forked from WA-Catalog/tl_ulb
1672 lines
152 KiB
Plaintext
1672 lines
152 KiB
Plaintext
|
\id 1SA
|
||
|
\ide UTF-8
|
||
|
\h 1 Samuel
|
||
|
\toc1 1 Samuel
|
||
|
\toc2 1 Samuel
|
||
|
\toc3 1sa
|
||
|
\mt 1 Samuel
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 1
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Mayroong isang tao ng Romataim-Zofim, sa maburol na lupain ng Efraim; ang kanyang pangalan ay si Elkana na anak na lalaki ni Jeroham na anak na lalaki ni Elihu na anak na lalaki ni Tohu na anak na lalaki ni Zuf, isang Efrateo.
|
||
|
\v 2 Mayroon siyang dalawang asawa; ang pangalan ng unang asawa ay si Ana at ang pangalan ng pangalawa ay si Penina. Nagkaroon ng mga anak si Penina, ngunit hindi nagkaanak si Ana.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Umaalis ang taong ito mula sa kanyang siyudad taon-taon upang sumamba at mag-alay kay Yahweh ng mga hukbo sa Shilo. Naroon ang dalawang anak na lalaki ni Eli, sina Hofni at Pinehas, na mga pari kay Yahweh.
|
||
|
\v 4 Kapag dumarating ang araw para kay Elkana para mag-alay bawat taon, palagi niyang binibigyan ng mga bahagi ng karne si Penina na kanyang asawa at lahat ng kanyang anak na lalaki at babae.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Ngunit para kay Ana binibigyan niya palagi ng dobleng bahagi si Ana, dahil minahal niya si Ana, kahit na isinara ni Yahweh ang kanyang sinapupunan.
|
||
|
\v 6 Lubos siyang ginalit ng kanyang karibal upang mainis siya, dahil isinara ni Yahweh ang kanyang sinapupunan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Kaya taon-taon, kapag umaakyat siya sa bahay ni Yahweh kasama ang kanyang pamilya, palagi siyang ginagalit ng kanyang karibal. Kaya umiiyak na lang siya at hindi na kumakain.
|
||
|
\v 8 Palaging sinasabi sa kanya ng kanyang asawa na si Elkana, "Ana, bakit ka umiiyak? Bakit hindi ka kumakain? Bakit malungkot ang iyong puso? Hindi ba ako mas mabuti sa iyo kaysa sampung anak na lalaki?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Sa isa sa mga pagkakataong ito, tumayo si Ana matapos silang kumain at uminom sa Shilo. Ngayon nakaupo si Eli na pari sa kanyang upuan sa tapat ng pintuan patungo sa bahay ni Yahweh.
|
||
|
\v 10 Labis ang kanyang pagdadalamhati; nanalangin siya kay Yahweh at umiyak nang matindi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Gumawa siya ng isang panata at sinabi niya, "Yahweh ng mga hukbo, kung titingin ka sa dalamhati ng iyong lingkod at iisipin ako, at huwag mong kalimutan ang iyong lingkod, ngunit bigyan mo ng anak na lalaki ang iyong lingkod, pagkatapos ibibigay ko ang buong buhay niya kay Yahweh, at walang labaha ang dadampi sa kanyang ulo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Habang patuloy siyang nagdadasal sa harapan ni Yahweh, pinagmasdan ni Eli ang kanyang bibig.
|
||
|
\v 13 Nangusap si Ana sa kanyang puso. Gumalaw ang kanyang mga labi, ngunit hindi narinig ang kanyang boses. Kaya inakala ni Eli na siya ay lasing.
|
||
|
\v 14 Sinabi ni Eli sa kanya, "Gaano katagal kang magiging lasing? Itapon mo ang iyong alak."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Sumagot si Ana, "Hindi, aking amo, ako ay isang babaeng nagdadalamhati ang kalooban. Hindi ako nakainom ng alak o matapang na inumin, ngunit ibinubuhos ko ang aking kaluluwa sa harapan ni Yahweh."
|
||
|
\v 16 "Huwag mong ituring na ang iyong lingkod ay isang nakahihiyang babae; nagsasalita ako mula sa aking matinding pag-aalala at pagkagalit."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Pagkatapos sumagot si Eli at sinabing, "Umalis ka ng mapayapa; ipagkaloob nawa ng Diyos ng Israel ang iyong kahilingan na iyong hiniling sa kanya."
|
||
|
\v 18 Sinabi niya, "Hayaang makasumpong ng biyaya ang iyong lingkod sa iyong paningin." Pagkatapos umalis ang babae at kumain; hindi na malungkot ang kanyang mukha.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Sila'y bumangon nang maaga sa araw na iyon at sumamba sa harapan ni Yahweh, at pagkatapos bumalik sila sa kanilang bahay sa Ramah. Sinipingan ni Elkana si Ana na kanyang asawa, at inalala siya ni Yahweh.
|
||
|
\v 20 Nang dumating ang panahon, nabuntis si Ana at nagsilang ng isang batang lalaki. Tinawag niya ang kanyang pangalan na Samuel, sinasabing, "Dahil hiningi ko siya mula kay Yahweh."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Muli, umakyat sina Elkana at ang kanyang buong bahay upang maghandog ng taunang pag-aalay at tuparin ang kanyang panata.
|
||
|
\v 22 Ngunit hindi sumama si Ana; sinabi niya sa kanyang asawa, "Hindi ako sasama hanggang sa hindi na sumususo ang bata; pagkatapos dadalhin ko siya, upang maipakita siya sa harapan ni Yahweh at manirahan siya doon magpakailanman."
|
||
|
\v 23 Sinabi ni Elkana na kanyang asawa sa kanya, "Gawin mo kung ano ang pasya mong mabuti sa iyo. Maghintay ka hanggang sa hindi mo na siya pinapasuso; pagtibayin lamang nawa ni Yahweh ang kanyang salita." Kaya nanatili ang babae at pinasuso ang kanyang anak hanggang sa hindi na siya sumususo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Nang hindi na niya siya pinapasuso, isinama niya siya kasama ang tatlong taong gulang na toro, isang epa ng pagkain at isang bote ng alak, at dinala niya siya sa bahay ni Yahweh sa Shilo. Ngayon ang anak niya ay bata pa.
|
||
|
\v 25 Pinatay nila ang toro, at dinala nila ang bata kay Eli.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Sinabi niya, "O aking panginoon! Habang buhay ka, aking panginoon, ako ang babaeng tumayo rito sa tabi mo na nananalangin kay Yahweh.
|
||
|
\v 27 Sapagkat ang batang ito ang aking ipinanalangin at ibinigay sa akin ni Yahweh ang aking kahilingan na aking hiniling sa kanya.
|
||
|
\v 28 Ibinibigay ko siya kay Yahweh; habang nabubuhay siya ipapahiram ko siya kay Yahweh." At sinamba ni Elkana at kanyang pamilya si Yahweh doon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 2
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Nanalangin si Ana at sinabing, "Nagsasaya ang aking puso kay Yahweh. Itinaas ni Yahweh ang aking tambuli. Nagmamayabang ang aking bibig sa aking mga kaaway, dahil nagagalak ako sa iyong pagliligtas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Wala ng banal tulad ni Yahweh, sapagka't walang iba maliban sa iyo; walang ibang bato tulad ng ating Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Huwag nang magmataas ng buong kapurihan; huwag hayaang maglabas ng kahambugan ang iyong bibig. Sapagka't si Yahweh ay Diyos ng kaalaman; sa pamamagitan niya tinitimbang ang mga kilos.
|
||
|
\v 4 Nasira ang mga pana ng mga makapangyarihang kalalakihan, ngunit iyong mga nadapa ay nagsuot ng kalakasan tulad ng isang sinturon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Ipinaupa ng mga busog ang kanilang sarili para sa tinapay; sa mga gutom sila ay hindi na naging gutom. Kahit na ang isang baog ay magsisilang ng pito, ngunit mananamlay ang babaeng maraming anak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pumapatay si Yahweh at bumubuhay. Siya ang nagbababa sa Sheol at nagtataas.
|
||
|
\v 7 Si Yahweh ang nagpapadukha, at siya ang nagpapayaman. Siya ang nagpapababa, ngunit siya rin naman ang nagpapataas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ibinabangon niya ang mahirap mula sa alabok. Itinataas niya ang mga nangangailangan mula sa tambak ng abo upang paupuin sila kasama ang mga prinsipe at manahin ang upuan ng karangalan. Sapagka't ang mga haligi ng mundo ay kay Yahweh at kanyang ipinatong sa kanila ang sanlibutan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Gagabayan niya ang mga paa ng kanyang mga tapat, ngunit patatahimikin ang mga makasalanan sa kadiliman, sapagka't walang ni isa ang mananaig sa pamamgitan ng lakas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Magkakapira-piraso ang mga sumasalungat kay Yahweh; magpapakulog siya mula sa langit laban sa kanila. Si Yahweh ang huhusga sa mga dulo ng mundo. Bibigyan niya ng kalakasan ang kanyang hari at itataas niya ang sungay ng kanyang hinirang."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pagkatapos pumunta si Elkana sa Rama, sa kanyang bahay. Naglingkod ang bata kay Yahweh sa harapan ni Eli na pari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ngayon ang mga anak na lalaki ni Eli ay mga walang kabuluhang kalalakihan. Hindi nila nakikilala si Yahweh.
|
||
|
\v 13 Ang kaugalian ng mga pari kapag naghandog ang sinumang tao ng isang alay, pupunta ang lingkod ng pari na may dalang tatlong tulis na tinidor sa kanyang kamay, habang kumukulo ang karne.
|
||
|
\v 14 Itusok niya ito sa loob ng kawali, o takure, o kaldero, o palayok. Lahat nang nakuha ng tinidor ay kukunin ng pari para sa kanyang sarili. Ginawa nila ito sa Shilo kasama ang lahat ng mga Israelita na pumunta roon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Sa halip, bago nila sunugin ang taba, dumating ang lingkod ng pari, at sinabi sa taong nag-aalay, "Magbigay ka ng karne upang ihawin para sa pari; sapagka't hindi niya tatanggapin ang pinakuluang karne mula sa iyo, ngunit hilaw lamang."
|
||
|
\v 16 Kung sasabihin ng tao sa kanya, "Dapat nilang sunugin muna ang taba, at pagkatapos kumuha ka ng hangga't gusto mo." Pagkatapos sasabihin niyang, "Hindi, ibigay mo ito sa akin ngayon; kung hindi, kukunin ko ito ng sapilitan."
|
||
|
\v 17 Ang kasalanan ng mga binatang ito ay napakalaki sa harapan ni Yahweh, sapagka't inalipusta nila ang handog ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Ngunit naglingkod si Samuel kay Yahweh bilang isang batang dinamitan ng isang linong epod.
|
||
|
\v 19 Ginagawan siya ng kanyang ina ng isang maliit na balabal at dinadala ito sa kanya taon-taon, kapag umaakyat siya kasama ang kanyang asawa upang maghandog ng taunang alay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Pinagpapala ni Eli si Elkana at kanyang asawa at sinasabing, "Bigyan nawa ka ni Yahweh ng maraming anak sa pamamagitan ng babaeng ito dahil sa kahilingan na kanyang ginawa kay Yahweh." Pagkatapos babalik sila sa kanilang sariling tahanan.
|
||
|
\v 21 Tinulungan muli ni Yahweh si Ana, at nabuntis siya ulit. Nagsilang siya ng tatlong anak na lalaki at dalawang anak na babae. Samantala, lumaki ang batang si Samuel sa harapan ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Ngayon napakatanda na ni Eli; narinig niya ang lahat ng ginagawa ng kanyang mga anak na lalaki sa buong Israel, at kung paano nila sinipingan ang mga kababaihan na naglilingkod sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.
|
||
|
\v 23 Sinabi niya sa kanila, "Bakit ninyo ginawa ang ganoong mga bagay? Sapagka't narinig ko ang inyong mga masamang gawa mula sa lahat ng mga taong ito."
|
||
|
\v 24 Hindi, mga anak ko; sapagka't hindi magandang balita ang aking naririnig. Dinulot ninyong sumuway ang mga tao ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 "Kung magkakasala ang isang tao laban sa iba, hahatulan siya ng Diyos; ngunit kung magkakasala ang isang tao laban kay Yahweh, sino ang magsasalita para sa kanya?" Ngunit ayaw nilang makinig sa boses ng kanilang ama, dahil nilalayon ni Yahweh na patayin sila.
|
||
|
\v 26 Lumaki ang batang si Samuel, at kinalugdan ni Yahweh at ng mga kalalakihan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Ngayon dumating ang isang lingkod ng Diyos kay Eli at sinabi sa kanya, "Sinasabi ni Yahweh, 'Hindi ko ba inihayag ang aking sarili sa bahay ng iyong ninuno, nang naroon sila sa Ehipto sa pagkakaalipin sa bahay ni Paraon?
|
||
|
\v 28 Pinili ko siya mula sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging aking pari, para umakyat sa aking altar, at para magsunog ng insenso, para magsuot ng isang epod sa aking harapan. Ibinigay ko sa bahay ng iyong ninuno ang lahat ng handog ng mga tao ng Israel na ginawa sa apoy.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Sa gayon, bakit ninyo hinahamak ang aking mga alay at mga handog na aking kinakailangan sa lugar kung saan ako naninirahan? Bakit ninyo pinarangalan ang inyong mga anak na lalaki na higit sa akin sa pamamagitan ng pagpapataba ng inyong sarili ng mga mainam ng bawat handog ng aking bayang Israel?'
|
||
|
\v 30 Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Tingnan mo, paparating na ang mga araw na puputulin ko ang iyong lakas at ang lakas ng bahay ng iyong ama, upang wala ng sinumang matandang lalaki sa iyong bahay.
|
||
|
\v 32 Makikita mo ang pagdadalamhati sa lugar kung saan ako naninirahan. Kahit na ibibigay ang kabutihan sa Israel, wala nang sinumang matandang lalaki sa iyong bahay.
|
||
|
\v 33 Sinuman sa inyo na hindi ko puputulin mula sa aking altar, idudulot kong lumabo ang inyong mga mata, at magdudulot ako ng kapighatian para sa inyong buhay. Mamamatay ang lahat ng kalalakihang ipapanganak sa inyong pamilya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Ito ang magiging palatandaan para sa iyo na darating sa iyong dalawang anak na lalaki, kay Hofni at Pinehas: Mamamatay silang dalawa sa parehong araw.
|
||
|
\v 35 Magtataas ako para sa aking sarili ng isang tapat na pari na gagawa kung ano ang nasa aking puso at nasa aking kaluluwa. Gagawan ko siya ng isang tiyak na bahay; at lalakad siya sa harapan ng aking hinirang na hari magpakailanman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 36 Paparoon ang bawat isa na naiwan sa iyong bahay at yuyukod sa taong iyon, hihingi para sa isang pirasong ng pilak at isang putol ng tinapay, at magsasabing, "Pakiusap italaga mo ako sa isa sa mga tungkulin ng pari upang makakain ako ng piraso ng tinapay.'''''
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 3
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Naglingkod kay Yahweh ang batang si Samuel na nakapailalim kay Eli. Madalang ang mga salita ni Yahweh sa mga panahong iyon; walang madalas na pangitain.
|
||
|
\v 2 Sa panahong iyon, nang si Eli, na ang paningin ay nagsimulang lumabo kaya hindi na siya makakita nang mabuti, ay nakahiga sa kanyang sariling higaan.
|
||
|
\v 3 Hindi pa namamatay ang ilawan ng Diyos, at nakahiga si Samuel upang matulog sa bahay ni Yahweh, kung saan naroon ang kaban ng Diyos.
|
||
|
\v 4 Tumawag si Yahweh kay Samuel, na nagsabing, "Narito ako."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Tumakbo si Samuel kay Eli at sinabing, "Narito ako, dahil tinawag mo ako." Sinabi ni Eli, "Hindi kita tinawag; humiga ka ulit." Umalis si Samuel at humiga.
|
||
|
\v 6 Tumawag muli si Yahweh, "Samuel." Bumangon muli si Samuel at nagtungo kay Eli at sinabing, "Narito ako, dahil tinawag mo ako." Sumagot si Eli, "Hindi kita tinawag, aking anak; humiga ka muli."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ngayon wala pang anumang karanasan si Samuel kay Yahweh, ni nagkaroon ng anumang mensahe mula kay Yahweh na naibunhayag sa kanya.
|
||
|
\v 8 Tinawag muli ni Yahweh si Samuel sa ikatlong pagkakataon. Muling bumangon si Samuel at nagtungo kay Eli at sinabing, "Narito ako, sapagka't tinawag mo ako." Pagkatapos napagtanto ni Eli na tinawag ni Yahweh ang bata.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Pagkatapos sinabi ni Eli kay Samuel, "Umalis ka at humigang muli; kung tatawagin ka niya muli, dapat mong sabihin, 'Magsalita ka, Yahweh, sapagka't nakikinig ang iyong lingkod.''' Kaya umalis si Samuel at minsan pang humiga sa kanyang sariling lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Dumating si Yahweh at tumayo; tumawag siya tulad ng ibang mga pagkakataon, "Samuel, Samuel." Pagkatapos sinabi ni Samuel, "Magsalita ka, sapagka't nakikinig ang iyong lingkod."
|
||
|
\v 11 Sinabi ni Yahweh kay Samuel, "Tingnan mo, gagawa akong ng isang bagay sa Israel kung saan manginginig ang mga tainga ng lahat ng makakarinig nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Sa araw na iyon tutuparin ko ang lahat ng bagay na aking sinabi kay Eli tungkol sa kanyang bahay, mula simula hanggang sa katapusan.
|
||
|
\v 13 Sinabi ko na sa kanya na hahatulan ko ang kanyang sambahayan minsan para sa lahat ng kasalanang kanyang nalaman, dahil nagdala ng sumpa sa kanilang sarili ang kanyang mga anak na lalaki at hindi niya sila pinigilan.
|
||
|
\v 14 Dahil dito naipangako ko sa sambahayan ni Eli na ang mga kasalanan ng kanyang sambahayan ay hindi kailanman mapapawi sa pamamagitan ng alay o handog."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Nakahiga si Samuel hanggang umaga; pagkatapos binuksan niya ang mga pintuan ng bahay ni Yahweh. Ngunit natakot si Samuel na sabihin kay Eli ang tungkol sa pangitain.
|
||
|
\v 16 Pagkatapos tinawag ni Eli si Samuel at sinabing, "Samuel, anak ko." Sinabi ni Samuel, "Narito ako."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Sinabi niya, "Ano ang salitang kanyang sinabi sa iyo? Pakiusap huwag mo itong itago mula sa akin. Gawin nawa sa iyo ng Diyos, at higit pa, kung itatago mo ang anumang bagay mula sa akin anuman sa lahat ng salitang sinabi niya sa iyo."
|
||
|
\v 18 Sinabi ni Samuel sa kanya ang lahat; wala siyang tinago mula sa kanya. Sinabi ni Eli, "Si Yahweh iyon. Hayaan mong gawin niya anuman ang sa tingin niya ay mabuti sa kanya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Lumaki si Samuel, at kasama niya si Yahweh at wala sa kanyang mga salitang inihula ang nabigong magkatotoo.
|
||
|
\v 20 Nalaman ng buong Israel mula Dan hanggang Beer-seba na hinirang si Samuel upang maging isang propeta ni Yahweh.
|
||
|
\v 21 Nagpakita muli si Yahweh sa Shilo, sapagka't ibinunyag niya ang kanyang sarili kay Samuel sa Shilo sa pamamagitan ng kanyang salita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 4
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Dumating ang salita ni Samuel sa buong Israel. Ngayon umalis ang Israel upang makipaglaban sa mga Filisteo. Nagtayo sila ng kampo sa Ebenezer, at nagtayo ng kampo ang mga Felisteo sa Afek.
|
||
|
\v 2 Humanay ang mga Filisteo para labanan ang Israel. Lumaganap ang labanan, natalo ang Israel ng mga Filisteo, na pumatay ng halos apat na libong kalalakihan sa lugar ng labanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Nang dumating ang mga tao sa kampo, sinabi ng nakakatanda ng Israel, "Bakit tayo pinatalo ni Yahweh ngayon sa mga Filisteo? Dalhin natin ang kaban ng tipan ni Yahweh dito mula sa Silo, upang makasama natin iyon dito, para panatilihin tayong ligtas mula sa kapangyarihan ng ating mga kaaway."
|
||
|
\v 4 Kaya nagpadala ang mga tao ng kalalakihan sa Silo; mula roon dinala nila ang kaban ng tipan ni Yahweh ng mga hukbo, na nakaupo sa itaas ng querobin. Ang dalawang anak na lalaki ni Eli na sina Hofni at Finehas ay naroon kasama ang kaban ng tipan ng Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Nang dumating ang kaban ng tipan ni Yahweh sa kampo, sumigaw nang malakas ang lahat ng mga tao ng Israel, at umugong ang mundo.
|
||
|
\v 6 Nang narinig ng mga Filisteo ang ingay ng hiyawan, sinabi nila, "Ano ang kahulugan nitong malakas na hiyawan sa kampo ng mga Hebreo?" Pagkatapos napagtanto nila na dumating ang kaban ni Yahweh sa kampo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Natakot ang mga Filisteo; sinabi nila, "Dumating ang Diyos sa kampo." Sinabi nila, "Kapighatian sa atin!" Hindi pa nangyayari ito noon!
|
||
|
\v 8 Kapighatian sa atin! Sino ang magtatanggol sa atin mula sa lakas nitong makapangyarihang Diyos? Ito ang Diyos na sumalakay sa mga taga-Ehipto sa pamamagitan ng marami at iba't ibang uri ng salot sa ilang.
|
||
|
\v 9 Lakasan ninyo ang loob ninyo, at magpakalalaki kayo, kayong mga Filisteo, o magiging mga alipin kayo para sa mga Hebreo, gaya ng naging mga alipin sila sa inyo. Magpakalalaki kayo, at lumaban."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Nakipaglaban ang mga Filisteo, at natalo ang Israel. Tumakas ang bawat isa sa kanyang bahay, at ang patayan ay napakalawak; sapagka't natalo ang tatlumpung libong sundalo mula sa Israel.
|
||
|
\v 11 Nakuha ang kaban ng Diyos at namatay ang dalawang lalaking anak ni Eli, na sina Hofni at Finehas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Tumakbo ang isang lalaki ng Benjamin mula sa hanay ng labanan at nakarating sa Silo sa parehong araw, dumating na punit ang kanyang mga damit at may lupa sa kanyang ulo.
|
||
|
\v 13 Nang nakarating siya, nakaupo si Eli sa kanyang upuan na nakatingin sa daan dahil kumabog ang kanyang puso na may pag-aalala para sa kaban ng Diyos. Nang pumasok ang lalaki sa lungsod at sinabi ang balita, umiyak ang buong lungsod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Nang narinig ni Eli ang ingay ng iyakan, sinabi niya, "Ano ang kahulugan nitong hiyawan?" Biglang dumating ang lalaki at sinabi kay Eli.
|
||
|
\v 15 Ngayon siyamnapu't walong taong gulang na si Eli; malabo ang kanyang mga mata, at hindi siya makakita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Sinabi ng lalaki kay Eli, "Ako ang isang nanggaling mula sa hanay ng labanan. Tumakas ako mula sa labanan sa araw na ito." At sinabi niya, "Ano ang nangyari, anak ko?"
|
||
|
\v 17 Sumagot at nagsabi ang lalaking nagdala ng balita, "Tumakas ang Israel mula sa mga Filisteo. Mayroon ding isang malaking pagkatalo sa mga tao. Ang iyong dalawang anak na lalaki, na sina Hofni at Finehas ay patay na, at nakuha ang kaban ng Diyos."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Nang nabanggit niya ang kaban ng Diyos, natumba patalikod si Eli mula sa kanyang upuan sa gilid ng tarangkahan. Nabali ang kanyang leeg, at namatay siya, dahil matanda na siya at mabigat. Naging hukom siya ng Israel sa loob ng apatnapung taon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Ngayon ang kanyang manugang na babae, asawa ni Finehas, ay buntis at malapit ng manganganak. Nang narinig niya ang balita na nakuha ang kaban ng Diyos at ang kanyang biyenang lalaki at ang kanyang asawa ay patay na, lumuhod siya at nanganak, ngunit nagpahina sa kanya ang hirap ng kanyang panganganak.
|
||
|
\v 20 Sinabi sa kanya ng babaeng nagpapaanak sa oras na malapit na siyang mamatay, "Huwag kang matakot, dahil nanganak ka ng isang lalaki." Ngunit hindi siya sumagot o isinapuso kung ano ang kanilang sinabi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Pinangalanan niya ang bata ng Icabod, na nagsasabing, "Nawala ang kaluwalhatian mula sa Israel!" dahil nakuha ang kaban ng Diyos, at dahil sa kanyang biyenan at kanyang asawa.
|
||
|
\v 22 At sinabi niya, "Nawala ang kaluwalhatian mula sa Israel, dahil nakuha ang kaban ng Diyos."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 5
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ngayon nakuha na ng mga Filisteo ang kaban ng Diyos, at dinala nila ito mula sa Ebenezer patungo sa Asdod.
|
||
|
\v 2 Kinuha ng mga Filisteo ang kaban ng Diyos, dinala nila ito sa bahay ng Dagon, at inilagay sa tabi ng Dagon.
|
||
|
\v 3 Nang nagising nang maaga sa sumunod na araw ang mga tao ng Asdod, tingnan ninyo, natumba paharap sa lupa ang Dagon sa harapan ng kaban ni Yahweh. Kaya kinuha nila ang Dagon at inilagay siyang muli sa kanyang lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ngunit nang nagising sila nang maaga ng sumunod na umaga, tingnan ninyo, natumba paharap sa lupa ang Dagon sa harapan ng kaban ni Yahweh. Ang ulo ng Dagon at kanyang dalawang kamay ay putol na naroon sa pintuan. Katawan lamang ng Dagon ang naiwan.
|
||
|
\v 5 Ito ang dahilan, kahit sa araw na ito, ang mga pari ng Dagon at sinumang dumating sa bahay ng Dagon ay hindi umaapak sa pintuan ng Dagon sa Asdod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Napakabigat ng kamay ni Yahweh sa mga tao ng Asdod. Winasak niya sila at pinahirapan sila ng mga bukol, kapwa sa Asdod at nasasakupan nito.
|
||
|
\v 7 Nang napagtanto ng mga kalalakihan ng Asdod kung ano ang nangyayari, sinabi nila, "Hindi dapat manatili ang kaban ng Diyos ng Israel sa atin, dahil mabigat ang kanyang kamay laban sa atin at laban kay Dagon na ating diyos."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Kaya ipinadala nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, "Ano ang gagawin namin sa kaban ng Diyos ng Israel?" Sumagot sila, "Hayaang dalhin ang kaban ng Diyos ng Israel sa palibot ng Gat." At dinala nila ang kaban ng Diyos ng Israel doon.
|
||
|
\v 9 Ngunit pagkatapos nilang madala ito sa palibot, ang kamay ni Yahweh ay laban sa lungsod, na nagdudulot ng isang napakalaking kalituhan. Pinahirapan niya ang mga kalalakihan ng lungsod, kapwa maliit at malaki; at ang mga bukol ay kumalat sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kaya ipinadala nila ang kaban ng Diyos sa Ekron. Ngunit pagdating mismo ng kaban ng Diyos sa Ekron, sumigaw ang mga taga-Ekron, nagsasabing, "Dinala nila sa atin ang kaban ng Diyos ng Israel upang patayin tayo at ang ating mga tao."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Kaya pinatawag nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, "Ilayo ninyo ang kaban ng Diyos ng Israel, at hayaang bumalik ito sa sariling lugar nito, upang hindi tayo nito patayin at ating mga tao." Dahil nagkaroon na ng isang nakamamatay na takot sa buong siyudad; napakabigat ng kamay ng Diyos doon.
|
||
|
\v 12 Ang mga kalalakihang hindi namatay ay pinahirapan ng mga bukol, at umabot ang iyak ng siyudad sa kalangitan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 6
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ngayon nasa bansa ng mga Filisteo ang kaban ni Yahweh sa loob ng pitong buwan.
|
||
|
\v 2 Pagkatapos pinatawag ng mga tao ng Filisteo ang mga pari at ang mga manghuhula; sinabi nila sa kanila, "Ano ang dapat nating gawin sa kaban ni Yahweh? Sabihin mo sa amin kung paano namin dapat ipadala ito pabalik sa sariling bansa nito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sinabi ng mga pari at mga manghuhula, "Kung ibabalik ninyo ang kaban ng Diyos ng Israel, huwag itong ibalik na walang regalo; sa ano mang paraan padalhan siya ng isang handog pambayad para sa kasalanan. Pagkatapos gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit hindi inalis ang kanyang kamay sa inyo hanggang ngayon."
|
||
|
\v 4 Pagkatapos sinabi nila, "Ano ang dapat na handog pambayad para sa kasalanan na ibabalik namin sa kanya?" Sumagot sila, "Limang ginintuang bukol at limang ginintuang daga, lima bilang pareho sa bilang ng mga namumuno ng mga Filisteo. Para sa parehong salot na nagpahirap sa inyo at sa inyong mga namumuno.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kaya dapat gumawa kayo ng inyong mga hugis ng mga bukol, at mga hugis ng inyong daga na puminsala sa lupain, at bigyan ng kaluwalhatian ang Diyos ng Israel. Marahil aalisin niya ang kanyang kamay mula sa inyo, mula sa inyong mga diyos, at mula sa inyong lupain.
|
||
|
\v 6 Bakit ninyo papatigasin ang inyong mga puso, gaya ng mga taga-Ehipto at ni Paraon na pinatigas ang kanilang mga puso? Iyon ay nang matindi silang pinahirapan ng Diyos; hindi ba pinaalis ng mga taga-Ehipto ang mga tao, at umalis sila?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pagkatapos ngayon, maghanda kayo ng isang bagong kariton na may dalawang nagpapasusong baka, na hindi pa nasingkawan. Itali ang mga baka sa kariton, ngunit dalhin ang kanilang guya pauwi, malayo mula sa kanila.
|
||
|
\v 8 Pagkatapos dalhin ang kaban ni Yahweh at ilagay ito sa kariton. Ilagay ang mga ginintuang anyo na ibabalik sa kanya bilang isang handog para sa kasalanan sa isang kahon sa isang gilid nito. Pagkatapos pakawalan ito at hayaang umalis.
|
||
|
\v 9 Pagkatapos masdan ninyo; kung pupunta ito sa daan patungo sa sarili nitong lupain sa Beth-semes, kung gayon si Yahweh ang nagpatupad nitong malaking sakuna. Ngunit kung hindi, saka natin malalaman na hindi ang kanyang kamay ang nagpahirap sa atin; sa halip, malalaman nating nagkataon lang na nangyari ito sa atin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ginawa ito ng mga kalalakihan gaya ng sinabi sa kanila; kumuha sila ng dalawang nagpapasusong baka, tinali nila sa kariton, at ikinulong ang kanilang mga guya sa tahanan.
|
||
|
\v 11 Inilagay nila ang kaban ni Yahweh sa kariton, kasama ng isang kahon na naglalaman ng mga ginintuang daga at ang kanilang hinulmang mga bukol.
|
||
|
\v 12 Tumuloy ang mga baka sa dako ng Beth-semes. Pumunta sila sa tabi ng isang malapad na daan, umuungal sila habang lumalakad, at hindi sila lumihis patabi maging sa kanan o sa kaliwa. Sinundan sila ng mga namumuno ng Felisteo sa hangganan ng Beth-semes.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ngayon nag-aaniang mga tao ng Beth-semes sa kanilang trigo sa lambak. Nang tumingin sila sa itaas at nakita ang kaban, nagalak sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Dumating ang kariton sa bukirin ni Josue mula sa Beth-semes at huminto roon. Naroon ang isang malaking bato, at biniyak nila ang kahoy mula sa kariton, at hinandog ang mga baka bilang isang handog na susunugin kay Yahweh.
|
||
|
\v 15 Ibinaba ng mga Levita ang kaban ni Yahweh at kahon na kasama nito, kung saan naroon ang mga ginintuang anyo, at inilagay ang mga ito sa malaking bato. Inihandog ng mga kalalakihan ng Beth-semes ang handog na susunugin at gumawa ng mga alay sa parehong araw kay Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Nang nakita ito ng limang namumuno sa mga Filisteo, bumalik sila sa araw na iyon sa Ekron.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Ito ang mga ginintuang bukol na ibinalik ng mga Filisteo para sa isang handog pambayad para sa kasalanan kay Yahweh: isa para sa Asdod, isa para sa Gaza, isa para sa Ashkelon, isa para sa Gat at isa para sa Ekron.
|
||
|
\v 18 Parehong bilang ang limang ginintuang daga sa bilang ng lahat ng lungsod ng Filisteo pag-aari ng limang namumuno, kapwa matibay na mga lungsod at mga panlalawigang nayon. Ang malaking bato, na nasa tabi nito inilagay nila ang kaban ni Yahweh, ay nanatiling isang saksi hanggang sa araw na ito sa bukirin ni Josue na Beth-semita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Sinalakay ni Yahweh ang ilang kalalakihan ng Beth-semes dahil tumingin sila sa kanyang kaban. Pinatay niya ang pitumpung kalalakihan. Nagluksa ang mga tao, dahil binigyan ni Yahweh ang mga tao ng isang malaking dagok.
|
||
|
\v 20 Sinabi ng mga kalalakihan ng Beth-semes, "Sino ang makakatayo sa harapan ni Yahweh, ang banal na Diyos na ito? At kanino siya aakyat mula sa atin?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Nagpadala sila ng mga mensahero na naninirahan sa Kiriath Jearim, sinasabing, "Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ni Yahweh; bumaba at dalhin ninyo ito pabalik."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 7
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Dumating ang mga kalalakihan ng Kiriat-Jearim, kinuha ang kaban ni Yahweh, at dinala ito sa bahay ni Abinadab sa burol. Itinalaga nila ang kanyang anak na lalaking si Eleazar para mangalaga sa kaban ni Yahweh.
|
||
|
\v 2 Mula nang araw na manatili ang kaban sa Kiriat-Jearim, lumipas ang mahabang panahon, dalawampung taon. Nanaghoy ang buong bahay ng Israel at ninais nilang bumaling kay Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sinabi ni Samuel sa lahat ng tao ng Israel, "Kung babalik kayo kay Yahweh nang inyong buong puso, alisin ninyo ang mga dayuhang diyos at ang Astarot mula sa inyo, ibaling ang inyong mga puso kay Yahweh, at siya lamang ang sambahin, sa gayon ililigtas niya kayo mula sa kamay ng mga Filisteo."
|
||
|
\v 4 Pagkatapos inalis ng mga tao ng Israel ang mga Baal at mga Astarot, at sinamba lamang si Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Pagkatapos, sinabi ni Samuel, "Dalahin ninyo ang buong Israel sa Mizpa at mananalangin ako kay Yahweh para sa inyo."
|
||
|
\v 6 Nagtipon sila sa Mizpa at sumalok ng tubig at ibinuhos ito sa harapan ni Yahweh. Nag-ayuno sila sa araw na iyon at sinabing, "Nagkasala kami laban kay Yahweh." Doon pinagpasiyahan ni Samuel ang mga alitan ng mga tao ng Israel at pinangunahan ang mga tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ngayon nang marining ng mga Filisteo na nagtipon ang mga tao ng Israel sa Mizpa, sinalakay ng mga namumuno ng Filisteo ang Israel. Pagkarinig ng mga tao ng Israel nito, natakot sila sa mga Palestina.
|
||
|
\v 8 Pagkatapos sinabi ng bayan ng Israel kay Samuel, "Huwag kang tumigil sa pagtawag kay Yahweh na ating Diyos para sa amin, upang iligtas niya kami mula sa kamay ng mga Filisteo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kumuha si Samuel ng isang pinapasusong kordero at inihandog ito bilang isang buong sinunog na handog kay Yahweh. Pagkatapos patuloy na tumawag si Samuel kay Yahweh para sa Israel, at sinagot siya ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Habang inihahandog ni Samuel ang sinunog na handog, lumapit ang mga Filisteo para salakayin ang Israel. Subalit nagpakulog si Yahweh ng isang malakas na tunog sa araw na iyon laban sa mga Filisteo at nagkagulo sila, at napuksa sila sa harapan ng Israel.
|
||
|
\v 11 Pumunta ang mga kalalakihan ng Israel mula sa Mizpa, at tinugis nila ang mga Filisteo at pinatay sila hanggang sa ibaba ng Betcar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Pagkatapos kumuha si Samuel ng isang bato at itinayo ito sa pagitan ng Mizpa at Shen. Pinangalanan niya itong Ebenezer, sinasabing, "Hanggang sa ngayon tinulungan pa rin kami ni Yahweh."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kaya nag-api ang mga Filisteo at hindi sila pumasok sa hangganan ng Israel. Laban sa mga Filisteo ang kamay ni Yahweh sa lahat ng araw ni Samuel.
|
||
|
\v 14 Naibalik sa Israel ang mga bayang kinuha ng mga Filisteo mula sa Israel, mula sa Ekron hanggang sa Gat; binawi ng Israel ang kanilang nasasakupan mula sa mga Filisteo. Pagkatapos nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at mga Amoreo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Hinatulan ni Samuel ang Israel sa lahat ng araw ng kanyang buhay.
|
||
|
\v 16 Bawat taon lumilibot siya sa Bethel, sa Gilgal at sa Mizpa. Pinagpapasiyahan niya ang mga alitan para sa Israel sa lahat ng mga lugar na ito.
|
||
|
\v 17 Pagkatapos babalik siya sa Rama, sapagkat naroon ang bahay niya; at doon pinagpapasiyahan din niya ang mga alitan para sa Israel. Gumawa rin siya ng altar doon kay Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 8
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Nang matanda na si Samuel, ginawa niyang mga hukom sa Israel ang mga anak niyang lalaki.
|
||
|
\v 2 Joel ang pangalan ng panganay niya at Abija ang pangalan ng pangalawa niyang anak na lalaki. Mga hukom sila sa Beer-seba.
|
||
|
\v 3 Hindi lumakad sa mga paraan niya ang kanyang mga anak, sa halip naghabol sila sa hindi tapat na tubo. Tumanggap sila ng mga suhol at binaluktot ang katarungan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pagkatapos sama-samang nagtipon ang mga nakakatanda ng Israel at pumunta sila kay Samuel sa Rama.
|
||
|
\v 5 Sinabi nila sa kanya, "Tingnan mo, matanda ka na at hindi lumalakad ayon sa mga paraan mo ang iyong mga anak. Pumili ka para sa amin ng isang hari na hahatol sa amin tulad ng lahat ng mga bansa."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Subalit hindi nalugod si Samuel nang sabihin nilang, "Bigyan mo kami ng haring hahatol sa amin." Kaya nanalangin si Samuel kay Yahweh.
|
||
|
\v 7 Sinabi ni Yahweh kay Samuel, "Sundin mo ang boses ng mga tao sa lahat ng bagay na sasabihin nila sa iyo; sapagkat hindi ikaw ang tinanggihan nila, ngunit ako ang tinanggihan nila mula sa pagiging hari nila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Kumikilos sila ngayon tulad ng ginawa nila mula noong araw na inilabas ko sila mula sa Ehipto, pinabayaan ako, at naglingkod sa ibang mga diyos, at kaya ginagawa rin nila sa iyo.
|
||
|
\v 9 Ngayon makinig sa kanila; ngunit taimtim na balaan sila at ipaalam sa kanila ang paraan na mamahala sa kanila ang hari."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kaya sinabi ni Samuel ang lahat ng salita ni Yahweh sa mga taong humihingi ng hari.
|
||
|
\v 11 Sinabi niya, "Ganito kung paano mamumuno ang hari sa inyo. Kukunin niya ang inyong mga anak na lalaki at itatalaga sila sa kanyang mga karo at para maging mga mangangabayo niya, at para tumakbo sa harapan ng kanyang mga karo.
|
||
|
\v 12 Hihirang siya para sa kanyang sarili ng mga kapitan ng libu-libong sundalo, at mga kapitan ng limampung sundalo. Pagbubungkalin niya ang ilan ng kanyang lupa, gagapas ang ilan ng kanyang ani, at ang ilan ay gagawa ng kanyang mga sandata para sa digmaan at mga kagamitan para sa kanyang mga karo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kukunin din niya ang inyong mga anak na babae para maging mga tagagawa ng pabango, tagapagluto at babaeng magtitinapay.
|
||
|
\v 14 Kukunin niya ang pinakamainam sa mga bukid ninyo, ang inyong mga ubasan at mga taniman ng olibo at ibibigay ang mga iyon sa mga lingkod niya.
|
||
|
\v 15 Kukunin niya ang ikasampu ng inyong butil at ng inyong mga ubasan at ibibigay sa kanyang mga opisyal at mga lingkod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Kukunin niya ang inyong mga lalaki at babaeng lingkod at ang pinakamagaling sa mga binata ninyo at inyong mga asno; pagtatrabahuhin niya silang lahat para sa kanya.
|
||
|
\v 17 Kukunin niya ang ikasampu ng inyong mga kawan at magiging mga alipin niya kayo.
|
||
|
\v 18 Pagkatapos sa araw na iyon, tatangis kayo dahil sa haring pinili ninyo para sa inyong sarili; ngunit hindi kayo sasagutin ni Yahweh sa araw na iyon."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Subalit tumangging makinig ang mga tao kay Samuel; sinabi nila, "Hindi! Dapat mayroon kaming hari
|
||
|
\v 20 upang maging tulad kami ng lahat ng ibang bansa, at upang hatulan kami ng aming hari at manguna sa amin at makipaglaban sa aming mga labanan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Nang marinig ni Samuel ang lahat ng salita ng mga tao, inulit niya ang mga iyon sa mga tainga ni Yahweh.
|
||
|
\v 22 Sinabi ni Yahweh kay Samuel, "Sundin mo ang boses nila at gawan sila ng hari." Kaya sinabi ni Samuel sa mga kalalakihan ng Israel, "Dapat pumunta ang bawat lalaki sa kanyang sariling lungsod."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 9
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 May isang lalaki mula sa Benjamin, isang lalaking maimpluwensiya. Kish ang pangalan niya, anak na lalaki ni Abiel na anak na lalaki ni Zeror ng Becorat na anak na lalaki ni Afia, na anak na lalaki na taga-Benjamin.
|
||
|
\v 2 Mayroon siyang isang anak na lalaki na nagngangalang Saul, isang makisig na binata. Walang sinumang lalaki sa bayan ng Israel ang mas makisig kaysa kanya. Mula balikat niya pataas mas matangkad siya sa lahat ng tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Ngayon nawala ang mga asno ni Kish, na ama ni Saul. Kaya sinabi ni Kish sa anak niyang si Saul, "Isama mo ang isa sa mga lingkod; bumangon at hanapin ang mga asno."
|
||
|
\v 4 Kaya dumaan si Saul sa maburol na lugar ng Efraim at nagtungo sa lupain ng Salisa, ngunit hindi nila natagpuan ang mga iyon. Dumaan sila sa lupain ng Shaalim, pero wala roon ang mga iyon. Pagkatapos dumaan sila sa lupain ng mga taga-Benjamin, ngunit hindi nila natagpuan ang mga iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Nang dumating sila sa lupain ng Zuf, sinabi ni Saul sa kanyang lingkod na kasama niya, "Halika, bumalik na tayo, at baka tumigil na mag-alala ang aking ama sa mga asno at magsimulang mag-alala tungkol sa atin."
|
||
|
\v 6 Subalit sinabi sa kanya ng lingkod, "Makinig ka, may lingkod ng Diyos sa lungsod na ito. Siya ay isang lalaking iginagalang; nagkakatotoo ang lahat ng bagay na sabihin niya. Pumunta tayo roon; maaaring masabi niya sa atin kung aling daan ang dapat nating tahakin sa ating paglalakbay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang lingkod, "Subalit kung pupunta tayo, anong madadala natin sa lalaki? Dahil ubos na ang tinapay sa ating supot, at walang handog na madadala para sa tao ng Diyos. Anong mayroon tayo?"
|
||
|
\v 8 Sumagot ang lingkod kay Saul, "Mayroon ako ritong ikaapat na siklo ng pilak na ibibigay ko sa lingkod ng Diyos, para sabihin sa atin kung saan tayo dapat tumungo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 (Dati sa Israel, kapag hahanapin ng isang tao ang kaalaman ng kalooban ng Diyos, sinasabi niya, "Halika, pumunta tayo sa manghuhula." Dahil ang propeta ngayon ay dating tinatawag na manghuhula.)
|
||
|
\v 10 Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang lingkod, "Mabuting pagkasabi. Halika, tayo na." Kaya pumunta sila sa lungsod kung saan naroon ang lingkod ng Diyos.
|
||
|
\v 11 Habang paakyat sila sa burol patungo sa lungsod, nakasalubong sila ng mga babaeng palabas para sumalok ng tubig; sinabi ni Saul at ng kanyang lingkod sa kanila, "Narito ba ang manghuhula?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Sumagot sila at sinabi, "Narito siya; tingnan ninyo, nauna lang siya sa inyo. Magmadali kayo, dahil pupunta siya sa lungsod ngayon, sapagkat mag-aalay ang mga tao ngayon sa mataas na lugar.
|
||
|
\v 13 Pagpasok na pagpasok ninyo sa lungsod matatagpuan ninyo siya bago siya umakyat sa mataas na lugar para kumain. Hindi kakain ang mga tao hanggang sa dumating siya dahil babasbasan niya ang alay; pagkatapos kakain ang mga inanyayahan. Ngayon, umakyat na kayo dahil matatagpuan ninyo siya kaagad."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Kaya umakyat sila sa lungsod. Habang papasok sila sa lungsod, nakita nila si Samuel na patungo sa kanila para umakyat sa mataas na lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Ngayon, sa araw bago dumating si Saul, ibinunyag ni Yahweh kay Samuel:
|
||
|
\v 16 "Bukas sa mga ganitong oras ipapadala ko sa iyo ang isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin, at papahiran mo siya ng langis para maging prinsipe ng aking bayang Israel. Ililigtas niya ang bayan ko mula sa kamay ng mga Filisteo. Dahil naawa ako sa aking bayan sapagkat nakarating sa akin ang paghinigi nila ng tulong sa akin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Nang makita ni Samuel si Saul, sinabi ni Yahweh sa kanya, "Siya ang lalaking sinabi ko sa iyo! Siya ang mamamahala sa aking bayan."
|
||
|
\v 18 Pagkatapos lumapit si Saul kay Samuel sa tarangkahan at sinabing, "Sabihin mo sa akin kung saan ang bahay ng manghuhula?"
|
||
|
\v 19 Sinagot ni Samuel si Saul at sinabing, "Ako ang manghuhula. Mauna kang umakyat sa akin sa mataas na lugar, dahil ngayon kakain kang kasama ko. Sa umaga hahayaan kitang umalis, at sasabihin ko sa iyo ang lahat ng bagay na nasa isip mo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Para sa iyong mga asnong nawala tatlong araw na ang nakalipas, huwag mabahala tungkol sa mga iyon, dahil natagpuan na ang mga iyon. At para kanino nakatuon ang lahat ng naisin ng Israel? Hindi ba sa iyo at sa buong bahay ng iyong ama?"
|
||
|
\v 21 Sumagot si Saul at sinabing, "Hindi ba ako taga- Benjamin, mula sa pinakamaliit na lipi ng Israel? Hindi ba ang aking angkan ang pinakamaliit sa lahat ng angkan ng lipi ni Benjamin? Bakit ka nagsalita sa akin sa ganitong paraan?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Kaya isinama ni Samuel si Saul at kanyang lingkod, dinala sila sa bulwagan, at pinaupo sila sa pang-ulong dako ng mga inanyayahan, na mga tatlumpung tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Sinabi ni Samuel sa tagapagluto, "Dalhin mo ang bahaging ibinigay ko sa iyo, kung alin sinabi sa iyong, 'Itabi mo ito.'"
|
||
|
\v 24 Kaya kinuha ng tagapagluto ang hitang itinaas sa pag-aalay at kung ano ang kasama nito, at inilagay ito sa harapan ni Saul. Pagkatapos sinabi ni Samuel, "Tingnan kung ano ang itinabi ko para sa iyo! Kainin mo ito, dahil itinabi ko ito hanggang sa itinakdang oras para sa iyo. Sa ngayon masasabi mong, 'Inanyayahan ko ang mga tao.'" Kaya kumain si Saul kasama ni Samuel sa araw na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Nang makababa sila mula sa mataas na lugar patungo sa lungsod, nakipag-usap si Samuel kay Saul sa ibabaw ng bubong.
|
||
|
\v 26 Pagkatapos sa bukang-liwayway, tinawag ni Samuel si Saul sa ibabaw ng bubong at sinabing, "Bumangon ka, upang maihatid kita paalis sa iyong patutunguhan." Kaya bumangon si Saul, at kapwa siya at si Samuel ay lumabas sa kalye.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Habang patungo sila sa dakong labas ng lungsod, sinabi ni Samuel kay Saul, "Sabihan mo ang lingkod na mauna sa atin (at nauna siya), ngunit dapat kang manatili rito sandali, upang maipahayag ko ang pasabi ng Diyos sa iyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 10
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos kumuha si Samuel ng isang bote ng langis at ibinuhos ito sa ulo ni Saul, at hinalikan siya. Sinabi niya, "Hindi ba pinahiran ka ng langis ni Yahweh para maging tagapamahala ng kanyang pamana?
|
||
|
\v 2 Kapag iniwan mo ako ngayon, may matatagpuan kang dalawang lalaki sa puntod ni Raquel, sa nasasakupan ng Benjamin at Zelza. Sasabihin nila sa iyo, 'Natagpuan na ang hinahanap mong mga asno. Ngayon, tumigil ang iyong ama sa pag-aalala tungkol sa mga asno, at nababalisa na tungkol sa iyo, sinasabing, "Ano ang dapat kong gawin sa anak ko?'"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pagkatapos magpapatuloy ka mula roon, at makakarating ka sa owk ng Tabor. Sasalubungin ka roon ng tatlong lalaking papunta sa Diyos sa Bethel, ang isa ay may dalang tatlong batang kambing, ang isa ay may dalang tatlong pirasong tinapay at ang isa ay may dalang isang balat na sisidlan ng alak.
|
||
|
\v 4 Babatiin ka nila at bibigyan ng dalawang pirasong tinapay, na kukunin mo mula sa kanilang mga kamay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Matapos iyon, paroroon ka sa burol ng Diyos, kung saan naroon ang kuta ng mga Filisteo. Kapag nakarating ka sa lungsod, makakasalubong ka ng isang pangkat ng propetang pababa mula sa mataas na lugar na may alpa, panderetas, plauta, at lira sa harapan nila; magsisipanghula sila.
|
||
|
\v 6 Agad na darating sa iyo ang Espiritu ni Yahweh at huhula ka kasama nila, at mababago ka sa isang kakaibang lalaki.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ngayon, kapag dumating sa iyo ang mga palatandaang ito, gawin mo anumang masumpungang gawin ng iyong kamay, sapagkat kasama mo ang Diyos.
|
||
|
\v 8 Mauna ka sa aking bumaba sa Gilgal. Pagkatapos bababa ako sa iyo para maghandog ng mga sinunog na handog at mag-alay ng mga handog pangkapayapaan. Maghintay ng pitong araw hanggang sa dumating ako at ipakita sa iyo kung ano ang dapat mong gawin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Nang tumalikod si Saul para iwan si Samuel, binigyan siya ng Diyos ng panibagong puso. Pagkatapos lahat ng mga palatandaang ito ay nangyari sa araw na iyon.
|
||
|
\v 10 Nang dumating sila sa burol, sinalubong siya ng isang pangkat ng mga propeta, at agad na dumating sa kanya ang Espiritu ng Diyos kaya nanghula siya kasama nila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Nang makita siya ng lahat ng taong dating nakakakilala sa kanya na nanghuhula kasama ng mga propeta, sinabi ng mga tao sa isa't isa, "Anong nangyari sa anak ni Kish? Isa na ba ngayon si Saul sa mga propeta?"
|
||
|
\v 12 Isang lalaki mula sa parehong lugar ang sumagot, "At sino ang kanilang ama?" Dahil dito, naging kasabihan, "Isa rin ba si Saul sa mga propeta?"
|
||
|
\v 13 Nang matapos niyang manghula, pumaroon siya sa mataas na lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Pagkatapos sinabi ng tiyo ni Saul sa kanya at kanyang lingkod, "Saan kayo nagpunta?" At sumagot siya, "Para hanapin ang mga asno; nang hindi namin matagpuan ang mga iyon, pumunta kami kay Samuel."
|
||
|
\v 15 Sinabi ng tiyo ni Saul, "Pakiusap, sabihin sa akin kung anong sinabi sa iyo ni Samuel."
|
||
|
\v 16 Sumagot si Saul sa kanyang tiyo, "Sinabi niya sa amin nang tapatan na natagpuan na ang mga asno." Ngunit hindi niya sinabi sa kanya ang bagay patungkol sa kaharian na sinabi ni Samuel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Ngayon sama-samang tinawag ni Samuel ang mga tao sa harapan ni Yahweh sa Mizpa.
|
||
|
\v 18 Sinabi niya sa mga tao ng Israel, "Ito ang sinasabi ni Yahweh, na Diyos ng Israel: 'Dinala ko ang Israel palabas ng Ehipto, at iniligtas kayo mula sa kamay ng mga taga-Ehipto, at mula sa kamay ng lahat ng kahariang umapi sa inyo.'
|
||
|
\v 19 Subalit ngayon tinanggihan ninyo ang inyong Diyos na nagliligtas sa inyo mula sa lahat ninyong kalamidad at dalamhati; at sinabi ninyo sa kanya, 'Maglagay ng hari sa amin.' Ngayon idulog ang inyong mga sarili sa harapan ni Yahweh ayon sa inyong mga lipi at angkan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Kaya dinala ni Samuel palapit ang lahat ng lipi ng Israel, at napili ang lipi ni Benjamin.
|
||
|
\v 21 Pagkatapos dinala niya palapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan; at napili ang angkan ng mga Matrites; at napili si Saul na anak ni Kish. Subalit nang siya ay hinahanap nila, hindi siya matagpuan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Pagkatapos gustong magtanong ng mga tao sa Diyos ng karagdagang tanong, "May ibang lalaki pa bang darating?" Sumagot si Yahweh, "Itinago ni Saul ang kanyang sarili sa mga kargada."
|
||
|
\v 23 Pagkatapos tumakbo sila at kinuha si Saul mula roon. Nang tumayo siya kasama ng mga tao, mas matangkad siya kaysa sinumang tao mula sa kanyang balikat pataas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga tao, "Nakikita ba ninyo ang lalaking pinili ni Yahweh?" Walang isa mang katulad niya sa lahat ng tao!" Sumigaw ang lahat ng tao, "Mabuhay ang hari!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga tao ang mga kaugalian at panuntunan ng paghahari, isinulat ang mga iyon sa isang aklat at inilagay ito sa harapan ni Yahweh. Pagkatapos pinaalis ni Samuel ang mga tao, bawat lalaki sa kanyang bahay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Umuwi rin si Saul sa tahanan niya sa Gibea, at sumama sa kanya ang ilang malalakas na tauhan na hinipo ng Diyos ang mga puso.
|
||
|
\v 27 Subalit ilang walang kabuluhang lalaki ang nagsabi, "Paano tayo maililigtas ng lalaking ito?" Inalipusta ng mga taong ito si Saul at hindi siya dinalhan ng anumang regalo. Subalit nanahimik lang si Saul.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 11
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos nilusob ni Nahas na Ammonita ang Jabes Gilead. Sinabi ng lahat ng kalalakihan ng Jabes kay Nahas, "Gumawa ng isang kasunduan sa amin at maglilingkod kami sa iyo."
|
||
|
\v 2 Sumagot si Nahas na taga-Ammon, "Sa kondisyong ito gagawa ako ng kasunduan sa inyo, na dudukutin ko ang lahat ng kanang mata ninyo, at sa paraang ito, magdadala ng kahihiyan sa buong Israel."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sumagot ang mga nakatatanda ng Jabes, "Iwan muna kami sa loob ng pitong araw para makapagpadala kami ng mga sugo sa buong nasasakupan ng Israel. Pagkatapos, kung walang magliligtas sa amin, susuko kami sa iyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Dumating ang mga sugo sa Gibea, kung saan nakatira si Saul, at sinabi nila sa mga tao kung ano ang nangyari. Umiyak nang malakas ang lahat ng tao.
|
||
|
\v 5 Ngayon sinusundan ni Saul ang mga lalaking baka sa bukid. Sinabi ni Saul, "Anong problema ng mga tao na umiiyak sila?" Sinabi nila kay Saul kung ano ang sinabi ng mga kalalakihan ng Jabes.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Nang marinig ni Saul ang sinabi nila, agad na dumating ang Espiritu ng Diyos sa kanya, at galit na galit siya.
|
||
|
\v 7 Kumuha siya ng magkasingkaw na lalaking baka at pinagpira-piraso ang mga iyon. Pinadala niya ang mga iyon sa mga sugo sa buong nasasakupan ng Israel. Sinabi niya, "Sinuman ang hindi lumabas kasunod ni Saul at kasunod ni Samuel, ito ang gagawin sa kanyang lalaking baka. Dumating sa mga tao ang takot kay Yahweh at lumabas silang magkakasama bilang isang lalaki.
|
||
|
\v 8 Nang tinipon niya sila sa Bezek, ang mga tao ng Israel ay tatlondaang libo, at tatlumpung libo ang kalalakihan ng Juda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Sinabi nila sa mga dumating na mga mensahero, "Sabihin sa mga kalalakihan ng Jabes Gilead, 'Bukas, sa oras na mainit ang araw, ililigtas ko kayo.'" Kaya umalis ang mga mesahero at sinabihan ang mga kalalakihan ng Jabes at natuwa sila.
|
||
|
\v 10 Pagkatapos sinabi ng mga kalalakihan ng Jabes kay Nahas, "Bukas susuko kami sa iyo, at magagawa mo sa amin anuman ang mukhang mabuti sa iyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Sumunod na araw, hinati ni Saul ang mga tao sa tatlong pangkat. Dumating sila sa gitna ng kampo sa oras ng pang-umagang tanod at sinalakay at tinalo nila ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw. Kumalat ang mga nakaligtas, at walang dalawa sa kanila ang naiwang magkasama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Pagkatapos sinabi ng mga tao kay Samuel, "Sino iyong nagsabing, 'Maghahari ba sa atin si Saul?' Dalhin ang mga lalaki upang mapatay namin sila."
|
||
|
\v 13 Subalit sinabi ni Saul, "Walang dapat patayin sa araw na ito dahil ngayon, iniligtas ni Yahweh ang Israel."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga tao, "Halikayo, pumunta tayo sa Gilgal at baguhin ang kaharian doon."
|
||
|
\v 15 Kaya pumunta sa Gilgal ang lahat ng tao at ginawang hari si Saul sa harapan ni Yahweh sa Gilgal. Nag-alay sila roon ng mga handog pangkapayapaan sa harapan ni Yahweh at lubos na nagalak si Saul at lahat ng mga kalalakihan ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 12
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinabi ni Samuel sa buong Israel, "Nakinig ako sa lahat ng bagay na sinabi ninyo sa akin, at nagtalaga ako ng isang hari sa inyo.
|
||
|
\v 2 Ngayon, narito ang hari lumakakad sa harapan ninyo; at ako ay matanda na at puti na ang buhok; at ang aking mga anak na lalaki ay kasama ninyo. Lumakad ako sa harapan ninyo mula sa aking kabataan hanggang ngayon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Narito ako; magpatotoo laban sa akin sa harapan ni Yahweh at sa harapan ng kanyang hinirang. Kaninong lalaking baka ang kinuha ko? Kaninong asno ang kinuha ko? Sino ang aking dinaya? Sino ang aking inapi? Mula kaninong kamay ako kumuha ng isang suhol upang bulagin ang aking mga mata? Magpatotoo laban sa akin, at ibabalik ko ito sa inyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sinabi nila, "Hindi mo kami dinaya, inapi, o ninakawan ng anumang bagay mula sa kamay ng sinuman."
|
||
|
\v 5 Sinabi niya sa kanila, "Saksi si Yahweh laban sa inyo, at ang kanyang hinirang ay saksi ngayon, na wala kayong nakita sa aking kamay." At sumagot sila, "Saksi si Yahweh."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Sinabi ni Samuel sa mga tao, "Si Yahweh ang siyang humirang kina Moises at Aaron, at ang siyang nagdala palabas sa inyong mga ama mula sa lupain ng Ehipto.
|
||
|
\v 7 Kaya ngayon, ihandog ang inyong mga sarili, upang maaari akong makiusap kasama ninyo sa harapan ni Yahweh tungkol sa lahat ng mga makatarungang gawain ni Yahweh, na ginawa niya sa inyo at sa inyong mga ama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Nang dumating si Jacob sa Ehipto, at umiyak ang inyong mga ninuno kay Yahweh. Ipinadala ni Yahweh sina Moises at Aaron, siyang nanguna sa inyong mga ninuno palabas ng Ehipto at nanirahan sila sa lugar na ito.
|
||
|
\v 9 Subalit kinalimutan nila si Yahweh na kanilang Diyos; ipinagbili niya sila sa kamay ni Sisera, kapitan ng mga hukbo ni Hazor, sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari ng Moab; nakigpaglaban silang lahat sa inyong mga ninuno.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Umiyak sila kay Yahweh at sinabi, "Nagkasala kami, dahil tinalikuran namin si Yahweh at naglingkod sa mga Baal at sa mga Astoret. Subalit iligtas kami ngayon mula sa kamay ng aming mga kaaway, at paglilingkuran ka namin.'
|
||
|
\v 11 Kaya ipinadala ni Yahweh sina Jerub Baal, Bedan, Jepta, at Samuel, at binigyan kayo ng tagumpay sa inyong mga kaaway sa buong palibot ninyo, upang ligtas kayong manirahan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Nang nakita ninyo na dumating si Nahas ang hari ng bayan ng Ammon laban sa inyo, sinabi ninyo sa akin. 'Hindi! Sa halip, isang hari dapat ang mamuno sa amin'—kahit na si Yahweh, ang inyong Diyos, ang hari ninyo.
|
||
|
\v 13 Ngayon narito ang hari na inyong pinili, na inyong hiningi at siyang hinirang ngayon ni Yahweh bilang hari ninyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Kung takot kayo kay Yahweh, paglingkuran siya, sundin ang kanyang boses, at huwag maghimagsik laban sa mga utos ni Yahweh, pagkatapos kapwa kayo at ang haring namamahala sa inyo ay magiging tagasunod ni Yahweh na inyong Diyos.
|
||
|
\v 15 Kapag hindi ninyo sinunod ang boses ni Yahweh, subalit maghimagsik laban sa mga utos ni Yahweh, kung gayon ang kamay ni Yahweh ay magiging laban sa inyo, tulad ng ito ay laban sa inyong mga ninuno.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Kahit na ngayon idulog ang inyong sarili at masdan ang dakilang bagay na ito na gagawin ni Yahweh sa harapan ng inyong mga mata.
|
||
|
\v 17 Hindi ba ngayon ang pag-aani ng trigo? Tatawag ako kay Yahweh, upang magpapadala siya ng kulog at ulan. Pagkatapos malalaman ninyo at makikita na matindi ang inyong kasamaan, na inyong ginawa sa paningin ni Yahweh, sa paghingi ng isang hari para sa inyong mga sarili."
|
||
|
\v 18 Kaya tumawag si Samuel kay Yahweh; at sa parehong araw na iyon nagpadala si Yahweh ng kulog at ulan. Pagkatapos labis na natakot ang lahat ng mga tao kina Yahweh at Samuel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Pagkatapos sinabi ng lahat ng mga tao kay Samuel, "Manalangin para sa iyong mga lingkod kay Yahweh na iyong Diyos, upang hindi kami mamatay. Sapagkat idinagdag namin sa lahat ng aming mga kasalanan itong kasamaan sa paghingi ng isang hari para sa aming mga sarili."
|
||
|
\v 20 Sumagot si Samuel, "Huwag kayong matakot. Nagawa ninyo ang lahat ng kasamaang ito, subalit huwag tumalikod mula kay Yahweh, sa halip paglingkuran si Yahweh ng inyong buong puso.
|
||
|
\v 21 Huwag kayong tumalikod pagkatapos ng mga walang kabuluhang bagay na hindi mapapakinabangan o makakapagligtas sa inyo, dahil ang mga ito ay walang silbi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Para sa kapakanan ng kanyang dakilang pangalan, hindi tatanggihan ni Yahweh ang kanyang mga tao, dahil nasiyahan si Yahweh na gawin kayong isang mga tao para sa kanyang sarili.
|
||
|
\v 23 Para sa akin, huwag nawang ipahintulot na magkasala ako laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagtigil sa pananalangin para sa inyo. Sa halip, ituturo ko sa inyo ang daang mabuti at tama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Katakutan lamang si Yahweh at paglingkuran siya sa katotohanan ng inyong buong puso. Isaalang-alang ang mga dakilang bagay na nagawa niya para sa inyo.
|
||
|
\v 25 Subalit kung magpumilit kayo sa paggawa ng masama, kapwa kayo at inyong hari ay mamamatay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 13
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Tatlumpong taong gulang si Saul nang nagsimula siyang mamuno; nang namuno siya sa loob ng apatnapung taon sa Israel,
|
||
|
\v 2 pumili siya ng tatlong libong kalalakihan ng Israel. Dalawang libo ang kasama niya sa Micmas at sa maburol na lugar ng Bethel, habang isang libo ang kasama ni Jonatan sa Gibea ng Benjamin. Pinauwi niya ang mga natitirang sundalo, bawat lalaki sa kanyang tolda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Tinalo ni Jonatan ang kuta ng mga Filisteo na nasa Geba at narinig ito ng mga Filisteo. Pagkatapos hinipan ni Saul ang trumpeta sa buong lupain, nagsasabing, "Hayaang marinig ng mga Hebreo."
|
||
|
\v 4 Narinig ng buong Israel na tinalo ni Saul ang kuta ng mga Filisteo, at naging isang bulok na amoy din ang Israel sa mga Filisteo. Pagkatapos sama-samang pinatawag ang mga sundalo upang sumama kay Saul sa Gilgal.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Nagtipon ng magkakasama ang mga Filisteo upang makipaglaban sa Israel: tatlong libong karo, anim na libong kalalakihan upang patakbuhin ang mga karo, at mga hukbo na kasindami ng buhangin sa baybayin. Dumating sila at nagkampo sa Micmas, silangan ng Beth-aven.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Nang makita ng mga kalalakihan ng Israel na sila ay nasa panganib—sapagkat ang mga tao ay namimighati, nagtago ang mga tao sa mga kuweba, sa damuhan, sa mga bato, sa mga balon, at sa mga hukay.
|
||
|
\v 7 Ang ilan sa mga Hebreo ay pumunta sa ibayo ng Jordan sa lupain ni Gad at Galaad. Subalit naroon pa rin si Saul sa Gilgal, at nanginginig ang lahat ng mga tao na sumusunod sa kanya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Naghintay siya ng pitong araw, ang itinakdang panahon ni Samuel. Subalit hindi pumunta si Samuel sa Gilgal, at naghiwa-hiwalay ang mga tao mula kay Saul.
|
||
|
\v 9 Sinabi ni Saul, "Dalhin ninyo sa akin ang handog na susunugin at ang mga handog pangkapayapaan" Pagkatapos inihandog niya ang handog na susunugin.
|
||
|
\v 10 Nang matapos siyang maghandog ng handog na susunugin dumating si Samuel. Lumabas si Saul upang salubungin siya at upang batiin siya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pagkatapos sinabi ni Samuel, "Ano itong nagawa mo?" Sumagot si Saul, "Nang nakita ko na iniwanan na ako ng mga tao, at hindi ka dumating sa loob ng itinakdang panahon, at nagtipon ang mga Filisteo sa Micmas,
|
||
|
\v 12 sinabi ko, 'Bababa ngayon ang mga Filisteo laban sa akin sa Gilgal, at hindi ko hinanap ang pabor ni Yahweh.' Kaya pinilit ko ang aking sarili na ihandog ang handog na susunugin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pagkatapos sinabi ni Samuel kay Saul, "Kumilos ka ng may kahangalan. Hindi mo sinunod ang utos ni Yahweh na iyong Diyos na ibinigay niya sa iyo. Sa gayon itinatag sana ni Yahweh ang iyong pamumuno sa Israel magpakailanman.
|
||
|
\v 14 Subalit ang iyong pamumuno ngayon ay hindi na magpapatuloy. Humanap si Yahweh ng isang taong masunurin sa kanya, at hinirang siya ni Yahweh upang maging prinsipe ng kanyang mga tao, dahil hindi mo sinunod kung ano ang kanyang inutos sa iyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Pagkatapos bumangon si Samuel at pumunta sa Gilgal patungong Gibea ng Benjamin. Pagkatapos binilang ni Saul ang mga tao na naroon kasama niya, halos anim na raang kalalakihan.
|
||
|
\v 16 Si Saul, kanyang anak na lalaking si Jonatan, at ang mga tao na naroon kasama nila, ay nanatili sa Geba ng Benjamin. Subalit nagkampo ang mga Filisteo sa Micmas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Dumating ang mga mananalakay mula sa kampo ng mga Filisteo sa tatlong pangkat. Isang pangkat ay patungong Ofra, sa lupain ng Sual.
|
||
|
\v 18 Ang ibang pangkat ay patungong Beth-horon, at ang ibang pangkat ay patungo sa hangganan na nakatanaw sa lambak ng Zeboim patungo sa ilang.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Walang mahanap na panday sa buong Israel, dahil sinabi ng mga Filisteo, "Kung hindi gagawa ang mga Hebreo ng mga espada o mga sibat para sa kanilang mga sarili."
|
||
|
\v 20 Subalit ang lahat ng kalalakihan ng Israel ay sanay na bumaba sa mga Filisteo, bawat isa upang hasain ang tulis ng kanyang arado, kanyang asarol, kanyang palakol, at kanyang karit.
|
||
|
\v 21 Ang bayad ay ikadalawang bahagi ng isang sekel para sa tulis ng arado, at sa mga asarol, at isangkatlo ng isang sekel para sa paghahasa ng mga palakol at para sa pagpapatuwid ng mga pantaboy.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Kaya sa araw ng labanan, walang mga espada o mga sibat na makikita sa mga kamay ng alinmang sundalo na kasama nina Saul at Jonatan; sina Saul at kanyang anak na lalaki na si Jonatan lamang ang mayroon nito.
|
||
|
\v 23 Ang kuta ng mga Filisteo ay pumunta sa lagusan ng Micmas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 14
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Isang araw, sinabi ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul sa kanyang batang tagapagdala ng baluti, "Halika, pumunta tayo sa kuta ng mga Filisteo sa kabilang panig." Subalit hindi niya sinabihan ang kanyang ama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Nanatili si Saul sa dakong labas ng bayan ng Gibea sa ilalim ng punong granada na nasa Migron. Mga anim na raang kalalakihan ang kasama niya,
|
||
|
\v 3 kasama si Ahias anak na lalaki ni Ahitob (kapatid na lalaki ni Icabod) anak na lalaki ni Pinehas na anak na lalaki ni Eli, ang pari ni Yahweh sa Shilo, na nakasuot ng isang epod. Hindi alam ng mga tao na nawala si Jonatan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sa pagitan ng mga lagusan, na nilalayon ni Jonatan na tawirin papunta sa kuta ng mga Filisteo, may isang mabatong talampas sa isang bahagi, at isang mabatong talampas sa isa pang bahagi. Ang pangalan ng isang talampas ay Bozez, at ang pangalan ng isa pa ay Sene.
|
||
|
\v 5 Ang isang matarik na talampas ay pumaitaas sa hilaga sa harap ng Micmas, at ang isa sa timog sa harap ng Geba.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Sinabi ni Jonatan sa kanyang batang tagapagdala ng baluti, "Halika, tumawid tayo papunta sa kuta nitong mga taong di tuli. Maaring kumilos si Yahweh sa ngalan natin, sapagkat walang makakapigil kay Yahweh mula sa pagligtas sa pamamagitan ng marami o kaunting tao."
|
||
|
\v 7 Sumagot ang kanyang tagapagdala ng baluti, "Gawin mo ang lahat ng bagay na nasa puso mo. Sige, tingnan mo, kasama mo ako upang sundin ang lahat ng mga iniutos mo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Jonatan, "Tatawid tayo papunta sa mga kalalakihan, at ilalantad natin ang ating mga sarili sa kanila.
|
||
|
\v 9 Kapag sasabihin nila sa atin, "Maghintay kayo diyan hanggang sa dumating kami sa inyo'—kung gayon mananatili tayo sa ating lugar at hindi tatawid papunta sa kanila.
|
||
|
\v 10 Subalit kung sasagot sila, 'Pumunta kayo dito sa amin,' kung gayon tatawid tayo; dahil ibinigay sila ni Yahweh sa atin. Ito ang magiging tanda sa atin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Kaya pareho nilang inilantad ang kanilang mga sarili sa kuta ng mga Filisteo. Sinabi ng mga Palestina, "Masdan ninyo, ang mga Hebreo ay lumalabas sa mga butas kung saan sila nagtatago."
|
||
|
\v 12 Pagkatapos tumawag ang kalalakihan ng kampo kina Jonatan at sa kanyang tagapagdala ng baluti, at sinabi, "Umakyat kayo dito sa amin, at papakitaan namin kayo ng isang bagay." Sinabi ni Jonatan sa kanyang tagapagdala ng baluti, "Sumunod ka sa akin, dahil ibinigay sila ni Yahweh sa kamay ng Israel."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Umakyat si Jonatan gamit ang kanyang mga kamay at paa, at sumunod sa kanyang likuran ang kanyang tagapagdala ng baluti. Pinatay ni Jonatan ang mga Filisteo sa harapan, at pinatay ng kanyang tagapagdala ng baluti sa kanyang likuran.
|
||
|
\v 14 Iyan ang unang pagsalakay na ginawa nina Jonatan at kanyang tagapagdala ng baluti, nakapatay ng halos dalawampung kalalakihan sa loob ng halos kalahati ng haba ng isang tudling sa isang ektarya ng lupa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 May isang kaguluhan sa kampo, sa bukid, at sa mga tao. Kahit na ang kuta at ang mananalakay ay nagkagulo. Lumindol ang mundo, at may isang malawakang kaguluhan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Pagkatapos tumingin ang mga bantay ni Saul sa Gibea ng Benjamin; ang pangkat ng mga ni Jonatan ay naghiwa-hiwalay, at sila ay nagpaparoon at parito.
|
||
|
\v 17 Pagkatapos sinabi ni Saul sa mga tao na kasama niya, "Magbilang kayo at hanapin ninyo kung sino ang nawawala sa atin." Nang mabilang nila, si Jonatan at ang kanyang tagapagdala ng baluti ang mga nawawala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Sinabi ni Saul kay Ahias, "Dalhin ang epod ng Diyos dito"—sapagkat isinuot ni Ahias ang epod nang araw na iyon kasama ng mga sundalo ng Israel.
|
||
|
\v 19 Habang nagsasalita si Saul sa pari, ang kaguluhan sa kampo ng mga ni Filisteo ay nagpatuloy at lumalawak. Pagkatapos sinabi ni Saul sa pari, "Alisin ang iyong kamay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Nagsama-sama si Saul at lahat ng mga taong kasama niya at pumunta sa labanan. Ang bawat espada ng ni Jonatan ay laban sa kanyang kapwa tao, at nagkaroon ng matinding kalituhan.
|
||
|
\v 21 Ngayon iyong mga Hebreo na dati ay kasama ng mga ni Filisteo at iyong kasama nila sa kampo, kahit sila ay umanib sa mga Israelita na kasama nila Saul at Jonatan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Nang tinago ng lahat ng kalalakihan ng Israel ang kanilang sarili sa mga burol malapit sa Efraim narinig nila na tumatakas ang mga Filisteo, kahit na hinabol sa nila sila sa labanan.
|
||
|
\v 23 Kaya iniligtas ni Yahweh ang Israel nang araw na iyon, at lumagpas ang labanan sa dako ng Beth-aven.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Sa araw na iyon ang kalalakihan ng Israel ay nabalisa dahil inilagay ni Saul ang mga tao sa ilalim ng isang panunumpa at sinabi, "Susumpain ang taong kakain ng anumang pagkain hanggang gabi at naipaghiganti ako sa aking mga kaaway." Kaya wala sa mga hukbo ang tumikim ng pagkain.
|
||
|
\v 25 Pagkatapos pumasok ng kagubatan ang lahat ng mga tao at may mga pulot sa ibabaw ng lupa.
|
||
|
\v 26 Nang pumasok ang mga tao sa kagubatan, dumaloy ang pulot, subalit wala ni isa ang naglagay ng kanyang kamay sa kanyang bibig dahil kinatakutan ng mga tao ang panunumpa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Subalit hindi narinig ni Jonatan na binigkis ng kanyang ama ang mga tao sa isang panunumpa. Inabot niya ang dulo ng kanyang tungkod na nasa kanyang kamay at inilublob ito sa pulot-pukyutan. Itinaas niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig, at lumiwanag ang kanyang mga mata.
|
||
|
\v 28 Pagkatapos sumagot ang isa sa mga tao, "Mahigpit na binilinan ng iyong ama ang mga tao ng may panunumpa, sa pagsasabing, 'Susumpain ang tao na kakain ng pagkain sa araw na ito,' kahit na mahina na ang mga tao mula sa gutom."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Pagkatapos sinabi ni Jonatan, "Gumawa ang ama ko ng gulo sa lupain. Masdan kung paano lumiwanag ang aking mga mata dahil tumikim ako ng kaunti ng pulot na ito.
|
||
|
\v 30 Ano pa kaya kung malayang kumain ang mga tao ngayon sa pandarambong mula sa kanilang mga kaaway na kanilang natagpuan? Subalit ngayon ang patayan ay hindi matindi sa mga Filisteo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Sinalakay nila ang mga Filisteo sa araw na iyon mula Micmas hanggang Ahilon. Pagod na pagod ang mga tao.
|
||
|
\v 32 Sumugod nang may kasakiman ang mga tao sa pandarambong at kumuha ng mga tupa, mga baka at mga bisiro, at pinatay ang mga ito sa lupa. Kinain ng mga tao ang mga ito kasama ang dugo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 33 Pagkatapos sinabihan nila si Saul, "Tingnan mo, nagkakasala ang mga tao laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagkain na may dugo." Sinabi ni Saul, "Kumilos kayo ng hindi tapat. Ngayon, magpagulong kayo ng isang malaking bato dito sa akin."
|
||
|
\v 34 Sinabi ni Saul, "Pumunta kayo sa mga tao, at sabihan sila, 'Hayaang dalhin ng bawat tao ang kanyang kapong baka at kanyang mga tupa, patayin ang mga ito dito, at kainin. Huwag magkasala laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagkain kasama ang dugo.'" Kaya dinala ng bawat tao ang kanyang sariling kapong baka kasama niya nang gabing iyon at pinatay ang mga ito roon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 35 Gumawa si Saul ng isang altar kay Yahweh, na naging unang altar na ginawa niya kay Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 36 Pagkatapos sinabi ni Saul, "Habulin natin ang mga Filisteo sa gabi at dambungan sila hanggang umaga; huwag tayong magtira ng buhay sa isa sa kanila." Sumagot sila, "Gawin kung anong sa tingin mo ay mabuti." Subalit sinabi ng pari, "Lapitan natin ang Diyos dito."
|
||
|
\v 37 Tinanong ni Saul ang Diyos, "Dapat ko bang habulin ang mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel?" Subalit hindi siya sinagot ng Diyos nang araw na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 38 Pagkatapos sinabi ni Saul, "Pumarito kayo, lahat kayong mga pinuno ng mga tao; matuto kayo at tingnan kung paano nangyari ang kasalanang ito ngayon.
|
||
|
\v 39 Sapagkat, habang nabubuhay si Yahweh, siyang nagligtas sa Israel, kahit na ito ay si Jonatan na anak kong lalaki, siya ay tiyak na mamamatay." Subalit wala sa kalalakihan sa mga tao ang sumagot sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 40 Pagkatapos sinabi niya sa buong Israel, "Dapat kayong tumayo sa isang panig, at ako at si Jonatan na aking anak ay sa kabila." Sinabi ng mga tao kay Saul, "Gawin mo kung ano ang mukhang mabuti para sa iyo."
|
||
|
\v 41 Kaya nga sinabi ni Saul kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, "Ipakita ang ginamit sa palabunutan." Sina Jonatan at Saul ang nakuha sa palabunutan, subalit nakaligtas ang mga tao mula sa pagpili.
|
||
|
\v 42 Pagkatapos sinabi ni Saul, "Magpalabunutan tayo sa pagitan ko at sa aking anak na si Jonatan." Pagkatapos nakuha si Jonatan sa palabunutan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 43 Pagkatapos sinabi ni Saul kay Jonatan, "Sabihan mo ako kung ano ang nagawa mo." Sinabihan siya ni Jonatan, "Tumikim ako ng kaunting pulot gamit ang dulo ng bara na nasa aking kamay. Narito ako; mamamatay ako."
|
||
|
\v 44 Sinabi ni Saul, "Gawin ng Diyos at higit din sa akin, kung hindi ka mamatay, Jonatan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 45 Pagkatapos sinabi ng mga tao kay Saul, "Dapat bang mamatay si Jonatan, na siyang nagdala nitong dakilang tagumpay para sa Israel? Higit pa rito! Habang nabubuhay si Yahweh, walang isang buhok sa kanyang ulo ang mahuhulog sa lupa, dahil kumilos siya kasama ang Diyos ngayon." Kaya iniligtas ng mga tao si Jonatan kaya hindi siya namatay.
|
||
|
\v 46 Pagkatapos pinatigil ni Saul ang pagtugis sa mga Filisteo, at pumunta ang mga Filisteo sa kanilang sariling lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 47 Nang magsimula si Saul na mamuno sa Israel, nakipaglaban siya sa lahat ng kanyang mga kaaway sa bawat panig. Nakipaglaban siya sa Moab, sa mga tao ng Ammon, Edom, sa mga hari ng Zobah, at sa mga Filisteo. Saan man siya bumaling, nagpatupad siya ng parusa sa kanila.
|
||
|
\v 48 Kumilos siya na may kagitingan at tinalo ang mga Amalekita. Iniligtas niya ang Israel mula sa mga kamay ng mga dumambong sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 49 Ang mga anak na lalaki ni Saul ay sina Jonatan, Isui, at Melquisua. Ang mga pangalan ng kanyang dalawang anak na babae ay Merab, ang panganay, at Mical, ang nakababata.
|
||
|
\v 50 Ang pangalan ng asawa ni Saul ay Ahinoam; siya ang anak na babae ni Ahimaaz. Ang pangalan ng kapitan ng kanyang hukbo ay Abner anak na lalaki ni Ner, tiyuhin ni Saul.
|
||
|
\v 51 Si Kish ang ama ni Saul; at si Ner, ang ama ni Abner, na anak na lalaki ni Abiel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 52 May matinding labanan laban sa mga Filisteo sa lahat ng araw ni Saul. Kapag makakita si Saul ng sinumang malakas na tao, o sinumang matapang na tao, inilalapit niya ang kanyang sarili.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 15
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinabi ni Samuel kay Saul, "Ipinadala ako ni Yahweh upang buhusan ka ng langis para maging hari sa kanyang bayang Israel. Ngayon makinig ka sa mga salita ni Yahweh.
|
||
|
\v 2 Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Natandaan ko kung ano ang ginawa ng Amalek sa Israel sa paglaban sa kanila sa daan, nang lumabas sila sa Ehipto.
|
||
|
\v 3 Ngayo'y humayo at lusubin ang Amalek at ganap na lipulin ang lahat ng meron sila. Huwag silang paligtasin subalit patayin ang kapwa lalaki at babae, bata at sanggol, lalaking baka at tupa, kamelyo at asno."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ipinatawag ni Saul ang mga tao at binilang sila sa lungsod ng Telem: dalawang daang libong naglalakad, at sampung libong kalalakihan ng Juda.
|
||
|
\v 5 Pagkatapos dumating si Saul sa lungsod ng Amalek at naghintay sa lambak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pagkatapos sinabi ni Saul sa mga Kenita, "Humayo, umalis, lumabas mula sa mga Amalek, upang hindi ko kayo lipulin kasama nila. Sapagkat nagpakita kayo ng kagandahang-loob sa lahat ng tao sa Israel, nang dumating sila mula Ehipto." Kaya lumayo ang mga Kenita mula sa mga Amalek.
|
||
|
\v 7 Pagkatapos nilusob ni Saul ang mga Amalek, mula Avila hanggang sa layo ng Shur, na nasa silangan ng Ehipto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Pagkatapos dinala niyang buhay si Agag ang hari ng mga Amalek; tuluyan niyang nilipol ang lahat ng mga tao gamit ang talim ng espada.
|
||
|
\v 9 Subalit itinira ni Saul at ng mga tao si Agag, pati na rin ang pinakamabuti sa mga tupa, mga baka, mga pinatabang bisiro, at ang mga tupa. Lahat ng bagay na mabuti, hindi nila winasak. Sapagkat ganap nilang winasak ang anumang bagay na kinasuklaman at walang halaga.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pagkatapos dumating ang salita ni Yahweh kay Samuel, nagsasabing,
|
||
|
\v 11 "Nalulungkot akong ginawa kong hari si Saul, dahil tumalikod siya sa pagsunod sa akin at hindi tinupad ang aking mga kautusan." Galit si Samuel; buong gabi siyang umiyak kay Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Bumangon ng maaga si Samuel upang puntahan si Saul. Sinabihan si Samuel, "Dumating si Saul sa Carmel at nagtayo siya ng isang bantayog sa kanyang sarili, pagkatapos lumihis at nagpatuloy pababa sa Gilgal."
|
||
|
\v 13 Pagkatapos dumating si Samuel kay Saul, at sinabi ni Saul sa kanya, "Pinagpala ka sa pamamagitan ni Yahweh! Natupad ko na ang utos ni Yahweh."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Sinabi ni Samuel, "Ano pala itong pag-unga ng mga tupa sa aking mga tainga, at ang ungal ng mga baka na aking narinig?"
|
||
|
\v 15 Sumagot si Saul, "Dinala nila ang mga ito mula sa mga Amalek. Sapagkat itinira ng mga tao ang pinakamabuti sa mga tupa at sa mga baka, upang ialay kay Yahweh na iyong Diyos. Ang natitira ay ganap naming winasak."
|
||
|
\v 16 Pagkatapos sinabi ni Samuel kay Saul, "Sandali lang, at sasabihin ko sa iyo kung ano ang sinabi ni Yahweh sa akin ngayong gabi." Sinabi ni Saul sa kanya, "Magsalita!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Sinabi ni Samuel, "Kahit na ikaw ay maliit sa sarili mong paningin, hindi kaba naging pinuno ng mga lipi ng Israel? At hinirang ka ni Yahweh bilang hari ng Israel;
|
||
|
\v 18 Ipinadala ka ni Yahweh sa iyong sariling paraan at sinabi, "Humayo at ganap na lipulin ang mga taong makasalanan, ang mga Amalek, at makipaglaban sa kanila hanggang sila ay malipol.'
|
||
|
\v 19 Bakit hindi mo sinunod ang boses ni Yahweh, subalit sa halip sinamsam mo ang nadambong at gumawa ng masama sa paningin ni Yahweh?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Pagkatapos sinabi ni Saul kay Samuel, "Sa katunayan ay sinunod ko ang boses ni Yahweh, at pumunta sa daan na ipinadala ako ni Yahweh. Nabihag ko si Agag, ang hari ng Amalek, at ganap na nilipol ang mga Amalek.
|
||
|
\v 21 Subalit kumuha ang mga tao ng ilan sa nadambong—mga tupa at mga lalaking baka, ang pinakamabuti sa mga bagay na itinalaga sa pagkawasak, upang ialay kay Yahweh na inyong Diyos sa Gilgal."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Sumagot si Samuel, "Mas nagagalak ba si Yahweh sa mga handog na susunugin at mga alay, kaysa sa pagsunod sa boses ni Yahweh? Ang pagsunod ay maigi kaysa sa alay, at ang pakikinig ay maigi kaysa sa taba ng mga lalaking tupa.
|
||
|
\v 23 Sapagkat ang paghihimagsik ay tulad ng kasalanan ng panghuhula, at pagkasutil at tulad ng kasamaan at katampalasan. Dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, tinanggihan ka rin niya mula sa pagiging hari."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Pagkatapos sinabi ni Saul kay Samuel, "Nagkasala ako; dahil binali ko ang kautusan ni Yahweh at ang iyong mga salita, dahil takot ako sa mga tao at sinunod ang kanilang boses.
|
||
|
\v 25 Ngayon, pakiusap patawarin ang aking kasalanan, at bumalik kasama ko upang maaari kong sambahin si Yahweh."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Sinabi ni Samuel kay Saul, "Hindi ako babalik kasama mo; dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, at tinanggihan ka ni Yahweh mula sa pagiging hari sa Israel."
|
||
|
\v 27 Habang patalikod si Samuel upang umalis, hinawakan ni Saul ang tupi ng kanyang damit at napunit ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Sinabi ni Samuel sa kanya, "Kinuha ni Yahweh ang kaharian ng Israel mula sa iyo ngayon at ibinigay ito sa isang kapwa mo, isa na mas mabuti kaysa sa iyo.
|
||
|
\v 29 Gayundin, ang Lakas ng Israel ay hindi magsisinungaling ni babaguhin ang kanyang isip; sapagkat siya ay hindi isang tao, na dapat niyang baguhin ang kanyang isip."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Pagkatapos sinabi ni Saul, "Nagkasala ako. Subalit pakiusap parangalan mo ako ngayon sa harapan ng mga nakakatanda ng aking mga tao at sa harapan ng Israel. Bumaling ka muli kasama ko, para masamba ko si Yahweh na iyong Diyos."
|
||
|
\v 31 Kaya bumaling muli si Samuel kay Saul, at sinamba ni Saul si Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Pagkatapos sinabi ni Saul, "Dalhin si Agag ang hari ng mga Amalek dito sa akin." Pumunta si Agag sa kanya na nakagapos sa mga kadena at sinabi, "Tiyak na lumipas na ang pait ng kamatayan."
|
||
|
\v 33 Sumagot si Samuel, "Sa pamamagitan ng iyong espada ginawang walang anak ang mga babae, kaya ang iyong ina ay magiging walang anak kasama ng mga kababaihan." Pagkatapos tinadtad ni Samuel si Agag ng pira-piraso sa harapan ni Yahweh sa Gilgal.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Pumunta si Samuel sa Rama at umakyat si Saul sa kanyang bahay sa Gibea ni Saul.
|
||
|
\v 35 Hindi nakita ni Samuel si Saul hanggang sa araw ng kanyang kamatayan, sapagkat nagluksa siya kay Saul. At nalungkot si Yahweh na kanyang ginawang hari si Saul ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 16
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Samuel, "Hanggang kailan ka magluluksa para kay Saul, yamang tinanggihan ko siya mula sa pagiging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay na sisidlan at umalis. Ipapadala kita kay Jesse na taga-Bethlehem, sapagkat pumili ako para sa aking sarili ng isang hari sa kanyang mga anak na lalaki."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Sinabi ni Samuel, "Paano ako pupunta? Kung marinig ito ni Saul, papatayin niya ako." Sinabi ni Yahweh, "Magdala ka ng dumalagang baka at sabihin, 'Pumarito ako para mag-alay kay Yahweh.'
|
||
|
\v 3 Tawagin mo si Jesse para mag-alay, at ipapakita ko sa iyo kung ano ang iyong gagawin. Bubuhusan mo ng langis para sa akin ang isa na sasabihin ko sa iyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ginawa ni Samuel ang sinabi ni Yahweh at pumunta sa Bethlehem. Nanginginig ang mga nakakatanda ng lungsod habang sinasalubong siya at sinabi, "Pumarito ka ba para sa kapayapaan?"
|
||
|
\v 5 Sinabi niya, "Sa kapayapaan; naparito ako upang mag-alay kay Yahweh. Italaga ang iyong sarili kay Yahweh para sa alay at sumama kayo sa akin." At itinalaga niya si Jesse at ang kanyang mga anak na lalaki kay Yahweh, at pagkatapos tinawag niya sila sa pag-aalay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Nang dumating sila, tumingin siya kay Eliab at sinabi niya sa kanyang sarili na ang pinili ni Yahweh ay tunay na nakatindig sa harapan niya.
|
||
|
\v 7 Ngunit sinabi ni Yahweh kay Samuel, "Huwag kang tumingin sa kanyang panlabas na anyo, o sa taas ng kanyang tindig; dahil tinanggihan ko siya. Sapagka't hindi tumitingin si Yahweh katulad nang pagtingin ng tao; sa panlabas na anyo tumitingin ang tao, ngunit sa puso tumitingin si Yahweh."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Pagkatapos tinawag ni Jesse si Abinadab at pinaraan sa harapan ni Samuel. At sinabi ni Samuel, "Hindi rin siya ang pinili ni Yahweh."
|
||
|
\v 9 Pagkatapos pinaraan ni Jesse si Samma. At sinabi ni Samuel, "Hindi rin siya ang pinili ni Yahweh."
|
||
|
\v 10 Pinaraan ni Jesse ang pito sa kanyang mga anak na lalaki sa harapan ni Samuel. At sinabi ni Samuel kay Jesse, "Hindi pinili ni Yahweh ang sinuman sa mga ito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pagkatapos sinabi ni Samuel kay Jesse, "Narito ba lahat ng iyong mga anak na lalaki?" Sumagot siya, "Natitira pa ang bunso, ngunit nagpapastol siya ng mga tupa." Sinabi ni Samuel kay Jesse, "Ipasundo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa dumating siya rito."
|
||
|
\v 12 Nagpadala si Jesse at ipinasundo siya. Ngayon ang binatilyong ito ay malusog at may magandang mga mata at makisig na anyo. Sinabi ni Yahweh, "Tumayo ka, buhusan mo siya ng langis; sapagka't siya na iyon."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pagkatapos kinuha ni Samuel ang sungay ng langis at binuhusan siya sa gitna ng kanyang mga kapatid na lalaki. Mula sa araw na iyon lumukob ang Espiritu ni Yahweh kay David. Pagkatapos bumangon si Samuel at pumunta sa Rama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Ngayon ang Espiritu ni Yahweh ay umalis na kay Saul, at sa halip isang masamang espiritu na mula kay Yahweh ang bumagabag sa kanya.
|
||
|
\v 15 Sinabi ng lingkod ni Saul sa kanya, "Tingnan mo, isang masamang espiritu mula sa Diyos ang bumabagabag sa iyo.
|
||
|
\v 16 Hayaang mo na ang aming panginoon ang mag-utos sa iyong mga alipin na nasa iyong harapan na humanap ng isang taong may kasanayang tumugtog ng alpa. At kapag nasa iyo ang masamang espiritu na mula sa Diyos, patutugtugin niya ito at bubuti ang pakiramdam mo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod, "Maghanap kayo para sa akin ng makakatugtog nang mabuti at dalhin siya sa akin."
|
||
|
\v 18 Pagkatapos isa sa mga binata ang sumagot, at sinabi, "Nakita ko ang anak na lalaki ni Jesse na taga-Bethlehem, na bihasa sa panunugtog, isang malakas, matapang na lalaki, isang lalaking mandirigma, matalino sa pananalita, isang makisig na lalaki; at kasama niya si Yahweh."
|
||
|
\v 19 Kaya't nagpadala ng mga mensahero si Saul kay Jesse, at sinabi, "Ipadala mo sa akin ang anak mong si David, na kasama ng mga tupa."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Kumuha si Jesse ng isang asnong may kargang tinapay, isang sisidlan ng alak, at isang batang kambing, at ipinadala sila sa pamamagitan ng kanyang anak na si David kay Saul.
|
||
|
\v 21 Pagkatapos pumunta si David kay Saul at naglingkod sa kanya. Labis siyang minahal ni Saul, at siya ay naging tagadala ng kanyang baluti.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Ipinasabi ni Saul kay Jesse, "Hayaang mong tumayo si David sa harapan ko, sapagkat nakasumpong siya ng biyaya sa aking paningin."
|
||
|
\v 23 Sa tuwing na kay Saul ang masamang espiritu na mula sa Diyos, kinukuha ni David ang alpa at tinutugtog ito. Kaya nagiginhawahan si Saul at bumubuti, at aalis sa kanya ang masamang espiritu.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 17
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ngayon tinipon ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo para sa labanan. Nagtipon sila sa Soco, na nabibilang sa Juda. Nagkampo sila sa pagitan ng Soco at Azeka, sa Epesdammim.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Nagtipon at nagkampo si Saul at ang kalalakihan ng Israel sa lambak ng Ela, at nagsihanay upang makipaglaban sa mga Filisteo.
|
||
|
\v 3 Nakatayo ang mga Filisteo sa isang bundok sa kabilang dako at nakatayo naman ang mga Israelita sa isang bundok sa kabilang dako na may isang lambak ang nakapagitan sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Isang malakas na tao ang lumabas mula sa kampo ng mga Filisteo, isang taong nagngangalang Goliat na mula sa Gat, na ang tangkad ay anim na kubit at isang dangkal.
|
||
|
\v 5 Mayroon siyang isang salakot na tanso sa kanyang ulo, at nasusuutan siya ng isang baluti sa katawan. Tumitimbang ang baluti ng limang libong siklong tanso.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Mayroon siyang tansong baluti sa kanyang mga binti at isang sibat na tanso sa pagitan ng kanyang mga balikat.
|
||
|
\v 7 At ang hawakan ng kanyang sibat ay malaki, na may isang silong panghabi para sa paghahagis nito gaya ng tali sa isang panghabi ng manghahabi. Tumitimbang ang ulo ng kanyang sibat ng anim na raang siklong bakal. Ang kanyang tagadala ng kalasag ay nauuna sa kanya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Tumayo siya at sumigaw sa mga hukbo ng Israel, "Bakit kayo lumabas para humanay sa pakikipaglaban? Hindi ba ako isang Filisteo, at hindi ba kayo mga lingkod ni Saul? Pumili kayo ng isang lalaki para sa inyong sarili at hayaan siyang bumaba rito sa akin.
|
||
|
\v 9 Kung kaya niya akong labanan at mapatay ako, sa gayon magiging mga alipin ninyo kami. Ngunit kung matalo at mapatay ko siya, sa gayon magiging mga lingkod namin kayo at maglingkod sa amin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Muling sinabi ng Filisteo, "Hinahamon ko ang mga hukbo ng Israel ngayon. Bigyan ninyo ako ng isang tao para makapaglaban kami."
|
||
|
\v 11 Nang marinig ni Saul at ng buong Israel ang sinabi ng Filisteo, pinanghinaan sila ng loob at labis na natakot.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ngayon si David ay anak ng Efrateo ng Betlehem sa Juda, na nagngangalang Jesse. Mayroong siyang walong anak na lalaki. Isang matandang lalaki si Jesse sa panahon ni Saul, higit sa gulang sa mga kalalakihan.
|
||
|
\v 13 Sumunod ang tatlong anak ni Jesse kay Saul sa pakikipaglaban. Ang pangalan ng tatlong anak niyang lalaki na sumama sa labanan ay sina Eliab ang panganay, pangalawa sa kanya si Abinadab, at ang pangatlo ay si Shamma.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Si David ang bunso. Sumunod kay Saul ang tatlong pinakamatanda.
|
||
|
\v 15 Ngayon nagpapabalik-balik si David sa pagitan ng hukbo ni Saul at ng mga tupa ng kanyang ama sa Betlehem, upang pakainin ang mga ito.
|
||
|
\v 16 Lumalapit sa umaga at gabi ang malakas na taong Filisteo sa loob ng apatnapung araw upang iharap ang kanyang sarili sa labanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Pagkatapos sinabi ni Jesse sa kanyang anak na si David, "Dalahan mo ang iyong mga kapatid ng epa ng butil na sinangag at itong sampung tinapay at dalhin agad ang mga ito sa kampo para sa iyong mga kapatid mo.
|
||
|
\v 18 Dalahin mo din ang sampung kesong ito sa kapitan ng kanilang libo. Tingnan mo kung ano ang kalagayan ng iyong mga kapatid na lalaki at magdala ka pabalik ng ilang patunay na mabuti ang kanilang kalagayan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Kasama ni Saul ang iyong mga kapatid at lahat ng kalalakihan ng Israel sa lambak ng Ela, na nakikipaglaban sa mga Filisteo."
|
||
|
\v 20 Bumangon si David ng maaga kinaumagahan at iniwan ang kawan ng tupa sa pangangalaga ng isang pastol. Kinuha niya ang mga gamit at umalis, gaya ng iniutos ni Jesse sa kanya. Pumunta siya sa kampo habang lumalabas ang hukbo sa larangan ng digmaan na isinisigaw ang sigaw pandigma.
|
||
|
\v 21 At nagsihanay ang Israel at mga Filisteo para sa labanan, hukbo laban sa hukbo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Iniwan ni David ang kanyang mga dala sa tagapag-ingat ng mga gamit, tumakbo sa mga hukbo, at binati ang kanyang mga kapatid.
|
||
|
\v 23 Habang nakikipag-usap siya sa kanila, lumabas mula sa hukbo ng Filisteo ang isang malakas na tao, ang taga-Filisteo ng Gat, na Goliat ang pangalan, at sinabi ang ganoon ding mga salita.
|
||
|
\v 24 At narinig ni David ang mga ito. Nang makita ng lahat ng kalalakihan ng Israel ang lalaki, tumakas sila mula sa kanya at takot na takot sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel, "Nakita ba ninyo ang taong dumating dito? Naparito siya upang hamunin ang Israel. At bibigyan ng hari ng maraming kayamanan ang taong makakapatay sa kanya, ibibigay sa kanya ang kanyang anak na babae para mapangasawa, at hindi na pababayarin ang sambahayan ng kanyang ama mula sa pagpapabuwis sa Israel."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Sinabi ni David sa mga kalalakihang nakatayo sa tabi niya, "Ano ang gagawin sa taong makakapatay sa Filisteong ito at mag-aalis ng kahihiyan mula sa Israel? Sino ang hindi tuling Filisteo ito na humahamon sa mga hukbo ng buhay na Diyos?"
|
||
|
\v 27 Pagkatapos inulit ng mga tao kung ano ang kanilang sinasabi at sinabihan siya, "Ganito ang gagawin sa taong makakapatay sa kanya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Narinig ng kanyang pinakamatandang kapatid na si Eliab nang nakipag-usap siya sa mga kalalakihan. Nag-alab ang galit ni Eliab laban kay David, at sinabi niya, "Bakit ka pumunta dito? Kanino mo iniwan ang ilang tupa na nasa desyerto? Alam ko ang iyong pagmamataas, at ang katusuhan sa iyong puso; dahil pumunta ka dito upang makita mo ang labanan."
|
||
|
\v 29 Sinabi ni David, "Ano ang nagawa ko ngayon? Hindi ba isang tanong lang iyon?"
|
||
|
\v 30 Tumalikod siya sa kanya tungo sa iba, at nagsalita sa ganoon ding paraan. Sumagot ang mga tao ng parehong bagay gaya ng kanina.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Nang marinig ang mga salitang sinabi ni David, inulit ng mga sundalo ang mga ito kay Saul, at ipinatawag niya si David.
|
||
|
\v 32 Pagkatapos sinabi ni David kay Saul, "Hayaang walang puso ang mabigo dahil sa Filisteong iyon; pupunta ang iyong lingkod at makikipaglaban sa Filisteong ito."
|
||
|
\v 33 Sinabi ni Saul kay David, "Hindi mo kayang pumunta sa Filisteong iyon para makipaglaban sa kanya; sapagkat isang kabataan ka lamang, at isa siyang taong mandirigma mula sa kanyang kabataan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Pero sinabi ni David kay Saul, "Isang tagapangalaga ng tupa ng kanyang ama ang iyong lingkod. Kapag dumating ang isang leon o oso at kinuha ang isang kordero sa kawan,
|
||
|
\v 35 hinahabol ko ito at sinasalakay ito, at inililigtas ito mula sa kanyang bibig. At kapag lumaban ito sa akin, hinuhuli ko ito sa kanyang balbas, hinahampas at pinapatay ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 36 Parehong pinatay ng iyong lingkod ang isang leon at isang oso. Ang hindi tuling Filisteong ito ay magiging tulad ng isa sa kanila, yamang hinahamon niya ang mga hukbo ng buhay na Diyos."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 37 Sinabi ni David, "Iniligtas ako ni Yahweh mula sa pangalmot ng leon at mula sa pangalmot ng oso. Ililigtas niya ako mula sa kamay ng Filisteong ito." Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, "Humayo ka, at sumaiyo nawa si Yahweh."
|
||
|
\v 38 Dinamitan ni Saul si David ng kanyang baluti. Inilagay niya ang isang turbanteng tanso sa kanyang ulo, at dinamitan niya siya ng isang baluti sa katawan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 39 Ibinigkis ni David ang kanyang espada sa kanyang baluti. Pero hindi na siya makalakad, dahil hindi siya nasanay sa mga ito. Pagkatapos sinabi ni David kay Saul, "Hindi ako makakalaban gamit ang mga ito, sapagka't hindi ako nasanay sa mga ito." Kaya hinubad ni David ang mga ito.
|
||
|
\v 40 Kinuha niya ang kanyang tungkod at pumili ng limang makinis na bato mula sa batis; inilagay niya ang mga ito sa kanyang supot pangpastol. Nasa kanyang kamay ang kanyang tirador habang lumalapit siya sa Filisteo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 41 Dumating ang Palestina at lumapit kay David, kasama ang tagadala ng kanyang kalasag sa kanyang harapan.
|
||
|
\v 42 Nang tumingin sa palibot ang Palestina at nakita si David, kinamuhian niya siya, sapagka't isa lamang siyang bata, at malusog na may isang magandang anyo.
|
||
|
\v 43 Pagkatapos sinabi ng Palestina kay David, "Isa ba akong aso, na pumarito kang may dalang tungkod?" At isinumpa ng Palestina si David sa pamamagitan ng kanyang mga diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 44 Sinabi ng Filisteo kay David, "Lumapit ka sa akin, at ibibigay ko ang iyong laman sa mga ibon sa kalangitan at sa mga mababanigs na hayop ng parang."
|
||
|
\v 45 Sumagot si David sa Filisteo, "Pumarito ka sa akin na may isang espada, isang sibat, at isang mahabang sibat. Ngunit pumarito ako sa iyo sa pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng mga hukbo ng Israel, na iyong kinamumuhian.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 46 Ngayon, bibigyan ako ni Yahweh ng tagumpay laban sa iyo, at papatayin kita at aalisin ang iyong ulo mula sa iyong katawan. Ngayon ibibigay ko ang mga patay na katawan ng hukbong Filisteo sa mga ibon ng kalangitan at sa mababangis na mga hayop ng mundo, upang malaman ng lahat ng mundo na may Diyos ang Israel,
|
||
|
\v 47 at upang malaman ng lahat ng nagtitipong ito na hindi nagbibigay ng tagumpay si Yahweh gamit ang espada o sibat. Sapagka't ang pakikipaglaban ay kay Yahweh, at ibibigay niya kayo sa aming mga kamay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 48 Nang tumayo ang Filisteo at lumapit kay David, sa gayon tumakbo ng mabilis si David patungo sa hukbo ng mga kaaway upang salubungin siya.
|
||
|
\v 49 Isinuot ni David ang kanyang kamay sa kanyang supot, kumuha ng isang bato mula rito, tinirador ito, at tinamaan ang Filisteo sa kanyang noo. Bumaon ang bato sa noo ng Filisteo, at sumubsob ang kanyang mukha sa lupa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 50 Tinalo ni David ang ang Palestina gamit ang isang tirador at isang bato. Tinamaan niya ang ang Palestina at pinatay siya. Walang espada sa kamay ni David.
|
||
|
\v 51 Pagkatapos tumakbo si David at tumayo sa ibabaw ng Palestina at kinuha ang kanyang espada, binunot sa lagayan ng kaniyang espada, pinatay siya, at pinugot ang kanyang ulo gamit ito. Nang makita ng mga Filisteo na patay na ang kanilang malakas na lalaki, tumakas sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 52 Pagkatapos sumigaw ang mga kalalakihan ng Israel at Juda, at hinabol nila ang mga Filisteo hanggang sa lambak at mga tarangkahan ng Ekron. Nakahandusay ang mga patay na Filisteo sa daan patungong Shaaraim, hanggang sa Gat at sa Ekron.
|
||
|
\v 53 Bumalik ang mga tao ng Israel mula sa pagtugis sa mga Filisteo, at ninakawan ang kanila kampo.
|
||
|
\v 54 Kinuha ni David ang ulo ng Filisteo at dinala ito sa Jerusalem, ngunit nilagay niya ang kanyang baluti sa kanyang tolda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 55 Nang makita ni Saul si David na lumabas laban sa mga Filisteo, sinabi niya kay Abner, ang kapitan ng hukbo, "Abner, kaninong anak ang binatang ito?" Tumugon si Abner, "Habang nabubuhay ka, hari, hindi ko alam."
|
||
|
\v 56 Sinabi ng hari, "Tanungin ninyo kung sino ang maaaring nakakaalam, kung kaninong anak ang binata."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 57 Nang makabalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo, pinuntahan siya ni Abner at dinala sa harapan ni Saul na dala ang ulo ng Palestina sa kanyang kamay.
|
||
|
\v 58 Sinabi ni Saul sa kanya, "Kaninong anak ka, binata?" At sumagot si David, "Anak ako ng iyong lingkod na si Jesse na taga-Bethlehem."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 18
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Nang matapos siyang makipag-usap kay Saul, ibinigkis ang kaluluwa ni Jonatan sa kaluluwa ni David, at minahal ni Jonatan si David bilang kanyang sariling kaluluwa.
|
||
|
\v 2 Kinuha ni Saul si David na maglingkod sa kanya sa araw na iyon; hindi niya siya hinayaang bumalik sa bahay ng kanyang ama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pagkatapos gumawa ng pakikipagkaibigang kasunduan sina Jonatan at David dahil minahal siya ni Jonatan na parang kanyang sariling kaluluwa.
|
||
|
\v 4 Hinubad ni Jonatan ang kanyang balabal na kanyang isinuot at ibinigay ito kay David kasama nang kanyang sandata, kanyang espada, pana at sinturon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Pumupunta si David saan man siya ipadala ni Saul at nagtatagumpay siya. Itinalaga siya ni Saul bilang pinuno sa kalalakihang mandirigma. Nakakalugod ito sa paningin ng lahat ng tao at sa paningin din ng mga lingkod ni Saul.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Sa kanilang pag-uwi mula sa pagtalo sa mga Filisteo, pumunta ang mga kababaihang nagmula sa lahat ng lungsod ng Israel, na nag-aawitan at nagsasayawan, para salubungin si Haring Saul, na may tamburin, kagalakan, at mga instrumentong pangmusika.
|
||
|
\v 7 Nag-aawitan ang kababaihan habang tumutugtog; inawit nila: "Pinatay ni Saul ang kanyang libu-libo, at si David ang kanyang sampung libo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Galit na galit si Saul at hindi nakalugod sa kanya ang awiting ito. Sinabi niya, "Ipinagpalagay nila kay David ang sampung libo, pero ang ipinagpalagay nila sa akin ay libu-libo lamang. Ano pa ang kanyang makukuha kundi ang kaharian?"
|
||
|
\v 9 At patuloy na minasdan ni Saul si David na may paghihinala mula sa araw na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kinabukasan sumugod ang mapanirang espiritu kay Saul mula sa Diyos. At nagsisigaw siya sa loob ng bahay. Kaya tumugtog si David ang kaniyang instrumento, gaya ng kanyang ginagawa bawat araw. Hawak ni Saul ang sibat sa kanyang kamay.
|
||
|
\v 11 Inihagis ni Saul ang sibat, sapagkat iniisip niya, "Aking itutusok si David sa dingding." Ngunit tumakas si David mula sa presensiya ni Saul dalawang ulit sa ganitong paraan.
|
||
|
\v 12 Natakot si Saul kay David, dahil kasama niya si Yahweh, ngunit hindi na kasama ni Saul.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kaya pinaalis siya ni Saul mula sa kanyang presensiya at hinirang siya na isang kumander ng isang libo. Sa ganitong paraan, lumalabas si David at pumupunta sa mga tao.
|
||
|
\v 14 Sumasagana si David sa lahat ng kanyang paraan, sapagkat kasama niya si Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Nang makita ni Saul na sumagana siya, tumayo siya nang may pagkamangha sa kanya.
|
||
|
\v 16 Pero minahal ng buong Israel at Juda si David dahil lumalabas siya at pumunta sa kanilang harapan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, "Narito ang aking panganay na anak na babae, si Merab. Ibibigay ko siya sa iyo bilang asawa. Magpakatapang ka lamang para sa akin at lumaban sa labanan ni Yahweh." Sapagkat inisip ni Saul, "Huwag hayaang pagbuhatan ko siya ng kamay, ngunit hayaang pagbuhatan siya ng kamay ng mga taga-Filisteo."
|
||
|
\v 18 Sinabi ni David kay Saul, "Sino ako? At ano ang aking buhay, o pamilya ng aking ama sa Israel, na dapat akong maging manugang ng hari?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Ngunit sa panahon nang si Merab, ang anak na babae ni Saul, ay dapat ibinigay sana kay David, ibinigay siya bilang asawa kay Adreil na taga-Meholat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Pero minahal ni Mical, na anak na babae ni Saul si David. Sinabihan nila si Saul at nakalugod ito sa kanya.
|
||
|
\v 21 Pagkatapos inisip ni Saul, "Ibibigay ko siya sa kanya, upang siya'y maging bitag sa kanya, at upang ang kamay ng mga taga-Filisteo ay maging laban sa kanya." Kaya sinabi ni Saul kay David sa pangalawang pagkakataon, "Ikaw ang aking magiging manugang na lalaki."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Inutusan ni Saul ang kanyang mga lingkod, "Palihim ninyong kausapin si David at sabihin, 'Tingnan mo, kinasisiyahan ka ng hari, at mahal ka ng lahat niyang mga lingkod. Ngayon nga, magiging manugang na lalaki ka ng hari."'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Kaya sinabi ng mga lingkod ni Saul kay David ang mga salitang ito. At sinabi ni David, "Maliit na bagay lang ba sa inyo ang maging manugang ng hari, yamang isa akong dukha, at kaunti ang kabuluhan?"
|
||
|
\v 24 Iniulat ng mga lingkod ni Saul ang mga salitang ito na sinabi ni David.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 At sinabi ni Saul, "Ganito ang inyong sasabihin kay David, 'Hindi naghahangad ang hari ng anumang dote, isang daang pinagtulian ng mga Filisteo lamang, upang mapaghigantihan ang mga kaaway ng hari."' Ngayon iniisip ni Saul na mahulog si David sa kamay ng mga Filisteo.
|
||
|
\v 26 Nang sinabi ng mga lingkod ang mga salitang ito kay David, nakalugod ito kay David na maging manugang ng hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Bago lumipas ang mga araw na iyon, humayo si David kasama ang kanyang mga tauhan at pumatay ng dalawang daang Filisteo. Dinala ni David ang kanilang pinagtulian, at ibinigay ang mga ito ng buong bilang sa hari, upang maging manugang siya ng hari. Kaya ibinigay ni Saul ang kanyang anak na si Mical sa kanya bilang asawa.
|
||
|
\v 28 At nakita at nalaman ni Saul na si Yahweh ay kasama ni David. Minahal siya ni Mical, ang anak na babae ni Saul.
|
||
|
\v 29 Mas lalong natakot si Saul kay David. Patuloy na naging kaaway ni Saul si David.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Kaya lumabas ang mga prinsipe ng Filisteo para sa digmaan, at sa tuwing lumalabas sila, nagtatagumpay si David kaysa sa lahat na mga lingkod ni Saul, kaya ang kanyang pangalan ay binigyan ng mataas na paggalang.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 19
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinabi ni Saul sa kanyang anak na si Jonatan at sa lahat ng kanyang mga lingkod na kailangan nilang patayin si David. Pero nalugod ng labis si Jonatan kay David, anak na lalaki ni Saul.
|
||
|
\v 2 Kaya sinabi ni Jonatan kay David, "gusto kang patayin ng aking amang si Saul. Kaya maging handa sa umaga at magtago sa isang lihim na lugar.
|
||
|
\v 3 Lalabas ako at tatayo sa tabi ng aking ama sa bukirin kung nasaan ka, at makikipag-usap ako sa aking ama tungkol sa iyo. Kung may malaman akong anumang bagay, sasabihin ko sa iyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Nagsalita ng magandang bagay si Jonatan patungkol kay David sa kanyang ama na si Saul at sinabi sa kanyang, "Huwag mong hayaang magkasala ang hari laban sa kanyang lingkod na si David. Sapagkat hindi siya nagkasala laban sa iyo, at nagdala ng kabutihan sa iyo ang kanyang mga gawa.
|
||
|
\v 5 Sapagkat ipinagsapalaran niya ang kanyang buhay at pinatay ang taga-Filisteo. Nagdala ng malaking tagumpay si Yahweh para sa buong Israel. Nakita mo ito at nagalak ka. Bakit ka magkakasala laban sa walang salang dugo sa pamamagitan ng pagpatay kay David nang walang dahilan?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Nakinig si Saul kay Jonatan. Sumumpa si Saul, "Habang nabubuhay si Yahweh, hindi ko siya papatayin."
|
||
|
\v 7 Pagkatapos tinawag ni Jonatan si David, sinabi ni Jonatan ang lahat ng mga bagay na ito. Dinala ni Jonatan si David kay Saul, at nasa piling niya siya tulad ng dati.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 At may digmaan muli. Humayo si David at nakipaglaban sa mga Filisteo at tinalo sila sa isang matinding patayan. Tumakas sila sa kanya.
|
||
|
\v 9 Isang mapaminsalang espiritu mula kay Yahweh ang pumunta kay Saul habang nakaupo siya sa kanyang tahanan na may sibat sa kanyang kamay, at habang nagpapatugtog si David ng kanyang panugtog.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sinubukang itusok ni Saul si David sa pader gamit ang sibat, ngunit nakaalis siya mula sa presensiya ni Saul, kaya naitusok ni Saul ang sibat sa pader. Lumayo at tumakas si David ng gabing iyon.
|
||
|
\v 11 Nagpadala si Saul ng mga mensahero sa sambahayan ni David upang bantayan siya ng sa ganun maaari niya siyang mapatay sa umaga. Sinabi sa kanya ni Mical, asawa ni David, "Kung hindi mo ililigtas ang iyong sarili ngayong gabi, bukas mapapatay ka."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Kaya pinababa ni Mical si David sa bintana. Umalis siya at lumayo at tumakas.
|
||
|
\v 13 Kumuha si Mical ng isang sambahayang diyus-diyosan at nilagay ito sa kama. Pagkatapos naglagay siya ng isang unan na gawa sa buhok ng kambing sa ulunan nito, at tinakpan ito gamit ang mga damit.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Nang magpadala si Saul ng mga mensahero para kunin si David, sinabi niyang, "May sakit siya."
|
||
|
\v 15 Pagkatapos nagpadala si Saul ng mga mensahero upang tingnan si David; sinabi niya, "Dalhin ninyo siya sa akin sa kama, upang mapatay ko siya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Nang pumasok ang mga mensahero, masdan, nasa kama ang sambahayang diyus-diyosan kasama ng unan na buhok ng kambing sa uluhan nito.
|
||
|
\v 17 Sinabi ni Saul kay Mical, "Bakit mo ako nilinlang at hinayaang umalis ang aking kaaway, kaya nakatakas siya?" Sinagot ni Mical si Saul, "Sinabi niya sa akin, 'Hayaan akong makaalis. Bakit kailangan kitang patayin?"'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Ngayon lumayo si David at tumakas, at nagtungo kay Samuel sa Rama at sinabi sa kanya ang lahat ng ginawa ni Saul sa kanya. Pagkatapos nagtungo at nanatili siya at si Samuel sa Naiot.
|
||
|
\v 19 Sinabi ito kay Saul, na sinasabing, "Tingnan mo, nasa Naiot si David sa Rama."
|
||
|
\v 20 Pagkatapos nagpadala si Saul ng mga mensahero upang hulihin si David. Nang makita nila ang samahan ng mga propetang nanghuhula, at tumatayo si Samuel bilang kanilang pinuno, nagtungo ang Espiritu ng Diyos sa mga mensahero ni Saul, at nanghula din sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Nang masabihan si Saul nito, nagpadala siya ng ibang mga mensahero at nanghula din sila. Kaya nagpadala muli si Saul ng mga mensahero sa ikatlong pagkakataon, at nanghula din sila.
|
||
|
\v 22 Pagkatapos nagtungo din siya sa Rama at dumating sa malalim na balon na nasa Secu. Tinanong niya, "Nasaan sina Samuel at David?" Mayroong nagsabing, "Tingnan, nasa Naiot sila sa Rama."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Nagpunta si Saul sa Naiot sa Rama. At dumating din ang Espiritu ng Diyos sa kanya, at nanghula siya sa pagpunta niya, hanggang sa makabalik siya sa Naiot sa Rama.
|
||
|
\v 24 At inalis niya din ang kanyang mga damit, at nanghula din siya sa harapan ni Samuel at humigang hubad sa buong araw at buong gabing iyon. Dahil dito sinabi nilang, "Kabilang na din ba si Saul sa mga propeta?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 20
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos tumakas si David mula Naiot sa Rama at dumating at sinabi kay Jonatan, "Ano ang nagawa ko? Ano ang aking kasamaan? Ano ang kasalanan ko sa harap ng iyong ama, na gustong kunin ang aking buhay?"
|
||
|
\v 2 Sinabi ni Jonatan kay David, "Malayong mangyari iyon; hindi ka mamamatay. Walang ginawa ang aking ama malaki man o maliit na hindi sinasabi sa akin. Bakit kailangang itago ng aking ama ang bagay na ito mula sa akin? Hindi ganoon."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Gayunman nangako muli si David at sinabing, "Alam na alam ng iyong ama na nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin. Nasabi niyang, 'Huwag hayaang malaman ito ni Jonatan, o magluluksa siya.' Ngunit tunay nga na habang nabubuhay si Yahweh, at habang nabubuhay ka, may isang hakbang lamang sa pagitan ko at ng kamatayan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pagkatapos sinabi ni Jonatan kay David, Anuman ang sabihin mo, gagawin ko para sa iyo."
|
||
|
\v 5 Sinabi ni David kay Jonatan, "Bukas ang bagong buwan at kailangan kong umupo para kumain kasama ng hari. Ngunit hayaan mo akong makaalis upang makapagtago ako sa bukirin hanggang sa ikatlong araw nang gabi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Kung talagang nangungulila ang ama mo sa akin, sa gayon, sabihin mo, 'Taimtim na humingi ng pahintulot na umalis si David sa akin upang makatakbo siya sa Bethlehem na kanyang lungsod; dahil taon ng pag-aalay ngayon doon para sa buong pamliya.'
|
||
|
\v 7 Kung sasabihin niyang, 'Mabuti iyon,' magkakaroon ng kapayapaan ang iyong lingkod. Ngunit kung sobrang galit siya, kung ganoon, nakapagpasiya na siya sa kasamaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Kaya makitungo ka ng may kabutihan sa iyong lingkod sa tipan ni Yahweh sa iyo. Pero kung may kasalanan ka sa akin, ikaw mismo ang pumatay sa akin; sapagkat bakit mo naman ako dadalhin sa iyong ama?"
|
||
|
\v 9 Sinabi ni Jonatan, "Malayo nawa ito sa iyo! Kung malalaman kong ipinasya ng aking ama na dumating sa iyo ang kapahamakan, hindi ko ba sasabihin sa iyo?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pagkatapos sinabi ni David kay Jonatan, "Sino ang magsasabi sa akin kung may pagkakataon na sagutin ka ng iyong ama ng magaspang?"
|
||
|
\v 11 Sinabi ni Jonatan kay David, "Halika, magtungo tayo palabas ng bukirin." At sabay silang lumabas ng bukirin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Sinabi ni Jonatan kay David, "Maging saksi nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Kapag tinanong ko ang aking ama sa mga panahong ito bukas o sa ikatlong araw, kung may magandang kalooban kay David, hindi ko ipapadala at ipaalam ito sa iyo?
|
||
|
\v 13 Kung makakalugod sa aking ama na saktan ka, gawin nawa ni Yahweh kay Jonatan at mas higit pa din kung hindi ko ipapaalam ito sa iyo at papaalisin kita, upang makahayo ka nang payapa. Sumaiyo nawa si Yahweh, gaya ng kasama niya ang aking ama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Kung buhay pa rin ako, hindi mo ba ipapakita sa akin ang tipan ng katapatan ni Yahweh, upang hindi ako mamatay?
|
||
|
\v 15 At huwag mong tuluyang putulin ang iyong tipan ng katapatan mula sa aking bahay, nang dapat pinutol na ni Yahweh ang bawat isa sa mga kalaban ni David mula sa balat ng lupa."
|
||
|
\v 16 Kaya gumawa si Jonatan ng isang tipan sa bahay ni David at sinabing, "Mangailangan nawa si Yahweh ng isang pagtatala mula sa kamay ng mga kalaban ni David."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Ipinagawa muli ni Jonatan si David ng pangako dahil sa pagmamahal na mayroon siya sa kanya, dahil minahal niya siya gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sariling kaluluwa.
|
||
|
\v 18 Pagkatapos sinabi ni Jonatan sa kanya, "Bagong buwan bukas. Hahanapin ka dahil walang uupo sa iyong upuan.
|
||
|
\v 19 Kapag nakapanatili ka na ng tatlong araw, bumaba ng mabilisan at pumunta sa lugar kung saan ka nagtago noong nangyari ang usapin at manatili sa may bato ng Ezel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Papana ako ng tatlong palaso sa gilid nito, na para bang pumapana ako sa isang patamaan.
|
||
|
\v 21 At ipapadala ko ang aking binata at sabihin sa kanyang, 'Humayo kayo at hanapin ang mga palaso.' Kung sasabihin ko sa binatang, 'Tingnan ninyo, nasa gilid mo ang mga palaso; kunin ang mga ito," pagkatapos pumarito kayo; dahil magkakaroon ng kaligtasan para sa iyo at hindi kapahamakan, habang nabubuhay si Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Ngunit kung sasabihin ko sa binatang, 'Tingnan mo, nasa likod mo ang mga palaso,' kung ganoon humayo sa iyong pupuntahan, dahil pinaalis ka ni Yahweh.
|
||
|
\v 23 Para naman sa usapang nagsalita ka at ako, tingnan mo, nasa pagitan natin si Yahweh magpakailanman."'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Kaya itinago ni David ang kanyang sarili sa bukirin. Noong dumating ang bagong buwan, umupo ang hari para kumain ng pagkain.
|
||
|
\v 25 Umupo ang hari sa kanyang upuan, gaya ng dati, sa upuan sa may pader. Tumayo si Jonatan at umupo si Abner sa tabi ni Saul. Ngunit walang nakaupo sa lugar ni David.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Gayunman walang sinabing anumang bagay si Saul sa araw na iyon dahil inisip niyang, "May nangyari sa kanya. Hindi siya malinis; tiyak na hindi siya malinis."
|
||
|
\v 27 Ngunit sa ikalawang araw, ang araw matapos ang bagong buwan, walang nakaupo sa upuan ni David. Sinabi ni Saul sa kanyang anak na lalaking si Jonatan, "Bakit hindi dumating sa kainan ang anak na lalaki ni Jesse, maging kahapon o ngayon?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Sumagot si Jonatan kay Saul, "taimtim na humingi ng pahintulot si David mula sa akin na makapunta sa Bethlehem.
|
||
|
\v 29 Sinabi niya, 'Pakiusap hayaan akong makaalis. Dahil may pag-aalay ang aming pamilya sa lungsod at inutusan ako ng aking kapatid na lalaki na pumaroon. Ngayon, kung nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin, pakiusap hayaan akong makaalis at makita ang aking mga kapatid na lalaki.' Sa kadahilanang ito hindi siya pumunta sa mesa ng hari."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Pagkatapos nag-alab ang galit ni Saul laban kay Jonatan at sinabi niya sa kanya, "Ikaw na anak ng isang tampalasan, suwail na babae! Hindi ko ba alam na pinili mo ang anak na lalaki ni Jesse sa sarili mong kahihiyan at sa kahihiyan ng kahubaran ng iyong ina?
|
||
|
\v 31 Dahil habang nabubuhay sa mundo ang anak na lalaki ni Jesse, hindi ikaw ni ang iyong kaharian ang maitatatag. Ngayon, ipadala mo siya at dalhin mo siya sa akin sapagkat tiyak na dapat siyang mamatay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Sinagot ni Jonatan si Saul na kanyang ama, "Sa anong kadahilanan dapat siyang ipapatay? Ano ang kanyang nagawa?"
|
||
|
\v 33 Pagkatapos hinagis ni Saul ang kanyang sibat upang patayin siya. Kaya alam ni Jonatan na gustong-gustong ipapatay ng kanyang ama si David.
|
||
|
\v 34 Tumayo si Jonatan sa mesa na sobrang galit at hindi kumain ng pagkain sa ikalawang araw ng buwan dahil nagluksa siya para kay David dahil hindi siya ginalang ng kanyang ama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 35 Kinaumagahan, lumabas si Jonatan papunta sa bukirin sa tipanan kay David at isang binata ang kasama niya.
|
||
|
\v 36 Sinabi niya sa kanyang binata, "Tumakbo ka at hanapin ang mga palasong ipinana ko." At sa pagtakbo ng binata, pumana siya ng isang palaso sa unahan niya.
|
||
|
\v 37 Nang dumating ang binata sa lugar kung saan nahulog ang palaso na pinana ni Jonatan, tinawag ni Jonatan ang binata at sinabing, "Hindi ba nasa unahan mo ang palaso?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 38 At tinawag ni Jonatan ang binata, "Magmadali ka, bilisan mo, huwag kang tumigil!" Kaya tinipon ng binata ni Jonatan ang mga palaso at pumunta sa kanyang panginoon.
|
||
|
\v 39 Ngunit walang alam ang binata sa anumang bagay. Tanging sina Jonatan at David ang nakakaalam ng bagay.
|
||
|
\v 40 Binigay ni Jonatan ang kanyang mga sandata sa kanyang binata at sinabi sa kanyang, "Humayo ka, dalhin ang mga ito sa lungsod."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 41 Pagkaalis na pagkaalis ng binata, tumayo si David mula sa likod ng isang tambak ng lupa, nagpatirapa sa lupa at yumuko ng tatlong beses. Hinalikan nila ang isa't-isa at magkasamang umiyak, na si David ang mas malakas ang pag-iyak.
|
||
|
\v 42 Sinabi ni Jonatan kay David, "Humayo ka ng payapa, dahil pareho tayong nangako sa pangalan ni Yahweh at sinabing, 'Pumagitna nawa si Yahweh sa iyo at sa akin at sa pagitan ng aking mga kaapu-apuhan at iyong mga kaapu-apuhan, magpakailanman.'" Pagkatapos tumayo si David at umalis at bumalik si Jonatan sa lungsod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 21
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos dumating si David sa Nob upang makita si Ahimelec na pari. Dumating si Ahimelec upang makipagkita kay David na nanginginig at sinabi sa kanyang, "Bakit ka nag-iisa at walang kasama?"
|
||
|
\v 2 Sinabi ni David kay Ahimelec na pari, "Ipinadala ako ng hari para sa misyon at sinabi sa akin, 'Huwag hayaang malaman ninuman ang kahit anong tungkol sa bagay na ipapadala ko sa iyo at kung ano ang iniutos ko sa iyo.' Inutusan ko ang mga binata sa isang tiyak na lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Ngayon sa gayon anong mayroon sa iyong kamay? Bigyan mo ako ng limang hati ng tinapay o kahit anong narito."
|
||
|
\v 4 Sinagot ng pari si David at sinabing, "Walang karaniwang tinapay sa ngayon pero mayroong banal na tinapay--kung iningatan ng mga binata ang kanilang sarili mula sa mga babae."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Sinagot ni David ang pari, "Tiyak na iniwas ang mga babae mula sa amin sa loob ng tatlong araw na ito. Nang lumabas ako, inihandog kay Yahweh ang mga katawan ng mga binata, kahit na karaniwang paglalakbay iyon. Paano pa kaya ngayon maihahandog pa ba ang mga katawan nila kay Yahweh?"
|
||
|
\v 6 Kaya ibinigay ng pari sa kanya ang tinapay na inilaan kay Yahweh. Dahil walang tinapay doon, tanging ang tinapay lang ng presensiya, na inalis mula sa harapan ni Yahweh, upang makapaglagay ng mainit na tinapay kapalit nito kapag inalis na ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ngayon naroon ang isa sa mga lingkod ni Saul sa araw na iyon, katanggap-tanggap siya sa harap ni Yahweh. Si Doeg na taga-Edom ang pangalan niya, ang pinuno ng mga pastol ni Saul.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Sinabi ni David kay Ahimelec, "Ngayon wala bang alinmang sibat o espada dito? Sapagkat hindi ko dinala ang aking espada ni aking mga sandata dahil mabilisan ang usapin ng hari."
|
||
|
\v 9 Sinabi ng pari, "Ang espada ni Goliat na Pelistina, na pinatay mo sa lambak ng Ela, ay narito na nakabalot sa isang tela sa likod ng efod. Kung gusto mong kunin iyon, kunin mo, dahil wala ng ibang sandata dito." Sinabi ni David, "Wala ng ibang espada tulad ng isang iyon; ibigay mo ito sa akin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Tumayo si David at tumakas ng araw na iyon mula kay Saul at nagpunta kay Aquis na hari ng Gat.
|
||
|
\v 11 Sinabi ng mga lingkod ni Aquis sa kanya, "Hindi ba si David ito, ang hari ng lupain? Hindi ba kumakanta sila sa isa't-isa tungkol sa kanya sa mga sayawan, 'Pinatay ni Saul ang kanyang libo-libo, at pinatay ni David ang kanyang sampung libo?'"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Isinapuso ni David ang mga salitang ito at sobrang natakot kay Aquisna hari ng Gat.
|
||
|
\v 13 Binago niya ang kanyang pag-uugali at nagkunwaring baliw sa harap nila; gumawa siya ng mga palatandaan sa mga pintuan ng tarangkahan at hinayaan ang kanyang laway na tumulo sa kanyang balbas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Pagkatapos sinabi ni Aquis sa kanyang mga lingkod, "Tingnan ninyo, makikita ninyong baliw ang lalaki. Bakit ninyo siya dinala sa akin?
|
||
|
\v 15 Kulang na ba ako sa mga taong baliw, kaya dinala ninyo ang taong ito upang umastang kagaya nitong nasa piling ko? Talaga bang papasok ang taong ito sa aking bahay?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 22
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kaya umalis si David doon at tumakas papunta sa kuweba ng Adulam. Nang marinig ito ng kanyang mga kapatid na lalaki at lahat ng nasa bahay ng kanyang ama, bumaba sila roon sa kanya.
|
||
|
\v 2 Ang bawat isang naghihirap, bawat isang may nasa pagkakautang, at bawat isang hindi kuntento--nagtipon silang lahat sa kanya. Naging kapitan si David sa kanila. Mayroong halos apat na raang kalalakihang kasama niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pagkatapos pumunta si David mula roon patungo sa Mizpe sa Moab. Sinabi niya sa hari ng Moab, "Pakiusap hayaan mo ang aking ama at aking inang lumabas kasama mo hanggang sa malaman ko kung ano ang gagawin ng Diyos para sa akin."
|
||
|
\v 4 Iniwan niya sila kasama ang hari ng Moab. Nanatili ang kanyang ama at ina na kasama niya sa buong panahon na nasa kanyang malakas na tanggulan si David.
|
||
|
\v 5 Pagkatapos sinabi ng propetang Gad kay David, "Huwag manatili sa iyong malakas na tanggulan. Umalis ka at pumunta sa lupain ng Juda." Kaya umalis doon si David at pumunta sa kagubatan ng Heret.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Narinig ni Saul na natagpuan na si David, kasama ang mga lalaking kasama niya. Ngayon nakaupo si Saul sa Gibea sa ilalim ng puno ng tamariska sa Rama na may sibat sa kanyang kamay at nakatayo ang lahat ng kanyang mga lingkod sa paligid niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod na nakatayo sa paligid niya, "Makinig kayo ngayon, bayan ng Benjamin! Makakapagbigay ba ang bawat isa sa inyong anak na lalaki ni Jesse ng mga bukirin at mga ubasan? Magagawa ba niyang gawin kayong lahat na mga kapitan ng libo-libo at kapitan ng daan-daan,
|
||
|
\v 8 kapalit ninyong lahat na nagbabalak ng masama laban sa akin? Wala sa inyo ang nagbalita sa akin nang gumawa ng tipan ang anak kong lalaki sa anak na lalaki ni Jesse. Wala sa inyo ang nalulungkot para sa akin. Wala sa inyo ang nagbalita sa akin na inudyukan ng aking anak ang aking lingkod na si David laban sa akin. Ngayon nagtatago siya at naghihintay para sa akin para masalakay niya ako."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Pagkatapos si Doeg na taga-Edom ay tumayo sa tabi ng mga lingkod ni Saul, sumagot siya, "Nakita ko ang anak na lalaki ni Jesse na pumunta sa Nob kay Ahimelec na anak na lalaki ni Ahitub.
|
||
|
\v 10 Nanalangin siya kay Yahweh na tulungan niya siya at binigyan niya siya ng mga pangangailangan at ang espada ni Goliat na Filisteo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pagkatapos nagpadala ang hari ng isang tao upang ipatawag ang paring si Ahimelec anak na lalaki ni Ahitub at ng buong sambahayan ng kanyang ama, ang mga paring nasa Nob. Lahat sila ay nagtungo sa hari.
|
||
|
\v 12 Sinabi ni Saul, "Makinig ka ngayon, anak na lalaki ni Ahitub." Sumagot siya, "Narito ako, aking panginoon."
|
||
|
\v 13 Sinabi ni Saul sa kanya, "Bakit ka nagtangka laban sa akin, ikaw at ang anak na lalaki ni Jesse, sa ginawa mong pagbibigay sa kanya ng tinapay at isang espada at nanalangin sa Diyos na tulungan nawa siya para lumaban sa akin para magtago sa lihim gaya ng ginawa niya ngayon?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Pagkatapos sumagot si Ahimelec sa hari at sinabing, "Sino sa inyong lahat na mga lingkod ang pinakamatapat gaya ni David na manugang ng hari at nasa ibabaw ng iyong mga bantay at pinararangalan sa inyong bahay?
|
||
|
\v 15 Ito ba ang unang pagkakataon na nanalangin ako sa Diyos upang tulungan siya? Malayo nawa ito mula sa akin! Huwag ninyo hayaan ang haring magpasa ng kahit anong bagay sa kanyang lingkod o sa lahat ng nasa bahay ng aking ama. Sapagkat walang alam ang iyong lingkod sa mga bagay na ito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Sumagot ang hari, "Tiyak na mamamatay ka, Ahimelec, ikaw at ang buong bahay ng iyong ama."
|
||
|
\v 17 Sinabi ng hari sa bantay na nakatayo sa paligid niya, "Bumalik kayo at patayin ang mga pari ni Yahweh. Dahil na kay David din ang kanilang kamay at dahil alam nilang tumakas siya ngunit hindi ito sinabi sa akin." Ngunit hindi mailabas ng mga lingkod ng hari ang kanilang kamay upang patayin ang mga pari ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Pagkatapos sinabi ng hari kay Doeg, "Bumalik at patayin ang mga pari." Kaya bumalik si Doeg na taga-Edom at sinalakay ang mga pari; nakapatay siya ng walumpu't-limang mga tao na nakasuot ng isang telang efod sa araw na iyon.
|
||
|
\v 19 Sa pamamagitan ng dulo ng espada sinalakay niya ang Nob, ang lungsod ng mga pari, kapwa mga lalaki at mga babae, mga bata at mga sanggol at mga lalaking baka at mga asno at mga tupa. Pinatay niya silang lahat gamit ang talim ng espada.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Ngunit isa sa mga anak na lalaki ni Ahimelec anak na lalaki ni Ahitub, na nagngangalang Abiatar, ang nakatakas at tumakbo kay David.
|
||
|
\v 21 Sinabihan ni Abiatar si David na pinatay ni Saul ang mga pari ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Sinabi ni David kay Abiatar, "Alam kong sa araw na iyon, noong naroon si Doeg na taga-Edom, na siguradong sasabihin niya kay Saul. May pananagutan ako para sa bawat kamatayan ng pamilya ng iyong ama!
|
||
|
\v 23 Manatili ka kasama ko at huwag matakot. Dahil ang nagtatangka sa buhay mo ay nagtatangka din sa buhay ko. Magiging ligtas ka kasama ako."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 23
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinabihan nila si David, "Tingnan mo, nakikipaglaban ang mga Filisteo laban sa Keila at ninakaw nilavang mga giikang sahig."
|
||
|
\v 2 Kaya nanalangin si David kay Yahweh para sa tulong, at tinanong niya siya, "Dapat ba akong pumunta at salakayin ang mga Filisteong ito?" Sinabi ni Yahweh kay David, "Pumunta ka at salakayin ang mga Filisteo at iligtas ang Keila."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, "Tingnan mo, natatakot kami dito sa Juda. Ano pa kaya kung pupunta tayo sa Keila laban sa mga hukbo ng mga Filisteo?"
|
||
|
\v 4 Pagkatapos nanalangin pang muli si David kay Yahweh para sa tulong. Sinagot siya ni Yahweh, "Tumayo ka, bumaba ka sa Keila. Dahil bibigyan kita ng tagumpay laban sa mga Filisteo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Pumunta sina David at mga tauhan niya sa Keila at nakipaglaban sa mga Filisteo. Tinangay nila ang kanilang mga baka at sinalakay nila sila ng may matinding patayan. Kaya iniligtas ni David ang mga naninirahan sa Keila.
|
||
|
\v 6 Nang nakatakas papunta kay David si Abiatar na anak na lalaki ni Ahimelech sa Keila, bumaba siya na may isang epod sa kanyang kamay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Sinabihan si Saul na pumunta si David sa Keila. Sinabi ni Saul, "Ibinigay siya ng Diyos sa aking kamay. Dahil nakulong siya sapagkat pumasok siya sa isang lungsod na may mga tarangkahan at mga rehas."
|
||
|
\v 8 Ipinatawag ni Saul ang lahat ng kanyang hukbo para sa labanan, para bumaba sa Keila, upang lusubin si David at kanyang mga tauhan.
|
||
|
\v 9 Nalaman ni David na may masamang balak si Saul laban sa kanya. Sinabi niya kay Abiatar na pari, "Dalhin mo rito ang epod."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pagkatapos sinabi ni David, "Yahweh, ang Diyos ng Israel, tunay nga na narinig ng iyong lingkod na hinangad ni Saul na pumunta sa Keila, upang wasakin ang lungsod alang-alang sa akin.
|
||
|
\v 11 Maaari bang hulihin ako ng mga kalalakihan ng Keila at isusuko ako sa kanyang kamay? Maaari bang bumaba si Saul, gaya ng narinig ng iyong lingkod? Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagmamakaawa ako sa iyo, pakiusap sabihan mo ang iyong lingkod." Sinabi ni Yahweh, "Bababa siya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Pagkatapos sinabi ni David, "Isusuko ba ako ng mga kalalakihan ng Keila at ang aking mga tauhan sa kamay ni Saul?" Sinabi ni Yahweh, "Isusuko ka nila."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pagkatapos bumangon si David at ang kanyang halos anim na raang mga tauhan at umalis mula sa Keila, at pumunta sila mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar. Sinabihan si Saul na nakatakas si David mula sa Keila, at tumigil siya sa pagtugis.
|
||
|
\v 14 Nanatili si David sa matibay na mga tanggulan sa ilang, sa maburol na lugar sa ilang ng Zip. Hinahanap siya ni Saul araw-araw, ngunit hindi siya ibinigay ng Diyos sa kanyang kamay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Nakita ni David na paparating si Saul para kunin ang kanyang buhay; ngayon nasa ilang ng Zip sa Hores si David.
|
||
|
\v 16 Sa gayon bumangon at pinuntahan ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul si David sa Hores, at pinalakas ang kanyang kamay sa Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Sinabi niya sa kanya, "Huwag kang matakot. Dahil hindi ka mahahanap ng kamay ni Saul na aking ama. Magiging hari ka sa Israel, at ako ang susunod sa iyo. Alam din ito ni Saul na aking ama."
|
||
|
\v 18 Gumawa sila ng isang kasunduan sa harap ni Yahweh. Nanatili si David sa Hores, at umuwi si Jonatan sa kanyang tahanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Pagkatapos pumunta ang mga lahi ni Zip kay Saul sa Gibea at sinabing, "Hindi ba nagtatago si David sa matibay na tanggulan sa Hores, sa kaburulan ng Haquila, na nasa timog ng Jesimon?
|
||
|
\v 20 Ngayon, bumaba ka, hari! Ayon sa iyong ninanais, bumaba ka! Tungkulin naming isuko siya sa kamay ng hari."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Sinabi ni Saul, "Pagpalain nawa kayo ni Yahweh. Dahil nahabag kayo sa akin.
|
||
|
\v 22 Umalis kayo, at siguraduhing mabuti. Pag-aralan at alamin kung saang lugar siya nagtatago at kung sino ang nakakita sa kanya roon. Sinabi ito sa akin na napakatuso niya.
|
||
|
\v 23 Kaya tingnan ninyo, at alamin ang lahat ng lugar kung saan mismo siya nagtatago. Bumalik kayo sa akin na may tiyak na kaalaman, at pagkatapos babalik ako kasama ninyo. Kung nasa lupain siya, hahanapin ko siya kasama ang lahat ng libu-libo ng Juda."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Pagkatapos nauna silang umakyat kay Saul sa Zip. Ngayon si David at kanyang mga tauhan ay nasa ilang ng Maon, sa Araba ng timog ng Jesimon.
|
||
|
\v 25 Pumunta si Saul at kanyang mga tauhan upang hanapin siya. At sinabihan si David tungkol dito, kaya bumaba siya sa isang mabatong burol at nanirahan sa ilang ng Maon. Nang narinig ito ni Saul, tinugis niya si David sa ilang ng Maon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Pumunta si Saul sa isang panig ng bundok, at pumunta si David at ang kanyang mga tauhan sa kabilang panig ng bundok. Nagmadaling tumakas si David mula kay Saul. Habang nakapalibot sina Saul at kanyang mga tauhan kay David at kanyang mga tauhan upang dakpin sila,
|
||
|
\v 27 pumunta ang isang mensahero kay Saul at sinabing, "Bilisan mo at pumarito dahil gumawa ng pagsalakay ang mga Filisteo laban sa lupain."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Kaya bumalik si Saul mula sa pagtugis niya kay David at nilabanan ang mga Filisteo. Kaya nga ang lugar na iyon ay tinawag na Bato ng Pagtakas.
|
||
|
\v 29 Umakyat si David mula roon at namuhay sa matibay na mga tanggulan ng Engedi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 24
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Nang bumalik si Saul mula sa pagtugis sa mga Filisteo, sinabihan siya, "Si David ay nasa desyerto ng Engedi."
|
||
|
\v 2 Pagkatapos kumuha si Saul ng tatlong libong piling kalalakihan mula sa buong Israel at umalis para hanapin si David at kanyang mga tauhan sa mga Bato ng mga Ligaw na Kambing.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Dumating siya sa tabi ng kulungan ng mga tupa, na kung saan may isang kuweba. Pumasok si Saul sa loob upang paginhawahin ang kanyang sarili.
|
||
|
\v 4 Sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, "Ito ang araw na sinabi ni Yahweh na sinabi niya sa iyo, 'Ibibigay ko sa iyong kamay ang iyong kaaway, upang gawin mo ang nais mong gawin sa kanya."' Pagkatapos umakyat si David at tahimik na gumapang pasulong at pinutol ang gilid ng balabal ni Saul.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Pagkatapos bumigat ang damdamin ni David dahil pinutol niya ang gilid ng balabal ni Saul.
|
||
|
\v 6 Sinabi niya sa kanyang mga tauhan, "Huwag nawang ipahintulot ni Yahweh na gawin ko ang bagay na ito sa aking panginoon, na hinirang ni Yahweh, para iunat ko ang aking kamay laban sa kanya, sapagkat hinirang siya ni Yahweh."
|
||
|
\v 7 Kaya pinagsabihan ni David ang kanyang mga tauhan ng mga salitang ito, at hindi sila pinahintulutang salakayin si Saul. Tumayo si Saul, iniwan ang kuweba, at umalis.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Pagkatapos, tumayo rin si David, iniwan ang kuweba, at tinawag si Saul: "Aking panginoong hari." Nang tumingin si Saul sa kanyang likuran, nagpatirapa si David sa lupa at nagpakita sa kanya ng paggalang.
|
||
|
\v 9 Sinabi ni David kay Saul, "Bakit ka nakikinig sa mga kalalakihan na nagsabing, "Tingnan mo, gusto kang saktan ni David?'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ngayon nakita ng iyong mga mata kung paano ka inilagay ni Yahweh sa aking kamay nang nasa kuweba pa tayo. Sinabi ng ilan sa akin na patayin kita, ngunit kinaawaan kita. Sinabi ko, 'Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon; dahil hinirang siya ni Yahweh.'
|
||
|
\v 11 Tingnan mo, aking ama, tingnan mo ang gilid ng iyong balabal sa aking kamay. Sapagkat ang katotohanan kung bakit ko pinutol ang gilid ng iyong balabal at hindi kita pinatay, para malaman mo at makita mo na walang masama o pagtataksil sa aking kamay, at hindi ako nagkasala laban sa iyo, kahit na tinutugis mo ang aking buhay para makuha.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Nawa'y humatol si Yahweh sa pagitan mo at sa akin, at nawa'y si Yahweh ang maghiganti para sa akin laban sa iyo, ngunit hindi magiging laban sa iyo ang kamay ko.
|
||
|
\v 13 Gaya ng sinabi ng lumang kasabihan, 'Mula sa makasalanan lumalabas ang kasamaan.' Ngunit hindi magiging laban sa iyo ang kamay ko.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Mula kanino sumunod ang hari ng Israel? Mula kanino ka humahabol? Sa isang patay na aso! Sa isang pulgas!
|
||
|
\v 15 Nawa'y maging hukom si Yahweh at magbigay ng hatol sa pagitan natin, at tiyakin, at ipakiusap ang layunin ko at pahintulutan akong makatakas mula sa iyong kamay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Nang matapos sabihin ni David ang mga salitang ito kay Saul, Sinabi ni Saul, "Boses mo ba ito, David, aking anak?" Nagtaas ng kanyang boses si Saul at umiyak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Sinabi niya kay David, "Mas matuwid ka kaysa sa akin. Dahil sinuklian mo ako nang mabuti, kung saan sinuklian kita ng kasamaan.
|
||
|
\v 18 Ipinahayag mo ngayong araw na ito kung paano ka gumawa nang mabuti sa akin, dahil hindi mo ako pinatay nang nilagay ako ni Yahweh sa iyong habag.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Dahil kung matatagpuan ng isang tao ang kanyang kaaway, hahayaan ba niya siyang umalis ito nang ligtas? Nawa'y gantimpalaan ka ni Yahweh ng mabuti para sa nagawa mo sa akin ngayon.
|
||
|
\v 20 Ngayon alam kong tiyak na magiging tapat na hari ka at itatatag ang kaharian ng Israel sa iyong kamay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Ipangako mo sa akin sa pamamagitan ni Yahweh na hindi mo puputulin ang aking mga kaapu-apuhan kasunod ko, at hindi mo sisirain ang aking pangalan sa bahay ng aking ama."
|
||
|
\v 22 Kaya gumawa si David ng isang panunumpa kay Saul. Pagkatapos umuwi si Saul, pero umakyat sina David at kanyang mga tauhan sa matibay na tanggulan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 25
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ngayon namatay na si Samuel. Sama-samang nagtipon ang lahat ng Israelita at nagluksa para sa kanya, at inilibing nila siya sa kanyang bahay sa Rama. Pagkatapos tumayo at bumaba si David sa desyerto ng Paran.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Mayroong isang lalaki sa Maon, na may mga pag-aari sa Carmel. Napakayaman ng lalaki. Mayroon siyang tatlong libong tupa at isang libong kambing. Naggugupit siya ng kanyang tupa sa Carmel.
|
||
|
\v 3 Nabal ang pangalan ng lalaki, at ang pangalan ng kanyang asawa ay Abigail. Matalino at may kahali-halinang anyo ang babae. Pero malupit at masama ang lalaki sa kanyang pakikitungo. Isa siyang kaapu-apuhan sa sambahayan ni Caleb.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Narinig ni David sa ilang na si Nabal ay naggugupit ng kanyang tupa.
|
||
|
\v 5 Kaya nagpadala ng sampung kalalakihan si David. Sinabi ni David sa binatang kalalakihan. "Umakyat sa Carmel, pumunta kay Nabal, at batiin siya sa aking pangalan.
|
||
|
\v 6 Sasabihin ninyo sa kanya 'Mamuhay sa karangyaan. Kapayapaan para sa iyo at kapayapaan sa iyong bahay, at kapayapaan sa lahat ng mayroon ka.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Narinig ko na mayroon kang mga manggugupit. Nasa amin ang iyong mga pastol, at hindi namin sila sinaktan at walang nawala sa kanila sa buong panahon na sila ay nasa Carmel.
|
||
|
\v 8 Tanungin ang iyong kabataang kalalakihan, at sasabihin nila sa iyo. Ngayon hayaang makasumpong ng biyaya ang binatang kalalakihan sa iyong mga mata, dahil pupunta kami sa araw ng isang pagdiriwang. Pakiusap magbigay ka anuman ang mayroon ka sa iyong kamay sa iyong mga lingkod at sa iyong anak na lalaking si David."'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Nang dumating ang mga kabataang kalalakihan ni David, sinabi nila itong lahat kay Nabal sa ngalan ni David at pagkatapos naghintay.
|
||
|
\v 10 Sumagot si Nabal sa mga lingkod ni David, "Sino si David? At sino ang anak na lalaki ni Jesse? Maraming mga lingkod sa araw na ito ang sumusuway sa kanilang mga amo.
|
||
|
\v 11 Kailangan ko bang kunin ang aking tinapay, aking tubig at aking karne na kinatay ko para sa aking mga manggugupit at ibigay ito sa kalalakihang dumating mula sa hindi ko alam kung saan nanggaling?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Kaya umalis at bumalik ang kabataang kalalakihan ni David, at sinabi sa kanya ang lahat nang bagay na sinabi.
|
||
|
\v 13 Sinabi ni David sa kanyang tauhan, "Itali nang bawat lalaki ang kanyang espada." At itinali ng bawat lalaki ang kanyang espada. Itinali rin ni David ang kanyang espada. Halos apat na daang kalalakihan ang sumunod kay David, at naiwan ang dalawang daan sa dala-dalahan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Pero sinabihan ng isa sa kabataang kalalakihan si Abigail, asawa ni Nabal; sinabi niya, "Nagpadala si David ng mga mensahero sa labas ng ilang upang batiin ang ating amo, at ininsulto niya sila.
|
||
|
\v 15 Yamang napakabait ng kalalakihan sa atin. Hindi tayo sinaktan at walang anumang bagay na nawala sa atin hanggat kasama natin sila nang nasa mga bukirin tayo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Isang pader sila sa atin sa araw man o sa gabi, kasama namin sila sa pagbabantay ng mga tupa.
|
||
|
\v 17 Samakatuwid alamin ito at isaalang-alang kung ano ang iyong magagawa, sapagka't may balak na kasamaan laban sa ating amo, at laban sa kanyang buong sambahayan. Siya ay napakasamang tao na walang isa na makapagdahilan sa kanya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Pagkatapos nagmadali si Abigail at kumuha ng dalawang daang tinapay, dalawang boteng alak, limang tupang nakahanda na, limang sukob ng sinangag na butil, isang daang tungkos ng pasas, at dalawang daang mamon ng igos at ikinarga ang mga ito sa mga asno.
|
||
|
\v 19 Sinabi niya sa kanyang kabataang kalalakihan, "Mauna kayo sa akin at susunod ako sa inyo." Ngunit hindi niya sinabihan ang kanyang asawang si Nabal.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Habang nakasakay siya sa kanyang asno at bumaba sa pamamagitan ng bundok, bumaba si David at kanyang tauhan papunta sa kanya at sinalubong niya sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Ngayon sinabi ni David, "Tiyak na walang kabuluhan ang lahat ng pagbabantay ko sa lahat ng mayroon ang taong ito sa ilang, kaya wala ni isang nawawala na lahat ng nasa kanya, at ibinalik niya sa akin ang masama para sa mabuti.
|
||
|
\v 22 Nawa gawin ng Diyos ito sa akin, David, at marami pa, kung sa umaga wala akong ititirang isang lalaki sa lahat na nasa kanya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Nang nakita ni Abigail si David, nagmadali siyang bumaba mula sa kanyang asno at lumuhod sa harapan ni David at nagpatirapa sa kanyang sarili sa lupa.
|
||
|
\v 24 Lumuhod siya sa kanyang paa at sinabi, "Ako lang mag-isa, aking panginoon, na mayroong pagkakasala. Pakiusap hayaan mong kausapin ka ng iyong lingkod, at makinig sa mga salita ng iyong lingkod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Huwag mong hayaan aking panginoon na pansinin ang walang halangang taong ito, Nabal ang kanyang pangalan, at ang kahangalan ay nasa kanya. Ngunit ako na iyong lingkod ay hindi nakita ang kabataang kalalakihan ng aking panginoon, na iyong ipinadala.
|
||
|
\v 26 Pagkatapos ngayon, aking panginoon, habang nabubuhay si Yahweh, at habang nabubuhay ka, buhat ng pinigilan ka ni Yahweh mula sa pagdaloy ng dugo, at mula sa paghihiganti ng iyong sarili sa sariling mong kamay, ngayon hayaan mo ang iyong mga kaaway, at sa mga naghahanap gumawa ng kasamaan sa aking panginoon, ay magiging kagaya ni Nabal.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 At ngayon, hayaan sanang madala ng iyong lingkod ang regalong ito para sa aking panginoon, hayaang ibigay ito sa kabataang kalalakihan na sumunod sa aking panginoon.
|
||
|
\v 28 Pakiusap patawarin ang pagkakasala ng iyong lingkod, dahil tiyak na gagawan ni Yahweh ang aking panginoon ng isang bahay, dahil nakikipaglaban ang aking panginoon sa labanan ni Yahweh, at hindi makikita ang kasamaan sa iyo habang nabubuhay ka.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 At kahit na tugisin ka ng mga kalalakihan para kunin ang iyong buhay, gayon pa man ang buhay ng aking panginoon ay matatali sa mga nabubuhay sa pamamagitan ni Yahweh na inyong Diyos, at aalisin niya ang mga buhay ng iyong mga kaaway, gaya ng nasa bulsa ng isang tirador.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 At mangyari ito, nang matapos gawin ni Yahweh ang lahat ng mabuting mga bagay para sa aking panginoon na kanyang ipinangako sa iyo, at nang ginawa ka niyang pinuno sa buong Israel,
|
||
|
\v 31 hindi magiging pahirap ang bagay na ito sa iyo, ni masasaktan ang aking panginoon, dahil hindi mo ibinuhos ang iyong dugo ng walang dahilan, at hindi mo ipinaghiganti ang iyong sarili. At kapag nagdala ng tagumpay si Yahweh sa aking panginoon, alalahanin mo ang iyong lingkod."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Sinabi ni David kay Abigail, "Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, na pinagpala, ang siyang nagpadala sa iyo upang makipagkita sa akin sa araw na ito.
|
||
|
\v 33 At ang iyong kaalaman ay pinagpala, at pinagpala ka, dahil pinanatili mo ako sa araw na ito mula sa pagkakasala sa pagdanak ng dugo at mula sa paghihiganti ko para sa aking sariling gamit ang aking kamay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Para sa katotohanan, ayon kay Yahweh, ang Diyos ng Israelm ma nabubuhay, na pinigilan ako na saktan ka, maliban lamang kung nagmadali ka para makipagkita sa akin, tiyak na walang matitira kay Nabal kahit isang sanggol na lalaki kinaumagahan."
|
||
|
\v 35 Kaya tinanggap ni David mula sa kanyang kamay kung ano ang kanyang dinala sa kanya, sinabi niya sa kanya, "Umakyat ka ng may kapayapaan sa iyong bahay; tingnan mo, nakinig ako sa iyong boses at tinanggap kita."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 36 Bumalik si Abigail kay Nabal; masdan mo, siya ay nagdadaos ng isang pagdiriwang sa kanyang bahay, tulad ng pagdiriwang ng isang hari; at maligaya ang puso ni Nabal sa kalooban niya, dahil lasing na lasing siya. Kaya hindi niya sinabi ang lahat hanggang sa magbukang-liwayway.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 37 At nangyari kinaumagahan, nang hindi na lasing si Nabal, na sinabi ng kanyang asawa sa kanya ang mga bagay na ito, inatake siya sa puso, at naging tulad siya ng isang bato.
|
||
|
\v 38 At dumating matapos ang sampung araw na sinalakay ni Yahweh si Nabal kaya namatay siya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 39 At nang narinig ni David na namatay na si Nabal, sinabi niya, "Nawa pagpalain si Yahweh, na siyang kumuha ng dahilan ng pang-iinsulto sa akin mula sa kamay ni Nabal, at sa pag-iingat ng kanyang lingkod mula sa kasamaan. At ibinalik niya ang masamang kilos ni Nabal sa kanyang sarili." Pagkatapos nagpadala si David ng mga lingkod at kinausap si Abigail, para kunin siya bilang kaniyang asawa.
|
||
|
\v 40 Nang dumating ang mga lingkod ni David kay Abigail sa Carmel, nakipag-usap sila sa kanya at sinabi, "Ipinadala kami ni David sa iyo upang kunin ka para sa kaniya bilang kanyang asawa."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 41 Tumayo siya, niyuko ang kanyang sarili kasama ang kanyang mukha sa lupa, at sinabi, "Tingnan ninyo, ang iyong lingkod na babae ay isang lingkod para maghugas ng mga paa ng mga lingkod ng aking panginoon."
|
||
|
\v 42 Nagmadali si Abigail at tumayo, at sumakay sa isang asno na may limang lingkod na babae na sumunod sa kanya, at sumunod siya sa mga mensahero ni David at naging kanyang asawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 43 Kinuha rin ni David si Ahinoam ng Jezreel bilang isang asawa, kapwa sila ay naging kanyang mga asawa.
|
||
|
\v 44 Ngayon ibinigay ni Saul si Mical na kanyang anak na babae, asawa ni David, kay Palti anak ni Lais, na nasa Gallim.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 26
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Dumating ang mga Zipiteo kay Saul sa Gibea at sinabing, "Hindi ba nagtatago si David sa burol ng Hacila, na bago ang desyerto?"
|
||
|
\v 2 Pagkatapos tumayo si Saul at bumaba sa ilang ng Zip, na may tatlong libong piling kalalakihan ng Israel na kasama niya, upang hanapin si David sa desyerto ng Zip.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Nagkampo si Saul sa burol ng Hacila, na bago sa desyerto, na malapit sa daanan. Ngunit si David ay nanatili sa desyerto, at nakita niya na paparating si Saul kasunod niya sa desyerto.
|
||
|
\v 4 Kaya nagpadala si David ng mga espiya at napag-alaman niyang totoong dumating si Saul.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Tumayo si David at pumunta sa lugar kung saan nagkampo si Saul; nakita niya ang lugar kung saan nagpapahinga si Saul, at si Abner anak na lalaki ni Ner, ang heneral ng kanyang hukbo; Nagpapahinga si Saul sa kampo, at nagkampo ang mga tao palibot sa kanya, natutulog ang lahat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pagkatapos sinabi ni David kay Ahimelec na Hiteo, at kay Abisai anak na lalaki ni Zeruia, ang lalaking kapatid ni Joab, "Sino ang sasama sa akin pababa sa kampo ni Saul?" sinabi ni Abisai, "Sasama ako pababa sa iyo."
|
||
|
\v 7 Kaya pumunta si David at Abisai sa hukbo nang gabi. At nandoon si Saul na natutulog sa loob ng kampo, kasama ang kanyang sibat na nakatusok sa lupa sa tabi ng kanyang ulo. Nagpapahinga si Abner at kanyang mga sundalo sa palibot niya.
|
||
|
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Abisai kay David, "Sa araw na ito inilagay ng Diyos sa iyong kamay ang iyong kaaway. Ngayon pakiusap hayaan mong itusok ko siya sa lupa sa pamamagitan ng sibat sa isang bagsak lamang. Hindi ko siya hahampasin ng pangalawang pagkakataon."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Sinabi ni David kay Abisai, "Huwag mo siyang patayin, sapagkat sino ang mag-aabot ng kanyang kamay laban sa hinirang ni Yahweh at hindi magkakasala?"
|
||
|
\v 10 Sinabi ni David, "Habang nabubuhay si Yahweh, papatayin siya ni Yahweh, o darating ang araw na mamamatay siya, o pupunta siya sa labanan at mamamatay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Nawa'y ipagbawal ni Yahweh na dapat kong iunat ang aking kamay laban sa kanyang tinalaga, kaya ngayon, kunin mo ang sibat na nasa kanyang ulo at ang banga ng tubig, at umalis na tayo."
|
||
|
\v 12 Kaya kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig mula sa ulo ni Saul at umalis na sila. Walang ni isang nakakita sa kanila o nakaalam tungkol dito, ni isang tao ang nagising, dahil nakatulog silang lahat, dahil mahimbing na pagtulog ang ibinigay ni Yahweh sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pagkatapos pumunta si David sa kabilang dako at tumayo sa tuktok ng bundok sa malayo, isang malayong pagitan ang nasa kanila.
|
||
|
\v 14 Sumigaw si David sa mga tao at kay Abner anak na lalaki ni Ner, sinabi niya, "Hindi ka ba sasagot, Abner?" Pagkatapos sumagot at sinabi ni Abner, "Sino kang sumisigaw sa hari?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Sinabi ni David kay Abner, "Hindi ka ba isang taong matapang? Sino ang katulad mo sa Israel? Bakit hindi ka nagbantay sa iyong panginoon na hari? Dahil may ibang taong dumating upang patayin ang hari na iyong panginoon.
|
||
|
\v 16 Hindi maganda ang bagay na ito na iyong ginawa. Habang nabubuhay si Yahweh, nararapat kang mamatay dahil hindi mo binantayan ang iyong panginoon na hinirang ni Yahweh. At ngayon tingnan mo kung nasaan ang sibat ng hari, at ang banga ng tubig na nasa kanyang ulonan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Nakilala ni Saul ang boses ni David at sinabi, "Boses mo ba iyan, anak kong David?" sinabi ni David, "Ito ang aking boses, aking panginoong hari."
|
||
|
\v 18 Sinabi niya, "Bakit tinutugis ng hari ang kanyang lingkod? Ano ang aking nagawa? Anong kasamaan ang nasa aking kamay?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Samakatuwid ngayon, nagmakaawa ako sa iyo, hayaang pakinggan ng aking panginoon na hari ang mga salita ng kanyang lingkod. Kung si Yahweh na nag-udyok sa iyo laban sa akin, hayaan siyang tumanggap ng isang handog; ngunit kung mga tao ito, nawa'y isumpa sila sa paningin ni Yahweh, dahil sa araw na ito inilayo nila ako, na hindi dapat ako kumapit sa pamana ni Yahweh, na kanilang sinabi sa akin, "Sumamba ka sa ibang mga diyos."
|
||
|
\v 20 Samakatuwid ngayon, huwag hayaang dumanak ang aking dugo sa lupa mula sa presensya ni Yahweh, para sa hari ng Israel na dumating at humanap sa isang pulgas, bilang isang naghahanap ng ibon sa mga bundok."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Pagkatapos sinabi ni Saul, "Nagkasala ako. Bumalik ka, David, anak ko, hindi na kita kailanman sasaktan, dahil natatangi ang aking buhay sa iyong mga mata ngayon. Tingnan mo, naging mangmang ako at lubusang nagkamali."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Sumagot si David at sinabi, "Tingnan mo, aking hari, narito ang iyong sibat! Hayaan mong lumapit ang isa sa iyong batang kalalakihan at kunin ito at dalhin ito sa iyo.
|
||
|
\v 23 Nawa pagbayarin ni Yahweh ang bawat tao para sa kanyang kadakilaan at kanyang katapatan, dahil inilagay ito ni Yahweh sa araw na ito, ngunit hindi ko sasaktan ang kanyang tinalaga.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 At tingnan mo, tulad ng buhay mong katangi-tangi sa aking mga mata sa araw na ito, kaya nawa maging mas mahalaga ang buhay ko sa mga mata ni Yahweh, at nawa iligtas niya ako mula sa lahat ng kaguluhan."
|
||
|
\v 25 Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, "Nawa pagpalain ka, anak kong David, upang makagawa ka ng mga dakilang bagay, at tunay na magtatagumpay ka." Kaya lumakad si David, at bumalik si Saul sa kanyang lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 27
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinabi ni David sa kanyang puso, "Mawawala ako nang isang araw sa pamamagitan ng kamay ni Saul; wala nang mas mabuti para sa akin kung hindi ang tumakas sa lupain ng mga Filisteo; titigil na si Saul sa paghahanap sa akin kahit saan sa lahat ng hangganan ng Israel; sa paraang ito makakatakas ako sa kanyang kamay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Bumangon si David at tumawid, siya at ang anim na daang kalalakihang na kasama niya, kay Aquis anak na lalaki ni Maoc, ang hari ng Gat.
|
||
|
\v 3 Nanirahan si David kasama nina Aquis sa Gat, siya at ang kanyang tauhan, bawat tao sa kanyang sariling sambahayan, at si David kasama ang kanyang dalawang asawa, Ahinoam na Jezreelita, at Abigail na Carmelita, asawa ni Nabal.
|
||
|
\v 4 Sinabihan si Saul na tumakas si David patungo sa Gat, kaya hindi na niya siya hinanap.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Sinabi ni Aquis kay David, "Kung kinakitaan niya ako ng kagandahang loob sa iyong mga mata, hayaan silang bigyan ako ng isang lugar sa isa sa mga lungsod ng bansa, upang manirahan ako doon: para saan pa na titira ang iyong lingkod sa maharlikang siyudad na kasama mo?"
|
||
|
\v 6 Kaya ibinigay ni Aquis sa kanya ang Ziklag nang araw na iyon; kaya nabibilang ang Ziklag sa hari ng Juda hanggang sa araw na ito.
|
||
|
\v 7 Ang bilang ng mga araw ni David na namuhay sa lupain ng mga Filisteo ay isang buong taon at apat na buwan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Nilusob ni David at kanyang mga tauhan ang iba't-ibang mga lugar, sinalakay ang Gesurita, ang Girziteo, at ang Amalekita, sa mga bayan na iyon na namumuhay sa lupaing iyon, habang papunta kayo sa Sur, hanggang sa layo ng lupain ng Ehipto. Naninirahan sila sa lupaing iyon mula pa sa sinaunang kapanahunan (Paalala: Sa halip ng "Gizrita, na makikita sa sulat ng Hebreo, ilang bagong mga bersyon ay ang Girzita, na makikita sa sulat ng Hebreo)
|
||
|
\v 9 Sinalakay ni David ang lupain at walang tinirang mga lalaki ni mga babaeng buhay, kinuha niya ang mga tupa, ang baka, ang mga asno, ang mga kamelyo, at ang mga pananamit; bumalik siya at pumunta muli kay Aquis.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sinasabi ni Aquis, "Laban kanino ang inyong ginawang pagsalakay sa araw na ito? Baka isasagot ni David, "Laban sa timog ng Juda," o "Laban sa timog ng Jerameelita," o "Laban sa timog ng Kenita."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Baka bubuhayin ni David ang lalaki ni ang babae upang dalhin sila sa Gat, nagsasabing, "Para wala silang masabi tungkol sa atin, Ginawa ni David ang nararapat." Ginawa niya itong lahat habang nakatira siya sa bansa ng mga Filisteo.
|
||
|
\v 12 Naniwala si Aquis kay David, sinasabing, "Ginawa niyang lubos na mapoot ang bayan ng Israel sa kanya, samakatuwid magiging lingkod ko siya magpakailanman."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 28
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 At nangyari na sa mga araw na iyon na tinipon ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo para sa digmaan upang makipaglaban sa Israel. Sinabi ni Aquis kay David, "Tiyak mong alamin na lalabas ka kasama ko sa mga hukbo, ikaw at ang iyong mga tauhan."
|
||
|
\v 2 Sinabi ni David kay Aquis, "Upang malaman mo kung ano ang magagawa ng iyong lingkod." Sinabi ni Aquis kay David, "para gawin kitang palagiang tagapagbantay ko."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Namatay si Samuel; pinagluksa siya ng buong Israel at inilibing siya sa Rama, sa kanyang lungsod. Ngayon ipinagbawal ni Saul sa lupain sa sinumang nakikipag-usap sa mga patay o sa mga espiritu.
|
||
|
\v 4 Sama-samang tinipon ng mga Filisteo ang kanilang sarili at dumating at nagkampo sa Shunem; at sama-samang tinipon ni Saul ang buong Israel, at nagkampo sila sa Gilboa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Nang makita ni Saul ang mga hukbo ng mga Filisteo, natakot siya, at labis na lumakas ang tibok ng kanyang puso.
|
||
|
\v 6 Nanalangin si Saul kay Yahweh para tulungan siya, ngunit hindi sumagot sa kanya si Yahweh—maging sa panaginip, ni sa pamamagitan ng Urim, ni sa pamamagitan ng mga propeta.
|
||
|
\v 7 Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod, "Hanapan ninyo ako ng babaeng umaangking nakikipag-usap sa mga patay, upang makapunta ako sa kanya at hingin ang kanyang payo." Sinabi ng kanyang mga lingkod sa kanya, "Tingnan mo, mayroong isang babae sa Endor na umaaangking nakikipag-usap sa mga patay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ikinubli ni Saul ang kanyang sarili, nagsuot ng ibang kasuotan, at pumunta siya kasama ang dalawang tauhan; pinuntahan nila ang babae sa gabi. Sinabi niya, "Manghula ka para sa akin, nagmamakaawa ako sa iyo sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa patay, at dalhin sa akin ang sinumang pangangalanan ko sa iyo."
|
||
|
\v 9 Sinabi ng babae sa kanya, "Tingnan, alam mo ang ginawa ni Saul, kung paano niya ipinagbawal sa lupain ang sinumang nakikipag-usap sa mga patay o sa mga espiritu. Kaya bakit ka naglalagay ng bitag para sa aking buhay, para mamatay ako?"
|
||
|
\v 10 Nanumpa si Saul sa kanya sa pamamagitan ni Yahweh, at sinabing, "Habang nabubuhay si Yahweh, walang anumang parusa ang mangyayari sa iyo para sa bagay na ito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pagkatapos sinabi ng babae, "Sino ang dapat kong papuntahin sa iyo?" Sinabi ni Saul, "Papuntahin mo sa akin si Samuel."
|
||
|
\v 12 Nang makita ng babae si Samuel, sumigaw siya nang malakas at nangusap kay Saul, sinabing, "Bakit mo ako nilinlang? Sapagkat ikaw si Saul."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Sinabi sa kanya ng hari, "Huwag kang matakot. Anong nakikita mo?" Sinabi ng babae kay Saul, "Nakita ko ang isang diyos na umaakyat mula sa lupa."
|
||
|
\v 14 Sinabi niya sa kanya, "Ano ang kamukha niya? Sinabi niya, "Isang matandang lalaki ang umaakyat; nakasuot siya ng balabal." Nadama ni Saul na si Samuel iyon, at yumukod siya na ang kanyang mukha ay nasa lupa at nagpakita ng paggalang.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Sinabi ni Samuel kay Saul, "Bakit mo ako ginambala at pinabalik?" Sumagot si Saul, "Labis akong namimighati, dahil ang mga Filisteo ay naghahandang makipagdigma laban sa akin, at iniwan na ako ng Diyos at hindi na sumasagot sa akin, maging sa pamamagitan ng mga propeta, ni sa mga panaginip. Kaya tumawag ako sa iyo para ipaalam mo sa akin kung ano ang aking gagawin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Sinabi ni Samuel, "Ano ngayon ang kahilingan mo sa akin, yamang iniwan ka na ni Yahweh, at naging kaaway mo siya?
|
||
|
\v 17 Ginawa ni Yahweh sa iyo ang sinabi niyang gagawin niya. Kinuha ni Yahweh ang kaharian sa ilalim ng iyong mga kamay at ibinigay ito sa iba—kay David.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Dahil hindi mo sinunod ang boses ni Yahweh at hindi mo ipinatupad ang kanyang matinding galit sa Amalek, kaya ginawa niya ito ngayon sa iyo.
|
||
|
\v 19 Higit pa rito, ibibigay ka ni Yahweh at ang Israel sa kamay ng mga Filisteo. Bukas makakasama kita at ang iyong mga anak na lalaki. Ibibigay din ni Yahweh ang hukbo ng Israel sa kamay ng mga Filisteo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Pagkatapos biglang bumagsak ang buong katawan ni Saul sa lupa at takot na takot dahil sa mga salita ni Samuel. Wala na siyang lakas, dahil wala siyang kinain na anumang pagkain sa buong araw na iyon, maging sa buong gabi.
|
||
|
\v 21 Lumapit ang babae kay Saul at nakita niyang labis siyang naguguluhan, sinabi niya sa kanya, "Tingnan mo, nakinig ang iyong babaeng lingkod sa iyong boses; Inilagay ko ang aking buhay sa aking kamay at nakinig sa mga salitang sinabi mo sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Kaya ngayon, nagmamakaawa ako sa iyo, makinig ka rin sa boses ng iyong babaeng lingkod at hayaan mong maghain ako ng kaunting pagkain sa harap mo. Kumain ka para makaipon ka ng lakas para sa iyong paglalakbay."
|
||
|
\v 23 Ngunit tumanggi si Saul at sinabing, "Hindi ako kakain." Ngunit pinilit siya ng kanyang mga lingkod kasama ng babae at nakinig siya sa kanilang boses. Kaya bumangon siya at umupo sa higaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Mayroon pinatabang guya ang babae sa kanyang bahay; nagmadali siya at pinatay ito; kumuha siya ng harina, minasa ito at naghurno ng tinapay na walang lebadura gamit ito.
|
||
|
\v 25 Dinala niya ito sa harapan ni Saul at kanyang mga lingkod, at kumain sila. Pagkatapos bumangon sila at umalis sa gabing iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 29
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ngayon sama-samang tinipon ng mga Filisteo ang lahat ng kanilang hukbo sa Aphek; nagkampo ang mga Israelita sa tabi ng bukal na nasa Jezreel.
|
||
|
\v 2 Dumaan ang mga prinsipe ng mga Filisteo nang daan-daan at nang libu-libo; dumaan si David at ang kanyang mga tauhan sa hulihang bantay kasama ni Aquis.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pagkatapos sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo, "Ano ang ginagawa ng mga Hebreong ito dito?" Sinabi ni Aquis sa mga prinsipe ng mga Filisteo, "Hindi ba ito si David, ang lingkod ni Saul na hari ng mga Israelita na naging kasama ko sa mga araw na ito, o sa mga taon na ito, at wala akong nakitang kapintasan sa kanya mula nang dumating siya sa akin hanggang sa araw na ito?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ngunit galit sa kanya ang mga prinsipe ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanya, "Paalisin mo ang taong iyan, para bumalik siya sa kanyang lugar na ibinigay mo sa kanya; huwag mo siyang hayaang sumama sa atin sa digmaan, upang hindi siya maging kaaway natin sa digmaan. Dahil paano pa ba gagawa ng kapayapaan ang taong ito sa kanyang panginoon? Hindi ba sa pamamagitan ng mga ulo ng ating mga tauhan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Hindi ba ito ang David na inawitan nila sa isa-isa sa pamamagitan ng mga sayaw, sinasabing: 'Pinatay ni Saul ang kanyang libu-libo, At si David ang kanyang sampung libo?'"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pagkatapos tinawag ni Aquis si David at sinabing, "Habang nabubuhay si Yahweh, naging mabuti ka, at ang iyong paglabas at pagpasok sa akin sa hukbo ay naging mabuti sa aking pananaw; sapagkat wala akong nakitang kasalanan sa iyo simula ng araw na dumating ka sa akin hanggang sa araw na ito. Gayon pa man, hindi sang-ayon sa iyo ang mga prinsipe.
|
||
|
\v 7 Kaya ngayon bumalik ka at umalis na may kapayapaan, upang hindi ka kagalitan ng mga prinsipe ng mga Filisteo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Sinabi ni David kay Filisteo, "Subalit ano ba ang nagawa ko? Ano ang nakita mo sa iyong lingkod habang kasama mo ako hanggang sa araw na ito, na hindi ako makakapunta at makipagdigma laban sa mga kaaway ng aking panginoong hari?"
|
||
|
\v 9 Sumagot si Aquis at sinabi kay David, "Alam kong kasinlinis ka ng isang anghel ng Diyos sa aking paningin; gayunpaman, sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo, 'Hindi siya maaaring umakyat kasama natin sa labanan.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kaya ngayon bumangon nang maaga ang mga lingkod ng iyong panginoon na sumama sa iyo; pagkagising ninyo sa madaling araw at may liwanag na, umalis na kayo."
|
||
|
\v 11 Kaya bumangon si David nang maaga, siya at ang kanyang mga tauhan upang umalis ng umaga, para bumalik sa lupain ng mga Filisteo. Ngunit umakyat ang mga Filisteo sa Jezreel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 30
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 At nangyari na nang bumalik sa Ziklag si David at ng kanyang mga tauhan sa ikatlong araw, na gumawa ng pagsalakay ang mga Amalekita sa Negev at sa Ziklag. Linusob nila ang Ziklag, sinunog ito,
|
||
|
\v 2 at binihag ang mga kababaihan at bawat isang naroroon, kapwa maliliit at malalaki. Wala silang pinatay, ngunit dinala sila habang papaalis sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Nang dumating sina David at ang kanyang mga tauhan sa lungsod, nasunog na ito—at binihag ang kanilang mga asawa, kanilang mga anak na lalaki, at kanilang mga anak na babae.
|
||
|
\v 4 Pagkatapos nagtaas ng boses sina David at mga taong kasama niya at umiyak sila hanggang wala na silang kakayahang umiyak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Binihag ang dalawang asawa ni David na sina Ahinoam na taga-Jezreel, at si Abigail na asawa ni Nabal na taga-Carmelo.
|
||
|
\v 6 Labis na namighati si David, sapagkat nag-uusap ang mga tao tungkol sa pagbato sa kanya, dahil ang mga espiritu ng lahat ng tao ay nagdadalamhati, bawat tao para sa kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae; subalit pinalakas ni David ang kanyang sarili kay Yahweh, na kanyang Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Sinabi ni David kay Abiathar na anak ni Ahimelec na pari, "Nagmamakaawa ako sa iyo, dalhin mo dito ang epod para sa akin." Dinala ni Abiathar ang epod kay David.
|
||
|
\v 8 Nanalangin si David kay Yahweh ng gabay, sinasabing, "Kung tutugisin ko ang hukbong ito, maaabutan ko ba sila? Sumagot si Yahweh sa kanya, "Tugisin mo sila dahil tiyak na maaabutan mo sila, at tiyak na mababawi mo ang lahat."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kaya umalis si David, siya at ang anim na raang tauhang kasama niya; nakarating sila sa batis Besor, kung saan nanatili ang mga lalaking naiwan.
|
||
|
\v 10 Ngunit patuloy si David sa pagtugis, siya at ang apat na raang tauhan; sapagkat dalawang daang tauhan ang naiwan na mahinang mahina na kaya hindi na makatawid sa batis ng Besor.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Natagpuan nila sa bukid ang isang taga-Ehipto at dinala kay David; binigyan nila ng tinapay, at kinain niya ito; binigyan nila ng tubig na maiinom;
|
||
|
\v 12 at binigyan nila ng isang pirasong mamon na gawa sa igos at dalawang kumpol ng pasas. Nang nakakain na siya, bumalik na muli ang kanyang lakas, sapagkat hindi siya kumain ng tinapay ni uminom ng tubig sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Sinabi ni David sa kanya, "Kanino ka nabibilang? Saan ka nagmula?" Sinabi niya, isa akong binata ng Ehipto, lingkod ng isang Amalekita; iniwan ako ng aking amo, dahil tatlong araw na ang nakakaraan nagkasakit ako.
|
||
|
\v 14 Gumawa kami ng pagsalakay sa Negev ng mga Chereteo, at kung ano ang nabibilang sa Juda, at sa Negev ng Caleb, at sinunog namin ang Ziklag."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Sinabi sa kanya ni David, "Maaari mo ba akong dalhin pababa sa mga pangkat na ito na sumalakay?" Sinabi ng taga-Ehipto, "Sumumpa ka sa akin sa Diyos na hindi mo ako papatayin o ipagkakanulo sa mga kamay ng aking panginoon, at dadalhin ko kayo pababa sa mga sumalakay na pangkat na ito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Nang dinala si David ang taga-Ehipto pababa, ang mga sumalakay ay nagkalat sa buong paligid, nagkakainan at nag-iinuman, at nagsasayawan, dahil sa lahat ng mga nanakaw nila mula sa lupain ng Filisteo at mula sa lupain ng Juda.
|
||
|
\v 17 Nilusob sila ni David mula sa takip-silim hanggang sa gabi ng sumunod na araw. Wala ni isang lalaki ang nakatakas maliban sa apat na raang binatang sumakay sa mga kamelyo at tumakas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Nabawi ni David ang lahat ng kinuha ng mga Amalekita; at nailigtas ni David ang kanyang dalawang asawa.
|
||
|
\v 19 Wala ni isang nawala, maging maliliit man ni malalaki, maging anak na mga lalaki ni anak na mga babae, maging ang nanakaw, ni anumang bagay na kinuha sa kanila ng mga sumalakay para sa kanilang sarili. Dinala ni David pabalik ang lahat.
|
||
|
\v 20 Kinuha ni David ang lahat ng kanilang mga kawan at mga pangkat ng hayop, na itinaboy ng mga tauhan sa unahan ng ibang baka. Sinabi nila, "Ito ang nanakaw ni David."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Pumunta si David sa kanyang dalawandaang tauhang naiwan na mahinang mahina para sumunod sa kanya, iyong mga pinaiwan ng iba upang manatili sa batis Besor. Ang mga tauhang ito ang naunang pumunta para salubungin si David at mga taong kasama niya. Nang pumunta si David sa mga taong ito, binati niya sila.
|
||
|
\v 22 Pagkatapos sinabi ng lahat ng masasamang lalaki at mga walang kabuluhang taong sumama kay David, "Dahil hindi sumama sa atin ang mga kalalakihang ito, hindi natin sila bibigyan ng anumang nanakaw na nabawi natin. Maliban na maaaring isama ng bawat lalaki ang kanyang asawa at mga anak, pangunahan sila palayo, at umalis."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Kaya sinabi ni David, "Hindi kayo dapat kumilos ng ganito sa mga ibinigay sa atin ni Yahweh, mga kapatid. Iningatan niya tayo at ibinigay sa ating kamay ang mga sumalakay laban sa atin.
|
||
|
\v 24 Sinong makikinig sa inyo sa bagay na ito? Dahil gaya ng kabahagi ay para sa sinumang pumunta sa labanan, kaya ganundin ang kabahagi para sa sinumang nagbantay sa mga gamit; makikibahagi sila at magkakapareho bawat kabahagi."
|
||
|
\v 25 Naging ganoon na mula sa araw na iyon hanggang sa araw na ito, sapagkat ginawang batas iyon ni David at isang kautusan para sa Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Nang pumunta si David sa Ziklag ipinadala niya ang ilan sa mga nanakaw sa mga nakakatanda ng Juda, sa kanyang mga kaibigan, sinabing, "Tingnan ninyo, narito ang isang handog para sa inyo mula sa nanakaw mula sa mga kaaway ni Yahweh."
|
||
|
\v 27 Sa mga nakakatanda na nasa Betuel, at sa mga nasa Ramot sa Timog, at sa mga nasa Jattir,
|
||
|
\v 28 at sa mga nasa Aroer, at sa mga nasa Sifmot, at sa mga nasa Estemoa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 At ganun din sa mga nakakatandang nasa Racal, at sa mga nasa lungsod ng mga Jerahmeelita, at sa mga nasa siyudad ng mga Cineo,
|
||
|
\v 30 at sa mga nasa Horma, at sa mga nasa Borasan, at sa mga nasa Athac,
|
||
|
\v 31 at sa mga nasa Hebron, at sa lahat ng lugar kung saan palaging pumupunta mismo si David at ng kanyang mga tauhan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 31
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ngayon nakipaglaban ang mga Filisteo laban sa Israel. Nagsitakas ang mga kalalakihan ng Israel mula sa harap ng mga Filisteo at patay na bumagsak sa bundok Gilboa.
|
||
|
\v 2 Tinugis ng malapitan ng mga Filisteo si Saul at ang kanyang anak na mga lalaki. Napatay ng mga Filisteo si Jonatan, Abinadab, at Malquisua, at ang kanyang mga anak na lalaki.
|
||
|
\v 3 Nagpatuloy ang matinding labanan laban kay Saul, at nasukol siya ng mga mamamana. Siya ay nakaranas ng malubhang sugat dahil sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang tagadala ng baluti, "Hugutin mo ang iyong espada at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating itong hindi mga tuli at lalapastanganin ako." Ngunit ayaw gawin ng kanyang tagadala ng baluti, dahil takot na takot siya. Kaya kinuha ni Saul ang kanyang sariling espada at pinatay nito ang kanyang sarili.
|
||
|
\v 5 Nang nakita ng tagadala ng baluti na patay na si Saul, gayon din pinatay niya ang kanyang sarili ng kanyang sariling espada at namatay nagmagkasama.
|
||
|
\v 6 Kaya namatay si Saul, ang kanyang tatlong anak na lalaki, at kanyang tagadala ng baluti— sama-samang namatay ang mga kalalakihang ito nang araw na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Habang nasa kabilang bahagi ng lambak ang mga kalalakihan ng Israel, at sa mga nasa ibayo ng Jordan, nakita nila na nagsitakas ang mga kalalakihan ng Israel, at nang si Saul at ang kanyang mga anak na lalaki ay patay na, iniwan nila ang kanilang mga lungsod at nagsitakas, at dumating ang mga Filisteo at nanirahan sa lugar nila.
|
||
|
\v 8 Dumating ang sumunod na araw, nang dumating ang mga Filisteo upang tanggalin ang mga patay, na nakita nila si Saul at ang kanyang tatlong anak na lalaki na patay na sa Bundok Gilboa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Pinutol nila ang kanyang ulo at tinanggal ang kanyang mga pananggang baluti, at nagpadala ng mga mensahero sa lupain ng mga Filisteo sa lahat ng dako upang dalhin ang balita sa kanilang diyus-diyosan sa templo at sa mga tao.
|
||
|
\v 10 Inilagay nila ang kanyang baluti sa loob ng templo ni Astare, at ang kanilang itinali ang kanyang katawan sa pader ng lungsod sa Bethsan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Nang nabalitaan ng mga nakatira sa Jabes Galaad kung ano ang ginawa ng mga Filisteo kay Saul,
|
||
|
\v 12 tumayo ang lahat ng mandirigmang mga kalalakihan at lumakad ng magdamag at kinuha ang katawan ni Saul at ang mga katawan ng kanyang mga anak na lalaki mula sa pader ng Bethsan. Pumunta sila sa Jabesh at doon nila sinunog ang mga ito.
|
||
|
\v 13 Pagkatapos kinuha nila ang kanilang mga buto at inilibing ang mga ito sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes, at nag-ayuno sa loob ng pitong araw.
|