tl_udb/50-EPH.usfm

440 lines
32 KiB
Plaintext

\id EPH
\ide UTF-8
\h Mga taga-Efeso
\toc1 Mga taga-Efeso
\toc2 Mga taga-Efeso
\toc3 eph
\mt Mga taga-Efeso
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ako, si Pablo, ay isinulat ang liham na ito sa aking mga minamahal na kapwa mananampalataya kung saan ay binukod ng Diyos para sa kaniyang sarili, na mga tapat kay Cristo Jesus--sumulat ako sa mga kapwa mananampalataya na nakatira sa lungsod ng Efeso. Ako si Pablo, na pinili ng Diyos at pinadala ng Diyos sa inyo bilang apostol ni Cristo Jesus.
\p
\v 2 Ipinanalangin ko na ang Diyos na ating Ama at si Jesu-Cristo na ating Panginoon ay magbigay sa inyo ng kaniyang kagandahang loob at kapayapaan.
\s5
\p
\v 3 Purihin ang Diyos, ang Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Nagdulot siya sa atin ng labis na kagalakan sa pamamagitan ng bawat uri ng makalangit at espiritwal na pagpapalang ibinigay sa atin ni Cristo.
\p
\v 4 Bago nilikha ng Diyos ang mundo pinili niya na tayo upang maging mga tao niya sa pamamagitan ni Cristo, na nagbukod sa atin para sa Diyos upang mamuhay ng walang kapintasan sa kaniyang paningin.
\s5
\p
\v 5 Dahil mahal niya tayo, noon pa man binalak na ng Diyos na ampunin tayo bilang sarili niyang mga anak dahil sa ginawa ni Jesu-Cristo. Binalak niyang ampunin tayo dahil nagpapasaya ito sa kaniya na tayo ay maging kaniyang mga anak, kaya ginawa niya ang nais niyang gawin.
\p
\v 6 Dahil dito tayo ay nagpupuri sa Diyos sa kaniyang kamangha-manghang kabutihan na binigay sa atin ng kaniyang Anak na kaniyang minamahal, kabutihang hindi karapat-dapat para sa atin.
\s5
\q1
\v 7 Pinalaya tayo ni Jesus na parang binili niya tayo mula sa bilihan ng mga alipin. Pinalaya niya tayo sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan; kung saan, pinatawad tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan, sapagka't siya ay naging napakabuti sa atin.
\p
\v 8 Naging napakabuti niya sa atin, at binigyan niya tayo ng lahat ng uri ng karunungan.
\s5
\p
\v 9 Ipinaliwanag ngayon ng Diyos ang lihim ng kaniyang kalooban, na ikinalulugod niyang ihayag si Cristo.
\p
\v 10 Binalak ng Diyos na sa panahong kaniyang itinakda ay pag-iisahin niya ang lahat ng mga bagay sa langit at lahat ng mga bagay sa lupa, at si Cristo ang maghahari sa kanila.
\s5
\p
\v 11 Noon pa man, tayo ay pinili na ng Diyos upang pag-isahin kay Cristo, ayon sa kaniyang binalak--at lagi niyang ginagawa kung ano talaga ang nais niyang gawin.
\q1
\v 12 Ginawa niya ang mga iyon upang ang mga Judio, na umaasa ng may pagtitiwala sa Mesias na darating at magliligtas sa kanila bago malaman ng hindi mga Judio ang anumang bagay tungkol kay Cristo, ay magpupuri sa kaniya dahil sa kaniyang kabutihan.
\s5
\q1
\v 13 Ngayon kayo na mga taga-Efeso at ibang mga hindi Judio ay nakarinig sa totoong mensahe, ang magandang balita na ililigtas ni Cristo ang sinumang mananampalataya sa kaniya. At kayo ay nanampalataya kay Cristo, kaya parang ang Espiritu ng Diyos ay nagtatak sa inyong mga noo upang ipakita na kayo ay pag-aari ng Diyos.
\p
\v 14 Ang Banal na Espiritu ay patunay na matatanggap natin ang lahat ng ipinangako ng Diyos. Ang lahat ng ito ay dakilang dahilan upang purihin siya!
\s5
\p
\v 15 Dahil napakarami ng ginawa ng Diyos para sa inyo, at dahil narinig ko kung paano kayo nagtiwala sa Panginoong Jesus at minahal ang lahat ng pinili ng Diyos para sa kaniya,
\p
\v 16 hindi ako tumigil sa pagpapasalamat sa Diyos para sa inyo at laging nananalangin sa inyo.
\s5
\p
\v 17 Ipinapanalangin ko sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesus-Cristo, ang Ama na nakatira sa nagniningning na liwanag, ay tulungan ka na mag-isip ng may karunungan at upang maunawaan mo ang lahat ng bagay tungkol sa inihayag niya sa inyo.
\p
\v 18 Ipinanalangin ko na turuan kayo ng Diyos kung ano ang nais niyang gawin sa atin, at kung bakit alam natin na katotohanan ang sinasabi niya. Ipinanalangin ko na malaman nawa natin kung gaano kadakila ang mga bagay na pinangako niya na ibigay sa atin at sa bawat isa na kaniyang pipiliin na magiging kaniya.
\s5
\p
\v 19 At ipinanalangin ko na malaman ninyo kung gaano kamakapangyarihan ang mga gawa ng Diyos sa atin na nagtitiwala kay Cristo. Makapangyarihan siyang kumilos para sa atin,
\p
\v 20 kung gaano siya makapangyarihang gumawa kay Cristo noong binuhay niyang muli si Cristo pagkatapos na siya ay namatay, at binuhay siya tungo sa lugar ng kataas-taasang karangalan sa langit.
\p
\v 21 Sa lugar na iyon, namumuno si Cristo bilang pinakamataas higit sa bawat makapangyarihang espiritu sa anumang antas ng kapangyarihan at higit sa bawat pangalan na umiiral. Si Jesus ay higit na mataas kaysa ibang nilalang, hindi lang ngayon, kundi magpakailanman.
\s5
\p
\v 22 Inilagay ng Diyos ang lahat ng nilalang sa pamumuno ni Cristo, na para bang silang lahat ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa. At itinalaga ng Diyos si Cristo bilang tagapamuno sa lahat ng mga mananampalataya sa lahat ng dako.
\q
\v 23 Ito ay parang ang lahat ng manananmpalataya na magkakasama ay sariling katawan ni Cristo. Pinupuspos niya ang lahat ng mananampalataya saan mang dako ng kaniyang kapangyarihan, tulad ng pagpuspos niya ng sangdaigdigan sa kaniyang kapangyarihan.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Bago kayo nagtiwala kay Cristo, wala kayong lakas na sumunod sa Diyos. Kayo ay walang magawa tulad ng mga patay.
\p
\v 2 Minsan kayong nabuhay na tulad ng maraming tao sa mundo na sumusunod ngayon kay Satanas, ang masama na namumuno sa lahat ng masasamang espiritu na hindi natin nakikita. Si Satanas ay ang masamang espiritu na siyang pumipigil sa mga tao na hindi sumusunod sa Diyos.
\q
\v 3 Tayo ay minsang nakasama ng mga taong hindi sumunod sa Diyos; ginawa natin ang mga masasamang bagay na ating ninais, mga bagay na nagbibigay ng kasiyahan sa ating mga katawan at mga isipan. Kaya ang Diyos ay labis na nagalit sa atin katulad sa iba.
\s5
\p
\v 4 Ngunit kumikilos ang Diyos nang napakamahabagin at labis niya tayong minamahal.
\p
\v 5 Tulad tayo ng mga patay na tao, walang kakayahan upang sumunod sa Diyos, ngunit binuhay niya tayong muli sa pamamagitan ng pakikipag-isa natin kay Cristo. Iniligtas tayo ng Diyos dahil siya ay labis na naging mabait sa atin.
\p
\v 6 Binuhay niya tayo mula sa mga taong parang mga patay at binigyan niya tayo ng mga luklukan ng karangalan upang mamuno na kasama ni Jesu-Cristo sa kalangitan.
\q
\v 7 Ginawa niya iyon upang ipakita sa hinaharap kung gaano siya kabait sa atin sapagkat kasama na tayo ni Jesu-Cristo.
\s5
\p
\v 8 Sapagkat iniligtas tayo ng Diyos mula sa kaniyang kaparusahan sa pamamagitan ng kaniyang labis-labis na kabaitan dahil sa nagtiwala kayo kay Jesus. Hindi natin iniligtas ang ating mga sarili; isa itong regalo mula sa Diyos,
\q
\v 9 isang regalo na hindi pinaghihirapan ninuman, kaya walang sinuman ang maaaring magyabang at sabihing iniligtas niya ang kaniyang sarili.
\p
\v 10 Kaya nilikha tayo ng Diyos bilang bagong mga tao na sumama kay Jesu-Cristo, upang magawa natin ang mga mabubuting bagay--mga bagay na matagal nang binalak ng Diyos para gawin natin.
\s5
\p
\v 11 Huwag ninyong kalilimutan na kayong mga mananampalatayang hindi Judio ay dating tinatawag na mga Gentil dahil hindi kayo ipinanganak bilang mga Judio. Nilait kayo ng mga Judio sa pamamagitan ng pagtawag sa inyo ng "hindi tuling mga pagano." Tinatawag nila ang kanilang mga sarili na "ang pagtutuli;" sa pamamagitan nito, ibig nilang sabihin na sila ay mga tao ng Diyos at kayo ay hindi, bagaman ang pagtutuli ay isang bagay na ginagawa lamang ng mga tao at hindi ng Diyos.
\p
\v 12 Sa panahong iyon, hindi pa kayo bahagi ni Cristo at hindi kayo bahagi ng kaniyang mga tao sa Israel. Hindi ninyo alam ang kautusan at mga pangako ng Diyos. Wala kayong kapanatagan sa hinaharap na ipinangako ng Diyos sa inyo at habang kayo ay nabubuhay, hindi ninyo kilala ang Diyos.
\s5
\p
\v 13 Ngunit ngayon, dahil sa ginawa ni Jesu-Cristo, mayroon na kayong kakayahan upang magtiwala sa kaniya dahil pumayag si Cristo na mamatay sa krus.
\p
\v 14 Si Cristo ang nagdala ng kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga Judio at mga hindi Judio sa pamamagitan ng pagsira sa harang sa ating pagitan, na para bang sinira niya ang isang pader ng pagkamuhi na naghihiwalay sa mga tao sa bawat-isa.
\p
\v 15 Ginawa niya na hindi na natin kailangang sundin ang lahat ng batas ng mga Judio at mga kautusan. Ginawa niya na maging isa sa halip na dalawa ang mga Judio at hindi Judio dahil gumawa siya ng kapayapaan sa pagitan natin.
\p
\v 16 Si Jesus ang nagdulot sa mga Judio at hindi Judio na maging magkaibigan kasama ng Diyos sa isang bagong grupo ng mananampalataya. Dahil sa pagkamatay niya sa krus, nagawa ni Jesus na patigilin ang mga ito na kamuhian ang bawat isa.
\s5
\p
\v 17 Dumating si Jesus at ipinahayag ang ebanghelyo na nagbibigay ng kapayapaan sa Diyos; ipinahayag niya rin ito sa inyong mga hindi Judio na hindi nakakaalam ng tungkol sa Diyos, at sa aming mga Judio na nakakaalam ng tungkol sa Diyos.
\p
\v 18 Dahil kay Jesus, ang Judio at hindi Judio ay maaari na ngayong makipag-usap sa Ama dahil ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa lahat ng mga mananampalataya.
\s5
\p
\v 19 Samakatwid, kayong mga hindi Judio ay hindi na mga estranghero at dayuhan ngayon sa mga tao ng Diyos at sa halip mga kasapi na kayo kasama ng mga ibinukod ng Diyos para sa kaniya, at nabibilang kayo sa pamilya ng Diyos kung saan ang Diyos ang Ama.
\q
\v 20 Kayo ay tulad ng mga bato na ginawa upang maging bahagi ng kaniyang gusali, at naitayo ang gusali sa kung ano ang itinuro ng mga apostol at mga propeta. Ang pinakamahalagang bato, ang batong panulukan ng gusali ay si Jesu-Cristo mismo.
\p
\v 21 Pinadadami ni Jesus ang kaniyang pamilya ng mananampalataya at pinagsasama sila tulad ng isang templo ng mga bato na pinagsama-sama at itinayo, dumadami tulad ng pagsama ng Panginoon ng mga bagong mananampaltaya sa kaniyang sarili.
\p
\v 22 Binubuo kayo ni Jesus ng sama-sama, mga Judio at mga hindi Judio, bilang isang pamilya na kung saan ang Diyos ay nananahan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Ginawa ng Diyos ang lahat ng ito para sa inyong mga hindi Judio, na akong si Pablo ay nandito sa bilangguan dahil kay Cristo Jesus.
\p
\v 2 Ipinagpapalagay ko na alam ninyong pinagkakatiwalaan ako ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa akin ng isang tungkulin para sa inyong kapakanan.
\s5
\p
\v 3 Ibinigay niya sa akin ang tungkuling ito dahil sa lihim na katotohanang isinulat ko sa inyo ng maikli;
\p
\v 4 kapag nabasa ninyo ang naisulat ko ng maikli tungkol diyan, mauunawaan ninyo na malinaw kong nauunawaan ang katotohan tungkol kay Cristo.
\p
\v 5 Dati, hindi lubos na inihayag ng Diyos ang mabuting balita na darating sa sinuman. Ito ay isang bagay na walang nakakaunawa, ngunit ngayon, inihayag na ng kaniyang Espiritu ang mabuting balita sa kaniyang mga apostol at mga propeta na tinawag ng Espiritu upang maglingkod sa Diyos.
\s5
\p
\v 6 Ang lihim na katotohanang ito ay kabahagi na ang mga hindi Judio ngayon sa espiritual na kayamanan ng Diyos kasama ang mga Judio, at kabilang na sa iisang/parehong pangkat ng mga tao ng Diyos, at makikibahagi sa lahat ng mga bagay na ipinangako sa kanila ng Diyos, dahil pinag-isa sila kay Cristo Jesus---ito ang ebanghelyo.
\p
\v 7 Ako ngayon ay lingkod ng Diyos sa pagpapalaganap ng mabuting balita, gawaing hindi ako karapat-dapat gumawa, ngunit ibinigay ng Diyos na kumikilos sa akin, sa kaniyang kapangyarihan.
\s5
\p
\v 8 Kahit na ako ang pinaka hindi karapat-dapat sa lahat ng mga tao ng Diyos, binigyan ako ng Diyos ng kakayahan sa pamamagitan ng kaniyang kabaitan at kahabagan na ipahayag sa mga hindi Judio ang mabuting balita tungkol sa ginawa ni Cristo para sa atin na labis na wala ni isa ang makapaglarawan ng lahat ng ito.
\p
\v 9 Ang aking misyon ay ipaliwanag sa lahat ang plano ng Diyos, isang bagay na itinago ng Diyos noon pa man, mula sa panahon nang likhain niya ang lahat.
\s5
\p
\v 10 Ang matalinong plano ng Diyos ay ipinakita niya rin sa mga makapangyarihang anghel sa langit sa pamamagitan ng mga taong nagtitiwala kay Cristo.
\p
\v 11 Ito ang laging plano ng Diyos para sa magpakailanman, at ito ay tinupad niya sa pamamagitan ng gawa ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
\s5
\p
\v 12 Kaya ngayon, kapag tayo ay nananalangin, nakakalapit tayo sa Diyos ng palagay ang loob at hindi natatakot, dahil nagtitiwala tayo kay Jesus, na tumupad sa plano ng Diyos.
\p
\v 13 Kaya hinihiling ko sa inyo na huwag kayong panghinaan ng loob dahil sa paghihirap ko sa maraming bagay para sa inyo dito sa bilangguan, na sa huli, ay talagang ikinarangal ninyo.
\s5
\p
\v 14 Dahil ginawa ng Diyos ang lahat ng ito para sa inyo, lumuluhod at nananalangin ako sa Diyos na ating Ama.
\q
\v 15 Katulad siya ng ama ng lahat ng mga mananampalataya na nasa langit na ngayon at ng mga nasa lupa pa lamang, at siya ang Manlilikha ng lahat ng mga nilalang.
\p
\v 16 Ipinapanalangin ko na dahil sa kaniyang dakilang kapangyarihan ay bigyan kayo ng Diyos ng kapangyarihan at palakasin kayo sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na nananahan sa inyong mga espiritu.
\s5
\p
\v 17 Ipinapanalangin ko na manahan nawa si Cristo sa inyong mga puso dahil nagtitiwala kayo sa kaniya, at magiging matatag na puno kayo at gusali na nakatayo sa bato,
\q
\v 18 upang ganap ninyong maunawaan, kasama ng lahat ng mga ibinukod para sa Diyos, kung gaano kalawak at kahaba at kataas at kalalim ang pag-ibig ni Cristo.
\q
\v 19 Sapagkat ang pag-ibig na ito ay napakadakila kung saan hindi natin ito maunawaan, ngunit dahil sa pag-ibig na ito, ipinapanalangin kong puspusin kayong lahat ng Diyos ng kaniyang sarili.
\s5
\p
\v 20 Kayang gumawa ng Diyos ng mas dakila pang mga bagay kaysa sa ating madalas na hinihingi sa kaniya, o kahit sa iniisip nating kaya niyang gawin, dahil sa kaniyang kapangyarihan na kumikilos sa atin.
\p
\v 21 Dapat higit na maluwalhati ang Diyos sa lahat ng bagay, sa pamamagitan ng lahat ng mga mananampalatayang nagtipun-tipon upang sambahin siya at sa pamamagitan mismo ni Cristo Jesus. Nawa ang lahat ng mga mananampalataya mula sa lahat ng salinlahi ng kasaysayan ay magpuri sa kaniya magpakailanman! Kaya mangyari nga ang lahat ng ito.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Kaya, mula sa bilangguang ito kung nasaan ako dahil ipinangaral ko ang Panginoong Jesus, Hinihikayat ko kayong mga pinili ng Diyos na mamuhay sa paraan na nagbibigay karangalan kay Jesus na tumawag sa inyo.
\p
\v 2 Mapagpakumbaba at malumanay at matiyaga kayong maglingkod sa pangangailangan ng bawat isa dahil mahal ninyo ang isat-isa.
\p
\v 3 Gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang manatiling magkakaisa ang bawat isa sa pamamagitan ng sama-samang mapayapang pamumuhay sa isat-isa.
\s5
\p
\v 4 Lahat ng mga mananampalataya ay maging isang pangkat at mayroon lamang iisang Banal na Espiritu at napili kayo upang maghintay na may katiyakan na tutuparin ng Diyos ang kaniyang mga pangako sa inyo.
\p
\v 5 May iisang Panginoon, si Jesu-Cristo, kung saan nagtitiwala tayong lahat. At may iisang paraan ng pagbautismo sa sinuman sa kaniyang pangalan.
\p
\v 6 May iisang Diyos, ang totoong Ama ng lahat. Namumuno siya sa lahat ng kaniyang mga tao at pinupuno ang lahat gamit ang kaniyang kapangyarihan.
\s5
\p
\v 7 Bukas-palad na nagbibigay ang Diyos sa bawat mananampalataya ng espiritwal na mga kaloob na ayon sa sukat ni Cristo sa atin tulad ng ninanais niya.
\p
\v 8 Katulad ito sa sinasabi ng Mang-aawit patungkol sa Diyos na tumunggap ng kaloob na pera mula sa kaniyang mga tinalo. Nang umakyat siya sa kaniyang lungsod sa tuktok ng bundok, dinala niya ang mga bihag sa pagkabihag at binigay ang kanilang mga kaloob sa kaniyang mga tao.
\s5
\p
\v 9 Ang salitang "umakyat siya" ay tiyak na nagpapatunay na bumaba din noon si Cristo sa lupa mula sa langit, katulad ng piniling hari ng Diyos na bumaba mula sa Jerusalem upang makipaglaban.
\p
\v 10 Si Cristo na bumaba sa lupa upang talunin ang kasamaan, ay siya ring naipako sa krus para sa ating mga kasalanan, nabuhay muli, at umakyat sa pinakamataas na katayuan sa langit, upang pamahalaan niya ang lahat.
\s5
\p
\v 11 Hinirang niya ang ilang mga mananampalataya na maging mga apostol, ang iba ay mga propeta, mga ebanghelista, at ang ilan upang mamuno at magturo sa pangkat ng mga mananampalataya.
\p
\v 12 Ito ay upang ihanda ang mga tao ng Diyos upang gawin ang gawain ng Diyos at maglingkod sa iba, upang lumakas sa espiritwal ang lahat na taong napabilang kay Cristo.
\p
\v 13 Nais niyang magkaisa at magtiwala rin tayong lahat na mga mananampalataya sa kaniya at lubos na lumago sa pang-unawa sa kaniya. Nais niyang maging ganap tayong mga mananampalataya sama-samang, lumago na maging katulad niya, na ganap.
\s5
\p
\v 14 At hindi na tayo magiging mangmang sa kung ano ang totoo, tulad ng maliliit na mga bata. Hindi na tayo susunod sa bawat bagong katuruan, katulad ng isang barko na hinihipan kung saan-saan ng hangin at mga alon. Hindi na natin pahihintulutan ang mga tao na magturo ng mali upang dayain at linlangin tayo.
\p
\v 15 Sa halip, mamumuhay tayo ng may pagmamahal sa Diyos at pagtitiwala sa kaniyang mga totoong katuruan, at lalo tayong magiging katulad ni Cristo sa lahat ng paraan. Pinapamahalaan niya ang kaniyang mga tao katulad ng ulo ng tao na nangunguna sa kaniyang katawan.
\p
\v 16 Sa pamamagitan niya ang lahat ng mga mananampalataya saan mang dako ay sabay-sabay na lumalago at magmamahalan sa bawat isa, katulad ng katawan ng tao na akmang-akma sa isa't-isa at nananatiling buo sa pamamagitan ng mga kasukasuan na nag-uugnay sa bawat bahagi ng katawan, at hinahayaan ang katawan na lumago at maging matatag dahil umaasa ang bawat bahagi ng katawan sa isa't-isa.
\s5
\p
\v 17 Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoong Jesus, iginigiit ko na hindi na kayo dapat mamumuhay tulad ng ginagawa ng mga hindi Judio na manampalataya. Ang walang saysay na pag-iisip nila ang nangunguna sa kanila kung paano mamuhay.
\p
\v 18 Hindi nila kayang mag-isip ng malinaw kung ano ang tama o mali. Hindi nila maunawaan ang pagsunod sa Diyos sapagkat tinatanggihan nila na makinig sa kaniyang mensahe, kaya wala silang buhay na walang hanggan na ibinigay ni Jesus sa atin.
\p
\v 19 Mas pinili nila ang gumawa ng walang tiggil na mga kahiya-hiyang bagay na ninanais ng kanilang mga katawan. Nakakagawa sila ng lahat ng uri ng imoral na mga gawain at mas lalo pang nahuhumaling sa kanila, at sakim sila sa anumang ninanais nila.
\s5
\p
\v 20 Ngunit nang natutunan ninyo ang patungkol kay Cristo hindi ninyo natutunan na mamuhay tulad ng ganoon.
\p
\v 21 Ngayon na narinig na ninyo ang patungkol kay Jesus at naturuan niya kayo, alam na ninyo na ang kaniyang paraan ay ang totoong paraan upang mamuhay.
\p
\v 22 Tinuruan kayo ni Jesus na itigil ang dati ninyong pamumuhay. Katulad kayo ng mga bangkay na nabubulok dahil nililinlang ninyo ang inyong mga sarili sa inyong ninanais.
\s5
\p
\v 23 Dapat ninyong hayaan na baguhin ng Diyos ang inyong mga espiritu at kung paano kayo mag-isip.
\q
\v 24 Dapat simulan ninyong mamuhay na tulad ng bagong mga tao. Nilikha kayo ng Diyos bilang bagong mga tao. Ibinukod kayo para sa kaniya. Nilikha niya kayo upang mamuhay sa tamang paraan, na mamuhay sa katotohanan patungkol kay Jesus na banal.
\s5
\p
\v 25 Kaya, huminto sa pagsisinungaling sa isat-isa. Sa halip, magsalita ng katotohanan sa isat-isa dahil ang bawat isa ay mga kapwa natin mananampalataya. Kabahagi na tayo ngayon ng isat-isa sa pamilya ng Diyos.
\p
\v 26 Kung magagalit kayo, huwag ninyong hayaan na ang inyong galit ay maging kasalanan. Bago matapos ang araw, ihinto ang pagiging galit
\p
\v 27 upang hindi ninyo mapahintulutan ang diyablo na sumalakay sa inyo.
\s5
\p
\v 28 Ang mga nagnanakaw ay hindi na dapat magnakaw. Sa halip, dapat silang magpagal upang kumita sila ng ikabubuhay sa pamamagitan ng kanilang sariling pagsisikap, upang mayroon silang maibibigay sa mga nangangailangan.
\p
\v 29 Huwag kang gumamit ng masasamang salita. Sa halip, magsabi ng mabubuting mga bagay na makakatulong sa mga tao kung kailangan nila ng tulong, mga bagay na makakatulong sa mga nakikinig.
\p
\v 30 Huwag mong palungkutin ang Banal na Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng iyong pamumuhay. Nangako siya na isang araw ililigtas niya tayo mula sa kasamaan ng mundong ito.
\s5
\p
\v 31 Huwag kang maghinanakit sa lahat at sa iba. Huwag magalit sa kahit anumang paraan o sumigaw na mapang abuso sa iba. Huwag kang manira ng iba. Huwag kang magbalak ng masama sa iba.
\p
\v 32 Maging mabuti sa isat-isa. Maging mahabagin sa isat-isa. Patawarin ang isat-isa, katulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil sa ginawa ni Cristo.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Tularan ninyo ang Diyos dahil mahal niya tayo, dahil kayo ay kaniyang mga anak.
\p
\v 2 Mamuhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa iba katulad ng pagmamahal ni Cristo sa atin noong ibinigay niya ang kaniyang sarili sa krus bilang handog at sakripisyo sa Diyos para sa ating mga kasalanan, na lubhang kalugod-lugod sa Diyos.
\s5
\q
\v 3 Huwag kang magmungkahi ng anumang imoral na gawain at huwag kang magnasa kung ano ang pag-aari ng iba o maling mga bagay na ginagawa ng iba. Ang ganoong mga kasalanan ang magiging sanhi na ang mga tao ay magsabi ng masasamang mga bagay tungkol sa mga tao ng Diyos, na samasamang ibinukod para sa Diyos, hindi para sa kasalanan.
\q
\v 4 Huwag kang magsalita ng malaswang mga kuwento sa iba o magsalita ng mga bagay na kahangalan o biro tungkol sa paggawa ng mga kasalanan. Ang ganoong mga bagay ay hindi dapat pinag-uusapan ng mga taong nasa Diyos. Sa halip, magpasalamat sa pag-ibig ng Diyos kapag kayo ay nakikipag-usap sa iba.
\s5
\p
\v 5 Matitiyak ninyo ito: Walang taong mahalay o malaswa, o sakim (sapagkat ito ay tulad sa pagsamba sa mga diyus-diyosan) na maibibilang sa mga tao ng Diyos na kung saan pinamumunuan ni Cristo bilang hari.
\p
\v 6 Huwag ninyong payagan na may manlilinlang sa inyo sa maling mga pagtatalo. Dahil ginagawa nila ang mga kasalanang ito, magagalit ang Diyos sa mga tao na hindi sumusunod sa kaniya.
\p
\v 7 Kaya huwag makiisa sa mga gumagawa ng ganitong uri ng mga kasalanan.
\s5
\p
\v 8 Bago kayo nanampalataya sa Panginoong Jesus, kayo ay namumuhay sa makasalanang pagsuway na parang napalibutan kayo ng madilim na gabi sa lahat ng panahon. Ngunit ngayon ay mamuhay kayo sa liwanag ng Panginoon.
\p
\v 9 Katulad ng ilaw na nakapagbibigay ng mabubuting mga bagay, ganoon din ang mga namumuhay sa liwanag ni Jesus na alam at ginagawa nila ang mabuti, ang tama at ang totoo.
\p
\v 10 Suriin at hanapin kung ano ang nakalulugod sa Panginoon.
\p
\v 11 Huwag makisali sa mga gumagawa ng mga walang kabuluhang mga gawa sa espiritwal na kadiliman. Sa halip, magsabi lamang, "Ang mga makasalanang gawaing iyon ay walang kabuluhan."
\p
\v 12 dahil ang mga masasamang mga bagay na ginagawa ng mga tao sa kadiliman ay labis na kahiyahiya kung ilarawan sa liwanag.
\s5
\p
\v 13 Lahat ng bagay na ilalantad ng liwanag ay maaring makita ng malinaw at mauunawaang mabuti
\p
\v 14 dahil ipapakita ng liwanag kung ano talaga ang totoo. Ito ay katulad nang ipaliwanag ng salita ng Diyos ang mga kasalanan na sumusira sa mga tao at si Jesus na nagpatawad at nagbago ng mga tao. Kaya ang mga mananampalataya ay nagsasabi, "Gumising ka mula sa iyong pagtulog at bumangon mula sa pamumuhay na tulad sa patay na mga tao. Bibigyan ka ni Cristo ng kakayahang unawain ang kaniyang kapatawaran at ang panibagong buhay."
\s5
\p
\v 15 Kaya labis na mag-ingat kung papaano ka mamuhay. Huwag kang kumilos gaya ng mga ginagawa ng hangal na mga tao. Sa halip, ay kumilos gaya ng ginagawa ng maalam na mga tao.
\p
\v 16 Gamitin nang may kaalam ang iyong panahon sa lupa dahil ang mga araw ay puno ng kasamaan.
\p
\v 17 Kaya huwag kang maging hangal. Sa halip ay, unawain kung ano ang nais ng Panginoong Jesus na gagawin mo, at gawin ito.
\s5
\p
\v 18 Huwag maging lasing sa pag-inom ng mga nakakalasing na mga inumin, na makakasira sa iyong buhay. Sa halip, hayaan na ang Espiritu ng Diyos ang siyang mamahala kung ano ang gagawin ninyo sa lahat ng panahon.
\p
\v 19 Umawit ng mga Salmo sa isa't-isa, at umawit ng mga awiting tungkol kay Cristo, at umawit ng mga awitin na ibinigay sa inyo ng Espiritu ng Diyos. Awitin ang mga Salmong ito at iba pang mga awitin mula sa inyong mga puso upang papurihan ang Panginoong Jesus.
\p
\v 20 Sa lahat ng panahon pasalamatan ninyo ang Diyos na Ama sa lahat ng mga bagay dahil sa ginawa ng Panginoong Jesu-Cristo alang-alang sa inyo.
\p
\v 21 Magpasakop kayo nang may kapakumbabaan sa isa't isa sapagkat ginagalang ninyo si Cristo.
\s5
\p
\v 22-23 Ang mga asawang babae ay kinakailangang magpasakop sa pangunguna ng kanilang sariling mga asawa, gaya ng kanilang ginagawa sa Panginoong Jesus, dahil ang asawang lalaki ang pangulo ng asawang babae katulad ni Cristo na pangulo ng pangkalahatang kapulungan ng mga mananampalataya. Tagapagligtas siya na nagligtas sa lahat ng mga mananampalataya mula sa paghatol sa kanilang mga kasalanan.
\q
\v 24 Katulad ng lahat ng mananampalataya na nagpapasakop ng kanilang mga sarili sa kapangyarihan ni Cristo, ang mga babae ay kinakailangang ipasakop ang kanilang mga sarili ng ganap sa kapangyarihan ng kanilang mga asawang lalaki.
\s5
\p
\v 25 Bawat isa sa inyo mga asawang lalaki, mahalin ang inyong asawa katulad ng pagmamahal ni Cristo sa lahat ng mananampalataya at ibinigay ang kaniyang sariling buhay para sa atin sa krus,
\q
\v 26 upang ibukod niya tayo para sa kaniyang sarili. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kaniyang salita nilinis ni Jesus ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagtanggal ng kaparusahan ng ating mga kasalanan, na parang hinugasan niya tayo ng tubig.
\q
\v 27 Ngayon ay maaari ng iharap ni Cristo ang lahat ng mananampalataya sa kaniyang sarili bilang ganap na malinis, napatawad, isang pangkat na walang sala, walang kasalanan.
\s5
\p
\v 28 Kinakailangang mahalin ng bawat lalaki ang kaniyang asawa katulad ng pagmamahal niya sa kaniyang sariling katawan. Kung mamahalin ng mga lalaki ang kanilang mga asawa, para naring minahal nila ang kanilang mga sarili,
\p
\v 29-30 dahil walang tao na kinamumuhian niya ang kaniyang sariling katawan. Sa halip ay pinapakain niya ang kaniyang sariling katawan at iniingatan ito, katulad ng pag-iingat ni Cristo sa ating lahat na mananampalataya sa kaniyang pangkalahatang kapulungan. Tayo ay naging isang pangkat ng mga mananampalataya na nasa kaniya.
\s5
\q
\v 31 Sinasabi ito ng mga Kasulatan ang tungkol sa mga tao na mag-aasawa, "Kapag ang lalaki at babae ay mag-aasawa, kinakailangang iwanan nila ng tuluyan ang kanilang mga ama at mga ina. Sila ay kinakailangang pag-isahin bilang asawang lalaki at asawang babae, at silang dalawa ay magiging tulad sa iisang tao."
\p
\v 32 Mahirap unawain ang kahulugan ng mga bagay na ito na ngayon ay naihayag na ng Diyos, ngunit nagsasabi ako sa inyo tungkol sa pag-ibig ni Cristo sa kaniyang pangkalahatang kapulungan ng mga mananampalataya.
\p
\v 33 Gayon man, para sa inyo, bawat lalaki ay dapat magmahal sa kaniyang asawa katulad ng kaniyang pagmamahal sa kaniyang sarili, at ang bawat babae ay dapat igalang ang kaniyang asawa.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Kayo na mga anak, dahil nabibilang kayo sa ating Panginoong Jesus, sundin ninyo ang inyong mga magulang sapagkat ito ang nararapat ninyong gawin.
\p
\v 2 Iniutos ng Diyos sa Kasulatan na, "Lubos mong igalang ang iyong ama at ina." Iyon ang unang utos na iniutos ng Diyos na kung saan ay mayroon ding kalakip na pangako. Ipinangako niyang,
\p
\v 3 "Kung gagawin mo iyon, pagpapalain ka at mabubuhay ng matagal dito sa lupa."
\s5
\p
\v 4 Kayo na mga magulang, huwag ninyong pakikitunguhan ang inyong mga anak sa marahas na paraan na magiging dahilan upang sila ay magalit. Sa halip, palakihin sila ng maayos sa pamamagitan ng pagtuturo at pagdidisiplina na naaayon sa kagustuhan ng Panginoong Jesus na gawin ninyo.
\s5
\p
\v 5 Kayo na mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa. Sundin ninyo sila nang may labis na paggalang at katapatan na tulad ng pagsunod ninyo kay Cristo.
\p
\v 6 Sundin ninyo sila hindi lang kapag pinapanood nila kayo. Sa halip, sundin ninyo sila na para mga alipin kayo ni Cristo at hindi mga alipin ng inyong mga amo. Gawin ninyo nang may sigla ang nais ipagawa sa inyo ng Diyos.
\p
\v 7 Pagsilbihan ninyo ng masaya ang inyong mga amo tulad ng pagsisilbi ninyo sa Panginoong Jesus at hindi tulad ng pagsisilbi ninyo sa mga pangkaraniwang tao.
\p
\v 8 Gawin ninyo ito sapagkat balang araw, gagantimpalaan ng Panginoong Jesus ang bawat tao dahil sa mga mabubuting gawa na kaniyang ginawa. Walang pagkakaiba kung ang taong iyon ay isang alipin o malaya.
\s5
\p
\v 9 Kayo na mga amo, tulad ng maayos na pagsisilbi ng inyong mga alipin sa inyo, nararapat na pakitunguhan din ninyo sila ng maayos. Tigilan na ninyo ang pananakot sa kanila. Huwag ninyong kakalimutan na ang kanilang Panginoon at ang inyong Panginoon ay nasa langit. Hinahatulan niya kayo sa kung ano ang tamang nagawa ninyo na walang pinapanigang tao.
\s5
\p
\v 10 At panghuli, lubusang magtiwala sa ating Panginoong Jesus upang palakasin kayo sa espirituwal sa pamamagitan ng kaniyang dakilang kapangyarihan.
\p
\v 11 Tulad ng isang kawal na nagsusuot ng kaniyang baluti, dapat ninyong gamitin ang bawat kapamaraanan na mula sa Diyos upang matagumpay na mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo laban sa inyo.
\s5
\p
\v 12 Hindi tayo nakikipaglaban sa kapwa natin mga tao, sa halip, nakikipaglaban tayo sa lahat ng uri ng masasamang namumuno at mga masasamang espiritu na nabubuhay sa espirituwal na kadiliman.
\p
\v 13 kaya, tulad ng isang kawal na nagsusuot ng lahat ng kaniyang baluti, kinakailangan din ninyong isuot ang lahat ng baluti ng Diyos upang manatili kayong nakatayo laban sa masama sa panahong ito ng kasamaan sa lupa. Dahil sa baluti ng Diyos, maaari ninyong labanan ang pagsalakay ng kasamaan at mamuhay para sa Diyos.
\s5
\p
\v 14 Kaya tumindig kayo laban sa demonyo, sa pamamagitan ng pagsusuot sa inyong sarili ng katotohanan at katuwiran ng Diyos na para bang ang mga ito ay mga piraso ng baluti na inyong inilalagay para sa pakikipaglaban.
\p
\v 15 At panghawakan ninyo nang mahigpit ang mabuting balita na nagbibigay sa atin ng kapayapaan kasama ang Diyos, tulad ng isang kawal na isinusuot ng mahigpit ang kanilang bota.
\p
\v 16 Bilang karagdagan, panatilihing matatag ang inyong pagtitiwala sa Panginoon. Iyon ang magbibigay sa inyo ng kakayahang protektahan ang inyong mga sarili mula sa anumang gawain na maaaring gawin upang saktan kayo sa espiritwal ni Satanas, na masama, tulad ng mga sundalo na nagdadala ng kanilang mga kalasag upang maprotektahan ang kanilang mga sarili mula sa mga nag-aapoy na mga pana ng kaaway.
\s5
\p
\v 17 At magtiwala kay Cristo na nagligtas sa inyo. Ito ay magiging katulad ng isang kawal na nagsusuot ng helmet upang maprotektahan ang kaniyang ulo. At maniwala sa sinasabi ng Diyos sa mga kasulatan; ito ay magiging katulad ng isang kawal na dumukot ng kaniyang espada.
\p
\v 18 Habang ginagawa ninyo iyon, patuloy kayong manalangin sa Diyos sa lahat ng oras, at hingin sa kaniya na gawin ang mga bagay para sa inyo at sa iba; at hayaang manguna ang Espiritu ng Diyos sa kung ano ang inyong panalangin. Sa layuning ito, laging maging handa sa espirituwal na nananalangin sa lahat ng tao ng Diyos.
\s5
\p
\v 19 At gayon din, ipanalangin ninyo ako. Ipanalangin ninyo na sana ay sabihin ng Diyos sa akin ang mga kinakailangan kong sabihin kapag ako ay nagsalita upang sa gayon masabi ko nang may katapangan sa iba ang mabuting balita tungkol kay Cristo. Hindi alam ng mga tao ang mensaheng iyon noon, ngunit inihayag na ito ng Diyos ngayon sa akin.
\p
\v 20 Ako ay isang kinatawan ni Cristo at dahil doon, nandito ako sa kulungan. Ipanalangin ninyo na kapag ipinahayag ko sa iba ang tungkol kay Cristo, makapagsalita sana ako nang hindi natatakot dahil tungkulin kong sabihin iyon.
\s5
\p
\v 21 Upang sa gayon, malaman ninyo kung ano ang nangyayari sa akin at kung ano ang aking ginagawa, ipapadala ko sa inyo si Tiquico kasama ng liham na ito. Sasabihin niya ang lahat ng nangyayari dito. Siya ay kapwa natin mananampalataya na lahat tayo ay labis na nagmamahal at siya ay matapat na naglingkod sa Panginoong Jesus.
\p
\v 22 Iyon ang dahilan kung bakit ko siya pinapadala sa inyo; nais kong malaman ninyo ang kalagayan ko at ng mga kasamahan ko. Nais kong aliwin at hikayatin niya kayo.
\s5
\p
\v 23-24 Ipinapanalangin ko na ang Diyos Ama at ang Panginoong Jesu-Cristo nawa ang magdulot sa inyong lahat na kapwa mananampalataya na magkaroon ng tunay na kapayapaan. Nawa ay ibigay niya ang kaniyang biyaya sa lahat ng tao na nagmamahal sa kaniya ng walang patid.