tl_udb/56-2TI.usfm

238 lines
17 KiB
Plaintext

\id 2TI
\ide UTF-8
\h 2 Timoteo
\toc1 2 Timoteo
\toc2 2 Timoteo
\toc3 2ti
\mt 2 Timoteo
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ako si Pablo, ay sumusulat kay Timoteo. Sinugo ako ni Cristo Jesus bilang isang apostol upang sabihin sa lahat na kung nakiisa sila sa kaniya, ipinangako ng Diyos sa kanila na sila ay bubuhayin ngayon at magpakailanman.
\p
\v 2 Timoteo, mahal kita bilang sarili kong anak. Nawa ang Diyos na ating Ama at si Cristo Jesus na ating Panginoon ay kumilos sa iyo ng may kabaitan, kahabagan at kapayapaan.
\s5
\p
\v 3 Pinapasalamatan ko ang Diyos at pinaglilingkuran ko siya dahil gusto ko talagang gawin kung ano ang kaniyang nais, gaya ng ginawa ng aking mga ninuno. Timoteo, lagi kong inaalala na ikaw ay ipanalangin, sa gabi at araw.
\p
\v 4 Gusto talaga kitang makita dahil naalala ko kung paano ka umiyak para sa akin. Kung makita kitang muli, magagalak ako ng lubos.
\p
\v 5 Naalala ko na ikaw ay tunay na nananampalataya kay Jesus. Na unang ipinagkatiwala ng iyong lola na si Loida at ng iyong ina na si Eunice ang kanilang mga buhay kay Jesu-Cristo at natitiyak kong nagtitiwala ka rin kay Jesu-Cristo tulad ng kanilang ginawa!
\s5
\p
\v 6 Dahil nagtitiwala ka kay Jesus, ipinapaalala ko sa iyo na simulan mong gamitin muli ang kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos nang ipatong ko ang aking mga kamay sa iyo at pinanalangin ka.
\q1
\v 7 Nang dumating sa atin ang Espiritu ng Diyos, hindi siya nagdulot sa atin ng pagkatakot. Sa halip, nagbigay siya sa atin ng kapangyarihan na sumunod sa Diyos, na mahalin siya at ang iba pa at pigilan ang ating mga sarili.
\s5
\p
\v 8 Kaya huwag mong isipin na mapapahiya ka kung sasabihin mo sa iba ang tungkol sa ating Panginoong Jesus. At huwag mong isipin na ikakahiya mo kung ikaw ay aking kaibigan dahil nasa bilangguan ako sapagkat nagtitiwala ako kay Jesus. Sa halip, maging maluwag sa kalooban mo na magtiis ng paghihirap habang sinasabi mo sa iba ang tungkol sa mabuting balita. Ipaparanas ng Diyos sa iyo ang lahat ng paghihirap.
\p
\v 9 Gagawin niya ito dahil iniligtas at tinawag niya tayo upang maging kaniyang sariling mga tao. Hindi tayo iniligtas ng Diyos dahil sa anumang mabubuting gawa na ating ginawa. Sa halip, tayo ay iniligtas niya dahil binalak niyang ibigay sa atin ang kaloob na ito. Ang Diyos ang nagpahintulot na ibigay ng Mesias na si Jesus ang kaloob na ito sa atin, bago pa ang pasimula ng mundo.
\p
\v 10 Ngayon makikita ng lahat na kaya silang iligtas ng Diyos dahil ang Mesias na si Jesus na ating Tagapagligtas ay pumarito at winasak ang kamatayan at ipinakita sa lahat ang ebanghelyo, ang katotohanan na idinudulot niya sa mga tao upang mabuhay magpakailanman.
\p
\v 11 Sa dahilang ito, nagpasya ang Diyos na ipadala ako bilang isang apostol, tagapangaral at tagapagturo.
\s5
\q1
\v 12 Naghirap ako sa mga tungkuling ito, ngunit hindi ako nahiya dahil alam ko at nagtiwala ako kay Jesu-Cristo. At naniniwala ako na may kakayahan siyang ingatan ang aking pananampalataya sa kaniya hanggang sa huling araw.
\q1
\v 13 Habang ikaw ay nagtitiwala kay Jesu-Cristo at iniibig siya, sundin ang totoong kahulugan ng mga salitang narinig mo sa akin.
\p
\v 14 Nagtitiwala ang Diyos sa iyo, na iyong ipapangaral ang mabuting mensahe na ibinigay niya sa iyo. Ingatan mo ang mensaheng iyon sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Banal na Espiritu na naninirahan sa atin.
\s5
\p
\v 15 Alam mo na halos lahat ng mga mananampalataya sa Asya ay tumalikod sa akin, kabilang sina Figelo at Hermogenes.
\p
\v 16 Ngunit ipinapanalangin ko na ang Panginoon ay mahabag sa pamilya ni Onesiforo. Madalas niya akong tinulungan at hindi siya nahiya na nasa bilangguan ako.
\p
\v 17 Sa katunayan, nang pumunta siya dito sa Roma, ipinagpatuloy niya ang paghahanap sa akin hanggang sa natagpuan niya ako.
\p
\v 18 Kahabagan nawa ng Panginoon si Onesiforo sa huling araw. Alam mo ang mga paraan ng pagtulong niya sa akin sa Efeso.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Para na kitang anak. Kaya hinihimok rin kita na pahintulutan ang Diyos na pangunahan ka bilang resulta ng pagkilos ni Cristo Jesus nang may kabaitan sa iyo.
\p
\v 2 Atasan at pagkatiwalaan ang mga tapat na tao upang ituro ang mga bagay na narinig mo sa akin at sa marami pang iba na nagpatotoo sa iba sa ganoon ding paraan.
\s5
\q
\v 3 Magtiis gaya ng ginawa ko sa mga paghihirap namin para kay Cristo Jesus, tulad ng pagtitiis ng isang mabuting kawal sa kaniyang mga paghihirap.
\p
\v 4 Alam mo na ang mga kawal ay hindi nakikihalubilo sa mga pangkaraniwang gawain upang kalugdan sila ng kanilang kapitan.
\p
\v 5 Gayundin, ang mga manlalarong nakikipagpaligsahan sa mga laro ay hindi mananalo maliban kung susunod sila sa mga alituntunin.
\s5
\p
\v 6 At ang magsasakang nagsusumikap sa pagtatrabaho ay dapat maunang tumanggap ng kaniyang bahagi sa ani.
\q
\v 7 Pag-isipan ang tungkol sa sinulat ko dahil kung gagawin mo, tutulungan ka ng Panginoon upang maunawaan ang anumang bagay na kailangan mong maunawaan.
\s5
\p
\v 8 Habang dumaranas ka ng mga paghihirap, alalahanin mo si Jesu-Cristo, isang kaapu-apuhan ni Haring David. Binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, gaya rin ng pangangaral ko sa mensahe ng ebanghelyo.
\q
\v 9 Sapagkat ang ebanghelyong ito ay aking pinaghirapan na humantong sa aking pagkabilanggo gaya ng isang kriminal. Ngunit ang salita ng Diyos ay hindi nakabilanggo.
\p
\v 10 Kaya naman, handa akong tiisin ang lahat ng aking paghihirap alang- alang sa mga pinili ng Diyos. Ginawa ko ito upang iligtas sila ni Cristo Jesus at makasama niya magpakailanman sa maluwalhating lugar na kung saan siya naroon.
\s5
\p
\v 11 Maaari kang magtiwala sa mga salitang ito na sinasabi natin paminsan-minsan: "Kung namatay tayong kasama ni Jesus, mabubuhay din tayong kasama niya.
\p
\v 12 Kung magtitiis tayo, maghahari din tayong kasama niya. Ngunit kung ikakaila natin siya, ikakaila din niya tayo.
\p
\v 13 Kung hindi tayo magiging tapat kay Jesus, siya ay patuloy na magiging tapat, sapagkat hindi niya maikakaila ang kaniyang sarili."
\s5
\p
\v 14 Ang iyong mga hinirang upang ituro sa iba ang katotohanan ng Diyos ay patuloy mong paalalahanan sa mga bagay na ito na aking sinabi sa iyo. Paalalahanan mo sila sa harap ng Diyos na huwag makipag-away sa mga walang kabuluhang salita, dahil hindi makakatulong ang paggawa nito at maaaring makasira sa mga nakikinig.
\p
\v 15 Gawin mo ang lahat mong makakaya upang magdulot sa Diyos na gawin kang karapat-dapat bilang isang manggagawang walang dapat ikahiya na nagtuturo sa totoong Salita ng Diyos ng tama.
\s5
\p
\v 16 Lumayo sa mga taong nagsasalita sa mga paraang nakakainsulto sa Diyos, dahil ang ganitong uri ng pananalita ay hindi nagbibigay ng karangalan sa Diyos ng labis labis.
\p
\v 17 Ang ganitong uri ng mga salita ay kakalat tulad ng nakakahawang sakit. Sina Himeneo at Fileto ay dalawang halimbawa ng mga taong nagsasalita ng ganito.
\p
\v 18 Ang mga lalaking ito ay tumigil sa pananampalataya. Sinasabi nila na ang pagkabuhay muli ng mga patay ay nangyari na. Sa paraang ito, napaniwala nila ang ilang mga Kristiyano na tumigil sa pagtitiwala kay Cristo.
\s5
\p
\v 19 Gayon pa man, ang katotohanan tungkol sa Diyos ay patuloy na umiiral. Tulad ito ng isang matibay na pundasyon ng isang gusali, na kung saan may isang nagsulat ng mga salitang ito: "Kilala ng Diyos iyong mga kaniya," at "Lahat ng nagsasabing sa Panginoon sila ay dapat huminto sa paggawa ng masasamang gawain."
\q
\v 20 Sa bahay ng isang taong mayaman, hindi lamang mga kasangkapan na gawa sa ginto at tanso ang naroroon, ngunit may mga kasangkapan ding gawa sa kahoy at putik. Ang mga kasangkapang gawa sa ginto at tanso ay ginagamit sa mga natatanging okasyon. Ngunit ang mga kasangkapang gawa sa kahoy at putik ay ginagamit sa mga karaniwang panahon.
\p
\v 21 Kaya naman, silang mga nag-alis ng kasamaan sa kanilang mga buhay ay may kakayahang gumawa ng mahusay sa Panginoon. Sila ay tulad ng mga kasangkapan na handang gawin ang anumang uri ng mabuting gawain. Sa katunayan, sila ay magiging kagamit-gamit sa Panginoon upang gawin ang natatanging gawain para sa kaniya, sa bawat mabuting gawa.
\s5
\p
\v 22 Huwag patuloy na naisin ang mga makasalanang bagay na karaniwang ninanais ng mga kabataan. Sa halip, sikapin na gawin ang mga bagay na matuwid. Sikapin na magtiwala sa Diyos at mahalin siya. Sikapin na mamuhay ng payapa. Sumama sa mga taong sumasamba sa Diyos ng taos-puso.
\p
\v 23 Huwag makipag-usap sa sinumang hangal na gustong makipagtalo tungkol sa mga bagay na walang kabuluhan. Huwag makipag-usap sa kanila dahil alam mo na kapag mag-usap ang mga tao tungkol sa mga hangal na mga bagay, nagsisimula silang mag-away.
\s5
\p
\v 24 Ngunit ang mga naglilingkod sa Panginoon ay hindi dapat makipag-away. Sa halip, sila ay dapat na maging mabait sa lahat ng tao. Dapat may kakayahan silang magturo sa katotohanan ng Diyos ng mahusay at dapat maging matiyaga sila sa mga tao.
\p
\v 25 Dapat ay marahan nilang tinuturuan ang mga taong nakikipagtalo laban sa kanila. Baka sakaling bigyan sila ng Diyos ng pagkakataon upang magsisi at malaman ang katotohanan.
\p
\v 26 Sa paraang iyon, makakapag-isip sila ng tama at magiging katulad sila sa mga taong nakawala sa bitag na inilagay ng diyablo. Ang diyablo ang nanlinlang sa kanila upang gawin nila ang nais niyang ipagawa sa kanila.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Nais kong malaman mo ito: sa huling panahon bago bumalik ang Panginoon, ito ay magiging lubhang mapanganib.
\p
\v 2 Mamahalin ng mga tao ang kanilang sarili ng higit sa kaninuman. Mamahalin nila ang pera. Magyayabang sila tungkol sa kanilang sarili. Sila ay magiging mapagmataas. Aalipustahin nila ang ibang tao. Hindi nila susundin ang kanilang mga magulang. Hindi nila pasasalamatan ang sinuman para sa anumang bagay. hindi nila pararangalan ang Diyos.
\p
\v 3 Hindi nila mamahalin maging ang kanilang pamilya. Tatanggihan nilang maging mapayapa sa kaninuman. Sisiraan nila ang iba. Hindi nila mapipigilan ang kanilang sarili. Magiging marahas sila sa iba. Hindi nila mamahalin ang kabutihan.
\p
\v 4 Pagtataksilan nila ang dapat nilang alagaan. Gagawa sila ng mga bagay na mapanganib na hindi nag-iisip. Magiging mapagmataas sila, at gagawin nila kung ano ang nakakalugod sa kanila sa halip na mahalin ang Diyos.
\s5
\p
\v 5 Tila pararangalan nila ang Diyos, ngunit tatanggihan nilang tanggapin ang kapangyarihan na tunay na gustong ibigay sa kanila ng Diyos. Umiwas ka sa mga taong tulad ng mga ito.
\p
\v 6 Inaakit ng mga kalalakihang ito ang mga babaeng hangal upang patuluyin sila sa kanilang mga bahay. Pagkatapos ay lilinlangin nila ang mga babaeng ito upang kanilang kontrolin ang pag-iisip nila. Ito ay mga babaeng palaging nagkakasala, kaya sinusunod ang mga masasamang mga lalaking ito sa paggawa ng lahat ng uri ng masasamang bagay na masaya nilang ginagawa.
\p
\v 7 Kahit na ang mga babaeng ito ay laging nagnanais na matuto ng mga bagong kaalaman, kailanman ay hindi nila matututunan kung ano ang talagang totoo.
\s5
\p
\v 8 Sa gayon ding paraan sinubukan nina Janes at Jambres na pigilan si Moises, gayon din ang ginagawa ng mga kalalakihang ito na sinusubukang pigilan ang mga taong sumunod sa katotohanan. Kasamaan ang ini-isip ng mga kalalakihang ito. Manloloko sila sa usaping pananampalataya.
\p
\v 9 Gayunman, hindi sila magtatagumpay sa kanilang ginagawa, dahil malinaw na makikita ng karamihan na ang mga taong ito ay walang nauunawaan. Ito ay tulad kung paano nakita ng mga tao ng Israel ang kahangalan nina Janes at Jambres.
\s5
\p
\v 10 Timoteo, sinunod mo kung ano ang itinuro ko sa iyo. Nakita mo ang paraan ng aking pamumuhay. Nakita mo kung gaano ang kagustuhan kong maglingkod sa Diyos. Nakita mo kung paano ako nagtiwala sa kaniya. Nakita mo kung paano ako nagkaroon ng kapayapaan kahit na ako ay nagdurusa. Nakita mo kung gaano ko kamahal ang Diyos at ang mga mananampalataya. Nakita mo kung paano ako nagpatuloy sa paglilingkod sa Diyos kahit na ito ay lubhang mahirap gawin.
\p
\v 11 Nakita mo kung paano ako inusig ng mga tao. Nakita mo sa lahat ng paraaan kung paano ako nagdusa nang ako ay nasa Antioquia, Iconio at Listra. Labis akong nagdusa sa lahat ng lugar na iyon, ngunit sinagip ako ng Panginoon sa lahat ng pagdurusang iyon.
\p
\v 12 Sa katunayan, dadanas ng pagdurusa ang sinumang nais mamuhay sa paraang pinararangalan niya si Jesu Cristo.
\p
\v 13 Ang mga masasama at mga manlolokong mga tao ay magpapatuloy sa pagiging masama. Ilalayo nila sa katotohanan, ang mga tao at pahihihinulutan nila ang ibang tao na sila din ay lumayo.
\s5
\p
\v 14 Ngunit para sa iyo, ipagpatuloy mong gawin ang mga bagay na natutunan mong gawin at ang mga bagay na pininiwalaan mong tama. Alalahanin mo ako, dahil ako ang nagturo sa iyo ng mga bagay na ito.
\q
\v 15 Alalahanin mo din na kahit noong bata ka pa, natutunan mo kung ano ang sinasabi ng Diyos sa mga kasulatan. Ituturo ng mga ito sa iyo kung paano tayo ililigtas ni Jesu-Cristo, kapag tayo ay nagtiwala sa kaniya.
\s5
\p
\v 16 Galing sa Espiritu ng Diyos ang lahat ng kusulatan, kaya dapat natin itong basahin upang maituro ang katotohanan tungkol sa Diyos. Dapat natin itong basahin upang mahikayat ang mga tao na maniwala sa katotohanan. Upang maitama din ang mga tao sa tuwing nagkakasala sila. Upang turuan din ang mga tao kung paano gawin ang tama.
\p
\v 17 Dapat nating gawin ang mga bagay na ito ng sa gayon ay maaaring sanayin ng Diyos ang mananampalataya at maibigay sa kaniya ang kaniyang mga pangangailangan upang gawin ang mga bagay na mabuti.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Kapag malapit ng dumating si Cristo Jesus upang mamuno, hahatulan niya ang mga nabubuhay pa at ang mga namatay na. At ngayon, minamasdan ako ni Jesus at ng Diyos habang inuutusan kita
\p
\v 2 na ipahayag ang mensahe tungkol kay Cristo. Maghanda kang gawin ito sa panahong madaling mangaral at gayundin sa panahong hindi madaling mangaral. Hikayatin mo ang mga tao tungkol sa kung ano ang tama kapag gumawa sila ng kamalian. Balaan mo sila na huwag magkasala. Hikayatin mo silang sumunod kay Cristo. Gawin mo ang mga bagay na ito habang tinuturuan mo sila at maging handa ka lagi na maghintay sa kanila upang makagawa sila ng mas mabuti.
\s5
\p
\v 3 Sinasabi ko sa iyo ang mga bagay na ito, sapagkat darating ang panahon na ang mga kasama natin ay hindi susunod sa kung ano ang mga tunay na itinuturo ng Diyos. Sa halip, maghahanap sila ng maraming kalalakihan na magtuturo na mabuting gawin ang anumang naisin nilang gawin. Sa ganitong paraan, lagi silang maghahanap ng isang bagay na bago at kakaiba upang matututunan.
\p
\v 4 Hihinto silang makinig sa katotohanan at magbibigay-pansin sa mga mapanlinlang na mga kuwento.
\p
\v 5 Ngunit para sa iyo Timoteo, pigilan mo ang iyong sarili anuman ang mangyari. Maging handa kang pagtiyagaan ang mga mahihirap na bagay. Gawin mo ang pagpapahayag ng Ebanghelyo. Tapusin mo ang gawain na dapat mong gawin upang paglingkuran ang Panginoon.
\s5
\p
\v 6 Sinasabi ko sa iyo ang mga bagay na ito dahil malapit na akong mamatay at lumisan sa mundong ito. Matutulad ako sa isang kopa ng alak na ibubuhos nila sa altar at ihahandog sa Diyos.
\p
\v 7 Katulad ako ng isang manlalaro na ginawa ang kaniyang makakaya sa isang paligsahan. Katulad ako ng isang mananakbo na nakatapos ng kaniyang takbuhin. Ginawa ko ang aking makakaya upang sumunod sa Diyos.
\p
\v 8 Ngayon, naghihintay ang gantimpala sa akin dahil namuhay ako sa tamang paraan para sa Diyos. Hahatulan ako ng Panginoon sa tamang paraan. Ibibigay niya sa akin ang gantimpalang iyon sa muli niyang pagbabalik. At ibibigay rin niya ito sa lahat ng nasasabik na naghihintay sa muli niyang pagbabalik.
\s5
\p
\v 9 Timoteo, sikapin mong makapunta sa akin sa lalong madaling panahon.
\p
\v 10 Iniwan ako ni Demas at pumunta sa Tesalonica dahil labis niyang iniibig ang buhay sa mundong ito. Pumunta si Cresente sa Galacia, at pumunta si Tito sa Dalmacia.
\s5
\p
\v 11 Si Lucas lamang ang nanatili sa akin. Isama mo rin si Marcos. Gawin mo ito dahil labis siyang makakatulong sa akin.
\p
\v 12 Pinapunta ko si Tiquico sa Efeso.
\p
\v 13 Pagpunta mo rito, dalhin mo ang damit panlabas na aking iniwan sa Troas kasama si Carpo. Dalhin mo rin ang mga balumbon na aking sulatan, lalo na iyong mga gawa sa mga balat ng hayop.
\s5
\p
\v 14 Labis na gumawa ng masama laban sa akin si Alejandro na panday-tanso. Parurusahan siya ng Panginoon sa kaniyang ginawa.
\p
\v 15 Dapat mo ring bantayan ang iyong sarili laban sa kaniya dahil ginawa niya ang lahat ng paraan upang pigilan ang ating pangangaral.
\p
\v 16 Sa una kong pagharap sa hukuman at ipinaliwanag ang aking gawain, walang mananampalataya ang nanatili upang palakasin ang aking loob. Umalis silang lahat. Huwag sana silang panagutin ng Diyos para dito.
\s5
\p
\v 17 Ngunit nanatili ang Panginoon at tinulungan ako. Pinalakas niya ako upang lubos kong maipahayag ang kaniyang salita at upang makinig ang lahat ng Gentil dito. Sa paraang ito, iniligtas ako ng Diyos sa kamatayan.
\p
\v 18 Ililigtas ako ng Diyos sa bawat masamang bagay na kanilang gagawin. Dadalhin niya akong ligtas kung saan siya namumuno sa kalangitan. Purihin nawa siya ng lahat ng tao magpakailanman. Amen.
\s5
\p
\v 19 Batiin mo sina Priscila at Aquila. Batiin mo ang mga tao sa tahanan ni Onesiforo.
\p
\v 20 Nanatili sa Corinto si Erasto. Tungkol naman kay Trofimo, iniwan ko siya sa Mileto dahil siya ay may sakit.
\p
\v 21 Sikapin mong makarating bago ang tag-lamig. Binabati kayo ni Eubulo, gayundin sina Pudente, Lino, Claudia at lahat ng mga kapatid.
\p
\v 22 Makasama nawa ninyo ang Panginoon sa inyong espiritu. Maging mabuti nawa siya sa inyong lahat.