\v 16 At pinadala nila ang kanilang mga alagad sa kaniya, kasama ang mga tagasunod ni Herodes. Sinabi nila kay Jesus, "Guro, alam namin na ikaw ay makatotohanan, at nagtuturo sa pamamaraan ng Diyos ng may katotohanan. At wala kayong pakialam sa sinasabi nang sinuman, at hindi nagpapakita ng pagtatangi sa mga tao.
\v 17 Kaya sabihin mo sa amin, ano sa palagay mo? Nararapat bang magbayad ng mga buwis kay Cesar o hindi?"
\s5
\v 18 Subalit nakakaintindi ng kanilang kasamaan si Jesus at nagsabi, "Bakit ninyo ako sinusubok, kayong mga mapagkunwari?
\v 19 Ipakita ninyo sa akin ang pangbuwis na salapi." Dinala nila ang isang denaryo sa kaniya.
\s5
\v 20 At sinabi ni Jesus sa kanila, "Kaninong mukha at pangalan ang narito?"
\v 21 Sinabi nila sa kaniya, "Kay Cesar." At sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung gayon ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos."
\v 22 Nang mapakinggan nila ito, namangha sila. At iniwan nila siya at umalis sila.
\s5
\v 23 Sa araw na iyon ilan sa mga Saduseo na mga nagsasabi na walang muling pagkabuhay ay pumunta sa kaniya. Tinanong nila siya,
\v 24 na nagsasabi, "Guro, sinabi ni Moises na, 'Kung ang tao ay mamatay, na walang anak, kailangang pakasalan ng kapatid niya ang kaniyang asawa at magkaroon ng anak alang-alang sa kaniyang kapatid.'
\s5
\v 25 Mayroong pitong magkakapatid na lalaki. Ang panganay ay nag-asawa at namatay, at hindi nagkaanak. Iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalaki.
\v 26 At ang pangalawang kapatid na lalaki gayon din ang ginawa niya, at ang pangatlo, hanggang sa pampitong kapatid na lalaki.
\v 27 Pagkatapos nilang lahat, namatay din ang babae.
\v 28 Ngayon sa muling pagkabuhay, kaninong asawa siya sa pitong magkakapatid? Sapagkat siya ay naging asawa nilang lahat."
\s5
\v 29 Subalit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Nagkakamali kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang mga kasulatan maging ang kapangyarihan ng Diyos.
\v 30 Sapagkat sa muling pagkabuhay hindi na sila mag-aasawa, o pag-aasawahin. Sa halip, sila ay katulad ng mga anghel sa langit.
\s5
\v 31 Ngunit tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay, hindi ba ninyo nababasa kung ano ang sinabi sa inyo ng Diyos, na nagsasabi,
\v 32 'Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob'? "Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kung hindi ng mga buhay."
\v 33 Nang mapakinggan ito ng mga tao, sila ay namangha sa kaniyang katuruan.
\s5
\v 34 Subalit nang mapakinggan ng mga Pariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo, nagtipuntipon sila.
\v 35 Isa sa kanila na isang abogado ay nagtanong sa kaniya ng isang katanungan, upang subukin siya--
\v 36 "Guro, alin ba ang pinakadakilang utos sa kautusan?"
\s5
\v 37 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kinakailangang ibigin mo ang Panginoon mong Diyos, nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.'
\v 38 Ito ang dakila at unang kauutusan.
\s5
\v 39 At ang pangalawang kautusan ay katulad nito-- 'Kinakailangang ibigin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.'
\v 40 Dito sa dalawang mga kautusang ito nakasalalay ang buong kautusan at ang mga propeta."
\s5
\v 41 Ngayon habang ang mga Pariseo ay nagkakatipon pa rin, si Jesus ay nagtanong sa kanila ng katanungan.
\v 42 Sinabi niya, "Ano ang iniisip ninyo tungkol kay Cristo? Kaninong anak siya?" Sinabi nila sa kaniya, "Ang anak ni David."
\s5
\v 43 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Papaanong si David sa Espiritu ay tumawag sa kaniyang Panginoon, na nagsabi,
\v 44 'Ang Panginoon ay nagsabi sa aking Panginoon, "Umupo ka sa dako ng aking kanang kamay, hanggang ang iyong mga kaaway ay maging tungtungan ng iyong mga paa."'?"
\s5
\v 45 Kung si David nga ay tinawag niya ang Cristo na 'Panginoon', paano siya naging anak ni David?"
\v 46 Walang kahit isa na makasagot sa kaniya ng isang salita, at mula sa araw na iyon walang sinumang sumubok pang magtanong sa kaniya.
\s5
\c 23
\p
\v 1 Pagkatapos nito, nagsalita si Jesus sa maraming tao at sa kaniyang mga alagad.
\v 2 Sinabi niya, "Ang mga eskriba at mga Pariseo ay umuupo sa upuan ni Moises.
\v 3 Kaya kung ano man ang iutos nila na gawin ninyo, gawin at sundin ninyo ang mga bagay na ito. Ngunit huwag ninyong tularan ang mga gawa nila, dahil nagsasabi sila ngunit hindi naman nila ginagawa.
\s5
\v 4 Totoo nga, nagbibigkis sila ng mga mabibigat na mga pasanin na mahirap dalhin, at ipinapasan nila sa balikat ng mga tao. Ngunit sila mismo ay hindi gagalaw ng iisang daliri upang buhatin nila ang mga ito.
\v 5 Lahat ng mga gawa nila, ginawa nila upang makita ng mga tao. Sapagkat pinapalawak nila ang mga pilakterya nila at pinalalaki nila ang mga laylayan ng kanilang mga damit.
\s5
\v 6 Gusto nilang umupo sa mga pangunahing lugar ng mga pista at sa mga pangunahing upuan sa sinagoga,
\v 7 at mga natatanging pagbati sa mga pamilihan at tawagin silang, " Rabi" ng mga tao.
\s5
\v 8 Ngunit hindi kayo dapat tawagin na 'Rabi', sapagkat iisa lang ang guro ninyo, at lahat kayo ay magkakapatid.
\v 9 At huwag ninyong tawagin na ama ang kahit sinuman sa lupa dahil iisa lang ang inyong Ama at siya ay nasa langit.
\v 10 At hindi rin dapat kayong tawagin na 'guro' dahil iisa lang ang inyong guro, ang Cristo.
\s5
\v 11 Ngunit ang pinakadakila sa inyo ay siyang maging tagapaglingkod sa inyo.
\v 12 Kung sinuman ang nagtataas sa kaniyang sarili ay ibababa. At kung sinumang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay itataas.
\s5
\v 13 Ngunit aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sinarhan ninyo ang kaharian ng langit sa mga tao. Kayo nga mismo ay hindi pumapasok at hindi rin ninyo pinayagan yung ibang papasok pa lamang.
\v 14 (Ngunit aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sinakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaeng balo habang nagpapakita kayo ng mahabang panalangin.)
\v 15 Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nilalakbay ninyo ang karagatan at lupain upang makahikayat ng isang mananampalataya. At kung maging mananampalataya na siya, dalawang beses ninyo siyang ginawang anak ng impyerno na katulad ninyo mismo.
\s5
\v 16 Aba kayo, kayong mga bulag na tagapaggabay, kayo na nagsasabi, 'Kung ipanumpa ng ninuman ang templo, balewala lang iyon. Ngunit kung ipanumpa ninuman ang ginto sa templo, nakagapos siya sa kaniyang panunumpa.'
\v 17 Kayong mga hangal na bulag, alin ba ang mas mahalaga, ang ginto o ang templo kung saan iniaalay ang ginto sa Diyos?
\s5
\v 18 At, 'Kung ipanumpa ninuman ang altar, balewala lang iyon. Subalit kung ipanumpa ninuman ang handog na nasa altar, nakagapos siya sa kaniyang panunumpa.'
\v 19 Kayong mga bulag, alin ba ang mas mahalaga, ang kaloob o ang altar kung saan iniaalay ang kaloob sa Diyos?
\s5
\v 20 Kaya kung ipanumpa ninuman ang altar, ipanumpa niya ito at ang lahat ng mga naroon.
\v 21 At kung ipanumpa ninuman ang templo, ipanumpa niya ito at sa kaniya na nakatira doon.
\v 22 At kung ipanumpa ninuman ang langit, ipanumpa niya ang trono ng Diyos at sa kaniya na nakaupo roon.
\s5
\v 23 Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nagbibigay kayo ng ikapu ng mga yerbabuena, anis at kumin, ngunit hindi ninyo ginagawa ang mas mahalagang mga bagay tungkol sa batas - katarungan, kahabagan at pananampalataya. Subalit dapat sanang gawin ninyo ang mga ito at huwag pabayaang gawin ang iba.
\v 24 Kayong mga bulag na tagagabay, kayong mga nagsasala ng mga niknik ngunit nilulunok ang kamelyo!
\s5
\v 25 Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, ngunit sa loob puno ang mga ito ng pangingikil at kalabisan.
\v 26 Ikaw bulag na Pariseo, linisin mo muna ang loob ng tasa at pinggan upang ang labas ay magiging malinis din.
\s5
\v 27 Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat tulad kayo ng mga mapuputing puntod na nilinis na magandang tingnan sa labas, ngunit sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay at lahat ng karumihan.
\v 28 Gayon din, kayo rin sa panlabas ay matuwid sa paningin ng mga tao, ngunit sa loob ay puno kayo ng pagkukunwari at mga katampalasanan.
\s5
\v 29 Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat gumagawa kayo ng mga puntod ng mga propeta at pinalamutian ang mga puntod ng mga matuwid.
\v 30 Sinasabi ninyo na, 'Kung nabuhay kami sa kapanahunan ng aming mga ama, hindi kami sasali sa pag-ula ng dugo ng mga propeta.'
\v 31 Sa gayon kayo mismo ang nagpapatotoo na kayo ay mga anak ng mga pumatay sa mga propeta.
\s5
\v 32 Pinupuno rin ninyo ang mga kota ng kasalanan ng inyong mga ama.
\v 33 Kayong mga ahas, mga anak ng ulupong, paano ninyo matatakasan ang hatol sa impyerno?
\s5
\v 34 Kaya, tingnan ninyo, magsusugo ako ng mga propeta, mga pantas, at mga eskriba. Ang iba sa kanila ay papatayin ninyo at ipapako sa krus. At yung iba sa kanila hahagupitin ninyo sa mga sinagoga ninyo at hahabulin ninyo sila saang lungsod man sila.
\v 35 Ang kalabasan ay mapapasainyo ang lahat ng mga dugo ng mga matuwid na inula sa lupa, mula sa dugo ni Abel na matuwid hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa gitna ng santuwaryo at altar.
\v 36 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, lahat ng mga ito ay mangyayari sa salin-lahing ito.
\s5
\v 37 Jerusalem, Jerusalem, kayo na pumatay sa mga propeta at bumato sa mga sinugo ko sa inyo! Madalas kong ninais na tipunin ang mga anak mo, gaya ng inahin na nililikom ang kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ngunit hindi kayo sumang-ayon!
\v 38 Tingnan ninyo, maiwan na sa inyo ang bahay ninyo na napabayaan.
\v 39 Sapagkat sasabihin ko sa inyo, Magmula ngayon hindi na ninyo ako makikita hanggang sa sasabihin ninyong, "Pinagpala ang darating sa pangalan ng Panginoon."
\s5
\c 24
\p
\v 1 Lumabas si Jesus mula sa templo at nagpatuloy sa kaniyang pupuntahan. Nilapitan siya ng mga alagad niya upang ipakita sa kaniya ang mga gusali ng templo.
\v 2 Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, "Hindi ba ninyo nakikita ang lahat ng mga ito? Totoo itong sinasabi ko sa inyo, wala ni isa mang bato na maiiwang nakapatong sa isa pang bato na hindi guguho."
\s5
\v 3 Habang nakaupo si Jesus sa Bundok ng mga Olibo, sarilinang lumapit ang mga alagad sa kaniya at sinabi nila, "Sabihin mo sa amin, kung kailan mangyari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan sa inyong pagparito at ang katapusan ng mundo?"
\v 4 Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi, "Mag-ingat kayo na walang makahikayat sa inyo na mailigaw kayo.
\v 5 Sapagkat marami ang paririto sa aking pangalan. Sasabihin nila, 'Ako ang Cristo,' at marami ang maililigaw.
\s5
\v 6 Makaririnig kayo ng mga digmaan at mga balita tungkol sa digmaan. Tingnan ninyo na hindi kayo mababalisa, sapagkat kailangang mangyari ang mga ito; ngunit hindi pa ito ang katapusan.
\v 7 Sapagkat lalabanan ng isang bansa ang kapwa bansa, at kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng mga taggutom at mga lindol sa iba't ibang mga lugar.
\v 8 Ngunit lahat ng mga ito ay simula pa lamang ng sakit ng paghilab ng babaeng manganganak.
\s5
\v 9 Pagkatapos nito, dadalhin nila kayo sa kapighatian at papatayin kayo. Kasusuklaman kayo ng lahat ng mga bansa ng dahil sa pangalan ko.
\v 10 At marami ang matitisod at ipagkanulo nila ang isa't isa, at kasusuklaman nila ang isa't isa.
\v 11 Marami ang lilitaw na mga bulaang propeta at ililigaw nila ang marami.
\s5
\v 12 Dahil lalaganap ang katampalasanan, ang pag-ibig ng karamihan ay lalamig.
\v 13 Ngunit kung sino ang makapagtitiis hanggang sa katapusan, siya ang maliligtas.
\v 14 Itong ebanghelyo ng kaharian ay ipangangaral sa buong mundo bilang patotoo sa lahat ng mga bansa. At pagkatapos nito darating na ang katapusan.
\s5
\v 15 Kaya, kapag makita na ninyo ang kasuklamsuklam na kalagiman, na sinabi ng propetang si Daniel, na nakatayo na sa banal na lugar (unawain ito ng nagbabasa),
\v 16 kailangang tumakas silang mga nasa Judea patungo sa kabundukan,
\v 17 iyong nasa taas ng kanilang bahay huwag nang bumaba upang kumuha ng anumang nasa bahay,
\v 18 at iyong nasa bukid huwag nang bumalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
\s5
\v 19 Ngunit aba sila na mga nagdadalang tao at ang mga nagpapasuso ng mga anak nila sa panahong iyon!
\v 20 Ipanalangin ninyo na ang pagtatakas ninyo ay hindi mangyari sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga.
\v 21 Sapagkat magkaroon ng matinding kapighatian na hindi pa nararanasan mula pa sa simula ng mundo hanggang ngayon, hindi, hindi na muling mangyayari kailanpaman.
\v 22 Maliban na lamang kung paiikliin ang mga araw na iyon, wala ni isa mang laman ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, ang mga araw na iyon ay paiikliin.
\s5
\v 23 Kaya kung mayroong magsasabi sa inyo na, ''Tingnan ninyo, narito ang Cristo!' o 'Nariyan ang Cristo!' huwag ninyong paniwalaan.
\v 24 Sapagkat darating ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta at magpapakita ng kahanga-hangang palatandaan at kababalaghan, upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang.
\v 25 Tingnan ninyo, ipinagpauna ko ng sabihin ito sa inyo.
\s5
\v 26 Kaya kapag pagsinasabi nila sa inyo, 'Tingnan ninyo, ang Cristo ay nasa sa ilang', huwag kayong pumunta sa ilang. O, 'Tingnan ninyo, siya ay nasa loobang silid, huwag ninyong paniwalaan ito.
\v 27 Sapagkat katulad ng pagliwanag ng kidlat galing sa silangan at pagkislap nito sa kanluran, ganoon din ang pagdating ng Anak ng Tao.
\v 28 Kung saan man naroroon ang patay na hayop, doon din magtitipon ang mga buwitre.
\s5
\v 29 Ngunit agad-agad pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon, ang araw ay didilim, hindi na magliwanag ang buwan, malalaglag ang mga bituin mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig.
\s5
\v 30 Pagkatapos nito, ang palatandaan ng Anak ng Tao ay lilitaw sa himpapawid, at kakabugin ng lahat ng mga tribu ang kanilang mga dibdib. Makikita nila ang Anak ng Tao na darating mula sa langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
\v 31 Susuguin niya ang kaniyang mga anghel na may malakas na tunog ng trumpeta, at titipunin nila ang lahat ng kaniyang hinirang mula sa apat na mga hangin, mula sa isang dulo ng kalangitan hanggang sa kabilang dulo.
\s5
\v 32 Pag-aralan ninyo ang aral mula sa puno ng igos. Kapag nananariwa na ang mga sanga at nagdadahon na ito, alam na ninyo na malapit na ang tag-araw.
\v 33 Gayun din naman, kung makikita ninyo ang lahat ng mga ito, dapat malaman ninyo na malapit na siya, nasa tarangkahan na.
\s5
\v 34 Totoo itong sinasabi ko sa inyo, ang salinlahing ito ay hindi lilipas hanggang mangyari ang lahat ng ito.
\v 35 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko ay hindi kailanman lilipas.
\s5
\v 36 Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon, walang nakakaalam kahit ang mga anghel sa langit, ni ang Anak, tanging ang Ama lamang.
\s5
\v 37 Katulad sa kapanahunan ni Noe, ganoon din ang pagparito ng Anak ng Diyos.
\v 38 Dahil katulad sa mga araw bago ang baha, sila ay nagkainan at nag-inuman, nag-aasawa at pinahintulutan ang mga anak nila na mag-asawa hanggang sa pumasok si Noe sa arka,
\v 39 at wala silang kaalam-alam hanggang sa dumating ang baha at kinuha silang lahat--ganoon din sa pagparito ng Anak ng Tao.
\s5
\v 40 Sa panahong iyon ay may dalawang tao na nasa bukid — ang isa ay kukunin at ang isa naman ay maiiwan.
\v 41 Dalawang babae ang naggigiling sa gilingan — ang isa ay kukunin at ang isa naman ay maiiwanan.
\v 42 Kaya magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam kung anong araw darating ang inyong Panginoon.
\s5
\v 43 Ngunit alamin ninyo ito, kung alam lang sana ng amo ng tahanan kung anong oras darating ang magnanakaw, nagbantay sana siya at hindi niya hinayaang mapasukan ang kaniyang bahay.
\v 44 Kaya kailangang maghanda kayo, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.
\s5
\v 45 Kaya sino ang matapat, matalino na utusan na pinagkatiwalaan ng kaniyang amo sa kaniyang sambahayan, upang magbigay ng kanilang pagkain sa tamang panahon?
\v 46 Pinagpala ang utusan na iyon, na maratnan ng kaniyang among gumagawa nito sa kaniyang pagdating.
\v 47 Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ipamamahala ng amo sa kaniya ang lahat ng kaniyang ari-arian.
\s5
\v 48 Ngunit kung may masamang utusan na magsasabi sa puso niya, 'Naantala ang aking amo,'
\v 49 at nagsimulang mamalo ng kapwa niyang utusan, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasingero,
\v 50 darating ang amo ng bahay na iyon sa araw na hindi inaasahan ng utusan, sa oras na hindi niya alam.
\v 51 Hahatiin siya sa dalawa ng kaniyang amo at gagawin ang kaniyang kapalaran katulad ng sasapitin ng mga mapagkunwari, kung saan mayroong pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.
\s5
\c 25
\p
\v 1 Ang kaharian ng langit ay magiging katulad ng sampung birhen na nagdala ng kanilang mga ilawan at pumuntang sumalubong sa lalaking ikakasal.
\v 2 Ang lima sa kanila ay hangal at ang lima ay matatalino.
\v 3 Sapagkat noong dinala ng limang hangal na birhen ang kanilang mga ilawan, hindi sila nagdala ng karagdagang langis.
\v 4 Ngunit yung limang matatalinong birhen ay nagdala ng mga langis sa lalagyan kasama ng kanilang ilawan.
\s5
\v 5 Ngayon habang naantala ang lalaking ikakasal, lahat sila ay inantok at nakatulog.
\v 6 Ngunit noong hating gabi na ay may sumigaw, 'Tingnan ninyo ang lalaking ikakasal! Pumunta na kayo at salubungin siya.'
\s5
\v 7 Kaya't tumayo ang lahat ng mga birhen at inayos ang kanilang mga ilawan.
\v 8 Sabi ng mga hangal sa mga matatalino, 'Bigyan ninyo kami ng inyong langis sapagkat nauubusan na ang aming ilawan.'
\v 9 Ngunit sumagot at sinabi ng mga matatalino, 'Dahil hindi na sapat ang mga ito para sa amin at sa inyo, pumunta nalang kayo doon sa mga nagbebenta at bumili kayo para sa inyong mga sarili.'
\s5
\v 10 Habang umalis sila upang bumili, dumating ang lalaking ikakasal at ang mga nakahanda na ay sumama sa kaniya sa handaan ng kasal at isinara ang pintuan.
\v 11 Pagkatapos nito ang ibang mga birhen ay dumating din at nagsabi, 'Panginoon, panginoon, pagbuksan ninyo kami.'
\v 12 Ngunit sumagot siya at nagsabi, 'Totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo kilala.'
\v 13 Kaya kailangan kayong magbantay, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.
\s5
\v 14 Sapagkat ito ay katulad ng isang taong maglalakbay sa ibang bansa. Tinawag niya ang sarili niyang mga utusan at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang kayamanan.
\v 15 Ang isa sa kanila ay binigyan niya ng limang talento, ang isa naman ay binigyan niya ng dalawa at ang isa naman ay binigyan niya ng isang talento. Nakatanggap ang bawat isa ayon sa kaniya-kaniyang kakayahan, at ang taong iyon ay pumunta sa kaniyang paglalakbay.
\v 16 Agad-agad ang nakatanggap ng limang talento ay umalis at ipinuhunan niya ang mga ito at nagkaroon pa siya ng limang talento.
\s5
\v 17 Ganoon din ang nakatanggap ng dalawang talento, nagkaroon din ng dalawa pa.
\v 18 Ngunit ang utusan na nakatanggap ng isang talento ay umalis, naghukay sa lupa at itinago ang pera ng kaniyang amo.
\s5
\v 19 Pagkalipas ng matagal na panahon, bumalik ang amo ng mga utusan at nakipagsulit sa kanila.
\v 20 Dumating ang utusan na nakatanggap ng limang talento at nagdala ng lima pang talento, at sinabi niya, "Panginoon, binigyan mo ako ng limang talento. Tingnan mo, nagkaroon ako ng lima pang talento.'
\v 21 Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting mga bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.'
\s5
\v 22 Dumating din ang utusan na nakatanggap ng dalawang talento, at sinabi niya, 'Panginoon, binigyan mo ako ng dalawang talento. Tingnan mo, nagkaroon ako ng dalawa pang talento.'
\v 23 Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.'
\s5
\v 24 Pagkatapos nito, ang utusan na nakatanggap ng isang talento ay dumating at nagsabi, 'Panginoon, alam ko na mahigpit kang tao. Gumagapas ka kung saan hindi ka nagtanim, at umaani kung saan hindi ka naghasik.
\v 25 Natakot ako, kaya ako ay umalis at itinago ko ang inyong talento sa lupa. Tingnan mo, nandito ang pagmamay-ari mo.'
\s5
\v 26 Ngunit sumagot ang kaniyang amo at sinabi sa kaniya, 'Ikaw na masama at tamad na utusan, alam mo naman na gumagapas ako kung saan hindi ako nagtanim at umaani kung saan hindi ako naghasik.
\v 27 Kaya ibinigay mo sana ang pera ko sa mga tagabangko, upang sa aking pagdating natanggap ko na may tubo ang aking pera.
\s5
\v 28 Kaya kunin ninyo ang talento sa kaniya at ibigay ninyo doon sa mayroong sampung talento.
\v 29 Sapagkat kung sinuman ang mayroon, mas marami pa ang ibibigay — mas masagana pa. Subalit kung sino ang walang pagmamay-ari, kahit ang nasa sa kaniya ay kukunin pa.
\v 30 Itapon ang walang silbing utusan sa kadiliman sa labas, kung saan mayroong pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.
\s5
\v 31 Pagdating ng Anak ng Tao sa kaniyang kaluwalhatian at kasama ang lahat ng kaniyang mga anghel, uupo siya sa kaniyang marangal na trono.
\v 32 Sa harap niya magtitipon ang lahat ng mga bansa, at pagbubukud-bukurin niya ang mga tao sa isa't isa, katulad ng pastol na hinihiwalay ang tupa at kambing.
\v 33 Ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan ngunit ang mga kambing ay sa kaniyang kaliwa.
\s5
\v 34 At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya, 'Halikayo, pinagpala kayo ng aking Ama, mamanahin ninyo ang kaharian na inihanda para sa inyo mula pa noong likhain ang mundo.
\v 35 Sapagkat ako ay nagutom at binigyan ninyo ako ng pagkain; ako ay nauhaw at binigyan ninyo ako ng inumin; ako ay dayuhan at pinatuloy ninyo ako;
\v 36 ako ay hubad at dinamitan ninyo ako, ako ay may sakit at inalagaan ninyo ako; ako ay nasa kulungan at pinuntahan ninyo ako.
\s5
\v 37 At sasagot ang mga matuwid at sasabihin, 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom at pinakain, o nauhaw at binigyan ng inumin?
\v 38 at kailan ka namin nakitang dayuhan at pinatuloy ka? O hubad at dinamitan?
\v 39 At kailan ka namin nakita na may sakit, o nakulong at pinuntahan ka namin?'
\v 40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, totoo itong sinasabi ko sa inyo, kung ano man ang nagawa ninyo sa mga hamak kong kapatid dito, ginawa ninyo ito sa akin.'
\s5
\v 41 At sasabihin niya sa mga nasa kaniyang kaliwa, 'Lumisan kayo sa akin, kayong sinumpa, sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel,
\v 42 sapagkat ako ay nagutom ngunit hindi ninyo ako binigyan ng pagkain; nauhaw ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng inumin;
\v 43 ako ay isang dayuhan ngunit hindi ninyo ako pinatuloy, hubo't hubad ngunit hindi ninyo ako dinamitan, may sakit at nasa kulungan, ngunit hindi ninyo ako inalagaan.
\s5
\v 44 At sasagot din sila at sasabihin, "Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o dayuhan, o hubad, o may sakit, o nasa kulungan, at hindi kayo pinaglingkuran?'
\v 45 At sasagot siya sa kanila at magsabi, 'Totoo itong sasabihin ko sa inyo, anumang hindi ninyo ginawa sa mga pinakahamak na ito, hindi ninyo ginawa sa akin.'
\v 46 Ang mga ito ay pupunta sa walang katapusang parusa ngunit ang matuwid, sa buhay na walang hanggan."
\s5
\c 26
\p
\v 1 At nangyari nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito, sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
\v 2 "Alam ninyo na pagkalipas ng dalawang araw darating ang Paskua, at ang Anak ng Tao ay ibibigay upang maipako sa krus".
\s5
\v 3 At ang mga punong pari at ang mga nakatatanda ng mga tao ay nagkatipun-tipon sa palasyo ng pinakapunong pari na nagngangalang si Caifas.  
\v 4 Nagsabwatan sila na hulihin si Jesus ng panakaw at patayin.  
\v 5 Sapagkat sinasabi nila, "Hindi sa araw ng pista, upang hindi magkaroon ng kaguluhan ang mga tao.
\s5
\v 6 Ngayon, habang si Jesus ay nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin,  
\v 7 habang siya ay nakasandal sa mesa, may babae na lumapit sa kaniya na may dalang isang sisidlang alabastro ng mamahaling pabango, at ibinuhos niya ito sa kaniyang ulo.  
\v 8 Subalit ng makita ng kaniyang mga alagad ito, sila'y nagalit at sinabi, "Anong dahilan sa pag-aaksayang ito?
\v 9 Maaari sana itong ipagbili ng malaking halaga at ipamimigay sa dukha."
\s5
\v 10 Ngunit si Jesus, na nalalaman ito, sinabi sa kanila, "Bakit ninyo binabagabag ang babaing ito? Sapagkat gumagawa siya ng napakabuting bagay sa akin.
\v 11 Nasa inyo palagi ang mga dukha, subalit hindi ninyo ako makakasama palagi.
\s5
\v 12 Sapagkat nang binuhos niya itong pabango sa aking katawan, ginawa niya ito para sa aking paglilibing.
\v 13 Totoo itong sinasabi ko sa inyo, saan man ipangaral ang magandang balita sa buong mundo, ang ginawa ng babaeng ito ay ipagsasabi din sa pag-alala sa kaniya."
\s5
\v 14 At ang isa sa Labingdalawa na nagngangalang Judas Iscariote ay pumunta sa mga punong pari 
\v 15 at sinabi, "Ano ang nais ninyong ibigay sa akin, upang siya'y ibigay ko sa inyo?" At nagtimbang sila ng tatlumpung piraso ng pilak para sa kaniya.  
\v 16 Mula ng panahong iyon humanap siya ng pagkakataon upang ibigay siya sa kanila.
\s5
\v 17 Ngayon sa unang araw ng tinapay na walang pampaalsa, nagsilapit ang mga alagad kay Jesus at nagsabi, "Saan mo nais na tayo ay maghanda upang iyong kainin ang pagkain ng Paskwa?" 
\v 18 Sinabi niya, "Pumunta kayo sa lungsod sa isang tao roon at sabihin ninyo sa kaniya, 'Sinabi ng Guro, "Ang panahon ko ay malapit na. Gaganapin ko ang Paskwa sa inyong bahay kasama ng aking mga alagad.""' 
\v 19 Ginawa ng mga alagad kung ano ang ipinag-utos ni Jesus sa kanila, at inihanda nila ang pagkain ng Paskwa.
\s5
\v 20 Nang sumapit ang gabi, umupo siya upang kumain kasama ang mga labingdalawang alagad.  
\v 21 Habang sila'y kumakain, sinabi niya, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo." 
\v 22 At sila'y lubhang nalungkot, at ang bawat isa ay nagsimulang nagsipagtanong sa kaniya, "Tiyak na hindi ako, Panginoon?"
\s5
\v 23 Sumagot siya, "Ang sinumang kasabay kong sumawsaw ng kaniyang kamay ay siyang magkanulo sa akin.  
\v 24 Ang Anak ng Tao ay aalis, katulad ng naisulat patungkol sa kaniya. Ngunit aba sa lalaking iyon na magkanulo sa Anak ng Tao! Mas mabuti pa sa lalaking iyon na hindi na siya ipinanganak." 
\v 25 Si Judas, na siyang nagkanulo sa kaniya ay nagsabi, "Ako ba, Rabi?" Sinabi niya sa kaniya. "Ikaw mismo ang nagsabi."
\s5
\v 26 Habang sila'y kumakain, kumuha si Jesus ng tinapay, ipinagpasalamat ito, at pinagputol-putol. Binigay niya ito sa kaniyang mga alagad at sinabi, "Kunin ninyo, kainin ninyo. Ito ay ang aking katawan."
\s5
\v 27 Kumuha siya ng kopa at nagpasalamat, at ibinigay ito sa kanila at sinabi, "Inumin ninyo ito, kayong lahat.  
\v 28 Sapagkat ito ay ang aking dugo ng kasunduan na ibinuhos para sa marami para sa ikapapatawad ng mga kasalanan.  
\v 29 Subalit sasabihin ko sa inyo, buhat ngayon hindi na ako muling iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na ako ay iinom nito ng panibago kasama ninyo sa kaharian ng aking Ama."
\s5
\v 30 At pagka-awit nila ng isang himno, pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.  
\v 31 At sinabi ni Jesus sa kanila, "Lahat kayo ay aalis ngayong gabi nang dahil sa akin, sapagkat ito ay nasusulat, 'Hahampasin ko ang pastol ng tupa at ang mga tupa ng kawan ay maikakalat.' 
\v 32 Ngunit pagkatapos nang aking pagkabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea."
\s5
\v 33 Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, "Kahit ang lahat ay aalis dahil sa iyo, ako ay hinding-hindi aalis." 
\v 34 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo, sa gabing ito bago tumilaok ang tandang, ikakaila mo ako ng tatlong beses." 
\v 35 Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Kahit ako ay mamatay, hindi kita ikakaila." At ganoon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.
\s5
\v 36 Pagkatapos, pumunta si Jesus na kasama sila sa isang lugar na tinawag na Getsemani at sinabi sa kaniyang mga alagad, "Umupo kayo dito habang ako ay pupunta doon at manalangin." 
\v 37 Sinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo at nagsimula siyang nalungkot at nabagabag.  
\v 38 At sinabi niya sa kanila, "Ang kaluluwa ko ay lubha na namimighati, maging sa kamatayan. Manatili kayo dito at magbantay kasama ko."
\s5
\v 39 Lumakad siya nga medyo malayo, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin. Sinabi nya, "Aking Ama, kung maaari, hayaan na ang tasang ito ay lalampas sa akin. Gayunman, hindi sa nais ko kundi ayon sa nais mo."
\v 40 Lumapit siya sa mga alagad at sila'y kaniyang nadatnang natutulog at sinabi niya kay Pedro, "Ano, hindi ba ninyo kayang magbantay kasama ko ng isang oras?  
\v 41 Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo matukso. Ang espiritu ay nagnanais, ngunit ang laman ay mahina."
\s5
\v 42 Umalis siya sa pangalawang pagkakataon at nanalangin, at nagsabi, "Aking Ama, kung hindi ito maaring lilipas maliban na inumin ko ito, ang kalooban mo ang magaganap." 
\v 43 At siya'y nagbalik muli at nakita silang natutulog, sapagkat mabigat na ang kanilang mga mata.  
\v 44 At muli niya silang iniwan at siya'y umalis. Nanalangin siya sa ikatlong pagkakataon at sinabi ang ganoon ding mga salita.
\s5
\v 45 Pagkatapos, lumapit si Jesus sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, "Natutulog pa rin ba kayo at namamahinga? Tingnan ninyo, malapit na ang oras, at ang Anak ng Tao ay ipagkanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.  
\v 46 Tumindig kayo, aalis na tayo. Tingnan ninyo, malapit na ang magkanulo sa akin."
\s5
\v 47 Habang siya'y nagsasalita, si Judas na isa sa Labingdalawa ay dumating. Kasama niya ang napakaraming tao na mula sa mga punong pari at mga nakatatanda sa mga tao. Dumating sila na may dalang mga espada at mga pamalo.  
\v 48 Ngayon ang tao na magkanulo kay Jesus ay nagbigay ng hudyat sa kanila na nagsasabi, "Kung sinuman ang aking hahalikan, siya na iyon. Sunggaban siya."
\s5
\v 49 Agad-agad lumapit siya kay Jesus at sinabi, "Binabati kita, Rabi" At hinalikan niya siya.
\v 50 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kaibigan, gawin mo kung ano ang ipinunta mo dito." Pagkatapos, nagsidatingan sila at hinawakan si Jesus, at sinunggaban siya.
\s5
\v 51 Masdan ito, ang isa sa mga kasama ni Jesus ay inunat ang kaniyang kamay at hinugot ang kaniyang espada at tinapyas ang alipin ng pinakapunong pari, at tinagpas ang kaniyang tainga.  
\v 52 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ibalik mo ang espada sa kaniyang kaluban, sapagkat ang lahat ng gagamit ng espada ay masasawi sa pamamagitan din ng espada.  
\v 53 Iniisip ba ninyo na hindi ko kayang tumawag sa aking Ama, at padadalhan niya ako ng higit pa sa labindalawang pulutong ng mga anghel?
\v 54 Ngunit paano matutupad ang mga kasulatan, na dapat mangyari?"
\s5
\v 55 Sa oras na iyon si Jesus ay nagsabi sa maraming tao, "Pumunta kayo rito na dala-dala ang mga espada at mga pamalo upang hulihin ako katulad ng isang tulisan? Araw-araw ay nakaupo ako sa templo na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli.  
\v 56 Ngunit lahat ng ito ay kailangang mangyari upang ang mga sinusulat ng mga propeta ay matupad." At iniwanan siya ng lahat ng mga alagad at silay tumakas.
\s5
\v 57 Ang mga humuli kay Jesus ang nagdala sa kaniya sa pinakapunong pari na si Caifas, kung saan ang mga eskriba at mga nakatatanda ay nagkatipun-tipon.
\v 58 Ngunit sumunod si Pedro sa kaniya na may kalayuan hanggang sa patyo ng pinakapunong pari. Pumunta siya sa loob at umupo kasama ng mga tagapagbantay upang makita ang kahihinatnan.
\s5
\v 59 Ngayon, ang mga punong pari at ang buong Konseho ay naghahanap ng maling patotoo laban kay Jesus, upang siya'y kanilang mapatay.  
\v 60 Ngunit wala silang mahanap na kahit ano, bagamat maraming maling mga saksi ang nagsilapit. Ngunit mayamaya may dalawang lumapit 
\v 61 at sinabi, "Sinabi ng taong ito, 'Kaya kong gibain ang templo ng Diyos at muling maipatayo sa loob ng tatlong araw."'
\s5
\v 62 Tumayo ang pinakapunong pari at sinabi sa kaniya, "Wala ka bang isasagot? Ano itong ipinapatotoo nila laban sa iyo?  
\v 63 Ngunit si Jesus ay tahimik lamang. Sinabi ng pinakapunong pari sa kaniya, "Inuutusan kita alang-alang sa Diyos na buhay, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ba si Cristo, ang Anak ng Diyos.  
\v 64 Si Jesus ay sumagot sa kaniya, "Ikaw na mismo ang nagsabi. Ngunit sasabihin ko sa inyo, magmula ngayon ay inyo nang makikita ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanang kamay ng Kapangyarihan at darating na nasa mga ulap ng langit."
\s5
\v 65 At pinunit ng pinakapunong pari ang kaniyang mga damit at nagsabi, "Siya ay nagsalita ng kalapastangan! Bakit kailangan pa natin ang mga saksi? Ngayon inyo nang narinig ang kalapastangan.  
\v 66 Ano sa tingin ninyo?" Sumagot sila at nagsabi, "Siya'y karapatdapat na mamatay."
\s5
\v 67 At dinuraan nila siya sa mukha at pinagsusuntok at pinagsasampal
\v 68 at sinabi, "Hulaan mo sa amin, ikaw na Cristo. Sino sa amin ang humampas sa iyo?"
\s5
\v 69 Ngayon si Pedro ay nakaupo sa labas ng patyo at isang utusang babae ang lumapit sa kaniya at sinabi, "Kasama ka din ni Jesus na taga-Galilea."
\v 70 Ngunit ikinaila niya ito sa harap nilang lahat, na sinasabi, "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo."
\s5
\v 71 Nang siya ay lumabas sa isang tarangkahan, isa pang utusang babae ang nakakita sa kaniya at sinabi sa mga nandoon, "Ang taong ito ay kasama din ni Jesus na taga-Nazaret." 
\v 72 At muli niyang ikinaila na may sumpa, "Hindi ko kilala ang lalaking iyan."
\s5
\v 73 At pagkalipas ng ilang sandali ay lumapit kay Pedro ang mga nakatayo doon at sinabi, "Tiyak na ikaw rin ay isa sa kanila, sapagkat halatang-halata ka sa iyong pananalita." 
\v 74 Pagkatapos nito, nagsimula siyang magsalita ng masama at nanumpang, "Hindi ko kilala ang lalaking iyan," at agad-agad tumilaok ang tandang.  
\v 75 At naalala ni Pedro ang mga salitang sinabi ni Jesus na, "Bago tumilaok ang tandang ikakaila mo ako nga tatlong beses." At siya'y lumabas at labis na umiyak.
\s5
\c 27
\p
\v 1 Ngayon, nang dumating na ang umaga, ang lahat ng mga punong pari, at mga nakatatanda ng mga tao ay nagsabwatan laban kay Jesus upang siya ay patayin.
\v 2 Siya ay ginapos nila at dinala palabas at ibinigay kay Pilato na gobernador.
\s5
\v 3 Pagkatapos nang si Judas na nagkanulo sa kaniya ay nakitang nahatulan si Jesus, siya ay nagsisisi at isinauli ang tatlumpung pirasong pilak sa mga punong pari at mga nakatatanda,
\v 4 at sinabi, "Ako ay nagkasala sa pamamagitan ng pagkakanulo sa dugong walang kasalanan." Ngunit sinabi nila, "Ano ba sa amin iyon? Tingnan mo yan sa iyong sarili."
\v 5 At kaniyang itinapon pababa ang tatlumpung piraso ng pilak sa templo, at umalis, at pumunta sa labas at siya ay nagbigti.
\s5
\v 6 At kinuha ng mga punong pari ang tatlumpung piraso ng pilak at sinabi, "Labag sa kautusan na ilagay ito sa kaban ng yaman, sapagkat ito ay kabayaran ng dugo."
\v 7 Sama-sama nilang pinag-usapan ang bagay na ito at ang salapi ay ipinambili ng Bukid ng Magpapalayok upang paglibingan ng mga dayuhan.  
\v 8 At dahil dito ang bukid na iyon ay tinawag na, "Ang bukid ng dugo" magpa-hanggang ngayon.
\s5
\v 9 At ang sinabi ni Jeremias na propeta ay natupad, na nagsasabi, "Kinuha nila ang tatlumpung piraso ng pilak, ang halaga na inilaan sa kaniya ng mga tao ng Israel,  
\v 10 at ibinigay nila ito para sa Bukid ng Magpapalayok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon."
\s5
\v 11 Ngayon, nakatayo si Jesus sa harap ng gobernador, at tinanong siya ng gobernador, "Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?" Sumagot si Jesus sa kaniya, "Ikaw na ang nagsabi." 
\v 12 Ngunit nang siya ay paratangan ng mga punong pari at mga nakatatanda, hindi siya sumagot ng kahit ano.  
\v 13 At sinabi ni Pilato sa kaniya, "Hindi mo ba naririnig ang mga paratang laban sa iyo?"
\v 14 Ngunit hindi siya sumagot ng kahit isang salita, kaya ang gobernador ay labis na namangha.
\s5
\v 15 Ngayon, sa kapistahan nakaugalian na ng gobernador na magpalaya ng isang bilanggo na napili ng mga tao.  
\v 16 At sa panahon na iyon mayroon silang pusakal na bilanggo na ang pangalan ay si Barabas.
\s5
\v 17 At nang sila ay nagkatipun-tipon, sinabi sa kanila ni Pilato, "Sino ang gusto ninyong palayain ko para sa inyo? Si Barabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?"
\v 18 Dahil alam niya na ipinasakamay siya ng mga ito dahil sa inggit.  
\v 19 Habang siya ay nakaupo sa upuan ng hukuman, ang kaniyang asawa ay nagpadala ng pasabi sa kaniya na nagsabi, "Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan. Sapagkat labis akong pinahirapan ngayon sa panaginip tungkol sa kaniya."
\s5
\v 20 Ngayon, ang mga punong pari at ang mga nakatatanda ay hinikayat ang mga tao upang hilingin si Barabas, at si Jesus ay patayin.
\v 21 At tinanong sila ng gobernador, "Sino sa dalawang ito ang nais ninyong pakawalan ko?" Sinabi nila, si Barabas."
\v 22 At sinabi ni Pilato sa kanila, "Ano ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?" Sumagot silang lahat, "Ipako siya sa krus."
\s5
\v 23 At sinabi niya, "Bakit, ano ang krimen na kaniyang nagawa?" Ngunit sila ay sumigaw pa ng mas malakas, "Ipako siya sa krus." 
\v 24 At nang nakita ni Pilato na wala siyang magagawa, dahil nagsimula na ang kaguluhan, kumuha siya ng tubig, naghugas siya ng kamay sa harapan ng maraming tao, at sinabi, "Wala na akong pananagutan sa dugo sa matuwid na taong ito. Kayo na ang bahala niyan."
\s5
\v 25 Ang lahat ng mga tao ay nagsabi, "Nawa'y mapasaamin at sa aming mga anak ang kaniyang dugo." 
\v 26 Pagkatapos ay pinakawalan niya si Barabas sa kanila, ngunit hinampas niya si Jesus at ipinasakamay niya upang mapako sa krus.
\s5
\v 27 Pagkatapos, dinala ng mga kawal ng gobernador si Jesus sa pretorio at tinipon ang buong pulutong ng mga kawal.  
\v 28 At hinubaran nila siya at nilagyan ng pulang pula na balabal.  
\v 29 At gumawa sila ng koronang tinik at inilagay sa kaniyang ulo, at naglagay ng tungkod sa kaniyang kanang kamay. Sila ay nagpatirapa sa kaniyang harapan at kinutya siya, at nagsabi, "Sambahin, ang Hari ng mga Judio!"
\s5
\v 30 At siya ay dinuraan nila, at kinuha nila ang tungkod at hinampas siya sa ulo.  
\v 31 Pagkatapos nilang kutyain siya, tinanggal nila ang kaniyang balabal at isinuot sa kaniya ang sarili niyang damit, at inilabas nila siya upang ipako siya sa krus.
\s5
\v 32 Habang sila ay lumalabas, nakakita sila ng taong taga Cirene na nagngangalang Simon, na kanilang pinilit na sumama sa kanila upang pasanin niya ang kaniyang krus.  
\v 33 At sila ay nakarating sa lugar na tinatawag na Golgota, na ang ibig sabihin ay, "Lugar ng mga Bungo." 
\v 34 At siya ay binigyan ng alak na may halong apdo. Ngunit nang matikman niya ito, ayaw niya itong inumin.
\s5
\v 35 Nang siya ay ipinako nila sa krus, pinaghati-hatian nila ang kaniyang mga kasuotan sa pamamagitan ng pagsasapalaran.  
\v 36 At sila ay nagsiupo at binantayan siya.
\v 37 Sa itaas ng kaniyang ulo ay nilagyan nila ng sakdal laban sa kaniya na nagsasabi, "Ito ay si Jesus, ang Hari ng mga Judio."
\s5
\v 38 May dalawang magnanakaw na naipako sa krus na kasama niya, ang isa ay sa kaniyang kanan at ang isa ay sa kaniyang kaliwa.  
\v 39 At hinamak siya ng mga dumaan, at iniling ang kanilang mga ulo 
\v 40 at nagsasabi, "Ikaw na sisira ng templo at itatayo ito sa loob ng tatlong araw, iligtas mo ang iyong sarili! Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka riyan sa krus!"
\s5
\v 41 Sa ganoon ding paraan kinutya siya ng mga punong pari, kasama ng mga eskriba at mga nakatatanda, at sinabi,  
\v 42 Siya'y nagligtas ng iba, ngunit hindi niya kayang iligtas ang kaniyang sarili. Siya ay Hari ng Israel. Hayaan mo siyang bumaba mula sa krus at tayo ay maniniwala na sa kaniya.
\s5
\v 43 Nagtiwala siya sa Diyos. Iligtas siya ng Diyos ngayon kung nais niya, dahil sinabi niya, 'Ako ay Anak ng Diyos.  
\v 44 At ang mga magnanakaw na kasama niyang naipako sa krus ay nagsalita din ng katulad na panlalait sa kaniya.
\s5
\v 45 Ngayon, mula sa tanghaling tapat dumilim ang buong paligid hanggang sa alas tres ng hapon.  
\v 46 At dakong alas tres ng hapon, sumigaw si Cristo na may malakas na tinig at sinabi, "Eli, Eli, lama sabachthani?" na ang kahulugan ay, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" 
\v 47 Nang ang ilan sa mga nakatayo doon ay nakarinig nito, sinabi nila, "Tinatawag niya si Elias."
\s5
\v 48 Agad-agad ang isa sa kanila ay tumakbo at kumuha ng spongha, pinuno ito ng maasim na alak, inilagay sa dulo ng tungkod at ibinigay ito sa kaniya upang inumin.  
\v 49 At ang iba sa kanila ay nagsabi, "Hayaan ninyo siya. Tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya." 
\v 50 Pagkatapos nito muling sumigaw si Jesus na may malakas na tinig at isinuko ang kaniyang espiritu.
\s5
\v 51 Masdan ito, ang kurtina sa templo ay nahati sa dalawa mula itaas hanggang sa baba. At ang mundo ay nayanig, at ang mga bato ay nahati.  
\v 52 At ang mga libingan ay nabuksan, at ang katawan ng mga banal na tao na nakatulog ay bumangon.
\v 53 At lumabas sila mula sa mga libingan pagkatapos ng kaniyang pagkabuhay, pumasok sa banal na lungsod, at nagpakita sa marami.
\s5
\v 54 Ngayon nang masaksihan ng kapitan ng kawal at ng mga nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga bagay na nangyari, lubha silang natakot at nagsabi, "Tunay na Anak siya ng Diyos." 
\v 55 At maraming mga kababaihan na sumunod kay Jesus mula sa Galilea upang mag-aruga sa kaniya ay naroon at nakatinggin sa di kalayuan.  
\v 56 Kabilang sa kanila ay si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at Jose, at ang ina ng mga anak na lalaki ni Zebedeo.
\s5
\v 57 Nang sumapit ang gabi, may dumating na mayamang tao na taga-Arimatea na nagngangalang Jose, na isa ding alagad ni Jesus.  
\v 58 Kinausap niya si Pilato at hiningi ang katawan ni Jesus. Pagkatapos nito nag-utos si Pilato na ibigay ito sa kaniya.
\s5
\v 59 Kinuha ni Jose ang katawan, binalot ito ng malinis na lino,  
\v 60 at hinimlay niya ito sa kaniyang bagong libingan na kaniyang inuka sa bato. Pagkatapos, pinagulong ang malaking bato at ipinangtakip sa pinto ng libingan at umalis.  
\v 61 Si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay naroon, nakaupo sa tapat ng libingan.
\s5
\v 62 Sa sumunod na araw, na ang araw matapos ang Paghahanda, ang mga punong pari at ang mga Pariseo ay nagkatipun-tipon kasama ni Pilato.  
\v 63 At sinabi nila, "Ginoo, naalala namin noong nabubuhay pa ang mapanlinlang, sinabi niya, 'Pagkatapos ng tatlong araw ako ay muling mabubuhay.' 
\v 64 Kaya iutos mo na ang libingan ay mabantayang mabuti hanggang sa ikatlong araw. Kung hindi maaring pumunta ang kaniyang mga alagad at nakawin siya at sasabihin sa mga tao, 'Nabuhay siya mula sa mga patay.' At ang huling panlilinlang ay malala pa sa nauna."
\s5
\v 65 Sinabi ni Pilato sa kanila, "Magdala kayo ng tagapagbantay. Pumunta kayo at tiyakin ninyong ligtas hanggang sa kaya ninyo." 
\v 66 Kaya pumunta sila at siniguradong ligtas ang libingan, sinelyohan ang bato at naglagay ng tagapagbantay.
\s5
\c 28
\p
\v 1 Nang matapos na ang araw ng Pamamahinga at magsimulang magbukang liwayway sa unang araw ng linggo, si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang libingan.
\v 2 Masdan ito, may malakas na lindol, dahil bumaba mula langit ang anghel ng Panginoon, dumating at ginulong ang bato at naupo sa ibabaw nito.
\s5
\v 3 Ang kaniyang anyo ay katulad ng kidlat at ang kaniyang kasuotan ay kasing puti ng niyebe.  
\v 4 At nayanig ng takot ang mga tagapagbantay at naging tulad ng patay na mga tao.
\s5
\v 5 Kinausap ng anghel ang mga babae at sinabi sa kanila, "Huwag kayong matakot, dahil alam kong hinanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus.  
\v 6 Wala na siya dito, ngunit bumangon na katulad ng kaniyang sinabi. Halikayo tingnan ang lugar na hinimlayan ng Panginoon.
\v 7 Pumunta kayo kaagad at sabihin sa kaniyang mga alagad, 'Siya ay bumangon na mula sa mga patay. Makinig kayo, siya ay mauuna sa inyo sa Galilea. At doon makikita ninyo siya.' Makinig kayo, nasabi ko na sa inyo."
\s5
\v 8 At kaagad na umalis ang mga babae sa libingan na may takot at malaking tuwa at nagsitakbo upang sabihin sa mga alagad.  
\v 9 Masdan ito, sinalubong sila ni Jesus at sinabi, "Binabati ko kayo." At lumapit ang mga babae, hinawakan ang kaniyang mga paa at sinamba siya.  
\v 10 Pagkatapos nito sinabi ni Jesus sa kanila, "Huwag kayong matakot. Pumunta kayo at sabihin sa aking mga kapatid na pumunta sa Galilea. Doon makikita nila ako."
\s5
\v 11 Ngayon habang ang mga babae ay papunta, masdan ito, ang ilan sa mga tagapagbantay ay pumunta sa lungsod at sinabi sa mga punong pari ang lahat ng nangyari.  
\v 12 Nang nagtipun-tipon ang mga pari kasama ng mga nakatatanda at pinag-usapan nila ang pangyayaring iyon, nagbigay sila ng malaking halaga ng pera sa mga kawal 
\v 13 at sinabi sa kanila, "Sabihin ninyo sa iba, 'Pumunta ang mga alagad ni Jesus noong gabi at ninakaw ang kaniyang katawan habang kami ay natutulog.'
\s5
\v 14 Kung makarating sa gobernador ang balitang ito, hihikayatin namin sila at alisin sa inyo ang anumang pagkabahala." 
\v 15 Kaya kinuha ng mga kawal ang pera at ginawa kung ano ang iniutos sa kanila. Ang balitang ito ay kumalat agad sa mga Judio at nagpatuloy magpahanggang ngayon.
\s5
\v 16 Ngunit ang labing-isa na mga alagad ay pumunta sa Galilea, sa bundok na kung saan itinuro ni Jesus sa kanila.  
\v 17 Nang siya ay nakita nila, sinamba nila siya, ngunit ang iba ay nag-alinlangan.
\s5
\v 18 Pumunta si Jesus sa kanila at nagsalita sa kanila at sinabi, "Ibinigay sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.  
\v 19 Humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan sila sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.
\s5
\v 20 Turuan sila na sumunod sa lahat ng mga iniutos ko sa inyo. At pakinggan ninyo, Ako ay laging nasa inyo, maging sa katapusan ng mundo."