tl_udb/43-LUK.usfm

3187 lines
215 KiB
Plaintext

\id LUK
\ide UTF-8
\h Lucas
\toc1 Lucas
\toc2 Lucas
\toc3 luk
\mt Lucas
\s5
\c 1
\p
\v 1 Mahal kong Teofilo, Maraming mga tao ang nagsulat ng mga ulat tungkol sa mga kamangha-manghang pangyayari na nangyari sa atin.
\p
\v 2 Narinig namin ang tungkol sa mga bagay na ito mula sa mga tao na nakasaksi sa mga pangyayari, mula pa sa panahon na nagsimula ang lahat ng mga ito. Itinuro ng mga taong ito sa iba ang tungkol sa mensahe ng Diyos.
\p
\v 3 Maingat kong pinag-aralan ang lahat ng mga isinulat at itinuro ng mga taong ito. Kaya nagpasya ako na magiging mabuti na ako rin ang magsusulat para sa iyo, marangal na Teofilo, ng isang maayos na pagsasalaysay ng mga bagay na ito.
\p
\v 4 Ginagawa ko ito upang malaman mo na totoo ang lahat ng iyong natutunan tungkol sa mga bagay na ito.
\s5
\p
\v 5 Nang namuno si Haring Herodes sa lalawigan ng Judea, may isang paring Judio na nagngangalang Zacarias. Kabilang siya sa pangkat ng mga pari na tinatawag na pangkat ni Abias. Siya at ang kaniyang asawang si Elisabet ay kapwa nagmula sa angkan ni Aaron.
\p
\v 6 Kapwa silang itinuring ng Diyos na matuwid dahil masigasig nilang sinunod ang lahat ng mga ipinag-utos ng Diyos.
\q1
\v 7 Ngunit wala silang anak dahil wala nang kakayahang magdalangtao si Elisabet. Dagdag pa rito, napakatanda na nilang mag-asawa.
\s5
\p
\v 8 Isang araw, naglilingkod si Zacarias bilang isang pari sa templo sa Jerusalem habang panahon ng regular na paglilingkod doon ng kaniyang pangkat.
\p
\v 9 Sa pagsunod sa kanilang kaugalian, pinili siya ng mga pari sa pamamagitan ng pagsasapalaran ng paghagis ng mga bato upang pumunta sa templo ng Panginoon at magsunog ng insenso.
\p
\v 10 Nang sumapit ang oras na sunugin na niya ang insenso, maraming tao ang nananalangin sa patyo sa labas ng templo.
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos, nagpakita ang isang anghel na isinugo ng Diyos sa kaniya. Nakatayo ang anghel sa dakong kanan ng altar ng insenso.
\q1
\v 12 Nang makita ni Zacarias ang anghel, nagulantang siya at labis na natakot.
\q1
\v 13 Ngunit sinabi ng anghel sa kaniya, "Zacarias, huwag kang matakot! Nang nanalangin ka, dininig ng Panginoon ang iyong kahilingan. Kaya magsisilang ang iyong asawang si Elisabet ng anak na lalaki para sa iyo. Dapat pangalanan mo siyang Juan.
\s5
\p
\v 14 Labis kang magagalak at maraming tao rin ang magagalak dahil ipapanganak siya.
\p
\v 15 Ituturing siyang napakahalaga ng Diyos. Hindi siya dapat kailanman uminom ng alak o anumang matapang na inumin. Mapupuspos siya ng Banal na Espiritu bago pa man siya ipanganak.
\s5
\p
\v 16 Hihikayatin niya ang maraming kaapu-apuhan ng Israel upang tumigil sa pagkakasala at magsimulang sumunod muli sa Panginoon na kanilang Diyos.
\p
\v 17 Mauuna ang iyong anak bilang tagapagpauna ng Panginoon at magiging makapangyarihan ang kaniyang espiritu tulad ni propeta Elias. Muli niyang paiibigin ang mga magulang sa kanilang mga anak. Pasusunurin niya ang maraming taong hindi sumusunod sa Diyos upang mamumuhay sila nang may karunungan at sumunod sa kaniya tulad ng mga taong makatuwiran. Gagawin niya ito upang maging handa ang maraming tao kapag dumating ang Panginoon."
\s5
\p
\v 18 Pagkatapos, sinabi ni Zacarias sa anghel, "Napakatanda ko na at napakatanda na rin ng aking asawa. Kaya paano ako maniniwala na talagang mangyayari ang mga bagay na sinabi mo?"
\p
\v 19 Pagkatapos, sinabi ng anghel sa kaniya, "Ako si Gabriel! Tumatayo ako sa harapan ng presensiya ng Diyos! Isinugo ako upang sabihin ang magandang balitang ito tungkol sa kung ano ang mangyayari sa iyo.
\p
\v 20 Tiyak na mangyayari ang aking sinabi sa araw na ninais ng Diyos, ngunit hindi ka naniwala sa aking mga salita. Kaya ngayon ay hindi ka pahihintulutan ng Diyos na magsalita hanggang sa araw na isilang ang iyong anak!"
\s5
\p
\v 21 Habang nag-uusap si Zacarias at ang anghel sa templo, naghihintay naman ang mga tao sa patyo sa paglabas ni Zacarias. Nagtataka sila kung bakit nagtatagal siya sa templo ng napakahabang oras.
\p
\v 22 Nang lumabas siya, hindi na niya magawang makipagusap sa kanila. Dahil hindi siya makapagsalita, ginamit niya ang kaniyang mga kamay upang subukang ipaliwanag kung ano ang nangyari. At saka nila naunawaan na nakakita siya ng isang pangitain mula sa Diyos habang siya ay nasa templo.
\q
\v 23 Nang matapos ang paglilingkod ni Zacarias bilang pari sa templo, iniwan niya ang Jerusalem at umuwi sa kaniyang tahanan.
\s5
\p
\v 24 Ilang panahon ang lumipas matapos nito, nagdalangtao ang kaniyang asawa na si Elisabet, ngunit nagtago siya sa loob ng limang buwan.
\q
\v 25 Sinabi niya sa kaniyang sarili, "Binigyan ako ng Panginoon ng kakayahang magdalang tao. Sa paraang ito, pinakita ng Diyos ang kaniyang habag at inalis niya ang dahilan ng aking kahihiyan!"
\s5
\p
\v 26 Nang anim na buwan nang nagdadalangtao si Elisabet, isinugo ng Diyos ang anghel na si Gabriel sa bayan ng Nazaret sa lugar ng Galilea.
\p
\v 27 Pumunta siya roon upang kausapin ang birhen na nagngangalang Maria. Siya ay nakatakdang ikasal sa isang lalake na nagngangalang Jose, na kaapu-apuan ni Haring David. Maria ang pangalan ng birhen.
\p
\v 28 Sinabi ng anghel sa kaniya, "Binabati kita! Sumasaiyo ang Panginoon at nagpakita ng dakilang kabutihan sa iyo!"
\p
\v 29 Ngunit labis na naguluhan si Maria nang marinig ang kaniyang pagbati. Nagtaka siya sa kung ano ang ibig sabihin ng anghel sa mga salitang ito.
\s5
\p
\v 30 At sinabi ng anghel sa kaniya, "Huwag kang matakot, Maria, dahil nakatanggap ka ng biyaya mula sa Diyos!
\p
\v 31 Magdadalangtao ka at magsisilang ka ng isang anak na lalaki at dapat pangalanan mo siyang Jesus.
\p
\v 32 Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Gagawin siyang hari ng Panginoong Diyos sa kaniyang bayan tulad ng kaniyang ninuno na si David.
\p
\v 33 Paghaharian niya magpakailanman ang mga kaapu-apuan ni Jacob. Maghahari siya magpakailanman!"
\s5
\p
\v 34 Pagkatapos, sinabi ni Maria sa anghel, "Paanong mangyayari ito, yamang isa akong birhen?"
\p
\v 35 Sumagot ang anghel, "Pupunta sa iyo ang Banal na Espiritu at mababalot ka ng kapangyarihan ng Diyos. Kaya magiging banal ang sanggol na iyong ipagbubuntis at tatawagin siyang Anak ng Diyos.
\s5
\p
\v 36 At pakinggan mo ito. Nagdadalangtao ang iyong kamag-anak na si Elisabet ng isang anak na lalaki, kahit napakatanda na niya. At kahit iniisip ng mga tao na hindi na siya magkaka-anak, anim na buwan na siyang nagdadalangtao ngayon.
\p
\v 37 Sapagka't kaya ng Diyos na gawin ang anumang bagay!"
\p
\v 38 At sinabi ni Maria, "Sige, ako ay lingkod ng Panginoon, kaya mangyari nawa ang lahat ng iyong sinabi tungkol sa akin!" Pagkatapos, iniwan siya ng anghel.
\s5
\p
\v 39 Pagkatapos na pagkatapos noon, naghanda si Maria at nagmamadaling pumunta sa kabundukan ng Judea, sa lungsod kung saan nakatira si Zacarias.
\p
\v 40 Pumasok siya sa kaniyang tahanan at binati ang kaniyang asawa na si Elisabet.
\p
\v 41 Sa sandaling marinig ni Elisabet na binati siya ni Maria, lumukso ang sanggol sa loob ng sinapupunan ni Elisabet. Agad na ginabayan ng Banal na Espiritu si Elisabet upang magsimulang magpuri sa Diyos.
\s5
\p
\v 42 Napasigaw siya ng malakas kay Maria, "Pinagpala ka ng Diyos nang higit kaysa sa kaniyang pagpapala sa ibang mga babae at pinagpala niya ang sanggol na iyong ipapanganak!
\p
\v 43 Kamangha-mangha sa akin na pumunta ang ina ng aking Panginoon.
\p
\v 44 Sa sandaling marinig ko ang iyong pagbati, lumukso ang sanggol sa aking sinapupunan dahil labis siyang nagagalak sa iyong pagdating!
\p
\v 45 Pinagpala ka dahil nanampalataya ka na tunay na mangyayari ang lahat ng sinabi ng Panginoon sa iyo."
\s5
\p
\v 46 Pagkatapos, nagpuri si Maria sa Diyos na nagsasabi, "O, pinupuri ko ang Panginoon!
\p
\v 47 Labis ang aking kagalakan sa Diyos, na siyang nagliligtas sa akin.
\s5
\p
\v 48 Ako ay isa lamang na kaniyang abang lingkod, ngunit hindi niya ako kinalimutan. Kaya mula ngayon, sasabihin ng mga taong namumuhay sa lahat ng panahon na pinagpala ako ng Diyos.
\p
\v 49 Sasabihin nila ito dahil sa mga dakilang bagay na ginawa para sa akin ng Diyos, ang Siyang Makapangyarihan. Banal ang kaniyang pangalan!
\s5
\p
\v 50 Kumikilos siya ng may pagkaawa mula sa isang salinlahi hanggang sa sumunod sa mga gumagalang sa kaniya.
\q
\v 51 Ipinapakita niya sa mga tao na napakamakapangyarihan niya. Ipinaghihiwa-hiwalay niya ang mga mapagmataas mag-isip sa kanilang panloob na pagkatao.
\s5
\q
\v 52 Pinahinto niya ang pamumuno ng mga hari at pinarangalan niya ang mga taong inapi.
\q
\v 53 Binigyan niya ng mabubuting pagkain ang mga nagugutom at pinalayas niya ang mga mayayaman at wala siyang ibinigay sa kanila na anumang bagay.
\s5
\q
\v 54-55 Tinulungan niya ang Israel, ang mga taong naglingkod sa kaniya. Noong unang panahon, ipinangako niya sa ating mga ninuno na magiging maawain siya sa kanila. Tinupad niya ang pangakong iiyon at lagi siyang kumikilos nang may pagkamaawain kay Abraham at sa lahat ng kaniyang mga kaapu-apuan."
\s5
\p
\v 56 Nanatili si Maria kina Elisabet sa loob ng halos tatlong buwan. Pagkatapos ay umuwi na siya sa kaniyang tahanan.
\p
\v 57 Nang oras na upang manganak na si Elisabet, nagsilang siya ng isang sanggol na lalaki.
\v 58 Narinig ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamag-anak kung gaano naging mabuti ang Panginoon sa kaniya at naging masaya sila kasama ni Elisabet.
\s5
\p
\v 59 Sa ikawalong araw pagkatapos isilang ang sanggol, nagtipon-tipon ang mga tao para sa seremonya upang tuliin ang sanggol. Yamang Zacarias ang pangalan ng kaniyang ama, nais nilang bigyan ng ganoon ding pangalan ang sanggol.
\v 60 Ngunit sinabi ng kaniyang ina, "Hindi, dapat Juan ang kaniyang pangalan!"
\v 61 Kaya sinabi nila sa kaniya, "Ngunit walang sinuman sa inyong mga kamag-anak ang may pangalan na Juan!"
\s5
\v 62 Pagkatapos ay sumenyas sila ginamit nila ang kanilang mga kamay sa kanilang ama kung anong pangalan ang nais niyang ibigay sa kaniyang anak.
\v 63 Kaya humudyat siya na bigyan nila siya ng isang sulatan na susulatan. Nang inabot ito sa kaniya, isinulat niya doon, "Juan ang kaniyang pangalan." Namangha ang lahat ng mga naroon!
\s5
\v 64 Agad-agad na muling nakapagsalita si Zacarias, at nagsimula siyang magpuri sa Diyos.
\v 65 Lubos na namangha ang bawat isa na naninirahan malapit sa kanila sa kung ano ang ginawa ng Diyos. Sinabi nila sa maraming tao ang nangyari at kumalat ang balita sa lahat ng kabundukan ng Judea.
\v 66 Palaging iniisip ng bawat nakarinig ang tungkol dito. Sinasabi nila, "Ano kaya ang gagawin ng batang ito sa kaniyang paglaki!" Dahil sa lahat ng mga bagay-bagay na nangyari, nakatitiyak sila na tutulungan siya ng Diyos sa makapangyarihang pamamaraan.
\s5
\p
\v 67 Pagkasilang ng anak ni Zacarias, napuspos si Zacarias ng Banal na Espiritu at binigkas niya ang mga salitang ito na mula sa Diyos:
\q
\v 68 "Purihin ang Panginoon, ang Diyos na sinasamba nating mga Israelita, dahil dumating siya upang palayain tayo, ang kaniyang bayan.
\s5
\q
\v 69 Magsusugo siya sa atin ng isang tao na makapangyarihan tayong maililigtas, isang taong nagmula sa angkan ni Haring David na kaniyang lingkod.
\q
\v 70 Noong unang panahon, pinasabi ng Diyos sa kaniyang mga propeta na gagawin niya iyon.
\q
\v 71 Ang makapangyarihang Tagapagligtas na ito ang sasagip sa atin mula sa ating mga kaaway at ililigtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng lahat ng mga nasusuklam sa atin.
\s5
\q
\v 72 Ginawa niya ito dahil maawain siya sa ating mga ninuno at inaalala niya ang kaniyang banal na kasunduan,
\q
\v 73 na isang panunumpa na kaniyang ipinangako kay Abraham na ating ninuno.
\q
\v 74 Ipinangako ng Diyos na sasagipin tayo mula sa kapangyarihan ng ating mga kaaway at upang magkaroon tayo ng kakayahang makapaglingkod sa kaniya nang walang takot,
\q
\v 75 sa banal at makatuwirang mga pamamaraan habambuhay."
\s5
\q
\v 76 Pagkatapos, sinabi ito ni Zacarias sa kaniyang sanggol na anak, "Aking anak, tatawagin kang isang propeta ng Kataas-taasang Diyos. Mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang mga tao na maging handa sa kaniyang pagdating.
\q
\v 77 Sasabihin mo sa mga tao na kaya silang patawarin ng Diyos at iligtas sila mula sa kaparusahan ng kanilang mga kasalanan.
\s5
\q
\v 78 Patatawarin tayo ng Diyos dahil mabuti siya at maawain sa atin. At dahil doon, ang Tagapagligtas na ito, na siyang tulad ng sumisikat na araw, ay darating sa atin mula sa langit upang tulungan tayo.
\q
\v 79 Magliliwanag siya sa mga taong namumuhay sa espiritual na kadiliman at sa takot sa kamatayan. Gagabayan niya tayo nang sa gayon payapa tayong mamumuhay.
\s5
\p
\v 80 Sa pagkalipas ng panahon, ang lalaking sanggol nina Elisabet at Zacarias ay lumaki na at naging malakas ang kaniyang espiritu. At namuhay siya sa isang mapanglaw na rehiyon at naninirahan parin doon nang magsimula siyang mangaral nang lantaran sa mga tao ng Diyos, sa Israel.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Sa mga panahong iyon, naglabas si Cesar Augusto ng isang opisyal na utos na ang bawat taong nabubuhay sa ilalim ng pamumuno ng Roma ay dapat mailista sa talaan ng bayan.
\p
\v 2 Una itong nangyari sa panahon na si Cirenio ang namumuno sa probinsiya ng Siria.
\q
\v 3 Kaya kailangang pumunta ang bawat isa sa bayan na pinagmulan ng kaniyang pamilya upang mailista.
\s5
\p
\v 4-5 Naglakbay din si Jose sa bayan na pinagmulan ng kaniyang pamilya kasama si Maria na nakatakdang ikasal sa kaniya at nagdadalang tao. Dahil si Jose ay kaapu-apuhan ni Haring David, umalis sila sa bayan ng Nazaret sa rehiyon ng Galilea at naglakbay patungo sa rehiyon ng Judea, sa bayan ng Betlehem na kilala rin bilang lungsod ni David. Pumunta roon sina Jose at Maria para mailista sa talaan ng bayan.
\s5
\p
\v 6-7 Nang makarating sila sa Betlehem, wala ng lugar na matutuluyan para sa kanila kung saan kadalasang nananatili ang mga panauhin. Kaya kinailangan nilang manatili sa lugar kung saan natutulog ang mga hayop buong gabi. Habang naroroon sila, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria at ipinanganak niya ang kaniyang panganay na anak, isang lalaki. Binalot niya ang sanggol ng malalapad at mahahabang piraso ng tela at inilagay sa sabsaban.
\s5
\p
\v 8 Nang gabing iyon, may ilang mga pastol na nagbababantay ng kanilang mga tupa sa bukirin malapit sa Betlehem.
\q
\v 9 Biglang nagpakita ang isang anghel ng Panginoong Diyos sa kanila. Nagliwanag ang maningning na liwanag sa paligid nila na nagpapakita ng kaluwalhatian ng Panginoon kaya labis silang natakot.
\s5
\p
\v 10 Ngunit sinabi ng anghel sa kanila, "Huwag kayong matakot! Pumarito ako upang sabihin sa inyo ang magandang balita na pakikinabangan ng lahat ng mga tao at labis na magpapasaya sa inyong lahat!
\p
\v 11 Ngayong araw, sa lungsod ni David, ipinanganak ang isang sanggol na magliligtas sa inyo mula sa inyong mga kasalanan! Siya ang Mesiyas, ang Panginoon!
\p
\v 12 Ganito kung paano ninyo siya makikilala: Sa Betlehem, matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng mga mahahabang piraso ng tela at nakahiga sa sabsaban."
\s5
\p
\v 13 Biglang lumitaw ang isang malaking grupo ng mga anghel mula sa langit at sinamahan ang naunang anghel. Nagpuri silang lahat sa Diyos, sinasabi,
\p
\v 14 "Nawa ay magpuri sa Diyos ang lahat ng anghel sa kataas-taasang kalangitan! At nawa ay magkaroon ng kapayapaan sa mga tao sa lupa na kalugod-lugod sa Diyos!"
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos silang iwan ng mga anghel at bumalik sa langit, sinabi ng mga pastol sa isa't isa, "Dapat na tayong pumunta ngayon din sa Betlehem upang makita itong kahanga-hangang bagay na nangyari na sinabi sa atin ng Panginoon!"
\p
\v 16 Kaya nagmadali silang pumunta at nang matagpuan nila ang lugar kung saan nananatili sina Maria at Jose, nakita nila ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
\s5
\p
\v 17 Pagkatapos nilang makita ang sanggol, isinalaysay nila sa lahat ang sinabi sa kanila tungkol sa batang ito.
\p
\v 18 Namangha ang lahat ng taong nakarinig sa sinabi ng mga pastol.
\p
\v 19 Palaging iniisip ni Maria ang lahat ng kaniyang narinig at maingat na inalala ang mga ito.
\q
\v 20 Bumalik ang mga pastol sa bukirin kung saan naroroon ang kanilang mga tupa. Patuloy nilang pinag-uusapan kung gaano kadakila ang Diyos at pinupuri siya para sa lahat ng kanilang narinig at nakita, sapagkat nangyari ang lahat na gaya ng sinabi ng mga anghel sa kanila.
\s5
\p
\v 21 Sa ikawalong araw pagkatapos isilang ang sanggol, tinuli siya at pinangalanan siyang Jesus. Ito ang pangalang sinabi ng anghel sa kanila na ibigay sa kaniya bago pa siya ipagbuntis.
\s5
\p
\v 22 Nang lumipas ang nakatakdang bilang ng mga araw para sa kanilang paglilinis na alinsunod sa kautusan ni Moises, naglakbay sina Maria at Jose patungong Jerusalem upang ihandog ang kanilang anak sa Panginoon.
\p
\v 23 Isinulat sa kautusan ng Panginoon, "Ang bawat panganay na anak na lalaki ay ilalaan upang maging banal sa Panginoon."
\p
\v 24 Sinabi rin ng kautusan ng Panginoon na ang mga magulang ng kasisilang na anak na lalaki ay dapat maghandog ng, "Dalawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati" bilang alay.
\s5
\p
\v 25 Sa oras na iyon, may isang matandang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ginawa niya kung ano ang kalugod-lugod sa Diyos at sinunod ang mga kautusan ng Diyos. Sabik siyang naghihintay na isugo ng Diyos ang Mesiyas upang palakasin ang loob ng mga Israelita at pinagungunahan siya ng Banal na Espiritu.
\p
\v 26 Una nang ipinahayag sa kaniya ng Banal na Espiritu na makikita niya ang Mesiyas na ipinangako ng Panginoon bago siya mamatay.
\s5
\p
\v 27 Nang dinala ni Maria at Jose ang kanilang sanggol na si Jesus sa templo upang isagawa ang mga seremonya na iniutos ng Diyos sa kaniyang mga kautusan, pinangunahan ng Espiritu si Simeon na pumasok sa patyo ng templo.
\p
\v 28 Pagkatapos, binuhat niya si Jesus sa kaniyang mga bisig at nagpuri sa Diyos, sinasabi,
\p
\v 29 "Panginoon, binigyan mo ako ng kasiyahan. Maaari na akong mamatay nang may kapayapaan ayon sa iyong pangako.
\s5
\p
\v 30 Nakita ko na ang iyong isinugo na magliligtas sa mga tao mula sa kanilang mga kasalanan,
\p
\v 31 na iyong inihanda sa kalagitnaan ng lahat ng tao.
\p
\v 32 Magiging tulad siya ng liwanag na magpapakita ng iyong katotohanan sa mga Gentil at magdadala siya ng karangalan sa mga Israelita."
\s5
\p
\v 33 Labis na namangha ang ama at ina ni Jesus sa sinabi ni Simeon tungkol kay Jesus. Pagkatapos, pinagpala sila ni Simeon at sinabi sa ina ni Jesus na si Maria,
\p
\v 34 "Tandaan mo ang aking sasabihin: Ipinasiya ng Diyos na dahil sa batang ito, maraming Israelita ang tatalikod sa Diyos at marami ang babalik sa Diyos. Siya ay magiging tulad ng isang palatandaan upang balaan ang mga tao at maraming tao ang tututol sa kaniya.
\q
\v 35 Dahil dito, mahahayag ang iniisip ng maraming tao. Ang iyong kalungkutan ay magiging napakasakit na parang isang tabak ang tumagos sa iyong kaluluwa."
\s5
\p
\v 36 Naroon din sa patyo ng templo ang propetang babae na si Ana na napakatanda na. Ang kaniyang ama na si Fanuel ay kabilang sa tribo ni Asher. Siya ay may asawa nang pitong taon at pagkatapos ay namatay ang kaniyang asawa.
\p
\v 37 Pagkatapos noon, nabuhay siya ng walumpu't apat na taon pa bilang balo. Palagi siyang naglilingkod sa templo at sumasamba sa Diyos sa gabi at araw. Madalas siyang nag-aayuno at nananalangin.
\p
\v 38 Sa mismong sandaling iyon, lumapit sa kanila si Ana at nagsimulang magpasalamat sa Diyos para sa sanggol. At nagsalita siya tungkol kay Jesus sa maraming tao na umaasang tutubusin ng Diyos ang Jerusalem.
\s5
\p
\v 39 Pagkatapos gawin nina Jose at Maria ang lahat ng hinihingi ng kautusan ng Panginoon sa kanila, bumalik sila sa kanilang sariling bayan na Nazaret, sa distrito ng Galilea.
\p
\v 40 Habang lumalaki ang bata, naging malakas siya at napakatalino at labis na nalulugod ang Diyos sa kaniya.
\s5
\p
\v 41 Taun-taon pumupunta ang mga magulang ni Jesus sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskwa.
\p
\v 42 Kaya nang labindalawang taon na si Jesus, umakyat sila sa Jerusalem para sa pagdiriwang gaya ng kanilang nakaugalian.
\p
\v 43 Nang matapos ang lahat ng araw ng pagdiriwang, nagsimula nang umuwi ang kaniyang mga magulang, ngunit nagpaiwan si Jesus sa Jerusalem. Hindi alam ng kaniyang mga magulang na naroon pa siya.
\v 44 Inakala nila na siya ay kasama ng iba pang mga taong kasama nilang naglalakbay. Pagkatapos ng buong araw na paglalakbay, nagsimula silang hanapin si Jesus sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.
\s5
\v 45 Nang hindi nila matagpuan si Jesus, bumalik sila sa Jerusalem para hanapin siya.
\p
\v 46 Pagkaraan ng tatlong araw, natagpuan nila si Jesus sa patyo ng templo na nakaupo sa gitna ng mga Judiong tagapagturo ng kautusan. Nakikinig siya sa kanilang pagtuturo at nagtatanong siya sa kanila.
\p
\v 47 Namangha ang lahat ng taong nakarinig sa kaniyang sinabi sa kung gaano niya naunawaan at kung gaano kagaling niyang sinagot ang mga katanungan ng mga guro.
\s5
\p
\v 48 Nang makita siya ng kaniyang mga magulang, labis silang nagulat. Sinabi ng kaniyang ina sa kaniya, "Anak ko, bakit mo ito ginawa sa amin? Labis kaming nag-alala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo!"
\v 49 Sinabi niya sa kanila, "Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na kailangan kong maging kabilang sa ginagawa ng aking Ama?"
\p
\v 50 Ngunit hindi nila naintindihan ang kahulugan ng kaniyang sinabi sa kanila.
\s5
\v 51 Pagkatapos ay sumama siya sa kanila pabalik sa Nazaret at palagi niya silang sinusunod. Laging malalim na iniisip ng kaniyang ina ang mga bagay na iyon.
\p
\v 52 Sa paglipas ng mga taon, patuloy na naging mas marunong at mas lumaki si Jesus. Patuloy na nalugod sa kaniya ang Diyos at ang mga tao nang higit pa.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Nang namumuno si Tiberio Cesar sa Imperyong Romano ng halos labinlimang taon, si Poncio Pilato ang gobernador sa probinsiya ng Judea, si Herodes Antipas ang namumuno sa distrito ng Galilea, ang kaniyang kapatid na si Felipe ang namumuno sa mga rehiyon ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ang namumuno sa rehiyon ng Abilinia.
\p
\v 2 Sa panahong iyon, nang sina Anas at Caifas ang mga pinakapunong pari sa Jerusalem, nangusap ang Diyos kay Juan na anak ni Zacarias habang naninirahan siya sa ilang.
\s5
\p
\v 3 Naglalakbay si Juan sa lahat ng dako na malapit sa palibot ng Ilog Jordan. Palagi niyang sinasabi sa mga tao na, "Kung nais ninyong patawarin ng Diyos ang inyong mga kasalanan, dapat kayong magsisi at babautismuhan ko kayo!"
\s5
\p
\v 4 Isinulat noon ni propeta Isaias ang mga salitang ito sa isang balumbon: "May isang taong sisigaw sa ilang: Ihanda ang daraanan ng Panginoon, gumawa ng mga tuwid na landas para sa kaniya."
\s5
\p
\v 5 Mapupuno ang bawat lambak at gagawing patag ang bawat bundok at burol. Gagawing tuwid ang mga palikong daan at gagawing makinis ang mga magagaspang na daan.
\p
\v 6 At makikita ng lahat ang paraan ng Diyos sa pagliligtas sa mga tao.
\s5
\p
\v 7 Sinabi ni Juan sa napakaraming taong dumarating upang magpabautismo sa kaniya, "Masasama kayong mga tao na tulad ng mga makamandag na ahas! Walang sinuman ang nagbabala sa inyo na balang araw ay parurusahan ng Diyos ang lahat ng mga nagkasala, hindi ba? Huwag ninyong isipin na makakatakas kayo sa kaniya!"
\s5
\p
\v 8 Gawin ninyo ang mga bagay na nagpapakitang totoong tumalikod na kayo sa inyong makasalanang pag-uugali! At huwag ninyong umpisahang sabihin sa inyong mga sarili, "Kaapu-apuhan kami ni Abraham!" Dahil sinasabi ko sa inyo na kahit ang mga batong ito ay kayang gawin ng Diyos na kaapu-apuhan ni Abraham!
\s5
\p
\v 9 Nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga puno, kaya puputulin at itatapon sa apoy ang bawat puno na hindi namumunga ng mabuti.
\s5
\p
\v 10 At nagtanong sa kaniya ang ilan sa mga tao, "Kung gayun, ano ang dapat naming gawin?"
\p
\v 11 Sinagot niya sila, "Kung sinuman sa inyo ang may dalawang damit, dapat ninyong ibigay ang isa nito sa sinuman na walang tunika. Kung sinuman sa inyo ang may maraming pagkain, dapat ninyong ibigay ang iba sa mga walang pagkain."
\s5
\p
\v 12 May ilang mga taga-singil din ng buwis ang dumating upang magpabautismo kay Juan. Nagtanong sila sa kaniya, "Guro, ano ang dapat naming gawin?"
\p
\v 13 Sinabi niya sa kanila, "Huwag kayong maningil ng pera mula sa mga tao nang higit pa sa sinasabi ng pamahalaang Romano na singilin ninyo!"
\s5
\p
\v 14 May ilang mga kawal ang nagtanong sa kaniya, "At kami? Ano ang dapat naming gawin?" Sinabi niya sa kanila, "Huwag ninyong pilitin ang mga tao na bigyan kayo ng pera sa pamamagitan ng pananakot sa kanila at huwag ninyong paratangan ang sinuman ng hindi totoo na nakagawa ng isang bagay na mali. Masiyahan kayo sa pera na inyong kinikita."
\s5
\q
\v 15 Labis na umaasa ang mga tao na malapit na ang pagdating ng Mesiyas at marami sa kanila ang nagtataka na maaring si Juan ang Mesiyas.
\p
\v 16 Ngunit sumagot si Juan sa kanilang lahat, "Hindi, hindi ako. Malayong mas nakahihigit na dakila ang Mesiyas kaysa sa akin. Napakadakila niya na hindi ako karapat-dapat na tanggalin man lamang ang mga tali ng kaniyang mga sandalyas. Kapag binautismuhan ko kayo, tubig lamang ang gamit ko. Ngunit sa pagdating ng Mesiyas, babautismuhan niya kayo ng Banal na Espiritu at ng apoy.
\s5
\p
\v 17 Isang kalaykay ang nasa kaniyang kamay, handa nang ihiwalay ang mabuting butil sa dayami na walang pakinabang. Maingat niyang titipunin ang butil sa kaniyang kamalig at susunugin ang dayami sa apoy na hindi kailanman mamamatay.
\s5
\q
\v 18 Sa marami pang ibang mga kaparaanan na tulad nito, hinimok ni Juan ang mga tao na magsisi at manumbalik sa Diyos habang patuloy niyang sinasabi sa kanila ang magandang mensahe mula sa Diyos.
\q
\v 19 Sinaway din niya si Haring Herodes sa pagpapakasal sa asawa ng kaniyang kapatid na si Herodias habang nabubuhay pa ang kaniyang kapatid, at sa paggawa ng marami pang mga masasamang bagay.
\p
\v 20 At iniutos ni Herodes sa kaniyang mga kawal na ipakulong si Juan sa bilangguan, na isa pang napakasamang bagay.
\s5
\p
\v 21 Ngunit bago pa man maikulong si Juan sa bilangguan, nang maraming tao ang binabautismuhan, nabautismuhan din si Jesus. Pagkatapos, habang nananalangin siya, bumukas ang langit.
\p
\v 22 At bumaba kay Jesus ang Banal na Espiritu na tila isang kalapati. At nagsalita ang Diyos kay Jesus mula sa langit, na nagsasabi, "Ikaw ang aking Anak, ang siyang aking pinakamamahal. Lubos kitang kinalulugdan!"
\s5
\p
\v 23 Nang magsimula si Jesus sa kaniyang gawain para sa Diyos, siya ay nasa edad na tatlumpu. Siya ang anak ni Jose (o ang ipinagpalagay). Si Jose ang anak ni Eli.
\p
\v 24 Si Eli ang anak ni Matat. Si Matat ang anak Levi. Si Levi ang anak ni Melchi. Si Melqui ang anak ni Janai. Si Janai ang anak ni Jose.
\s5
\q
\v 25 Si Jose ang anak ni Matatias. Si Matatias ang anak ni Amos. Si Amos ang anak ni Nahum. Si Nahum ang anak ni Esli. Si Esli ang anak ni Nagai.
\p
\v 26 Si Nagai ang anak ni Maat. Si Maat ang anak ni Matatias. Si Matatias ang anak ni Semei. Si Semei ang anak ni Josec. Si Josec ang anak ni Joda.
\s5
\p
\v 27 Si Joda ang anak ni Joanan. Si Joanan ang anak ni Resa. Si Resa ang anak ni Zerubabel. Si Zerubabel ang anak ni Salatiel. Si Salatiel ang anak ni Neri.
\p
\v 28 Si Neri ang anak ni Melqui. Si Melqui ang anak ni Adi. Si Adi ang anak ni Cosam. Si Cosam ang anak ni Elmadam. Si Elmadam ang anak ni Er.
\q
\v 29 Si Er ang anak ni Josue. Si Josue ang anak ni Eliezer. Si Eliezer ang anak ni Jorim. Si Jorim ang anak ni Matat. Si Matat ang anak ni Levi.
\s5
\q
\v 30 Si Levi ang anak ni Simeon. Si Simeon ang anak ni Juda. Si Juda ang anak ni Jose. Si Jose ang anak ni Jonam. Si Jonam ang anak ni Eliaquim.
\p
\v 31 Si Eliaquim ang anak ni Melea. Si Melea ang anak ni Menna. Si Menna ang anak ni Matata. Si Matata ang anak ni Natan. Si Natan ang anak ni David.
\q
\v 32 Si David ang anak ni Jesse. Si Jesse ang anak ni Obed. Si Obed ang anak ni Boaz. Si Boaz ang anak ni Salmon. Si Salmon ang anak ni Naason.
\s5
\p
\v 33 Si Naason ang anak ni Aminadab. Si Aminadab ang anak ni Admin. Si Admin ang anak ni Arni. Si Arni ang anak ni Esrom. Si Esrom ang anak ni Perez. Si Perez ang anak ni Juda.
\q
\v 34 Si Juda ang anak ni Jacob. Si Jacob ang anak ni Isaac. Si Isaac ang anak ni Abraham. Si Abraham ang anak ni Terah. Si Terah ang anak Nahor.
\q
\v 35 Si Nahor ang anak ni Serug. Si Serug ang anak ni Reu. Si Reu ang anak ni Peleg. Si Peleg ang anak ni Eber. Si Eber ang anak ni Sala.
\s5
\q
\v 36 Si Sala ang anak ni Cainan. Si Cainan ang anak ni Arfaxad. Si Arfaxad ang anak ni Shem. Si Shem ang anak ni Noe. Si Noe ang anak ni Lamec. Si
\q
\v 37 Lamec ang anak ni Matusalem. Si Matuselam ang anak ni Enoch. Si Enoch ang anak ni Jared. Si Jared ang anak ni Mahalaleel. Si Mahalaleel ang anak ni Cainan. Si
\p
\v 38 Cainan ang anak ni Enos. Si Enos ang anak ni Set. Si Set ang anak ni Adan. Si Adan ang anak ng Diyos, ang taong nilikha ng Diyos.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Pagkatapos, si Jesus, na napuspos ng Banal na Espiritu ay umalis sa Ilog Jordan at pinangunahan siya ng Banal na Espiritu patungo sa ilang.
\p
\v 2 Pinangunahan siya ng Banal na Espiritu sa palibot ng ilang sa loob ng apatnapung araw. Habang naroon siya, patuloy siyang tinutukso ng diyablo. Sa loob ng panahon na iyon na nasa ilang si Jesus, hindi siya kumain ng kahit na ano, kaya pagkatapos ng apatnapung araw, labis siyang nagutom.
\s5
\p
\v 3 Pagkatapos, sinabi ng diyablo kay Jesus, "Kung ikaw nga talaga ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay para makain mo!"
\p
\v 4 Sumagot si Jesus, "Hindi, hindi ko gagawin iyan, dahil nasusulat sa Kasulatan, "Kailangan ng tao ang higit pa sa pagkain upang mabuhay."
\s5
\p
\v 5 Pagkatapos, dinala ng diyablo si Jesus sa tuktok ng isang mataas na bundok at ipinakita sa kaniya sa isang saglit ang lahat ng mga bansa sa mundo.
\p
\v 6 Pagkatapos, sinabi niya kay Jesus, "Ibibigay ko sayo ang karapatang pamunuan ang lahat ng mga bansang ito at aangkinin mo ang lahat ng kanilang mga karangyaan at mga kayamanan. Pinahintulutan ako ng Diyos na pamahalaan ang mga ito, kung kaya maaari kong gawin ang anumang naisin ko sa mga ito.
\p
\v 7 Kaya kung sasamba ka sa akin, hahayaan kitang pamunuan ang lahat ng ito!"
\s5
\p
\v 8 Ngunit sumagot si Jesus, "Hindi, hindi kita sasambahin, dahil nasusulat sa Kasulatan, 'Dapat ang Panginoon mong Diyos lamang ang iyong sambahin. Siya lamang ang tanging mong paglingkuran!'"
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos, dinala ng diyablo si Jesus sa Jerusalem. Inilagay siya sa pinakamataas na bahagi ng templo at sinabi sa kaniya, "Kung ikaw nga talaga ang Anak ng Diyos, tumalon ka mula rito.
\p
\v 10 Hindi ka masasaktan, dahil nasusulat sa Kasulatan, 'Uutusan ng Diyos ang kaniyang mga anghel upang ingatan ka.'
\p
\v 11 At sinabi rin na, 'Itataas ka nila sa kanilang mga kamay kung mahuhulog ka, kaya hindi ka masasaktan. Hindi man lamang hahampas ang iyong mga paa sa bato.'"
\s5
\p
\v 12 Ngunit sumagot si Jesus, "Hindi, hindi ko gagawin iyan, dahil nasusulat sa Kasulatan: 'Huwag mong tangkaing subukin ang Panginoon mong Diyos'."
\p
\v 13 Pagkatapos subukang tuksuhin ng diyablo si Jesus sa maraming mga paraan, iniwan siya ng diyablo hanggang sa mga sumunod na oras.
\s5
\p
\v 14 Pagkatapos nito, umalis si Jesus sa ilang at bumalik sa lugar ng Galilea. Binibigyan siya ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Sa buong rehiyong iyon, narinig ng mga tao ang tungkol kay Jesus at sinabi sa iba ang tungkol sa kaniya.
\p
\v 15 Nagturo siya sa mga tao sa mga sinagoga at labis nilang pinagusapan ang tungkol sa kaniya dahil sa kaniyang pagtuturo.
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos, pumunta si Jesus sa Nazaret, ang bayan kung saan siya lumaki. Sa Araw ng Pamamahinga, pumunta siya sa sinagoga gaya ng kaniyang lagi niyang ginagawa. Tumayo siya upang basahin ng malakas ang ilang nasusulat mula sa Kasulatan.
\p
\v 17 Inabot sa kaniya ng tagapangasiwa ng sinagoga ang isang balumbon na naglalaman ng mga salita na isinulat ni propeta Isaias noong unang panahon. Binuksan ni Jesus ang balumbon at natagpuan ang lugar kung saan isinulat ang mga salitang ito:
\s5
\p
\v 18 "Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasa akin. Itinalaga niya ako upang ihayag ang magandang balita ng Diyos sa mga taong mahihirap. Isinugo niya ako dito upang ipahayag na makakalaya na ang mga bihag at sasabihin sa mga bulag na makakakita silang muli. Papalayain ko ang mga taong inapi.
\p
\v 19 Isinugo niya ako upang ihayag na ito na ang panahon nay makikitungo ang Panginoon sa mga tao ng may kabutihang-loob.
\s5
\p
\v 20 Pagkatapos, isinara niya ang balumbon at isinauli sa tagapangasiwa at naupo. Tinitingnan siya ng lahat ng nasa sinagoga.
\p
\v 21 Sinabi niya sa kanila, "Ngayong araw, natupad na ang bahaging ito ng Banal na Kasulatan habang pinapakinggan ninyo ito."
\p
\v 22 Narinig ng bawat isa ang kaniyang sinabi at humanga sa kaniya at namangha sila sa husay niyang magsalita. Ngunit sinabi ng ilan sa kanila, "Hindi ba anak lamang ni Jose ang taong ito, tama ba?"
\s5
\p
\v 23 Sinabi niya sa kanila, "Tiyak na ilan sa inyo ang magbabanggit sa akin ng kasabihang ito na nagsasabi, 'Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili!' Sasabihin ninyo, 'Gawin mo dito sa iyong bayan ang parehong uri ng mga himala na ginawa mo sa Capernaum!'"
\q
\v 24 Pagkatapos, sinabi niya, "Totoo nga na hindi tinatanggap ng mga tao ang mensahe ng propeta sa kaniyang sariling kababayan.
\s5
\p
\v 25 Ngunit pag-isipan ninyo ito: Maraming mga balo sa Israel sa panahon na nabubuhay si propeta Elias nang nagkaroon ng matinding tag-gutom ang buong bansa dahil walang ulan sa loob ng tatlo at kalahating taon.
\p
\v 26 Ngunit hindi isinugo ng Diyos si Elias para tulungan ang sinuman sa mga Israelitang balo na iyon. Isinugo siya ng Diyos sa bayan ng Zarepat na malapit sa lungsod ng Sidon upang tulungan ang isang hindi Israelitang balo.
\p
\v 27 Mayroon ding maraming Israelitang ketongin sa Israel sa panahon ni propeta Eliseo. Ngunit hindi pinagaling ni Eliseo ang sinuman sa kanila. Si Naaman lamang ang kaniyang pinagaling, isang lalaking hindi Judio mula sa Siria."
\s5
\p
\v 28 Nang narinig ng lahat ng tao sa sinagoga na sinabi niya iyon, labis silang nagalit.
\p
\v 29 Kaya tumayo silang lahat at kinaladkad siya palabas ng lungsod. Dinala siya sa tuktok ng burol sa labas ng kanilang lungsod upang itapon sa bangin at patayin.
\p
\v 30 Ngunit maayos lamang siyang naglakad sa gitna nila at umalis palayo.
\s5
\p
\v 31 Isang araw bumaba siya patungo sa Capernaum, isang lungsod sa distrito ng Galilea. Sa sumunod na Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa mga tao sa sinagoga.
\p
\v 32 Patuloy silang namangha sa kaniyang itinuturo dahil nagsalita siya ng may kapangyarihan.
\s5
\p
\v 33 Sa araw na iyon, may isang tao sa sinagoga na inaalihan ng masamang espiritu. Sumigaw ang tao ng napakalakas,
\p
\v 34 "Hoy! Jesus na taga-Nazaret! Kaming mga masasamang espiritu, wala kaming kinalaman sa iyo! Pumarito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka. Ikaw ang Siyang Banal mula sa Diyos!"
\s5
\q
\v 35 Sinaway ni Jesus ang masamang espiritu at sinabi, "Manahimik ka at lumabas ka mula sa kaniya!" Ihinagis ng demonyo ang lalaki sa lupa sa gitna ng mga tao at lumabas siya nang hindi sinaktan ang lalaki.
\p
\v 36 Labis na namangha ang lahat ng tao sa sinagoga. Sinabi nila sa isa't isa, "Nagsasalita siya na may katapangan at lubhang makapangyarihan ang kaniyang mga salita! Maging ang mga masasamang espiritu ay sumusunod sa kaniya at lumalabas sa mga tao kapag inuutusan niya!"
\v 37 At sa bawat lugar sa buong nakapalibot na mga rehiyon, patuloy na pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa mga ginawa ni Jesus.
\s5
\p
\v 38 At umalis si Jesus sa sinagoga at pumunta sa tahanan ni Simon. May sakit ang biyanang babae ni Simon at mayroong mataas na lagnat. Ilang mga tao na naroon ang nakiusap kay Jesus upang pagalingin siya.
\p
\v 39 Kaya yumukod si Jesus sa kaniya at inutusan ang lagnat na umalis sa kaniya. Agad-agad siyang gumaling! Bumangon siya at naghain ng ilang makakain nila.
\s5
\p
\v 40 Nang palubog na ang araw noong araw na iyon, dinala ng maraming tao kay Jesus ang kanilang mga kaibigan o mga kamag-anak na may mga sakit at iba't-ibang mga karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila at pinagaling silang lahat.
\p
\v 41 Nagpapalayas din siya ng mga masasamang espiritu na lumabas mula sa maraming tao. Nang umalis ang mga masasamang espiritu sa mga tao, sumigaw sila kay Jesus, "Ikaw ang Anak ng Diyos!" Ngunit inutusan niya ang mga masasamang espiritu na huwag sabihin sa mga tao ang tungkol sa kaniya, dahil alam nila na siya ang Mesiyas.
\s5
\p
\v 42 Kinabukasan bago sumikat ang araw, umalis si Jesus sa bahay na iyon at pumunta sa isang hindi mataong lugar upang manalangin. Maraming tao ang naghahanap sa kaniya at nang matagpuan nila siya, patuloy silang nakikiusap sa kaniya na huwag silang iwanan.
\v 43 Ngunit sinabi niya sa kanila, "Dapat ko ring sabihin sa mga tao sa ibang lungsod ang mensahe tungkol sa kung paano paghaharian ng Diyos ang bawat isa, dahil iyon ang dahilan kung bakit ako isinugo."
\p
\v 44 Kaya nagpatuloy siyang mangaral sa sinagoga sa iba't ibang mga bayan sa probinsiya ng Judea.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Isang araw, habang napakaraming tao ang nagsisiksikan sa palibot ni Jesus at nakikinig sa kaniyang pagtuturo tungkol sa mensahe ng Diyos, nakatayo siya sa tabi ng Lawa ng Gennesaret.
\p
\v 2 Nakakita siya roon ang dalawang bangka sa gilid ng lawa. Iniwan ng mga mangingisda ang mga bangka at hinuhugasan ang kanilang mga lambat.
\q
\v 3 Sumampa si Jesus sa isa sa mga bangka; kay Simon ang bangkang ito. Inutusan ni Jesus si Simon na itulak ng kaunti ang bangka palayo sa pampang. Umupo si Jesus sa bangka at nagpatuloy na magturo sa napakaraming tao mula roon.
\s5
\q
\v 4 Pagkatapos niyang magturo sa kanila, sinabi niya kay Simon, "Dalhin ang bangka sa malalim na tubig at ihulog ang inyong mga lambat sa tubig upang makahuli ng ilang isda."
\p
\v 5 Sumagot si Simon, "Panginoon, magdamag na kaming nagtrabaho ng puspusan ngunit wala kaming nahuli na anumang isda. Ngunit ihuhulog kong muli ang lambat dahil sa sinabi mo."
\p
\v 6 Kaya hinagis ni Simon at ng kaniyang mga kasamang lalaki ang kanilang mga lambat at nakahuli sila ng napakaraming isda, kaya nagsimulang mapunit ang kanilang lambat.
\p
\v 7 Sumenyas sila sa kapwa nila mangingisda sa kabilang bangka upang lumapit at tulungan sila. Kaya lumapit sila at kapwa napuno ng mga isda ang mga bangka at nagsimula silang lumubog.
\s5
\p
\v 8 Nang makita ito ni Simon Pedro, lumuhod siya sa paanan ni Jesus at sinabi, "Panginoon, pakiusap lumayo ka sa akin dahil makasalanan akong tao."
\p
\v 9 Sinabi niya ito dahil namangha siya sa napakaraming bilang ng isda na kanilang nahuli. Namangha rin ang lahat ng kaniyang mga kasamang lalaki, kasama ang mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan, sila ang dalawang kasama ni Simon sa pangingisda.
\p
\v 10 Ngunit sinabi ni Jesus kay Simon, "Huwag kang matakot! Hanggang ngayon nanghuhuli ka pa din ng isda, ngunit magmula ngayon mangangalap ka na ng mga tao upang maging aking mga alagad.
\p
\v 11 Kaya matapos na maidala ng mga kalalakihan ang mga bangka sa pampang, iniwan nila ang pangingisda at ang lahat ng iba pang mga bagay at sumama kay Jesus.
\s5
\p
\v 12 Habang nasa isa sa mga karatig-bayan si Jesus, may isang lalaki ang naroon na nababalutan ng sakit sa balat na tinatawag na ketong. Nang makita niya si Jesus, lumuhod siya sa harap niya at nakikiusap sa kaniya, "Panginoon, pakiusap pagalingin mo ako, dahil may kakayahan kang pagalingin ako kung nais mo!"
\p
\v 13 At iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan ang lalaki. Sinabi niya, "Nais kong pagalingin ka at ngayon pinagagaling na kita!" At agad na gumaling ang lalaki. Magmula noon, wala na siyang ketong.
\s5
\p
\v 14 At sinabi ni Jesus sa kaniya, "Siguraduhin mong hindi mo sasabihin sa mga tao ang tungkol sa iyong agad na paggaling. Una, pumunta ka at magpakita sa isang pari sa Jerusalem upang masuri ka niya at makitang wala ka nang ketong. At magdala ka rin sa pari ng handog na inutos ni Moises na dapat ihandog ng mga taong napagaling mula sa ketong."
\s5
\p
\v 15 Ngunit maraming tao ang nakarinig kung paano pinagaling ni Jesus ang lalaki. Nagdulot ito ng maraming taong dumarating upang makarinig ng mga turo ni Jesus at mapagaling sila sa kanilang mga sakit.
\p
\v 16 Ngunit madalas siyang lumalayo sa kanila upang manalangin sa tagong lugar.
\s5
\p
\v 17 Isang araw, habang nagtuturo si Jesus, may ilang mga lalaki mula sa sekta ng Pariseo ang nakaupo sa di kalayuan. Mga dalubhasang guro ng mga kautusan ng Judio ang ilan sa kanila. Nagmula sila sa mga nayon ng distrito ng Galilea at mula rin sa Jerusalem at iba pang mga lungsod sa probinsiya ng Judea. At sa mga oras ding iyon, pinagkaloob ng Panginoon kay Jesus ang kakayahang makapagpagaling ng mga tao.
\s5
\p
\v 18 Habang naroroon si Jesus, may ilang mga kalalakihan ang nagdala sa kaniya ng isang lalaking paralisado. Buhat-buhat nila ang lalaki sa isang higaan at sinusubukan siyang maipasok sa bahay upang ipahiga sa harapan ni Jesus.
\p
\v 19 Ngunit hindi siya maipasok dahil sa napakaraming tao ang nasa bahay, kaya lumabas sila at umakyat sa bubong. Pagkatapos, tinanggal nila ang ilang mga tisa sa bubong upang makagawa ng isang butas. Ibinaba nila ang lalaki sa kaniyang higaan sa pamamagitan ng butas sa kalagitnaan ng maraming tao at ipinahiga siya sa harapan mismo ni Jesus.
\s5
\p
\v 20 Nang maramdaman ni Jesus na naniniwala silang mapapagaling niya ang lalaki, sinabi niya sa kaniya, "Kaibigan, pinatawad ko na ang iyong mga kasalanan!"
\p
\v 21 Nagsimulang mangatwiran sa kanilang mga sarili ang mga lalaking dalubhasa sa mga kautusan ng Judio at ilan sa mga Pariseo, "Mapagmataas ang taong ito at hinahamak ang Diyos sa ganyang pananalita! Alam nating lahat na walang sinuman maliban sa Diyos ang magpapatawad sa ating mga kasalanan!"
\s5
\p
\v 22 Alam ni Jesus kung ano ang kanilang iniisip. Kaya sinabi niya sa kanila, "Hindi niyo dapat tinatanong sa inyong mga sarili ang tungkol sa aking sinabi! Isipin ninyo itong mabuti:
\p
\v 23 Napakadaling sabihin, 'Napatawad na ang iyong mga kasalanan' dahil walang sinuman ang makakakita kung talagang napatawad na ang taong ito. Ngunit hindi madaling sabihin, 'Tumayo ka at maglakad' dahil agad na makikita ng tao kung napagaling ba siya.
\q
\v 24 Kaya papagalingin ko ang lalaking ito upang malaman ninyo na pinagkalooban din ako ng Diyos, ang Anak ng Tao na patawarin ang mga kasalanan ng mga tao sa mundo." At sinabi niya sa lalaking paralisado, "Sinasabi ko sa iyo, 'Tumayo ka, kunin mo ang iyong higaan at umuwi sa iyong bahay!'"
\s5
\p
\v 25 Kaagad na gumaling ang lalaki! Tumayo siya sa harap nilang lahat. Kinuha niya ang higaan na kaniyang hinihigaan, bumalik siya sa kanilang bahay na pinupuri ang Diyos.
\q
\v 26 Namangha ang lahat ng taong naroroon! Pinuri nila ang Diyos at namangha sila sa nakitang ginawa ni Jesus. Patuloy nilang sinasabi, "Nakakita tayo ng mga kamangha-manghang bagay sa araw na ito!"
\s5
\q
\v 27 Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang lugar na iyon at nakita ang isang lalaking nagngangalang Levi na taga-singil ng buwis para sa pamahalaang Roma. Nakaupo siya sa isang kubol kung saan pumupunta ang mga tao upang magbayad sa kaniya ng mga buwis na iniutos ng pamahalaan. Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Sumama ka sa akin at maging alagad ko!
\p
\v 28 Kaya iniwan ni Levi ang kaniyang gawain at sumama kay Jesus.
\s5
\p
\v 29 Kinalaunan, naghanda ng isang malaking pista si Levi sa kaniyang sariling bahay para kay Jesus at sa kaniyang mga alagad. May malaking grupo ng mga taga-singil ng buwis at iba pa na kumakain kasama nila.
\q
\v 30 Nagrereklamo sa mga alagad ni Jesus ang ibang lalaki na kasapi sa mga sekta ng Pariseo kasama ang iba sa kanila na nagtuturo ng mga kautusan ng Judio, na nagsasabi, "Hindi kayo dapat kumakain na kasama ang mga taga-singil ng buwis at ibang mga kahila-hilakbot na mga makasalanan.
\q
\v 31 At sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang mga taong may sakit mismo ang nakakaalam kung kailangan nila ng isang manggagamot, hindi ang mga nag-iisip na magaling sila.
\p
\v 32 Katulad nito, hindi ako nagmula sa langit upang anyayahan ang mga nag-iisip na matuwid sila upang sumama sa akin. Salungat nito, pumarito ako upang anyayahan ang mga nakakaalam na makasalanan sila, upang tumalikod sa kanilang makasalanang pag-uugali at lumapit sa akin."
\s5
\p
\v 33 Sinabi ng mga pinuno ng Judio kay Jesus, "Madalas na nag-aayuno at nananalangin ang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo at ginagawa din iyon ng mga alagad ng Pariseo. Ngunit patuloy na kumakain at umiinom ang iyong mga alagad! Bakit hindi sila mag-ayuno na tulad ng iba?"
\p
\v 34 Sumagot si Jesus, "Hindi mo sasabihin sa mga kaibigan ng lalaking ikakasal na mag-ayuno habang siya ay kasama pa lang nila, hindi ba? Hindi, walang sinuman ang gagawa niyon!
\p
\v 35 Ngunit balang araw, mailalayo ang lalaking ikakasal sa kaniyang mga kaibigan. At sa mga oras na iyon, mag-aayuno sila."
\s5
\p
\v 36 At muling nagbigay ng iba pang mga halimbawa si Jesus upang ipaliwanag ang kaniyang ibig sabihin: Sinabi niya, "Hindi kailanman pumupunit ang mga tao ng piraso ng tela mula sa isang bagong damit at ikakabit ito sa isang lumang damit upang tagpiin ito. Kung ginawa nila ito, sisirain nila ang bagong damit sa pamamagitan ng pagpunit nito at hindi babagay ang bagong pirasong tela sa lumang damit.
\s5
\v 37 At walang sinuman ang maglalagay ng bagong katas na alak sa lumang sisidlang balat upang itago ito. Kung sinuman ang gumawa nito, mabubutas ang mga sisidlang balat dahil hindi sila mababanat kapag napaasim at umalsa ang bagong alak. At mawawasak ang mga sisidlang balat at masisira rin ang alak dahil matatapon ito.
\p
\v 38 Sa kabaliktaran nito, dapat ilagay sa bagong mga sisidlang balat ang bagong alak.
\v 39 Dagdag pa nito, ang mga umiinom lamang ng lumang alak ang nasisiyahan dito. Ayaw nilang uminom ng bagong alak, dahil sinasabi nila, 'Mas mainam ang lumang alak!"'
\s5
\c 6
\p
\v 1 Isang Araw ng Pamamahinga habang naglalakad si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa triguhan, kumukuha ang mga alagad ng ilang butil ng trigo. Ikiniskis nila ang mga ito sa kanilang mga palad upang ihiwalay ang mga butil mula sa ipa at kinain ang mga butil.
\p
\v 2 Sinabi sa kanila ng ilang Pariseo na nanood sa kanila, "Hindi kayo dapat gumagawa ng anuman. Ipinagbabawal ng ating kautusan na gumawa ng anuman sa Araw ng Pamamahinga!"
\s5
\p
\v 3 Sumagot si Jesus sa mga Pariseo, "Tiyak na nabasa na ninyo ang nakasulat sa kasulatan tungkol sa ginawa ni David nang magutom siya at ang mga kalalakihang kasama niya!
\p
\v 4 Tulad ng inyong pagkakaalam, pumasok si David sa tabernakulo at humingi ng pagkain. Ibinigay ng pari ang tinapay na nakalagay sa harapan ng Diyos. Sinabi ng Diyos sa isa sa mga kautusan ni Moises na ang mga pari lamang ang pinahihintulutan na kumain ng tinapay na iyon. Ngunit kahit hindi pari si David at ang kaniyang mga kasama, kinain niya ang ilan sa tinapay at ibinigay ang ilan sa mga lalaking kasama niya!"
\p
\v 5 Sinabi rin ni Jesus sa kanila, "Sa ganoon ding paraan, may karapatan ang Anak ng Tao na magpasiya kung ano ang nararapat na gawin ng mga tao sa Araw ng Pamamahinga!"
\s5
\p
\v 6 Sa isa pang Araw ng Pamamahinga, nagtuturo si Jesus sa mga tao sa sinagoga at naroon ang isang taong tuyot ang kanang kamay.
\p
\v 7 Masugid na pinagmamasdan si Jesus ng mga lalaking nagtuturo ng mga kautusan ng Judio at mga Pariseo na naroroon. Gusto nilang makita kung pagagalingin niya ang lalaki upang maparatangan nila siya ng paglabag sa kanilang kautusan tungkol sa hindi paggawa ng anuman sa Araw ng Pamamahinga.
\p
\v 8 Ngunit alam ni Jesus ang kanilang iniisip. Kaya sinabi niya sa lalaking may tuyot na kamay, "Halika at tumayo sa harap ng lahat! Kaya tumayo ang lalaki roon.
\s5
\p
\v 9 At sinabi ni Jesus sa kanila, "Tanong ko ito sa inyo: Ipinag-uutos ba ng kautusang ibinigay ng Diyos kay Moises sa mga tao na gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga o gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay sa Araw ng Pamamahinga, o sumira nito?"
\p
\v 10 Walang sumagot sa kaniya, kaya tumingin siya sa kanilang lahat at sinabi sa lalaki, "Iunat mo ang iyong tuyot na kamay!" Sinunod ng lalaki iyon at ganap na gumaling ang kaniyang kamay!
\p
\v 11 Ngunit labis na nagalit ang mga pinuno ng relihiyon, at nagusap-usap sila kung ano ang maaari nilang gawin upang mawala si Jesus.
\s5
\p
\v 12 Minsan makalipas iyon, umakyat si Jesus sa burol upang manalangin. Doon, nanalangin siya sa Diyos ng buong gabi.
\p
\v 13 Nang sumunod na araw, tinawag niya ang kaniyang mga alagad na lumapit sa kaniya. Pumili siya ng labindalawa mula sa kanila, na tinawag din niyang mga apostol.
\s5
\p
\v 14 Ang mga lalaking ito ay sina Simon na binigyan niya ng bagong pangalan na Pedro, Andres na nakababatang kapatid ni Pedro, Santiago at ang kaniyang nakababatang kapatid na si Juan, Felipe, Bartolome,
\p
\v 15 Mateo na tinatawag ding Levi, Tomas, isa pang Santiago na anak ni Alfeo, Simon na Makabayan,
\p
\v 16 Judas ang anak ng isa pang lalaking nagngangalang Santiago at si Judas Iscariote na kinalaunan ay nagkanulo kay Jesus.
\s5
\p
\v 17 Bumaba si Jesus mula sa burol kasama ang kaniyang mga alagad at tumayo sa patag na lugar. Naroon ang napakarami niyang alagad. Mayroon ding malaking grupo ng mga tao na mula sa Jerusalem at mula sa ibang mga lugar sa rehiyon ng Judea at mula sa mga baybaying-dagat malapit sa lungsod ng Tiro at Sidon.
\p
\v 18 Dumating sila upang makinig sa pagtuturo ni Jesus at upang mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang binabagabag ng mga masamang espiritu.
\p
\v 19 Sinubukan siyang hipuin ng lahat ng tao na naroon dahil pinapagaling niya ang lahat sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.
\s5
\p
\v 20 Pagkatapos, tumingin siya sa kaniyang mga alagad at sinabi, "Napakabuti para sa inyong mga mahihirap sapagkat ang Diyos ang namumuno sa inyo.
\p
\v 21 Napakabuti para sa inyong mga nagugutom sapagkat ibibigay ng Diyos ang lahat ng inyong kailangan. Napakabuti para sa inyong mga nagdadalamhati ngayon sapagkat darating ang araw na pasasayahin kayo ng Diyos.
\s5
\p
\v 22 Napakabuti kung kinamumuhian kayo ng ibang tao, kung tinatanggihan kayo, kung nilalait kayo at sinasabing kayo ay masama dahil sinusunod ninyo ako, ang Anak ng Tao.
\p
\v 23 Kung mangyayari iyon, magalak kayo! Tumalon dahil kayo ay labis na masaya! Bibigyan kayo ng Diyos ng malaking gantimpala sa langit! Huwag ninyong kalilimutan na noong unang panahon ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta ng Diyos!
\s5
\p
\v 24 Ngunit napakalungkot para sa inyong mga mayayaman, ibinigay na ng inyong kayamanan ang lahat ng ginhawa na inyong makakamit.
\p
\v 25 Napakalungkot para sa inyong nag-iisip na nakamit na ninyong lahat ngayon ang inyong pangangailangan, malalaman ninyo na hindi kayo pasasayahin ng mga bagay na ito. Napakalungkot para sa inyo na nagagalak ngayon, sa kalaunan, magdadalamhati kayo at labis na malulungkot.
\s5
\p
\v 26 Napakalungkot kung ang lahat ay nagsasabi ng mabubuting bagay tungkol sa inyo. Sa ganoon ding paraan, sinabi ng kanilang mga ninuno ang mabubuting bagay tungkol sa mga taong nagpanggap na mga propeta ng Diyos.
\s5
\p
\v 27 "Ngunit sinasabi ko ito sa bawat isa sa inyo na nakikinig sa sinasabi ko: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway, hindi lamang ang inyong mga kaibigan! Gumawa ng mabubuting bagay sa mga namumuhi sa inyo!
\p
\v 28 Hilingin ninyo sa Diyos na pagpalain ang mga sumusumpa sa inyo! Ipanalangin ninyo ang mga nakitungo sa inyo ng masama!
\s5
\p
\v 29 Kung may nanlait sa iyo sa pamamagitan ng pagsampal sa isa sa iyong pisngi, ibaling mo ang iyong mukha upang sampalin din niya ang kabilang pisngi. Kung may nagnanais kumuha ng iyong tunika, ibigay mo na rin sa kaniya ang iyong damit.
\p
\v 30 Magbigay ka sa lahat ng humihingi sa iyo. Kung may humingi sa iyo ng mga bagay na pag-aari mo, huwag mo na hingiin sa kaniya na ibalik ang mga ito.
\s5
\p
\v 31 Sa anumang paraan na nais ninyong pakitunguhan kayo ng iba, ganoong paraan din kayo dapat makitungo sa kanila.
\p
\v 32 Kung ang minamahal lamang ninyo ay ang mga nagmamahal sa inyo, huwag ninyong asahan na pupurihin kayo ng Diyos sa paggawa noon dahil kahit ang mga makasalanan ay minamahal din ang mga nagmamahal sa kanila.
\p
\v 33 Kung ang mga gumagawa ng mabuti lamang sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, huwag ninyong asahan na gagantimpalaan kayo ng Diyos sa paggawa niyan dahil kahit ang mga makasalanan ay ganoon din ang ginagawa.
\p
\v 34 Kung nagpapahiram kayo ng pera o ari-arian sa mga magbabalik lamang nito sa inyo huwag ninyong asahan na gagantimpalaan kayo ng Diyos sa paggawa niyan! Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa ibang mga makasalanan dahil umaasa sila na babayaran nila ang lahat.
\s5
\p
\v 35 Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway! Gumawa kayo ng mga mabubuting bagay sa kanila! Magpahiram sa kanila, at huwag ninyong aasahan na babayaran nila ang anuman! At bibigyan kayo ng Diyos ng malaking gantimpala. At kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos, sapagkat ang Diyos ay mabuti kahit sa mga hindi marunong magpasalamat at masamang tao.
\p
\v 36 Kaya dapat kayong maging maawain sa ibang tao gaya ng inyong Ama sa langit na maawain sa mga tao.
\s5
\p
\v 37 Huwag ninyong pintasan ang mga tao at hindi kayo pipintasan ng Diyos. Huwag ninyong husgahan ang ibang tao at hindi niya kayo huhusgahan. Patawarin ninyo ang ibang tao sa mga masasamang ginawa nila sa inyo at patatawarin kayo ng Diyos.
\s5
\p
\v 38 Magbigay kayo ng mga mabuting bagay sa iba at bibigyan kayo ng Diyos ng mga mabuting bagay. Ito ay parang nagbibigay siya sa inyo ng masaganang butil, isinisiksik ang mga ito sa basket at inaalog ang basket upang tiyakin na ito ay punong-puno hanggang sa umapaw ang mga butil sa mga tagiliran nito! Tandaan ninyo na ang pamantayan na ginamit ninyo na humatol o magbigay ng pagpapala sa iba ang gagamitin ng Diyos na pamantayan para hatulan o pagpalain kayo!"
\s5
\p
\v 39 Sinabi din niya sa kaniyang mga alagad ang isang talinghagang ito: "Hindi dapat subukang gabayan ng isang bulag ang isa pang bulag. Kung ginawa niya iyon, pareho silang mahuhulog sa butas!
\p
\v 40 Hindi nakahihigit ang alagad sa kaniyang guro. Ngunit kung lubusan siyang sinanay, magiging katulad siya ng kaniyang guro. Kaya kayo ay dapat maging katulad ko.
\s5
\p
\v 41 Wala sa inyo ang dapat pumuna sa maliit na pagkakamali ng ibang tao. Tulad iyon ng pagpansin sa maliit na dayami sa mata ng taong iyon ngunit hindi mo pinapansin ang malaking troso sa iyong sariling mata.
\p
\v 42 Kung gagawin mo iyon, ikaw ay mapagkunwari! Dapat mo munang alisin ang malaking troso sa iyong sariling mata bago mo subukang alisin ang maliit na puwing sa mata ng iba. Kung titigil ka sa pagkakasala, magkakaroon ka ng espiritwal na kaalaman para makatulong sa iba na talikdan ang kanilang mga kasalanan.
\s5
\v 43 Alam ng lahat na ang malusog na puno ay hindi namumunga ng masamang bunga at ang hindi malusog na puno ay hindi namumunga ng mabuting bunga.
\p
\v 44 At masasabi ng kahit sino kung anong uri ng puno iyon sa pamamagitan ng pagtingin sa uri ng bunga na mayroon ito. Halimbawa, ang matinik na halaman ay hindi namumunga ng igos at ang dawag ay hindi namumunga ng ubas. Sa ganoon ding paraan, madaling malalaman kung ano ang nilalaman ng kalooban ng isang tao sa pamamagitan ng pagtingin sa ginagawa ng taong iyon.
\s5
\p
\v 45 Gumagawa ang mga mabubuting tao ng mga mabubuting bagay na nagpapakita na mabuti ang kanilang iniisip at gumagawa ang mga masasamang tao ng mga masasamang bagay na nagpapakita na masama ang kanilang iniisip. Magsasalita at kikilos ang mga tao ayon sa kung ano ang kanilang iniisip."
\s5
\p
\v 46 Sinabi ni Jesus sa mga tao, "Bakit ninyo ako tinatawag na 'Panginoon' kung hindi naman ninyo sinusunod ang aking inuutos?
\v 47 Sasabihin ko sa inyo kung ano ang katulad ng taong lumalapit sa akin, nakikinig ng aking mga katuruan, at sinusunod ang mga ito.
\p
\v 48 Sila ay katulad ng taong humukay ng malalim sa lupa upang ihanda ang pagpapatayo ng kaniyang bahay. Tiniyak niya na ang pundasyon ng bahay ay nakatayo sa matatag na bato. Nagkaroon ng baha at humampas sa bahay ang malakas na agos ng tubig. Ngunit hindi man lang mayanig ng malakas na agos ang bahay dahil itinayo ang bahay sa matatag na pundasyon.
\s5
\v 49 Ngunit hindi sinusunod ng ilang tao ang mga katuruan na narinig nila sa akin. Sila ay tulad ng taong nagtayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na walang pundasyon. Nang umapaw ang ilog, agad na gumuho ang bahay at lubusang nasira."
\s5
\c 7
\p
\v 1 Pagkatapos magsalita si Jesus sa mga tao, pumunta siya sa bayan ng Capernaum.
\s5
\p
\v 2 Sa bayan na iyon, may isang senturion ng hukbong Romano na may aliping malapit sa kaniya. Malubha ang sakit ng alipin na ito na malapit na siyang mamatay.
\p
\v 3 Nang marinig ng senturion ang tungkol kay Jesus, nagsugo siya ng ilang mga nakatatandang Judio kay Jesus upang pakiusapan siyang pumunta at pagalingin ang kaniyang alipin.
\p
\v 4 Nang makarating sila kay Jesus, taimtim silang nakiusap sa kaniya upang tulungan ang alipin ng senturion. Sinabi nila, "Nararapat na gawin mo ito para sa kaniya,
\p
\v 5 dahil mahal niya ang aming bayan at nagpatayo siya ng sinagoga para sa amin."
\s5
\p
\v 6 Kaya, nagsimulang pumunta si Jesus na kasama sila sa tahanan ng opisyal. Nang malapit na siya roon, nagsugo ang opisyal ng ilang mga kaibigan upang ibigay ang mensaheng ito kay Jesus: "Panginoon, huwag mo nang abalahin ang iyong sarili, yamang hindi ako karapat-dapat na puntahan ninyo sa aking tahanan.
\p
\v 7 Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko inisip na karapat-dapat ako na humarap sa iyo. Ngunit kaya mong pagalingin ang aking alipin kung magsabi ka lamang ng isang salita.
\p
\v 8 Alam ko na kaya mong gawin ito dahil isang tao ako na dapat sumunod sa mga utos ng mga nakatataas sa akin at mayroon din akong mga kawal na dapat sumunod sa aking mga utos. Kapag sinabi ko sa isa sa kanila, 'Pumunta ka!', pupunta siya, at kapag sinabi ko sa iba pa, 'Lumapit ka!', lalapit siya. Kapag sinabi ko sa aking alipin, 'Gawin mo ito!', ginagawa niya ito."
\s5
\p
\v 9 Nang marinig ni Jesus ang sinabi ng opisyal, namangha siya sa kaniya. Pagkatapos, humarap siya sa maraming tao na kasama niya at sinabi, "Sinasabi ko sa inyo, hindi pa ako nakatagpo ng sinumang Israelita na nagtitiwala sa akin ng lubos gaya ng Gentil na ito!"
\p
\v 10 Nang bumalik ang mga taong galing sa senturion sa bahay niya, nakita nila na nanumbalik na muli ang mabuting kalusugan ng alipin.
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos ng sandaling iyon, naglakbay si Jesus patungo sa bayan ng Nain. Sumama sa kaniya ang mga alagad at ang napakaraming tao.
\p
\v 12 Nang papalapit na si Jesus sa tarangkahan ng bayan, nakita niya ang napakaraming tao palabas ng bayan, dala-dala ang isang taong kamamatay lamang. Isang balo ang kaniyang ina, at nag-iisang anak. Kasama niya ang maraming mga tao at ililibing na nila ang kaniyang anak.
\p
\v 13 Nang makita siya ng Panginoon, nahabag siya sa kaniya at sinabi sa kaniya, "Huwag kang umiyak!"
\p
\v 14 Pagkatapos, lumapit ang Panginoon sa kanila at hinawakan ang papag kung saan nakahimlay ang katawan. Napahinto ang mga lalaking nagdadala nito. Sinabi niya, "Binata, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka!
\p
\v 15 Bumangon ang lalaki at nagsimulang nagsalita! Pagkatapos, inalalayan siya ni Jesus pabalik sa kaniyang ina.
\s5
\p
\v 16 Lubhang namangha ang bawat isa. Pinuri nila ang Diyos at sinabi sa isa't isa, "Isang dakilang propeta ang dumating sa atin!" at, "Dumating ang Diyos upang ingatan ang kaniyang bayan!"
\p
\v 17 Pagkatapos, kumalat sa buong rehiyon ng Judea at sa lahat ng ibang kalapit na mga lugar ang mga balitang ito tungkol sa ginawa ni Jesus.
\s5
\p
\v 18-19 Sinabi ng mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo sa kaniya ang tungkol sa lahat ng bagay na ito. Kaya tinawag ni Juan ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sinabihan silang pumunta sa Panginoon at tanungin siya: "Ikaw ba ang siyang ipinangako ng Diyos na darating, o mayroon pa kaming isang taong aasahan?"
\p
\v 20 Nang nakarating na ang dalawang lalaki kay Jesus, sinabi nila, "Ipinadala kami ni Juan na Tagapagbautismo upang tanungin ka, "Ikaw ba ang siyang ipinangako ng Diyos na darating, o mayroon pa kaming isang taong aasahan?"'
\s5
\q
\v 21 Sa oras ding iyon, kasalukuyang nagpapagaling si Jesus ng maraming tao mula sa mga sakit at mga malubhang karamdaman at mula sa masasamang espiritu. Pinagaling din niya ang maraming mga taong bulag upang makakita sila.
\p
\v 22 Kaya sumagot siya sa dalawang lalaki, "Bumalik kayo at ibalita kay Juan kung ano ang inyong nakita at narinig: Nakakakita na ngayon ang mga taong bulag. Nakakalakad na ngayon ang mga taong pilay. Pinagaling ang mga taong may sakit sa balat. Nakaririnig na ngayon ang mga taong bingi. Muling binuhay ang mga taong namatay at ipinahayag sa mga mahihirap ang magandang balita.
\p
\v 23 At sabihin din sa kaniya, "Pagpapalain ng Diyos ang sinumang nakakita ng aking ginawa at nakarinig ng aking itinuro at hindi tumalikod mula sa akin."
\s5
\p
\v 24 Nang umalis ang mga lalaking isinugo ni Juan, nagsimulang magsalita si Jesus sa maraming mga tao tungkol kay Juan. Sinabi niya, "Ano ang pinuntahan ninyo sa ilang upang makita? Isang maliit na sanga ng halaman na hinihipan ng hangin?
\p
\v 25 Ngunit ano ba ang pinuntahan ninyo upang makita? Isang taong may magarang kasuotan? Tingnan ninyo, nakatira sa palasyo ng hari ang mga nakasuot ng mga maningning na damit at may pinakamabuting bagay.
\p
\v 26 Kung gayon, ano ang pinuntahan ninyo doon upang makita? Isang propeta? Oo! Ngunit sasabihin ko sa inyo na mas mahalaga si Juan kaysa sa isang pangkaraniwang propeta.
\s5
\p
\v 27 Tungkol sa kaniya ang isinulat ng mga propeta noong unang panahon: 'Tingnan ninyo, una kong isinusugo ang aking mensahero sa inyo. Ihahanda niya ang mga tao para sa inyong pagdating.'
\p
\v 28 Sinasabi ko sa inyo na ang lahat ng mga taong nabuhay sa mundo, walang ni isa na mas dakila kaysa kay Juan. Subalit, magiging mas dakila pa kaysa kay Juan ang mga pinakawalang halagang tao na mananahan kasama ang Diyos kung saan siya nakaluklok."
\s5
\q
\v 29 Nang marinig ng lahat ng mga taong nabautismuhan na ni Juan ang sinabi ni Jesus - kasama ang mga naniningil ng buwis - sumang-ayon sila na ang Diyos ay makatarungan.
\p
\v 30 Ngunit hindi nagpabautismo kay Juan ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa mga batas ng Judio at tinanggihan nila ang kalooban ng Diyos para sa kanila.
\s5
\p
\v 31 Pagkatapos, sinabi din ni Jesus, "Ano ang katulad ninyong mga taong nabubuhay ngayong panahong ito? Sasabihin ko sa inyo:
\p
\v 32 Tulad kayo ng mga batang naglalaro sa maluwang na lugar. Nagtatawagan sila sa isa't isa, na nagsasabi, "Tumugtog kami para sa inyo ng masasayang tugtugin sa plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! At umawit kami para sa inyo ng mga malulungkot na awitin para sa patay ngunit hindi kayo umiyak!"
\s5
\p
\v 33 Ganoon din naman, nang dumating si Juan sa inyo at hindi kumain ng pangkaraniwang pagkain o uminom ng alak, tinanggihan ninyo siya at sinabi, 'Pinagagalaw siya ng demonyo!'
\p
\v 34 Ngunit nang dumating ang Anak ng Tao sa inyo at kumain siya ng pangkaraniwang pagkain at uminom ng alak gaya ng iba, tinanggihan ninyo siya at sinabi, 'Tingnan ninyo! Napakalakas kumain ng lalaking ito at napakalakas uminom ng alak, at nakikisama siya sa mga naniningil ng buwis at ibang mga makasalanan!'
\p
\v 35 Ngunit pinatutunayan ng sinumang sumusunod sa karunungan ng Diyos na ito ay matuwid.
\s5
\p
\v 36 Isang araw, inanyayahan si Jesus ng isang Pariseo na nagngangalang Simon upang makasama niyang kumain. Kaya pumunta si Jesus sa tahanan ng lalaking ito at sumandal sa mesa upang kumain,
\p
\v 37 Mayroon ding isang babae sa lungsod na iyon na kilala ng mga tao na isang babaeng nagbebenta ng aliw. Nang marinig ng babae na kumakain si Jesus sa tahanan ng Pariseo, pumunta siya doon, dala ang isang batong banga na naglalaman ng pabango.
\p
\v 38 Habang nakasandal si Jesus upang kumain, tumayo ang babae sa likuran ni Jesus sa bandang paanan. Umiiyak siya at tumulo ang kaniyang mga luha sa mga paa ni Jesus. Patuloy niyang pinupunasan ang paa ni Jesus gamit ng kaniyang buhok, at patuloy na hinahalikan ang mga ito at binubuhusan ng pabango.
\s5
\p
\v 39 Nang nakita ng Pariseo na nag-anyaya kay Jesus ang ginagawa ng babae, naisip niya, "Kung talagang isang propeta ang taong ito, tiyak na malalaman niya kung sino ang babaeng ito na humahawak sa kaniya at kung anong uri ng tao siya, na isang makasalanan."
\p
\v 40 Bilang tugon, sinabi ni Jesus sa kaniya, "Simon, mayroon akong nais sabihin sa iyo." Sumagot siya, "Guro, ano iyon?"
\s5
\p
\v 41 Sinabi ni Jesus sa kaniya ang kuwentong ito: "May dalawang taong may utang sa isang lalaking may negosyong pagpapahiram ng pera sa mga tao. Nangutang ang isa sa mga taong ito sa kaniya ng limang daang pilak na barya, at nangutang din ang isa sa kaniya ng limampung pilak na barya.
\p
\v 42 Ngunit ni isa sa kanila ay walang kakayahang makapagbayad ng kanilang mga inutang, kaya napaka-giliw na sinabi ng tao na hindi na nila kailangang bayaran ang anumang bagay. Kaya, sino sa dalawang lalaki ang mas magmamahal ng lubos sa lalaking iyon?"
\p
\v 43 Sumagot si Simon, "Sa palagay ko, ang siyang may pinakamalaking utang sa kaniya ang mas magmamahal sa kaniya ng lubos." Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Tama ka."
\s5
\p
\v 44 Pagkatapos, humarap siya sa babae at sinabi kay Simon, "Isipin mo ang ginawa ng babaeng ito! Nang pumasok ako sa iyong tahanan, hindi mo ginawa ang mga karaniwang ginagawa ng mga nag-aanyaya upang salubungin ang kaniyang mga panauhin. Hindi mo ako binigyan ng kahit anong tubig upang hugasan ang aking mga paa, ngunit hinugasan ng babaeng ito ang aking mga paa gamit ang kaniyang mga luha at pinunasan ang mga ito gamit ang kaniyang buhok!
\p
\v 45 Hindi mo ako binati na may kasamang halik, ngunit sa sandaling dumating ako hindi siya tumigil sa kakahalik sa aking mga paa!
\s5
\p
\v 46 Hindi mo binuhusan ang aking ulo ng langis ng olibo, ngunit binuhusan niya ang aking mga paa ng pabango.
\v 47 Kaya sasabihin ko sa iyo na pinatawad siya sa kaniyang maraming kasalanan at iyon ang dahilan kung bakit labis niya akong minamahal. Ngunit ang isang tao na nag-iisip na mayroon lamang siyang kaunting kasalanan at pinatawad siya, mamahalin niya lamang ako ng kaunti."
\s5
\p
\v 48 Pagkatapos, sinabi niya sa babae, "Pinatawad na ang iyong mga kasalanan."
\p
\v 49 At nagusap-usap sa kanilang mga sarili ang mga kasama niyang kumakain, "Sino ba ang taong ito na nagsasabing kaya niyang magpatawad ng mga kasalanan?
\p
\v 50 Ngunit sinabi ni Jesus sa babae, "Dahil nanampalataya ka sa akin, iniligtas ka ng Diyos. Bigyan ka nawa ng Diyos ng kapayapaan sa iyong pag-alis!"
\s5
\c 8
\p
\v 1 Pagkatapos noon, naglakbay si Jesus at ang kaniyang labindalawang alagad sa iba't ibang mga lungsod at mga nayon. Sa kanilang pag-alis, nangaral si Jesus sa mga tao, ipinapahayag ang mga magagandang balita sa nalalapit na paghahayag mismo ng Diyos sa kaniyang sarili bilang hari.
\p
\v 2 Kasama rin nilang naglalakbay ang ilang mga kababaihan na kaniyang napagaling mula sa masasamang espiritu at mga karamdaman. Kasama dito si Maria mula sa nayon ng Magdala na kaniyang napalaya mula sa pitong masasamang espiritu,
\p
\v 3 si Juana, ang asawa ni Cusa isa sa mga tagapamahala ni Haring Herodes Antipas, si Susana at marami pang iba. Sila ang naglalaan ng ilan sa kanilang mga sariling puhunan upang tulungan si Jesus at ang kaniyang mga alagad.
\s5
\p
\v 4 Isang araw, isang napakalaking bilang ng tao ang nagtipun-tipon, dahil naglakbay ang mga tao mula sa iba't ibang bayan upang makita si Jesus. At sinabi niya sa kanila ang kuwentong ito:
\p
\v 5 "Isang lalaki ang pumunta sa kaniyang bukid upang magtanim ng ilang mga halamang butil. Sa kaniyang paghahasik sa lupa, nahulog sa daanan ang ilang mga butil. Pagkatapos, natapakan ng mga tao ang mga butil na ito at tinuka ng mga ibon.
\p
\v 6 Nahulog ang ilang mga butil sa batuhan na walang gaanong lupa. Kaya sa pagtubo ng mga butil, natuyo ang mga halaman dahil sa kawalan ng hamog.
\s5
\p
\v 7 Nahulog ang ilang mga butil sa lupa na may mga buto ng matitinik na halaman. Kasabay na lumaki ng mga matitinik na halaman ang mga halamang butil at naging hadlang upang hindi sila lumaki.
\p
\v 8 Ngunit may ilang mga halamang butil na nahulog sa matabang lupa ang lumago ng mabuti at nagbunga ng pananim na may isang daang ulit tulad ng maraming butil." Matapos niyang sabihin ang mga bagay na ito, sumigaw si Jesus sa kanilang lahat, "Dapat kayong mag-isip ng maingat tungkol sa aking sinabi na inyong narinig!"
\s5
\p
\v 9 At hiniling ng mga alagad ni Jesus na sabihin sa kanila ang ibig sabihin ng kuwento.
\p
\v 10 At kaniyang sinabi, "Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang malaman ang mga mahiwagang bagay kung paano mamumuno ang Diyos bilang hari. Ngunit magsasalita lamang ako sa lahat sa pamamagitan ng mga talinghaga, nang sa gayon, 'Kahit makita man nila, hindi nila mauunawaan, at kahit marinig man nila, hindi nila maiintindihan.'
\s5
\p
\v 11 Ngayon, ito ang ibig sabihin ng kuwento: Kumakatawan sa salita ng Diyos ang mga butil.
\p
\v 12 Ang mga butil na nahulog sa daanan ay nagpapakita kung ano ang mangyayari kapag narinig ng mga tao ang salita ng Diyos ngunit pagkaraan, dumating ang diyablo at kinuha ang salitang ito mula sa kanilang mga isip at puso. Bunga nito, hindi nila ito paniniwalaan at hindi sila maililigtas.
\p
\v 13 Ang mga butil na nahulog sa batuhan ay nagpapakita kung ano ang mangyayari kapag narinig ng mga tao ang salita ng Diyos at tinanggap ito ng may kagalakan ngunit walang malalim na ugat. Dahil dito, maniniwala lamang sila ng panandalian. Sa mga sandaling panahon na makararanas sila ng mga bagay na mahihirap, titigil silang maniniwala sa salita ng Diyos.
\s5
\p
\v 14 Ang mga butil na nahulog sa matitinik na halaman ay nagpapakita kung ano ang mangyayari kapag narinig ng mga tao ang salita ng Diyos ngunit sa kanilang pagtahak ng buhay, hinayaan nila ang mga bagay na tulad ng mga alalahanin, mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito upang maging hadlang sa salita ng Diyos sa kanilang buhay. Dahil dito, hindi sila naging malago sa espiritwal.
\p
\v 15 Ngunit ang mga butil na nahulog sa matabang lupa ay nagpapakita kung ano ang mangyayari kapag narinig ng mga tao ang salita ng Diyos at tinanggap ito ng may marangal at matapat na puso. Masigasig silang naniniwala at sumusunod sa salita kaya magbubunga sila ng mabuting bungang espiritwal.
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos na masindihan ang isang lampara, hindi ito tinatakpan ng mga tao sa isang basket o ilalagay ito sa ilalim ng kama. Sa halip, ilalagay nila ito sa isang ilawan, upang makakakita ang lahat na papasok sa silid sa pamamagitan ng kaniyang liwanag.
\p
\v 17 Nagpapahiwatig ito na maihahayag balang araw ang lahat ng nakatago ngayon. At mabubunyag balang araw ang lahat ng lihim ngayon.
\p
\v 18 Kaya siguraduhin ninyong nakikinig kayo ng mabuti sa aking sinasabi sa inyo, dahil ang Diyos ang may kakayahan sa mga naniniwala ng kaniyang katotohanan upang makaunawa pa ng lubusan. Ngunit ang Diyos ang magdudulot sa mga hindi naniniwala ng kaniyang katotohanan upang hindi maunawaan kahit ang kakaunti na inaakala nilang naiintindihan nila.
\s5
\p
\v 19 Isang araw, dumating ang ina at mga kapatid na lalaki ni Jesus upang makita siya, ngunit hindi sila makalapit sa kaniya dahil sa napakaraming bilang ng tao na nakapalibot sa bahay kung saan siya naroon.
\p
\v 20 At may isa na nagsabi sa kaniya, "Nakatayo sa labas ang iyong ina at mga kapatid na lalaki, nais kang makita."
\p
\v 21 Ngunit sumagot siya sa kanila, "Napakahalaga sa akin na parang aking ina at mga kapatid ang mga nakarinig sa salita ng Diyos at sinusunod ito."
\s5
\q
\v 22 Sa iba pang araw, nakasakay sa isang bangka si Jesus kasama ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, "Nais kong pumunta tayo sa kabilang dako ng lawa." Kaya sinimulan nilang maglayag sa kabilang dako ng lawa.
\p
\v 23 Ngunit habang sila ay naglalayag, nakatulog si Jesus. At isang napakalakas na bagyo ang bumungad sa lawa. Hindi nagtagal, napuno ng tubig ang bangka at nalagay sila sa panganib.
\s5
\p
\v 24 Kaya lumapit ang mga alagad sa kaniya at ginising si Jesus. Sinabi nila sa kanila, "Panginoon! Panginoon! Mamamatay na tayo!" Gumising siya at inutusan ang hangin at ang napakalakas na alon upang huminto at maging payapa. Naging payapa ang lahat ng bagay.
\p
\v 25 At sinabi niya sa kanila, "Bakit napakahina ng inyong pananampalataya?" Nabahala ang mga alagad at namangha dahil sa pangyayari. Patuloy nilang sinasabi sa bawat isa, "Sino ito, na may kakayahang utusan pati ang hangin at tubig, at sumunod ang mga ito sa kaniya?"
\s5
\p
\v 26 Nagpatuloy si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa paglalayag at narating nila ang rehiyon kung saan naninirahan ang mga taong Geraseno na nasa kabilang ibayo ng lawa mula sa distrito ng Galilea.
\p
\v 27 Pagkababa ni Jesus sa bangka, sinalubong siya ng isang hindi kilalang lalaki mula sa bayan sa lugar na iyon. May mga demonyo ang lalaking ito. Matagal na panahon na walang suot na damit ang lalaking ito at hindi nakatira sa isang bahay. Sa halip, nakatira siya sa mga libingang kuweba.
\s5
\q
\v 28 Nang makita niya si Jesus, sumigaw ang lalaki, lumuhod sa harap niya at nagsabi ng may malakas na tinig, "Ano ang kailangan mo sa akin, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Maawa ka sa akin, huwag mo akong pahirapan!
\p
\v 29 "Nasabi ito ng lalaki dahil inutusan ni Jesus na umalis ang masamang espiritu sa kaniya. Kahit pa nakagapos ng mga kadena ang kamay at paa ng lalaki habang binabantayan ng mga tao, maraming ulit na biglaan siyang puwersahang sasaniban ng masamang espiritu. At napuputol ng lalaki ang mga kadena at dinadala siya ng demonyo sa ilang.
\s5
\p
\v 30 At nagtanong si Jesus sa kaniya, "Ano ang iyong pangalan?" Sumagot siya, "Pulutong ang pangalan ko." Nasabi niya ito dahil maraming demonyo ang sumanib sa lalaking ito.
\p
\v 31 Patuloy na nagmakaawa ang mga demonyo kay Jesus na huwag silang utusang pumunta sa isang malalim na hukay kung saan pinaparusahan ng Diyos ang mga demonyo.
\s5
\q
\v 32 May kawan ng baboy na kumakain sa gilid ng burol sa hindi kalayuan. Nakiusap ang mga demonyo kay Jesus na hayaan silang pumasok sa mga baboy at pinayagan naman niya ang mga ito.
\p
\v 33 Kaya iniwan ng mga demonyo ang lalaki at pumasok sa mga baboy, at mabilis na tumakbo pababa ang mga kawan ng baboy sa lawa at nalunod.
\s5
\p
\v 34 Nang makita ng mga lalaking nagbabantay sa mga baboy kung ano ang nangyari, tumakbo sila palayo! Ipinamalita nila sa mga taong-bayan at kabukiran kung ano ang kanilang nakita.
\p
\v 35 At lumabas ang mga tao upang makita ang nangyari. Nang dumating sila kung saan naroon si Jesus, nakita nilang nakaupo sa paanan ni Jesus ang lalaking nilisan ng mga demonyo at nakikinig sa kaniya. Nakita nilang may suot na siyang damit at muling nasa katinuan at natakot sila.
\s5
\p
\v 36 Sinabi ng mga lalaking nakakita ang nangyari sa mga taong kararating kung paano pinagaling ni Jesus ang lalaking dating sinasaniban ng mga demonyo.
\p
\v 37 At maraming tao mula sa palibot ng rehiyon ng Geraseno ang nakiusap kay Jesus na lumayo sa kanilang lugar dahil lubos silang natakot. Kaya sumakay ng bangka si Jesus at ang mga alagad upang bumalik sa kabilang dako ng lawa.
\s5
\p
\v 38 Bago sila umalis, nagmakaawa kay Jesus ang lalaking nilisan ng mga demonyo, na nagsasabi, "Pakiusap, hayaan mo akong sumama sa iyo! "Ngunit sa halip, pinaalis siya ni Jesus sa pagsasabi sa kaniya na,
\p
\v 39 "Hindi, bumalik ka sa inyong bahay at sabihin sa mga tao kung ano ang ginawa ng Diyos para sa iyo!" Kaya umalis ang lalaki at sinabi sa mga tao sa buong bayan ang ginawa ni Jesus para sa kaniya.
\s5
\p
\v 40 At bumalik si Jesus at ang mga alagad sa kabilang lawa papuntang Capernaum. Naghihintay doon ang napakaraming tao para sa kaniya at kanilang sinalubong.
\p
\v 41 Hindi nagtagal, isang lalaki na nagngangalang Jairo ang lumapit kay Jesus, isa siya sa mga pinuno ng sinagoga roon at lumuhod sa kaniyang harapan. Nakiusap siya kay Jesus upang sumama sa kaniyang bahay
\v 42 dahil malapit nang mamatay ang kaniyang kaisa-isang anak na babaeng nasa labindalawang taon at nais niyang pagalingin siya ni Jesus. Ngunit sa pag-alis ni Jesus, maraming tao ang nagsisiksikan sa kaniya.
\s5
\p
\v 43 Ngayon, sa napakaraming tao ay may isang babaeng nagdurusa nang labindalawang taon dahil sa isang karamdamang nagdudulot ng patuloy na pagdurugo. Nagamit na niya ang lahat ng kaniyang pera sa pagbabayad ng mga manggagamot upang tulungan siya, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakagamot sa kaniya.
\p
\v 44 Pumunta siya sa likuran ni Jesus at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit. At agad na huminto ang kaniyang pagdurugo.
\s5
\v 45 Sinabi ni Jesus, "Sino ang humipo sa akin?" Bagaman sinasabi ng lahat na nasa palibot ni Jesus na hindi siya hinipo, sinabi ni Pedro, "Panginoon, maraming tao ang nagsisiksikan sa palibot mo at nanggigitgit sa inyo, kaya kahit sinuman sa kanila ang maaaring humipo sa inyo!"
\p
\v 46 Ngunit sinabi ni Jesus, "Alam kong may isang tao na sadyang humipo sa akin, dahil lumabas ang kapangyarihan mula sa akin upang pagalingin ang taong iyon."
\s5
\v 47 At nang mapagtanto ng babae na hindi niya maitago, lumapit siyang nanginginig sa kaniya at lumuhod sa harap niya. Habang nakikinig ang ibang tao, sinabi niya kay Jesus ang dahilan ng paghipo niya sa kaniya at ang agad niyang paggaling.
\v 48 At sinabi ni Jesus sa kaniya, "Anak, dahil sa nanampalataya kang mapapagaling kita, magaling ka na ngayon. Ngayon, humayo ka at sumaiyo nawa ang kapayapaan ng Diyos."
\s5
\p
\v 49 Habang nagsasalita pa lamang siya sa kaniya, isang lalaki mula sa bahay ni Jairo ang dumating at sinabi kay Jairo, "Patay na ang iyong anak. Kaya huwag mo nang gambalain pa ang guro!"
\p
\v 50 Ngunit nang marinig iyon ni Jesus, sinabi niya kay Jairo, "Huwag kang matakot. Manampalataya ka lamang sa akin at mabubuhay siyang muli."
\s5
\v 51 Nang dumating siya sa labas ng bahay, hindi pinayagan ni Jesus ang sinuman na sumama sa kaniya na pumasok sa bahay maliban kina Pedro, Juan, at Santiago, at ang ina at ama ng batang babae.
\v 52 Umiiyak ng malakas ang lahat ng taong naroroon upang ipakita ang kanilang labis na kalungkutan dahil sa pagkamatay ng batang babae. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, "Tumigil kayo sa pag-iyak! Hindi siya patay! Natutulog lamang siya!"
\v 53 At nagtawanan ang lahat ng tao sa kaniya dahil alam nilang patay na ang batang babae.
\s5
\p
\v 54 Ngunit hinawakan ni Jesus ang kaniyang kamay at kaniyang tinawag, nagsasabi, "Bata, tumayo ka!"
\v 55 At agad na bumalik ang espiritu sa kaniyang katawan at tumayo siya. Sinabi ni Jesus na bigyan siya ng anumang makakain upang kainin.
\v 56 At namangha ang kaniyang mga magulang, ngunit pinagsabihan sila ni Jesus sa kanila na huwag sabihin kahit kaninuman kung ano ang nangyari.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Pagkatapos, tinawag ni Jesus ang kaniyang labindalawang alagad at binigyan sila ng karapatan at kapangyarihan na magpalayas ng lahat ng uri ng demonyo at magpagaling ng mga karamdaman ng mga tao.
\q
\v 2 Isinugo niya sila upang magpagaling ng mga tao at upang ituro sa kanila kung papaano ipapakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari.
\s5
\p
\v 3 Bago sila umalis, sinabi niya sa kanila, "Huwag kayong magdala ng kahit na anong bagay sa inyong paglalakbay. Huwag kayong magdala ng tungkod o lalagyan ng gamit sa paglalakbay o pagkain man o pera. Huwag magdala ni dagdag na bihisan.
\p
\v 4 Saan mang bahay kayo tutuloy, manatili kayo sa bahay na iyon hanggang sa lisanin ninyo ang lugar na iyon.
\s5
\p
\v 5 Sa bayan kung saan hindi kayo tinanggap ng mga tao, hindi kayo dapat patuloy na manatili doon. Sa pag-alis ninyo sa bayan na iyon, pagpagin ninyo ang alikabok sa inyong mga paa. Gawin ninyo iyon bilang babala laban sa kanila dahil sa pagtanggi sa inyo."
\q
\v 6 Pagkatapos, umalis ang mga alagad ni Jesus at naglakbay sa maraming nayon. Sa bawat lugar na pinuntahan nila, sinabi nila sa mga tao ang tungkol sa magandang balita mula sa Diyos at nagpagaling ng mga taong may sakit.
\s5
\p
\v 7 Narinig ni Herodes, ang pinuno sa distrito ng Galilea ang lahat ng nangyayari. Nabagabag siya sapagkat sinasabi ng ibang tao na nabuhay muli si Juan na Tagapagbautismo.
\p
\v 8 Sinasabi ng ibang tao na muling nagpakita si propeta Elias at sinasabi rin ng iba na ang isang propeta noong unang panahon ay muling nabuhay.
\p
\v 9 Ngunit sinabi ni Herodes, "Hindi maaaring si Juan iyon dahil pinapugutan ko siya. Kaya sino itong tao na naririnig ko?" At patuloy siyang naghahanap ng paraan upang makita si Jesus.
\s5
\p
\v 10 Nang makabalik ang mga apostol mula sa kanilang paglalakbay, sinabi nila kay Jesus ang lahat ng kanilang ginawa. At ibinukod niya sila upang sumama sa kaniya sa bayan ng Bethsaida.
\p
\v 11 Ngunit nang marinig ng napakaraming tao kung saan pumunta si Jesus, sinundan nila siya doon. Malugod niya silang tinanggap at sinabi sa kanila kung papaano ipapakita ng Diyos sa nalalapit na panahon ang kaniyang sarili bilang hari at pinagaling niya ang mga may sakit.
\s5
\p
\v 12 At nang gumagabi na, lumapit sa kaniya ang labindalawang alagad at sinabi, "Pakiusap paalisin mo itong napakaraming tao para sila ay pumunta sa mga kalapit na nayon at bukid para kumuha ng pagkain at makahanap ng matutuluyan dahil tayo ay nasa ilang na lugar."
\p
\v 13 Ngunit sinabi niya sa kanila, "Dapat ninyo silang bigyan ng makakain!" Sumagot sila, "Mayroon lamang kaming limang maliliit na tinapay at dalawang maliliit na isda. Hindi kami makabibili ng sapat na pagkain para sa lahat ng taong ito!"
\p
\v 14 Sinabi nila ito dahil limanlibong mga lalaki ang naroon. At sinabi ni Jesus sa mga alagad, "Sabihin ninyo sa mga tao na umupo ng nakagrupo, na may limampu sa bawat grupo."
\s5
\p
\v 15 Kaya ginawa iyon ng mga alagad at umupo ang lahat ng tao.
\p
\v 16 Pagkatapos, kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda. Tumingin siya sa langit at nagpuri sa Diyos dahil sa mga ito. Hinati-hati niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad para ibigay sa mga tao.
\p
\v 17 Kumain silang lahat at may sapat na pagkain para sa lahat. Tinipon ng mga alagad ang mga tirang pagkain at napuno ang labindalawang basket!
\s5
\p
\v 18 Isang araw habang nananalangin si Jesus nang mag-isa, lumapit sa kaniya ang mga alagad at tinanong sila ni Jesus, "Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kung sino ako?"
\q
\v 19 Sumagot sila, "Sinasabi ng ibang tao na ikaw si Juan na Tagapagbautismo ngunit sinasabi naman ng iba na ikaw si propetang Elias at sinasabi rin ng iba na isa ka sa mga propeta noong unang panahon na muling nabuhay."
\s5
\p
\v 20 Tinanong sila ni Jesus, "Kayo naman? Ano ang masasabi ninyo tungkol sa akin?" Sumagot si Pedro, "Ikaw ang Mesiyas na mula sa Diyos."
\p
\v 21 Mahigpit silang binalaan ni Jesus na huwag munang sabihin iyon sa kahit na sino.
\p
\v 22 At sinabi niya sa kanila, "Ako, ang Anak ng Tao ay dapat dumanas ng maraming bagay: hindi ako tatanggapin ng mga nakatatanda, mga punong pari at mga tagapagturo ng kautusan ng Judio at ako ay papatayin. At sa ikatlong araw, mabubuhay akong muli."
\s5
\p
\v 23 At sinabi niya sa kanilang lahat, "Kung may nagnanais sa inyo na sumunod bilang alagad ko, hindi lamang ang ninanais ninyong gawin ang dapat ninyong gawin. Sa halip, sa bawat araw dapat kayong nakahanda na magdusa, kahit hanggang sa kamatayan.
\p
\v 24 Nararapat na gawin ninyo iyon dahil mawawala magpakailanman ang buhay ng mga taong sumusubok na iligtas ang kanilang buhay para sa kanilang sarili ngunit magpakailanman na maililigtas ang buhay ng mga taong isinuko ang kanilang sariling buhay dahil sila ay mga alagad ko.
\p
\v 25 Ano ang mapapala ninyo kung makakamit ninyo ang lahat sa mundong ito ngunit sa huli ay mawawala o mapapahamak ang inyong sarili?
\s5
\p
\v 26 Ang mga taong tinatanggihan ang aking mensahe at hindi sinasabi na sila ay sa akin, ako, ang Anak ng Tao ay hindi rin sasabihin na sila ay akin kung ako ay babalik taglay ang aking kaluwalhatian at ang kaluwalhatian ng Ama at ng mga banal na anghel.
\q
\v 27 Ngunit sinasabi ko sa inyo ang katotohanang ito: Ang ilan sa inyong nakatayo rito ngayon ay hindi mamamatay hanggang sa ipakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari!"
\s5
\p
\v 28 Halos walong araw pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang iyon, isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago at umakyat sila sa bundok upang manalangin doon.
\p
\v 29 Habang siya ay nananalangin, nag-iba ng labis ang kaniyang mukha at nagniningning sa kaputian at nagliliwanag na parang kidlat ang kaniyang kasuotan.
\s5
\p
\v 30 Biglang may dalawang propeta noong unang panahon ang naroroon na nakikipag-usap kay Jesus, sila ay sina Moises at Elias.
\q
\v 31 Nagpakita sila na napapalibutan ng kaluwalhatian at nakipag-usap kay Jesus tungkol sa kaniyang paglisan na malapit ng matupad sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 32 Lubhang inaantok sina Pedro at ang ibang alagad na kasama niya. Nang magising sila, nakita nila ang kaluwalhatian ni Jesus, nakita rin nila ang dalawang lalaki na nakatayo kasama niya.
\p
\v 33 Nang iiwan na nina Moises at Elias si Jesus, sinabi ni Pedro sa kaniya, "Panginoon, mabuti at naririto tayo! Marapat na gumawa tayo ng tatlong silungan, isa para sa iyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias!" Ngunit hindi niya nalalaman ang kaniyang sinasabi.
\s5
\p
\v 34 Habang sinasabi niya ang mga ito, namuo ang ulap at nilukuban sila. Natakot ang mga alagad habang pinapalibutan sila ng ulap.
\p
\v 35 Sinabi sa kanila ng tinig ng Diyos mula sa ulap, "Ito ang aking Anak na aking pinili, makinig kayo sa kaniya!
\v 36 Nang matapos magsalita ang tinig, nakita ng tatlong alagad na si Jesus na lamang ang naroon. Nanahimik sila at sa mahabang panahon, wala silang pinagsabihan ng kanilang nasaksihan.
\s5
\p
\v 37 Sa sumunod na araw, nang bumaba sila mula sa bundok, sumalubong kay Jesus ang napakaraming tao.
\p
\v 38 Biglang may lalaking sumigaw mula sa maraming tao, "Guro, nakikiusap ako sa iyo, tulungan mo ang aking anak! Siya ang nag-iisa kong anak.
\p
\v 39 Sinaniban siya ng isang masamang espiritu kaya siya sumisigaw. Pinangingisay siya nito at pinapabula ang kaniyang bibig. Bihira itong umalis sa aking anak at kung umalis man ito labis nitong sinasaktan ang bata.
\p
\v 40 Nakiusap ako sa inyong mga alagad upang utusan ang masamang espiritu na lumabas sa kaniya ngunit hindi nila magawa!"
\s5
\p
\v 41 Bilang tugon, sinabi ni Jesus, "Hindi naniniwala ang salinlahi na ito at masasama ang inyong mga kaisipan! Gaano katagal ako dapat manatili sa inyo bago kayo maniwala?" At sinabi niya sa ama ng batang lalaki, "Dalhin mo ang iyong anak sa akin!"
\p
\v 42 Habang dinadala nila ang bata sa kaniya ibinagsak ng demonyo ang bata sa lupa at matindi siyang pinangisay. Ngunit sinaway ni Jesus ang masamang espiritu at pinagaling ang bata. Pagkatapos, ibinalik niya ang bata sa kaniyang ama.
\s5
\v 43 At labis na namangha ang lahat ng tao na naroon sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Habang namamangha pa rin sila sa mga himala na ginagawa ni Jesus, sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
\p
\v 44 "Makinig kayong mabuti sa aking sasabihin, Ako, ang Anak ng Tao, ay malapit nang ipasakamay sa aking mga kaaway."
\v 45 Ngunit hindi naunawaan ng mga alagad ang ibig niyang sabihin. Hinadlangan ng Diyos na maunawaan nila ito upang hindi muna nila malaman ang ibig niyang sabihin at natatakot naman silang magtanong sa kaniya tungkol sa kaniyang sinabi.
\s5
\p
\v 46 Minsan, nagtalo-talo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakamahalaga.
\v 47 Ngunit alam ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya kumuha siya ng isang bata at pinatayo sa kaniyang tabi.
\v 48 Sinabi niya sa kanila, "Ang sinumang tumatanggap sa maliit na batang tulad nito dahil sa akin, tinatanggap din niya ako. At ang sinuman na tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang Diyos na nagsugo sa akin. Tandaan ninyo, itinuturing ng Diyos na pinakamahalaga ang mga tila pinakamababa sa inyo.
\s5
\p
\v 49 Sumagot si Juan kay Jesus, "Panginoon, nakita namin ang isang taong gumagamit ng iyong pangalan para magpalayas ng demonyo mula sa mga tao. Kaya sinabihan namin siya na itigil ang kaniyang ginagawa dahil hindi siya kabilang sa mga sumusunod sa iyo."
\p
\v 50 Ngunit sinabi ni Jesus, "Huwag ninyo siyang pigilang gawin iyon! Kung hindi gumagawa ang isang tao ng nakasasama sa inyo, ang ginagawa niya ay nakatutulong sa inyo!"
\s5
\p
\v 51 Nang papalapit na ang araw ng pagkuha ng Diyos sa kaniya sa langit. Ipinasya ni Jesus na pumunta sa Jerusalem.
\v 52 Nagsugo siya ng ilang mensahero na mauna sa kaniya at dumating sila sa isang nayon sa rehiyon ng Samaria upang ihanda ang pagpunta niya roon.
\v 53 Ngunit ayaw ng mga Samaritano na papasukin si Jesus sa kanilang nayon dahil siya ay papunta sa Jerusalem.
\s5
\v 54 Nang marinig iyon ng kaniyang dalawang alagad na sina Santiago at Juan, sinabi nila, "Panginoon, gusto mo bang hilingin namin sa Diyos na magpababa ng apoy mula sa langit upang tupukin ang mga taong iyon?"
\v 55 Ngunit bumaling si Jesus sa kanila at mahigpit niya silang pinagsabihan na nagkakamali sila na sabihin iyon.
\v 56 Kaya pumunta sila sa ibang nayon.
\s5
\p
\v 57 Habang naglalakad si Jesus at ang mga alagad sa daan, may nagsabi sa kaniya, "Sasama ako sa iyo saan ka man magpunta!"
\p
\v 58 Sumagot si Jesus, "May lungga sa lupa na titirhan ang mga asong gubat at may mga pugad naman ang mga ibon, ngunit ako, ang Anak ng Tao ni bahay na tutulugan ay wala!"
\s5
\v 59 Sinabi ni Jesus sa isa pang tao, "Sumunod ka sa akin!" Ngunit sinabi niya kay Jesus, "Panginoon, hayaan mo muna akong umuwi at ilibing ang aking ama."
\p
\v 60 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "Hayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay, ngunit pumunta ka at sabihin sa mga tao sa lahat ng dako na malapit nang ipakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari!"
\s5
\p
\v 61 May iba pang nakapagsabi, "Panginoon, sasama ako sa iyo at maging isang alagad mo, ngunit hayaan mo muna akong umuwi at magpaalam sa aking pamilya."
\p
\v 62 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ang sinumang nag-aararo ng kaniyang bukid at lumilingon sa kaniyang likuran ay hindi makapaglilingkod sa Diyos sa panahon ng kaniyang paghahari."
\s5
\c 10
\p
\v 1 At pagkatapos, nagtalaga ang Panginoong Jesus ng pitumpung ibang tao upang mangaral. Hinanda niya sila sa paghayo ng dala-dalawa upang mauna sa kaniya sa bawat bayan at nayon kung saan niya nais puntahan.
\p
\v 2 Sinabi niya sa kanila, "Tiyak na napakarami ng ani, ngunit kakaunti ang manggagawa. Kaya manalangin kayo sa Panginoon ng ani at makiusap sa kaniya upang magpadala ng marami pang manggagawa upang anihin ang kaniyang ani.
\s5
\p
\v 3 Pumunta na kayo, ngunit tandaan ninyo na isinusugo ko kayo upang sabihin ang aking mensahe sa mga taong susubok na iwasan kayo. Magiging katulad kayo ng mga tupa na nasa kalagitnaan ng mga lobo.
\p
\v 4 Huwag magdadala ng anumang pera. Huwag magdadala ng lalagyang panglakbay. Huwag magdadala ng isa pang pares ng sapatos. Huwag huminto para batiin ang mga tao sa daan.
\s5
\p
\v 5 Sa tuwing papasok kayo sa isang tahanan, ang una ninyong sasabihin sa mga tao, 'Bigyan nawa kayo ng Diyos ng kapayapaan sa sinumang nasa bahay na ito!
\p
\v 6 Kung nagnanais magkaroon ng kapayapaan ng Diyos ang mga nakatira doon, mararanasan nila ang kapayapaan na hinahandog ninyo sa kanila. Kung hindi nagnanais magkaroon ng kapayapaan ng Diyos ang mga naninirahan doon, babalik sa inyo ang kapayapaan na inyong hinandog sa kanila.
\p
\v 7 Manatili kayo sa iisang tahanan hanggang sa inyong pag-alis sa nayong iyon. Huwag magpalipat-lipat sa iba't ibang tahanan. Kainin at inumin ang anumang kanilang ihahanda sa inyo, dahil nararapat tumanggap ang manggagawa ng bayad para sa kaniyang trabaho.
\s5
\p
\v 8 Sa tuwing papasok kayo sa isang bayan at malugod kayong tinanggap ng mga tao, kainin ang anumang pagkain na kanilang ihahanda para sa inyo.
\p
\v 9 Pagalingin ang sinumang may sakit doon. Sabihin ninyo sa kanila, 'Malapit ng mamuno ang Diyos sa lahat ng dako bilang hari.'
\s5
\p
\v 10 Ngunit kung pumasok kayo sa isang bayan at hindi kayo malugod na tinanggap ng mga tao roon, pumunta kayo sa mga pangunahing daan at sabihin,
\p
\v 11 'Bilang isang babala laban sa inyo, pupunasan namin kahit ang alikabok na kumapit sa aming mga paa sa aming pag-alis sa inyong bayan. Ngunit makakatiyak kayo dito; malapit nang mamuno ang Diyos sa lahat bilang hari.'
\p
\v 12 Sasabihin ko sa inyo na sa huling araw kapag hinatulan na ng Diyos ang bawat isa, mapaparusahan ng mas mahigpit ang mga tao sa bayang iyon kaysa sa mga masasamang tao na namuhay noong unang panahon sa lungsod ng Sodoma!
\s5
\p
\v 13 Gaano ito nakatatakot para sa inyong mga nakatira sa mga lungsod ng Corazin at Betsaida, dahil ayaw ninyong magsisi! Kung ginawa ko sa sinaunang lungsod ng Tiro at Sidon ang mga himala na aking ginawa para sa inyo, magpapakita ng pagsisi ang mga masasamang taong nakatira doon noong unang panahon sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-upo sa lupa na nakasuot ng damit at paglalagay ng abo sa kanilang mga ulo.
\p
\v 14 Kaya sa huling araw kapag hahatulan na ng Diyos ang bawat isa, paparusahan kayo ng mas mahigpit kaysa sa mga masasamang tao na nakatira sa Tiro at Sidon dahil hindi kayo nagsisi at nanampalataya sa akin kahit nakita na ninyo na gumawa ako ng mga himala!
\p
\v 15 Mayroon din akong ilang bagay na sasabihin sa inyo na nakatira sa bayan ng Capernaum. Naisip ba ninyo na pararangalan kayo sa langit? Sa katunayan, ibababa kayo sa lugar ng mga patay!"
\s5
\p
\v 16 Sinabi din ni Jesus sa mga alagad, "Nakikinig sa akin ang sinumang nakikinig sa inyong mensahe at tumatanggi sa akin ang sinumang tumatanggi sa inyong mensahe. At tumatanggi sa Diyos ang sinumang tumatanggi sa akin na siyang nagsugo sa akin."
\s5
\p
\v 17 Umalis at ginawa ng pitumpung mga tao na hinirang ni Jesus ang mga pinagagawa sa kanila. Nang bumalik sila, lubos silang nagalak. Sinabi nila, "Panginoon, sumusunod sa amin kahit ang mga masasamang espiritu kapag inutusan namin silang umalis sa mga tao gamit ang iyong kapangyarihan!
\p
\v 18 Sumagot siya, "Habang naroon kayo at ginagawa ang mga iyon, nakita ko si Satanas na biglang nahulog mula sa langit at mabilis na bumulusok tulad ng tama ng kidlat!
\p
\v 19 Makinig kayo! Binigyan ko kayo ng karapatang salakayin ang mga masasamang espiritu. Hindi nila kayo sasaktan. Binigyan ko kayo ng karapatang maging malakas kaysa sa inyong kaaway, na si Satanas. Walang sinuman ang maaaring mananakit sa inyo.
\p
\v 20 Ngunit habang nagagalak kayo na sumusunod sa inyo ang mga masasamang espiritu, lalo pa kayong magalak dahil naisulat na sa langit ang inyong mga pangalan."
\s5
\p
\v 21 Pagkatapos, napuno si Jesus ng labis na kagalakan mula sa Banal na Espiritu. Sinabi niya, "Ama, ikaw ang Panginoon sa lahat ng bagay sa langit at sa lupa. Iniisip ng ilang mga tao na matatalino sila dahil sa kanilang pinag-aralan. Ngunit pinupuri kita dahil pinigilan mo sila na malaman ang mga bagay na ito. Sa halip, inihayag mo ang mga ito sa mga taong maluwag sa loob na tinatanggap ang iyong katotohanan tulad ng maliliit na bata. Oo, Ama, ginawa mo ito dahil kinalulugod mong gawin ito."
\s5
\p
\v 22 Sinabi rin ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Binigay sa akin ng Diyos, na aking Ama, ang lahat-lahat. Tanging ang aking Ama lamang ang tunay na nakakakilala sa akin, ang kaniyang Anak. Dagdag pa rito, ako lamang, ang Anak, ang tanging nakakakilala kung sino ang Ama ang ibig sabihin, ako lang at ang mga taong pinili kong ihayag ang Ama sa kanila, ang siyang tanging nakakakilala sa kaniya."
\s5
\p
\v 23 Pagkatapos, nang ang mga alagad na lamang ang kaniyang kasama, lumingon siya sa kanila at sinabi, "Binigyan kayo ng Diyos ng isang dakilang regalo nang hinayaan niya kayong makita ang mga bagay na aking ginawa!
\p
\v 24 Gusto kong malaman ninyo na ninais na makita ng maraming mga propeta at mga hari na nabuhay noong unang panahon ang mga bagay na aking ginawa, ngunit hindi nila ito nakita, dahil hindi nangyari ang mga ito noon. Inaasam nilang marinig ang mga bagay na narinig ninyong sinabi ko, ngunit hindi ko pa ipinahayag ang mga ito sa panahong iyon."
\s5
\p
\v 25 Isang araw habang nagtuturo si Jesus sa mga tao, may isang guro ng mga kautusan ng Judio ang naroon. Gusto niyang subukan si Jesus sa pamamagitan ng isang mahirap na tanong. Kaya tumayo siya at nagtanong, "Guro, ano ang dapat kong gawin upang mabuhay kasama ang Diyos magpakailanman?"
\p
\v 26 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Nabasa mo ang isinulat ni Moises sa mga kautusan na ibinigay ng Diyos sa kaniya. Ano ang sinasabi ng kautusan?"
\p
\v 27 Sumagot ang lalaki, "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, nang buong kaisipan. At ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili."
\p
\v 28 Sumagot si Jesus, "Tama ang iyong sinagot. Kung gagawin mo ang lahat ng iyon, mabubuhay ka kasama ang Diyos magpakailanman."
\s5
\p
\v 29 Ngunit nais ng lalaki na maghanap ng katuwiran upang ipagtanggol ang paraan ng kaniyang pakikitungo sa ibang mga tao. Kaya sinabi niya kay Jesus, "Sino sa kanila ang aking kapwa na dapat kong mahalin?"
\p
\v 30 Sumagot si Jesus, "Isang araw, naglalakbay ang isang lalaking Judio sa daan mula Jerusalem patungong Jerico. Habang naglalakbay siya, sinalakay siya ng isang pangkat ng mga masasamang loob. Kinuha nila halos lahat ng kaniyang mga damit at lahat ng anumang bagay na mayroon siya, at binugbog siya hanggang halos mamatay siya. Pagkatapos, iniwan nila siya.
\s5
\p
\v 31 Nagkataon na may isang paring Judio na naglalakbay din sa parehong daan. Nang makita niya ang lalaki, sa halip na tulungan siya, dumaan siya sa kabilang tabi ng daan.
\p
\v 32 Katulad din ng isang Levita na nagtratrabaho sa templo ng Diyos, dumating sa lugar na iyon at nakita ang lalaki. Ngunit dumaan din siya sa kabilang tabi ng daan.
\s5
\p
\v 33 Pagkatapos, isang taong mula sa rehiyon ng Samaria ang napagawi sa daanan kung saan nakahandusay ang lalaki. Nang makita niya ang lalaking iyon, nahabag siya.
\p
\v 34 Lumapit siya sa kaniya at nilagyan ng ilang langis ng olibo at alak ang mga sugat upang tulungang gumaling ang mga ito. Binalutan ng mahabang piraso ng tela sa mga sugat. Pagkatapos inilagay niya ang lalaki sa kaniyang sariling asno at idinala siya sa bahay-tuluyan at inalagaan.
\p
\v 35 Kinabukasan binigyan niya ng dalawang pilak na barya ang namamahala ng bahay-tuluyan at sinabi, 'Alagaan mo ang lalaking ito. Kung mas higit pa sa kabuuang halagang ito ang iyong magagastos sa pag-alaga sa kaniya, babayaran kita sa aking pagbalik."'
\s5
\p
\v 36 Pagkatapos, sinabi ni Jesus, "Tatlong tao ang nakakita sa lalaki na sinalakay ng pangkat ng masasamang loob. Sino sa kanila ang tunay na naging kapwa ng lalaking iyon?"
\p
\v 37 Sumagot ang guro ng kautusan, "Ang siyang kumilos ng may pagkaawa sa kaniya." Sumagot si Jesus sa kaniya, "Tama ka, kaya ngayon dapat humayo ka at kumilos ng tulad nito sa bawat isa na iyong tutulungan!"
\s5
\p
\v 38 Habang patuloy na naglalakbay si Jesus at ang kaniyang mga alagad, pumasok sila sa isang nayon malapit sa Jerusalem. Inimbitahan sila ng isang babaeng nagngangalang Marta upang pumunta sa kaniyang tahanan.
\p
\v 39 Nakaupo ang kaniyang nakababatang kapatid, na nagngangalang Maria, malapit sa paanan ni Jesus. Nakikinig siya sa mga tinuturo ni Jesus.
\s5
\p
\v 40 Ngunit labis-labis ang pag-aalala ni Marta tungkol sa paghahanda ng pagkain. Pumunta siya kay Jesus at sinabi, "Panginoon, hindi ba kayo nababahala na iniwan ako ng aking kapatid na mag-isang naghahanda ng lahat ng bagay? Pakiusap na sabihan ninyo siya na tulungan ako!"
\p
\v 41 Ngunit sumagot ang Panginoon, "Marta, Marta, labis kang nag-aalala sa maraming bagay.
\v 42 Ngunit isang bagay lang ang tunay na kinakailangan, ang makinig sa aking itinuturo. Pinili ni Maria ang pinakamabuti. Hinding-hindi makukuha mula sa kaniya ang pagpapala na kaniyang matatanggap mula sa paggawa nito."
\s5
\c 11
\p
\v 1 Isang araw, nananalangin si Jesus sa isang lugar. Pagkatapos niyang manalangin, sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang alagad, "Panginoon, turuan mo kami kung ano ang aming sasabihin kapag kami ay mananalangin tulad ni Juan na tinuruan ang kaniyang alagad!"
\s5
\p
\v 2 Sinabi niya sa kanila, "Kapag kayo ay mananalangin, sabihin ninyo ang mga bagay tulad nito, 'Ama, nawa ay parangalan ng lahat ng tao ang pagkabanal ng iyong pangalan. Nawa ay malapit na ang iyong paghahari sa lahat ng tao sa lahat ng dako.
\s5
\p
\v 3 Bigyan mo kami ng pagkain na aming kailangan sa araw-araw.
\p
\v 4 Patawarin mo kami sa mga maling bagay na aming ginawa, tulad ng dapat naming pagpapatawad sa mga taong nakagawa sa amin ng kamalian. Tulungan mo kaming huwag magkasala kung kami ay natutukso."
\s5
\p
\v 5 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, "Ipagpalagay na sa hatinggabi pumunta ang isa sa inyo sa bahay ng isang kaibigan. Ipagpalagay na nakatayo ka sa labas at isinisigaw sa kaniya, 'Aking kaibigan, maaari mo ba akong bigyan ng tatlong tinapay!
\p
\v 6 Kararating lang sa aking bahay ng isa kong kaibigan na naglalakbay ngunit wala akong nakahandang pagkain na ihahain sa kaniya!'
\p
\v 7 Ipagpalagay na sumagot siya sa iyo mula sa loob ng bahay, 'Huwag mo akong gambalain, nakakandado na ang pinto at nakahiga na ang lahat ng aking pamilya. Kaya hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo ng anuman!'
\p
\v 8 Sinasabi ko sa inyo, hindi man niya gustong bumangon at magbigay sa iyo ng pagkain kahit na ikaw ay kaibigan niya, ngunit dahil nagpupumilit ka na humingi sa kaniya, siya ay tiyak na babangon at magbibigay sa iyo ng anumang kailangan mo.
\s5
\p
\v 9 Kaya sinasabi ko sa inyo ito: Patuloy na humingi sa Diyos ng inyong kailangan at ibibigay niya ito sa inyo. Patuloy na hanapin ang kaniyang kalooban at ipapakita niya ito sa inyo. Patuloy na manalangin sa Diyos tulad ng isang tao na kumakatok sa pinto at bubuksan niya ang daan para matanggap ninyo ang inyong ipinapanalangin.
\p
\v 10 Tandaan ninyo na makatatanggap ang sinumang humihingi at makatatagpo ang sinumang naghahanap at pagbubuksan ng pinto ang sinumang kumakatok.
\s5
\q
\v 11 Kung isa sa inyo ay may anak na humingi sa inyo ng isda para kainin, tiyak na hindi ninyo siya bibigyan ng makamandag na ahas, hindi ba?
\p
\v 12 At kung humingi siya sa inyo ng itlog, tiyak na hindi ninyo siya bibigyan ng alakdan, hindi ba?
\p
\v 13 Kahit na kayong mga tao ay makasalanan, alam ninyong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak. Kaya higit na tiyak na ibibigay ng inyong Ama sa langit ang Banal na Espiritu sa inyo kung hihingiin ninyo sa kaniya na gawin iyon."
\s5
\p
\v 14 Isang araw, may isang lalaking naroon na hindi nakapagsasalita dahil isang demonyo ang pumipigil sa kaniya. Pagkatapos palayasin ni Jesus ang demonyo, nagsimulang magsalita ang lalaki. Namangha ang karamihan ng mga tao na naroon.
\p
\v 15 Ngunit sinabi ng ilan sa kanila, "Si Beelzebul, ang pinuno ng mga demonyo, ang nakapagbibigay ng kakayahan sa taong ito upang magpalayas ng mga demonyo!"
\s5
\p
\v 16 Hiniling sa kaniya ng ibang mga taong naroon na gumawa ng isang himala upang patunayan na siya ay mula sa Diyos.
\p
\v 17 Ngunit alam niya ang kanilang iniisip. Kaya sinabi niya sa kanila, "Kung naglalaban-laban ang mga tao sa isang bansa, mawawasak ang kanilang bansa. Kung nagaaway-away ang mga tao sa isang sambahayan, maghihiwa-hiwalay ang kanilang pamilya.
\s5
\p
\v 18 Ganoon din, kung naglalaban-laban si Satanas at ang kaniyang mga demonyo, tiyak na hindi magtatagal ang kaniyang pamumuno sa kanila! Sinasabi ko ito dahil sinasabi ninyo na nagpapalayas ako ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo!
\p
\v 19 Ngayon, kung totoong si Satanas ang nagbibigay sa akin ng kakayahan na magpalayas ng demonyo, totoo din ba na nagpapalayas ang inyong mga alagad ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Satanas? Hindi! Kaya pinatutunayan nila na mali kayo.
\p
\v 20 Ngunit dahil sa nagpapalayas ako ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, pinapakita ko sa inyo na nagsimula nang maghari ang Diyos sa inyo."
\s5
\p
\v 21 Nagpatuloy si Jesus, "Kung binabantayan ng isang malakas na tao na may maraming sandata ang kaniyang sariling bahay, walang makakapagnakaw sa mga kagamitan sa kaniyang bahay.
\p
\v 22 Ngunit kung sasalakayin ng taong mas malakas ang taong iyon at pasukuin siya, kukunin niya ang mga sandata na pinagkakatiwalaan ng taong iyon, at makukuha niya ang anumang gusto niya sa bahay ng taong iyon.
\p
\v 23 Ang sinumang hindi umaayon sa akin ay lumalaban sa akin at ang sinumang hindi nagpapalapit ng mga tao sa akin ang siyang nagpapalayo ng mga tao mula sa akin.
\s5
\p
\v 24 At sinabi ito ni Jesus, "Minsan, kung aalis ang masamang espiritu sa isang tao, gumagala ito sa mga ilang na lugar na naghahanap ng kapahingahan. Kung wala itong mahanap, sasabihin nito sa kaniyang sarili, 'Babalik ako sa tao kung saan ako dating nakatira!'
\p
\v 25 Kaya babalik ito at matatagpuan na ang taong iyon ay tulad ng isang bahay na nilinisan at inayos ngunit wala pa ring nakatira.
\p
\v 26 Pagkatapos, pupunta ang masamang espiritu at magsasama pa ng pitong ibang espiritu na mas masama pa kaysa sa kaniya. Papasok silang lahat sa taong iyon at doon na maninirahan. Kung kaya, kahit masama ang kalagayan ng taong iyon noon, ngayon naging mas malala pa."
\s5
\p
\v 27 Nang sinabi iyon ni Jesus, isang babaeng nakikinig ang sumigaw sa kaniya ng malakas, "Labis na pinagpala ng Diyos ang babaeng nagsilang sa iyo at nagpasuso sa iyo!"
\p
\v 28 At sumagot siya, "Lalo pang pinagpala ng Diyos ang mga nakarinig ng kaniyang mensahe at sinunod ito!"
\s5
\p
\v 29 Nang lalo pang dumarami ang mga taong sumasama sa napakaraming tao sa palibot ni Jesus, sinabi niya, "Ang mga taong nabubuhay sa panahong ito ay masasamang tao. Nais ng marami sa inyo na gumawa ako ng himala bilang patunay na nagmula ako sa Diyos. Ngunit ang patunay lamang na matatanggap ninyo ay ang himala na katulad ng nangyari kay Jonas.
\p
\v 30 Katulad ng himala na ginawa ng Diyos kay Jonas noon na naging patotoo sa mga tao mula sa lungsod ng Ninive, ganoon din ang himalang gagawin ng Diyos sa Anak ng Tao na magiging patotoo sa inyong mga tao na nabubuhay ngayon.
\s5
\p
\v 31 Noong unang panahon, naglakbay ang Reyna ng Sheba nang napakalayo upang pakinggan ang karunungan ni Solomon. At ngayon, narito ang isang tao na mas dakila pa kaysa kay Solomon ngunit hindi kayo nakinig sa aking sinasabi. Kaya sa panahon na hahatulan ng Diyos ang lahat ng tao, tatayo roon ang reynang ito at hahatulan ang mga taong nabubuhay ngayon.
\s5
\p
\v 32 Tumalikod mula sa kanilang mga makasalanang gawain ang mga taong nanirahan sa lungsod ng sinaunang Ninive nang mangaral si Jonas sa kanila. At ngayon, ako na mas dakila kaysa kay Jonas ay dumating at nangaral sa inyo ngunit hindi kayo tumalikod mula sa inyong mga makasalanang gawain. Kaya sa panahon na hahatulan ng Diyos ang lahat ng tao, ang mga taong nanirahan sa Ninive noong unang panahon ay tatayo roon at hahatulan ang mga taong nabubuhay ngayon."
\s5
\p
\v 33 "Hindi itinatago ng mga tao ang ilawan pagkatapos itong sindihan o ilalagay sa ilalim ng basket. Sa halip, inilalagay nila ito sa patungan ng ilawan upang makita ng mga pumapasok sa silid o sa bahay ang ilaw.
\p
\v 34 Ang inyong mata ay ang ilawan ng inyong katawan. Kung ang inyong mata ay malinaw, ang iyong buong katawan ay puno ng liwanag. Kung ito ay malabo, ang inyong katawan ay mapupuno ng kadiliman.
\p
\v 35 Kaya mag-ingat kayo na ang liwanag na nasa inyo ay hindi kadiliman.
\p
\v 36 Kung ang inyong buong katawan ay puno ng liwanag at walang bahagi nito ang madilim, mapupuno ng liwanag ang inyong buong katawan katulad ng liwanag ng lampara na nagiging dahilan upang makita ninyo nang maliwanag ang lahat."
\s5
\p
\v 37 Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga bagay na iyon, isang Pariseo ang nag-anyaya sa kaniya na kumain kasama siya. Kaya pumunta si Jesus sa bahay ng Pariseo at sumandal sa mesa para kumain.
\p
\v 38 Nagulat ang Pariseo nang makita niya na hindi naghugas ng kamay si Jesus ayon sa kagawian bago kumain.
\s5
\p
\v 39 Sinabi ng Panginoong Jesus sa kaniya, "Kayong mga Pariseo, hinuhugasan ninyo ang labas ng mga tasa at mga mangkok bago kayo kumain ngunit sa inyong mga kalooban, napakasakim at napakasama ninyo.
\p
\v 40 Kayong mga hangal na tao! Tiyak na alam ninyo na hindi lamang ang labas ang ginawa ng Diyos kundi pati na rin ang loob!
\p
\v 41 Sa halip na mabahala kayo sa pagiging malinis ng mga mangkok ayon sa kagawian, maging maawain kayo at ibigay ang anumang nasa loob ng mangkok sa mga nangangailangan, nang sa gayon, ang inyong kalooban at maging ang inyong panlabas ay magiging malinis.
\s5
\p
\v 42 Ngunit nakakikilabot para sa inyong mga Pariseo! Matapat ninyong ibinibigay sa Diyos ang ikasampu ng lahat ng mayroon kayo pati na rin ang mga halaman sa inyong mga hardin. Ngunit hindi ninyo minamahal ang Diyos o kumikilos ng makatarungan sa iba. Tiyakin ninyo na minamahal ninyo ang Diyos at maging makatarungan sa iba kasama ng pagbibigay ninyo sa Diyos.
\s5
\p
\v 43 Ngunit nakakikilabot para sa inyong mga Pariseo dahil gusto ninyong umupo sa mga pinakamahalagang upuan sa sinagoga at gusto ninyong batiin kayo ng mga tao ng may natatanging paggalang sa mga pamilihan.
\p
\v 44 Nakakikilabot para sa inyo dahil katulad kayo ng mga libingan na walang marka na hindi nakikita, nilalakaran ng mga tao ng hindi nila nalalaman at nagiging marumi sila ayon sa panuntunan.
\s5
\p
\v 45 Sumagot ang isa sa mga tagapagturo ng kautusan ng mga Judio, "Guro, sa pagsasabi mo niyan ay pinupuna mo na rin kami!"
\p
\v 46 Sinabi ni Jesus, "Nakakikilabot para sa inyong mga tagapagturo ng kautusan ng mga Judio! Pinapapasan ninyo sa mga tao ang napakabigat na pasanin ngunit hindi ninyo ginagawa kahit na ang pinakamaliit na bagay para tulungan ang mga tao na dalhin ang mga pasanin na iyon!
\s5
\p
\v 47 Nakakikilabot para sa inyo, dahil nagtatayo kayo ng mga puntod na palatandaan ng mga libingan ng mga propeta, ngunit ang inyong mga ninuno mismo ang pumatay sa kanila!
\v 48 Kaya sa pagtatayo ninyo ng mga puntod na ito, ipinapahayag ninyo na sumasang-ayon kayo sa pagpatay ng inyong mga ninuno sa mga propeta.
\s5
\v 49 Kaya ang Diyos na may higit na karunungan ay nagsabi, 'Magsusugo ako ng mga propeta at mga apostol para gabayan ang aking mga tao. Ngunit labis silang parurusahan ng mga tao at papatayin din ang ilan sa kanila.'
\v 50 Dahil dito, marami sa mga tao na nabubuhay sa panahong ito ang ituturing na may kasalanan sa pagpatay sa lahat ng propeta ng Diyos mula ng likhain ang mundo,
\v 51 simula nang mapatay si Abel ng kaniyang kapatid at magpapatuloy hanggang sa pagpatay kay propetang Zacarias sa templo sa pagitan ng altar at banal na lugar. Oo, ang mga taong nabubuhay sa panahong ito ang ituturing na may kasalanan sa lahat ng pagpatay sa mga propeta!
\s5
\v 52 Nakakikilabot para sa inyong mga nagtuturo ng mga kautusan ng Judio. Dahil sa inyo, hindi malalaman ng mga tao kung papaano sila paghaharian ng Diyos! Hindi ninyo hinahayaan na pagharian kayo ng Diyos at hinahadlangan din ninyo ang mga taong nagnanais na pagharian sila ng Diyos."
\s5
\p
\v 53 Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga bagay na iyon, umalis siya doon. At pinakitunguhan siya ng mga lalaking nagtuturo ng mga kautusan ng Judio at mga Pariseo sa pagalit na paraan. Matindi nila siyang tinanong tungkol sa maraming bagay.
\v 54 Patuloy silang naghihintay na makapagbanggit siya ng isang pagkakamali upang maiparatang nila sa kaniya.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Samantala, napakaraming libo ng tao ang nagtipun-tipon sa palibot ni Jesus. Napakarami nila na halos nagkakatapak-tapakan na ang bawat isa. Ngunit sinabi niya muna sa kaniyang mga alagad, "Mag-ingat na hindi kayo magaya ng mga Pariseo na umaastang makarelihiyoso sa harap ng maraming tao, ngunit palihim na gumagawa ng mga masasamang bagay. Katulad ng isang lebadurang nagiging dahilan upang umalsa ang buong namasang tinapay, ang kanilang masamang pag-uugali ang nagiging dahilan sa iba upang maging mapagkunwari na tulad nila.
\s5
\p
\v 2 Hindi mapagtatakpan ng mga tao ang kanilang mga kasalanan. Balang araw hahayaan ng Diyos na malaman ng lahat ng tao ang lahat ng bagay na nais itago ng mga tao.
\q
\v 3 Maririnig balang araw ng mga tao ang lahat ng inyong nasabi sa dilim sa liwanag ng araw. Maihahayag balang araw ang anuman na inyong binulong sa inyong silid sa harap ng maraming tao na parang naisigaw ito sa taas ng mga bubong."
\s5
\p
\v 4 "Aking mga kaibigan, makinig kayong mabuti!" Huwag kayong matakot sa mga tao; maaari nila kayong patayin, ngunit wala na silang magagawa pa sa inyo matapos iyon!
\p
\v 5 Ngunit binabalaan ko kayo sa dapat ninyong katakutan. Dapat kayong matakot sa Diyos, dahil hindi lamang siya ang may karapatan upang maging dahilan sa pagkamatay ng mga tao, may karapatan din siyang itapon sila sa impyerno matapos iyon! Oo, siya lamang ang dapat ninyong katakutan!
\s5
\p
\v 6 Isipin ninyo ang mga maya. Napakaliit lamang ng kanilang halaga na mabibili lamang ninyo ang lima sa mga ito sa dalawang maliit na barya, ngunit hindi nalilimutan ng Diyos ang anuman sa kanila!
\q
\v 7 Alam din ng Diyos kung ilan ang bilang ng inyong mga buhok na nasa inyong ulo. Huwag kayong matakot dahil mas mahalaga kayo para sa Diyos kaysa sa napakaraming maya.
\s5
\q
\v 8 Sinasabi ko rin sa inyo, kung sasabihin ng mga tao sa iba na mga alagad ko sila, Ako, ang Anak ng Tao, ay sasabihin sa mga anghel ng Diyos na mga alagad ko sila.
\p
\v 9 Ngunit kung sasabihin nila sa iba na hindi ko sila mga alagad, sasabihin ko sa mga anghel ng Diyos na hindi ko sila mga alagad.
\p
\v 10 Sinasabi ko rin sa inyo na kung magsasabi ang mga tao ng masasamang bagay laban sa akin, ang Anak ng Tao, patatawarin sila ng Diyos sa bagay na iyon. Ngunit kung magsasalita ang mga tao ng mga masasamang bagay laban sa Banal na Espiritu, hindi sila patatawarin ng Diyos sa bagay na iyon.
\s5
\p
\v 11 Kaya, kung dalhin kayo ng mga tao sa mga sinagoga upang tanungin sa harap ng mga pinuno ng relihiyon at ng iba pang mga tao na may kapangyarihan sa bansa, huwag kayong mabahala kung paano ninyo sila sasagutin o kung ano ang inyong sasabihin,
\p
\v 12 dahil ang Banal na Espiritu ang magsasabi sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin sa mga oras na iyon."
\s5
\p
\v 13 At isang tao mula sa grupo ang nagsabi kay Jesus, "Guro, sabihin mo sa aking kapatid na paghatian na namin ang mga ari-arian ng aking ama!"
\p
\v 14 Ngunit sumagot si Jesus sa kaniya, "Ginoo, walang sinuman ang naglagay sa akin na maging hukom upang ayusin ang mga pagtatalo ng mga tao tungkol sa mga ari-arian!"
\p
\v 15 At sinabi niya sa lahat ng tao, "Mag-ingat na hindi kayo maging sakim sa anumang kaparaanan! Hindi nasusukat ang halaga ng buhay ng isang tao kung gaano karami ang mga bagay na mayroon sa kaniya!"
\s5
\p
\v 16 At sinabi niya sa kanila ang ganitong ilustrasyon: "Ang bukid ng isang mayamang tao na umani ng masagana.
\p
\v 17 Kaya sinabi niya sa kaniyang sarili, 'Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, dahil wala na akong anumang mas malaking paglayan upang itago ang lahat ng aking mga ani!'
\p
\v 18 At sinabi niya sa kaniyang sarili, "Alam ko na ang aking gagawin! Gigibain ko ang aking mga kamalig at magpapatayo ng mas malalaki! At itatago ko ang lahat ng mga butil at iba pang mga bagay sa bagong malaking kamalig.
\p
\v 19 At sasabihin ko sa aking sarili, "Ngayon may sapat akong mga bagay na naitago para sa maraming taon. Kaya ngayon maginhawa na ang buhay. Kakain ako at iinom at magpapakasaya!"'
\s5
\p
\v 20 Ngunit sinabi ng Diyos sa kaniya, "Ikaw hangal na tao! Mamamatay ka ngayong gabi! At mapupunta sa ibang tao ang lahat ng mga bagay na iyong inipon para sa iyong sarili, hindi sa iyo!"
\p
\v 21 At tinapos ni Jesus ang ilustrasyong ito sa pagsasabi, "Ganyan ang mangyayari sa mga nag-iipon ng mga bagay para lamang sa kanilang mga sarili at hindi pinapahalagahan ang mga bagay na mahalaga para sa Diyos."
\s5
\p
\v 22 At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Kaya nais kong sabihin ito sa inyo: Huwag kayong mabahala sa mga bagay na inyong kailangan upang mabuhay. Huwag kayong mabahala kung may sapat ba kayong pagkain upang kainin o sapat na damit upang isuot.
\p
\v 23 Mas mahalaga ang inyong buhay kaysa sa pagkain na inyong kinakain at mas mahalaga ang inyong katawan kaysa sa mga damit na inyong sinusuot.
\s5
\p
\v 24 Isipin ninyo ang mga ibon: Hindi sila nagtatanim ng mga buto at hindi sila umaani ng mga pananim. Wala silang mga silid o mga gusali upang itago ang mga pananim. Ngunit ang Diyos ang nagbibigay ng pagkain sa kanila.
\p
\v 25 Wala ni isa sa inyo ang makadadagdag ng kahit isang minuto ng kaniyang buhay sa pamamagitan ng pag-aalala tungkol dito!
\p
\v 26 Dahil sa hindi ninyo kayang gawin kahit ang maliit na bagay na ito, hindi kayo dapat nababahala sa kahit anumang bagay.
\s5
\p
\v 27 Isipin ninyo kung paano lumalaki ang mga bulaklak. Hindi sila nagtatrabaho upang kumita ng pera at hindi sila gumagawa ng kanilang mga sariling damit. Ngunit sinasabi ko sa inyo na kahit si Haring Solomon na namuhay noong unang panahon na nakapagsuot ng napakagandang damit, hindi siya nakapagdamit ng kasing ganda na gaya ng isa sa mga bulaklak na iyon.
\q
\v 28 Ginawa ng Diyos na maganda ang mga bulaklak kahit na tumubo lamang sila sa maikling panahon. At puputulin at itatapon sila sa apoy. Ngunit napakahalaga ninyo para sa Diyos at aalagaan niya kayo ng higit pa sa pag-aalaga niya sa mga halaman. Bakit napakaliit ng inyong tiwala sa kaniya?
\s5
\p
\v 29 Huwag kayong mabahala kung ano ang inyong kakainin o iinumin at huwag kayong manatiling mabahala sa mga bagay na ito.
\p
\v 30 Ang mga taong hindi kilala ang Diyos ang laging nababahala sa mga ganyang bagay. Ngunit alam ng inyong Ama sa langit na kailangan ninyo ang mga ito.
\s5
\p
\v 31 Sa halip, gawing ninyong pinakamahalagang bagay sa inyong buhay na tanggapin ang Diyos kapag paghaharian na niya kayo. At ibibigay din niya ang lahat ng mga bagay na inyong kailangan.
\p
\v 32 Kaya huwag kayong matakot, maliit na kawan. Nais ng inyong Ama sa langit na ibigay sa inyo ang lahat ng mabuting bagay na kaniyang inilaan kapag ganap na siyang naghari.
\s5
\p
\v 33 Kaya ngayon, ipagbili ninyo ang mga gamit na inyong pag-aari. Ibigay ninyo ang pera sa mga walang pagkain at ang damit na kanilang kailangan o lugar upang matirahan. Kumuha kayo ng inyong pitaka na hindi maluluma at mag-ipon kayo ng kayaman sa langit kung saan lagi itong iniingitan. Walang makakalapit na magnanakaw doon upang nakawin ito at walang mga insekto ang makakasira sa inyong damit.
\p
\v 34 Anuman ang inyong kayaman, iyon din ang inyong iniisip at pinaglalaanan ng oras.
\s5
\p
\v 35 Maging handa lagi para sa gawain ng Diyos, gaya ng mga taong isinusuot ang kanilang damit pangtrabaho at pinapanatiling umaapoy ang kanilang lampara sa buong gabi.
\p
\v 36 Maging handa kayo sa aking pagbabalik, gaya ng mga alipin na naghihintay sa pagbabalik ng kanilang panginoon mula sa isang kasalan. Naghihintay sila upang buksan ang pintuan para sa kaniya hanggang sa dumating siya at kumatok sa pintuan.
\s5
\p
\v 37 Kung gising ang mga alipin na iyon sa kaniyang pagbabalik, gagantimpalaan niya ang mga ito. Sinasabi ko sa inyo ito: Magbibihis siya upang magsilbi, sasabihin sa kanilang magsiupo at ipaghahanda niya sila ng isang pagkain.
\p
\v 38 Kahit pa dumating siya sa kalagitnaan ng gabi at sa pagsikat ng araw, kung makikita niyang gising ang mga alipin at handa para sa kaniya, lubos siyang malulugod sa kanila.
\s5
\p
\v 39 Ngunit dapat ninyo ring tandaan ito: Kung alam ng may-ari ng bahay ang oras ng pagdating ng magnanakaw, mananatili siyang gising at hindi niya hahayaang pasukin ng magnanakaw ang kaniyang bahay.
\v 40 Kaya maging handa kayo, dahil Ako, ang Anak ng Tao, darating sa oras na hindi ninyo inaasahan."
\s5
\p
\v 41 Tinanong ni Pedro, "Panginoon, sinasabi mo lamang ba ang ilustrasyon na ito para sa amin o para din sa lahat?"
\p
\v 42 Sumagot ang Panginoon, "Sinasabi ko ito sa lahat ng tapat at matalinong alipin na isang tagapamahala sa bahay ng kaniyang panginoon. Itatalaga siya ng kaniyang panginoon upang siguraduhin na kukunin ng ibang mga alipin ang kanilang pagkain sa tamang oras.
\p
\v 43 Kung ginagawa ng alipin ang bagay na iyon sa pagbalik ng kaniyang panginoon, gagantimpalaan siya ng kaniyang panginoon.
\p
\v 44 Sinasabi ko sa inyo ito: itatalaga siya ng kaniyang panginoon upang mangasiwa sa lahat ng kaniyang ari-arian.
\s5
\v 45 Ngunit kung sinabi ng aliping tagapamahala sa kaniyang sarili, "Matagal nang wala ang aking panginoon', at baka simulan niyang makipagtalo sa ibang mga alipin, kapwa lalaki at babae. Maaari rin niyang simulan na kumain ng marami at maglasing.
\p
\v 46 Kung gagawin niya iyon, maaaring bumalik ang kaniyang panginoon sa oras na hindi inaasahan ng alipin. At parurusahan siya ng matindi ng kaniyang panginoon at ilalagay sa lugar kasama ang mga hindi tapat na naglingkod sa kaniya.
\s5
\v 47 Ang alipin na alam ang nais ng kaniyang panginoon ngunit hindi nakahanda na gawin ito ay parurusahan ng matindi.
\p
\v 48 Ngunit ang bawat alipin na hindi nakakaalam kung ano ang nais ng kanilang panginoon upang gawin at nakagawa ng isang maling bagay, maparurusahan lamang ng katamtaman. Maraming aasahan sa mga taong nabigyan ng marami. Mas maraming aasahan sa mga taong pinagkatiwalaan ng marami.
\s5
\p
\v 49 "Pumarito ako sa mundo upang dalisayin kayo gaya ng apoy na nililinang ang metal. Hinihiling ko sanang nagsimula na ito.
\p
\v 50 Hindi magtatagal, dadanas ako ng bautismo ng labis na paghihirap. Mananatili akong nababagabag hangga't hindi matatapos ang aking paghihirap.
\s5
\v 51 Iniisip ba ninyo na bilang bunga ng aking pagpunta sa mundo ay mamumuhay ng samasamang mapayapa ang mga tao? Hindi! Dapat kong sabihin sa inyo, sa halip, magkakabaha-bahagi ang mga tao.
\v 52 Dahil sa isang bahay, may ilang mga tao na maniniwala sa akin at may ilan na hindi, magkakabaha-bahagi sila. Ang tatlong tao sa isang bahay na hindi maniniwala sa akin laban sa dalawang taong naniniwala sa akin.
\v 53 Ang ama laban sa kaniyang anak na lalaki, o ang anak na lalaki laban sa kaniyang ama. Ang inang laban sa kaniyang anak na babae o ang babaeng anak laban sa kaniyang ina. Ang biyenan laban sa kaniyang manugang na babae o ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenang babae.
\s5
\p
\v 54 Sinabi din niya sa napakaraming tao, "Kapag nakikita ninyo ang makulimlim na ulap na namumuo sa kanluran, agad ninyong sinasabi, 'Uulan!' at iyon nga ang nangyayari.
\v 55 Kapag ang hangin umihip sa timog, sinasabi ninyo, 'Magiging mainit ang araw ngayon!' at tama nga kayo.
\v 56 Kayong mga mapagkunwari! Sa pagmamasid ng ulap at hangin, nalalaman ninyo kung ano magiging kalagayan ng panahon. Bakit hindi ninyo alam kung ano ang ginagawa ng Diyos sa kasalukuyang panahon?
\s5
\v 57 Kailangang mag-isip ang bawat isa sa inyo kung ano ang dapat ninyong gawin habang mayoras pa kayong gawin ito!
\v 58 Kailangan ninyong makipag-ayos sa inyong nakaalitan habang papunta pa lamang kayo sa hukuman. Kung dadalhin niya kayo ng sapilitan sa hukom, hahatulan kayo ng hukom na nagkasala kayo at ibibigay kayo sa mga tagapamahala ng hukuman. At ilalagay kayo ng tagapamahalang iyon sa bilangguan.
\v 59 Sinasabi ko sa inyo na kung mapupunta kayo sa bilangguan, hindi na kayo makakalabas hangga't hindi ninyo mababayaran ang lahat ng sinasabi ng hukom na inyong pagkaka-utang."
\s5
\c 13
\p
\v 1 Sa panahong iyon, may ilang tao ang nagsabi kay Jesus tungkol sa ilang mga Galileo na pinatay kailan lamang ng mga kawal sa Jerusalem. Nag-utos si Pilato, ang gobernador ng Roma, sa mga kawal na patayin sila habang nagaalay ng kanilang mga handog sa templo.
\p
\v 2 Sumagot si Jesus sa kanila, "Naisip ba ninyo na nangyari ito sa mga taong taga-Galilea dahil higit silang makasalanan kaysa sa ibang mga Galileo?
\p
\v 3 Tinitiyak ko sa inyo na hindi iyon ang dahilan! Ngunit kailangan ninyong alalahanin na parurusahan din kayo ng Diyos kung hindi kayo tatalikod sa makasalanan ninyong pag-uugali.
\s5
\p
\v 4 O papaano naman ang labinwalong tao na namatay nang mabagsakan sila ng tore sa Siloam sa labas ng Jerusalem? Iniisip ninyo bang nangyari ito sa kanila dahil mas higit silang makasalanan kaysa sa lahat ng tao sa nasa Jerusalem?
\p
\v 5 Tinitiyak ko sa inyo na hindi iyon ang dahilan! Ngunit sa halip, kailangan ninyong unawain na parurusahan din kayo ng Diyos kung hindi kayo tatalikod sa makasalanan ninyong pag-uugali!"
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos sinabi ni Jesus sa kanila ang kuwentong ito: "Nagtanim ang isang lalaki ng puno ng igos sa kaniyang hardin. Pumupunta siya taun-taon upang pitasin ang mga igos, ngunit wala ito ni isang bunga.
\p
\v 7 At sinabi niya sa hardinero, 'Tingnan mo ang punong ito! Naghahanap ako ng bunga nito sa nakalipas na tatlong taon, ngunit wala itong bunga. Putulin na ito! Ginagamit lamang nito ang mga sustansiya ng lupa para sa wala!'
\s5
\p
\v 8 Ngunit sumagot ang hardinero, 'Ginoo, pabayaan muna ito ng isa pang taon dito. Maghuhukay ako sa palibot nito at lalagyan ko ito ng pataba.
\p
\v 9 Kung may bunga na ito sa susunod na taon, hahayaan natin itong lumago! Ngunit kung hindi ito makakapamunga pagkatapos nito, maaari mo na itong putulin."'
\s5
\p
\v 10 Sa isang araw ng pamamahinga ng mga Judio, nagtuturo si Jesus sa mga tao sa isa sa mga sinagoga.
\p
\v 11 May isang babaeng naroon na labing-walong taon nang nilulumpo ng masamang espiritu. Lagi siyang nakabaluktot at hindi siya makatayo ng matuwid.
\s5
\p
\v 12 Nang makita siya ni Jesus, tinawag siya at pinalapit sa kaniya. Sinabi niya sa kaniya, "Babae, pinagaling na kita sa sakit na ito!"
\p
\v 13 Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa babae. Kaagad siyang tumayo ng matuwid at nagsimulang magpuri sa Diyos!
\p
\v 14 Ngunit nagalit ang pinuno ng sinagoga dahil pinagaling siya ni Jesus sa araw ng pamamahinga ng mga Judio. Kaya sinabi niya sa mga tao, "Mayroong anim na araw sa isang linggo na kung saan pinahihintulutan ng ating kautusan na magtrabaho ang mga tao. Kung kinakailangan ninyo ng kagalingan, iyon ang mga araw upang pumunta sa sinagoga at mapagaling." Huwag kayong pumunta sa araw ng ating pamamahinga!"
\s5
\p
\v 15 At sumagot ang Panginoon sa kaniya, "Ikaw at ang mga kapwa mo pinuno ng relihiyon ay mga mapagkunwari! Nagtatrabaho din ang bawat isa sa inyo sa araw ng pamamahinga minsan! Hindi mo ba kinakalagan ang iyong baka o asno at dinadala ito sa sabsaban upang makakain at kung saan maaari itong uminom ng tubig?
\p
\v 16 Ang babaeng ito ay isang Judio, na kaapu-apuhan ni Abraham! Ngunit patuloy siyang nilumpo ni Satanas nang labing-walong taon, na para bang iginapos siya nito! Tiyak na sasang-ayon kayo na nararapat ko siyang palayain mula kay Satanas kahit na gawin ko ito sa araw ng pamamahinga!
\s5
\p
\v 17 Pagkatapos niyang sabihin iyon, nahiya sa kanilang mga sarili ang kaniyang mga kaaway. Ngunit nagagalak ang lahat ng ibang tao tungkol sa kamangha-manghang mga bagay na ginagawa niya.
\s5
\p
\v 18 At sinabi niya, "Paano ko maipapaliwanag kung ano ang magiging katulad nito kapag ipinakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang isang hari? Sasabihin ko sa inyo kung ano ang magiging katulad nito.
\p
\v 19 Tulad ito ng isang maliit na buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kaniyang bukid. Lumago ito hanggang sa lumaki, tulad ng isang puno. Napakalaki nito kaya pinamumugaran ng mga ibon ang mga sanga nito."
\s5
\p
\v 20 Pagkatapos, sinabi niyang muli, "Sasabihin ko sa inyo sa isa pang paraan kung ano ang magiging katulad nito kapag ipinakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang isang hari.
\p
\v 21 Katulad ito ng kakaunting lebadura na inihalo ng isang babae sa dalawampu't limang kilo ng harina. Ang maliit na sukat ng lebadurang ito ang naging dahilan ng pag-alsa ng buong masa."
\s5
\p
\v 22 Nagpatuloy si Jesus sa paglalakbay patungong Jerusalem. Habang nasa daan, tumitigil siya sa lahat ng baryo at mga lungsod at nagturo sa mga tao.
\p
\v 23 May nagtanong sa kaniya, "Panginoon, iilang tao lamang ba ang ililigtas ng Diyos?" Sumagot si Jesus,
\p
\v 24 "Dapat mong pagsikapan na pumasok sa makipot na pintuan. Sasabihin ko sa inyo na maraming tao ang susubok ng ibang daan, ngunit hindi sila makakapasok.
\s5
\p
\v 25 Pagkatapos tumindig at magkandado ng pinto ang may-ari ng bahay, tatayo kayo sa labas at kakatok sa pintuan. Magmamakaawa kayo sa nagmamay-ari at sasabihin sa kaniya, 'Panginoon, buksan mo ang pintuan para sa amin!' Ngunit sasagot siya, 'Hindi, hindi ko ito bubuksan dahil hindi ko kayo kilala at hindi ko alam kung saan kayo nagmula!'
\p
\v 26 Pagkatapos ay sasabihin ninyo, 'Nakalimutan mo siguro na nakasama mo kaming kumain at tinuruan mo kami sa mga lansangan ng aming mga bayan!'
\q
\v 27 Ngunit sasabihin niya, 'Sasabihin kong muli sa inyo, hindi ko kayo kilala at hindi ko alam kung saan kayo nagmula. Umalis kayo rito! Masasama kayong mga tao!"'
\s5
\p
\v 28 Nagpatuloy si Jesus sa pagsasabi, "Makikita ninyo si Abraham, Isaac at si Jacob sa may di kalayuan. Naroon din ang lahat ng mga propetang namuhay noong unang panahon, kung saan mamumuno ang Diyos sa lahat bilang hari. Ngunit kayo ay nasa labas, umiiyak at nagngangalit ang inyong mga ngipin sa sakit!
\p
\v 29 Dagdag pa rito, maraming hindi-Judio ang naroroon sa loob. Mayroong mga taong manggagaling mula sa mga lupain sa hilaga, silangan, timog at kanluran. Magsasaya sila upang ipagdiwang na ang Diyos ang namumuno sa lahat.
\p
\v 30 Pag-isipan ninyo ito: May ilang tao na tila hindi gaanong mahalaga ngayon na siyang magiging pinakamahalaga at may iba na tila mahalaga ngayon na magiging hindi gaanong mahalaga."
\s5
\p
\v 31 Sa araw ding iyon, dumating ang ilang mga Pariseo at sinabi kay Jesus, "Lisanin mo ang lugar na ito, dahil gusto kang patayin ng namumuno na si Herodes Antipas!"
\p
\v 32 Sumagot siya sa kanila, "Sabihin ninyo sa malinlang na Herodes na iyon ang mensahe ko sa kaniya, 'Makinig ka! Nagpapalayas ako ngayon ng mga demonyo at gumagawa ng mga himala at ipagpapatuloy ko itong gagawin sa maikling panahon. Pagkatapos nito, tatapusin ko ang aking gawain.
\p
\v 33 Ngunit kinakailangan ko na ipagpatuloy ang aking paglalakbay patungong Jerusalem sa mga darating na araw, yamang hindi nararapat na patayin ang isang propeta sa ibang lugar maliban sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 34 Oh, mga taga-Jerusalem! Pinatay ninyo ang mga propeta na namuhay noong unang panahon at pinatay ninyo ang iba na isinugo sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabato sa kanila. Maraming beses na ninais ko kayong tipunin ng magkakasama upang pangalagaan tulad ng pagtitipon ng isang inahin sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak. Ngunit ayaw ninyong gawin ko iyon.
\v 35 Ngayon tingnan ninyo! Hindi na kayo ipagtatanggol ng Diyos, mga taga-Jerusalem. Sasabihin ko rin ito sa inyo: Isang beses na lamang akong papasok sa inyong lungsod. Pagkatapos niyon, hindi na ninyo ako makikita hanggang sa panahon na bumalik ako, kung magsasabi kayo sa akin, 'Pagpalain nawa ng Diyos ang taong ito na dumating taglay ang kapangyarihan ng Diyos!'"
\s5
\c 14
\p
\v 1 Isang araw ng pamamahinga, pumunta si Jesus sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Pariseo upang kumain at minamanmanan siya ng mga ito nang mabuti.
\q
\v 2 Doon sa harapan ni Jesus ay may isang lalaking may sakit na naging dahilan ng pamamaga ng kaniyang mga braso at mga binti.
\p
\v 3 Tinanong ni Jesus ang mga dalubhasa sa batas ng mga Judio at mga Pariseo na naroon, "Pinapayagan ba ng batas na magpagaling ng mga tao sa araw ng pamamahinga, o hindi?"
\s5
\p
\v 4 Hindi sila sumagot. Kaya ipinatong ni Jesus ang kaniyang mga kamay sa lalaki at pinagaling siya. Pagkatapos, sinabi niya sa lalaki na maaari na siyang umalis.
\p
\v 5 At sinabi niya sa iba na naroon, "Kung mayroon kayong anak o baka na nahulog sa balon sa araw ng pamamahinga, hindi ba ninyo ito kaagad iaahon?"
\p
\v 6 Muli, hindi nila kayang sagutin si Jesus.
\s5
\q
\v 7 Napansin ni Jesus na ang mga taong naanyayahan sa hapunan ay pinipiling umupo sa mga lugar na karaniwang para sa mga mahahalagang tao. Kaya ibinigay niya ang payo na ito sa kanila,
\p
\v 8 "Kapag inanyayahan ng sinuman sa inyo sa isang kasalan, huwag kayong umupo sa lugar na kung saan umuupo ang mga mahahalagang tao. Maaaring may isang taong naanyayahan sa pista na mas mahalaga kaysa sa iyo.
\p
\v 9 Kapag dumating ang taong iyon, lalapit ang taong nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo, 'Ibigay mo sa taong ito ang iyong upuan!' At mahihiya kang uupo sa pangkaraniwang upuan.
\s5
\p
\v 10 Sa halip, kapag naanyayahan kayo sa isang salu-salo, pumunta kayo at umupo sa pangkaraniwang upuan. At kapag dumating ang taong nag-anyaya sa inyo, sasabihin niya sa iyo, 'Kaibigan, dito ka maupo sa mas magandang upuan!' Doon makikita ng lahat ng mga taong naroroong kumakain na pinararangalan ka niya.
\p
\v 11 Sapagkat ibababa ng Diyos ang mga itinataas ang kanilang mga sarili at itataas niya ang mga nagpapakumbaba."
\s5
\p
\v 12 Sinabi rin ni Jesus sa Pariseo na nag-anyaya sa kaniya sa hapunan, "Kapag nag-anyaya ka ng tanghalian o hapunan, huwag mo lamang anyayahan ang iyong mga kaibigan, mga kamag-anak o mga mayayaman mong kapit-bahay, yamang susuklian ka rin nila sa susunod sa pamamagitan ng pag-anyaya sa iyo sa isang hapunan.
\s5
\p
\v 13 Sa halip, kapag ikaw ay maghanda ng salu-salo, anyayahan mo ang mga taong mahihirap, mga lumpo, mga pilay o mga bulag na tao.
\q
\v 14 Hindi ka nila magagawang suklian. Ngunit pagpapalain ka ng Diyos! Susuklian ka niya sa muling pagkabuhay ng mga matutuwid."
\s5
\p
\v 15 Narinig ng isa sa mga taong kasama niyang kumakain na sinabi niya iyon. Sinabi niya kay Jesus, "Tunay ngang pinagpala ng Diyos ang lahat ng kakain sa pista upang ipagdiwang ang simula ng paghahari ng Diyos sa lahat!"
\p
\v 16 Sumagot si Jesus sa kaniya, "Isang araw, may isang lalaking nagpasya na maghanda ng isang malaking salu-salo. Inanyayahan niya ang maraming tao na dumalo.
\p
\v 17 Nang dumating ang araw para sa salu-salo, isinugo niya ang kaniyang utusan upang sabihin sa mga naanyayahan na, 'Halina kayo dahil handa na ang lahat!'
\s5
\p
\v 18 Ngunit nang ginawa iyon ng utusan, nagsimulang magsabi ng kani-kaniyang mga dahilan kung bakit hindi makadadalo ang lahat ng taong kaniyang inanyayahan. Sinabi ng unang tao na pinuntahan ng lingkod, 'Kabibili ko lamang ng isang bukirin, kinakailangan kong pumunta roon at tingnan ito. Pakisabi sa iyong panginoon na patawarin ako sa hindi ko pagdalo!'
\p
\v 19 Sinabi ng isa pang tao, 'Kabibili ko lamang ng limang pares ng baka at kinakailangan kong puntahan at suriin ang mga ito. Pakisabi sa iyong panginoon na patawarin ako sa hindi ko pagdalo!'
\q
\v 20 Isa pang lalaki ang nagsabi, 'Kakakasal ko lamang kaya hindi ako makadadalo.'
\s5
\p
\v 21 Kaya bumalik ang lingkod sa kaniyang panginoon at ibinalita kung ano ang sinabi ng lahat. Nagalit ang may-ari ng bahay at sinabi sa kaniyang lingkod, 'Magmadali kang pumunta sa mga lansangan at sa mga eskinita ng lungsod at maghanap ka ng mga mahihirap, mga lumpo, mga bulag at mga pilay at dalhin mo sila dito sa aking tahanan!'
\p
\v 22 Pagkatapos umalis ng utusan at gawin iyon, bumalik siya at sinabi, 'Ginoo, ginawa ko na ang ipinagagawa mo sa akin, ngunit mayroon pa ring lugar para sa mas maraming tao.'
\s5
\p
\v 23 Kaya sinabi ng kaniyang panginoon sa lingkod, 'Kung gayon, pumunta ka sa labas ng lungsod. Maghanap ka ng mga tao sa mga kalsada. Maghanap ka rin sa mga eskinitang may mga bakuran. Pakiusapan mo ang mga tao sa mga lugar na iyon na magpunta sa aking tahanan. Gusto kong mapuno ito ng mga tao!
\p
\v 24 Higit pa rito, sasabihin ko ito sa iyo, hindi matatamasa ng mga naunang inanyayahan ang kasiyahan ng aking salo-salo dahil tumanggi silang dumalo.'"
\s5
\p
\v 25 Maraming tao ang naglalakbay kasama si Jesus. Lumingon siya sa mga tao at sinabi sa kanila,
\p
\v 26 "Kung sinuman ang lalapit sa akin na iniibig ang kaniyang ama, ina, asawa, mga anak, mga kapatid nang higit pa sa pag-ibig niya sa akin, hindi ko siya maaaring maging alagad. Dapat pa niya akong ibigin nang higit pa sa pag-ibig niya sa kaniyang sariling buhay!
\q
\v 27 Hindi ko maaaring maging alagad ang sinumang hindi nagpapasan ng kaniyang sariling krus at ang sinumang hindi sumusunod sa akin.
\s5
\p
\v 28 Kung naghangad na magpatayo ng isang tore ang isa sa inyo, hindi ba't mauupo ka muna at aalamin kung magkano ang magagastos nito? Saka mo malalaman kung mayroon kang sapat na pera upang matapos ito.
\p
\v 29 Kung hindi, kung itinayo mo ang pundasyon at hindi mo kinayang tapusin ang natitirang bahagi ng tore, pagtatawanan ka ng lahat ng mga nakakita nito.
\q
\v 30 Sasabihin nila, 'Nagsimulang magpatayo ang taong ito ng isang tore, ngunit hindi niya naman kinayang tapusin ito!'
\s5
\p
\v 31 O kaya, kung nagpasya ang hari na isugo ang kaniyang hukbo upang makipagdigmaan sa isa pang hari, tiyak na mauupo muna siya kasama ng kaniyang mga nagpayo sa kaniya. Aalamin nila kung kayang talunin ng kaniyang hukbo na may sampung libong kawal lamang ang dalawampung libong kawal ng isa pang hari.
\q
\v 32 Kung napagpasyahan niyang hindi kakayaning talunin ng kaniyang hukbo ang kabilang hukbo, magpapadala siya ng isang mensahero sa kabilang hari habang nasa malayo pa ang kabilang hukbo. Sasabihin niya sa mensahero na sabihin sa haring iyon na, 'Ano ang mga bagay na kinakailangan kong gawin upang makipagkasundo sa iyo?'
\p
\v 33 Kaya, gayon din naman, kung sinuman sa inyo ang hindi muna magpasya na handa ninyo nang iwanan ang lahat ng mayroon kayo, hindi ko siya maaaring maging alagad."
\s5
\q
\v 34 Sinabi rin ni Jesus, "Tulad kayo ng asin na lubos na kapaki-pakinabang. Ngunit kung nawalan na ng alat ang asin, maaari bang gawin itong maalat muli?
\q
\v 35 Kapag hindi na maalat ang lasa ng asin, hindi na ito mainam kahit pa sa lupa o tambakan ng pataba. Itatapon na lamang ito ng mga tao. Dapat makinig ng mabuti ang bawat isa sa inyo sa aking sinasabi!"
\s5
\c 15
\p
\v 1 Ngayon, maraming mga maniningil ng buwis at iba pang taong itinuturing na mga kinagawiang makasalanan ang patuloy na lumalapit kay Jesus upang pakinggan siyang magturo.
\p
\v 2 At nagsimulang dumaing ang mga Pariseo at mga guro ng mga kautusan ng mga Judio, na sinasabing, "Nakikisalamuha ang taong ito sa mga makasalanan at kumakain pa kasama nila." Iniisip nilang dinudungisan ni Jesus ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paggawa nito.
\s5
\q
\v 3 Kaya ikinuwento ni Jesus ang talinghagang ito sa kanila:
\q
\v 4 "Ipagpalagay ninyo na ang isa sa inyo ay may isang daang tupa at nawala mo ang isa sa kanila. Tiyak na iiwan mo ang ibang siyamnapu't siyam na mga tupa sa ilang at hahanapin ang nawawalang tupa hanggang sa mahanap mo ito.
\q
\v 5 At kapag nahanap mo ito, masaya kang papasanin ito sa iyong mga balikat upang kargahin pauwi.
\s5
\q
\v 6 At pagkauwi mo sa bahay, aanyayahan mo ang iyong mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila: 'Magalak kayo kasama ko, dahil nahanap ko ang nawala kong tupa!'
\q
\v 7 Sinasabi ko sa inyo na sa parehong paraan, magkakaroon ng higit pang kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi sa kaniyang mga kasalanan, kaysa sa maraming taong matuwid na sa Diyos at hindi na nila kailangang magsisi.
\s5
\q
\v 8 O kaya, ipagpalagay ninyo na ang isang babae ay may sampung mamahaling pilak na pera at pagkatapos ay nawala niya ang isa sa mga ito. Tiyak na magsisindi siya ng ilawan at wawalisin ang sahig at maghahanap nang maigi hanggang sa mahanap niya ito.
\q
\v 9 At kapag nahanap niya ito, tatawagin niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, 'Maging masayang-masaya kayo kasama ko, dahil nahanap ko na ang perang nawala ko!'
\q
\v 10 Sinasabi ko sa inyo na sa parehong paraan, may mas labis na kasiyahan sa mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanan na nagsisisi sa kaniyang mga kasalanan."
\s5
\q
\v 11 Pagkatapos, nagpatuloy si Jesus at sinabi, "Minsan, may isang lalaking may dalawang anak na lalaki.
\p
\v 12 At isang araw, sinabi ng nakababatang anak sa kaniyang ama, 'Ama, ibigay mo na sa akin ngayon ang bahagi ng iyong ari-arian na karaniwan mong ibibigay sa akin kapag namatay ka na.' Kaya hinati ng ama ang kaniyang ari-arian sa kaniyang dalawang anak.
\s5
\q
\v 13 Pagkaraan lamang ng ilang mga araw, tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng kaniyang pag-aari at naglakbay sa malayong bansa. Doon sa bansang iyon, pahangal niyang winaldas ang lahat ng kaniyang pera sa maaksaya at imoral na pamumuhay.
\q
\v 14 Pagkatapos niyang waldasin ang lahat ng kaniyang pera, nagkaroon ng matinding taggutom sa buong bansang iyon. At hindi nagtagal, wala na siyang natira upang ikabuhay niya.
\s5
\q
\v 15 Kaya pumunta siya sa isang lalaki na nakatira sa bansang iyon at hiniling sa kaniya na pagtrabahuin siya. Kaya pinapunta siya ng lalaki sa kaniyang kabukiran upang magpakain ng kaniyang mga baboy.
\q
\v 16 Hindi nagtagal, labis siyang nagutom na patuloy niyang inaasam-asam na kainin ang mga balat ng buto na kinakain ng mga baboy, gayunman, walang nagbigay sa kaniya ng kahit ano.
\s5
\q
\v 17 Sa wakas ay nasimulan siyang pagisipan nang malinaw kung gaano siya naging hangal at sinabi niya sa kaniyang sarili: 'May higit pa sa sapat na pagkaing kakainin ang lahat ng mga upahang utusan ng aking ama, ngunit nandito akong namamatay dahil wala akong makain!
\q
\v 18 Kaya aalis ako rito at babalik sa aking ama. Sasabihin ko sa kaniya, "Ama, nagkasala ako laban sa Diyos at laban sa iyo.
\p
\v 19 Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Pakiusap, gawin mo na lamang akong isa sa iyong mga upahang utusan.'"
\s5
\p
\v 20 Kaya umalis siya roon at nagsimulang maglakbay pabalik sa tahanan ng kaniyang ama. Ngunit habang nasa may kalayuan pa lamang siya mula sa tahanan, nakita na siya ng kaniyang ama at nakaramdam siya ng matinding habag sa kaniya. Tumakbo siya sa kaniyang anak at niyakap at hinalikan siya sa pisngi.
\p
\v 21 Sinabi sa kaniya ng kaniyang anak, "Ama, nagkasala ako laban sa Diyos at laban sa iyo. Kaya hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.'
\s5
\p
\v 22 Ngunit sinabi ng ama sa kaniyang mga utusan, 'Magmadali kayo at kunin ninyo ang aking pinakamagandang balabal at isuot sa aking anak. Lagyan din siya ng singsing sa kaniyang dalilri at sandalyas sa kaniyang mga paa!
\p
\v 23 At kunin ninyo ang guya na pinataba para sa natatanging pagdiriwang at katayin ito upang makain at makapagdiwang tayo!
\p
\v 24 Kailangan nating magdiwang dahil ang anak kong ito ay parang taong patay, ngunit ngayon, muli siyang nabuhay! Siya ay parang taong nawala, ngunit ngayon siya ay nahanap!' Kaya, silang lahat ay nagsimulang magdiwang.
\s5
\p
\v 25 Habang nangyayari ang lahat ng ito, nagtratrabaho sa bukid ang nakakatandang anak ng ama. Nang matapos siya sa pagtratrabaho at malapit na sa tahanan, nakarinig siya ng mga taong tumutugtog ng musika at sumasayaw.
\q
\v 26 Tinawag niya ang isa sa mga lingkod at tinanong kung ano ang nangyayari.
\p
\v 27 Sinabi ng utusan sa kaniya, 'Naka-uwi na ang kapatid mo. Sinabi ng iyong ama sa amin na katayin ang pinatabang guya upang magdiwang dahil nakabalik nang ligtas at malusog ang iyong kapatid.'
\s5
\q
\v 28 Ngunit nagalit ang nakakatandang kapatid at ayaw niyang pumasok sa tahanan. Kaya lumabas ang kaniyang ama at pinakiusapan siyang pumasok.
\p
\v 29 Ngunit sumagot siya sa kaniyang ama, 'Makinig ka! Sa loob ng maraming taon ay nagtrabaho ako nang matindi para sa iyo, na gaya ng isang alipin. Palagi kong sinusunod ang lahat ng sinabi mong gagawin ko. Ngunit kailanman hindi mo ako binigyan ng kahit isang batang kambing upang kainin, nang sa gayon ay magdiwang ako kasama ng aking mga kaibigan.
\p
\v 30 Ngunit ngayon na umuwi ang anak mong ito, pagkatapos niyang nilustay ang lahat ng iyong pera sa mga babaing nagbebenta ng aliw, sinabi mo pa sa iyong mga lingkod na katayin ang pinatabang guya para sa pagdiriwang!'
\s5
\p
\v 31 Ngunit sinabi ng kaniyang ama sa kaniya, 'Anak ko, palagi kitang kasama, at sa iyo ang lahat ng pag-aari ko.
\p
\v 32 Ngunit dapat lang na magsaya at magdiwang tayo dahil ang iyong kapatid ay parang namatay at muling nabuhay! Siya ay parang nawala at ngayon ay natagpuan.'"
\s5
\c 16
\p
\v 1 Sinabi din ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Minsan, may isang mayamang lalaki na may isang tagapangasiwa ng sambahayan. Isang araw, may nakapagsabi sa mayamang lalaki na hindi maayos ang pangangasiwa ng kaniyang tagapangasiwa sa kaniyang mga pag-aari na nagiging sanhi ng pagkaubos ng kaniyang mga ari-arian.
\q
\v 2 Kaya tinawag niya ang tagapangasiwa na pumunta sa kaniya at sinabi, 'Napakasama ng ginagawa mo! Bigyan mo ako ng panghuling ulat ng iyong pinangangasiwaan dahil hindi ka na kita maaaring maging tagapangasiwa ng sambahayan!'
\s5
\q
\v 3 Pagkatapos sinabi ng tagapangasiwa sa kaniyang sarili, 'Tatanggalin na ako ng aking amo bilang kaniyang tagapangasiwa, kaya kailangan kong mag-isip kung ano ang aking gagawin. Hindi sapat ang aking kakayahan para magbungkal ng lupa at nahihiya akong manlimos ng pera.
\p
\v 4 Alam ko na ang gagawin ko, nang sa gayun ay tanggapin ako ng mga tao sa kanilang mga tahanan at sila ang bahala sa akin pagkatapos akong tanggalin sa aking pagiging tagapangasiwa!'
\s5
\p
\v 5 Kaya isa-isa niyang tinawag ang lahat ng may mga utang na pera sa kaniyang amo na pumunta sa kaniya. Tinanong niya ang una, 'Magkano ang utang mo sa aking amo?'
\p
\v 6 Sumagot ang lalaki, 'Tatlong libong litro ng langis ng olibo.' Sinabi ng tagapangasiwa sa kaniya, 'Kunin mo ang listahan ng utang mo, umupo ka at mabilis mong palitan ito ng isang libo at limang daang litro!'
\p
\v 7 Sinabi niya sa isa pang lalaki, 'Magkano ang utang mo?' Sumagot ang lalaki, 'Isang libong sisidlan ng trigo.' Sinabi ng tagapangasiwa sa kaniya, 'Kunin mo ang listahan ng utang mo at palitan mo ito ng walong daang sisidlan!'
\s5
\p
\v 8 Nang marinig ng amo ang ginawa ng kaniyang tagapangasiwa, hinangaan niya ang kaniyang mandarayang tagapangasiwa sa ginawa niyang paghahanda para sa katotohanang malapit na siyang mawalan ng trabaho. Ang katotohanan, ang mga taong hindi maka-diyos sa mundong ito, na hindi tapat at nanlilinlang ay nag-iisip at naghahanda para sa kanilang kinabukasan kaysa sa mga maka-diyos na kumikinang gaya ng mga liwanag sa mundong ito.
\p
\v 9 Sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang perang kinita ninyo nang hindi tapat upang tulungan ang iba. Kapag ginawa ninyo ito, magiging kaibigan ninyo sila at kapag naubos na ang pera, magkakaroon kayo ng mga kaibigan na tatanggap sa inyo sa inyong walang hanggang tahanan.
\s5
\p
\v 10 Ang mga taong mapagkakatiwalaan sa maliit na halaga ng pera ay maaari rin mapagkatiwalaan sa mas malaking halaga. Ang mga taong hindi matapat sa paraan ng pangangasiwa nila sa mga hindi mahahalagang tungkulin ay magiging hindi matapat sa paraang pangangasiwa nila sa mga bagay na mahahalaga.
\p
\v 11 Mayroon kayong pera na gawa sa hindi pagiging matapat, ngunit kung hindi kayo naging matapat sa pangangasiwa sa perang iyon, walang sinuman ang magbibigay sa inyo ng sarili ninyong ari-arian.
\q
\v 12 Nangangasiwa kayo ng pera ng ibang tao, ngunit kung hindi kayo matapat huwag ninyong asahan na may magbibigay ng pera sa inyo na maaari ninyong ilagak para sa inyong sarili.
\s5
\p
\v 13 Walang lingkod ang sabay na makakapaglingkod sa dalawang magkaibang amo. Kung subukan niyang gawin iyon, kamumuhian niya ang isa sa kanila at mamahalin niya ang isa, o magiging matapat siya sa isa sa kanila at hahamakin ang isa. Hindi mo maaaring ilaan ang iyong buhay sa paglilingkod sa Diyos kung nais mo ring ilaan ang iyong buhay sa paghahangad ng pera at iba pang materyal na mga ari-arian."
\s5
\p
\v 14 Nang marinig ng mga Pariseong naroroon ng sinabi iyon ni Jesus, pinagtawanan nila siya sapagkat mahilig silang maghangad ng pera.
\p
\v 15 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, "Sinusubukan ninyong ipakita sa ibang tao na kayo ay matuwid, ngunit alam ng Diyos ang inyong mga puso. Tandaan ninyo na maraming mga bagay ang pinupuri ng mga tao bilang mahahalaga, itinuturing ng Diyos na kasuklam-suklam.
\s5
\q
\v 16 Ang mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises at ang mga isinulat ng mga propeta ay inihahayag hanggang sa dumating si Juan na Tagapagbautismo. Mula noon ipinapangaral ko na malapit ng ipakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari. Maraming mga tao ang tumatanggap ng mensaheng iyon at masugid nilang hinihiling sa Diyos na siya ang maghahari sa kanilang buhay.
\p
\v 17 Ang lahat ng mga batas ng Diyos, kahit ang mga tila walang halaga, ay higit na mananatili kaysa sa langit at lupa.
\s5
\p
\v 18 Ang sinumang lalaki na makikipaghiwalay sa kaniyang asawa at magpapakasal sa ibang babae ay nagkakasala ng pangangalunya at sinumang lalaki na magpapakasal sa isang babaeng hiniwalayan ng kaniyang asawa ay nagkakasala din ng pangangalunya."
\s5
\q
\v 19 Sinabi rin ni Jesus, "May isang mayamang lalaki na nagsusuot ng magandang lila at linong mga kasuotan. Araw-araw siyang nagdiriwang ng mga mamahaling pista.
\p
\v 20 At araw-araw, mayroong isang pulubi na nagngangalang Lazaro ang nakahiga sa tarangkahan ng bahay ng mayamang lalaki. Napapalibutan ng mga sugat ang katawan ni Lazaro.
\p
\v 21 Gutom na gutom siya na nais na niyang kainin ang mga mumo na nalalaglag mula sa mesa kung saan kumakain ang mayamang lalaki. Higit pa rito, upang gawing malala ang mga bagay, lumalapit ang mga aso at dinidilaan ang kaniyang mga sugat.
\s5
\q
\v 22 Di nagtagal namatay ang pulubi. Pagkatapos ay dinala siya ng mga anghel sa kaniyang ninunong si Abraham. Namatay din ang mayamang lalaki at inilibing ang kaniyang katawan.
\p
\v 23 Sa lugar ng mga patay, nagdurusa nang matinding pasakit ang mayamang lalaki. Tumingala siya at nakita niya si Abraham sa malayo at nakaupo malapit kay Abraham si Lazaro.
\s5
\q
\v 24 Kaya sumigaw ang mayamang lalaki, 'Amang Abraham, labis akong nagdurusa sa apoy na ito! Kaya pakiusap kaawaan mo ako at papuntahin mo dito si Lazaro upang maisawsaw niya sa tubig ang kaniyang daliri at dampian niya ang aking dila upang mapalamig ito!'
\s5
\p
\v 25 Ngunit sumagot si Abraham, 'Anak, alalahanin mo na noong nabubuhay ka pa sa lupa ay nagpakasaya ka sa maraming mga magagandang bagay. Ngunit si Lazaro ay hirap na hirap. Ngayon ay masaya siya dito at ikaw naman ang nagdurusa.
\q
\v 26 Maliban pa roon, naglagay ang Diyos ng isang malaking harang sa pagitan natin. Kaya ang mga nagnanais na pumunta mula rito patungo sa kinaroroonan mo ay hindi ito magagawa. Higit pa rito, wala ring sinuman ang maaaring makatawid mula diyan patungo rito.'
\s5
\q
\v 27 Pagkatapos, sinabi ng mayamang lalaki, 'Kung gayon, Amang Abraham, hinihiling ko sa iyo na papuntahin mo si Lazaro sa tahanan ng aking ama.
\p
\v 28 Mayroon akong limang kapatid na nakatira doon. Sabihin mo sa kaniya na balaan sila upang hindi rin sila mapunta sa lugar na ito kung saan nagdurusa kami ng matinding sakit!'
\s5
\p
\v 29 Ngunit sumagot si Abraham, 'Hindi, hindi ko gagawin iyan dahil nasa iyong mga kapatid ang isinulat ni Moises at ng mga propeta matagal nang panahon ang nakalipas. Dapat nilang sundin kung ano ang isinulat nila!'
\q
\v 30 Ngunit sumagot ang mayamang lalaki, 'Hindi, Amang Abraham, hindi iyan magiging sapat! Ngunit kung may isa man na mula sa mga namatay ang babalik at babalaan sila, tatalikuran nila ang kanilang makasalanang mga pag-uugali.'
\p
\v 31 Sinabi ni Abraham sa kaniya, 'Hindi! Kung hindi sila makikinig mula sa mga isinulat ni Moises at ng mga propeta, kahit pa mabuhay mula sa mga patay ang sinuman at balaan sila, hindi pa rin sila mahihikayat na talikuran ang kanilang mga makasalanang pag-uugali."'
\s5
\c 17
\p
\v 1 Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Tiyak na mangyayari ang mga bagay na tutukso sa mga tao upang magkasala, ngunit nakakikilabot ito sa sinumang magiging dahilan upang mangyari ang mga bagay na iyon!
\p
\v 2 Mas makakabuti sa taong iyon kung tatalian siya ng isang napakalaking bato sa kaniyang leeg ng sinuman at itapon siya sa karagatan, kaysa siya ang magiging dahilan upang magkasala ang isang tao na mahina sa kaniyang pananampalataya.
\s5
\q
\v 3 Mag-ingat kung paano kayo kumilos. Kung nagkasala ang isa sa inyong mga kapatid, dapat mo siyang pagsabihan. Kung sasabihin niya na nagsisisi siya sa pagkakasala at humihingi sa iyo ng kapatawaran, dapat mo siyang patawarin.
\q
\v 4 Kahit na magkasala siya sa iyo ng pitung ulit sa isang araw, kung lalapit siya sa iyo bawat oras at sasabihin, 'Nagsisisi ako sa aking ginawa,' dapat patuloy mo parin siyang patawarin."
\s5
\p
\v 5 Pagkatapos, sinabi ng mga apostol sa Panginoon, "Palakasin paninyo ang aming pananampalataya!"
\q
\v 6 Sumagot ang Panginoon, "Kahit na mayroon kayong pananampalataya na hindi mas malaki sa maliit na butil ng mustasang ito, maaari ninyong sabihin sa puno ng sikamorong ito, 'Bunutin mo ang iyong sarili kasama ang iyong mga ugat palabas sa lupa at itanim mo ang iyong sarili sa karagatan' at susunod ito sa inyo!"
\s5
\p
\v 7 Sinabi rin ni Jesus, "Ipagpalagay natin na may lingkod ang isa sa inyo na nag-aararo ng inyong kabukiran o nag-aalaga ng inyong tupa. Pagkatapos niyang dumating sa bahay mula sa bukid, hindi mo sasabihin na, 'Halika, umupo ka agad at kumain!'
\p
\v 8 Sa halip, sasabihin mo sa kaniya, 'Maghanda ka ng aking makakain! Tapos isuot mo ang iyong damit na pang-tagasilbi at ihain mo ang pagkain para makakain at makainom na ako! Pagkatapos ay makakakain at makakainom ka na.'
\s5
\p
\v 9 Hindi mo pasasalamatan ang iyong lingkod sa paggawa ng gawain na sinabi sa kaniyang gawin niya!
\p
\v 10 Gayon din naman, kapag ginawa na ninyo ang lahat ng gawain na ipinagagawa sa inyo ng Diyos, dapat ninyong sabihin, 'Mga lingkod lamang kami ng Diyos at hindi kami karapat-dapat na pasalamatan niya. Ginawa lamang namin ang mga bagay na ipinagagawa niya sa amin.'"
\s5
\q
\v 11 Habang naglalakad si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa daan patungong Jerusalem, papunta sila sa lugar sa pagitan ng mga rehiyon ng Samaria at Galilea.
\p
\v 12 Pagkapasok ni Jesus sa isang nayon, lumapit sa kaniya ang sampung ketongin, ngunit tumayo lamang sila sa may di kalayuan.
\q
\v 13 Sumigaw sila, "Jesus, Panginoon, pakiusap kaawaan mo kami!"
\s5
\p
\v 14 Nang makita niya sila, sinabi niya sa kanila, "Humayo kayo at ipakita ang inyong mga sarili sa mga pari." Kaya umalis sila at habang nagpapatuloy sa kanilang pupuntahan ay gumaling sila.
\p
\v 15 At nang makita ng isa sa kanila na gumaling na siya, bumalik siya na nagpupuri ng malakas sa Diyos.
\p
\v 16 Lumapit siya at nagpatirapa sa paanan ni Jesus at nagpasalamat sa kaniya. Isang Samaritano ang lalaking ito.
\s5
\p
\v 17 Pagkatapos, sinabi ni Jesus, "Pinagaling ko ang sampung ketongin! Bakit hindi bumalik ang siyam?
\p
\v 18 Itong dayuhan lamang ang kaisa-isang bumalik upang magpasalamat sa Diyos, wala nang iba pang bumalik!"
\p
\v 19 At sinabi niya sa lalaki, "Tumayo ka at humayo ka na sa iyong patutunguhan. Pinagaling ka na ng Diyos dahil nagtiwala ka sa akin."
\s5
\q
\v 20 Isang araw, tinanong ng ilang mga Pariseo si Jesus, "Kailan magsisimulang mamuno ang Diyos sa lahat?" Sumagot siya, "Iyon ay hindi isang bagay na makikita ng mga tao gamit ang kanilang mga mata.
\p
\v 21 Hindi masasabi ng mga tao, 'Tingnan ninyo! Namumuno siya dito!' o 'Namumuno siya doon!' dahil, salungat sa inyong iniisip, nagsimula nang mamuno ang Diyos sa inyo."
\s5
\p
\v 22 Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Darating ang panahon na nanaisin ninyo akong makita, ang Anak ng Tao na makapangyarihang namumuno. Ngunit hindi ninyo makikita iyon.
\q
\v 23 Sasabihin ng mga tao sa inyo, 'Tingnan ninyo, naroon ang Mesiyas!' o sasabihin nilang 'Tingnan ninyo, narito siya!' Kapag sinabi nila iyon, huwag ninyo silang susundan.
\p
\v 24 Dahil kapag kumislap ang kidlat at lumiwanag sa kalangitan mula sa isang bahagi patungo sa kabilang bahagi, maaari itong makita ng lahat. Gayon din naman, kapag ako, ang Anak ng Tao ay muling babalik, makikita ako ng lahat.
\s5
\q
\v 25 Ngunit bago mangyari iyon, kailangan akong dumaan sa maraming paraan ng pagdurusa at itatakwil ako ng mga tao.
\q
\v 26 Ngunit kapag ako, ang Anak ng Tao ay bumalik muli, gagawin ng mga tao ang mga bagay na kagaya ng ginagawa ng mga tao noong nabubuhay pa si Noe.
\p
\v 27 Sa panahong iyon, ang mga tao ay kumakain at nag-iinuman at nag-asawa gaya ng dati, hanggang sa araw na pumasok si Noe at ang kaniyang pamilya sa malaking bangka. Ngunit pagkatapos ay dumating ang baha at nilipol ang lahat na wala sa bangka.
\s5
\p
\v 28 Gayon din naman, nang tumira si Lot sa lungsod ng Sodoma, gaya ng nakasanayan, kumakain at nag-iinuman ang mga tao doon. Bumili sila at nagtinda ng mga bagay-bagay. Nagtanim sila ng mga pananim at nagpatayo ng mga bahay gaya ng nakasanayan.
\v 29 Ngunit noong araw na umalis si Lot sa Sodoma, bumagsak ang apoy at nagliliyab na asupre mula sa kalangitan at winasak ang lahat ng mga nanatili sa lungsod.
\s5
\v 30 Gayundin naman, kapag ako, ang Anak ng Tao ay bumalik sa lupa, hindi magiging handa ang mga tao.
\p
\v 31 Sa araw na iyon, huwag na sanang pumasok ang mga tao na nasa labas ng kanilang bahay upang kunin ang lahat ng mga bagay na pag-aari nila. Gayundin naman, dapat huwag nang bumalik ang mga nagtatrabaho sa bukid upang kumuha ng anuman at dapat silang tumakas agad.
\s5
\v 32 Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot!
\v 33 Mamamatay ang sinumang nagpapatuloy sa kaniyang sariling kaparaanan ng pamumuhay. Ngunit mabubuhay magpakailanman ang sinumang mang-iiwan ng kaniyang kaparaanan alang-alang sa akin.
\s5
\p
\v 34 Sinasabi ko ito sa inyo: Sa gabi na babalik ako, mayroong dalawang taong natutulog sa iisang higaan. Kukunin ang isa na naniniwala sa akin at maiiwan naman ang isa.
\v 35-36 Dalawang babae ang magkasamang naggigiling ng butil, kukunin ang isa at maiiwan ang isa."
\p
\v 37 Sinabi ng mga alagad sa kaniya, "Panginoon, saan ito mangyayari?" Sumagot siya sa kanila, "Kahit saan mang may patay na katawan, magtitipon ang mga buwitre upang kainin ito."
\s5
\c 18
\p
\v 1 Nagsabi si Jesus ng isa pang kuwento sa kaniyang mga alagad upang turuan sila na kinakailangan nilang patuloy na manalangin at huwag panghinaan ng loob kung hindi agad sinagot ng Diyos ang kanilang mga panalangin.
\q
\v 2 Sinabi niya, "Sa isang lungsod, may isang hukom na hindi iginagalang ang Diyos at walang pagpapahalaga sa mga tao.
\s5
\p
\v 3 May isang balo sa lungsod na iyon na palaging pumupunta sa hukom, na nagsasabi 'Pakiusap bigyan mo po ako ng hustisya mula sa taong kumakalaban sa akin sa hukuman.
\p
\v 4 Hindi siya tinulungan ng hukom sa mahabang panahon. Ngunit hindi nagtagal, sinabi niya sa kaniyang sarili, 'Hindi ko iginalang ang Diyos at wala akong pagpapahalaga sa mga tao,
\p
\v 5 ngunit palagi akong ginugulo ng balong ito! Kaya bibigyan ko siya ng katarungan sa kaniyang kaso at sisiguruhing pakikitunguhan siya ng maayos, dahil papagurin niya ako kung hindi ko gagawin iyon sa pamamagitan ng palaging pagpunta sa akin!'"
\s5
\p
\v 6 At sinabi ng Panginoong Jesus, "Pag-isipan ninyong mabuti ang sinabi ng hindi makatarungang hukom.
\p
\v 7 Higit pa na ang Diyos na makatarungan ang tiyak na magbibigay ng hustisya sa mga taong pinili niya na nananalangin sa kaniya araw at gabi! At palagi siyang nagtitiyaga sa kanila.
\p
\v 8 Sinasabi ko sa inyo, kaagad na ibibigay ng Diyos ang hustisya sa kaniyang mga hinirang! Ngunit kapag ako, na Anak ng Tao ay babalik sa mundo, mayroon pa ba akong matatagpuang nananampalataya sa akin?"
\s5
\p
\v 9 At sinabi rin ni Jesus ang mga sumusunod na kuwento sa ilang mga tao na nag-iisip na matuwid sila at nagmamaliit sa ibang mga tao.
\p
\v 10 Sinabi niya, "May dalawang taong pumunta sa templo sa Jerusalem upang manalangin. Ang isa sa mga lalaki ay isang Pariseo. Ang isa ay tagasingil ng buwis ng mga tao para sa pamahalaang Romano.
\s5
\p
\v 11 Tumayo ang Pariseo at ipinanalangin ang kaniyang sarili sa ganitong paraan, 'O Diyos, nagpapasalamat ako sa inyo dahil hindi ako tulad ng ibang tao. Nagnanakaw ang ilan ng pera, hindi maayos ang pakikitungo ng ilan at nangangalunya ang ilan. Hindi ko ginawa ang alinman sa mga bagay na iyon. At tiyak na hindi ako tulad ng makasalanang tagasingil ng buwis na ito na nandadaya ng mga tao!
\p
\v 12 Nag-aayuno ako ng dalawang araw sa loob ng isang linggo at ibinibigay ko sa templo ang ikasampung bahagi ng lahat ng aking kinikita!'
\s5
\p
\v 13 Ngunit tumayo ang tagasingil ng buwis malayo sa ibang tao sa patyo ng templo. Ni hindi siya makatingala sa langit. Sa halip, kinabog niya ang kaniyang dibdib at sinabi, 'O Diyos, pakiusap kaawaan at patawarin mo ako dahil isa akong labis na makasalanan!'"
\p
\v 14 At sinabi ni Jesus, "Sinasabi ko sa inyo na ang tagasingil ng buwis ang pinatawad ng Diyos sa kanilang pag-uwi at hindi ang Pariseo. Dahil ang sinumang nagtataas ng kaniyang sarili ay maibababa at ang nagpapakumbaba ay maitataas."
\s5
\p
\v 15 Isang araw, dinadala ng mga tao kahit na ang kanilang mga sanggol kay Jesus upang kaniyang mahawakan at pagpalain sila. Nang makita ito ng mga alagad, sinabi nila sa mga tao na huwag gawin iyon.
\p
\v 16 Ngunit tinawag ni Jesus ang mga bata upang dalhin sa kaniya. Sinabi niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga maliliit na bata! Huwag ninyo silang pigilan! Ang mga taong mapagpakumbaba at nagtitiwala gaya ng mga batang ito ang siyang paghaharian ng Diyos.
\p
\v 17 Sa katunayan, sasabihin ko sa inyo na sinumang hindi tumanggap sa Diyos ng may kababaang-loob gaya ng isang bata upang pagharian niya, hindi niya sila lubos na paghaharian."
\s5
\q
\v 18 Minsan, isang pinunong Judio ang nagtanong kay Jesus, "Mabuting Guro, ano ang kailangan kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?"
\p
\v 19 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bakit mo ako tinawag na mabuti? Ang Diyos lamang ang siyang tunay na mabuti!
\p
\v 20 Bilang sagot sa iyong katanungan, tiyak na alam mo ang mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises upang ating sundin, 'Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay ng sinuman, huwag kang magnanakaw, huwag kang magbibigay ng maling patotoo at igalang mo ang iyong ama at ina.'"
\p
\v 21 Sinabi ng lalaki, "Sinunod ko ang lahat ng mga kautusang iyon mula pa nang aking kabataan."
\s5
\p
\v 22 Nang marinig ni Jesus na sinabi niya iyon, tumugon siya sa lalaki, "Kinakailangan mo pang gawin ang isang bagay. Ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian. Pagkatapos, ibigay mo ang pera sa mga taong mahihirap. Ang kalalabasan nito ay magkakaroon ka ng espirituwal na kayamanan sa langit. Pagkatapos sumunod ka at maging alagad ko!"
\p
\v 23 Lubhang nalungkot ang lalaki nang marinig niya iyon dahil napakayaman niya.
\s5
\p
\v 24 Nang makita ni Jesus kung gaano kalungkot ang lalaki, lubha din siyang nalungkot. Sinabi niya, "Napakahirap para sa mayayaman na pagharian sila ng Diyos."
\p
\v 25 Sa katunayan, mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa mayayamang tao na hayaang pagharian ng Diyos ang kanilang mga buhay."
\s5
\p
\v 26 Ang mga nakarinig sa sinabi ni Jesus ay tumugon, "Kung gayon, wala ni isa mang maliligtas!"
\p
\v 27 Ngunit sinabi ni Jesus, "Ang imposible sa mga tao ay posible sa Diyos."
\s5
\p
\v 28 At sinabi ni Pedro, "Tingnan mo, iniwan namin ang lahat ng mayroon kami upang maging alagad mo.
\q
\v 29 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Oo at sinasabi ko rin sa inyo na ang mga nag-iwan ng kanilang mga tahanan, mga asawa, mga kapatid, mga magulang, o kanilang mga anak upang sumunod sa kalooban ng Diyos sa kanila
\p
\v 30 ay makatatanggap sa buhay na ito ng maraming beses nang higit pa sa iniwan nila at sa mundong darating ay makatatanggap sila ng buhay na walang hanggan."
\s5
\p
\v 31 Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at sinabi sa kanila, "Makinig kayong mabuti! Aakyat tayo ngayon sa Jerusalem. Habang naroon tayo, magaganap ang lahat ng isinulat ng mga propeta noon tungkol sa akin na Anak ng Tao.
\q
\v 32 Ipapasakamay ako ng aking mga kaaway sa kapangyarihan ng mga hindi Judio. Kukutyain nila ako, hahamakin at duduraan.
\q
\v 33 Hahagupitin nila ako at pagkatapos ay papatayin. Ngunit, sa ikatlong araw matapos iyon, muli akong mabubuhay."
\s5
\q
\v 34 Ngunit hindi naunawaan ng mga alagad ang anumang sinabi niya. Hindi hinayaan ng Diyos na maunawaan ng mga alagad ang mga bagay na sinasabi ni Jesus sa kanila.
\s5
\q
\v 35 Nang malapit na si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa Jerico, isang bulag ang nakaupo sa tabi ng daan na namamalimos.
\p
\v 36 Nang marinig niya ang napakaraming tao na dumaraan, tinanong niya ang isang tao, "Ano ang nangyayari?"
\q
\v 37 Sinabi nila sa kaniya, "Si Jesus na nagmula sa bayan ng Nazaret ay dumaraan."
\s5
\q
\v 38 Sumigaw siya, "Jesus na nagmula sa lahi ni Haring David, maawa ka sa akin!"
\q
\v 39 Pinagalitan siya ng mga taong naunang naglalakad at sinabing manahimik siya. Ngunit sumigaw pa siya ng mas malakas, "Ikaw na nagmula sa lahi ni Haring David, maawa ka sa akin!"
\s5
\q
\v 40 Huminto si Jesus sa paglalakad at inutusan niya ang mga tao na dalhin sa kaniya ang lalaki. Nang papalapit na ang lalaki, tinanong siya ni Jesus,
\p
\v 41 "Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?" Sumagot siya, "Panginoon, nais kong magkaroon ng kakayahang makakita!"
\s5
\q
\v 42 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kung gayon, makakita ka! Dahil nagtiwala ka sa akin, pinagaling kita!"
\q
\v 43 Kaagad siyang nakakita. At sumama siya kay Jesus na nagpupuri sa Diyos. At nang makita ito ng lahat ng tao na naroon, pinuri din nila ang Diyos.
\s5
\c 19
\p
\v 1 Pumasok si Jesus sa Jericho at dumadaan sa lungsod.
\q
\v 2 May lalaki roon na nagngangalang Zaqueo. Namamahala siya sa paniningil ng mga buwis at napakayaman.
\s5
\q
\v 3 Ninais niyang makita si Jesus, ngunit hindi niya makita sa napakaraming tao. Napakaliit niyang lalaki at maraming tao sa paligid ni Jesus.
\p
\v 4 Kaya nauna siyang tumakbo sa daanan. Umakyat siya sa puno ng sikamorong igos upang makita niya si Jesus kapag dumaan na siya.
\s5
\p
\v 5 Nang makarating si Jesus doon, tumingala siya at sinabi sa kaniya, "Zaqueo, bumaba ka kaagad, kailangan kong manatili sa iyong tahanan ngayong gabi!"
\p
\v 6 Kaya nagmadali siyang bumaba. Masaya niyang tinanggap si Jesus sa kaniyang tahanan.
\p
\v 7 Ngunit dumaing ang mga taong nakakitang pumunta si Jesus doon, na sinasabi, "Pumunta siya upang maging bisita ng isang tunay na makasalanan!"
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos, tumayo si Zaqueo habang kumakain sila at sinabi kay Jesus, "Panginoon, nais kong malaman mo na ibibigay ko sa mga taong mahihirap ang kalahati ng aking pag-aari. At sa mga taong dinaya ko, ibabalik ko ito sa kanila nang apat na beses ang halaga sa kinuha ko sa kanila."
\p
\v 9 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Sa araw na ito, iniligtas ng Diyos ang sambahayang ito, dahil ipinakita ng taong ito na tunay siyang kaapu-apuhan ni Abraham.
\p
\v 10 Tandaan ninyo ito: akong Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang mga taong kagaya ninyo na lumayo sa Diyos."
\s5
\p
\v 11 Nakikinig ang mga tao sa lahat ng sinabi ni Jesus. Dahil malapit na siya sa Jerusalem, nagpasya si Jesus na magkuwento sa kanila ng isa pang kuwento. Nais niyang itama ang kanilang iniisip na pagkadating niya sa Jerusalem, magiging hari siya gaya ng nais ng Diyos.
\p
\v 12 Sinabi niya, "Ang isang prinsipe ay naghanda upang pumunta sa malayong bansa upang tanggapin mula sa mas mataas na hari ang karapatang maging hari sa bansa kung saan siya naninirahan. Pagkatapos niyang matanggap ang karapatang maging hari, babalik siya upang pamahalaan ang kaniyang mga tao.
\s5
\p
\v 13 Bago siya umalis, ipinatawag niya ang sampu sa kaniyang mga lingkod. Binigyan niya ang bawat isa sa kanila ng parehong halaga ng pera. Sinabi niya sa kanila, 'Mag-negosyo kayo sa pamamagitan ng perang ito hanggang sa pagbalik ko!' Pagkatapos, umalis na siya.
\p
\v 14 Ngunit maraming tao sa kaniyang bansa ang namumuhi sa kaniya. Kaya nagpadala sila ng mga sugo upang sumunod sa kaniya at sabihin sa mas mataas na hari, 'Hindi namin nais na maging hari namin ang taong ito!'
\p
\v 15 Ngunit, naging hari pa rin siya. Hindi nagtagal, bumalik siya bilang bagong hari. Pagkatapos, pinatawag niya ang mga lingkod na binigyan niya ng pera. Nais niyang malaman kung magkano ang kanilang kinita sa pagnenegosyo gamit ang perang ibinigay niya sa kanila.
\s5
\p
\v 16 Lumapit ang unang lalaki sa kaniya at sinabi, 'Ginoo, sa iyong pera, kumita ako ng sampung beses pa!'
\p
\v 17 Sinabi niya sa lalaking ito, 'Mabuti kang lingkod! Napakagaling ng iyong ginawa! Dahil naging tapat kang namahala sa kakaunting halaga ng pera, ibibigay ko ang sampung mga lungsod sa iyo upang pamunuan mo.'
\s5
\p
\v 18 Pagkatapos, lumapit ang pangalawang lingkod at sinabi, 'Ginoo, ang perang ibinigay mo sa akin ay nagkakahalaga na ngayon ng limang beses pa!'
\p
\v 19 Sinabi din niya sa lingkod na iyon, 'Magaling! Itatalaga kita sa limang mga lungsod.'
\s5
\p
\v 20 Pagkatapos, lumapit ang isa pang lingkod. Sinabi niya, 'Ginoo, narito ang iyong pera. Binalot ko ito sa tela at itinago upang mapanatili itong ligtas.
\p
\v 21 Natakot ako sa kung ano ang iyong gagawin sa akin kapag nabigo ang negosyo. Alam kong mahigpit kang tao, na kinukuha sa iba ang hindi naman talaga sa iyo. Kagaya ka ng isang magsasakang inaani ang butil na itinanim ng ibang tao.'
\s5
\p
\v 22 Sinabi niya sa lingkod na ito, 'Masama kang lingkod! Parurusahan kita ayon sa mga salitang kasasabi mo lamang. Alam mong mahigpit akong tao, dahil kinukuha ko ang hindi ko pag-aari at inaani ang hindi ko itinanim.
\p
\v 23 Kaya dapat ibinigay mo sana ang aking pera sa mga nagpapautang! Para pagbalik ko, makukuha ko ang halagang iyan, dagdag pa ang tubo na kinita nito!'
\s5
\p
\v 24 Kaya sinabi ng hari sa mga nakatayo sa malapit, 'Kunin ninyo ang pera sa kaniya at ibigay sa lingkod na nakagawa ng sampu pang beses sa halaga!'
\q
\v 25 Tumutol sila, 'Ngunit ginoo, marami na siyang pera!'
\s5
\p
\v 26 Ngunit sinabi ng hari, 'Sinasabi ko sa inyo ito: Bibigyan ko pa nang mas marami ang mga taong gumagamit ng mabuti sa kanilang natanggap. Ngunit kukunin ko ang kung anong mayroon sa mga taong hindi gumagamit nang mabuti sa kanilang natanggap.
\p
\v 27 Ngayon, ang mga kaaway ko na hindi nagnanais na mamuno ako sa kanila, dalhin sila rito at patayin habang pinapanood ko!'"
\s5
\p
\v 28 Pagkatapos sinabi ni Jesus ang mga bagay na iyon, nagpatuloy na siya sa daang paakyat sa Jerusalem, nauna na siya sa mga alagad.
\s5
\p
\v 29 Nang malapit na siya sa mga nayon ng Bethfage at sa Bethania, malapit sa Bundok ng mga Olibo,
\p
\v 30 sinabi niya sa dalawa sa kaniyang mga alagad, "Pumunta kayo sa kabilang nayon. Sa inyong pagpasok dito, makakakita kayo ng isang nakataling batang asno roon na hindi pa nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo ito at dalhin sa akin.
\p
\v 31 Kung mayroong magtanong sa inyo, 'Bakit ninyo kinakalagan ang asno?' sabihin ninyo sa kaniya, 'Kailangan ito ng Panginoon.'"
\s5
\p
\v 32 Kaya pumunta ang dalawang alagad sa nayon at nakita ang asno, gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila.
\p
\v 33 Habang kinakalagan nila ito, sinabi ng mga may-ari sa kanila, "Bakit kinakalagan ninyo ang aming asno?"
\q
\v 34 Sumagot sila, "Kailangan ito ng Panginoon."
\p
\v 35 Pagkatapos, dinala ng mga alagad ang asno kay Jesus. Inilagay nila ang kanilang mga balabal sa likod ng asno upang paupuin at tulungang sumakay si Jesus dito.
\v 36 Habang nakasakay siya, inilatag ng iba ang kanilang mga balabal sa daanan sa harapan niya upang parangalan siya.
\s5
\p
\v 37 Nang malapit na sila sa daanang pababa sa Bundok ng mga Olibo, nagsimulang magalak at magpuri sa Diyos nang malakas ang kabuuan ng kaniyang mga alagad dahil sa lahat ng mga dakilang himala na nakita nilang ginawa ni Jesus.
\p
\v 38 Sinasabi nila ang mga bagay na gaya ng, "Pagpalain nawa ng Diyos ang aming hari na naparito sa kapangyarihan ng Diyos!" "Magkaroon nawa ng kapayapaan sa pagitan ng Diyos ng langit at tayo na kaniyang mga tao!" "Purihin nawa ng lahat ang Diyos!"
\s5
\p
\v 39 Sinabi sa kaniya ng ilang mga Pariseo na kasama ng maraming tao, "Guro, sabihin mo sa iyong mga alagad na itigil ang pagsasabi ng ganoong mga bagay!"
\p
\v 40 Sumagot siya, "Sinasabi ko sa inyo ito: kung tumahimik ang mga taong ito, ang mga bato mismo ang sisigaw upang purihin ako!"
\s5
\p
\v 41 Nang malapit na si Jesus sa Jerusalem at nakita ang lungsod, umiyak siya dahil sa mga tao nito.
\v 42 Sinabi niya, "Sana sa araw na ito, nalalaman ninyong mga tao kung paano magkakaroon ng kapayapaan ng Diyos. Ngunit wala kayong kakayahang malaman ito ngayon.
\s5
\v 43 Nais kong malaman ninyo ito: Hindi magtatagal, darating ang inyong mga kaaway at gagawa ng harang sa paligid ng inyong lungsod. Papalibutan nila ang lungsod at sasalakayin nila ito sa lahat ng dako.
\v 44 Gigibain nila ang mga pader at wawasakin ang lahat. Sisirain nila ito at kayo at lahat ng inyong mga anak. Kapag natapos na nilang wasakin ang lahat, walang matitirang isang bato sa ibabaw ng isa pa. Mangyayari ang lahat ng ito dahil hindi ninyo kinilala ang pagkakataon nang dumating ang Diyos upang iligtas kayo!"
\s5
\p
\v 45 Pumasok si Jesus sa Jerusalem at pumunta sa patyo ng templo. Nakita niya sa lugar na iyon ang mga taong nagbebenta ng mga bagay,
\v 46 at sinimulan niyang palayasin sila. Sinabi niya sa kanila, "Naisulat ito sa mga kasulatan, 'Nais ko na ang aking tahanan ay maging lugar kung saan nananalangin ang mga tao,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw!"
\s5
\p
\v 47 Bawat araw sa linggong iyon, nagtuturo si Jesus sa mga tao sa patyo ng templo. Sinusubukan ng mga punong pari, ng mga guro ng mga pangrelihiyong kautusan, at ng iba pang mga pinuno ng mga Judio na humanap ng paraan upang patayin siya.
\p
\v 48 Ngunit wala silang mahanap na paraan upang gawin ito, dahil masigasig na nakikinig ang lahat ng mga tao sa kaniya.
\s5
\c 20
\p
\v 1 Isang araw sa linggong iyon nagtuturo si Jesus sa mga tao sa patyo ng templo at sinasabi sa kanila ang magandang mensahe ng Diyos. Habang ginagawa niya iyon, lumapit sa kaniya ang mga punong pari, mga guro ng mga kautusang Judio, at ibang mga nakatatanda.
\p
\v 2 Sinabi nila sa kaniya, "Sabihin mo sa amin, ano ang karapatan na mayroon ka upang gawin ang mga bagay na ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?"
\s5
\p
\v 3 Sumagot siya, "Tatanugin ko rin kayo ng isang tanong. Sabihin ninyo sa akin,
\p
\v 4 tungkol sa pagbabautismo ni Juan sa mga tao: inutusan ba siya ng Diyos na magbautismo o inuutusan siya ng mga tao?"
\s5
\p
\v 5 Nagusap-usap sila. Sinabi nila, "Kung isasagot natin, 'Inutusan siya ng Diyos,' sasabihin niya na, 'Bakit hindi kayo naniniwala sa kaniya?"'
\p
\v 6 Ngunit kung sasabihin natin, 'Mga tao lamang ang nag-utos sa kaniya upang magbautismo,' babatuhin tayo ng mga tao hanggang sa tayo ay mamatay, dahil naniniwala silang lahat na si Juan ay isang propeta na isinugo ng Diyos."
\s5
\p
\v 7 Kaya sinabi nila na hindi nila alam kung sino ang nagsabi kay Juan na magbautismo.
\p
\v 8 Pagkatapos sinabi sa kanila ni Jesus, "Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sino ang nagsugo sa akin upang gawin ang mga bagay na iyon."
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tao ang talinghagang ito, "May isang taong nagtanim ng ubasan. Pinaupahan niya ang ubasan sa ilang mga tao upang pangalagaan ito. Pagkatapos pumunta siya sa ibang bansa at nanatili siya roon ng mahabang panahon.
\p
\v 10 Nang panahon na upang anihin ang mga ubas, pinapunta niya ang isang lingkod sa mga namamahala ng ubasan, upang ibigay sa kaniya ang bahagi ng ibinungang ubas ng kaniyang ubasan. Ngunit nang makarating ang lingkod, binugbog siya at pinalayas na walang dalang mga ubas.
\s5
\p
\v 11 Hindi nagtagal, nagpadalang muli ng ibang lingkod ang may-ari. Ngunit binugbog at pinahiya din nila ito. Pinalayas nila ito na walang dalang mga ubas.
\p
\v 12 Hindi rin nagtagal, nagpadalang muli ng lingkod ang may-ari. Ang pangatlong lingkod na ito ay sinugatan at itinapon palabas ng ubasan.
\s5
\p
\v 13 Kaya sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang sarili, 'Ano ang dapat kong gawin ngayon? Ipapadala ko ang aking anak, na lubos kong minamahal. Baka sakaling igalang siya.'
\p
\v 14 Kaya ipinadala niya ang kaniyang anak, ngunit nang makita ng mga kalalakihan na namamahala sa ubasan na siya ay parating, sinabi nila sa isa't-isa, 'Parating ang taong magmamana ng ubasan balang araw! Patayin natin siya upang mapasa-atin ang ubasang ito!'
\s5
\p
\v 15 Kaya kinaladkad nila siya palabas ng ubasan at pinatay. Kaya sasabihin ko sa inyo kung ano ang gagawin sa kanila ng may-ari ng ubasan!
\p
\v 16 Darating siya at papatayin ang mga lalaking nangangalaga sa kaniyang ubasan. Pagkatapos ay maghahanap ng ibang taong mangangalaga nito." Nang marinig ito ng mga taong nakikinig kay Jesus, sinabi nila, "Huwag nawang mangyari ang pangyayaring ito!"
\s5
\p
\v 17 Ngunit tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Maaari ninyong sabihin iyan, ngunit isipin ninyo ang kahulugan ng mga salitang ito na nakasulat sa Kasulatan, 'Ang batong tinanggihan ng mga nagtatayo ay naging pinakamahalagang bato sa gusali.
\p
\v 18 Ang bawat taong babagsak sa batong ito ay magkakapira-piraso, at madudurog ang sinumang babagsakan nito."
\s5
\p
\v 19 Napagtanto ng mga punong pari at ang mga guro ng mga kautusang mga Judio na pinaparatangan sila nang ikuwento niya ang tungkol sa mga masasamang tao. Kaya agad nilang sinubukang humanap ng paraan upang dakipin siya, ngunit hindi nila siya madakip, dahil natatakot sila sa maaaring gawin ng mga tao kung kanilang gagawin iyon.
\p
\v 20 Kaya minatyagan nila siyang mabuti. Nagpadala rin sila ng mga espiya na magkukunwaring seryoso. Ngunit ang nais lamang nila ay makapagsalita si Jesus ng maling bagay kung saan maaari nila siyang paratangan. Nais nilang dalhin siya sa gobernador ng probinsya.
\s5
\p
\v 21 Kaya tinanong siya ng isa sa mga espiya, "Guro, alam namin na sinasabi at itinuturo niyo kung ano ang tama. Sinasabi niyo ang totoo kahit na hindi ito gusto ng mga kilalang tao. Itinuturo ninyo ang katotohanan kung ano ang gusto ng Diyos na ipagawa sa ami.
\p
\v 22 Kaya sabihin ninyo sa amin kung ano ang masasabi ninyo tungkol sa bagay na ito: Tama bang magbayad tayo ng buwis sa pamahalaang Romano o hindi?"
\s5
\p
\v 23 Ngunit alam niyang siya ay sinusubukan nilang linlangin upang maipahamak siya, sa mga Judio na ayaw magbayad sa kanilang mga buwis, o sa pamahalaang Romano. Kaya sinabi niya sa kanila,
\p
\v 24 "magpakita kayo ng perang Romano sa akin. Pagkatapos, sabihin ninyo sa akin kung kaninong larawan ang naroon. At sabihin ninyo sa akin kung kaninong pangalan ang naroon." Kaya nagpakita sila ng pera sa kaniya. "Ito ay may larawan at pangalan ni Cesar, ang pangulo ng pamahalaang Romano."
\s5
\q
\v 25 Sinabi niya sa kanila, "Sa bagay na ito, ibigay sa pamahalaan kung ano ang nararapat sa kanila, at ibigay sa Diyos ang para sa kaniya."
\p
\v 26 Namangha ang mga espiya sa kaniyang sagot, labis ang kanilang pagkamangha na halos hindi sila makasagot. Walang sinabi si Jesus sa mga taong nakapalibot sa kaniya na maaaring makakitaan ng anumang mali ng mga espiya.
\s5
\p
\v 27 Pagkatapos, lumapit kay Jesus ang ilang mga Saduseo. Sila ay isang pangkat ng mga Judio na nagsasabing walang sinuman ang mabubuhay mula sa mga patay.
\q
\v 28 Nais din nilang magtanong kay Jesus ng isang katanungan. Sinabi sa kaniya ng isa sa kanila, "Guro, sumulat si Moises para sa ating mga Judio na kung ang isang lalaki ay may asawa at namatay siya ng walang anak, ang kaniyang kapatid na lalaki ay dapat pakasalan ang balo upang magkaroon siya ng anak sa pamamagitan niya. Sa paraang ito, ituturing ng mga tao na ang batang ito ay anak ng panganay na namatay.
\s5
\p
\v 29 Mayroong pitong magkakapatid na lalaki sa isang pamilya. Pinakasalan ng panganay ang isang babae, ngunit hindi sila nagkaroon ng anak. Hindi nagtagal namatay ang lalaki.
\p
\v 30 Sinunod ng pangalawang kapatid ang batas na ito at pinakasalan niya ang balo, ngunit gayon din ang nangyari sa kaniya.
\p
\v 31 Pagkatapos pinakasalan din ng pangatlong kapatid ang babae, ngunit gayon din muli ang nangyari sa kaniya. Ang bawat isa sa lahat ng pitong magkakapatid na lalaki, isa-isang, pinakasalan ang babaeng iyon, ngunit wala silang naging mga anak, isa-isa silang namatay.
\p
\v 32 Pagkatapos, namatay din ang babae.
\p
\v 33 Samakatwid, kung totoong may pagkakataon na ang mga patay ay muling mabubuhay, sino sa tingin ninyo sa magkakapatid ang mapapangasawa ng babae? Tandaan ninyo na nagpakasal siya sa pitong magkakapatid na lalaki!"
\s5
\p
\v 34 Sumagot si Jesus sa kanila, "Sa mundong ito, ang mga lalaki ay magkaroon ng asawang babae, at ibinibigay ng mga tao ang kanilang mga anak na babae upang mapangasawa ng mga lalaki.
\p
\v 35 Ngunit ang mga taong itinuturing ng Diyos na karapat dapat na mapasa langit na nabuhay mula sa mga patay ay hindi na muling mag-asawa pa.
\p
\v 36 Gayon din, hindi na sila mamatay kailanman, dahil sila ay magiging imortal tulad ng mga anghel. Ang katotohanan na binuhay silang muli ng Diyos ay nagpapakita na sila ay kaniyang mga anak.
\s5
\v 37 Ngunit tungkol sa mga taong nabuhay muli sa mga patay, sumulat si Moises ng tungkol dito. Sa lugar kung saan niya isinulat ang tungkol sa mababang puno ng kahoy na nagniningas, binanggit niya na ang Panginoon bilang Diyos na sinasamba ni Abraham, sinasamba ni Isaac at sinasamba ni Jacob. Hindi mga patay na tao ang sumasamba sa Diyos, kundi ang mga nabubuhay na tao ang sumasamba sa kaniya.
\v 38 Ang lahat ng tao na ang mga espiritu ay muling nabuhay pagkatapos nilang mamatay ay patuloy siyang pararangalan!"
\s5
\p
\v 39 Sumagot ang ilan sa mga guro ng kautusan ng mga Judio, "Guro, napakaganda ng inyong sagot!"
\p
\v 40 Pagkatapos, wala nang nangahas pang magtanong muli ng ganoong mga katanungan sa kaniya upang mabitag siya.
\s5
\p
\v 41 Maya-maya sinabi sa kanila ni Jesus, "Ipapakita ko sa inyo na kapag sinabi ng mga tao na ang Cristo ay inapo lamang ni Haring David, sila ay nagkakamali!
\v 42 Isinulat mismo ni David sa mga libro ng mga Awit ang tungkol sa Cristo, sinabi ng Diyos sa aking Panginoon, 'Umupo ka sa tabing kanan ko, kung saan mataas kitang pararangalan.
\q
\v 43 Maupo ka dito habang ganap kong pinupuksa ang iyong mga kaaway.'
\v 44 Tinawag ni Haring David ang Cristo na aking Paginoon'! Kaya ang Cristo ay hindi lamang galing sa inapo ni Haring David! Ang kakasabi ko lang ang magpapatunay na siya ay mas dakila kaysa kay David, tama?"
\s5
\p
\v 45 Habang nakikinig ang ibang tao, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad,
\v 46 "Mag-ingat kayo na huwag kayong kumilos tulad ng mga taong nagtuturo ng kautusan ng Judio. Mahilig silang magsuot ng mahahabang balabal at naglalakad-lakad, upang isipin ng mga tao na sila ay napakatataas. Gusto rin nilang magalang silang binabati ng mga tao sa mga pamilihan. Mahilig silang umupo sa mga pinakamahahalagang lugar sa sinagoga. Sa mga kainan gusto nilang maupo sa mga upuan kung saan umuupo ang mga iginagalang ng mga tao.
\v 47 Ninanakaw din nila ang mga ari-arian ng mga balo. At nanalangin din sila ng napakahahaba sa maraming tao. Tiyak na matindi ang parusa sa kanila ng Diyos."
\s5
\c 21
\p
\v 1 Tumingala si Jesus sa lugar na kung saan siya nakaupo at nakita niya ang mga mayayamang tao na naglalagay ng kanilang mga kaloob sa lalagyan ng mga handog sa templo.
\p
\v 2 Nakita rin niya ang isang mahirap na babaeng balo na naglagay ng dalawang barya na napakaliit ang halaga.
\q
\v 3 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, "Ang mahirap na babaeng balo na ito ang totoong naglagay ng malaking halaga kaysa sa lahat ng mayayamang taong ito.
\p
\v 4 Sapagkat silang lahat ay may napakaraming pera, ngunit nagbigay lamang sila ng kaunting bahagi nito. Ngunit ang babaeng balo na ito, na napakahirap, ang nakapagbigay ng lahat ng pera na mayroon siya na pambili ng kaniyang kakailanganin.
\s5
\p
\v 5 Nag-uusap ang ilang mga alagad ni Jesus tungkol sa kung paano napalamutian ang templo ng magagandang mga bato at mga palamuti na ibinigay ng mga tao. Ngunit sinabi ni Jesus,
\p
\v 6 "Mawawasak ng lubusan ang mga bagay na ito na inyong nakikita. Oo, parating na ang panahon na wala sa mga batong ito ang matitira sa ibabaw ng kapwa nito bato."
\s5
\p
\v 7 At tinanong nila siya, "Guro, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang mangyayari upang maipakita na mabibigyang katuparan ang mga bagay na ito?"
\p
\v 8 Sumagot si Jesus, "Mag-ingat na walang manlinlang sa inyo. Sapagkat maraming tao ang darating at magsasabi sila ako. Magsasabi ang bawat isa sa kanilang sarili, "Ako ang Mesiyas!' Sasabihin din nila, 'Nalalapit na ang oras, kung kailan mamumuno ang Diyos bilang hari!' Huwag sumunod sa kanila upang maging mga alagad nila!
\p
\v 9 Gayon din naman, kapag nakarinig kayo ng tungkol sa mga digmaan at mga taong naglalaban-laban, huwag kayong masindak. Sapagkat dapat itong mangyari bago dumating ang pagwawakas ng sanlibutan."
\s5
\p
\v 10 Sasalakayin ng iba't ibang pangkat ng mga tao ang bawat isa, at maglalaban-laban ang iba't ibang mga hari.
\p
\v 11 At magkakaroon ng matinding mga lindol sa iba't ibang mga lugar, gayon din naman ang taggutom at kakila-kilabot na mga sakit. Maraming bagay ang mangyayari na magbibigay dahilan sa mga tao upang matakot ng lubusan at makikita ng mga tao ang mga bagay na kakaiba sa kalangitan na magpapakita na mayroong isang napakahalagang bagay ang mangyayari.
\s5
\p
\v 12 Ngunit bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, dadakipin nila kayo, pakikitunguhan ng masama, dadalhin kayo sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. Lilitisin kayo sa harapan ng mga hari at sa mga may matataas na katungkulan sa pamahalaan dahil sa pagsunod ninyo sa akin.
\p
\v 13 Iyon ang panahon na sasabihin ninyo ang katotohanan tungkol sa akin.
\s5
\q
\v 14 Kaya tiyakin na huwag mag-alala sa maagang panahon tungkol sa inyong sasabihin upang ipagtanggol ang inyong mga sarili,
\p
\v 15 dahil ibibigay ko sa inyo ang tamang mga salita at karunungan upang malaman ninyo kung ano ang sasabihin. Bilang resulta, wala sa mga taong nagpaparatang sa inyo ang maaaring magsabi na mali kayo.
\s5
\p
\v 16 Ipagkakanulo kayo maging ng inyong mga magulang at mga kapatid at ibang mga kamag-anak at mga kaibigan, at papatayin nila ang iba sa inyo.
\p
\v 17 Sa pangkalahatan, kamumuhian kayo ng lahat dahil naniniwala kayo sa akin.
\p
\v 18 Ngunit wala ni isang buhok sa inyong ulo ang malalagas.
\p
\v 19 Kung mararanasan ninyo ang mahirap na kalagayan at mapatunayan ang inyong pagtitiwala sa Diyos, maililigtas ninyo ang inyong mga sarili."
\s5
\p
\v 20 Kapag makikita ninyo na napaliligiran ng mga kawal ang Jerusalem, malalaman na malapit na nilang wasakin ang lungsod na ito.
\p
\v 21 Sa mga oras na iyon, kayong mga nasa rehiyon ng Judea ay dapat tumakas papunta sa mga kabundukan. At kayo na naririto sa lungsod ay dapat umalis. Hindi dapat magpunta sa lungsod na ito ang mga nasa karatig na lugar.
\p
\v 22 Sapagkat ito ang oras na parurusahan ng Diyos ang lungsod na ito; kapag gagawin niya ito, magkakatotoo ang mga salita sa kasulatan.
\s5
\p
\v 23 Kakila-kilabot ito para sa mga nagdadalang tao at nag-aalaga sa mga sanggol sa mga araw na iyon, dahil magkakaroon ng matinding pagdurusa sa lupain at labis na magdurusa ang bawat tao dahil magagalit ang Diyos sa kanila.
\q
\v 24 Marami ang mamatay sa kanila dahil sasalakayin sila ng mga kawal gamit ang kanilang mga armas. Magiging bilanggo ang iba at ipadadala sila sa iba't ibang lugar sa mundo. Patuloy na magmamartsa ang mga hukbo ng mga Gentil sa mga lansangan ng Jerusalem hanggang sa pinahihintulutan ito ng Diyos."
\s5
\p
\v 25 Sa mga oras na iyon, kakaiba ang mga mangyayari sa araw, buwan at mga bituin. At sa daigdig, lubhang matatakot ang mga pangkat ng tao at maguguluhan sila dahil sa dumadagundong na karagatan at sa mga malalaking mga alon nito.
\p
\v 26 Matatakot ng labis ang mga tao kaya manghihina sila, dahil naghihintay sila sa susunod na mangyayari sa mundo. Lilipat ang mga bituin sa kalangitan mula sa karaniwang mga lugar nito.
\s5
\p
\v 27 Pagkatapos, makikita ako ng lahat ng tao, ang Anak ng Tao na darating mula sa kaulapaan taglay ang kapangyarihan at maningning na liwanag.
\p
\v 28 Kaya kapag nagsimulang mangyari ang mga kakila-kilabot na mga bagay na iyon, tumayo ng tuwid at tumingala, dahil nalalapit na kayong iligtas ng Diyos."
\s5
\q
\v 29 Pagkatapos, nagsabi si Jesus ng isang talinghaga sa kanila: "Unawain ninyo ang tungkol sa mga puno ng igos kahit na ang lahat ng mga puno.
\q
\v 30 Kapag nakita ninyo na umuusbong ang kanilang mga dahon, nalalaman ninyo na malapit na ang tag-araw.
\p
\v 31 Gayon din naman, kapag nakita ninyo ang bagay na ito na inilarawan kong mangyayari, malalaman ninyong malapit nang ipakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari.
\s5
\p
\v 32 Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, hindi magwawakas ang henerasyong ito bago mangyari ang lahat ng mga bagay na aking inilarawan ngayon.
\p
\v 33 Magwawakas ang langit at lupa, ngunit hindi magwawakas ang mga sinabi ko sa inyo.
\s5
\p
\v 34 Maging maingat na pigilin ang inyong mga sarili. Huwag pumunta sa mga kasiyahan na kung saan ang mga tao ay gumagawa ng imoralidad, o naglalasing. At huwag ninyong isama ang ganitong alalahanin sa buhay ninyo. Kung namumuhay kayo sa ganitong paraan, titigil na kayo sa paghihintay sa aking pagbabalik. At pagkatapos, sa mga sandaling iyon, bibiglain ko kayo sa aking pagdating. Darating ako ng biglaan na tulad ng pagkahulog ng isang hayop sa isang patibong na walang babala.
\p
\v 35 Tunay nga na babalik ako na walang babala at darating ang araw na iyon na hindi kayo handang makita ako.
\s5
\p
\v 36 Kaya dapat na lagi kayong maging handa sa aking pagbabalik. At laging manalangin upang makayanan ninyong malampasan ang lahat ng mga mahihirap na bagay na ito ng ligtas, at ako, ang Anak ng Tao ang maghahayag na kayo ay walang sala kapag darating ako upang hatulan ang sanlibutan."
\s5
\p
\v 37 Sa bawat araw, tinuturuan ni Jesus ang mga tao sa templo. Ngunit tuwing gabi, lumalabas siya sa lungsod at namamalagi ng buong gabi sa Bundok ng Olibo.
\p
\v 38 At bawat umaga, dumarating ang mga tao sa templo upang makinig sa kaniya.
\s5
\c 22
\p
\v 1 Malapit na ang oras para sa Pagdiriwang ng Tinapay na walang Pampaalsa na tinatawag din ng mga tao na Paskua.
\p
\v 2 Ngayon, naghahanap ang mga punong pari at mga tagapagturo ng batas ng mga Judio ng pagkakataon upang patayin si Jesus dahil natatakot sila sa mga taong tagasunod niya.
\s5
\p
\v 3 Pagkatapos, pumasok si Satanas kay Judas na tinawag na Iscariote, isa sa mga labindalawang alagad.
\p
\v 4 Nagpunta siya at nakipag-usap sa mga punong pari at mga opisyal ng bantay sa templo tungkol sa kung paano niya maidadala si Jesus sa kanila.
\s5
\p
\v 5 Labis silang nasiyahan na gusto niyang gawin iyon. Inalok siya na babayaran ng pera para sa paggawa nito.
\p
\v 6 Kaya sumang-ayon si Judas at nagsimula siyang maghanap ng pagkakataon upang matulungan silang madakip si Jesus kapag wala ng ang maraming tao na nakapaligid sa kaniya.
\s5
\p
\v 7 At sumapit ang Araw ng Tinapay na walang Pampaalsa, ang araw na kung saan ang mga kordero para sa Pagdiriwang ng Paskua ay kinakailangang patayin.
\p
\v 8 Kaya sinabi ni Jesus kina Pedro at Juan, "Pumunta kayo at ihanda ang hapunan para sa Pagdiriwang ng Paskua upang makapagsalo-salo tayong kumain."
\p
\v 9 Sumagot sila sa kaniya, "Saan mo po kami gustong maghanda upang kumain?"
\s5
\p
\v 10 Sumagot siya, "Makinig kayong mabuti. Kapag nagpunta kayo sa lungsod, sasalubungin kayo ng isang lalaking may pasan na malaking banga ng tubig, sundan ninyo siya sa bahay kung saan siya papasok.
\p
\v 11 Sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, 'Sinabi ng aming guro na ipakita mo sa amin ang silid kung saan siya kakain kasama kami na kaniyang mga alagad ng hapunang Pampaskua?'
\s5
\p
\v 12 Ipapakita niya sa inyo ang maluwang na silid na nasa itaas na palapag ng bahay. Maaayos na ang lahat at handa na para sa mga panauhin. Ihanda ninyo doon ang ating hapunan."
\p
\v 13 Kaya pumunta ang dalawang alagad sa lungsod. Natagpuan nila ang lahat gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila. Kaya naghanda sila ng hapunan para sa pagdiriwang doon ng Paskua.
\s5
\p
\v 14 Nang oras na ng hapunan, dumating si Jesus at umupo kasama ng mga apostol.
\p
\v 15 Sinabi niya sa kanila, "Gustong-gusto ko kayong makasamang kumain ng hapunang Pampaskua bago ako magdusa at mamatay.
\p
\v 16 Sinasabi ko sa inyo, hindi ko na ito makakain muli hanggang sa gawin ko ito kapag naghari na ang Diyos sa lahat ng tao sa lahat ng dako, kapag natapos na niya ang kaniyang nasimulang gawin sa Paskua."
\s5
\p
\v 17 Pagkatapos, kinuha niya ang kopa ng alak at nagpasalamat sa Diyos para rito. Sinabi niya, "Kunin ninyo ito at ibahagi sa isa't isa.
\p
\v 18 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng anumang alak hanggang sa maghari ang Diyos sa lahat ng tao sa lahat ng dako."
\s5
\p
\v 19 Pagkatapos kumuha siya ng ilang tinapay at nagpasalamat sa Diyos para rito. Hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila upang kainin. Ginawa niya iyon at sinabi, "Ang tinapay na ito ang aking katawan na siyang iaalay ko para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin."
\p
\v 20 Ganoon din, pagkatapos nilang kumain ng hapunan, kinuha niya ang kopa ng alak at sinabi, "Ito ang bagong kasunduan na aking gagawin sa pamamagitan ng aking sariling dugo, na maibubuhos para sa inyo.
\s5
\p
\v 21 Ngunit tingnan ninyo! Ang taong magpapasakamay sa akin sa aking mga kaaway ay kasalo ko ngayon na kumakain.
\p
\v 22 Sa katunayan, Ako na Anak ng Tao ay mamamatay, dahil ito ang itinakda ng Diyos. Ngunit kakila-kilabot ang mangyayari sa taong magpapasakamay sa akin sa aking mga kaaway!"
\p
\v 23 At nagsimulang magtanong ang mga apostol sa isa't isa, "Sino sa atin ang nagbabalak na gawin ang mga bagay na ito?"
\s5
\p
\v 24 Pagkatapos nito, nagsimulang makipagtalo ang mga apostol sa isa't isa, sinabi nila, "Sino sa atin ang magkakaroon ng higit na karangalan kapag naging hari na si Jesus?"
\p
\v 25 Sumagot si Jesus sa kanila, "Gustong ipakita ng mga hari ng mga nasyong Gentil sa lahat ng tao na sila ay makapangyarihan. Kaya tinatawag nila ang kanilang mga sarili na, 'mga tumutulong sa mga tao.'
\s5
\p
\v 26 Ngunit hindi kayo dapat maging gaya ng mga namumunong iyon! Sa halip, ang mga pinakamarangal na tao ay dapat kumilos na para bang sila ang pinakabata, at ang siyang namumuno ay dapat kumilos gaya ng isang lingkod.
\q
\v 27 Sapagkat nalalaman ninyo na ang pinakamahalagang tao ang siyang kumakain sa hapag at hindi ang lingkod na nagdadala ng pagkain. Ngunit ako ay inyong lingkod.
\s5
\p
\v 28 Kayo ang mga taong nanatili kasama ko sa panahon ng aking pagdurusa.
\q
\v 29 Kaya ngayon, gagawin ko kayong mga makapangyarihang opisyal kapag ang Diyos ay naghari sa bawat isa, gaya ng aking Ama na siyang humirang sa akin na mamuno bilang isang hari.
\p
\v 30 Uupo kayo, kakain at iinom kasama ko kapag ako ay naging hari. Sa katunayan, uupo kayo sa mga trono upang hatulan ang mga tao sa labindalawang tribu ng Israel."
\s5
\p
\v 31 "Simon, Simon makinig ka! Humingi ng pahintulot sa Diyos si Satanas upang subukin niya kayo, gaya ng pagtatahip ng isang tao ng butil sa isang bilao at pinahintulutan siya ng Diyos na gawin iyon.
\p
\v 32 Ngunit ipinanalangin kita, Simon, upang hindi ka lubusang mawalan ng pananampalataya sa akin. Kaya kapag bumalik ka sa akin, palakasin mong muli ang mga taong ito na iyong mga kapatid.
\s5
\q
\v 33 Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Panginoon, handa po akong sumama sa inyo sa kulungan at pumapayag akong mamatay kasama ninyo!"
\q
\v 34 Tumugon si Jesus, "Pedro, gusto kong malaman mo na ngayong gabi, bago tumilaok ang tandang, sasabihin mo ng tatlong beses na hindi mo ako kilala!"
\s5
\q
\v 35 Pagkatapos, tinanong ni Jesus ang mga alagad, "Nang ipadala ko kayo sa mga nayon at nagpunta kayo na walang mga pera, pagkain o mga sandalyas, may mga pangangailangan ba kayong hindi naibigay?" Sumagot sila, "Wala!"
\p
\v 36 At sinabi niya, "Ngunit ngayon, kung sinuman sa inyo ang may pera, kinakailangan niya itong dalhin. Gayon din ang sinumang may pagkain kinakailangan niya itong dalhin at sinumang walang tabak kinakailangan niyang ipagbili ang kaniyang balabal at bumili ng isa!"
\s5
\q
\v 37 Sasabihin ko ito sa inyo dahil ang isinulat ng propeta tungkol sa akin sa Kasulatan ay kinakailangang mangyari. 'Itinuring siya ng mga tao na isang kriminal.' Nangyayari na ang lahat ng mga bagay na naisulat tungkol sa akin sa Kasulatan.
\q
\v 38 Sinabi ng mga alagad, "Panginoon, tingnan mo! May dalawa kaming tabak!" Sumagot siya, "Tama na! Huwag na kayong magsalita."
\s5
\q
\v 39 Nilisan ni Jesus ang lungsod at nagtungo sa Bundok ng Olibo, gaya ng karaniwan niyang ginagawa, sumama sa kaniya ang kaniyang mga alagad.
\q
\v 40 Nang makarating siya sa lugar na nais niyang puntahan, sinabi niya sa kanila, "Ipanalangin ninyo sa Diyos na tulungan kayo upang hindi kayo matukso sa kasalanan."
\s5
\p
\v 41 Pagkatapos, lumayo siya ng halos tatlumpong metro mula sa kanila, lumuhod siya at nanalangin. Sinabi niya,
\q
\v 42 "Ama, ang katakot-takot na bagay ay mangyayari na sa akin, kung loloobin mo itong mangyari, gawin mo ito. Ngunit hindi ang kalooban ko ang gawin mo, kundi ang kalooban mo."
\s5
\q
\v 43 Pagkatapos, isang anghel mula sa langit ang dumating at pinalakas siya.
\q
\v 44 Labis siyang nagdurusa. Kaya nanalangin pa siya ng mas matindi. Tumutulo ang kaniyang pawis sa lupa gaya ng patak ng dugo.
\s5
\q
\v 45 Nang tumayo siya mula sa pananalangin, bumalik siya sa kaniyang mga alagad. Dahil sa kanilang labis na kapaguran at kalungkutan, nakita niya na natutulog sila.
\q
\v 46 Ginising niya sila at sinabi sa kanila, "Hindi kayo dapat natutulog! Bumangon kayo! Manalangin kayo na tulungan kayo ng Diyos upang walang manghikayat sa inyo upang magkasala."
\s5
\q
\v 47 Habang nagsasalita pa si Jesus, napakaraming tao ang pumunta sa kaniya. Pinangungunahan sila ni Judas, isa sa labindalawang alagad. Lumapit siya kay Jesus upang halikan siya.
\q
\v 48 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "Judas, totoo bang hahalikan mo ako na Anak ng Tao, upang ipasakamay ako sa aking mga kaaway?"
\s5
\q
\v 49 Nang mapagtanto ng mga alagad ang nangyayari, sinabi nila, "Panginoon, susugurin ba namin sila gamit ang aming mga tabak?"
\q
\v 50 Tinaga na isa sa kanila ang lingkod ng pinakapunong pari, ngunit kanang tainga lamang nito ang natapyas.
\q
\v 51 Kaya't sinabi ni Jesus, "Huwag na kayong gumawa ng higit pa rito." At hinawakan niya ang kanang tainga ng lingkod at pinagaling siya.
\s5
\v 52-53 Pagkatapos sinabi ni Jesus sa mga punong pari, ang mga opisyal ng mga bantay sa templo at ang mga nakatatandang pinuno ng mga Judio na pumunta upang dakipin siya, "Nakakagulat na nagpunta kayo dito na may dalang mga tabak at mga panghampas upang dakipin ako na para bang isa akong magnanakaw. Nakasama ko kayo ng maraming araw sa templo, ngunit hindi man lamang ninyo ako sinubukang dakipin! Ngunit ito ang oras na gagawin ninyo ang inyong nais. Ito rin ang oras na gagawin ni Satanas ang mga bagay na masama na nais niyang gawin.
\s5
\p
\v 54 Hinuli nila si Jesus at inilayo. Dinala siya sa bahay ng pinakapunong pari. Sinundan sila ni Pedro sa di-kalayuan.
\v 55 Nagsindi ang mga tao ng apoy sa gitna ng patyo at sama-sama silang umupo. Umupo din si Pedro kasama nila.
\s5
\v 56 Isang lingkod na babae ang nakakita kay Pedro habang nakaupo doon at naiilawan ng apoy. Tinitigan siya nito ng mabuti at sinabi, "Kasama rin ng taong dinakip nila ang lalaking ito!"
\p
\v 57 Ngunit ikinaila niya ito, na nagsasabi, "Babae, hindi ko siya nakikilala!"
\p
\v 58 Pagkaraan ng ilang sandali isang tao ang nakakita kay Pedro at sinabi, "Isa ka din sa mga kasama ng lalaking dinakip nila!" Ngunit sinabi ni Pedro, "Lalaki, hindi ako isa sa kanila!"
\s5
\p
\v 59 Pagkaraan ng halos isang oras, isang tao ang nagsabi ng malakas, "Ipinapakita ng paraan ng pananalita ng lalaking ito na siya ay nagmula sa Galilea. Tiyak na kasama din ng lalaking ito ang lalaking dinakip nila!"
\p
\v 60 Ngunit sinabi ni Pedro, "Lalaki, hindi ko alam ang sinasabi mo!" Kaagad ay tumilaok ang tandang habang nagsasalita siya.
\s5
\v 61 Lumingon ang Panginoong Jesus at tiningnan si Pedro. At naalala ni Pedro ang sinabi ng Panginoon sa kaniya, "Ngayong gabi, bago tumilaok ang tandang ay ikakaila mo ng tatlong beses na kilala mo ako."
\v 62 At lumabas siya mula sa patyo at umiyak ng may labis na kalungkutan.
\s5
\p
\v 63 Pinagtawanan at binugbog si Jesus ng mga lalaking nagbabantay sa kaniya.
\v 64 Piniringan nila at sinabi sa kaniya, "Patunayan mo sa amin na isa kang propeta! Sabihin mo sa amin kung sino ang humampas sa iyo!"
\v 65 Nagsabi pa sila ng maraming masasamang bagay tungkol sa kaniya at nilalait siya.
\s5
\p
\v 66 Sa madaling araw ng sumunod na umaga, nagtipun-tipon ang maraming pinuno ng mga Judio. Sa pangkat na ito ay mga punong pari at mga lalaking nagtuturo ng mga batas ng mga Judio. Dinala nila si Jesus sa Konseho ng mga Judio. Doon sinabi nila sa kaniya,
\v 67 "Kung ikaw ang Mesias, sabihin mo sa amin!" Ngunit sumagot siya, "Kapag sinabi ko na ako ay siya, hindi ninyo ako paniniwalaan.
\v 68 Kapag tinanong ko kayo kung ano ang iniisip ninyo tungkol sa Mesias, hindi ninyo ako sasagutin.
\s5
\v 69 Ngunit mula ngayon, Ako na Anak ng Tao ay mauupo kasama ng makapangyarihang Diyos na naghahari!"
\p
\v 70 At tinanong nilang lahat, "Kung gayon, sinasabi mo ba na ikaw ang Anak ng Diyos?" Sumagot siya, "Oo gaya ng inyong sinabi."
\p
\v 71 Pagkatapos sinabi nila sa isa't isa, "Hindi na natin kailangan pa ng mga taong magpapatotoo laban sa kaniya! Tayo mismo ang nakarinig sa kaniyang sinabi na kapantay siya ng Diyos!"
\s5
\c 23
\p
\v 1-2 Lahat ng grupo ay tumayo at dinala siya kay Pilatu na Gobernador ng Roma. Inakusahan siya sa harap ni Pilatu ng ganitu, nakita namin itong tao na nanggugulo at nagsisinungaling sa atin mga tao
\s5
\p
\v 3 Kaya tinanong siya ni Pilato, "Ikaw nga ba ang Hari ng mga Judio?" Sumagot si Jesus, "Oo, gaya ito ng itinanong mo sa akin."
\p
\v 4 Pagkatapos, sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa maraming tao, "Walang kasalanan ang taong ito sa kahit anong krimen."
\q
\v 5 Ngunit patuloy nilang pinaparatangan si Jesus; sinabi nila, "Hinihikayat niya ang mga tao na gumawa ng gulo! Itinuturo niya ang kaniyang mga kaisipan sa buong rehiyon ng Judea. Sinimulan niyang gawin ito sa rehiyon ng Galilea at ngayon, ginagawa rin niya ito rito!"
\s5
\p
\v 6 Nang marinig ni Pilato ang kanilang mga salita, tinanong niya, "Nanggaling ba ang tao ito sa pook ng Galilea?"
\p
\v 7 Dahil nalaman ni Pilato na galing si Jesus sa Galilea, kung saan namuno si Herodes Antipas, ipinadala niya si Jesus sa kaniya, dahil nasa Jerusalem si Herodes sa panahong iyon.
\s5
\q
\v 8 Nang makita ni Herodes si Jesus, natuwa siya nang labis. Matagal na niyang nais makita si Jesus, dahil marami siyang naririnig na mga bagay tungkol sa kaniya at ninais niyang makita siyang gumawa ng himala.
\p
\v 9 Kaya marami siyang itinanong kay Jesus, ngunit hindi sumagot si Jesus sa alinman sa mga ito.
\p
\v 10 At labis siyang pinaparatangan ng mga punong pari at ilang mga dalubhasa sa mga kautusan ng mga Judio na nakatayo malapit sa kaniya, sa lahat ng uri ng mga krimen.
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos, pinagkatuwaan nina Herodes at ng kaniyang mga kawal si Jesus. Dinamitan nila siya ng mamahaling kasuotan upang kunwari isa siyang hari. At ipinadala siya ni Herodes pabalik kay Pilato.
\p
\v 12 Hanggang sa panahong iyon, magkaaway sina Herodes at Pilato, ngunit sa araw ding iyon, naging magkaibigan na sila.
\s5
\p
\v 13 Pagkatapos, tinipon ni Pilato ang mga punong pari, at ilang mga pinuno ng mga Judio at ang maraming tao na naroroon pa lamang.
\p
\v 14 Sinabi niya sa kanila, "Dinala ninyo ang taong ito sa akin, na sinasabing pinamumunuan niya ang mga tao upang maghimagsik. Ngunit nais kong malaman ninyo na matapos ko siyang siyasatin habang nakikinig kayo, sa palagay ko wala siyang kasalanan sa alinmang mga bagay na sinabi ninyo sa akin.
\s5
\p
\v 15 Sa palagay din ni Herodes, hindi siya nagkasala. Nalalaman ko ito, dahil siya ay ipinadala niya pabalik sa atin nang hindi pinaparusahan. Kaya malinaw na hindi nararapat sa taong ito na mamatay.
\p
\v 16 Kaya sasabihin ko sa aking mga kawal na hagupitin siya at pakakawalan pagkatapos."
\p
\v 17 (Sinabi ito ni Pilato dahil kailangan niyang magpalaya ng isang bilanggo sa Pagdiriwang ng Paskua.)
\s5
\p
\v 18 Ngunit sabay-sabay na sumigaw ang lahat ng napakaraming tao na sinasabi, "Patayin ang taong ito! Palayain si Barabbas para sa amin!"
\q
\v 19 Ngayon, si Barabbas ay isang taong namuno sa ilang mga tao sa lungsod upang magrebelde laban sa pamahalaan ng Romano. Siya rin ay mamamatay tao. Nakulong siya dahil sa mga krimeng ito, at hinihintay niyang siya ay patayin nila.
\s5
\p
\v 20 Ngunit talagang nais ni Pilato na palayain si Jesus, kaya sinubukan niyang kausapin ulit ang maraming tao.
\q
\v 21 Ngunit patuloy silang sumigaw, na sinasabing, "Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!"
\p
\v 22 Nakipag-usap si Pilato sa kanila sa pangatlong pagkakataon at tinanong sila, "Bakit? Anong krimen ang ginawa ng taong ito? Wala siyang ginawa na karapat-dapat niyang ikamatay. Kaya ipahahagupit ko siya sa aking mga kawal at pagkatapos, pakakawalan siya."
\s5
\p
\v 23 Ngunit patuloy silang nagpumilit nang may malalakas na tinig na kailangang mamatay ni Jesus sa krus. Sa bandang huli, dahil sa kanilang patuloy na pagsigaw ng malakas, nahikayat nila si Pilato
\q
\v 24 na gawin ang kanilang hiniling.
\p
\v 25 Kaya pinalaya niya ang taong ikinulong dahil nagrebelde sa pamahalaan at pumatay ng mga tao! Pagkatapos, inutusan niya ang kaniyang mga kawal na dalhin si Jesus at gawin ang nais ng maraming tao.
\s5
\p
\v 26 Ngayon, may isang lalaking nagngangalang Simon, na galing sa lungsod ng Cirene sa Africa. Papunta siya sa Jerusalem mula sa bukid. Habang hinahatid ng mga kawal si Jesus, sinunggaban nila si Simon. Kinuha nila ang krus kay Jesus na ipinabuhat nila sa kaniya, at ipinapasan sa mga balikat ni Simon. Sinabi nila sa kaniya na buhatin niya ito at sumunod sa likuran ni Jesus.
\s5
\p
\v 27 Ngayon, sumusunod kay Jesus ang napakaraming tao. Maraming mga babae rito ang kinakabog ang kanilang mga dibdib at tumatangis para sa kaniya.
\p
\v 28 Lumingon si Jesus sa kanila at sinabi, "Kayong mga babae ng Jerusalem, huwag kayong tumangis para sa akin! Sa halip, tumangis kayo dahil sa mangyayari sa inyo at sa inyong mga anak!
\s5
\p
\v 29 Dahil nais kong malaman ninyo na hindi magtatagal, darating ang panahon na sasabihin ng mga tao, 'Mapalad ang mga babaing hindi kailanman nanganak o nagpasuso ng mga sanggol.'
\p
\v 30 Sa panahong iyon, sasabihin ng mga tao sa lungsod na ito, 'Sana bumagsak ang mga kabundukan sa amin at tabunan kami ng mga burol!'
\p
\v 31 Kung kailangan kong mamatay, kahit na wala akong ginawang mali, katakot-takot na mga bagay ang tiyak na mangyayari sa mga taong karapat-dapat mamatay."
\s5
\p
\v 32 Dalawa pang lalaking kriminal ang naglalakad din patungo sa lugar kung saan sila mamamatay kasama ni Jesus.
\s5
\p
\v 33 Nang makarating sila sa lugar na nagngangalang 'Bungo', doon na nila ipinako si Jesus sa krus. Ganito rin ang kanilang ginawa sa dalawang kriminal. Inilagay nila ang isa sa kanan ni Jesus at isa sa kaniyang kaliwa.
\p
\v 34 Ngunit sinabi ni Jesus, "Ama, patawarin mo ang mga taong gumawa nito, dahil hindi talaga nila nalalaman kung kanino nila ito ginagawa." At pinaghatian ng mga kawal ang kaniyang kasuotan sa pamamagitan ng pagsusugal na gamit ang dais, upang magpasya kung anong bahagi ng kasuotan ang makukuha ng bawat isa.
\s5
\p
\v 35 Maraming mga tao ang nakatayo sa malapit, na nanonood. Maging ang mga pinuno ng mga Judio ay kinukutya si Jesus: "Niligtas niya ang ibang mga tao! Kung hinirang talaga siya ng Diyos upang maging Mesiyas, dapat iligtas niya ang kaniyang sarili!"
\s5
\p
\v 36 Kinutya rin siya ng mga kawal. Lumapit sila sa kaniya at inalukan siya ng ilang maasim na alak.
\p
\v 37 Patuloy nilang sinasabi sa kaniya, "Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili!"
\p
\v 38 Ikinabit din nila sa krus, sa taas ng kaniyang ulo ang isang karatula na nakasulat na 'Ito ang Hari ng mga Judio.'
\s5
\p
\v 39 Nilait din si Jesus ng isa sa mga kriminal na nakapako sa krus; sinabi niya, "Ikaw ang Mesiyas, hindi ba? Kaya iligtas mo ang iyong sarili, at iligtas mo rin kami!"
\q
\v 40 Ngunit pinatigil siya ng isang kriminal sa pagsasalita; sinabi niya, "Dapat matakot ka sa Diyos na nagpaparusa sa iyo! Pinaparusahan nila tayo at siya sa parehong paraan.
\v 41 Dapat lang sa ating dalawa na mamatay. Pinaparusahan nila tayo sa nararapat sa atin, para sa masasamang bagay na ginawa natin. Ngunit walang ginawang mali ang taong ito!"
\s5
\v 42 At sinabi niya kay Jesus, "Jesus, pakiusap, alalahanin mong iligtas ako kapag nagsimula ka nang mamuno bilang hari!"
\p
\v 43 Sumagot si Jesus, "Nais kong malaman mo na sa araw na ito makakasama kita sa paraiso!"
\s5
\p
\v 44 Magtatanghali na sa oras na iyon. Ngunit nagdilim ang buong lupain hanggang alas tres ng hapon.
\v 45 Walang liwanag na nanggagaling sa araw. At nahati sa dalawang bahagi ang makapal na kurtina na tumatakip sa dakong kabanal-banalan sa templo.
\s5
\v 46 Nang mangyari iyon, sumigaw nang malakas si Jesus, "Ama, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu sa iyong pag-iingat!" Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumigil na ang kaniyang paghinga at namatay.
\p
\v 47 Nang makita ng senturion na namamahala sa mga kawal ang nangyari, sinabi niya, "Talaga ngang walang ginawang mali ang taong ito!" Nagbigay ng papuri sa Diyos ang kaniyang sinabi.
\s5
\v 48 Nang makita ng maraming taong nagtipun-tipon upang saksihan ang pagkamatay ng mga taong ito ang talagang nangyari, nagsi-uwian sila sa kanilang mga tahanan, na kinakabog ang kanilang sariling mga dibdib upang ipakita na nagdadalamhati sila.
\v 49 Nakatayo sa di-kalayuan ang lahat ng mga kakilala ni Jesus, kasama ang mga babaing sumama sa kaniya mula sa rehiyon ng Galilea, at pinanood ang lahat ng nangyari.
\s5
\p
\v 50-51 Ngayon, may isang lalaking nagngangalang Jose mula sa Arimatea, isang bayan ng mga Judio. Mabuti at matuwid siyang tao, at kasapi siya sa Konseho ng mga Judio. Nakita niya ang lahat ng nangyari, ngunit hindi siya sumang-ayon sa iba pang mga kasapi sa konseho nang mapagpasyahan nilang patayin si Jesus at nang ginawa na nila ito. Sabik siyang naghihintay sa panahon na isusugo na ng Diyos ang kaniyang hari upang magsimulang mamuno.
\s5
\v 52 Pumunta si Jose kay Pilato at hiniling kay Pilato ang pahintulot na kunin ang katawan ni Jesus upang mailibing niya ito. Pinahintulutan siya ni Pilato,
\v 53 kaya ibinaba niya ang katawan ni Jesus mula sa krus. Binalot niya ito sa telang lino. At inilagay ang kaniyang katawan sa silid-libingang tinabas ng isang tao sa talampas ng malaking bato. Wala pang naglagay ng katawan dito kahit minsan.
\s5
\v 54 Araw ito ng paghahanda ng mga tao para sa araw ng pagpapahinga ng mga Judio na tinatawag na Araw ng Pamamahinga. Malapit na ang madaling araw, ang simula ng Araw ng Pamamahinga.
\v 55 Sumunod ang mga babaing sumama kay Jesus mula sa pook ng Galilea kay Jose at sa mga lalaking kasama niya. Nakita nila ang silid-libingan, at nakita nila kung paano inilagay ng mga lalaki ang katawan ni Jesus sa loob nito.
\v 56 Pagkatapos, umuwi na ang mga babae sa kanilang tinutuluyan upang kumuha ng mga pabango at mga pamahid na ilalagay sa katawan ni Jesus. Ngunit hindi sila nagtrabaho sa Araw ng Pamamahinga, gaya ng inuutos ng kautusan ng mga Judio.
\s5
\c 24
\p
\v 1 Bago sumapit ang madaling araw ng araw ng Linggo nagpunta ang mga babaeng iyon sa libingan. Dinala nila ang mga pabango na inihanda nila upang ilagay sa katawan ni Jesus.
\q
\v 2 Nang dumating sila, nakita nila na may nag-alis ng batong nakatakip sa pasukan ng libingan.
\q
\v 3 Pumasok sila sa loob ng libingan, ngunit wala doon ang katawan ni Jesus!
\s5
\q
\v 4 Hindi nila alam kung ano ang iisipin tungkol doon. Pagkatapos, biglang may dalawang lalaking nakatayo sa tabi nila na nakasuot ng maliwanag at nagniningning na mga damit!
\p
\v 5 Natakot ang mga babae. Habang nakayuko sila sa lupa, sinabi ng dalawang lalaki sa kanila, "Hindi ninyo dapat hinahanap ang isang taong buhay sa lugar na kung saan inililibing ang mga taong patay!
\s5
\q
\v 6 Wala siya rito, nabuhay siyang muli! Alalahanin ninyo na noong kasama pa ninyo siya sa Galilea, sinabi niya sa inyo.
\q
\v 7 'Ipapasakamay nila ako, na Anak ng Tao sa mga makasalanan. Papatayin nila ako sa pamamagitan ng pagpako sa krus. Ngunit sa ikatlong araw mabubuhay akong muli.'"
\s5
\q
\v 8 Naalala ng mga babae ang mga sinabi ni Jesus sa kanila.
\p
\v 9 Kaya umalis sila sa libingan at nagpunta sa labing-isang apostol at ibang mga alagad at sinabi nila ang nangyari.
\p
\v 10 Ang mga babae na nagsabi ng mga bagay na ito sa mga apostol ay sina Maria na taga nayon ng Magdala, si Juana, si Maria na ina ni Santiago at ang iba pang mga babae na kasama nila.
\s5
\p
\v 11 Ngunit binalewala ng mga apostol ang mga sinabi nila.
\p
\v 12 Gayunman, tumayo si Pedro at tumakbo papunta sa libingan. Yumuko siya at tumingin sa loob. Nakita niya ang mga linong tela na ipinambalot sa katawan ni Jesus, ngunit wala doon si Jesus. Kaya, nagtataka siya sa mga nangyari at umuwi sa kanilang bahay.
\s5
\p
\v 13 Nang araw ding iyon, dalawa sa mga alagad ni Jesus ang naglalakad papunta sa nayon na nagngangalang Emaus. Mga sampung kilometro ito mula sa Jerusalem.
\p
\v 14 Nag-uusap sila tungkol sa lahat ng mga bagay na nangyari kay Jesus.
\s5
\p
\v 15 Habang nag-uusap sila at tinatalakay ang mga bagay na iyon, lumapit mismo si Jesus sa kanila at sumabay na naglakad kasama nila.
\q
\v 16 Ngunit hindi sila pinahintulutan ng Diyos na makilala siya.
\s5
\q
\v 17 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Anong pinag-uusapan ninyong dalawa habang naglalakad kayo?" Huminto sila at nalungkot ang kanilang mga mukha.
\q
\v 18 Ang isa sa kanila na nagngangalang Cleopas ang nagsabi, "Ikaw lang yata ang nag-iisang tao na dumadalaw sa Jerusalem na hindi nakakaalam sa mga bagay na nangyari doon nitong mga nakaraang araw!"
\s5
\q
\v 19 Sinabi niya sa kanila, "Anong mga pangyayari?" Sumagot sila, "Ang mga bagay na nangyari kay Jesus, ang lalaking mula sa Nasaret na isang propeta. 'Binigyan siya ng kakayahan ng Diyos na gumawa ng mga dakilang himala at magturo ng kahanga-hangang mga mensahe. Inisip ng mga tao na kahanga-hanga siya."
\p
\v 20 Ngunit ipinasakamay siya ng ating mga punong pari at mga namumuno sa mga namamahalang Romano. Hinatulan siya ng mga namamahala na mamatay at pinatay nila siya sa pamamagitan ng pagpako sa krus.
\s5
\p
\v 21 Umaasa kami na siya ang magpapalaya sa aming mga Isralita mula sa aming mga kaaway! Ngunit mukhang hindi na ito mangyayari ngayon, dahil tatlong araw na ang lumipas mula ng patayin siya.
\s5
\q
\v 22 Sa kabila nito, ilang mga kababaihan mula sa aming pangkat ang napamangha sa amin. Madaling araw na nagpunta sila sa libingan,
\p
\v 23 ngunit wala ang katawan ni Jesus doon! Bumalik sila at sinabi nila na nakakita sila ng ilang mga angel sa isang pangitain. Sinabi ng mga anghel na nabuhay siya!
\q
\v 24 At pumunta sa libingan ang ilan sa aming mga kasama. Nakita nila ang mga bagay na katulad ng ibinalita ng mga kababaihan. Ngunit hindi nila nakita si Jesus."
\s5
\p
\v 25 Sinabi niya sa kanila, "Hangal kayong dalawa! Ang bagal ninyong paniwalaan ang lahat ng isinulat ng mga propeta tungkol sa Mesiyas!
\p
\v 26 Dapat tiyak ninyong nalalaman na kailangang danasin ng Mesiyas ang lahat ng paghihirap na iyon at mamatay at pagkatapos pupunta na siya sa kaniyang maluwalhating tahanan sa langit!"
\p
\v 27 Pagkatapos, ipinaliwanag niya sa kanila ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta sa Kasulatan tungkol sa kaniyang sarili. Sinimulan niya sa isinulat ni Moises at ipinaliwanag niya sa kanila kung ano ang isinulat ng ibang mga propeta.
\s5
\p
\v 28 Nakarating sila malapit sa nayon kung saan pupunta ang dalawang lalaki. Sinabi niya na magpapatuloy pa siyang lumakad,
\p
\v 29 ngunit sinabihan nila siyang huwag nang gawin iyon. Sinabi nila, "Tumuloy ka muna sa amin ngayong gabi, dahil hapon na at malapit ng dumilim." Kaya tumuloy siya sa bahay upang manatili sa kanila.
\s5
\p
\v 30 Nang umupo sila upang kumain, kumuha siya ng tinapay at pinasalamatan niya ang Diyos para dito. Hinati niya ito at ibinigay sa kanila ang ilan.
\q
\v 31 At pinahintulutan sila ng Diyos na makilala siya. Ngunit agad siyang nawala!
\p
\v 32 Sinabi nila sa isa't isa, "Habang naglalakad tayo sa daan at nakipag-usap siya sa atin at binigyan tayo ng kakayahang maintindihan ang Kasulatan, nagsimula tayong mag-isip na may isang napakagandang bagay na mangyayari, kahit na hindi natin alam kung ano iyon. Hindi tayo dapat manatili rito, dapat tayong umalis at sabihin sa iba ang nangyari!"
\s5
\q
\v 33 Kaya agad silang umalis at bumalik sa Jerusalem. Doon natagpuan nila ang labing-isang apostol at ang iba pang nakitipon sa kanila.
\q
\v 34 Sinabi nila sa dalawang lalaki, "Totoong nabuhay muli ang Panginoon at nagpakita siya kay Simon!"
\v 35 At sinabi ng dalawang lalaking iyon sa iba ang nangyari habang naglalakad sila sa daan. Sinabi rin nila kung paano nila siya nakilala nang hatiin niya ang ilang tinapay para sa kanila.
\s5
\p
\v 36 Habang sinasabi nila ito, biglang nagpakita si Jesus mismo sa kanila. Sinabi niya sa kanila, "Nawa ay bigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan!"
\v 37 Nagulat at natakot sila, dahil inakala nilang multo ang kanilang nakikita!
\s5
\v 38 Sinabi niya sa kanila, "Hindi kayo dapat mabahala! At hindi kayo dapat mag-alinlangan na nabuhay ako.
\v 39 Tingnan ninyo ang mga sugat sa aking mga kamay at mga paa! Maaari ninyo akong hawakan at tingnan ang aking katawan. At makikita ninyong tunay ngang ako ito. Masasabi ninyong buhay talaga ako dahil walang katawan ang mga multo, gaya ng nakikita sa akin!"
\v 40 Pagkatapos niyang sabihin iyon, ipinakita niya ang sugat sa kaniyang mga kamay at mga paa.
\s5
\v 41 Nasiyahan sila at namangha, ngunit hindi pa rin sila lubos na makapaniwala na siya ay tunay na buhay. Kaya sinabi niya sa kanila, "Mayroon ba kayong kahit na anong makakain dito?"
\v 42 Kaya binigyan nila siya ng inihaw na isda.
\v 43 Habang nakatingin sila sa kaniya, kinuha niya ito at kinain.
\s5
\p
\v 44 Pagkatapos sinabi niya sa kanila, "Uulitin ko ang sinabi ko sa inyo noong kasama pa ninyo ako. Lahat ng mga isinulat tungkol sa akin ni Moises at ng mga ibang mga propeta at sa mga Awit ay kinakailangang matupad!"
\s5
\p
\v 45 Pagkatapos, binigyan niya sila ng kakayahan upang maintindihan ang mga bagay na naisulat tungkol sa kaniya sa mga Kasulatan.
\v 46 Sinabi niya sa kanila, "Ito ang kanilang mga isinulat: Na si Jesus na Cristo ay magdurusa at mamamatay, ngunit sa ikatlong araw ay mabubuhay siyang muli.
\v 47 Isinulat din nila sa mga nanampalataya sa kaniya na dapat na ipangaral sa lahat ng dako na ang mga tao ay dapat na tumalikod sa paggawa ng mga kasalanan sa Diyos, upang mapatawad niya ang kanilang mga kasalanan. Dapat ipangaral ng mga sumusunod kay Cristo ang mensahe na iyon dahil isinugo sila ng Diyos upang gawin iyon. Isinulat nila na dapat na nilang simulang ipangaral ito sa Jerusalem, pumunta at ipangaral ito sa lahat ng grupo ng mga tao.
\s5
\v 48 Dapat ninyong sabihin sa mga tao na alam ninyo na totoo ang mga nagyari sa akin.
\v 49 At gusto kong malaman ninyo na ipapadala ko sa inyo ang Banal na Espiritu, gaya ng ipinangako ng aking Ama na gagawin niya. Ngunit kinakailangan ninyong manatili sa lungsod na ito hanggang sa pagkalooban kayo ng Diyos ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu."
\s5
\p
\v 50 Pagkatapos dinala sila ni Jesus sa labas ng lungsod hanggang makarating sila malapit sa nayon ng Bethania. Doon itinaas niya ang kaniyang mga kamay at binasbasan sila.
\v 51 Habang ginagawa niya iyon, iniwan niya sila at umakyat sa langit.
\s5
\v 52 Pagkatapos nilang sambahin Siya, masayang masayang bumalik sila sa Jerusalem.
\v 53 Pumupunta sila araw-araw sa patyo ng templo at ginugugol nila ang kanilang mga oras sa pagpupuri sa Diyos.