tl_ulb/06-JOS.usfm

1330 lines
115 KiB
Plaintext
Raw Normal View History

2018-03-09 15:11:14 +00:00
\id JOS
\ide UTF-8
\h Joshua
\toc1 Joshua
\toc2 Joshua
\toc3 jos
\mt Joshua
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ngayon ito ang nangyari pagkatapos mamatay si Moises, ang lingkod ni Yahweh, na nangusap si Yahweh kay Josue ang anak ni Nun, punong pumapangalawa kay Moises, sinasabing,
\v 2 "Namatay na si Moises na aking lingkod. Kaya ngayon, magbangon, tawirin ang Jordang ito, ikaw at lahat ng mga bayang ito, sa lupaing ibinibigay ko sa kanila—sa mga bayan ng Israel.
\v 3 Ibinigay ko sa inyo ang bawat lugar na lalakaran ng talampakan ng inyong paa. Ibinigay ko na ito sa inyo, gaya ng ipinangako ko kay Moises.
\s5
\v 4 Magiging lupain ninyo, mula sa ilang at Lebanon hanggang sa malawak na ilog, ang Eufrates, lahat ng lupain ng mga Heteo, at sa Malawak na Dagat, kung saan lumulubog ang araw.
\v 5 Walang sinumang makakatayo sa harap ninyo sa lahat ng araw ng inyong buhay. Sasamahan kita tulad ng pagsama ko kay Moises. Hindi kita pababayaan o iiwan kita.
\s5
\v 6 Maging malakas at matapang. Idudulot mong manahin ng mga taong ito ang lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninunong ibibigay ko sa kanila.
\v 7 Maging malakas at napakatapang. Maging maingat na sundin ang lahat ng batas na iniutos sa inyo ng aking lingkod na si Moises. Huwag kayong lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa, para maging matagumpay kayo saan man kayo pupunta.
\s5
\v 8 Palagi kang magsasalita tungkol sa aklat ng batas na ito. Pagbubulay-bulayan mo ito sa araw at gabi para masunod mo ang lahat na nakasulat dito. Sa gayon magiging maunlad ka at matagumpay.
\v 9 Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta."
\s5
\v 10 Pagkatapos inutusan ni Josue ang mga pinuno ng bayan,
\v 11 "Lumibot kayo sa kampo at utusan ang mga tao, 'Maghanda ng makakain para sa inyong sarili. Sa loob ng tatlong araw tatawirin ninyo ang Jordang ito at papasukin at aangkinin ang lupain na ibinibigay ni Yahweh inyong Diyos sa inyo para angkinin."'
\s5
\v 12 Sinabi ni Josue sa mga lipi ni Reubenita, mga lipi ni Gadita at sa kalahating lipi ni Manases,
\v 13 "Alalahanin ang salitang iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Binibigyan kayo ng pahinga ni Yahweh na inyong Diyos, at ibinibigay niya sa inyo ang lupaing ito.'
\s5
\v 14 Mananatili sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa kabila ng Jordan ang inyong mga asawa, inyong mga maliliit, at ang inyong mga alagang hayop. Pero ang inyong mga mandirigma ay tatawid kasama ng inyong mga kapatid na lalaki at tutulungan sila
\v 15 hanggang ipagkaloob ni Yahweh sa inyong mga kapatid na lalaki ang kapahingahan tulad ng ibinigay niya sa inyo. At aangkinin din nila ang lupaing ibinibigay sa kanila ni Yahweh na inyong Diyos. Pagkatapos babalik kayo sa sarili ninyong lupain at angkinin ito, ang lupaing ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kabila ng Jordan, kung saan sumisikat ang araw."
\s5
\v 16 At sumagot sila kay Josue, sinabing, "Gagawin namin ang lahat ng iniutos mo sa amin, at pupunta kami saan mo man kami ipapadala.
\v 17 Susundin ka namin tulad ng pagsunod namin kay Moises. Nawa'y samahan ka ni Yahweh, tulad ng pagsama niya kay Moises.
\v 18 Malalagay sa kamatayan ang sinumang susuway sa iyong mga utos at hindi susunod sa iyong mga salita. Maging malakas lamang at matapang."
\s5
\c 2
\p
\v 1 Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, "Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico." Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon.
\v 2 Sinabi ito sa hari ng Jerico, "Tingnan ninyo, dumating ang mga lalaki ng Israel para magmanman sa lupain."
\v 3 Ang hari ng Jerico ay nagpasabi kay Rahab at sinabi, "Ilabas ang mga lalaking pumunta sa iyo na tumuloy sa iyong bahay, dahil naparito sila para magmanman sa buong lupain."
\s5
\v 4 Pero pinapasok ng babae ang dalawang lalaki at itinago sila. At sinabi niya, "Oo, pumunta ang mga lalaki sa akin, pero hindi ko alam kung saan sila galing.
\v 5 Umalis sila nang takipsilim, oras iyon para isara ang tarangkahan ng lungsod. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Marahil maaabutan ninyo sila kung magmamadali kayong sundan sila."
\s5
\v 6 Pero dinala niya sila sa bubong at itinago sila gamit ang mga tangkay ng lino na kaniyang nilatag sa bubong.
\v 7 Kaya sinundan sila ng mga lalaki sa daang papunta sa mga tawiran ng Jordan. At isinara ang mga tarangkahan pagkalabas ng mga humahabol.
\s5
\v 8 Hindi pa nakakahiga ang mga lalaki para sa gabi, nang umakyat siya sa kanila sa bubong.
\v 9 Sinabi niya, "Alam ko na ibinigay ni Yahweh sa inyo ang lupain at ang takot sa inyo ay dumating sa amin. Ang lahat ng naninirahan sa lupain ay manghihina sa inyong harapan.
\s5
\v 10 Nabalitaan namin kung paano pinatuyo ni Yahweh ang tubig ng Dagat na Pula para sa inyo noong lumabas kayo sa Ehipto. At nabalitaan namin kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—Sihon at Og—na winasak ninyong ganap.
\v 11 Sa pagkarinig namin nito, natunaw ang aming mga puso at walang tapang ang naiwan sa sinuman—dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ang Diyos sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba.
\s5
\v 12 Kaya ngayon, pakiusap mangako ka sa akin sa pamamagitan ni Yahweh na, katulad ng aking kabutihan sa inyo, pakitunguhan rin ninyo ng may kabutihan ang sambahayan ng aking ama. Bigyan ninyo ako ng isang tiyak na palatandaan
\v 13 na ililigtas ninyo ang buhay ng aking ama, ina, mga kapatid na lalaki at babae, at ang kanilang buong pamilya, at sa gayon ililigtas ninyo kami mula sa kamatayan."
\s5
\v 14 Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, "Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo."
\s5
\v 15 Kaya pinalabas niya sila sa bintana gamit ang isang lubid. Ang bahay kung saan siya nanirahan ay itinayo sa loob ng pader ng lungsod.
\v 16 Sinabi niya sa kanila, "Pumunta kayo sa mga burol at magtago o ang mga humahabol ay makikita kayo. Magtago kayo doon sa loob ng tatlong araw hanggang ang mga humahabol ay makabalik. Pagkatapos magpatuloy na sa inyong landas."
\v 17 Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, "Wala kaming pananagutan sa mga pangakong ipinagawa mo sa aming sumpaan, kung hindi mo gagawin ito:
\s5
\v 18 Kapag pumasok kami sa lupain, dapat itali mo itong matingkad na pulang lubid sa bintana na siyang pinagbabaan mo sa amin, at magtitipon kayo sa bahay ng iyong ama at ina, iyong mga lalaking kapatid at ang buong sambahayan ng iyong ama.
\v 19 Sinuman ang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay patungo sa lansangan, ang kanilang dugo ay nasa kanilang sariling mga ulo at wala kaming pananagutan. Pero kung may isang kamay na manakit sa sinumang kasama mo sa bahay, ang kaniyang dugo ay nasa aming mga ulo.
\s5
\v 20 Pero kung ipagsasabi mo itong aming pakay, kung gayon wala kaming pananagutan sa pangakong aming sinumpaan sa iyo, sa pangakong pinagawa mong aming sumpaan."
\v 21 Sumagot si Rahab, "Matupad nawa ang inyong sinabi." Pinaalis niya sila at umalis sila. Pagkatapos itinali niya ang matingkad na pulang lubid sa bintana.
\s5
\v 22 Umalis at umakyat sila sa mga burol at nanatili sila doon ng tatlong araw hanggang sa makabalik ang mga humahabol sa kanila. Naghanap ang mga humahabol sa kahabaan ng daanan at wala silang natagpuan.
\s5
\v 23 Bumalik ang dalawang lalaki at tumawid at nagbalik kay Josue anak ni Nun, at isinalaysay nila sa kaniya ang lahat ng bagay na nangyari sa kanila.
\v 24 At sinabi nila kay Josue, "Totoong ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito. Natatakot ang lahat ng mga naninirahan sa lupain dahil sa atin.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Maagang bumangon si Josue, at umalis sila mula sa Sittim. Dumating sila sa Jordan, siya at ang lahat ng bayan ng Israel, at nagkampo sila roon bago sila tumawid.
\s5
\v 2 Pagkaraan ng tatlong araw, naglibot ang mga opisyales sa gitna ng kampo;
\v 3 inutusan nila ang mga tao, "Kapag nakita ninyo ang kaban ng tipan ni Yahweh na inyong Diyos, at ang mga Levitang paring binubuhat ito, dapat kayong umalis sa lugar na ito at sundan iyon.
\v 4 Dapat may pagitan ito ng dalawang libong kubit sa inyo. Huwag kayong lalapit dito, para makita ninyo kung alin ang daraanan, dahil hindi pa ninyo dinaanan ang daang ito dati."
\s5
\v 5 Sinabi ni Josue sa mga tao, "Ihandog ang inyong mga sarili kay Yahweh bukas, dahil gagawa si Yahweh ng mga kababalaghan sa inyo."
\v 6 Pagkatapos sinabi ni Josue sa mga pari, "Buhatin ang kaban ng tipan, at dumaan sa harapan ng mga tao." Kaya binuhat nila ang kaban ng tipan at pumunta sa harapan ng mga tao.
\s5
\v 7 Sinabi ni Yahweh kay Josue, "Sa araw na ito gagawin kitang dakila sa mga mata ng buong Israel. Malalaman nila na gaya ng ako ay kasama ni Moises, ako ay makakasama mo.
\v 8 Utusan mo ang mga pari na nagdala ng kaban ng tipan, 'Kapag nakarating na kayo sa gilid ng tubig ng Jordan, dapat muna kayong huminto sa Ilog Jordan.'"
\s5
\v 9 Pagkatapos sinabi ni Josue sa mga Israelita, "Pumarito kayo, at pakinggan ang mga salita ni Yahweh na inyong Diyos.
\v 10 Sa pamamagitan nito malalaman ninyo na kasama ninyo ang buhay na Diyos at paaalisin mula sa inyong harapan ang mga Cananaeo, ang mga Heteo, ang mga Hivita, ang mga Perezeo, ang mga Gergeseo, ang mga Amoreo, at ang mga Jebuseo.
\v 11 Tingnan ninyo! Ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong mundo ay mauunang itatawid sa inyo sa Jordan.
\s5
\v 12 Ngayon pumili ng labindalawang kalalakihan mula sa mga lipi ng Israel, isang lalaki sa bawat isa.
\v 13 Kapag nakaapak na sa tubig ng Jordan ang mga talampakan ng mga paring may dala ng kaban ng tipan ni Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo, mahahati ang tubig ng Jordan, at kahit na ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay hihinto sa pagdaloy at mananatili sila sa isang tambakan.
\s5
\v 14 Kaya nang umalis ang mga tao para tumawid sa Jordan, ang mga pari na may dala ng kaban ng tipan ay pinangunahan ang bayan.
\v 15 Sa sandaling sumapit na sa Jordan ang may dala ng kaban, at ang paa ng mga iyon na may dala ng kaban ay lumubog sa gilid ng tubig (ngayon umaapaw ang Jordan sa lahat ng pangpang sa buong panahon ng pag-ani),
\v 16 ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay nanatili sa isang tambakan. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa malalayong lugar. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa Adam, ang lungsod na nasa tabi ng Zaretan, pababa sa karagatan ng Negeb, ang Dagat na Asin. At tumawid ang mga tao malapit sa Jerico.
\s5
\v 17 Nakatayo sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan ang mga paring nagbuhat ng kaban ng tipan ni Yahweh hanggang nakatawid na ang lahat ng bayan ng Israel sa tuyong lupa.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Nang nakatawid ang lahat ng mga tao sa Jordan, sinabi ni Yahweh kay Josue,
\v 2 "Pumili ng labindalawang lalaki para sa inyong mga sarili mula sa inyong bayan, isang lalaki mula sa bawat lipi.
\v 3 Ibigay sa kanila ang kautusang ito: 'Kumuha ng labindalawang bato mula sa gitna ng Jordan kung saan nakatayo ang mga pari sa tuyong lupa, at dalhin ninyo ang mga iyon at ilapag ang mga iyon sa lugar kung saan kayo ngayon magpapalipas ng gabi."'
\s5
\v 4 Pagkatapos tinawag ni Josue ang labindalawang lalaki na kaniyang pinili mula sa mga lipi ng Israel, isa sa bawat lipi.
\v 5 Sinabi ni Josue sa kanila, "Pumunta sa kalagitnaan ng Jordan sa unahan ng kaban ni Yahweh inyong Diyos, bawat isa sa inyong na may isang bato sa kaniyang balikat--labindalawang bato, itayong katulad ng bilang ng mga lipi ng bayan ng Israel.
\s5
\v 6 Magiging isa itong palatandaan sa inyong kalagitnaan para sa inyo kapag nagtanong ang inyong mga anak sa mga darating na mga araw, 'Ano ang kahulugan ng mga batong ito sa inyo?'
\v 7 Kaya sasabihin ninyo sa kanila, 'Nahati ang tubig ng Jordan sa harap ng kaban ng tipan ni Yahweh. Nang makatawid ito sa Jordan, nahati ang tubig ng Jordan. Kaya ang mga batong ito ay magiging isang alaala sa bayan ng Israel magpakailanman."'
\s5
\v 8 Ginawa ng bayan ng Israel gaya ng iniutos ni Josue, at namulo sila ng labindalawang bato mula sa kalagitnaan ng Jordan, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Josue, inayos silang katulad ng bilang ng mga lipi ng bayan ng Israel. Binuhat nila ang mga ito sa lugar kung saan nagpalipas sila ng gabi at itinayo nila ang mga ito roon.
\v 9 Pagkatapos nagtayo si Josue ng labindalawang bato sa kalagitnaan ng Jordan, sa lugar kung saan ang mga paa ng mga pari na nagbuhat ng kaban ng tipan ay tumayo. At ang bantayog ay naroon hanggang sa araw na ito.
\s5
\v 10 Tumayo ang mga paring nagbuhat ng kaban sa kalagitnaan ng Jordan hanggang ang lahat ng iniutos ni Yahweh kay Josue para sabihin sa bayan ay masunod, ayon sa lahat ng iniutos ni Moises kay Josue. Nagmadali tumawid ang mga tao.
\v 11 Nang matapos na sa pagtawid ang lahat ng mga tao, ang kaban ni Yahweh at ang mga pari ay tumawid sa harap ng mga tao.
\s5
\v 12 Ang lipi ni Ruben, ang lipi ni Gad, at kalahating lipi ng Manases ay tumawid sa unahan ng bayan ng Israel nakahanay bilang isang hukbo, gaya ng sinabi ni Moises sa kanila.
\v 13 Humigit-kumulang apatnapung libong kalalakihang nakahandang makipagdigma ay tumawid sa harap ni Yahweh, para sa labanan sa mga kapatagan ng Jerico.
\v 14 Sa araw na iyon ginawang dakila ni Yahweh si Josue sa mga paningin ng buong Israel. Pinarangalan nila siya--gaya ng pagparangal nila kay Moises--sa lahat ng kaniyang mga araw.
\s5
\v 15 Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Josue,
\v 16 "Utusan ang mga paring nagbubuhat ng kaban ng tipan ng mga kautusan na umahon mula sa Jordan."
\s5
\v 17 Kaya, inutusan ni Josue ang mga pari, "Umahon mula sa Jordan."
\v 18 Nang umahon ang mga paring nagbubuhat ng kaban ng tipan ni Yahweh mula sa kalagitnaan ng Jordan, at ang mga talampakan nila ay inahon sa tuyong lupa, tapos nanumbalik ang mga ang tubig ng Jordan at umapaw sa mga pampang nito, gaya noong apat na araw na ang nakakalipas.
\s5
\v 19 Umahon ng Jordan ang mga tao sa ikasampung araw ng unang buwan. Nanatili sila sa Gilgal, silangan ng Jerico.
\v 20 Ang labindalawang bato na kanilang kinuha sa Jordan, itinayo ni Josue sa Gilgal.
\v 21 Sinabi niya sa bayan ng Israel, "Kapag tinanong ng inyong mga kaapu-apuhan ang kanilang mga ama sa darating na mga panahon, 'Ano ang mga batong ito?'
\s5
\v 22 Sabihin sa inyong mga anak, 'Dito ay kung saan pinatawid ang Israel sa tuyong lupa sa Jordan.'
\v 23 Pinatuyo ni Yahweh na inyong Diyos ang tubig sa Jordan para sa inyo, hanggang sa makatawid kayo, gaya ng ginawa ni Yahweh inyong Diyos sa Dagat ng mga Tambo, na kaniyang tinuyo para sa atin hanggang tayo ay makatawid,
\v 24 para malaman ng lahat ng mga tao sa mundo na ang kamay ni Yahweh ay makapangyarihan, at paparangalan ninyo si Yahweh ang inyong Diyos magpakailanman."
\s5
\c 5
\p
\v 1 Pagkarinig ng lahat ng hari ng mga Amoreo sa kanlurang dako ng Jordan, at lahat ng hari ng mga Cananaeo, na nasa baybayin ng Malaking Dagat, na pinatuyo ni Yahweh ang tubig sa Jordan hanggang nakatawid ang bayan ng Israel, natunaw ang kanilang mga puso, at walang anumang espiritu sa kanila dahil sa mga Israelita.
\s5
\v 2 Sa panahong iyon sinabi ni Yahweh kay Josue, "Gumawa ka ng mga kutsilyo mula sa matigas na bato at tuliin minsan pa ang lahat ng lalaki ng Israel."
\v 3 Pagkatapos gumawa mismo si Josue ng mga kutsilyo mula sa matigas na bato at tinuli ang lahat ng lalaki ng Israel sa Gibeat Haaralot.
\s5
\v 4 At ito ang dahilan na tinuli sila ni Josue: lahat ng lalaking lumabas sa Ehipto, kasama ang lahat ng kalalakihang mandirigma, ay namatay sa ilang habang daan, pagkatapos nilang lumabas sa Ehipto.
\v 5 Kahit tinuli na ang lahat ng lalaking lumabas sa Ehipto, gayon man, walang batang lalaking ipinanganak sa ilang habang daang palabas ng Ehipto ay tinuli.
\s5
\v 6 Naglakbay ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon sa ilang hanggang ang lahat ng tao, iyon ay, lahat ng kalalakihang mandirigma na nakalabas sa Ehipto ay namatay, dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh. Ipinangako ni Yahweh sa kanila na hindi niya sila hahayaang makita ang lupaing ipinangako niya sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa amin, isang lupaing umaapaw ang gatas at pulot.
\v 7 Ang kanilang mga anak na inalagaan ni Yahweh kapalit nila na silang tinuli ni Josue, dahil hindi pa sila tinuli sa daan.
\s5
\v 8 Nang tinuli silang lahat, nanatili sila sa kampo kung saan sila naroroon hanggang gumaling sila.
\v 9 At sinabi ni Yahweh kay Josue, "Sa araw na ito inalis ko ang kahihiyan ng Ehipto mula sa inyo." Kaya tinawag ang lugar na iyon sa pangalang Gilgal hanggang sa araw na ito.
\s5
\v 10 Nagkampo ang bayan ng Israel sa Gilgal. Ipinagdiwang nila ang Paskua sa ikalabing apat na araw ng buwan, sa gabi, sa mga kapatagan ng Jerico.
\v 11 At kinabukasan ng Paskua, sa araw mismong iyon, kinain nila ang ilan sa bunga ng lupain, tinapay na walang lebadura, at inihaw na butil.
\s5
\v 12 Tumigil ang manna sa araw matapos nilang kainin ang bunga ng lupain. Wala ng manna para sa bayan ng Israel, pero kinain nila ang bunga ng lupain ng Canaan sa taong iyon.
\s5
\v 13 Nang malapit na si Josue sa Jerico, tumingala siya at nakita, at masdan ito, isang lalaki ang nakatayo sa kaniyang harapan; hinugot niya ang kaniyang espada at ito at nasa kamay niya. Lumapit si Josue sa kaniya at sinabing, "Ikaw ba ay sa amin o para sa aming kaaway?"
\s5
\v 14 Sinabi niya, "Wala sa alinman. Dahil ako ang pinuno ng hukbo ni Yahweh. Ngayon naparito ako." Pagkatapos nagpatirapa si Josue sa lupa para sumamba at sinabi sa kaniya, "Ano ang sinasabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod?"
\v 15 Sinabi ng pinununo ng hukbo ni Yahweh kay Josue, "Hubarin mo ang iyong sandalyas mula sa iyong mga paa, dahil banal ang lugar na iyong kinatatayuan." At ginawa iyon ni Josue.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Ngayon nakasara lahat ang mga pasukan ng Jerico dahil sa hukbo ng Israel. Walang sinuman ang lumalabas at pumapasok.
\v 2 Sinabi ni Yahweh kay Josue, "Tingnan mo, ibinigay ko sa inyo ang Jerico, ang hari nito at mga sundalong sinanay nito.
\s5
\v 3 Dapat kayong magmartsa sa palibot ng lungsod, lahat ng kalalakihan sa digmaan ay lilibutin ang lungsod nang minsanan. Dapat ninyong gawin ito sa loob ng anim na araw.
\v 4 Dapat dalhin ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng kaban. Sa ikapitong araw, dapat kayong magmartsa ng pitong beses palibot ng lungsod at patunugin ng malakas ang mga trumpeta ng mga pari.
\s5
\v 5 Dapat silang magpatunog ng isang mahabang tunog gamit ang sungay ng lalaking tupa at kapag marinig ninyo ang tunog ng trumpeta dapat sumigaw ng napakalakas ang lahat ng mga tao at guguho ang pader ng lungsod. Dapat lumusob ang mga sundalo, bawat isa ng deretso lang."
\s5
\v 6 Pagkatapos tinawag ni Josue na anak na lalaki ni Nun, ang mga pari at sinabi sa kanila, "Buhatin ninyo ang kaban ng tipan, at hayaang dalhin ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng kaban ni Yahweh."
\v 7 At sinabi niya sa mga tao, "Lumakad kayo at magmartsa sa palibot ng lungsdo at ang mga armadong kalalakihan ay mauuna sa kaban ni Yahweh."
\s5
\v 8 Tulad ng sinabi ni Josue sa bayan, dinala ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ni Yahweh. Habang nauuna sila, pinatunog nila nang malakas ang mga trumpeta. Sumunod sa kanila ang Kaban ng Tipan ni Yahweh.
\v 9 Lumakad ang mga armadong kalalakihan sa harapan ng mga pari, at gumawa sila ng isang malakas na tunog sa kanilang mga trumpeta, pero pagkatapos ang hulihang bantay ay sumusunod sa likod ng kaban, at tuluy-tuloy na hinipan ng mga pari ang kanilang mga trumpeta.
\s5
\v 10 Pero inutos ni Josue sa bayan, sinabing, "Huwag kayong sumigaw. Dapat walang tunog ang lalabas sa inyong mga bibig hanggang sa araw na sabihin kong sumigaw kayo. Sa pagkakataong iyon lamang kayo dapat sumigaw."
\v 11 Kaya idinulot niya na ang Kaban ni Yahweh ay ilibot nang minsan sa lungsod sa araw na iyon. Pagkatapos pumasok sila sa kanilang mga kampo at nanatili sila sa kanilang kampo sa gabing iyon.
\s5
\v 12 Kaya gumising ng maaga si Josue at binuhat ng mga pari ang Kaban ni Yahweh.
\v 13 Ang pitong paring may dala ng pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng Kaban ni Yahweh at matatag na naglalakad, hinipan nilang malakas ang mga trumpeta. Naglalakad sa kanilang harapan ang mga armadong sundalo. Pero nang ang hulihang bantay ay naglakad sa likod ng Kaban ni Yahweh, saka hinipang malakas ng tuluy-tuloy ang mga trumpeta.
\v 14 Nagmartsa sila sa palibot ng lungsod nang minsan sa pangalawang araw at bumalik sa kampo. Ginawa nila ito sa loob ng anim na araw.
\s5
\v 15 Maaga silang gumising nang magbubukang liwayway nang ikapitong araw at nagmartsa sila palibot ng lungsod ayon sa nakasanayan nila, sa pagkakataong ito pitong ulit. Sa araw na ito sila nagmartsa palibot ng slungsod nang pitong ulit.
\v 16 Ito ay nasa ikapitong araw nang pinatunog nang malakas ng mga pari ang mga trumpeta, at iniutos ni Josue sa mga tao, "Sumigaw! Dahil ibinigay sa inyo ni Yahweh ang lungsod.
\s5
\v 17 Inilaan ni Yahweh para wasakin ang lungsod at ang lahat ng nasa loob nito. Tanging si Rahab ang bayarang babae ang mabubuhay—siya at lahat ng kaniyang sambahayan—dahil itinago niya ang mga lalaking ipinadala natin.
\v 18 Pero para sa inyo, mag-ingat kayo tungkol sa mga bagay na itinakda para wasakin, kaya pagkatapos ninyo silang tandaan para wasakin huwag ninyong kunin ang kahit ano sa mga iyon. Kung gagawin ninyo ito, gagawin ninyong isang bagay na dapat wasakin ang kampo ng Israel at magdadala kayo ng kaguluhan dito.
\v 19 Lahat ng pilak, ginto, at mga bagay na gawa sa tanso at bakal ay nakalaan kay Yahweh. Dapat dalhin ang mga ito sa ingatang yaman ni Yahweh."
\s5
\v 20 Kaya sumigaw ang mga tao at pinatunog nila nang malakas ang mga trumpeta. Nangyari ito nang narinig ng mga tao ang tunog ng trumpeta, sumigaw sila nang napakalakas na sigaw at gumuho ang pader kaya umakyat ang mga tao sa lungsod, sumugod ang bawat isa. At nabihag nila ang lungsod.
\v 21 Winasak nila ng ganap ang lahat ng nasa lungsod gamit ang talim ng espada—lalaki at babae, bata at matanda, lalaking baka, tupa at mga asno.
\s5
\v 22 Pagkatapos sinabi ni Josue sa dalawang lalaking nagmanman sa lupain, "Puntahan ang bahay ng bayarang babae. Dalhin palabas ang babae at lahat ng kasama niya, ayon sa inyong sumpa sa kaniya."
\s5
\v 23 Kaya ang kabataang lalaki na nagmanman ay pumasok at inilabas si Rahab. Nilabas nila ang kaniyang ama, ina, mga kapatid at lahat ng kamag-anak na kasama niya. Dinala nila sila sa isang lugar sa labas ng kampo ng Israel.
\v 24 At sinunog nila ang lungsod at lahat ng naririto. Tanging pilak, ginto at mga sisidlang tanso at bakal ang inilagay sa ingatang yaman ng bahay ni Yahweh.
\s5
\v 25 Pero pinahintulutan ni Josue si Rahab ang bayarang babae, ang sambahayan ng kaniyang ama, at lahat ng kasama niya na mabuhay. Nanirahan siya sa Israel hanggang sa araw na ito, dahil itinago niya ang mga lalaking ipinadala ni Josue para magmanman sa Jerico.
\s5
\v 26 Pagkatapos sa pagkakataong iyon inutusan sila ni Josue kasama ng isang panunumpa at sinabi niya, "Sumpain ang tao sa paningin ni Yahweh na magtatayong muli ng lungsod na ito, ang Jerico. Sa ikapapahamak ng kaniyang panganay na anak na lalaki, ilalatag niya ang pundasyon at sa ikapapahamak ng kaniyang bunsong anak na lalaki, itatayo niya ang mga tarangkahan nito."
\v 27 Kaya kasama ni Josue si Yahweh at kumalat ang kaniyang katanyagan sa buong lupain.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Pero kumilos ng hindi tapat ang bayan ng Israel tungkol sa mga bagay na inilaan para sa pagkawasak. Si Acan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zimri na anak na lalaki ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na inilaan para sa pagkawasak, at sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa bayan ng Israel.
\s5
\v 2 Nagpadala ng mga kalalakihan si Josue mula sa Jerico sa Ai, malapit sa Beth Aven, silangan ng Bethel. Sinabi niya sa kanila, "Umakyat kayo at manmanan ang lupain." Kaya lumakad ang mga kalalakihan at minanman ang Ai.
\v 3 Nang bumalik sila kay Josue, sinabi nila sa kaniya, "Huwag mong ipadala ang lahat ng tao sa Ai. Magpadala ka lamang ng dalawa o tatlong libong kalalakihan para pumunta at lusubin ang Ai. Huwag mong ipadala ang lahat ng tao sa labanan, dahil kakaunti lamang sila sa bilang."
\s5
\v 4 Kaya mahigit tatlong libong kalalakihan lamang ang pumunta mula sa hukbo, pero tumakas ang mga ito mula sa mga kalalakihan ng Ai.
\v 5 Nakapatay ng mahigit tatlumpu't-anim na kalalakihan ang mga kalalakihan ng Ai habang tinugis nila sila mula sa tarangkahan ng lungsod hanggang sa tibagang bato, at pinatay nila sila habang bumababa sila sa isang burol. At natakot ang mga puso ng mga tao at iniwan sila ng kanilang tapang.
\s5
\v 6 Pagkatapos pinunit ni Josue ang kaniyang mga kasuotan. Siya at mga nakatatanda ng Israel ay naglagay ng alikabok sa kanilang ulo at iniyuko ang mukha sa lupa sa harapan ng kaban ni Yahweh, nanatili sila roon hanggang gabi.
\v 7 Pagkatapos sinabi ni Josue, "Ah Panginoong Yahweh, bakit mo dinala ang bayang ito sa kabila ng Jordan? Para ibigay kami sa mga kamay ng mga Amoreo para lipulin kami? Kung gagawa lamang kami ng magkakaibang desisyon at manatili sa ibayong dako ng Jordan!
\s5
\v 8 Panginoon, ano ang maaari kong sabihin, pagkatapos tumakas ang mga Israel sa harapan ng kanilang mga kaaway!
\v 9 Dahil ang mga Cananaeo at lahat ng mga naninirahan sa lupain ay narinig ito. Nakapalibot sila sa amin at ginawang makalimutan ng bayan sa mundo ang aming pangalan. At kaya anong gagawin mo para sa iyong dakilang pangalan?"
\s5
\v 10 Sinabi ni Yahweh kay Josue, "Bumangon ka! Bakit ka nakadapa diyan?
\v 11 Nagkasala ang Israel. Nilabag nila ang aking tipan na aking iniutos sa kanila. Ninakaw nila ang ilan sa mga bagay na inilaan. Ninakaw nila at pagkatapos itinago rin nila ang kanilang kasalanan sa pamamagitan ng paglalagay kung ano ang kanilang kinuha sa kanilang sariling mga pag-aari.
\v 12 Bilang bunga, hindi nakatayo ang bayan ng Israel sa harap ng kanilang mga kaaway. Tinalikuran nila ang kanilang mga kaaway dahil sila mismo sa kanilang sarili ay inilaan para sa pagkawasak. Hindi na ako sasama sa inyo kahit kailan maliban kung wawasakin ninyo ang mga bagay na dapat wasakin, pero nasa inyo pa rin.
\s5
\v 13 Bumangon ka! Ilaan ang bayan sa akin at sabihin sa kanila, 'Ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh para bukas. Dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel ay sinasabi, "Mayroong mga bagay na inilan para wasakin na nananatili sa inyo, Israel. Hindi kayo makakatayo laban sa inyong mga kaaway hanggang tanggalin ninyo mula sa inyo ang lahat ng bagay na ibinukod para wasakin."
\s5
\v 14 Sa umaga, dapat ninyong ipakita ang inyong sarili sa pamamagitan ng inyong mga lipi. Ang lipi na pinili ni Yahweh ay manggagaling malapit sa kanilang mga angkan. Dapat lumapit ang angkan na pinili ni Yahweh sa bawat sambahayan. Dapat lumapit ang sambahayan na pinili ni Yahweh.
\v 15 Mangyayari ito na ang isang taong nahuli at kung sino ang may mga bagay na ibinukod para sa pagkawasak, susunugin siya, siya at lahat ng mayroon siya, dahil winasak niya ang tipan ni Yahweh at dahil nakagawa siya ng isang kahiya-hiyang bagay sa Israel."'
\s5
\v 16 Kaya, bumangon ng maaga kinaumagahan si Josue at inilapit ang Israel, lipi sa lipi, at ang lipi ni Juda ang napili.
\v 17 Inilapit niya ang mga angkan ni Juda, at ang angkan ng Zerahita ang napili. Inilapit niya ang angkan ng mga Zerahita tao sa tao, at si Zabdi ang napili.
\v 18 Inilapit niya ang kaniyang sambahayan, tao sa tao, at si Achan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zabdi na anak na lalaki ni Zerah, ang napili mula sa lipi ni Juda.
\s5
\v 19 Pagkatapos sinabi ni Josue kay Achan, "Aking anak, sabihin mo ang katotohanan sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ibigay mo ang iyong pagtatapat sa kaniya. Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang iyong nagawa. Huwag mo itong itago sa akin."
\v 20 Sumagot si Achan kay Josue, "Tunay nga, nagkasala ako laban kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ganito ang aking ginawa:
\v 21 Nang nakita ko sa mga manloloob ang isang magandang balabal mula sa Babylon, dalawan-daang sekel ng pilak, at isang bar ng ginto na nagtitimbang ng limampung sekel, aking ninais at kinuha ko ang mga ito. Nakatago sila sa ilalim ng lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim nito."
\s5
\v 22 Nagpadala si Josue ng mga mensahero, na siyang pumunta sa tolda at naroon ang mga bagay. Nang tiningnan nila, natagpuan nila ang mga ito na nakatago sa kaniyang sariling tolda, at ang mga pilak na nasa ilalim ng mga ito.
\v 23 Kinuha nila ang mga bagay mula sa gitna ng tolda at dinala nila ang mga ito kay Josue at sa lahat ng bayan ng Israel. Ibinuhos nila ang mga ito sa harapan ni Yahweh.
\s5
\v 24 Pagkatapos kinuha ni Josue, at buong Israel na kasama niya, si Achan na anak na lalaki ni Zerah, at ang pilak, ang balabal, ang bar ng ginto, kaniyang mga anak na lalaki at babae, kaniyang mga baka, kaniyang mga asno, kaniyang tupa, kaniyang tolda, at lahat ng mayroon siya, at dinala nila sila sa lambak ng Achor.
\s5
\v 25 Pagkatapos sinabi ni Josue, "Bakit mo kami ginulo? Guguluhin ka ni Yahweh sa araw na ito." Binato siya ng buong Israel. At sinunog nila silang lahat, at binato nila sila.
\v 26 Naglagay sila sa kaniyang ibabaw ng isang malaking bunton ng mga bato na narito hanggang sa araw na ito. Pinawi ni Yahweh ang kaniyang lumalagablab na galit. Kaya ang pangalan ng lugar ay ang lambak ng Achor hanggang sa ngayong araw na ito.
\s5
\c 8
\p
\v 1 Sinabihan ni Yahweh si Josue, "Huwag matakot; huwag mapanghinaan ng loob. Dalhin mo ang lahat ng mga tao sa digmaan. Pumunta sa Ai. Tingnan mo, ang ibinibigay ko sa iyong kamay ang hari ng Ai, kaniyang bayan, kaniyang siyudad, at kaniyang lupain.
\v 2 Gagawin mo sa Ai at sa kaniyang hari gaya ng ginawa mo sa Jerico at sa kaniyang hari, maliban na kunin mo ang panloloob at ang mga baka para sa iyong sarili. Magtakda ng isang pananambang sa likod ng lungsod."
\s5
\v 3 Kaya tumayo si Josue at kinuha ang mga kalalakihan sa digmaan patungong Ai. Pagkatapos pumili si Josue ng tatlumpung libong kalalakihan—malakas, matapang na mga kalalakihan—at pinadala niya sila sa gabi.
\v 4 Inutusan niya sila, "Masdan ito, maglalagay kayo ng tambangan laban sa lungsod, sa likod nito. Huwag masyadong lumayo mula sa lungsod, pero maging handa kayong lahat.
\s5
\v 5 Lalapit ako at lahat ng mga kalalakihan na kasama ko sa lungsod. At kapag lumabas sila para salakayin tayo, lalayo tayo mula sa kanila gaya ng dati.
\v 6 Lalabas sila pagkatapos natin hanggang ilayo natin sila mula sa lungsod. Sinasabi nila, 'Lumalayo sila sa atin gaya ng ginawa nila noong una.' Kaya lalayo tayo mula sa kanila.
\v 7 Pagkatapos lalabas kayo sa lugar ng inyong pinagtataguan, at huhulihin ninyo ang lungsod. Ibibigay ito sa inyong kamay ni Yahweh na inyong Diyos.
\s5
\v 8 Kapag nahuli ninyo ang lungsdo, susunugin ninyo ito. Gagawin ninyo ito kapag susundin ninyo ang utos na ibinigay sa salita ni Yahweh. Tingnan mo, inutusan ko kayo."
\v 9 Ipinadala sila ni Josue, at pumunta sila sa lugar ng tambangan, at nagtago sila sa pagitan ng Bethel at Ai sa kanluran ng Ai. Pero natulog si Josue sa gabing iyon kasama ng mga tao.
\s5
\v 10 Bumangon ng madaling araw si Josue at inihanda ang kaniyang mga sundalo, si Josue at ang mga nakatatanda ng Israel, at sinalakay nila ang bayan ng Ai.
\v 11 Lahat ng lumalaban na kalalakihan ay umakyat at nilapitan ang lungsod. Lumapit sila sa lungsod at nagkampo sa hilagang dako ng Ai. Ngayon mayroong isang lambak sa pagitan nila at Ai.
\v 12 Kinuha niya ang humigit-kumulang ng limang libong kalalakihan at itinakda sila sa pananambang sa kanlurang dako ng lungsod sa pagitan ng Bethel at Ai.
\s5
\v 13 Ipinuwesto nila ang lahat ng sundalo, ang mga pangunahing hukbo sa hilagang dako ng lungsod, at ang likurang bantay sa kanlurang dako ng lungsod. Nagpalipas ng gabing si Josue sa lambak.
\v 14 Nangyari ito nang nakita ng hari ng Ai, siya at kaniyang hukbo ay bumangon ng maaga at nagmadaling lumabas para salakayin ang Israel sa lugar na nakaharap patungo sa lambak ng Ilog Jordan. Hindi niya alam na naghihintay ang isang pananambang para sumalakay mula sa likuran ng lungsod.
\s5
\v 15 Si Josue at lahat ng Israel ay hinayaan ang kanilang sarili na matalo sa kanilang harapan, at tumakas sila patungo ng ilang.
\v 16 Lahat ng mga tao na nasa loob ng lungsod ay sama-samang tinawag para sumunod sa kanila, at sumunod sila kay Josue at lumayo sila mula sa lungsod.
\v 17 Walang lalaki ang umalis sa Ai at Bethel na siyang hindi lumabas para tugisin ang Israel. Pinabayaan nila ang lungsod at iniwan itong bukas habang tinutugis nila ang Israel.
\s5
\v 18 Sinabi ni Yahweh kay Josue, "Itutok ang sibat na iyon sa iyong kamay patungong Ai, dahil ibibigay ko ang Ai sa iyong kamay." Itinutok ni Josue ang sibat na nasa kaniyang kamay patungo ng lungsod.
\v 19 Ang mga sundalong nagtatago sa pananambang ay nagmadaling lumabas sa kanilang lugar nang inabot niya ang kaniyang kamay. Tumakbo at pumasok sila ng lungsod at hinuli ito. Mabilis nilang sinunog ang lungsod.
\s5
\v 20 Lumiko at lumingon ang mga kalalakihan ng Ai. Nakita nila ang usok mula sa lungsod na tumataas sa himpapawid, at hindi sila makatakas sa paraang ito o iyon. Dahil ang mga sundalong Israelita na siyang tumakas sa ilang ngayon ay bumalik para harapin ang mga tumutugis sa kanila.
\v 21 Nang nakita ni Josue at lahat ng Israel na nabihag ang siyudad ng pananambang na may tumataas na usok, umikot sila at pinatay ang mga kalalakihan ng Ai.
\s5
\v 22 At ang ibang mga sundalo ng Israel, ang mga umalis ng lungsod, lumabas para salakayin sila. Kaya hinuli ang kalalakihan ng Ai sa pagitan ng mga hukbo ng Israel, sa ilang bahagi nito at sa ilang bahagi na iyon. Sinalakay ng Israel ang kalalakihan ng Ai; wala sa kanila ang nakaligtas o nakatakas.
\v 23 Itinago nila ang hari ng Ai, na siyang binihag nilang buhay, at dinala nila siya kay Josue.
\s5
\v 24 Nangyari ito nang natapos patayin ng Israel ang lahat ng mga naninirahan ng Ai sa lupaing malapit sa ilang kung saan tinugis nila sila, at nang lahat sa kanila, sa isang kahuli-hulihan, na natalo sa pamamagitan ng talim ng espada, bumalik ang lahat ng Israel sa Ai. Sinalakay nila ito sa pamamagitan ng talim ng espada.
\v 25 Lahat ng natalo sa araw na iyon, kapwa mga lalaki at babae, ay labindalawang libo, lahat ng bayan ng Ai.
\v 26 Hindi ibinalik ni Josue ang kaniyang kamay na inabot niya, habang hinahawakan ang kaniyang sibat, hanggang tuluyang nawasak niya ang lahat ng bayan ng Ai.
\s5
\v 27 Kinuha lamang ng Israel ang mga alagang hayop at ang ninakaw mula sa lungsod para sa kanilang sarili, tulad ng inutos ni Yahweh kay Josue.
\v 28 Sinunog ni Josue ang Ai at ginawa itong isang tambakan ng mga nawasak magpakailanman. Ito ay isang lugar na pinabayaan sa araw na ito.
\s5
\v 29 Ibinitin niya ang hari ng Ai sa isang puno hanggang gabi. Nang palubog na ang araw, nagbigay ng utos si Josue at kinuha nila ang katawan ng hari pababa mula sa puno at itinapon ito sa harap ng tarangkahan ng lungsod. Nagtayo sila roon ng isang malaking tambakan ng mga bato sa ibabaw nito. Nanatili ang tambakan na iyon doon sa araw na ito.
\s5
\v 30 Pagkatapos itinayo ni Josue ang isang altar para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sa Bundok Ebal,
\v 31 gaya ni Moises ang lingkod ni Yahweh na inutusan ang bayan ng Israel, ayon sa nakasulat sa aklat ng batas ni Moises: "Isang altar mula sa hindi nahating mga bato, na walang ni isa ang makahawak sa isang bakal na kagamitan." At naghandog siya rito ng handog na susunugin kay Yahweh, at nag-alay sila ng mga handog para sa kapayapaan.
\v 32 At doon sa presensya ng bayan ng Israel, isinulat niya sa mga bato ang isang kopya ng batas ni Moises.
\s5
\v 33 Lahat ng Israel, kanilang nakatatanda, mga opisyales, at kanilang mga hukom ay tumayo sa magkabilang bahagi ng kaban sa harap ng mga pari at mga Levita na nagdala ng kaban ng tipan ni Yahweh—ang dayuhan gayundin ang ipinanganak na katutubo—nakatayo sa harap ng Bundok Gerizim ang kalahati sa kanila at nakatayo sa harap ng Bundok Ebal ang ibang kalahati. Pinagpala nila ang bayan ng Israel, gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kanila sa simula.
\s5
\v 34 Pagkatapos, binasa ni Josue ang lahat ng mga salita sa batas, ang mga pagpapala at ang mga sumpa, gaya ng kanilang isinulat sa aklat ng batas.
\v 35 Walang isang salita mula sa lahat na inutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng pagpupulong ng Israel, kasama ang mga kababaihan, ang maliliit na mga bata, at ang mga dayuhan na siyang nanirahan sa kanila.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Pagkatapos ang lahat ng haring nanirahan sa kabila ng Jordan sa maburol na lupain, at sa mga mababang lupain ng baybayin ng Malawak na Dagat patungong Lebanon—ang mga Heteo, Amoreo, Cananaeo, Perizeo, Hivita, at ang mga Jebuseo—
\v 2 nagsama-sama ang mga ito sa ilalim ng isang pamumuno, para magkipagdigma laban kay Josue at Israel.
\s5
\v 3 Nang nabalitaan ng mga naninirahan sa Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at Ai,
\v 4 gumawa sila ng isang tusong plano. Tinustusan nila ang kanilang sarili ng mga pagkain at kumuha ng mga lumang sako at nilagay nila ang kanilang mga asno. Kumuha rin sila ng mga lumang sisidlang balat ng alak, gutay-gutay, at inayos.
\v 5 Inilagay nila ang luma at sira-sirang mga sandalyas sa kanilang mga paa, at nagsuot ng luma, sira-sirang kasuotan. Lahat ng kanilang pagkaing panustos ay tuyo at inaamag.
\s5
\v 6 Pagkatapos pumunta sila kay Josue sa kampo sa Gilgal at sinabi sa kaniya at sa mga kalalakihan ng Israel, "Naglakbay kami mula sa isang napakalayong bansa, kaya ngayon gumawa kayo ng isang kasunduan sa amin."
\v 7 Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel sa mga Hivita, "Marahil kayo ay naninirahan sa malapit sa amin. Paano kami gagawa ng isang kasunduan sa inyo?"
\v 8 Sinabi nila kay Josue, Kami ay inyong mga lingkod." Sinabi ni Josue sa kanila, "Sino kayo? Saan kayo nagmula?"
\s5
\v 9 Sinabi nila sa kaniya, "Naparito ang inyong mga lingkod mula sa isang napakalayong lupain, dahil sa pangalan ni Yahweh na inyong Diyos. Narinig namin ang isang ulat tungkol sa kaniya at tungkol sa lahat ng bagay na ginawa niya sa Ehipto—
\v 10 at lahat ng bagay na ginawa niya sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—kay Sihon hari ng Hesbon, at kay Og hari na Bashan na naroon sa Astarot.
\s5
\v 11 Sinabi sa amin ng aming nakatatanda at lahat ng naninirahan sa aming bansa, 'Magdala kayo ng mga pagkain sa inyong mga kamay para sa paglalakbay. Lumakad kayo at salubungin sila at sabihin sa kanila, "Kami ay inyong mga lingkod. Gumawa kayo ng isang kasunduan sa amin."
\v 12 Ito ang aming tinapay, mainit pa ito nang kinuha namin sa aming mga bahay sa araw na aming itinakdang pumunta rito sa inyo. Pero ngayon, tingnan ninyo, tuyo na ito at inaamag.
\v 13 Itong mga sisidlang balat ay bago nang napuno ang mga ito, at tumingin ka, nasira na ang mga ito. Ang aming mga kasuotan at aming mga sandalyas ay naluma sa isang napakahabang paglalakbay."'
\s5
\v 14 Kaya kinuha ng mga Israelita ang ilan sa kanilang mga pagkain, pero hindi sila sumangguni kay Yahweh para sa patnubay.
\v 15 Gumawa ng kapayapaan si Josue sa kanila at gumawa ng isang taimtim na pangakong pinagtibay ng dugo, para hayaan silang mabuhay. Gumawa rin ng isang panata ang mga pinuno ng mga tao sa kanila.
\s5
\v 16 Pagkalipas ng tatlong araw matapos gawin ng mga Israelita ang kasunduang ito sa kanila, nalaman nilang sila ay kanilang kapitbahay at nanirahan sila sa malapit.
\v 17 Pagkatapos lumabas ang bayan ng Israel at pumunta sa kanilang mga lungsod ng ikatlong araw. Ang kanilang mga lungsod ay Gabaon, Caphira, Beerot, at Kiriat Jearim.
\s5
\v 18 Hindi sila sinalakay ang bayan ng Israel dahil gumawa ang kanilang mga pinuno ng isang panata tungkol sa kanila sa harapan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Nagmamaktol ang buong mga Israelita laban sa kanilang mga pinuno.
\v 19 Pero sinabi ng lahat ng mga pinuno sa buong bayan, "Gumawa kami ng isang panata sa kanila tungkol sa kanila sa pamamagitan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ngayon hindi namin sila maaaring saktan.
\s5
\v 20 Ito ang gagawin natin sa kanila: Para maiwasan ang anumang galit na maaaring dumating sa atin dahil sa panatang isinumpa namin na sa kanila, hahayaan natin silang mabuhay."
\v 21 Sinabi ng mga pinuno sa kanilang bayan, "Hayaan silang mabuhay." Kaya, naging mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig ang mga Gabaonita para sa lahat ng mga Israelita, tulad ng sinabi ng mga pinuno tungkol sa kanila.
\s5
\v 22 Ipinatawag sila ni Josue at sinabi, "Bakit nilinlang ninyo kami nang inyong sinabi, 'Napakalayo namin mula sa inyo', samantalang naninirahan kayo rito mismo kasama namin?
\v 23 Ngayon, dahil dito, isinumpa kayo at ilan sa inyo ay palaging magiging mga alipin, iyong mga pumuputol ng kahoy at sumasalok ng tubig para sa bahay ng aking Diyos."
\s5
\v 24 Sumagot sila kay Josue at sinabi, "Dahil sinabi ito sa inyong mga lingkod na inutusan ni Yahweh na inyong Diyos ang kaniyang lingkod na si Moises na ibigay sa inyo ang buong lupain, at wasakin ang lahat ng naninirahan sa lupain sa iyong harapan—kaya labis kaming natakot para sa aming mga buhay dahil sa inyo. Kaya iyan ang dahilan kung bakit ginawa namin ang bagay na ito.
\v 25 Ngayon, tumingin ka, hawak mo kami sa iyong kapangyarihan. Anuman ang palagay ninyong mabuti at tama para gawin ninyo sa amin, gawin ito."
\s5
\v 26 Kaya ginawa ito ni Josue para sa kanila: tinanggal niya sila sa pamamahala ng bayan ng Israel, at hindi nila pinatay ng mga Israelita.
\v 27 Sa araw na iyon ginawa ni Josue ang mga Gabaonita na mga pamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig para sa komunidad, at para sa altar ni Yahweh, hanggang sa araw na ito, sa lugar na pinili ni Yahweh.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Ngayon narinig ni Adoni-sedec, hari ng Jerusalem na nasakop ni Josue ang Ai at tuluyang winasak ito, gaya ng ginawa niya sa Jerico at sa hari nito. At narinig nila kung paano gumawa ng kapayaapan ang bayan ng Gabaon sa Israel at namumuhay na kasama nila.
\v 2 Ang bayan ng Jerusalem ay matindi ang takot dahil ang Gibeon ay isang napakalaking lungsod, gaya ng isa sa mga maharlikang mga lungsod. Ito ay mas malaki kaysa sa Ai, at ang lahat ng kalalakihan nito ay magigiting na mandirigma.
\s5
\v 3 Kaya si Adoni-sedec, hari ng Jerusalem, ay nagpadala ng isang mensahe kay Oham, hari ng Hebron, kay Piram, hari ng Jarmuth, kay Japhia, hari ng Lachish, at kay Debir, hari ng Eglon:
\v 4 Umakyat kayo sa akin at tulungan ako. Salakayin natin ang Gabaon dahil gumawa sila ng kapayapaan kay Josue at sa bayan ng Israel."
\s5
\v 5 Ang limang hari ng Amoreo, ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang Hari ng Jarmuth, ang hari ng Lachish, at hari ng Eglon ay umakyat, sila at lahat ng kanilang mga hukbo. Pinaghandaan nila ang kanilang kinalalagyan laban sa Gabaon, at sinalakay nila ito.
\s5
\v 6 Ang bayan ng Gabaon ay nagpadala ng isang mensahe kay Josue at sa mga hukbo sa Gilgal. Sinabi nila, "Magmadali kayo! Huwag ninyong alisin ang inyong mga kamay sa inyong mga alipin. Umakyat kayo rito ng mabilisan at iligtas kami. Tulungan ninyo kami, dahil ang lahat ng hari ng mga Amoreo na nakatira sa maburol na bansa ay nagtipon ng sama-sama para salakayin kami."
\v 7 Umakyat si Josue mula sa Gilgal, siya at ang mga lalaking mandirigma, at lahat ng lumalaban na kalalakihan.
\s5
\v 8 Sinabi ni Yahweh kay Josue, "Huwag kang matakot sa kanila. Ibinigay ko sila sa inyong mga kamay. Wala isa sa kanila na makakapigil sa inyong pagsalakay."
\s5
\v 9 Madaling nakarating si Josue sa kanila, naglakad ng buong magdamag mula sa Gilgal.
\v 10 At nilito ni Yahweh ang mga kaaway sa harap ng Israel— na kung saan napatay sila sa isang malawakang pagpatay sa Gabaon, at tinugis sila sa daan paakyat ng Beth Horon, at pinatay sila sa daan ng Azeka at Maceda.
\s5
\v 11 Habang tumatakbo sila mula sa Israel, pababa sa burol ng Beth Horon, hinulog ni Yahweh sa kanila ang mga malalaking bato mula sa langit hanggang sa Azeka, at namatay sila. Mas marami ang namatay dahil sa mga bato kaysa sa mga napatay sa pamamagitan ng mga espada sa mga kalalakihan ng Israel.
\s5
\v 12 Pagkatapos nakipag-usap si Josue kay Yahweh sa araw na iyon na binigyan ni Yahweh ng tagumpay ang kalalakihan ng Israel laban sa mga Amoreo. Ito ang sinabi ni Josue kay Yahweh sa harap ng Israel, "Araw, manatili sa Gabaon, at buwan, sa lambak ng Ajalon."
\s5
\v 13 Ang araw ay nanatili pa rin, at ang buwan tumigil sa paggalaw hanggang ang bansa ay naghiganti sa kanilang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa Ang Aklat ni Jashar? Nanatili ang araw sa gitna ng langit; hindi ito bumaba sa isang buong araw.
\v 14 Wala pang nangyari sa anumang araw gaya ng pangyayaring ito dati o pagkatapos nito, nang sinunod ni Yahweh ang salita ng isang tao. Dahil si Yahweh ay nakikipagdigmaan sa kapakanan ng Israel.
\s5
\v 15 Si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampo ng Gilgal.
\v 16 Ngayon nakatakas ang limang hari at nagtago sila sa loob ng kuweba sa Maceda.
\v 17 Sinabi ito kay Josue, "Natagpuan sila! —ang limang hari na nagtago sa loob ng kuweba sa Maceda!"
\s5
\v 18 Sinabi ni Josue, "Igulong ang malaking mga bato sa bukana ng kuweba at maglagay ng mga sundalo roon para bantayan sila.
\v 19 Huwag kayong manatili roon. Tugisin ang inyong mga kaaway at salakayin sila mula sa likuran. Huwag silang pahintulutang makapasok sa loob ng kanilang mga lungsod dahil si Yahweh ang inyong Diyos ibinigay na sila sa inyong mga kamay."
\s5
\v 20 Si Josue at ang mga anak ni Israel ay tinapos ang pagpatau sa kanila sa isang napakatinding pagpatay, hanggang sila ay halos tuluyan ng mawasak; ilan lamang ang nakaligtas na tumakas sa mga pinatibay na mga lungsod.
\v 21 Pagkatapos bumalik ang buong hukbo ng mapayapa kay Josue sa mga kampo sa Maceda. At walang sinuman ang nangahas magsalita ng isang salita laban sa sinumang bayan ng Israel.
\s5
\v 22 Pagkatapos sinabi ni Josue, "Buksan ang bukana ng kuweba at mula sa kuweba dalhin sa akin ang limang haring ito."
\v 23 Ginawa nila gaya ng sinabi niya. Dinala nila sa kaniya ang limang hari mula sa kuweba—ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang hari ng Jarmuth, ang hari ng Lachish, at ang hari ng Eglon.
\s5
\v 24 At nang dinala nila ang mga hari kay Josue, ipinatawag niya ang bawat kalalakihan ng Israel, at sinabi niya sa mga pinuno ng mga sundalo na nakasama niya sa labanan, "Ilagay ninyo ang inyong mga paa sa kanilang mga leeg." Kaya lumapit sila at inilagay ang kanilang mga paa sa kanilang mga leeg.
\v 25 Pagkatapos sinabi niya sa kanila, "Huwag kayong matakot at huwag kayong mabagabag. Maging malakas at matapang. Ito ang gagawin ni Yahweh sa lahat ng inyong mga kaaway na kakalabanin ninyo."
\s5
\v 26 Pagkatapos sinalakay at pinatay ni Josue ang mga hari. Ibinitin niya sila sa ibabaw ng limang puno. Nakabitin sila sa mga puno hanggang gabi.
\v 27 Nang palubog na ang araw, nagbigay ng mga utos si Josue, at ibinaba sila mula sa mga puno at inihagis sila sa loob ng kuweba kung saan sila nagtago. Nilagyan nila ng malalaking bato ang bukana ng kuweba. Ang mga batong iyon nanatili pa rin hanggang sa araw na ito.
\s5
\v 28 Sa ganitong paraan, nasakop ni Josue ang Maceda sa araw na iyon at pinatay ang bawat isa gamit ang espada, kasama ang hari nito. Tuluyan niya silang winasak at bawat nabubuhay na nilalang doon. Wala siyang itinirang mga nakaligtas. Ginawa niya ito sa hari ng Maceda gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.
\s5
\v 29 Dumaan si Josue at buong Israel mula sa Maceda patungong Libna. Pumunta siya sa labanan sa Libna.
\v 30 Ibinigay din ni Yahweh ito sa kamay ng Israel—kasama ang kanilang hari. Sinalakay ni Josue ang bawat nabubuhay na nilalang sa loob nito gamit ag espada. Wala siyang iniwang nakaligtas na buhay sa loob nito. Ginawa niya sa hari gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.
\s5
\v 31 Pagkatapos dumaan si Josue at ang buong Israel mula sa Libna patungong Lachish. Nagkampo siya dito at nakipagdigmaan laban dito.
\v 32 Ibinigay ni Yahweh ang Lachish sa kamay ng Israel. Nasakop ni Josue ito ng ikalawang araw. Sinalakay niya gamit ang kaniyang espada bawat nabubuhay na nilalang na nasa loob nito, gaya ng ginawa niya sa Libna.
\s5
\v 33 Pagkatapos dumating si Horam, hari ng Gezer para tulungan ang Lachish. Sinalakay siya ni Josue at ang kaniyang hukbo hanggang walang nakaligtas na naiwan.
\s5
\v 34 Pagkatapos dumaan si Josue at buong Israel mula sa Lachish patungong Eglon. Nagkampo sila rito at nakipagdigmaan laban dito,
\v 35 at nasakop ito ng parehong araw. Sinalakay nila ito gamit ang espada at tuluyan nilang winasak ang lahat dito, gaya ng ginawa ni Josue sa Lachish.
\s5
\v 36 Pagkatapos dumaan si Josue at buong Israel mula sa Eglon patungong Hebron. Nakipagdigmaan sila laban dito.
\v 37 Nasakop nila ito at sinalakay gamit ang espada ang lahat dito, kasama ang hari at ang lahat ng mga nayon na nakapalibot dito. Tuluyan nilang winasak ang bawat buhay na nilalang dito, walang iniwang nakaligtas, gaya ng ginawa ni Josue sa Eglon. Tuluyan niyang winasak ito, at ang bawat buhay na nilalang dito.
\s5
\v 38 Pagkatapos bumalik si Josue, at ang buong hukbo ni Israel na kasama niya, at dumaan sila sa Debir at nakipagdigmaan laban dito.
\v 39 Nasakop niya ito at ang hari, at ang lahat ng mga katabing nayon nito. Sinalakay nila ang mga ito gamit ang espada at tuluyang winasak ang bawat nabubuhay na nilalang dito. Hindi nag-iwan ng mga nakaligtas si Josue, gaya ng ginawa niya sa Hebron at ang hari nito, gaya ng ginawa niya sa Libnah at ang hari nito.
\s5
\v 40 Nasakop ni Josue ang lahat ng lupain, ang maburol na bansa, ang Negev, ang mga kapatagan, at ang mga mababang burol. Sa lahat ng kanilang mga hari wala siyang iniwang nakaligtas. Tuluyan niyang winasak ang bawat nabubuhay na bagay, gaya ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, na iniutos.
\v 41 Sinalakay sila ni Josuegamit ang espada mula Kades Barnea hanggang Gaza, at lahat ng bansa sa Gosen hanggang Gabaon.
\s5
\v 42 Nasakop ni Josue ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain sa isang iglap dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nakipaglaban para sa Israel.
\v 43 Pagkatapos si Josue, at ang lahat ng Israel kasama niya, ay bumalik kampo sa Gilgal.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Nang narinig ito ni Jabin, hari ng Hazor, nagpadala siya ng isang mensahe kay Jobab, hari ng Madon, sa hari ng Shimron, at sa hari ng Acsap.
\v 2 Nagpadala rin siya ng mensahe sa mga hari na nasa hilagang maburol na bansa, sa Ilog Jordan lambak sa katimugan ng Cinneret, sa mga kapatagan, at sa maburol ng bansa ng Dor sa kanluran.
\v 3 Nagpadala rin siya ng isang mensahe sa mga Cananaeo sa silangan at kanluran, ang mga anak ni Het, ang mga Perezeo, ang mga Jebuseo sa maburol na bansa, at ang mga Hivita sa Bundok Hermon sa lupain ng Mispa.
\s5
\v 4 Lahat ng kanilang hukbo ay dumating kasama nila, isang malaking bilang ng mga sundalo, sa bilang na gaya ng mga buhangin sa dalampasigan. Mayroon silang napakalaking bilang ng mga kabayo at mga karwahe.
\v 5 Nagkita ang lahat ng mga haring ito sa itinakdang oras, at nagkampo sila sa mga tubig ng Merom para makipaglaban sa Israel.
\s5
\v 6 Sinabi ni Yahweh kay Josue, " Huwag kang matakot sa kanilang harapan, dahil bukas sa oras na ito ibibigay ko silang lahat sa Israel bilang patay na kalalakihan. Pipilayin mo ang kanilang mga kabayo, at susunugin mo ang kanilang mga karwahe."
\v 7 Dumating si Josue at lahat ng mga lalaking mandirigma. Dumating silang bigla sa mga tubig ng Merom, at nilusob ang mga kaaway.
\s5
\v 8 Ibinigay ni Yahweh ang kaaway sa kamay ng Israel, at sinaksak nila sila ng espada at hinabol sila sa Sidon, Misrepot Maim, at sa lambak ng Mispa sa silangan. Sinalakay nila sila gamit ang espada hanggang walang nakaligtas sa kanila ang natira.
\v 9 Ginawa ni Josue sa kanila gaya ng sinabi sa kaniya ni Yahweh. Pinilayan niya ang mga kabayo at sinunog ang mga karwahe.
\s5
\v 10 Bumalik si Josue sa oras na iyon at binihag ang Hazor. Sinaksak niya ang hari gamit ang espada. (Naging pinuno ang Hazor ng lahat ng mga kahariang ito.)
\v 11 Sinalakay nila gamit ang espada ang lahat ng buhay na nilalang ang naroroon, at hiniwalay niya sila para wasakin, kaya walang buhay na nilalang ang natirang buhay. Pagkatapos sinunog niya ang Hazor.
\s5
\v 12 Binihag ni Josue lahat ng mga lungsod ng mga haring ito. Binihag din niya ang lahat ng kanilang mga hari at nilusob sila gamit ang espada, gaya ng inutos ni Moises na lingkod ni Yahweh.
\v 13 Hindi sinunog ng Israel ang mga lungsod na ginawa sa mga tambak, maliban sa Hazor. Si Josue lamang ang nagsunog nito.
\s5
\v 14 Kinuha ng hukbo ng Israel ang lahat ng ninakaw mula sa mga lungsod na ito kasama ng mga alagang hayop para sa kanilang mga sarili. Pinatay nila ang bawat tao gamit ang espada hanggang ang lahat ay namatay. Wala silang itinirang buhay na nilalang.
\v 15 Gaya ng inutos ni Yahweh sa kianyang lingkod na si Moises, sa parehong paraan, inutos ni Moises kay Josue. At kaya walang iniwan si Josue na hindi tapos sa anumang bagay sa lahat ng inutos na iyon ni Yahweh kay Moises na gawin.
\s5
\v 16 Kinuha ni Josue ang lahat ng lupaing iyon, ang maburol na bansa, lahat ng Negev, lahat ng lupain ng Goshen, ang mga mababang burol, ang lambak Ilog Jordan, ang maburol na bansa ng Israel, at ang mga mababang lupain.
\v 17 Mula sa Bundok Halak na malapit sa Edom, at papuntang hilaga gaya sa layo ng Baal Gad sa lambak malapit sa Lebanon sa ibaba ng Bundok Hermon, binihag niya lahat ng kanilang mga hari at pinatay sila.
\s5
\v 18 Nakipaglaban si Josue ng isang mahabang panahon sa lahat ng mga hari.
\v 19 Walang isang lungsod ang gumawa ng kapayapaan sa mga hukbo ng Israel maliban sa mga Hivita na naninirahan sa Gabaon. Binihag ng Israel lahat ng natitirang mga lungsod sa digmaan.
\v 20 Dahil si Yahweh ang nagpatigas sa kanilang mga puso para sila ay pumunta at makipaglaban sa Israel, kaya ganap niyang winasak sila, at hindi nagpapakita ng awa sa kanila, gaya sa itinuro niya kay Moises.
\s5
\v 21 Pagkatapos dumating si Josue sa panahong iyon at winasak niya ang Anakim. Ginawa niya ito sa maburol na bansa, sa Hebron, Debir, Anab, at sa lahat ng maburol na bansa ng Juda, at sa lahat ng maburol na bansa ng Israel. Ganap na winasakl ni Josue sila at kanilang mga lungsod.
\v 22 Wala sa mga Anakim ang natira sa lupain ng Israel maliban sa Gaza, Gat, at Asdod.
\s5
\v 23 Kaya binihag ni Josue ang buong lupain, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Moises. Ibinigay ni Josue ito bilang isang pamana ng Israel, itinalaga sa bawat lipi nila. Pagkatapos nagkaroon ng pahinga ang lupain mula sa mga digmaan.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Ngayon ito ang mga hari ng lupain, na siyang lumupig ng kalalakihan ng Israel. Inangkin ng mga Israelita ang lupa sa silangang bahagi ng Jordan kung saan sumisikat ang araw, mula sa lambak ng Ilog Arnon patungo sa Bundok Hermon, at lahat ng Araba sa silangan.
\v 2 Si Sihon ay hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon. Namuno siya mula sa Aroer, kung saan nasa gilid ng bangin ng Arnon mula sa gitna ng lambak, at kalahati ng Galaad pababa sa Ilog Jabbok sa hangganan ng mga Ammonita.
\s5
\v 3 Pinamunuan din ni Sihon ang Araba patungo sa Dagat ng Cinneret, sa silangan, patungo sa Dagat ng Araba (ang Dagat ng Asin) patungong silangan, hanggang sa Beth Jesimot at patungong timog, patungo sa paanan ng mga libis ng Bundok Pisga.
\v 4 Si Og, hari ng Bashan, isa sa natira ng Rephaim, na nanirahan sa Astarot at Edrei.
\v 5 Namuno siya sa Bundok Hermon, Saleca, at lahat ng Bashan, patungo sa hangganan ng bayan ng Gesur at mga Maacateo, at kalahati ng Galaad, patungo sa hangganan ni Sihon, hari ng Hesbon.
\s5
\v 6 Tinalo sila ni Moises na lingkod ni Yahweh, at ng bayan ng Israel, at ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh ang lupain bilang pag-aari sa mga Rubenita, ng mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
\s5
\v 7 Ito ang mga hari ng lupain na siyang tinalo ni Josue at ng bayan ng Israel sa kanlurang bahagi ng Jordan, mula sa Baal Gad sa lambak malapit sa Lebanon patungo sa Bundok Halak malapit sa Edom. Ibinigay ni Josue ang lupain sa mga lipi ng Israel para sa kanila para angkinin.
\v 8 Ibinigay niya ang maburol na bansa, ang mga mababang lupain, ang Araba, ang mga gilid ng mga bundok, ang ilang, at ang Negeb—ang lupain ng mga Heteo, mga Amoreo, mga Cananaeo, mga Perezeo, mga Hivita, at mga Jebuseo.
\s5
\v 9 Ang mga hari kabilang ang hari ng Jerico, ang hari ng Ai na nasa tabi ng Bethel,
\v 10 ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Enaim,
\v 11 ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lachish,
\v 12 ang hari ng Eglon, ang hari ng Gezer,
\s5
\v 13 ang hari ng Debir, ang hari ng Geder,
\v 14 ang hari ng Horma, ang hari ng Arad,
\v 15 ang hari ng Libna, ang hari ng Adulam,
\v 16 ang hari ng Maceda, ang hari ng Bethel,
\s5
\v 17 ang hari ng Tappua, ang hari ng Hepher,
\v 18 ang hari ng Apek, ang hari ng Lasaron,
\v 19 ang hari ng Madon, ang hari ng Hasor,
\v 20 ang hari ng Simron-Meron, ang hari ng Acsap,
\s5
\v 21 ang hari ng Taanac, ang hari ng Megiddo,
\v 22 ang hari ng Kedes, ang hari ng Jocneam sa Carmel,
\v 23 ang hari ng Dor sa Napat Dor, ang hari ng Goyim sa Gilgal,
\v 24 at ang hari ng Tirsa. Ang kabuuang bilang ng mga hari ay tatlumpu't isa.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Ngayon matanda na si Josue at nasa ganap ng mga taon nang sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Matanda ka na at marami ng taon ang iyong dinaanan, pero napakarami pa ring lupain ang bibihagin.
\s5
\v 2 Ito pa rin ang lupaing natitira: lahat ng mga rehiyon ng mga Palestina, at lahat ng mga Gessureo,
\v 3 (mula sa Sihor, na nasa silangan ng Ehipto, at pahilaga sa hangganan ng Ekron, na itinuring na ari-arian ng mga Cananaeo; ang limang namumuno ng Palestina, ng mga Gazeo, Asdodeo, Ashkelon, Gath, at Ekron—ang nasasakupan ng mga Awites).
\s5
\v 4 Doon sa timog, mayroon pa rin lahat ng mga lupain ng mga Cananaeo, at Meara na pag-aari ng mga taga-Sidon, sa Apek, sa hangganan ng mga Amoreo;
\v 5 ang lupain ng mga Gebalita, ang buong Lebanon patungo sa sikat ng araw, mula sa Baal Gad sa ibaba ng Bundok Hermon hanggang Lebo Hamat.
\s5
\v 6 Gayon din, lahat ng mga naninirahan sa maburol na lupain mula sa Lebanon hanggang sa Misrepot Maim, kabilang ang buong bayan ng Sidon. Itataboy ko sila sa harapan ng mga hukbo ng Israel. Tiyaking italaga ang lupain sa Israel bilang isang pamana, ayon sa inutos ko sa iyo.
\v 7 Hatiin ang lupaing ito bilang isang pamana para sa siyam na lipi at para sa kalahating lipi ni Manases."
\s5
\v 8 Kasama ang ibang kalahating lipi ni Manases, ang mga Rubenita at ang mga Gadita ay nakatanggap ng kanilang mga mana na ibinigay ni Moises sa kanila sa bandang silangan ng Jordan,
\v 9 mula sa Aroer, na nasa gilid ng bangin sa ilog Arnon (kabilang ang lungsod na nasa gitna ng bangin), sa lahat ng kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon;
\s5
\v 10 lahat ng mga lungsod ng Sihon, hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon, sa hangganan ng mga Ammonita;
\v 11 Galaad, at ang rehiyon ng mga Gesurita at mga Maacateo, buong Bundok Hermon, buong Basan hanggang Saleca;
\v 12 ang buong kaharian ng Og sa Basan, na naghari sa Astarot at Edrei—ito ang mga naiwan sa labi ng Rephaim—sinalakay sila ni Moises gamit ang espada at itinaboy sila.
\s5
\v 13 Pero hindi pinalayas ng bayan ng Israel ang mga Gesurita o ang mga Maacateo. Sa halip, nanirahan ang Gesur at Maacat sa Israel hanggang sa araw na ito.
\s5
\v 14 Ang lipi lamang ni Levi ang hindi binigyan ni Moises ng pamana. "Ang mga handog kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, gumawa sa pamamagitan ng apoy," ang kanilang pamana, tulad ng sinabi ng Diyos kay Moises.
\s5
\v 15 Binigyan ni Moises ng isang pamana ang lipi ni Ruben, angkan sa angkan.
\v 16 Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Aroer, sa gilid ng bangin ng Ilog Arnon, at ang lungsod na nasa gitna ng lambak, at buong kapatagan sa Medeba.
\s5
\v 17 Tinanggap din ni Ruben ang Hesbon, at ang lahat ng mga lungsod nito na nasa kapatagan, Dibon, at Bamoth Baal, at Beth Baalmeon,
\v 18 at Jahaz, at Kademot, at Mepaat,
\v 19 at Kiriataim, at Sibma, at Zeretsahar sa burol ng lambak.
\s5
\v 20 Tinanggap din ni Ruben ang Beth Peor, ang mga libis ng Pisga, Beth Jeshimot,
\v 21 lahat ng mga lungsod ng kapatagan, at ang buong kaharian ni Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon, na magkasamang tinalo ni Moises kasama ang mga pinuno ng Midian, Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba, ang mga prinsipe ni Sihon, na nanirahan sa lupain.
\s5
\v 22 Pinatay din ng bayan ng Israel si Balaam na anak na lalaki ni Beor gamit ang espada, na nagsanay sa paghula, kasama ang ibang pinatay nila.
\v 23 Ang hangganan ng lipi ni Ruben ay ang Ilog Jordan; ito ang kanilang hangganan. Ito ang pamana ng lipi ni Ruben, ibinigay sa bawat mga angkan nila, kasama ng kanilang mga lungsod at mga nayon.
\s5
\v 24 Ito ang ibinigay ni Moises sa lipi ni Gad, angkan sa angkan:
\v 25 Ang kanilang nasasakupan ay Jacer, lahat ng mga lungsod ng Galaad at kalahati ng lupa ng mga Ammonita, hanggang Aroer, na nasa silangan ng Rabba,
\v 26 mula sa Hesbon hanggang sa Ramath Mizpeh at Betonim, mula sa Mahanaim hanggang sa nasasakupan ng Debir.
\s5
\v 27 Doon sa lambak, binigay sa kanila ni Moises ang Beth Haram, Beth Nimra, Sucot, at Zapon, ang natitirang kaharian ni Sihon na hari ng Hesbon, kasama ang Jordan bilang isang hangganan, hanggang sa ibabang dulo ng dagat ng Cinneret, pasilangan sa ibayo ng Jordan.
\v 28 Ito ang pamana ng lipi ni Gad, angkan sa angkan, kasama ang kanilang mga lungsod at mga nayon.
\s5
\v 29 Nagbigay ng pamana si Moises sa kalahating lipi ni Manases. Itinalaga ito sa kalahating lipi ng bayan ni Manases, ibinigay sa bawat mga lipi nila.
\v 30 Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Mahanaim, buong Basan, buong kaharian ni Og hari ng Basan, at sa buong bayan ng Jair, na nasa Basan, animnapung lungsod;
\v 31 kalahati ng Galaad, at Astarot at Edrei (ang mga maharlikang lungsod ng Og sa Basan). Ito ang mga itinalaga sa angkan ni Machir na anak na lalaki ni Manases—kalahati ng bayan ni Machir, na ibinigay sa bawat mga pamilya nila.
\s5
\v 32 Ito ang pamana na itinalaga ni Moises sa kanila sa mga kapatagan ng Moab, sa ibayo ng Jordan silangan ng Jerico.
\v 33 Hindi binigyan ni Moises ng pamana ang lipi ng Levi. Yahweh, ang Diyos ng Israel ang kanilang pamana, tulad ng sinabi niya sa kanila.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Ito ang mga lugar ng lupain na tinanggap ng bayan ng Israel bilang kanilang mana sa lupain ng Canaan, na nakalaan para sa kanila ni Eleazar na pari, ni Josue na anak na lalaki ni Nun, at ng mga pinuno ng mga lipi ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno sa loob ng bayan ng Israel.
\s5
\v 2 Ang kanilang pamana ay pinili sa pamamagitan ng palabunutan para sa siyam at kalahating mga lipi, gaya lamang ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises,
\v 3 Dahil ibinigay ni Moises ang pamana sa dalawa at kalahating mga lipi sa ibayong Jordan, pero sa mga Levita, wala siyang pamana.
\v 4 Ang lipi ni Jose ay talagang dalawang lipi, Manases at Ephraim. At walang bahagi ng pamana ang ibinigay sa mga Levita doon sa lupain, pero may mga lungsod lamang para matirahan, kasama ang kanilang mga lupang-pastulan para sa kanilang alagang baka at para sa kanilang sariling materyal na pangangailangan.
\v 5 Ginawa ng bayan ng Israel ang iniutos ni Yahweh kay Moises, kaya naitalaga nila ang lupain.
\s5
\v 6 Pagkatapos nagpunta ang lipi ni Juda kay Josue sa Gilgal. Sinabi ni Caleb na anak ni Jepunne na Canezeo, sinabi sa kaniya, "Alam mo kung ano ang sinabi ni Yahweh kay Moises na lingkod ng Diyos tungkol sa iyo at sa akin sa Kades Barnea.
\v 7 Apatnapung taong gulang ako nang isinugo ako ni Moises na lingkod ni Yahweh mula sa Kades Barnea para magmanman sa lupain. Muli akong nagdala nang isang ulat sa kaniya na parang ito ay nasa puso ko para gawin.
\s5
\v 8 Pero ang aking mga kapatid ay sumama sa akin na nagawang matakot ang puso ng bayan. Pero lubos akong sumunod kay Yahweh na aking Diyos.
\v 9 Sumumpa si Moises sa araw na iyon na sinasabing, 'Tiyak na ang lupang nilakaran mo ay magiging isang pamana para sa iyo at para sa iyong mga anak magpakailanman, dahil lubos kang sumunod kay Yahweh na aking Diyos.'
\s5
\v 10 Ngayon, tingnan mo! Pinanatili akong buhay ni Yahweh nitong apatnapu't limang taon, gaya ng kaniyang sinabi—mula sa panahon nang sinabi ni Yahweh ang salitang ito kay Moises, habang naglalakad ang Israel sa ilang. Ngayon, tingnan mo! Walumpu't limang taong gulang na ako.
\v 11 Malakas pa rin ako ngayon gaya noong araw na isinugo ako ni Moises. Ang lakas ko ngayon ay katulad ng lakas ko noon, para sa digmaan at para sa pag-alis at sa pagdating.
\s5
\v 12 Kaya ngayon ibigay mo sa akin ang maburol na bansang ito, na ipinangako sa akin ni Yahweh ng araw na iyon. Dahil narinig mo sa araw na iyon ang Anakim ay mayroong malalaking pinagtibay na mga lungsod. Maaaring si Yahweh ay magiging kasama ko at paalisin ko sila, gaya nang sinabi ni Yahweh."
\s5
\v 13 Pagkatapos pinagpala siya ni Josue at ibinigay ang Hebron bilang isang pamana kay Caleb na lalaking anak ni Jepunne.
\v 14 Kaya naging pamana ang Hebron kay Caleb na lalaking anak ni Jepunne na Cenezeo hanggang sa araw na ito, dahil lubos siyang sumunod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
\v 15 Ngayon, Kiriat Arba ang dating pangalan ng Hebron. (Si Arba ang pinakadakilang lalaki sa mga Anakim). Pagkatapos nagkaroon ng kapahingahan ang lupain mula sa digmaan.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Ang pagtatakda ng lupain para sa lipi ng bayan ng Juda, ibinigay sa kanilang mga angkan, pinalawak ang timog hanggang sa hangganan ng Edom, kasama ang ilang ng Sin bilang pinaka-malayong dako sa timog.
\v 2 Ang kanilang hangganan sa timog ay sinimulan sa dulo ng Dagat ng Asin, mula sa dalampasigan na nakaharap sa timog.
\s5
\v 3 Ang sumunod na kanilang hangganan ay lumabas sa timog ng kaburulan ng Akrabbim at dumaan sa Sin, at umahon sa timog ng Kades Barnea, sa Hezron, at hanggang sa Addar, kung saan lumiko patungong Karka.
\v 4 Dumaan ito patungong Azmon, nagdaan sa batis ng Ehipto, at dumating ito sa dulo ng dagat. Ito ang kanilang hangganan sa timog.
\s5
\v 5 Ang silangang hangganan ay ang Dagat ng Asin, na nasa bibig ng Jordan. Ang hangganan sa hilaga ay nagsisimula sa dalampasigan ng dagat sa bibig ng Jordan.
\v 6 Umahon ito sa Beth Hogla at dumaan patungong timog ng Beth Araba. Pagkatapos umahon ito sa Bato ng Bohan (si Bohan ang anak na lalaki ni Reuben).
\s5
\v 7 Pagkatapos ang hangganang paahon sa Debir mula sa lambak ng Achor, at gayon din pahilaga, lumiliko patungong Gilgal, na kasalungat sa kaburulan ng Adummim, na nasa katimugang bahagi ng ilog. Pagkatapos ang hangganan na dinaanan sa mga bukal ng En Shemes at papuntang En Rogel.
\v 8 Pagkatapos ang hangganang paahon sa lambak ng Ben Hinnom patungo sa bahaging timog ng lungsod ng Jebuseo (iyon ay, Jerusalem). Pagkatapos paahon ito sa tuktok ng kaburulan na nasa lambak ng Hinnom, sa kanluran, na nasa dulo ng hilagang parte ng lambak ng Rephaim.
\s5
\v 9 Pagkatapos umabot sa hangganan mula sa tuktok ng mga burol papunta sa bukal ng Neptoa, at lumabas mula doon papunta sa mga lungsod ng Bundok Efron. Pagkatapos lumiko ang hangganan paikot sa Baala (pareho sa Kiriat Jearim).
\v 10 Pagkatapos umikot ang hangganan sa kanluran ng Baala sa Bundok Seir, at dumaan sa gilid ng Bundok Jearim sa Hilaga (pareho sa Kesalon), bumaba sa Beth Shemes, at dumaan sa Timna.
\s5
\v 11 Lumabas ang hangganan sa gilid ng pahilagang burol ng Ekron, at pagkatapos lumiko paikot sa Sikeron at dumaan sa Bundok Baala, mula sa kung saan papunta hanggang Jabneel. Nagtapos ang hangganan sa dagat.
\v 12 Ang Malaking Dagat ang hangganan ng pakanluran at ng mga dalampasigan nito. Ito ang hangganang paikot sa lipi ni Juda, angkan sa angkan.
\s5
\v 13 Sa pagsunod ng utos ni Yahweh kay Josue, Binigyan ni Josue si Caleb na anak na lalaki ni Jepunne ng isang itinalagang lupain sa kalagitnaan ng lipi ng Juda, Kiriat, Arba, iyon ay Hebron. (Si Arba ang ama ni Anak.)
\v 14 Pinalayas ni Caleb mula doon ang tatlong lipi ng mga kaapu-apuhan ni Anak: Sesai Aiman at Talmai, mga kaapu-apuhan ni Anak.
\v 15 Umakyat siya mula doon laban sa mga naninirahan sa Debir (ang pangalang Debir ay karaniwang tinawag na Kiriat Seper).
\s5
\v 16 Sinabi ni Caleb, "Ang lalaking lulusob sa Kiriat Seper at bibihagin ito, ibibigay ko sa kaniya si Acsa ang aking anak na babae bilang isang asawa."
\v 17 Si Otniel anak na lalaki ni Kenaz, kapatid na lalaki ni Caleb, ang bumihag dito. Kaya ibinigay ni Caleb sa kanya si Acsa na kaniyang anak na babae bilang isang asawa.
\s5
\v 18 Nangyari ito nang pumunta si Acsa sa kaniya, pilit siyang humingi sa kaniyang ama ng isang bukid. At nang bumaba siya sa kaniyang asno, sinabi ni Caleb sa kaniya, "Ano ang nais mo?"
\s5
\v 19 Sumagot si Acsa, "Gumawa ka sa akin ng isang natatanging pabor. Yamang ibinigay mo sa akin ang lupain ng Negev, bigyan mo rin ako ng ilang mga bukal ng tubig." At ibinigay ni Caleb sa kanya ang mataas na bahagi ng mga bukal at mababang bahagi ng mga bukal.
\s5
\v 20 Ito ay ang minana ng lipi ng bayan ng Juda, na ibinigay sa kanilang mga angkan.
\s5
\v 21 Ang mga lungsod na kabilang sa lipi ng Juda na nasa pinaka-timog, patungo sa hangganan ng Edom, ay ang mga Kabzeel, Eder, Jagur,
\v 22 Kina, Dimona, Adada,
\v 23 Kedes, Hazor, Itnan,
\v 24 Zip, Telem, Bealot.
\s5
\v 25 Hazor Hadatta, Keriot Hezron (Ito rin ay kilala bilang Hazor),
\v 26 Amam, Sema, Molada,
\v 27 Hazar, Gadda, Hesmon, Beth Pelet,
\v 28 Hazar Sual, Beerseba, Bizotia.
\s5
\v 29 Baala, Iyim, Ezem,
\v 30 Eltolad, Cesil, Horma,
\v 31 Siclag, Madmanna, Sansanna,
\v 32 Lebaot, Silim, Ain, at Rimmon. Ang mga ito ay dalawamput-siyam na mga lungsod lahat, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 33 Sa babang bahagi ng maburol na bansa sa kanluran, naroon ang mga Estaol, Zora, Asna,
\v 34 Sanoa, En Gannim, Tappua, Enam,
\v 35 Jarmut, Adullam, Soco, Azeka,
\v 36 Saaraim, Aditaim, at Gedera (ito ay Gederotaim). Ang mga ito ay labing-apat na lungsod sa bilang, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 37 Zenan, Hadasa, Migdalgad,
\v 38 Dilean, Mispa, Jokteel,
\v 39 Lachis, Bozkat, Eglon.
\s5
\v 40 Cabbon, Lamam, Citlis,
\v 41 Gederot, Beth Dagon, Naama, Maceda. Ang mga ito ay labing-anim na lungsod sa bilang, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 42 Libna, Ether, Asan,
\v 43 Ipta, Asna, Nezib,
\v 44 Keila, Achzib, Maresa, Ang mga ito ay siyam na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 45 Ang Ekron, kasama ang nakapaligid na mga bayan at mga nayon dito;
\v 46 mula Ekron hanggang sa Malaking Dagat, lahat ng mga pamayanan na malapit sa Asdod, kasama ang kanilang mga nayon.
\v 47 Ang Asdod, ang nakapaligid na mga bayan at mga nayon dito; Ang Gaza, ang nakapaligid na mga bayan at mga nayon dito; hanggang sa batis ng Ehipto, at sa Malaking Dagat kasama ng dalampasingan nito.
\s5
\v 48 Sa kaburulang bansa, Samir, Jattir, Soco,
\v 49 Danna, Kiriat Sanna (ito ay Debir),
\v 50 Anab, Estemo, Anim,
\v 51 Gosen, Holon, at Gilo. Ang mga ito ay labing-isang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 52 Arab, Duma, Esan,
\v 53 Janim, Beth Tappua, Apeka,
\v 54 Humta, Kiriat Arba (ito ay Hebron), at Zior. Ito ang siyam na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 55 Maon, Carmel, Zip, Jutta,
\v 56 Jezreel, Jokdeam, Zanoa,
\v 57 Kain, Gibea, at Timna. Ang mga ito ay sampung mga lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 58 Halhul, Beth Zur, Gedor,
\v 59 Maarat, Beth Anot, at Eltekon. Ang mga ito ay anim na mga lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 60 Kiriat Baal, (ito ay Kiriat Jearim), at Rabba. Ito ang dalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\v 61 Sa ilang, naroroon ang Beth Araba, Middin, Secaca,
\v 62 Nibsan, ang Lungsod ng Asin, at En Gedi. Ito ang anim na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 63 Pero para sa mga Jebuseo, hindi mapaalis ang mga naninirahan sa Jerusalem, ng lipi ni Juda, kaya nanirahan doon ang mga Jebuseo kasama ang lipi ni Juda hanggang sa araw na ito.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Umabot mula Jordan sa Jerico ang pagtatalaga ng lupain para sa lipi ni Jose, sa silangan ng mga bukal ng Jerico, sa ilang, paakyat mula sa Jerico patungo sa maburol na bansa ng Bethel.
\v 2 Pagkatapos papunta ito mula sa Bethel hanggang sa Luz at dumaan patungong Atarot, ang lupain ng mga Arkita.
\s5
\v 3 Pagkatapos bumaba ito pakanluran sa lupain ng mga Jaflatita, hanggang sa kalayuan ng lupain ng babang Beth Horon, at pagkatapos patungo sa Gezer; at nagtapos ito sa dagat.
\v 4 Sa ganitong paraan natanggap ng mga lipi ni Jose, Manases at Efraim ang kanilang pamana.
\s5
\v 5 Ang lupain ng lipi ni Efraim na itinalaga sa kanilang mga angkan ay ang sumusunod: ang hangganan ng kanilang minana sa silangan mula Atarot Addar hanggang sa kalayuan ng Mataas ng Beth Horon,
\v 6 at mula roon nagpatuloy ito patungong dagat. Mula sa Micmetat sa hilaga lumiko ito pasilangan tungo sa Taanat Silo at lampas na dumaan ito sa silangan tungo sa Janoa.
\v 7 Pagkatapos bumaba ito mula sa Janoa patungong Atarot at patungong Naara, at pagkatapos nakarating sa Jerico at nagtapos sa Jordan.
\s5
\v 8 Mula sa hangganan ng Tappua nagpunta nang pakanluran patungo sa bukal ng Kana at nagtapos sa dagat. Ito ang minana ng lipi ni Efraim, na itinalaga sa kanilang mga angkan,
\v 9 kasama ang mga lungsod na pinili para sa lipi ni Efraim sa loob ng minana ng lipi ni Manases—lahat ng mga lungsod, gayundin ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 10 Hindi nila pinaalis ang mga Cananaeo na naninirahan sa Gezer, kaya ang mga Cananaeo ay nanirahan sa Efraim hanggang ngayon, pero ang mga taong ito ay sapilitang pinagtrabaho.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Ito ang lupaing itinalaga para sa lipi ng Manases (panganay na anak na lalaki ni Jose) —iyon ay, para kay Makir, na panganay ni Manases na siya mismong ama ng Galaad. Itinalaga ang lupain ng Galaad at Basan sa mga kaapu-apuhan ni Makir, dahil naging mandirigma si Makir.
\v 2 Ang lupain itinalaga sa natirang lipi ni Manases, ibinigay sa kanilang mga angkan—Abiezer, Helek, Asriel, Secem, Heper, at Semida. Ito ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Manases anak na lalaki ni Jose, iniharap sa kanilang mga angkan.
\s5
\v 3 Ngayon si Zelopehad na anak na lalaki ni Heper na anak na lalaki ni Galaad anak na lalaki ni Makir anak na lalaki ni Manases ay walang mga anak na lalaki, pero mga anak na babae lamang. Ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak na babae: Mala, Noe, Hogla, Milka, and Tirza.
\v 4 Nilapitan nila si Eleazar na pari, Josue anak na lalaki ni Nun at ang mga pinuno, at kanilang sinabi, "Iniutos ni Yahweh kay Moises na ibigay sa amin ang isang pamana kasama ng aming mga kapatid na lalaki." Kaya, sa pagsunod sa kautusan ni Yahweh, binigyan niya ang mga kababaihang iyon ng isang pamana kasama ng mga kapatid na lalaki ng kanilang ama.
\s5
\v 5 Itinalaga ang sampung piraso ng lupa kay Manases sa Galaad at Basan, na nasa kabilang dako ng Jordan,
\v 6 dahil nakatanggap ng pamana ang mga anak na babae ni Manases kasama ng kaniyang mga anak na lalaki. Itinalaga ang lupain ng Galaad sa natitirang lipi ni Manases.
\s5
\v 7 Umabot mula Aser hanggang Micmetat ang lupain ni Manases, na nasa silangan ng Secem. Pagkatapos umabot ang hangganan patimog sa mga naninirahan na malapit sa bukal ng Tappua.
\v 8 (Ang lupain ng Tappua ay pag-aari ng Manases, pero ang bayan ng Tappua sa hangganan ng Manases ay pag-aari ng lipi ni Efraim.)
\s5
\v 9 Nagtuloy ang hangganan sa batis ng Kana. Ang mga katimugang lungsod ng batis na ito kasama ng mga bayan ni Manases ay pag-aari ni Efraim. Ang hangganan ng Manases na nasa tagiliran ng hilagang batis, at nagtapos ito sa dagat.
\v 10 Ang lupain sa timog ay pag-aari ni Efraim, at ang lupain sa hilaga ay kay Manases; ang dagat ay ang hangganan. Sa hilagang dako mararating ang Aser, at sa silangan, ang Isacar.
\s5
\v 11 Gayundin sa Isacar at sa Aser, Inangkin ni Manases ang Beth San at nayon nito, Ibleam at nayo nito, ang mga maninirahan sa Dor at nayon nito, ang mga naninirahan sa Endor at nayon nito, ang mga naninirahan sa Taanac at nayon nito, ang mga naninirahan sa Megiddo at nayon nito (at ang ikatlong lungsod ay Napet).
\v 12 Gayon pa man hindi maangkin ng lipi ni Manases ang mga lungsod na iyon, dahil patuloy na naninirahan sa lupaing ito ang mga Cananaeo.
\s5
\v 13 Nang lumakas ang bayan ng Israel, pinagtrabaho nila nang sapilitan ang mga Cananaeo, pero hindi sila ganap na napaalis.
\s5
\v 14 Pagkatapos sinabi ng mga kaapu-apuhan ni Jose kay Josue, sinabing, "Bakit isang lupain lamang ang iyong itinalaga sa amin at isang bahagi bilang pamana, yamang kami ay isang bayang marami ang bilang at sa lahat ng pagkakataon kami ay pinagpala ni Yahweh?"
\v 15 Sinabi ni Josue sa kanila, "Kung kayo ay isang bayan na marami ang bilang, umakyat kayo mismo sa kagubatan at doon linisin ang lupa para sa inyong mga sarili sa lupain ng mga Perezeo at ng Rephaim. Gawin ito, yamang napakaliit ng maburol na lupain ng Efraim para sa inyo."
\s5
\v 16 Sinabi ng mga kaapu-apuhan ni Jose, "Hindi sapat para sa amin ang maburol na lupain. Pero may mga karwaheng bakal ang lahat ng Cananaeo na naninirahan sa lambak, kapwa ang nasa Beth San at mga nayon nito at ang mga nasa lambak ng Jezreel."
\v 17 Pagkatapos sinabi ni Josue sa sambahayan ni Jose—para kay Efraim at Manases, "Kayo ay isang bayan na marami ang bilang, at may malakas kayong kapangyarihan. Hindi dapat isang pirasong lupain lamang ang italaga sa inyo.
\v 18 Magiging inyo rin ang maburol na lupaing ito. Kahit na kagubatan ito, lilinisin ninyo ito at aangkinin ito hanggang sa pinakamalayong hangganan nito. Palalayasin ninyo ang mga Cananaeo, kahit sila ay may mga karwaheng bakal at kahit na malakas sila."
\s5
\c 18
\p
\v 1 Pagkatapos sama-samang nagtipon ang buong kapulungan ng bayan ng Israel sa Silo. Itinayo nila ang tolda ng pagpupulong doon at sinakop nila ang lupain sa kanilang harapan.
\v 2 Mayroon pang pitong lipi sa kalagitnaan ng bayan ng Israel na ang pamana ay hindi pa naitatalaga.
\s5
\v 3 Sinabi ni Josue sa bayan ng Israel, "Hanggang kailan ninyo ipagpapaliban ang pagpunta sa lupain na ibinigay sa inyo ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno?
\v 4 Maghirang kayo para sa inyong sarili ng ng tatlong lalaki mula sa bawat lipi, at ipapadala ko sila. Pupunta sila at susuriin ang itaas at ibaba ng lupain. Susulat sila ng isang paglalarawan nito kasama ng isang tanawin sa kanilang mga mamanahin, at pagkatapos babalik sila sa akin.
\s5
\v 5 Hahatiin nila ito sa pitong bahagi. Mananatili ang Juda sa kanilang lupain sa dakong timog, at ang sambahayan ni Jose ay magpapatuloy sa kanilang lupain sa dakong hilaga.
\v 6 Ilalarawan ninyo ang lupain sa pitong bahagi at dadalhin ang paglalarawan dito sa akin. Magpapalabunutan ako para sa inyo dito sa harapan ni Yahweh na aming Diyos.
\s5
\v 7 Walang kabahagi ang mga Levita sa inyo, dahil ang pagkapari mula kay Yahweh ang kanilang minana. Tinanggap na ng Gad, Ruben at ang kalahating lipi ni Manases ang kanilang minana, lampas ng Jordan. Ito ang pamana na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ni Yahweh."
\s5
\v 8 Kaya tumayo ang mga lalaki at umalis. Inutusan ni Josue ang mga pumunta para isulat ang paglarawan ng lupain, sinabing, "Umakyat at bumaba sa lupain at sumulat ng isang paglalarawan nito at bumalik sa akin. Magpapalabunutan ako para inyo dito sa harapan ni Yahweh sa Silo."
\v 9 Umalis ang mga lalaki at umakyat at bumabang lumakad sa lupain at isinulat ang isang paglalarawan nito sa isang balumbon ng kasulatan sa pamamagitan ng pitong bahagi ng lungsod, nagtatala ng mga lungsod sa bawat bahagi sa bawat bahagi. Pagkatapos bumalik sila kay Josue sa kampo sa Silo.
\s5
\v 10 Pagkatapos nagpalabunutan si Josue para sa kanila sa harapan ni Yahweh sa Silo. At doon itinalaga ni Josue ang lupain sa bayan ng Israel—ibinigay sa bawat isa ang kaniyang kabahagi ng lupa.
\s5
\v 11 Ang pagtatalaga ng lupa para sa lipi ni Benjamin ay ibinigay sa bawat mga angkan nila. Matatagpuan sa pagitan ng mga kaapu-apuhan ni Juda at sa mga kaapu-apuhan ni Jose ang nasasakupan ng kanilang nakatalagang lupa.
\v 12 Sa dakong hilaga, nagsimula ang kanilang hangganan sa Jordan. Umabot ang hangganan sa hilagang gulod ng Jerico, at pagkatapos hanggang sa pakanlurang maburol na lupain. Umabot ito doon sa ilang ng Beth Aven.
\s5
\v 13 Mula roon dumaan ang hangganan sa timog sa dako ng Luz (parehong lugar tulad ng Betel). Pagkatapos bumaba ang hangganan sa Atarot Adar, sa tabi ng bundok na naroon sa timog ng Bet Horon.
\v 14 Pagkatapos nagpatuloy ang hangganan sa ibang direksyon: sa dakong kanluran, lumiko ito patungong timog, patungo sa bundok sa ibayo mula sa Bet Horon. Nagtapos ang hangganang ito sa Kiriat Baal (iyon ay, Kiriat Jearim), isang lungsod na pag-aari sa lipi ni Juda. Bumuo ito ng hangganan sa dakong kanluran.
\s5
\v 15 Nagsimula sa labas ng Kiriat Jearim ang timog na dako. Nagmula roon ang hangganan patungong Epron, hanggang sa bukal na mga tubig ng Neptoa.
\v 16 Pagkatapos bumaba ang hangganan sa bundok na kasalungat ng lambak ng Ben Hinnom, na nasa hilagang dulo ng lambak ng Rephaim. Bumaba ito sa lambak ng Hinnom, timog ng libis ng mga Jebuseo, at nagpatuloy pababa sa En Rogel.
\s5
\v 17 Lumiko ito pahilaga, papunta sa direksyon ng En Semes, at mula roon lumabas ito sa Gelilot, na kasalungat sa paakyat ng Adummim. Pagkatapos bumaba ito sa Bato ni Bohan (anak na lalaki ni Ruben si Bohan).
\v 18 Dumaan ito sa hilaga sa gilid ng daan ng Bet Araba at pababa sa Araba.
\s5
\v 19 Dumaan ang hangganan sa hilaga sa gilid ng daan ng Bet Hogla. Nagtapos ang hangganan sa hilagang look ng Dagat ng Asin, sa timugang dulo ng Jordan. Ito ang hangganan sa timog.
\v 20 Nabuo nito ang hangganan ng Jordan sa silangang bahagi. Ito ang pamana sa lipi ni Benjamin, at ibinigay ito sa bawa't isa sa kanilang mga angkan, hangganan pagkatapos ng hangganan, sa buong palibot.
\s5
\v 21 Ngayon ang mga lungsod ng lipi ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay Jerico, Bet Hogla, Emek Keziz,
\v 22 Bet Araba, Zemaraim, Betel,
\v 23 Avvim, Para, Opra,
\v 24 Kepar Ammoni, Opni, at Geba. May labindalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 25 Naroon din ang mga lungsod ng Gibeon, Rama, Beerot,
\v 26 Mizpe, Kepira, Moza,
\v 27 Rekem, Irpeel, Tarala,
\v 28 Zela, Haelep, Jebus (pareho sa Jerusalem), Gibea, at Kiriat. Mayroong labing-apat na mga lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon. Ito ang pamana ni Benjamin para sa kanilang mga angkan.
\s5
\c 19
\p
\v 1 Tumapat ang ikalawang palabunutan kay Simeon at itinalaga ito sa bawat mga angkan nila. Ang minana nila ay nasa gitna ng pamana na pag-aari ng lipi ni Juda.
\s5
\v 2 Napunta sa kanila bilang pamana ang Beer-seba, Seba, Molada,
\v 3 Hazar, Sual, Bala, Ezem,
\v 4 Eltolad, Betul, at Horma.
\s5
\v 5 May Ziklag din si Simeon, Bet Marcabot, Hazar Susa,
\v 6 Bet Labaot, at Saruhen. Labing tatlong lungsod ang mga ito, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\v 7 Si Simeon ay mayroon ding Ain, Rimmon, Eter, at Asan. Apat na lungsod ang mga ito, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 8 Kasama ang mga ito sa mga nayong nakapalibot sa mga lungsod na ito hanggang sa Baalat Beer (pareho gaya ng Rama sa Negev). Ito ang pamana ng lipi ni Simeon, na ibinigay sa kanilang mga angkan.
\v 9 Ang pamana ng lipi ni Simeon ay bumuo ng bahagi sa lupain ng lipi ni Juda. Dahil napakalawak para sa kanila ang bahagi ng lupaing itinalaga sa lipi ni Juda, tinanggap ng lipi ni Simeon ang kanilang pamana mula sa gitna ng kanilang bahagi.
\s5
\v 10 Tumapat ang ikatlong palabunutan sa lipi ni Zebulon, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan. Nagsimula ang hangganan ng kanilang minana sa Sarid.
\v 11 Umakyat pakanluran ang kanilang hangganan patungong Marala at dumikit sa Dabbeset; pagkatapos umabot ito sa batis na katapat ng Jokneam.
\s5
\v 12 Mula sa Sarid lumiko ang hangganan pasilangan patungo sa silangan at tumungo sa hangganan ng Kislot Tabor. Mula roon tumungo ito sa Daberat at pagkatapos pataas hanggang sa Japia.
\v 13 Mula roon dumaan pasilangan sa Gat Heper, at pagkatapos sa Etkazin; sunod nagpunta ito sa Rimmon at lumiko patungo sa Nea.
\s5
\v 14 Lumiko ang hangganan sa hilaga patungong Hannathn at nagtapos sa lambak ng Ipta El.
\v 15 Kasama sa rehiyong ito ang mga lungsod ng Kattat, Naalal, Simron, Idala, at Betlehem. Mayroong labindalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\v 16 Ito ang minana ng lipi ni Zebulon, na ibinigay sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 17 Tumapat ang ikaapat na palabunutan kay Isacar, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
\v 18 Kasama sa kanilang lupain ang Jezreel, Kesulot, Sunem,
\v 19 Hafaraim, Sion, at Anaharat.
\s5
\v 20 Kasama rin dito ang Rabbit, Kision, Ebez,
\v 21 Remet, En-gannim, En-hadda, at Beth-passes.
\v 22 Dumikit din ang kanilang hangganan sa Tabor, Sahasim, at Beth-semes, at nagtapos sa Jordan. Mayroong labing-anim na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 23 Ito ang minana ng lipi ni Isacar, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 24 Tumapat ang ikalimang palabunutan sa lipi ni Aser, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
\v 25 Kasama sa kanilang lupain ang Helka, Hali, Beten, Acsap,
\v 26 Alamelek, Amad, at Misal. Sa kanluran umabot ang hangganan sa Carmel at Sihor Libnat.
\s5
\v 27 Pagkatapos lumiko ito pasilangan sa Bet Dagon at umabot hanggang kasing layo ng Zebulon, at pagkatapos sa lambak ng Iphta-el, pahilaga sa Beth-emec at Nehiel. Pagkatapos nagpatuloy ito sa Kabul patungong hilaga.
\v 28 Pagkatapos nagpatuloy ito sa Ebron, Rehob, Hammon, at Kana, hanggang kasing layo ng Pinakamalaking Sidon.
\s5
\v 29 Bumalik ang hangganan sa Rama, at pagkatapos sa pinatibay na lungsod ng Tiro. Pagkatapos lumiko ang hangganan sa Hosa at nagtapos sa dagat, sa rehiyon ng Aczib,
\v 30 Umma, Apek, at Rehob. Mayroong dalawampu't dalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 31 Ito ang minana ng lipi ni Aser, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 32 Tumapat ang ikaanim na palabunutan sa lipi ni Neftali, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
\v 33 Ang kanilang hangganan ay matatagpuan mula sa Helep, mula sa ensena sa Saananim, hanggang patungo sa Adamineceb at Jabneel, hanggang kasing layo ng Lakkum; nagtapos ito sa Jordan.
\v 34 Lumiko ang hangganan pakanluran sa Aznot-tabor at hanggang patungo sa Hukkok; at dumikit ito sa Zebulon sa timog, at nakarating sa Aser sa kanluran at Juda sa silangan sa Ilog Jordan.
\s5
\v 35 Ang mga pinatibay na lungsod ay Zidim, Zer, Hammat, Rakkat, Cinneret,
\v 36 Adama, Rama, Hazor,
\v 37 Kedes, Edrei, at En Hazor.
\s5
\v 38 Naroon din ang Yiron, Migdalel, Horem, Beth-anat, at Beth-semes. Mayroong labinsiyam na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\v 39 Ito ang minana ng lipi ni Neftali, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 40 Tumapat ang ikapitong palabunutan sa lipi ni Dan, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
\v 41 Kabilang sa minana nito ang Zora, Estaol, Ir Semes,
\v 42 Saalabin, Ajalon, at Itla.
\s5
\v 43 Kabilang rin dito ang Elon, Timna, Ekron,
\v 44 Elteke, Gibbethon, Baalat,
\v 45 Jehud, Bene Berak, Gat Rimmon,
\v 46 Me-Jarkon, at Rakkon kasama ang lupain sa ibayo mula sa Joppa.
\s5
\v 47 Nang mawala sa kanila ang lupain ng lipi ni Dan, nilusob ng Dan ang Lesem, nilabanan ito, at binihag ito. Pinatay nila ang bawat isa gamit ang espada, inangkin ito, at nanirahan dito. Muli nilang pinangalanan ang Lesem, tinawag itong Dan kasunod sa kanilang ninuno.
\v 48 Ito ang minana ng lipi ni Dan, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 49 Nang matapos nila ang paglalaan ng lupain bilang pamana, ibinigay ng bayan ng Israel ang isang pamana kasama ang kanilang sarili para kay Josue na anak ni Nun.
\v 50 Sa utos ni Yahweh ibinigay nila sa kanya ang lungsod na hiningi niya, ang Timnat Sera sa maburol na bansa ng Efraim. Muli niyang itinayo ang lungsod at nanirahan doon.
\s5
\v 51 Ito ang mga pamana na itinalaga ni Eleazar na pari, ni Josue na anak ni Nun, at ng mga panliping pinuno ng mga pamilya ng mga ninuno ng Israel sa pamamagitan ng palabunutan sa Silo, sa harapan ni Yahweh, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. Kaya natapos nila ang pagtatalaga ng lupain.
\s5
\c 20
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Josue,
\v 2 "Sabihin mo sa bayan ng Israel, na sinasabing, 'Pumili ng mga lungsod ng kanlungan na sinabi ko sa inyo sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
\v 3 Gawin ito para makapunta doon ang isang tao na nakapatay nang hindi sinasadya. Ang mga lungsod na ito ay magiging isang lugar ng kanlungan mula sa sinumang naghahangad para sa paghihiganti sa dugo ng isang tao na pinatay.
\s5
\v 4 Siya ay tatakbo isa sa mga lungsod na iyon at tatayo sa pasukan ng lungsod ng tarangkahan, at ipinaliwanag ang kaniyang kaso sa mga nakatatanda ng lungsod na iyon. Pagkatapos siya ay dadalhin nila sa loob ng lungsod at bibigyan siya ng isang lugar na matitirahan kasama nila.
\s5
\v 5 At kapag dumating ang isang maghihiganti ng dugo, pagkatapos ang bayan ng lungsod ay hindi dapat isuko para sa kapangyarihan na siyang pumatay sa kaniya. Hindi dapat nilang gawin ito, dahil pinatay niya ang kaniyang kapitbahay nang hindi inaasahan at hindi nasuklam sa kaniya sa simula pa.
\v 6 Dapat siyang manatili sa lungsod hanggang tumayo siya sa harap ng kapulungan para sa paghatol, hanggang sa kamatayan ng naglilingkod bilang punong pari sa mga araw na iyon. Pagkatapos ang isang sadyang nakapatay sa tao ay maaaring bumalik sa kaniyang sariling bayan at kaniyang sariling tahanan, sa bayan na kaniyang tinakasan.
\s5
\v 7 Kaya pinili ng mga Israelita ang Kades sa Galilea sa maburol na lugar ng Neftali, Secem sa maburol na lugar ng Efraim at ang Kiriat Arba (pareho gaya ng Hebron) sa bansang burol ni Juda.
\v 8 Lampas ng Jordan sa silangan ng Jerico, pinili nila ang Bezer sa ilang na nasa talampas mula sa lipi ni Ruben; Ramot Galaad, mula sa lipi ni Gad; at Golan sa Bashan, mula sa lipi ni Manases.
\s5
\v 9 Ito ang mga piniling lungsod para sa buong bayan ng Israel at para sa mga dayuhan na naninirahan kasama nila, para sinuman na makapatay ng isang tao nang hindi sinasadya ay maaaring makatakbo sa kanila para sa kanilang kaligtasan. Hindi maaaring mamamatay ang taong ito sa pamamagitan ng kamay ng maghihiganti ng dugo, hanggang humarap muna sa kapulungan ang napagbintangan.
\s5
\c 21
\p
\v 1 Pagkatapos pumunta ang mga pinuno ng mga angkan ng mga Levita kina Eleazar na pari, Josue na anak ni Nun, at sa mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno sa loob ng bayan ng Israel.
\v 2 Sinabi nila sa kanila sa Silo sa lupain ng Canaan, "Inutusan kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises na bigyan kami ng mga lungsod para manirahan, kasama ang mga lupang pastulan para sa aming mga alagang hayop."
\s5
\v 3 Kaya sa pamamagitan ng utos ni Yahweh, ibinigay ng bayan ng Israel sa mga Levita mula sa kanilang minana ang mga sumusunod na lungsod, kabilang ang kanilang mga lupang pastulan, para sa mga Levita.
\s5
\v 4 Ibinigay ang resulta ng palabunutang ito para sa mga angkan ng mga Kohatita: ang mga pari— ang mga kaapu-apuhan ni Aaron na mula sa mga Levita— tumanggap ng labing tatlong lungsod na ibinigay mula sa lipi ni Juda, mula sa lipi ni Simeon, at mula sa lipi ni Benjamin.
\v 5 Ang mga natirang angkan ng mga Kohatita ay tumanggap ng sampung lungsod sa pamamagitan ng mga palabunutan ng sampung lungsod mula sa mga angkan ng mga lipi ni Efraim, Dan, at mula sa kalahating lipi ni Manases.
\s5
\v 6 At binigyan ang mga taong mula sa Gerson sa pamamagitan ng palabunutan ng labintatlong lungsod mula sa mga angkan ng mga lipi nina Isacar, Aser, Neftali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Bashan.
\v 7 Ang bayan na mga kaapu-apuhan ni Merari ay tumanggap ng labindalawang lungsod mula sa mga lipi nina Ruben, Gad, at Zebulon.
\s5
\v 8 Kaya ibinigay ng bayan ng Israel ang mga lungsod na ito, kasama ang kanilang mga lupang pastulan, sa mga Levita sa pamamagitan ng mga palabunutan, gaya ng inutos ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
\v 9 Mula sa mga lipi ng Juda at Simeon, nagtalaga sila ng lupain sa mga sumusunod na mga lungsod, nakalista rito ang bawat pangalan.
\v 10 Ibinigay ang mga lungsod na ito sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, na kabilang sa mga angkan ng mga Kohatita, na nagmula naman sa lipi ni Levi. Dahil natapat sa kanila ang unang mga palabunutan.
\s5
\v 11 Ibinigay ng mga Israelita sa kanila ang Kiriat Arba (si Arba ang naging ama ni Anak), ang parehong lugar gaya ng Hebron, sa maburol na lupain ng Juda, kasama ang mga lupang pastulan sa paligid nito.
\v 12 Pero ibinigay na kay Caleb na anak ni Jepunne ang mga bukid ng lungsod at ang mga nayon nito, bilang pag-aari niya.
\s5
\v 13 Ibinigay nila ang Hebron sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na pari kasama ang mga lupang pastulan nito—na isang kanlungang lungsod para sa sinuman na nakapatay sa iba ng hindi sinasadya—at Libna kasama ang mga lupang pastulan nito,
\v 14 Jattir kasama ang mga lupang pastulan nito, at Estemoa kasama ang mga lupang pastulan nito.
\v 15 Ibinigay din nila ang Holon kasama ang mga lupang pastulan nito, Debir kasama ang mga lupang pastulan nito,
\v 16 Ain kasama ang mga lupang pastulan nito, Jutta kasama ang mga lupang pastulan nito, at Bet-Semes kasama ang mga lupang pastulan nito. Mayroong siyam na lungsod na ibinigay mula sa dalawang liping ito.
\s5
\v 17 Mula sa lipi ni Benjamin ibinigay ang Gabaon kasama ang mga lupang pastulan nito, ang Geba kasama ang mga lupang pastulan nito,
\v 18 Anatot kasama ang mga lupang pastulan nito, at Almon kasama ang mga karatig-pook nito—apat na lungsod.
\v 19 Ang mga lungsod na ibinigay sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron, ay labintatlong lungsod lahat, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
\s5
\v 20 Para sa natirang pamilya ng Kohat—ang mga Levitang kabilang sa pamilya ng Kohat—mayroon silang mga lungsod na ibinigay sa kanila mula sa lipi ni Efraim sa pamamagitan ng mga palabunutan.
\v 21 Sa kanila ibinigay ang Secem kasama ang mga lupang pastulan nito sa maburol na lupain ng Efraim—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isang tao nang hindi sinasadya—Gezer kasama ang mga lupang pastulan nito,
\v 22 Kibzaim kasama ang mga lupang pastulan nito, at Bet Horon kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
\s5
\v 23 Mula sa lipi ni Dan, ibinigay sa angkan ng Kohat ang Elteke kasama ang mga lupang pastulan nito, Gibbeton kasama ang mga lupang pastulan nito,
\v 24 Ajalon kasama ang mga lupang pastulan nito, Gatrimon kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
\s5
\v 25 Mula sa kalahating lipi ni Manases, ibinigay ang Taanac sa angkan ng Kohat kasama ang mga lupang pastulan nito at Gatrimon kasama ang mga lupang pastulan nito—dalawang lungsod.
\v 26 May sampung lungsod lahat para sa mga natirang mga angkan ng Kohatita, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
\s5
\v 27 Mula sa kalahating lipi ni Manases, hanggang sa angkan ng Gerson, ito ang ibang mga angkan ng Levita, at ibinigay nila ang Golan sa Basan kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya, kasama ang Beestera at ang mga lupang pastulan nito—dalawang lungsod lahat.
\s5
\v 28 Sa mga angkan ng Gerson ibinigay din nila ang Kision mula sa lipi ni Isacar, kasama ang mga lupang pastulan nito, Daberet kasama ang mga lupang pastulan nito,
\v 29 Jarmut kasama ang mga lupang pastulan nito, at ang Engannim kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod.
\v 30 Mula sa lipi ni Aser, ibinigay nila ang Misal kasama ang mga lupang pastulan nito, Abdon kasama ang mga lupang pastulan nito,
\v 31 Helkat kasama ang mga lupang pastulan nito, at Rehob kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
\s5
\v 32 Mula sa lipi ni Neftali, ibinigay nila sa mga angkan ng Gerson ang Kedes sa Galilea kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya; Hammotdor kasama ang mga lupang pastulan nito, at Kartan kasama ang mga lupang pastulan nito—tatlong lungsod lahat.
\v 33 Mayroong labintatlong lungsod lahat, mula sa mga angkan ng Gerson, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
\s5
\v 34 Sa natirang mga Levita— ang mga angkan ni Merari—ay ibinigay mula sa lipi ni Zebulon: Jokneam kasama ang mga lupang pastulan nito, Karta kasama ang mga lupang pastulan nito,
\v 35 Dimna kasama ang mga lupang pastulan nito, at Nahalal kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
\s5
\v 36 Ibinigay sa mga angkan ni Merari mula sa lipi ni Ruben: Bezer kasama ang mga lupang pastulan nito, Jahaz kasama ang mga lupang pastulan nito,
\v 37 Kedemot kasama ang mga lupang pastulan nito, at Mepaat kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod.
\v 38 Mula sa lipi ni Gad ibinigay sa kanila ang Ramot sa Galaad kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya—at Mahanaim kasama ang mga lupang pastulan nito.
\s5
\v 39 Ibinigay din sa mga angkan ni Merari ang Hesbon kasama ang mga lupang pastulan nito, at Jazer kasama ang mga lupang pastulan nito. Apat na lungsod itong lahat.
\v 40 Lahat ng mga ito ang mga lungsod na may maraming angkan ni Merari, na mula sa lipi ni Levi—labindalawang lungsod lahat ang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng mga palabunutan.
\s5
\v 41 Ang mga lungsod ng mga Levita na kinuha sa gitna ng lupaing inangkin ng bayan ng Israel ay apatnapu't walong lungsod, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
\v 42 Mayroong nakapaligid na mga lupang pastulan ang bawat siyudad na ito. Ganito sa lahat ng mga lungsod na ito.
\s5
\v 43 Kaya ibinigay ni Yahweh sa Israel ang lahat ng lupaing ipinangako niyang ibibigay sa kanilang mga ninuno. Inangkin ito ng mga Israelita at nanirahan doon.
\v 44 Pagkatapos binigyan sila ni Yahweh ng pahinga sa bawat dako, gaya ng kanyang ipinangako sa kanilang mga ninuno. Walang isa sa kanilang kaaway ang maaaring tumalo sa kanila. Ibinigay ni Yahweh ang lahat ng kanilang kaaway sa kanilang mga kamay.
\v 45 Walang isang bagay sa lahat ng mga mabuting pangako na sinabi ni Yahweh sa bahay ng Israel ang hindi nagkatotoo. Natupad ang lahat ng ito.
\s5
\c 22
\p
\v 1 Sa panahong iyon tinawag ni Josue ang mga Reubenita, ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases.
\v 2 Sinabi niya sa kanila, "Nagawa ninyo ang lahat ng bagay na iniutos sa inyo ni Moises, ang lingkod ni Yahweh; Sinunod ninyo ang aking tinig sa lahat ng iniutos ko sa inyo.
\v 3 Hindi ninyo iniwan ang inyong mga kapatid na lalaki sa maraming araw na ito o hanggang sa araw na ito. Sa halip, naging maingat kayo na sumunod sa mga itinagubilin ng mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos.
\s5
\v 4 Ngayon si Yahweh na inyong Diyos ang nagbigay ng kapahingahan sa inyong mga kapatid na lalaki, gaya ng ipinangako niya sa kanila. Kaya bumalik kayo at pumunta sa inyong mga tolda sa lupaing pag-aari ninyo, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kabilang bahagi ng Jordan.
\v 5 Lubos na maging maingat lamang na sundin ang mga kautusan at batas na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh, na mahalin si Yahweh na inyong Diyos, na lumakad sa lahat ng kaniyang mga pamamaraan, na panatilihin ang mga kautusan, at kumapit sa kaniya at sambahin siya ng buong puso ninyo at ng buo kaluluwa ninyo."
\v 6 Kaya pinagpala sila ni Josue at pinaalis sila, at bumalik sila sa kanilang mga tolda.
\s5
\v 7 Ngayon sa kalahati ng lipi ni Manases, binigyan sila ni Moises ng isang pamana sa Bashan, pero sa isa pang kalahati, binigyan ni Josue ng isang pamana katabi ng kanilang mga kapatid na lalaki sa lupain sa kanluran ng Jordan. Pinabalik sila ni Josue sa kanilang mga tolda; pinagpala niya sila
\v 8 at sinabi sa kanila, "Bumalik sa inyong mga tolda na may maraming salapi, at may napakaraming alagang hayop, at ng pilak at ginto, at ng tanso at bakal, at ng napakaraming mga kasuotan. Hatiin ninyo ang mga ninakaw mula sa inyong mga kaaway kasama ng inyong mga kapatid na lalaki."
\s5
\v 9 Kaya ang mga kaapu-apuhan ni Ruben, ang mga kaapu-apuhan ni Gad, at ang kalahati ng lipi ni Manases ay bumalik sa tahanan, na iniwan ang bayan ng Israel sa Silo, na nasa lupain ng Canaan. Umalis sila para magtungo sa rehiyon ng Galaad, sa sarili nilang lupain, na sila mismo ang nagmamay-ari, alinsunod sa kautusan ni Yahweh, sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
\s5
\v 10 Nang makarating sila sa Jordan na nasa lupain ng Canaan, ang mga lahi ni Ruben at mga lahi ni Gad at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo ng isang altar katabi ng Jordan, isang napakalaki at tanyag na altar.
\v 11 Narinig ng bayan ng Israel ang tungkol dito at sinabi, "Tingnan mo! Nagtayo ng isang altar ang bayan ng Ruben, Gad at kalahating lipi ni Manases sa harap ng lupain ng Canaan, sa Gelilot, sa rehiyong malapit sa Jordan, sa tabi na pag-aari ng bayan ng Israel."
\s5
\v 12 Nang marinig ito ng bayan ng Israel, ang buong kapulungan ng bayan ng Israel ay sama-samang nagtipon sa Silo para umakyat para makipagdigma laban sa kanila.
\s5
\v 13 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero ang bayan ng Israel sa mga lahi ni Ruben, mga lahi ni Gad, at kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad. Ipinadala rin nila si Finehas anak na lalaki ni Eleazar, ang pari,
\v 14 at kasama niya ang sampung pinuno, isa sa bawat mga pamilyang minamana ng Israel, at bawat isa sa kanila ay mga pinuno ng isang angkan sa loob ng bayan ng Israel.
\s5
\v 15 Dumating sila sa mga tao ng Ruben, Gad, at ng kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad, at nagsalita sila sa kanila:
\v 16 "Ang buong kapulungan ni Yahweh ay sinasabi ito, "Ano itong kataksilang nagawa ninyo laban sa Diyos ng Israel, sa pamamagitan ng pagsunod kay Yawheh simula sa araw na ito sa pamamagitan ng pagtatayo para sa inyong sarili ng isang altar sa araw na ito sa paghihimagsik laban kay Yahweh?
\s5
\v 17 Hindi pa ba sapat ang kasalanan natin sa Peor? Gayunman hindi pa nga natin nalinisan ang ating mga sarili mula rito. Dahil sa kasalanan na iyon dumating ang isang salot sa kapulungan ni Yahweh.
\v 18 Dapat din kayong tumalikod mula sa pagsunod kay Yahweh sa kasalukuyang ito? Kung maghihimagsik din kayo laban kay Yahweh ngayon, bukas magagalit siya sa buong kapulungan ng Israel.
\s5
\v 19 Kung ang lupain na inyong pag-aari ay nadungisan, pagkatapos dapat kayong dumaan sa lupain na kinatatayuan ng tabernakulo ni Yahweh at kumuha kayo ng isang ari-arian para sa inyong mga sarili sa kalagitnaan namin. Huwag lamang maghimagsik laban kay Yahweh, ni maghimagsik laban sa amin sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang altar para sa inyong mga sarili maliban sa altar ni Yahweh na aming Diyos.
\v 20 Hindi ba si Acan anak na lalaki ni Zera, ang sumira ng pananampalataya sa kahalagahan ng mga bagay na iyon na nakalaan para sa Diyos? At hindi ba bumagsak ang poot sa buong bayan ng Israel? Hindi lamang ang lalaking iyon ang mag-isang napahamak dahil sa kaniyang kasamaan.'"
\s5
\v 21 Pagkatapos ang mga lipi ni Ruben, Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay sumagot sa mga pinuno ng mga angkan ng Israel:
\v 22 "Ang Makapangyarihan, Diyos, Yahweh! Ang Isang Makapangyarihan, Diyos, Yahweh! —Alam niya, at hayaang malaman ng Israel! Kung ito ay sa paghihimagsik o sa paglabag ng pananampalataya laban kay Yahweh, huwag kaming iligtas sa araw na ito
\v 23 sa pagtatayo namin ng altar para ilayo ang aming mga sarili mula sa pagsunod kay Yahweh. Kung itinayo namin ang altar na iyon para maghandog doon ng mga handog na susunugin, mga butil na handog, o mga pangkapayapaang handog, sa gayon hayaang pagbayarin kami ni Yahweh para rito.
\s5
\v 24 Hindi! Ginawa namin iyon dahil sa takot na sa pagdating ng panahon ang inyong mga anak ay maaaring magsabi sa aming mga anak, "Ano ang kinalaman ninyo kay Yahweh, ang Diyos ng Israel?
\s5
\v 25 Dahil ginawa ni Yahweh ang Jordan na isang hangganan sa pagitan namin at ninyo. Kayong bayan ng Ruben at bayan ng Gad, wala kayong anumang bagay na ginawa kay Yahweh.' Kaya ang inyong mga anak ay maaaring gawing patigilin ang aming mga anak para sambahin si Yahweh.
\s5
\v 26 Kaya sinabi namin, "Tayo ay magtayo ng isang altar, hindi para sa mga handog na susunugin ni para sa anumang mga alay,
\v 27 pero para maging isang saksi sa pagitan namin at ninyo, at sa pagitan ng aming mga salinlahi pagkatapos namin, na gagampanan namin ang paglilingkod kay Yahweh sa harap niya, kasama ng aming mga handog na susunugin at ng aming mga alay at kasama ng aming mga handog pangkapayapaan, sa gayon hindi kailanman magsasabi ang inyong mga anak sa aming mga anak sa panahon na darating, "Wala kayong bahagi kay Yahweh."
\s5
\v 28 Kaya sinabi namin, 'Kung dapat itong sabihin sa amin o sa aming mga kaapu-apuhan sa panahon na darating, sasabihin naming, "Pagmasdan ninyo! Ito ang isang kopya ng altar ni Yahweh, na ginawa ng aming mga ninuno, hindi para sa mga handog na sinunog, ni para sa mga alay, pero bilang isang saksi sa pagitan namin at ninyo."
\v 29 Huwag nawa mangyari sa amin ito na kami ay maghimagsik laban kay Yahweh, at tumalikod ngayon mula sa pagsunod sa kaniya sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang altar para sa handog na sinunog, para sa handog na butil, o para sa alay, maliban sa isang altar ni Yahweh aming Diyos na nasa harap ng kaniyang tabernakulo.'"
\s5
\v 30 Nang si Finehas na pari at ang mga pinuno ng mga tao, iyon ay, ang mga ulo ng mga angkan ng Israel na kasama niya, ay narinig ang mga salita na sinabi ng bayan ng Ruben, Gad, at Manases, na mabuti ito sa kanilang mga paningin.
\v 31 Sinabi ni Finehas anak na lalaki ni Eleazar na pari sa bayan ng Ruben, Gad at Manases, "Ngayon alam namin na si Yahweh ay kasama namin, dahil hindi ninyo nagawa ang paglabag sa pananampalatayang ito laban sa kaniya. Ngayon sinagip ninyo ang bayan ng Israel mula sa kamay ni Yahweh."
\s5
\v 32 Pagkatapos bumalik sina Finehas anak na lalaki ni Eleazar na pari, at ang mga pinuno mula sa mga lahi ni Ruben at mga lahi ni Gad, palabas ng lupain ng Galaad, pabalik sa lupain ng Canaan, patungo sa bayan ng Israel, at nagbalik ng mensahe sa kanila.
\v 33 Ang kanilang ulat ay mabuti sa paningin ng bayan ng Israel. Pinagpala ng bayan ng Israel ang Diyos at hindi na nagsalita tungkol sa paggawa ng digmaan laban sa mga lahi ni Ruben at mga lahi ni Gad, para wasakin ang lupain kung saan sila nanirahan.
\s5
\v 34 Ang mga Reubenita at ang Gadita ay pinangalanan ang altar na "Saksi" dahil sinabi nila na "Ito ay isang saksi sa pagitan namin na si Yahweh ay Diyos."
\s5
\c 23
\p
\v 1 At pagkatapos ng maraming araw, nang mabigyan ni Yahweh ng kapahingahan ang Israel mula sa lahat ng kanilang mga kaaway na nakapalibot sa kanila, napakatanda na ni Josue.
\v 2 Tinawag ni Josue ang buong Israel—ang kanilang mga matatanda, ang kanilang mga pinuno, ang kanilang mga hukom, at ang kanilang mga opisiyal—at sinabi sa kanila, "Napakatanda ko na.
\v 3 Nakita ninyo ang lahat ng bagay na nagawa ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng mga bansang ito para sa inyong kapakanan, dahil si Yahweh na inyong Diyos ang nakipaglaban para sa inyo.
\s5
\v 4 Masdan ninyo! Itinalaga ko sa inyo ang mga bansa na natira para sakupin bilang isang pamana para sa inyong mga lipi, kasama ang lahat ng mga bansang winasak ko na, mula sa Jordan patungo sa Malaking Dagat sa kanluran.
\v 5 Paaalisin sila ni Yahweh na inyong Diyos. Itutulak siya niya mula sa inyo. Sasakupin niya ang kanilang lupain, at aariin ninyo ang kanilang lupain, gaya ng ipinangako sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
\s5
\v 6 Kaya maging matatag kayo, kaya mapapanatili ninyo at magagawa ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Batas ni Moises, hindi kayo lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa,
\v 7 kaya hindi kayo maisasama sa mga bansang ito na nananatiling kasama ninyo o babanggitin ang mga pangalan ng kanilang mga diyos, sumumpa sa kanila, sambahin sila, o yumukod sa kanila.
\v 8 Sa halip, dapat kayong kumapit kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng nagawa ninyo hanggang sa araw na ito.
\s5
\v 9 Dahil pinaalis ni Yahweh sa harap ninyo ang malaki, malakas na mga bansa. Para sa inyo, walang isa man ang nakatayo sa harapan ninyo hanggang sa kasalukuyan.
\v 10 Sinumang nag-iisang lalaki sa inyong bilang ay gagawang patakasin ang isang libo, para kay Yahweh na inyong Diyos, ang tanging lumalaban para sa inyo, gaya ng ipinangako niya sa inyo.
\v 11 Bigyan ng kaukulang pansin, para mahalin ninyo si Yahweh na inyong Diyos.
\s5
\v 12 Pero kung tatalikod kayo at kakapit sa mga nakaligtas sa mga bansang ito nanatiling kasama ninyo, o kung kumuha ng asawa mula sa kanila, o kung makikisama kayo sa kanila at sila sa inyo,
\v 13 pagkatapos tiyak na malalaman na hindi na palalayasin ni Yahweh na inyong Diyos ang mga bansang ito mula sa inyo. Sa halip, magiging isang patibong sila at isang bitag para sa inyo, pamalo sa inyong likuran at mga tinik sa inyong mga mata, hanggang sa mamatay kayo mula sa mabungang lupaing ito na binigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
\s5
\v 14 At ngayon lalakad ako sa daan sa buong lupa, at malalaman ninyo ng buong puso at kaluluwa na walang isang salitang hindi nagkatotoo sa lahat ng mga mabubuting bagay na ipinangako ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa inyo. Lahat ng mga bagay na ito ay nangyari para sa inyo. Walang isa sa kanila ang nabigo.
\v 15 Pero gaya ng bawat salitang ipinangako ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo ay natupad, kaya magdadala si Yahweh sa inyo ng lahat ng mga masasamang bagay hanggang sa mawasak niya kayo mula sa mabuting lupain na ito na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
\s5
\v 16 Gagawin niya ito kung sisirain ninyo ang tipan ni Yahweh na inyong Diyos, na iniutos niya sa inyo para sundin. Kung pupunta kayo at sasamba sa ibang mga diyos at yumukod sa kanila, sa gayon mag-aalab ang galit ni Yahweh laban sa inyo, at mabilis kayong mamamatay mula sa mabuting lupain na ibinigay niya sa inyo."
\s5
\c 24
\p
\v 1 Pagkatapos tinipon ni Josue ang lahat ng mga lipi ng Israel sa Secem at ipinatawag ang mga nakatatanda ng Israel, ang kanilang mga pinuno, ang kanilang mga hukom, at ang kanilang mga opisyal, at ipinakita ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos.
\v 2 Sinabi ni Josue sa buong bayan, "Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Nanirahan ang inyong mga ninuno noong unang panahon sa ibayo ng Ilog Eufrates—si Tera, ang ama ni Abraham at ang ama ni Nahor—at sinamba nila ang ibang mga diyos.
\s5
\v 3 Pero kinuha ko ang inyong ama mula sa ibayo ng Eufrates at pinangunahan siya sa lupain ng Canaan, at binigyan ko siya ng maraming kaapu-apuhan sa pamamagitan ng kaniyang anak na si Isaac.
\v 4 At kay Isaac ibinigay ko sina Jacob at Esau. Ibinigay ko kay Esau ang maburol na lugar ng Seir para ariin, pero bumaba si Jacob at kaniyang mga anak sa Ehipto.
\s5
\v 5 Pinadala ko sina Moises at Aaron, at pinahirapan ko ang mga taga-Ehipto sa pamamagitan ng mga salot. Pagkatapos noon, inilabas Ko kayo.
\v 6 Inilabas ko ang inyong mga ninuno sa Ehipto, at nakarating kayo sa dagat. Tinugis sila ng mga taga-Ehipto sa pamamagitan ng mga karwahe at mga mangangabayo hanggang sa kalayuan ng Dagat ng mga Tambo.
\s5
\v 7 Nang tumawag ang inyong mga ninuno kay Yahweh, nagdulot siya ng kadiliman sa pagitan ninyo at ng mga taga-Ehipto. Pinagsama niya ang tubig ng dagat at sila ay natabunan. Nakita ninyo kung ano ang ginawa ko sa Ehipto. Pagkatapos namuhay kayo sa ilang ng mahabang panahon.
\s5
\v 8 Dinala ko kayo sa lupain ng mga Amoreo, na nanirahan sa ibang bahagi ng Jordan. Nakipaglaban sila sa inyo, at ibinigay ko sila sa inyong kamay. Inangkin ninyo ang kanilang lupain, at winasak ko sila sa harap ninyo.
\s5
\v 9 Pagkatapos tumayo si Balak na anak na lalaki ni Zippor, hari ng Moab, at nilusob ang Israel. Ipinadala at ipinatawag niya si Balaam na anak na lalaki ni Beor, para sumpain kayo.
\v 10 Pero hindi ako nakinig kay Balaam. Sa katunayan, pinagpala niya kayo. Kaya iniligtas ko kayo mula sa kaniyang kamay.
\s5
\v 11 Tumawid kayo sa Jordan at nakarating sa Jericho. Nakipaglaban ang mga pinuno ng Jerico laban sa inyo, kasama ang mga Amoreo, ang mga Perizeo, ang mga Cananaeo, ang mga Heteo, ang mga Girgaseo, ang mga Hivita, at ang mga Jebuseo. Pinagtagumpay ko kayo sa kanila at nilagay sila sa ilalim ng inyong pamamahala.
\v 12 Ipinadala ko ang putakti sa harap ninyo, na paalis sa kanila at sa dalawang hari ng mga Amoreo sa harapan ninyo. Ito ay hindi nangyari sa pamamagitan ng inyong espada o sa pamamagitan ng inyong pana.
\s5
\v 13 Binigyan ko kayo ng lupain na hindi ninyo pinagtrabahuhan at mga lungsod na hindi ninyo itinayo, at ngayon kayo ay naninirahan sa mga ito. Kinakain ninyo ang mga bunga ng mga ubasan at mga halamanang olibo na hindi ninyo itinanim.'
\s5
\v 14 Ngayon ang pagkatakot kay Yahweh at sambahin siya ng boung karangalan at katapatan; alisin ang mga diyos na sinamba ng inyong mga ninuno sa dako ng Eufrates at sa Ehipto, at sambahin si Yahweh.
\v 15 Kung tila mali ito sa inyong mga paningin para sambahin ninyo si Yahweh, kayo na mismo ang pumili ngayong araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran, kung ang mga diyos na sinamba ng inyong mga ninuno sa ibayo ng Eufrates o ang mga diyos ng mga Amoreo, kung saang lupain kayo naninirahan. Pero para sa akin at sa aking sambahayan, sasambahin namin si Yahweh."
\s5
\v 16 Sumagot ang bayan at sinabi, "Hindi namin kailanman pababayaan si Yahweh para maglingkod sa ibang mga diyos,
\v 17 dahil si Yahweh na aming Diyos ang naglabas sa amin at sa aming mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto, mula sa pagkaalipin, at siyang gumawa ng mga dakilang palatandaan sa aming paningin, at siyang nagpanatili sa amin sa lahat ng mga daan na aming pupuntahan, at kasama ng lahat ng mga bansa na aming dinaanan.
\v 18 At pinaalis ni Yahweh sa harap namin ang lahat ng mga mamamayan, ang mga Amoreo na nanirahan sa lupaing ito. Sa gayon sasambahin rin namin si Yahweh, dahil siya ang aming Diyos."
\s5
\v 19 Pero sinabi ni Josue sa bayan, "Hindi ninyo maaaring paglingkuran si Yahweh, dahil siya ay isang banal na Diyos; siya ay isang selosong Diyos; hindi niya papatawarin ang inyong mga paglabag at mga kasalanan.
\v 20 Kung iiwan ninyo si Yahweh at sasamba sa mga dayuhang diyos, sa gayon siya ay tatalikod at pipinsalain kayo. Tutupukin niya kayo, pagkatapos niyang makagawa ng mabuti sa inyo."
\s5
\v 21 Pero sinabi ng bayan kay Josue, "Hindi, sasambahin namin si Yahweh."
\v 22 Pagkatapos sinabi ni Josue sa bayan, "Kayo ang mga saksi laban sa inyong mga sarili na kayo mismo ang pumili kay Yahweh, para sambahin siya." Sinabi nila, "Kami ay mga saksi."
\v 23 Ngayon itapon ninyo ang mga dayuhang diyos na nasa inyo, at ibaling ang inyong puso kay Yahweh, ang Diyos ng Israel."
\s5
\v 24 Sinabi ng bayan kay Josue, "Sasambahin namin si Yahweh na aming Diyos. Makikinig kami sa kaniyang tinig."
\v 25 Gumawa si Josue ng isang tipan sa bayan sa araw na iyon. Inilagay niya sa lugar ang mga kautusan at mga batas sa Sechem.
\v 26 Sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa Ang Aklat ng Batas ng Diyos. Kumuha siya ng isang malaking bato at inilagay ito doon sa ilalim ng punong ensena sa tabi ng santuwaryo ni Yahweh.
\s5
\v 27 Sinabi ni Josue sa lahat ng mga tao, "Tingnan mo, ang batong ito ay magiging isang patotoo laban sa amin. Narinig nito ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh sa amin. Kaya ito ay magiging isang saksi laban sa inyo, kung ninyo ipagkakaila ang inyong Diyos."
\v 28 Kaya pinaalis ni Josue ang bayan, bawa't isa kaniyang sariling pamana.
\s5
\v 29 Pagkatapos ng mga bagay na ito si Josue na anak na lalaki ni Nun, ang lingkod ni Yahweh, ay namatay, na nabuhay ng 110 taong gulang.
\v 30 Siya ay inilibing nila sa loob ng hangganan ng kaniyang sariling pamana, sa Timnat Sera, na nasa maburol na lugar ng Efraim, hilaga ng Bundok Gaash.
\s5
\v 31 Sinamba ng Israel si Yahweh sa buong buhay ni Josue, at sa buong buhay ng mga matatanda na nabuhay ng mas matagal kay Josue, ang mga nakaranas sa lahat ng bagay na nagawa ni Yahweh para sa Israel.
\s5
\v 32 Ang mga buto ni Jose, na dinala palabas ng bayan ng Israel mula Ehipto—inilibing nila ang mga ito sa Sechem, sa kapirasong lupain na binili ni Jacob mula sa mga anak na lalaki ni Hamor, ang ama ni Sechem. Binili niya ito sa halagang isang daang pirasong pilak, at ito ay naging isang pamana para sa mga kaapu-apuhan ni Jose.
\v 33 Si Eleazar na anak na lalaki ni Aaron ay namatay din. Inilibing nila siya sa Gibeah, ang lungsod ni Finehas na kaniyang anak na lalaki, na ibinigay sa kaniya. Iyon ay nasa maburol na lugar ng Efraim.