tl_udb/54-2TH.usfm

141 lines
11 KiB
Plaintext

\id 2TH
\ide UTF-8
\h 2 Tesalonica
\toc1 2 Tesalonica
\toc2 2 Tesalonica
\toc3 2th
\mt 2 Tesalonica
\s5
\c 1
\p
\v 1 Akong si Pablo, at sina Silas at Timoteo ang sumusulat sa liham na ito sa inyo sa lungsod ng Tesalonica, na isang grupo ng mga mananampalataya na kaisa ng Diyos Ama at kay Jesu-Cristo na ating Panginoon.
\p
\v 2 Ipinapanalangin namin na ang Diyos na ating Ama at si Jesu-Cristo na ating Panginoon ay patuloy na kumilos ng may kabaitan sa inyo at patuloy na magbigay sa inyo ng kapayapaan.
\s5
\p
\v 3 Mga kapwa namin mananampalataya, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos at kailangang gawin namin ito, dahil mas lalo kayong nagtitiwala sa Panginoong Jesus at dahil mas lalo ninyong iniibig ang bawat isa.
\p
\v 4 Bilang resulta, patuloy namin kayong ipinagmamalaki sa ibang grupo ng mga mananampalataya na kabilang sa Diyos. Sinasabi namin sa kanila kung gaano kayo nagtitiis at nagpapatuloy na magtiwala sa Panginoong Jesus, kahit pa madalas na ang ibang tao ay nagdudulot sa inyo ng sobrang paghihirap.
\p
\v 5 Dahil tinitiis ninyo ang lahat ng paghihirap, maliwanag na alam naming matuwid na hahatulan ng Diyos ang lahat ng tao. Sa inyong kalagayan, ihahayag niya sa lahat na kayo ay karapat-dapat na pamunuan niya magpakailanman, dahil tinanggap ninyong maghirap habang nagtitiwala kayo sa kaniya.
\s5
\p
\v 6 Tiyak na pahihintulutan ng Diyos ang paghihirap sa mga taong nagpapahirap sa inyo, dahil tama para sa kaniya na gawin ang bagay na ito.
\q1
\v 7 Itinuturing din niya na tama lang na dapat kayong gantimpalaan sa pamamagitan ng pagtulong niya sa inyo sa inyong mga kahirapan. Gagawin niya ito sa inyo at sa amin kapag nagpakita mismo ang Panginoong Jesus sa lahat sa kaniyang pagbabalik mula sa langit kasama ang kaniyang mga makapangyarihang anghel.
\p
\v 8 At sa naglalagablab na apoy parurusahan niya ang mga taong hindi tapat sa kaniya, ang mga ayaw tumanggap sa mabuting balita tungkol sa ating Panginoon Jesus.
\s5
\p
\v 9 Itataboy sila ng ating Panginoong Jesus palayo sa kaniya, kung saan sila ay parurusahan niya magpakailanman, malayo sa kung saan siya namumuno nang may napakadakilang kapangyarihan.
\p
\v 10 Gagawin ito ng Panginoong Jesus sa kaniyang pagparito mula sa langit sa panahong ipinasya ng Diyos. Bilang resulta, lahat tayo na kaniyang mga tao ay magpupuri at mamamangha sa kaniya. At naroon din kayo, dahil naniwala kayo sa sinabi namin sa inyo ng mataimtim.
\s5
\p
\v 11 Upang mapapurihan ninyo si Jesus ng ganito, lagi rin kaming nananalangin para sa inyo. Ipinapanalangin namin na gawin kayong karapat-dapat ng Diyos na mamuhay sa bagong paraan kung saan niya kayo tinawag upang mamuhay. Ipinapanalangin din namin na bigyan niya kayo ng kakayahan upang gumawa ng mabuti sa bawat paraan na inyong naisin, at yamang makapangyarihan siya, kayo ay bibigyan din niya ng kakayahan na gawin ang bawat uri ng mabuting bagay dahil nagtitiwala kayo sa kaniya.
\q1
\v 12 Ipinapanalangin namin ito dahil nais namin na purihin ninyo ang Panginoong Jesus at nais namin na kayo ay parangalan niya. Mangyayari ito dahil ang Diyos na ating sinasamba at ating Panginoon Jesu-Cristo ay patuloy na kumikilos ng may kabaitan sa inyo.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Ngayon nais kong sumulat sa inyo tungkol sa panahon ng pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at kung kailan tayo titipunin ng Diyos na kasama si Jesus. Mga kapwa ko mananampalataya, pinakikiusapan ko kayo
\p
\v 2 na maging mahinahon sa pag-iisip tungkol sa anumang mensahe na darating sa inyo. Hindi na mahalaga kung ito ay mensahe ng sinumang nag-aangkin na nagpahayag sa kaniya ang Espiritu ng Diyos, o kung nanggaling ito mula sa ibang tao, o kung ito ay isang liham ng sinumang nag-aangkin na isinulat ko: Hindi ko nais na paniwalaan ninyo na bumalik na sa lupa ang ating Panginoong Jesus.
\s5
\q
\v 3 Huwag hayaang hikayatin kayo ng sinuman na maniwala sa ganoong mensahe. Ang Panginoon ay hindi kaagad darating. Una sa lahat, maraming tao ang maghihimagsik laban sa Diyos. Tatanggapin nila at susundin ang isang tao na magkakasala ng labis laban sa Diyos, ang sisira sa lahat ng ginawa ng Diyos.
\p
\v 4 Siya ang magiging pinakamabigat na kalaban ng Diyos. Buong pagmamalaki niyang kakalabanin ang lahat ng itinuturing ng mga tao na Diyos at ang lahat ng sinasamba ng mga tao. Bilang resulta, papasukin din niya ang templo ng Diyos at uupo doon upang mamahala! Lantaran niyang ipapahayag na siya mismo ay Diyos!
\s5
\p
\v 5 Natitiyak kong natatandaan ninyo na palagi kong binabanggit ang mga bagay na ito sa inyo habang kasama pa ninyo ako diyan sa Tesalonica.
\p
\v 6 Alam din ninyo na may isang bagay na humahadlang sa taong ito sa paglalahad ng kaniyang sarili sa lahat ng tao ngayon. Hindi pa niya maaaring ipakita ang kaniyang sarili hanggang sa panahon na pahihintulutan siya ng Diyos.
\q
\v 7 Bagaman, palihim ng nagsimula si Satanas na magdulot sa mga tao na tanggihan ang kautusan ng Diyos, ang siyang humahadlang sa taong ito sa paghahayag ng kaniyang sarili ngayon ay patuloy na hahadlang sa kaniya hanggang sa tanggalin siya ng Diyos.
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos nito ay papayagan ng Diyos ang taong ito, na talagang tumatanggi sa kautusan ng Diyos, upang ipakita ang kaniyang sarili sa lahat ng tao sa sanlibutan. At magsasalita ang Panginoong Jesus ng isang utos na wawasak sa kaniya. Sa pamamagitan lamang ng pagpapakita ng kaniyang sarili sa lahat sa pagbabalik niya, lubusan na tatanggalan ni Jesus ng kapangyarihan ang taong iyon.
\q
\v 9 Ngunit bago siya tuluyang puksain ni Jesus, bibigyan ni Satanas ang taong ito ng napakalakas na kapangyarihan. Bilang resulta, gagawin niya ang lahat ng uri ng mga hindi pangkaraniwang himala at mga kamangha-manghang gawa, at maraming tao ang maniniwala na ang Diyos ang nagbibigay sa kaniya ng kakayahan upang gawin ang mga bagay na iyon.
\p
\v 10 At sa pamamagitan ng paggawa ng mga masasamang gawain, ganap na malilinlang ng taong ito ang mga tiyak na mapapahamak sa kamatayan. Makakayanan niyang linlangin sila dahil hindi sila sumang-ayon na ibigin ang tunay na mensahe tungkol sa kung papaano sila maililigtas ni Jesus.
\s5
\p
\v 11 Kaya pahihintulutan ng Diyos ang taong ito na madali silang malinlang, upang maniwala sila sa maling pahayag na sinabi ng taong ito patungkol sa kaniyang sarili.
\p
\v 12 Bilang resulta hahatulan at susumpain ng Diyos ang lahat ng tumangging maniwala sa katotohanan tungkol kay Cristo, ang mga taong naging masaya sa paggawa ng masama.
\s5
\p
\v 13 Mga kapwa naming mananampalataya, kayo na minamahal ng ating Panginoong Jesus, dapat lagi kaming magpasalamat sa Diyos sa inyo. Dapat naming gawin ito dahil pinili niya kayo upang maibilang sa mga unang tao na maniniwala sa katotohanan tungkol kay Jesus, kabilang sa mga unang tao na ililigtas ng Diyos at upang ilaan kayo sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu.
\p
\v 14 Nagpapasalamat kami sa Diyos na pinili niya kayo bilang resulta ng aming pagpapahayag ng mensahe sa inyo tungkol kay Cristo, upang maparangalan kayo ng Diyos sa paraan na tulad ng pagpaparangal niya sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
\p
\v 15 Kaya, mga kapwa naming mananampalataya, magpatuloy na maniwala ng may katatagan kay Cristo. Patuloy na paniwalaan ang mga totoong bagay na itinuro namin nang kami ay nagsalita at nagsulat ng liham sa inyo.
\s5
\p
\v 16 Ipinapanalagin namin na ang ating Panginoong Jesu-Cristo mismo at ang ating Diyos Ama —siya na umiibig sa atin, ang magpapalakas ng loob natin magpakailanman at ang nagdudulot sa atin na umasa mula sa kaniyang kabaitan na matanggap natin ang mabuting mga bagay mula sa kaniya—
\p
\v 17 nawa ang Diyos at si Jesu-Cristo ang kapwa magpalakas ng inyong loob! At nawa sila ang maging dahilan upang magpatuloy kayo sa paggawa at pagsasabi ng mga mabubuting bagay.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Para sa iba pang mga usapin, mga kapwa namin mananampalataya, ipanalangin ninyo kami upang mas marami pang mga tao ang makarinig sa aming mensahe tungkol sa ating Panginoong Jesus at parangalan ito, gaya ng inyong ginawa.
\p
\v 2 Ipanalangin din ninyo na ingatan kami ng Diyos sa mga makasalanan at masamang tao upang hindi kami saktan, sapagkat hindi lahat ay naniniwala sa Panginoon.
\p
\v 3 Gayunman, mapagkakatiwalaan ang ating Panginoong Jesus! Kaya nakakatiyak kaming siya ang magbibigay sa inyo ng dahilan upang magpatuloy na maging malakas. Nakatitiyak din kaming iingatan niya kayo mula kay Satanas, na masama.
\s5
\p
\v 4 Sapagkat nakipag-isa tayong lahat sa ating Panginoong Jesus, nagtitiwala kami na sinusunod ninyo ang aming inutos sa inyo, at inyong susundin ang aming mga inuutos sa liham na ito.
\p
\v 5 Ipinapanalangin namin na patuloy kayong tulungan ng ating Panginoong Jesus na malaman kung gaano kayo minamahal ng Diyos at kung gaano nagtiis si Cristo para sa inyo.
\s5
\p
\v 6 Mga kapwa namin mananampalataya, inuutusan namin kayo—at ito ay tila ang Panginoong Jesu-Cristo mismo ang nagsasabi nito—na itigil na ninyo ang pakikisalamuha sa bawat mananampalatayang tamad at ayaw magtrabaho. Ito ay upang sabihing, dapat kayong lumayo sa mga taong hindi ginagawa sa kanilang mga buhay ang kaugalian na itinuro sa amin at itinuro rin namin sa inyo.
\p
\v 7 Sinasabi namin ito sa inyo dahil kayo mismo ang nakakaalam na dapat kayong umasal gaya ng aming inasal. Hindi lamang kami paupo-upo nang nakitira kami sa inyo kundi nagtrabaho kami.
\p
\v 8 Ito ay upang sabihing, hindi kami kumain ng pagkain ng sinuman kung hindi namin ito binayaran. Sa halip, labis kaming nagtrabaho upang matulungan ang aming mga sarili sa araw at gabi, nang sa gayon ay hindi kami umasa sa inyo sa aming pangangailangan.
\p
\v 9 Lagi kaming may karapatan na umasa sa inyo sa pera dahil isa akong apostol, ngunit sa halip, labis kaming nagtrabaho upang maging magandang halimbawa kami sa inyo, nang sa gayon ay umasal kayo gaya ng inasal namin.
\s5
\p
\v 10 Alalahanin ninyo na noong kasama ninyo kami, lagi naming inuutos sa inyo na kung may kapwa mananampalataya ang tumatangging magtrabaho, hindi ninyo siya dapat bigyan ng pagkain.
\p
\v 11 Ngayon, sinasabi naming muli ito sa inyo, dahil may nakapagsabi sa amin na ang ilan sa inyo ay tamad at hindi talaga nagtatrabaho. Hindi lamang iyan, ang ilan sa inyo ay nanghihimasok sa ginagawa ng ibang tao.
\p
\v 12 Inuutusan namin ang mga kapwa mananampalataya na hindi nagtratrabaho, at pinakikiusapan sila, na parang ang Panginoon mismo ang nagsasalita, na ang dapat nilang isipin ay ang sarili nilang gawain, paghirapan nila ang dapat nilang ikabuhay, at itaguyod nila ang kanilang sarili.
\s5
\p
\v 13 kapwa mananampalataya! Huwag kayong mapapagod sa paggawa ng tama!
\p
\v 14 Kung may kapwa mananampalataya na hindi sumusunod sa aming isinulat sa liham na ito, ipakilala ninyo ang taong iyan sa harap ng maraming tao. At huwag kayong makikisama sa kaniya, upang siya ay mapahiya.
\q
\v 15 Huwag ninyo siyang ituring na kaaway; sa halip, balaan ninyo siya na parang pinapaalalahanan ninyo ang inyong kapwa mananampalataya.
\s5
\p
\v 16 Ipinapanalangin ko na ang ating Panginoong Jesus mismo, na nagbibigay ng kapayapaan sa kaniyang mga tao, ang laging magbibigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng kalagayan. Ipinapanalangin ko na ang ating Panginoong Jesus ay patuloy kayong tulungan.
\p
\v 17 Ngayon, kinuha ko ang panulat mula sa aking eskriba, at ako, si Pablo ang mismong nagsulat ng pagbating ito na ipapadala ko sa inyo. Ginagawa ko ito sa lahat ng aking mga liham upang malaman ninyo na ako talaga ang nagpadala ng liham na ito. Ganito ko laging tinatapos ang aking mga liham.
\q
\v 18 Ipinapanalangin kong patuloy na kumilos ng may kabutihan ang ating Panginoong Jesu-Cristo sa inyong lahat.