tl_udb/41-MAT.usfm

2921 lines
229 KiB
Plaintext

\id MAT
\ide UTF-8
\h Mateo
\toc1 Mateo
\toc2 Mateo
\toc3 mat
\mt Mateo
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo, ang kaapu-apuhan ni Haring David at Abraham.
\p
\v 2 Si Abraham ang ama ni Isaac. Si Isaac ang ama ni Jacob. Si Jacob ang ama ni Juda at ng kaniyang mga kapatid.
\p
\v 3 Si Juda ang ama ni Fares at Zara at si Tamar ang kanilang ina. Si Fares ang ama ni Esrom. Si Esrom ang ama ni Aram.
\s5
\p
\v 4 Si Aram ang ama ni Aminadab. Si Aminadab ang ama ni Naason. Si Naason ang ama ni Salmon.
\p
\v 5 Si Salmon at ang kaniyang asawang si Rahab na hindi Isaraelitang babae, ang mga magulang ni Boaz. Si Boaz ang ama ni Obed. Ang ina ni Obed ay si Ruth, isa ring hindi Israelitang babae. Si Obed ang ama ni Jesse.
\p
\v 6 Si Jesse ang ama ni Haring David. Si David ang ama ni Solomon. Ang ina ni Solomon ay dating asawa ni Urias.
\s5
\q1
\v 7 Si Solomon ang ama ni Rehoboam. Si Rehoboam ang ama ni Abias. Si Abias ang ama ni Asa.
\p
\v 8 Si Asa ang ama ni Josafat. Si Josafat ang ama ni Joram. Si Joram ay ninuno ni Ozias.
\s5
\p
\v 9 Si Ozias ang Ama ni Jotam. Si Jotam ang ama ni Acas. Si Acas ang ama ni Ezequias.
\p
\v 10 Si Ezequias ang ama ni Manases. Si Manases ang ama ni Amon. Si Amon ang ama ni Josias.
\p
\v 11 Si Josias ang lolo ni Jeconias at ng mga kapatid ni Jeconias. Sila ay nabuhay nang mga panahon na dinala ng hukbo ng Babilonia ang mga Israelita bilang mga bihag sa bansang Babilonia.
\s5
\q1
\v 12 Pagkatapos dalhin ng mga taga-Babilonia ang mga Israelita sa Babilonia, si Jeconias ay naging ama ni Salatiel. Si Salatiel ang ninuno ni Zerubabel.
\q1
\v 13 Si Zerubabel ang ama ni Abiud. Si Abiud ang ama ni Eliakim. Si Eliakim ang ama ni Azor.
\p
\v 14 Si Azor ang ama ni Sadok. Si Sadok ang ama ni Aquim. Si Aquim ang ama ni Eliud.
\s5
\p
\v 15 Si Eliud ang ama ni Eleazar. Si Eleazar ang ama ni Matan. Si Matan ang ama ni Jacob.
\p
\v 16 Si Jacob ang ama ni Jose. Si Jose ang asawa ni Maria at si Maria ang ina ni Jesus. Si Jesus ang siyang tinatawag na Cristo.
\p
\v 17 Ang talaan ng mga ninuno ni Jesus ay ang mga sumusunod: Ang labing-apat sa kanila ay mula sa panahon na nabuhay si Abraham hanggang sa panahong nabuhay si Haring David. At mayroon pang labing-apat mula sa panahong nabuhay si David hanggang sa panahon na ang mga Israelita ay napunta sa Babilonia. At mayroon pang labing-apat mula roon hanggang sa panahong isinilang ang Cristo.
\s5
\p
\v 18 Ito ang kasaysayan ng mga pangyayari bago isinilang si Jesu-Cristo. Si Maria, na kaniyang ina ay nangako na magpapakasal kay Jose, ngunit bago pa man sila magsama bilang mag-asawa, nalaman nila na siya ay nagdadalang tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
\p
\v 19 Ngayon, si Jose na kaniyang mapapangasawa ay isang taong sumusunod sa utos ng Diyos, kaya nagpasya siya na huwag nang pakasalan si Maria. Ngunit ayaw niyang mapahiya siya sa ibang mga tao kaya nagpasya siya na palihim na huwag ituloy ang kaniyang plano na pakasalan siya.
\s5
\p
\v 20 Habang ito ay kaniyang iniisip ng mabuti, isang anghel na ipinadala ng Panginoon ang biglang nagpakita sa kaniya sa panaginip. Sinabi ng anghel, "Jose, kaapu-apuhan ni Haring David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria. Sapagkat ang kaniyang ipinagbubuntis ay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
\p
\v 21 Siya ay magsisilang ng isang batang lalaki. Yamang siya ang magliligtas sa kaniyang mga tao mula sa kanilang mga kasalanan, pangalanan mo siyang 'Jesus."'
\s5
\p
\v 22 Ang lahat ng mga ito ay nangyari upang matupad ang sinabi ng Panginoon kay propeta Isaias na isulat niya noong unang panahon. Isinulat ni Isaias,
\q
\v 23 "Makinig kayo, isang birhen ang magdadalang tao at magsisilang ng isang batang lalaki. Siya ay tatawagin nilang Emmanuel"— na ang kahulugan ay, "Ang Diyos ay kasama natin."
\s5
\p
\v 24 Nang bumangon si Jose mula sa pagkakatulog, ginawa nga niya ang iniutos ng anghel sa kaniya. Siya ay namuhay kasama si Maria bilang kaniyang asawa.
\q
\v 25 Ngunit hindi siya nakipagsiping sa kaniya hanggang sa magsilang siya ng isang anak na lalaki. At siya ay pinangalanan ni Jose nang Jesus.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Ipinanganak si Jesus sa bayan ng Bethlehem sa lalawigan ng Judea sa panahon na naghahari doon si Haring Herodes na Dakila. Pagkatapos ipanganak si Jesus, ilang kalalakihan na mula sa napakalayong silangan na nag-aaral tungkol sa mga bituin ang dumating sa lungsod ng Jerusalem.
\p
\v 2 Nagtanong sila sa mga tao, "Saan ang ipinanganak na magiging Hari ninyong mga Judio? Nakita namin ang isang bituin sa silangan na nagpapakita sa amin na siya ay naipanganak na, kaya pumunta kami dito upang siya ay sambahin."
\q
\v 3 Noong marinig ni Haring Herodes ang tungkol sa mga kalalakihan na nagtatanong, siya ay nabahala. Marami din sa mga tao sa Jerusalem ang nabahala.
\s5
\p
\v 4 Noon din ay tinawag ni Haring Herodes ang lahat ng namumunong pari at mga guro ng mga batas ng Judio. Tinanong niya sila kung saan ipapanganak ang Cristo ayon sa sinasabi ng mga propeta.
\p
\v 5 Sinabi nila sa kaniya, "Siya ay ipapanganak sa bayan ng Bethlehem, dito sa lalawigan ng Judea, dahil isinulat ni propeta Mika matagal nang panahon ang nakalipas,
\p
\v 6 'Ikaw na nanirahan sa Bethlehem sa lupain ng Judea, ang iyong bayan ay tiyak na napakahalaga dahil sa iyong bayan magmumula ang lalaki na magiging pinuno. Papatnubayan niya ang aking mga tao na naninirahan sa Israel.'"
\s5
\q
\v 7 Pagkatapos, lihim na pinatawag ni Haring Herodes iyong mga kalalakihan na nag-aral tungkol sa mga bituin. Tinanong niya sila kung kailan ang unang paglitaw ng bituin.
\p
\v 8 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, "Pumunta kayo sa Bethlehem at magtanong kayo ng maigi tungkol sa kinaroroonan ng bata. Kapag nahanap ninyo siya, bumalik kayo at balitaan ninyo ako upang makapunta din ako doon at makapagsamba din sa kaniya."
\s5
\q
\v 9 At ang mga kalalakihan ay nagpunta patungo sa bayan ng Bethlehem. Sa kanilang pagkagulat, ang bituin na nakita nila sa bansang silangan ay muling pinangunahan sila hanggang sa tumigil ito sa itaas ng bahay na kinaroroonan ng bata.
\p
\v 10 Nang makita nila ang bituin, sila ay labis na natuwa at sinundan nila ito.
\s5
\p
\v 11 Kanilang natagpuan ang bahay at sila ay pumasok, at nakita nila ang bata at ang kaniyang ina na si Maria. Sila ay nagpatirapa at sumamba sa kaniya. Pagkatapos, binuksan nila ang kahon ng kanilang mga kayamanan at ibinigay nila sa kaniya ang ginto, mamahaling insenso at mira.
\p
\v 12 Pagkatapos ay binalaan sila ng Diyos sa isang panaginip na huwag nang bumalik kay Haring Herodes. Kaya sa kanilang pagbalik sa kanilang bansa ay hindi na sila dumaan sa dati nilang dinaanan, sa halip dumaan sila sa ibang daan.
\s5
\p
\v 13 Pagkatapos makaalis sa Bethlehem iyong mga kalalakihan na nag-aral tungkol sa mga bituin, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita kay Jose sa panaginip. Sinabi niya, "Bumangon ka, kunin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas kayo patungo sa bansa ng Egipto. Manatili kayo doon hanggang sa sabihin ko na dapat na kayong umalis, dahil magpapadala na si Haring Herodes ng mga sundalo upang hanapin ang bata para patayin nila siya."
\p
\v 14 Kaya bumangon si Jose sa gabi ring iyon. Kinuha ang bata at ang kaniyang ina at tumakas patungo sa Egipto.
\p
\v 15 Sila ay nanatili doon hanggang sa namatay si Haring Herodes at pagkatapos ay muli silang umalis sa Egipto. Sa ganyon, natupad ang sinabi ng Diyos na isinulat ni propeta Hosea, "Tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto."
\s5
\p
\v 16 Bago mamatay si Haring Herodes, napagtanto niya na dinaya siya ng mga lalaking iyon at siya ay galit na galit. Dahil naisip niya na nasa malapit pa ng Bethlehem si Jesus, nagpadala si Herodes ng mga kawal doon upang patayin ang lahat ng mga batang lalaki na may dalawang taong gulang at pababa. Tinantiya ni Herodes kung ilang taon ang bata, batay sa kung ano ang sinabi sa kaniya ng mga kalalakihan na nag-aral tungkol sa mga bituin noong unang lumitaw ang bituin.
\s5
\p
\v 17 Noong ginawa ito ni Herodes, nagkatotoo ang sinulat ni propeta Jeremias matagal nang panahon ang nakalipas, noong sinulat niya ang tungkol sa Bethlehem malapit sa bayan ng Rama:
\p
\v 18 Ang mga babae sa Rama ay tumatangis at tumataghoy nang malakas. Si Raquel, ang ninuno ng mga kababaihang ito ay tumatangis dahil sa mga patay nilang mga anak. Sinusubukan siyang aliwin ng mga tao ngunit hindi nila magawa sapagkat ang lahat ng kaniyang mga anak ay patay na.
\s5
\p
\v 19 Pagkamatay ni Herodes, at habang si Jose at ang kaniyang pamilya ay nasa Egipto pa, ang isang anghel na pinadala ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa panaginip. Sinabi niya kay Jose,
\q
\v 20 "Bumangon ka, at kunin mo ang bata at ang kaniyang ina at bumalik kayo sa bansang Israel upang manirahan doon, dahil ang mga tao na nagtangkang patayin ang bata ay namatay na."
\p
\v 21 Kaya kinuha ni Jose ang bata at ang kaniyang ina at bumalik sila sa Israel.
\s5
\p
\v 22 Noong nabalitaan ni Jose na si Arquelao na ang namumuno sa lalawigan ng Judea sa halip na ang kaniyang ama na si Haring Herodes na Dakila, natakot siyang pumunta doon. At binalaan ng Diyos si Jose sa panaginip kung ano ang gagawin, kaya si Jose, si Maria at ang bata ay nagpunta sa distrito ng Galilea.
\p
\v 23 Pumunta sila sa bayan ng Nazaret upang manirahan doon. Ang kinalabasan nito ay nagkatotoo ang sinabi ng mga propeta matagal nang panahon ang nakalipas: "Sasabihin ng mga tao na siya ay mula sa Nazaret."
\s5
\c 3
\p
\v 1 Habang naroon pa si Jesus sa bayan ng Nazaret, si Juan na tinawag ng mga tao na ang Tagapagbautismo ay nagpunta sa isang liblib na lugar sa lalawigan ng Judea. Nangangaral siya sa mga tao na nagpupunta doon at patuloy siyang nagsasabi na,
\p
\v 2 "Kailangang tumigil na kayo sa paggawa ng kasalanan sapagkat malapit nang ipakita ng Diyos na siya ay hari at itatakwil niya kayo kung hindi kayo hihinto sa paggawa ng mga kasalanan."
\p
\v 3 Nang nagsimula sa pangangaral si Juan, noon din ay naganap ang sinabi ni propeta Isaias noong unang panahon. Sinabi niyang, "Mula sa ilang maririnig ng mga tao ang isang sumisigaw sa sinuman na dumarating na nagsasabi, 'Maging handa sa pagtanggap sa Panginoon kapag siya ay dumating! Ihanda ang lahat para sa kaniya."
\s5
\p
\v 4 Nagsusuot si Juan ng isang magaspang na kasuotan na gawa sa balahibo ng kamelyo. Katulad ng ginawa ni propeta Elias noong unang panahon, nagsusuot din siya ng sinturong balat. Ang pagkain ni Juan ay mga tipaklong at pulot-pukyutan lamang na nahahanap niya sa ilang.
\p
\v 5 Ang mga tao na nakatira sa lungsod ng Jerusalem, at maraming tao na nakatira sa iba't ibang distrito ng Judea at ang iba pang mga nakatira malapit sa Ilog Jordan ay pumunta kay Juan upang makinig sa kaniyang pangangaral.
\p
\v 6 Pagkatapos nilang marinig ang kaniyang mga pangaral, inihayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila ay binautismuhan niya sa Ilog Jordan.
\s5
\p
\v 7 Ngunit nakita ni Juan na dumarating ang maraming Pariseo at Saduseo upang magpabautismo sa kaniya. Sinabi niya sa kanila, "Kayong mga tao ay mga anak ng mga ulupong! Wala bang nagbabala sa inyo na isang araw ay parurusahan ng Diyos ang lahat ng nagkasala? Huwag ninyong isiping makakatakas kayo sa kaniya!
\p
\v 8 Kung tunay na kayo ay tumigil na sa paggawa ng kasalanan, gumawa na kayo ng tamang upang maipakita ito.
\p
\v 9 Alam ko na nangako ang Diyos na mapapasama tayo sa mga kaapu-apuhan ni Abraham ngunit huwag ninyong sabihin sa inyong mga sarili na, "Yaman din lamang na tayo ay mga kaapu-apuhan ng ninuno nating si Abraham hindi na tayo parurusahan ng Diyos kahit na tayo ay nagkasala.' Hindi! Sinasabi ko sa inyo na kaya niyang baguhin ang mga batong narito na maging kaapu-apuhan ni Abraham!
\s5
\p
\v 10 Handa na ang Diyos ngayon upang kayo ay parusahan, tulad ng isang tao na nagsimulang putulin ang mga ugat ng isang puno na hindi namumunga ng mabuti. Kaniyang puputulin ang bawat puno na katulad ng punong iyon at itatapon sa apoy."
\p
\v 11 "Ako man, hindi ako ganoon kahalaga sapagkat binabautismuhan ko lamang kayo sa pamamagitan ng tubig. Ginagawa ko ito kapag ang mga tao ay nagsisisi sa kanilang pagkakasala. Ngunit may isa na malapit nang dumating na gagawa ng mga napaka-makapangyarihang bagay. Siya ay higit na napakahalaga kaysa sa akin na kahit ako ay hindi karapat-dapat magdala maging ang kaniyang sandalyas. Babautismuhan niya kayo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at sa apoy.
\p
\v 12 Hawak niya ang kaniyang kalaykay na handa nang ihiwalay ang mga mabuting butil sa mga masasamang ipa. Handa na rin niyang tanggalin ang mga masasamang ipa mula sa pinaggiikan niya ng mga butil. Isasama niya ang mga matutuwid na tao sa kaniyang tahanan tulad ng paglalagay ng isang magsasaka ng kaniyang trigo sa kaniyang kamalig; ngunit susunugin niya ang mga masasamang tao tulad ng isang susunog ng ipa sa apoy na kailanman ay hindi mamamatay."
\s5
\p
\v 13 Sa panahon na iyon, nagpunta si Jesus mula sa distrito ng Galilea papunta sa Ilog Jordan na kinaroroonan ni Juan. Ginawa niya ito upang mabautismuhan siya ni Juan.
\p
\v 14 Nang hiniling ni Jesus kay Juan na bautismuhan siya, tumanggi si Juan; sinabi niya, "Kailangang ikaw ang magbautismo sa akin! Ngunit ikaw ay hindi isang makasalanan kaya bakit ka lumapit sa akin?"
\q
\v 15 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bautismuhan mo ako ngayon dahil sa paraang ito magagawa nating dalawa ang lahat ng pinagagawa sa atin ng Diyos." Kaya pumayag din si Juan na bautismuhan siya.
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos nito ay agad umahon si Jesus sa tubig. At biglang tila bumukas ang kalangitan at nakita ni Jesus na bumababa ang Espiritu ng Diyos sa anyo ng isang kalapati at pumatong sa kaniya.
\p
\v 17 At nagsalita ang Diyos mula sa langit at sinabi, "Ito ang aking Anak. Minamahal ko siya at lubos akong nalulugod sa kaniya."
\s5
\c 4
\p
\v 1 Pagkatapos, dinala ng Espiritu ng Diyos si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.
\p
\v 2 Pagkatapos niyang hindi kumain sa loob ng apatnapung araw at gabi, siya ay nagutom.
\p
\v 3 Si Satanas, ang manunukso, ay pumunta sa kaniya at sinabi, "Kung ikaw talaga ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa mga batong ito na maging tinapay para sa iyo!"
\p
\v 4 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "Hindi! Hindi ko gagawin iyan sapagkat sinabi ng Diyos sa mga Kasulatan, 'Upang tunay na mabuhay ang mga tao, dapat silang magkaroon ng higit pa sa pagkain; dapat silang makinig sa bawat salitang sinabi ng Diyos."'
\s5
\p
\v 5 Pagkatapos, dinala ng diyablo si Jesus sa Jerusalem, ang lungsod na tanging para sa Diyos. Dinala niya siya sa pinakamataas na bahagi ng templo
\p
\v 6 at sinabi sa kaniya, "Kung ikaw talaga ang Anak ng Diyos, tumalon ka sa lupa. Tiyak na hindi ka masasaktan, sapagkat sinabi ng Diyos sa mga Kasulatan, 'Mag-uutos ang Diyos ng kaniyang mga anghel upang ikaw ay ingatan. Itataas ka nila ng kanilang mga kamay kapag ikaw ay nahuhulog, at hindi nila hahayaan na tumama man ang iyong paa sa bato."'
\s5
\p
\v 7 Ngunit sinabi ni Jesus, "Hindi! Hindi ako tatalon, sapagkat sinabi rin ng Diyos sa mga Kasulatan, 'Huwag mong subukin na patunayan ng Diyos kung sino siya."'
\p
\v 8 Pagkatapos ay dinala siya ng diyablo sa tuktok ng napakataas na bundok. Doon ipinakita niya kay Jesus ang lahat ng mga bansa sa mundo at lahat ng mga kahanga-hangang bagay sa mga bansang iyon.
\p
\v 9 At sinabi niya sa kaniya, "Pahintulutan kitang pamunuan ang mga bansang ito at ibibigay sa iyo ang lahat ng mga kahanga-hangang bagay sa mga ito kung magpapatirapa ka at sasambahin ako."
\s5
\p
\v 10 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "Hindi! Hindi ako sasamba sa iyo, Satanas, kaya umalis ka! Sinabi ng Diyos sa mga Kasulatan, 'Sa Panginoon mong Diyos lamang ikaw ay nararapat lumuhod, at siya lamang ang dapat mong sambahin."'
\p
\v 11 Pagkatapos ay umalis ang diyablo at sa mga oras na iyon, dumating ang mga anghel kay Jesus at inalagaan siya.
\s5
\p
\v 12 Habang si Jesus ay nasa lalawigan ng Judea, pumunta sa kaniya ang mga alagad ni Juan na Tagapagbaustimo at sinabing ipinakulong ni Haring Herodes si Juan. Kaya bumalik si Jesus sa pook ng Galilea, sa bayan ng Nazaret.
\p
\v 13 Pagkatapos, umalis siya sa Nazaret at nagpunta sa lungsod ng Capernaum upang doon na manirahan. Ang Capernaum ay matatagpuan sa tabi ng Dagat ng Galilea sa rehiyon na dating nasasakupan ng mga tribo ng Zebulun at Naftali.
\s5
\p
\v 14 Nagtungo siya roon upang magkatotoo ang mga salitang ito na isinulat ng propetang si Isaias noong unang panahon:
\p
\v 15 "Ang mga rehiyon ng Zebulun at Naftali, mga rehiyong nasa lansangang papunta sa Dagat, sa silangang bahagi ng Ilog Jordan, mga rehiyon ng Galilea, tahanan ng maraming mga hindi Israelita!
\p
\v 16 Ang mga taong iyon ay hindi nakakakilala sa Diyos, na para bang sila ay nasa kadiliman, ngunit malalaman nila ang katotohanan, na parang isang maningning na liwanag ay nagliwanag sa kanila. Oo, sila ay lubhang natatakot na mamatay, ngunit isang maningning na liwanag ang nagliwanag sa kanila!"
\s5
\p
\v 17 Nang oras na iyon, habang nasa lungsod ng Capernaum si Jesus, sinimulan niyang mangaral sa mga tao, "Ipapakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari sa lalong madaling panahon at hahatulan niya kayo kapag siya ay namumuno na. Kaya itigil na ninyo ang pagkakasala!"
\s5
\p
\v 18 Isang araw, habang naglalakad si Jesus sa tabi ng Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang lalaki, si Simon na kalaunan ay tinawag na Pedro, at si Andres na kaniyang nakababatang kapatid. Inihahagis nila ang kanilang lambat sa tubig dahil kumikita sila ng pera sa pamamagitan ng panghuhuli at pagbebenta ng isda.
\p
\v 19 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Sumama kayo sa akin at kayo ay aking tuturuan kung paano magtipon ng mga tao upang maging mga alagad ko. Katulad lang ito sa inyong pangingisda."
\p
\v 20 Agad nilang iniwan ang kanilang gawain na kanilang ginagawa at sumama sa kaniya.
\s5
\p
\v 21 Habang naglalakad silang tatlo mula roon, nakakita si Jesus ng dalawa pang lalaki, si Santiago at si Juan na nakababatang kapatid ni Santiago. Sila ay nasa kanilang bangka kasama si Zebedeo na kanilang ama na nagkukumpuni ng kanilang mga lambat. Sinabi ni Jesus sa kanila na dapat nilang iwan ang kanilang gawain at sumama sa kaniya.
\p
\v 22 Kaagad din nilang iniwan ang kanilang bangka at kanilang ama at sumama kay Jesus.
\s5
\p
\v 23 Dinala ni Jesus ang apat na lalaking iyon sa kabuuan ng distrito ng Galilea. Nagtuturo siya sa mga tao sa mga sinagoga. Ipinangangaral niya ang magandang balita tungkol sa kung paanong ipakikita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari. Pinagagaling din niya ang lahat ng mga taong may sakit.
\q
\v 24 Nang marinig ng mga tao mula sa ibang bahagi ng distrito ng Syria ang kaniyang ginagawa, dinala nila sa kaniya ang mga taong nagdurusa sa mga sakit, mga taong nagdurusa sa iba't ibang uri ng mga karamdaman, mga taong nagdurusa sa mga malulubhang sakit, mga taong sinapian ng mga demonyo, mga taong mayroong epilepsya, at mga taong paralisado. At pinagaling sila ni Jesus.
\p
\v 25 At nagsimulang sumama sa kaniya ang napakaraming tao. Sila ay mga taong nagmula sa Galilea, mula sa sampung mga bayan, mula sa lungsod ng Jerusalem, mula sa ibang mga bahagi ng lalawigan ng Judea at mga lugar sa silangan ng Ilog Jordan.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa isang bundok. Umupo siya roon at tinuruan ang kaniyang mga taga-sunod. Lumapit sila sa kaniya upang makinig.
\p
\v 2 At tinuruan niya sila sa pamamagitan ng pagsasabi ng,
\q
\v 3 "Nalulugod ang Diyos sa mga taong kumikilala na siya ay kailangan nila; sasang-ayon siya na pamunuan sila.
\q
\v 4 Nalulugod ang Diyos sa mga taong nagdadalamhati dahil sa makasalanang mundong ito; palalakasin niya ang loob nila.
\s5
\p
\v 5 Nalulugod ang Diyos sa mga taong mapagpakumbaba; mamanahin nila ang mundo na gagawing bago ng Diyos.
\p
\v 6 Nalulugod ang Diyos sa mga taong nagnanais na mamuhay ng matuwid tulad ng isang taong nagnanais na kumain at uminom; bibigyan niya sila ng kakayahang mamuhay ng matuwid.
\p
\v 7 Nalulugod ang Diyos sa mga taong mahabagin sa iba; mahahabag din siya sa kanila.
\p
\v 8 Nalulugod ang Diyos sa mga taong gumagawa ng mga bagay na nakalulugod lamang sa kaniya; balang araw sila ay paroroon sa kinaroroonan ng Diyos at makikita nila siya.
\s5
\p
\v 9 Nalulugod ang Diyos sa mga taong tumutulong sa ibang tao na mamuhay ng payapa; ituturing niya silang sariling mga anak niya.
\p
\v 10 Nalulugod ang Diyos sa mga taong nakararanas ng mga masasamang bagay dahil sila ay namuhay ng matuwid; sasang-ayon siyang pamunuan niya sila.
\s5
\p
\v 11 Nalulugod ang Diyos sa inyo kapag inaalipusta kayo ng ibang mga tao, kapag ginagawan nila kayo ng mga masasamang bagay at kapag sinasabi ng ibang mga tao na masama kayo dahil kayo ay nananampalataya sa akin.
\p
\v 12 Kapag nangyari iyan, magalak kayo at matuwa, dahil bibigyan kayo ng Diyos ng malaking gantimpala sa langit. Isasaalang-alang ka ng Diyos. Ito ay nahahalintulad sa inyong mga ninuno noong unang panahon na inusig ang mga propeta, na isinaalang-alang din ng Diyos.
\s5
\p
\v 13 Kung ano ang magagawa ng asin sa pagkain, ganiyan din ang magagawa ninyo sa mundo. Ngunit kung ang asin ay nawalan ng bisa, walang sinuman ang makapagpapabuting muli nito. Itatapon na lamang ito ng mga tao sa labas at maaapakan lang ito.
\p
\v 14 Kung ano ang magagawa ng ilaw sa mga tao sa dilim, ito ang inyong magagawa para sa mundo. Makikita kayo ng lahat ng tao, katulad ng isang lungsod na itinayo sa isang burol.
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos sindihan ng mga tao ang lampara, hindi nila ito kailanman inilalagay sa loob ng basket. Sa halip, inilalagay nila ito sa isang patungan ng ilawan sa kanilang mga bahay upang maliwanagan nito ang lahat ng naroon.
\p
\v 16 Gayon din, kailangan ninyong gawin ang tama sa paraan na makita ng ibang tao ang inyong ginagawa. Kapag nakita nila ito, pupurihin nila ang inyong Ama na nasa langit."
\s5
\p
\v 17 "Hindi ninyo dapat ipagpalagay na naparito ako sa inyo upang balewalain ang mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises o ang mga isinulat ng mga propeta. Sa halip, naparito ako upang tuparin ang mga bagay na sinabing mangyayari.
\p
\v 18 Isaisip ninyo ito: ang bawat bagay sa mga kautusan na iyon, kabilang ang mga bagay na parang hindi gaanong mahalaga, at ang pinakamaliit na bahagi sa mga kautusang iyon—ang lahat ng mga iyon ay totoo hanggang ang langit at ang lupa ay maglaho at hanggang ang sinabi ng Diyos sa mga may-akda ng mga ito ay mangyari.
\s5
\p
\v 19 Dahil ito ay totoo, kung susuwayin ninyo ang kahit maliit na bahagi ng mga kautusang ito, at kapag itinuro ninyo sa iba na suwayin din ito, kayo ay ibibilang na pinakamababa kapag inihayag na ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari. Gayunpaman, kapag inyong sinunod ang mga kautusang ito at itinuro sa iba na gayon din ang gawin, kayo ay magiging napakahalaga sa oras na iyon.
\p
\v 20 Dahil dito, sinasabi ko sa inyo na dapat ninyong sundin ang mga kautusan na higit kaysa sa mga Pariseo at mga guro ng kautusan. Kung hindi ninyo gagawin ito, hindi sasang-ayon ang Diyos na kayo ay pamunuan niya.
\s5
\p
\v 21 "Sinabi ng iba sa inyo kung ano ang sinabi ng Diyos sa ating mga ninuno, 'Hindi kayo dapat pumatay ng sinuman,' at, 'Kung ikaw ay pumatay ng sinuman, maaari kang hatulang mamatay ng mga kasapi ng namamahalang konseho.'
\p
\v 22 Ngunit sinasabi ko na kung ikaw ay napopoot sa kahit sinuman, 'Ang Diyos mismo ang hahatol sa iyo. Kung sasabihin mo sa sinuman na, 'Wala kang silbi,' hahatulan ka ng namamahalang konseho. Kung sasabihin mo sa sinuman na, 'Hangal ka,' itatapon ka ng Diyos sa apoy sa impyerno.
\s5
\p
\v 23 Kaya kung iyong dadalhin sa altar ang inyong kaloob na para sa Diyos, at kapag iyong maalala na may nasaktan kang isang tao,
\q
\v 24 iwan mo ang iyong kaloob sa may altar, at puntahan mo muna ang taong iyong nasaktan. Sabihin mo sa taong iyon na humihingi ka ng kapatawaran sa iyong nagawa, at hilingin mo sa taong iyon na ikaw ay kaniyang patawarin. Pagkatapos, bumalik ka at ihandog ang iyong kaloob sa Diyos.
\s5
\p
\v 25 Kung dalhin ka ng isang kapwa mamamayan sa hukuman upang paratangan sa paggawa ng isang kamalian, makipagkasundo ka agad sa taong iyon habang naglalakad ka kasama ang taong iyon patungong hukuman. Gawin mo iyon habang may oras pa upang hindi ka niya dalhin sa hukom, dahil maaring sabihin ng hukom na ikaw ay nagkasala at ibigay ka sa bantay ng bilangguan, at ikukulong ka ng bantay ng bilangguan.
\q
\v 26 Isaisip mo ito: kapag nakulong ka, hindi ka kailanman makakalabas dahil hindi mo kakayaning bayaran ang lahat ng sinasabi ng hukom na iyong dapat bayaran. Kaya alalahanin mo rin na mamuhay na may kapayapaan sa iyong mga kapatid."
\s5
\q
\v 27 "Inyong narinig na sinabi ng Diyos sa ating mga ninuno, 'Huwag kayong mangangalunya.'
\p
\v 28 Ngunit ang sasabihin ko sa iyo ay ito: kung ang isang lalaki ay tumingin lamang sa babae nang may pagnanasa na makipagsiping sa kaniya, ituturing ng Diyos na siya ay nangalunya sa kaniya sa isip niya.
\s5
\p
\v 29 Kung nais ninyong magkasala dahil tumingin kayo sa mga bagay, itigil na ninyo ang pagtingin sa mga ito. Kahit pa kailangan ninyong alisin ang inyong mga mata, gawin ninyo kung ito ang magbibigay sa inyo ng kakayahan upang maiwasan ang pagkakasala. Mas mabuti pa ang maging bulag at matigil ang pagkakasala, kaysa itapon kayo ng Diyos sa impyerno habang nakakakita pa kayo.
\q
\v 30 At kung gusto ninyong gamitin ang isang kamay ninyo sa pagkakasala, itigil na ninyong gamitin ang inyong kamay. Kung kailangan ninyong putulin ito at itapon, gawin ninyo ito kung ito ang magbibigay ng kakahayan sa inyo na iwasan ang pagkakasala. Mas mabuti pa na mawala ang inyong mga kamay at mahinto ang pagkakasala, kaysa itapon kayo ng Diyos sa impyerno habang may mga kamay pa kayo."
\s5
\q
\v 31 "Sinabi ng Diyos sa mga Kasulatan, 'Kung ang isang lalaki ay hihiwalayan ang kaniyang asawa, dapat siyang gumawa ng kasulatan na nagsasabi na hinihiwalayan na niya siya.'
\p
\v 32 Ngunit ngayon makinig kayo sa sinasabi ko sa inyo: maaari lamang hiwalayan ng isang lalaki ang kaniyang asawa kung ito ay nangalunya. Kung hiniwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa sa iba pang kadahilanan, ang asawang babae ay mangangalunya kung siya ay mag-aasawa ng iba. At ang lalaking magpapakasal sa kaniya ay mangangalunya rin."
\s5
\p
\v 33 "Narinig din ninyo na sinabi ng inyong mga tagapagturo ng relihiyon na sinabi ng Diyos sa ating mga ninuno, 'Huwag kayong manumpa kailanman sa pamamagitan ng pagsisinungaling! Sa halip, dapat kayong mangako katulad ng inyong gagawin na parang ang Panginoon ay nakatayo sa inyong harapan.'
\v 34 Ngunit ngayon may sasabihin ako sa inyo na higit na mahalaga: Kailanman huwag kayong manunumpa at maghahanap ng isang tao na mas mahalaga kaysa sa inyo upang managot sa inyong ipinangako. Ito ay napakahirap: Huwag kayong manunumpa sa kahit anumang kadahilanan! Huwag kayong manunumpa sa pamamagitan ng lugar na kinaroroonan ng Diyos sa langit. Iyon ang lugar ng kaniyang dakilang trono ng kapangyarihan at pinamumunuan niya roon ang lahat ng mga bagay.
\v 35 At huwag kayong manunumpa sa pangakong ang mundo ay nagpapatunay na ang inyong pangako ay totoo. Huwag ninyo itong gagawin, dahil ang mundo ay ang pinagpapahingahan ng Diyos ng kaniyang mga paa. Huwag kayong manunumpa sa pamamagitan ng lungsod ng Jerusalem, dahil ang Jerusalem ay lungsod na pag-aari ng Diyos na ating dakilang Hari.
\s5
\v 36 Gayon din, huwag kayong mangangako na gagawin ang isang bagay at sasabihin na pupugutin nila ang inyong ulo kung hindi ninyo ito magagawa. Paano kayo mangangako ng isang bagay na napakahalaga, kung hindi ninyo kayang baguhin ang kulay ng isang buhok sa inyong ulo.
\v 37 Kung pinag-uusapan ninyong gagawin ang isang bagay, sabihin na lamang ninyo na 'Oo, gagawin ko ito, ' o 'Hindi, hindi ko ito gagawin.' Kung may sasabihin pa kayong higit dito, ito ay galing kay Satanas, ang Masama, na nagmungkahi na magsalita kayo sa ganitong paraan."
\s5
\p
\v 38 "Narinig ninyong sinabi ng Diyos sa ating mga ninuno, 'Kung sinaktan ng isang tao ang isang mata ninyo, dapat din ninyong saktan ang mata ng taong iyon. Kung binungi ng isang tao ang isa sa inyong mga ngipin, dapat din ninyong bungiin ang isa sa mga ngipin ng taong iyon.'
\v 39 Ngunit ngayon makinig kayo sa sasabihin ko sa inyo: huwag kayong maghihiganti sa isang taong nanakit sa inyo, huwag rin ninyong subukan na pigilan siya. Sa halip, kung inalipusta kayo ng isang tao sa pamamagitan ng pagsampal sa isang pisngi ninyo, iharap din ninyo ang isa pa ninyong pisngi sa taong iyon upang sampalin niya rin.
\s5
\v 40 Kung nais kayong ihabla ng isang tao sa hukuman upang kunin ang inyong damit panloob, hayaan ninyong mapasakaniya rin ang inyong panlabas na kasuotan na siyang mas higit na mahalaga sa inyo.
\v 41 At kung sapilitan kayong isinama ng isang kawal na Romano ng isang milya at bitbitin ang kaniyang dala, bitbitin ninyo ito ng dalawang milya.
\v 42 Gayon din, kung hinihiling sa inyo ng isang tao ang isang bagay, ibigay ninyo ito sa kaniya. Kung hinihiram sa inyo ng isang tao ang isang bagay, hayaan ninyo at ipahiram ninyo ito sa kaniya."
\s5
\p
\v 43 "Narinig ninyong sinabi ng Diyos sa ating mga ninuno, 'Mahalin ninyo ang kapwa ninyong Israelita at kamuhian ninyo ang mga dayuhan, sapagkat kaaway ninyo sila.'
\v 44 Ngunit ngayon makinig kayo sa sasabihin ko sa inyo: mahalin ninyo ang mga kaaway ninyo gaya sa inyong mga kaibigan, at idalangin ninyo ang mga nagdudulot sa inyo ng pagdurusa.
\v 45 Gawin ninyo ito upang maging katulad kayo ng Diyos, na inyong Ama na nasa langit. Kumikilos siya ng may kabutihan sa lahat ng mga tao. Halimbawa, hinahayaan niya na parehong sumikat ang araw sa mga masasamang tao at sa mga mabubuting tao, at hinahayaan niyang umulan sa mga taong sumusunod sa kaniyang kautusan at sa mga taong hindi.
\s5
\v 46 Kung mamahalin lamang ninyo ang mga taong nagmamahal sa inyo, huwag ninyong asahan na bibigyan pa rin kayo ng Diyos ng gantimpala! Kahit pa ang mga taong gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay gaya ng mga maniningil ng buwis ay nagmamahal sa mga nagmamahal sa kanila. Dapat kayong kumilos ng higit na mabuti kaysa sa kanila!
\v 47 Oo, at kung ang mga kaibigan ninyo lamang ang inyong babatiin at hihilingin sa Diyos na pagpalain sila, hindi ka kumikilos ng higit na mabuti sa ibang mga tao. Ganiyan din ang ginagawa ng mga hindi Judio, mga taong hindi sumusunod sa mga kautusan ng Diyos!
\v 48 Kaya dapat kayong maging ganap na matapat sa Diyos na inyong Amang nasa langit, katulad ng kaniyang ganap na katapatan sa inyo."
\s5
\c 6
\p
\v 1 Kapag gagawa kayo ng mga mabubuting gawa, tiyakin ninyo na gawin ninyo ang mga ito nang hindi nakatingin ang mga tao. Huwag ninyong hayaang makita nila at maging mataas ang pagtingin nila sa inyo. Kung ginagawa lamang ninyo ang mga mabubuting bagay upang maging mataas ang pagtingin ng mga tao sa inyo, tiyak na hindi kayo bibigyan ng anumang gantimpala ng Diyos na inyong Ama na nasa langit ay.
\p
\v 2 Kaya kung ikaw ay magbibigay sa mga mahihirap, huwag mo hayaang mapansin ito ng ibang tao na parang nakapansin sila ng isang nagpapatunog ng trumpeta. Ganoon ang ginagawa ng mga mapagpanggap sa mga sinagoga at sa mga pangunahing daan upang sakaling papurihan sila ng mga tao. Alalahanin ninyo na papupurihan ng mga tao ang mga mapagpanggap ngunit iyon lamang ang gantimpala na matatanggap ng mga mapagpanggap!
\s5
\p
\v 3 Sa halip na gawin mo ang mga ginagawa nila, kapag nagbigay ka sa mga mahihirap, huwag mong hahayaang malaman ng ibang tao ang iyong ginagawa.
\p
\v 4 Sa ganoong paraan, lihim kang makapagbibigay sa mga mahihirap. Ang kahihinatnan nito, gagantimpalaan ka ng Diyos na inyong Ama na nagmamasid sa iyo habang walang sinuman ang nakakakita sa iyo.
\s5
\p
\v 5 "Kapag mananalangin din kayo, huwag ninyong gagawin ang mga ginagawa ng mga mapagpanggap. Gusto nilang tumayo sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga pangunahing daan para manalangin upang makita sila ng mga tao at maging mataas ang pagtingin sa kanila. Alalahanin niyo na pinupuri sila ng mga tao, ngunit iyon lamang ang gantimpalang kanilang makukuha.
\p
\v 6 Ngunit ikaw, kung mananalangin kayo, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto nang sa gayon makapanalangin ka sa Diyos na iyong Ama na hindi nakikita ninuman. Pinagmamasdan ka niya kung saan walang nakakakita sa iyo at ikaw ay kaniyang gagantimpalaan.
\p
\v 7 Kapag mananalangin kayo, huwag paulit-ulit sa inyong mga salita katulad ng ginagawa ng mga tao na hindi nakakakilala sa Diyos. Iniisip nila na kung gagamit sila ng maraming salita, ang kanilang mga diyus-diyosan ay makikinig sa kanila at ibibigay ang kanilang mga hinihingi.
\s5
\p
\v 8 Huwag ninyong ulit-ulitin ang mga salita katulad ng mga ginagawa nila sapagkat alam ng Diyos na inyong Ama ang inyong mga kailangan bago pa ninyo hingin sa kaniya.
\p
\v 9 Kaya manalangin kayo ng mga bagay ng katulad nito: 'Ama, na siyang nasa langit, nawa ang lahat ay parangalan ka.
\p
\v 10 Nawa lubos kang maghari sa lahat-lahat. Nawa mangyari ang lahat dito sa lupa ayon sa iyong ninanais katulad ng nagaganap sa langit.
\s5
\p
\v 11 Sa bawat araw, bigyan mo kami ng makakain na aming kailangan sa araw na iyon.
\p
\v 12 Patawarin mo rin kami sa aming mga kasalanan tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin.
\p
\v 13 Huwag mong ipahintulot na gumawa kami ng kamalian kapag kami ay natukso at iligtas mo kami kay Satanas kung susubukan niya kaming saktan."
\s5
\p
\v 14 Patawarin ninyo ang mga tao na nagkasala sa inyo dahil kung gagawin ninyo ito, patatawarin din ng Diyos, ang inyong Ama na nasa langit ang inyong mga kasalanan.
\p
\v 15 Ngunit kung hindi ninyo patatawarin ang ibang tao, hindi rin patatawarin ng Diyos ang inyong mga kasalanan.
\s5
\p
\v 16 Kapag iiwasan ninyong kumain ng mga pagkain upang sa gayon ay masiyahan ang Diyos, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mukha ng mga mapagpanggap. Pinapalungkot nila ang kanilang mga mukha upang makita sila ng mga tao na hindi sila kumakain ng kanilang pagkain at maging mataas ang pagtingin nila sa kanila. Alalahanin ninyo na may iba na magiging mataas ang pagtingin ng mga taong iyon sa kanila dahil doon ngunit iyon lamang ang gantimpala na makukuha ng mga taong iyon!
\p
\v 17 Sa halip, kapag ang bawat isa sa inyo ay iiwas sa pagkain, dapat suklayin ninyo ang inyong mga buhok at maghilamos na karaniwan ninyong ginagawa,
\p
\v 18 nang sa gayon ay hindi kayo mapansin ng mga tao na nag-aayuno kayo. Ngunit ang Diyos na inyong Ama na hindi nakikita ninuman ang makakapansin na hindi kayo kumakain. Nakikita niya kayo kahit na walang nakakakita sa inyo at gagantimpalaan niya kayo.
\s5
\p
\v 19 Huwag kayong maghangad ng maraming pera o mga materyal na bagay para sa inyong sarili dito sa mundo sapagkat ang lahat ng nandito sa mundo ay naglalaho. Halimbawa, ang naninirang insekto ay naninira ng mga damit, sinisira ng kalawang ang mga bakal at ang mga magnanakaw ay nagnanakaw ng mga bagay na pagmamay-ari ng ibang tao.
\p
\v 20 Sa halip, gumawa kayo ng mga bagay na ikalulugod ng Diyos. Kung gagawa kayo ng mga mabubuting bagay ay para na rin kayong nag-iipon ng mga kayamanan sa langit. Walang naglalaho sa langit. Sa langit ay walang mga naninirang insekto na sumisira ng damit, walang kalawang at walang mga magnanakaw na maaaring magnakaw.
\p
\v 21 Alalahanin na kung ano man ang pinakamahalaga sa iyo ay iyon ang lagi mong maiisip.
\s5
\p
\v 22 "Ang iyong mga mata ay katulad ng isang ilawan para sa iyong katawan sapagkat ang mga ito ay binibigyan ka ng kakayahan upang makita ang mga bagay. Kaya kung nakikita mo ang mga bagay na tulad ng pagtingin ng Diyos sa mga ito, ang iyong katawan ay parang puno ng liwanag.
\p
\v 23 Ngunit kung ang iyong mga mata ay masama, wala kang kakayahan na makita ang mga bagay nang mabuti. Ikaw ay ganap na nasa kadiliman. Lalo kang magiging sakim!
\p
\v 24 "Walang sinuman ang makapaglilingkod ng sabay sa dalawang magkaibang amo. Kung gagawin niya iyon, maaaring kamuhian niya ang isa sa kanila at mahalin ang isa o maaaring tapat siya sa isa at hamakin ang isa. Gayun din, hindi mo maaaring sambahin ang Diyos at pera nang sabay."
\s5
\p
\v 25 Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi ko sa inyo na huwag kayong mangamba tungkol sa mga bagay na inyong kailangan upang mabuhay. Huwag kayong mangamba tungkol sa kung may sapat ba na pagkain na kakainin o mga bagay na iinumin o sapat ba ang damit na maisusuot. Mas mahalaga kung paano ninyo pangasiwaan ang inyong buhay kaysa sa mga bagay na ito.
\p
\v 26 Isipin ninyo ang tungkol sa mga ibon. Hindi sila nagtatanim at hindi rin sila nag-aani o nag-iipon sa mga imbakan. Lagi silang may pagkain dahil binibigyan sila ng pagkain ng Diyos na inyong Ama na nasa langit. Tiyak namang mas mahalaga kayo nang lubos kaysa sa mga ibon! Kaya nakatitiyak kayo na ibibigay ng Diyos ang lahat ng inyong mga kailangan!
\s5
\p
\v 27 Walang sinuman sa inyo ang makapagdaragdag ng ilang taon sa kaniyang buhay dahil sa pangangamba at hindi ninyo kayang magdagdag ng kahit isang minuto sa inyong buhay! Kaya huwag ninyong ipangamba ang mga bagay na inyong kailangan.
\p
\v 28 Kaya hindi rin ninyo dapat ipangamba kung mayroon kayong sapat na damit na maisususot. Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa mga parang. Hindi sila naghahanapbuhay upang kumita ng pera at hindi rin sila gumagawa ng sarili nilang damit.
\p
\v 29 At sinasabi ko sa inyo na kahit pa si Haring Solomon na nabuhay noong unang panahon na nakapagsuot ng mga magagarang damit, ang kaniyang mga damit ay hindi kasing-ganda ng isa sa mga bulaklak na iyon.
\s5
\p
\v 30 Ginagawa ng Diyos ang mga ligaw na halaman na magaganda ngunit ang mga ito ay nabubuhay sa parang ng maikling panahon lamang. Ang mga ito ay nabubuhay ng isang araw at kinabukasan ay itatapon ang mga ito sa isang kalan upang makapagluto ng tinapay. Ngunit mas mahalaga kayo para sa Diyos kaysa sa mga ligaw na halaman at nabubuhay kayo ng mas matagal. Kaya magtiwala kayo sa Diyos, kayo na may napakaliit na pananampalataya!
\p
\v 31 Kaya huwag kayong mangamba at sabihin, 'Mayroon ba tayo ng kahit ano na makakain?' o 'Mayroon ba tayo ng kahit ano na maiinom?' o 'Mayroon ba tayong mga damit na maisusuot?'
\s5
\p
\v 32 Ang mga hindi nakakikilala sa Diyos ay laging nangangamba tungkol sa mga bagay katulad niyan. Ngunit alam ng Diyos na inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito kaya dapat huwag kayong mangamba.
\p
\v 33 Sa halip, gawin ninyong pinakamahalaga ang pagtanggap sa Diyos sa inyong buhay kapag kayo ay kaniyang pamunuan at sikapin ninyong mamuhay nang matuwid. Kung gagawin ninyo iyon, ang lahat ng bagay na inyong kailangan ay kaniyang ibibigay.
\p
\v 34 Kaya huwag kayong mangangamba tungkol sa kung ano ang mangyayari kinabukasan, sapagkat bago dumating ang araw na iyon ay mayroon na kayong sapat na aalalahanin. Kaya huwag kayong mangamba kung hindi pa napapanahon."
\s5
\c 7
\p
\v 1 Huwag kayong magsalita tungkol sa makasalanang pamumuhay ng iba upang hindi rin magsalita ang Diyos tungkol sa makasalanang pamumuhay ninyo.
\p
\v 2 Kung hahatulan ninyo ang ibang tao, hahatulan din kayo ng Diyos. Kung gaano ninyo hahatulan ang iba, ganon din ang paghatol sa inyo.
\s5
\p
\v 3 Wala sa inyo ang dapat mabahala tungkol sa maliit na kamalian na nagawa ng sinuman! Katulad iyon ng pagpansin sa pinakamaliit na dayami sa mata ng isang tao. Ngunit mabahala ka sa iyong sariling malaking pagkakamali. Kagaya iyon ng pagpansin mo ng pinakamaliit na dayami sa mata ng iyong kapwa habang hindi mo napapansin ang malaking tabla na nakatakip sa iyong sariling mata.
\p
\v 4 Hindi mo dapat sabihin sa ibang tao ang tungkol sa kanilang maliit na pagkakamali, "Hayaan mong alisin ko ang pinakamaliit na dayami sa iyong mata! Hindi mo dapat sabihin iyon kung ang makapal na tabla ay nasa mata mo pa.
\p
\v 5 Kung gagawin mo iyon, ikaw ay isang mapagpanggap! Dapat mo munang alisin ang tabla na nasa iyong mata bago mo subukang alisin ang pinakamaliit na dayami na nasa mata ng iba. Kapag nagawa mong tumigil sa pagkakasala, magkakaroon ka ng espirituwal na paningin upang tulungan ang iba na alisin ang kanilang mga kasalanan."
\s5
\p
\v 6 Huwag kayong magbibigay ng mga bagay na para sa Diyos sa mga aso na nais sumalakay sa inyo. At huwag din kayong maghahagis ng mahahalagang perlas sa harapan ng mga baboy dahil tatapakan lamang nila ang mga ito. Gayon din naman, huwag kayong magsasalita ng mga kahanga-hangang mga bagay tungkol sa Diyos sa mga tao na alam ninyong gagawan kayo ng kasamaan bilang kapalit.
\s5
\p
\v 7 "Patuloy na humingi sa Diyos ng inyong pangangailangan, at patuloy ninyong asahan na ang inyong hinihingi sa kaniya ay ibibigay sa inyo.
\p
\v 8 Sapagkat makatatanggap ang bawat isa na humihingi sa Diyos ng anumang bagay at ang umaasa na ibibigay niya ito sa kaniya.
\p
\v 9 Kung ang inyong anak ay humingi ng tinapay sa inyo, wala ni isa sa inyo ang magbibigay sa kaniya ng bato, hindi ba?
\p
\v 10 Kung ang inyong anak ay hihingi ng isda, wala ni isa sa inyo ang magbibigay ng ahas sa kaniya, hindi ba?
\s5
\p
\v 11 Alam ninyo kung paano magbigay ng mabuting mga bagay sa inyong mga anak, kahit na kayo ay mga masasama. Kaya ang Diyos na inyong Ama na nasa langit ay tiyak na mas magbibigay ng mabuting mga bagay sa kanila na humihingi sa kaniya.
\p
\v 12 Kaya kung anumang asal ang nais ninyong ikilos ng iba sa inyo, iyon din ang iasal ninyo sa kanila, dahil iyon ang ibig sabihin ng kautusan ng Diyos at ng lahat ng bagay na isinulat ng mga propeta noong unang panahon.
\s5
\p
\v 13-14 "Ang mabuhay magpakailanman na kasama ang Diyos sa langit ay mahirap. Ito ay katulad ng isang mahirap na daan na kailangan mong piliin. May isa pang daan, isa na madalas pinipili ng maraming tao. Ang daang iyon ay maluwang; sila ay lumalakad hanggang sa marating nila ang isang maluwang na tarangkahan, ngunit kapag sila ay pumasok dito, sila ay mamamatay. Kaya sinasabi ko sa inyo na piliin ninyo ang mahirap na daan at pumasok sa makitid na pintuan upang mabuhay magpakailaman kasama ng Diyos sa langit."
\s5
\p
\v 15 Mag-ingat sa mga taong lalapit sa inyo at magsasabi ng hindi totoo sa inyo tungkol sa sinabi ng Diyos. Para silang hindi nanananakit, ngunit hindi iyon totoo. Para silang mga lobo na nagtakip sa sarili ng balat ng tupa. Gusto nilang paniwalain ang mga tao na sila ay hindi makapaminsalang tupa, ngunit sa katunayan ay sasalakayin kayo na parang mga lobo.
\p
\v 16 Kaya papaano ninyo malalaman na sila ay hindi totoo? Siyempre, sa pamamagitan ng pagtingin sa bunga na ipinamumunga ng kahoy, makikilala ninyo kung anong uri sila ng pananim. Halimbawa, ang mga matitinik na palumpong ay hindi mamumunga ng ubas, kaya wala ni isa ang makakaisip na mamitas ng ubas sa mga matitinik na palumpong. At ang dawag ay hindi namumunga ng igos kaya wala ni isa ang makakaisip na mamitas ng igos sa dawag.
\p
\v 17 Ito pa ang isang halimbawa: lahat ng mabuting puno ay namumunga ng mabuting bunga, ngunit lahat ng hindi mabuting puno ay namumunga ng walang halaga na bunga.
\s5
\p
\v 18 Walang mabuting kahoy ang namumunga ng walang halagang bunga at walang hindi mabuting puno ang namumunga ng mabuting bunga.
\p
\v 19 Puputulin at susunugin ng mga manggagawa ang lahat ng puno na hindi namumunga ng mabuting bunga.
\p
\v 20 Sa pamamagitan ng pagtingin sa ipinamunga ng mga halaman, makikilala ninyo kung anong uri silang puno. Gayon din, kapag nakita ninyo ang ginawa ng mga tao na lumalapit sa inyo, malalaman ninyo kung tunay silang nagsasalita para sa Diyos o hindi.
\s5
\q
\v 21 Kahit na maraming tao ang nakasanayan na tawagin akong Panginoon, nagpapanggap na nasa kanila ang aking kapamahalaan, hindi sasang-ayon ang Diyos na pamunuan ang ilan sa kanila dahil hindi nila ginagawa kung ano ang ninanais niya. Ang aking Ama ay sasang-ayon lamang na pamunuan iyong mga gumagawa ng kaniyang kagustuhan.
\p
\v 22 Sa araw na hahatulan ng Diyos ang bawat isa, maraming tao ang magsasabi sa akin, 'Panginoon, naghayag kami ng mensahe ng Diyos bilang inyong kinatawan! Bilang inyong kinatawan nagpalayas kami ng mga demonyo sa mga tao! At bilang inyong kinatawan, maraming beses kaming gumawa ng mga makapangyarihang gawa!'
\p
\v 23 Pagkatapos sasabihin ko nang hayagan sa kanila, 'Hindi ko kailanman tatanggapin na nabibilang kayo sa akin. Lumayo kayo sa akin, kayo na gumagawa ng masama!'"
\s5
\p
\v 24 Kaya ngayon, sinuman na nakaririnig ng aking sinabi at ginagawa ang aking mga utos ay maihahalintulad sa isang matalinong tao na nagtayo ng bahay sa bato,
\p
\v 25 Kahit bumuhos pa ang ulan at ang ilog ay umapaw, at ang hangin ay umihip at hinagupit ang bahay na iyon, hindi ito babagsak dahil naitayo ito sa isang matibay na bato.
\s5
\p
\v 26 Sa kabilang banda, sinuman na nakaririnig ng aking sinabi ngunit hindi sumunod sa akin ay maihahalintulad sa isang taong mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa buhanginan.
\p
\v 27 Nang bumuhos ang ulan, at ang ilog ay umapaw, at ang hangin ay umihip at hinagupit ang bahay na iyon, ito ay bumagsak at tuluyang nasira dahil ito ay naitayo sa buhanginan. Kaya kailangan ninyong sundin kung ano ang sinabi ko sa inyo."
\s5
\p
\v 28 Nang matapos ni Jesus ang pagtuturo sa lahat ng bagay na ito, namangha ang maraming tao na nakarinig sa kaniya sa kung papaano siya nagturo.
\q
\v 29 Nagturo siya na tulad ng isang guro na umaasa sa sarili niyang nalalaman. Hindi siya nagturo na tulad ng mga nagturo ng mga batas ng mga Judio na paulit- ulit na tinuturo ang mga iba't-ibang bagay na itinuro na ng ibang kalalakihan.
\s5
\c 8
\p
\v 1 Nang bumaba si Jesus mula sa paanan ng burol, sumunod sa kaniya ang napakaraming tao.
\p
\v 2 Pagkatapos iwan ni Jesus ang napakaraming tao, isang lalaking may sakit sa balat ang lumapit at lumuhod sa kaniyang harapan. Sinabi niya kay Jesus, "Panginoon, pakiusap pagalingin mo ako, dahil alam kong kaya mo akong pagalingin kung iyong nanaisin."
\p
\v 3 At iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan ang lalaki. Sinabi niya sa kaniya, "Nais kong pagalingin ka, at pagagalingin kita ngayon!" Kaagad na gumaling ang lalaki sa kaniyang sakit.
\s5
\p
\v 4 Pagkatapos sinabi ni Jesus sa kaniya, "Pumunta ka at ipakita ang iyong sarili sa malapit na pari upang suriin ka niya at patunayang wala ka nang sakit. At pagkatapos niyang sabihin sa taong-bayan, malalaman nilang wala ka nang ketong, at maaari ka nang makihalubilong muli sa kanila. Tiyakin mo ngayon na hindi mo ipamamalita sa kahit kanino ang tungkol sa pagpapagaling ko sa iyo maliban sa pari. Pagkatapos pumunta ka sa templo sa Jerusalem at ibigay mo sa pari ang handog na iniutos ni Moises na dapat ihandog ng mga taong gumaling mula sa ganitong sakit bilang hain sa Diyos."
\s5
\p
\v 5 Nang si Jesus ay nagpunta sa lungsod ng Capernaum, may isang Romanong opisyal na may pinamumunuang isandaang mga kawal ang pumunta sa kaniya. Nakiusap siya kay Jesus na tulungan siya.
\p
\v 6 Sinabi niya, "Panginoon, nakaratay ang aking lingkod sa bahay at paralisado at may matinding pananakit."
\p
\v 7 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Pupunta ako sa bahay mo at pagagalingin ko siya."
\s5
\p
\v 8 Ngunit sinabi ng opisyal sa kaniya, "Panginoon, huwag na kayong mag-abala pang magpunta. Hindi ako karapat-dapat upang iyong puntahan ang aking bahay at makisalamuha sa akin. Sa halip, sabihin mo lamang na magaling na ang aking lingkod at siya ay gagaling na.
\p
\v 9 Ito ay katulad sa akin. Ako ay isang kawal; dapat kong sundin ang aking mga pinuno, at may mga kawal din akong pinamumunuan. Kapag sinabi ko sa isa sa kanila 'Pumunta ka!' pumupunta siya. Kapag sinabi ko sa iba 'Halika!' lumalapit siya. Kapag sinabi ko sa aking alipin, 'Gawin mo ito!' ginagawa niya ito. Nagsasalita ka rin ng ganitong uri ng kapangyarihan."
\p
\v 10 Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya. Sinabi niya sa maraming taong kasama niyang naglalakad, "Pakinggan ninyo ito: hindi pa ako nakakita ng sinumang nagtitiwala sa akin tulad ng pagtitiwala ng taong ito na hindi Judio. Kahit sa Israel, kung saan ako dapat umasa na ang mga tao ay maniniwala sa akin, hindi ako nakakita ng sinumang nagtitiwala sa akin ng lubos na katulad nito!
\s5
\p
\v 11 Totoo itong sinasabi ko sa inyo, maraming taong hindi mga Judio ang maniniwala rin sa akin at sila ay magmumula sa mga malalayong bansa, kabilang ang mga malalayo sa silangan at malalayo sa kanluran, at uupo silang kakain kasama sina Abraham, Isaac, at Jacob kapag ganap na ang paghahari ng Diyos sa lahat ng mga bagay.
\p
\v 12 Ngunit ang mga Judio na dapat sanang pumayag na pamunuan sila ng Diyos ay itatapon ng Diyos sa impyerno, kung saan may ganap na kadiliman. Doon, iiyak sila dahil sa kanilang pagdurusa, at mangangalit ang kanilang mga ngipin dahil magkakaroon sila ng matinding paghihirap."
\p
\v 13 Pagkatapos sinabi ni Jesus sa opisyal, "Umuwi ka na sa iyong tahanan. Mangyayari ang pinaniniwalaan mo, na pagagalingin ko mula sa malayo ang lingkod mo." At umuwi nga ang opisyal sa kaniyang tahanan at nalaman niya na magaling na ang kaniyang alagad sa mismong oras na sinabi ni Jesus na pagagalingin niya siya.
\s5
\p
\v 14 Nang pumunta si Jesus at ilan sa kaniyang mga alagad sa tahanan ni Pedro, nakita ni Jesus ang biyenang babae ni Pedro. Nakaratay siya sa higaan dahil may lagnat siya.
\p
\v 15 Hinawakan ni Jesus ang kaniyang kamay at kaagad na nawala ang kaniyang lagnat. Pagkatapos ay bumangon siya at ipinaghain sila ng mga pagkain.
\s5
\p
\v 16 Nang gabing iyon, pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga, dinala ng maraming tao kay Jesus ang maraming taong sinapian ng mga demonyo, at iba pang may mga sakit. Pinalayas niya ang mga demonyo sa pamamagitan lamang ng pagsasalita sa kanila at pinagaling niya ang mga taong may sakit.
\p
\v 17 Nang ginawa niya ito, tinupad niya ang isinulat ng propetang si Isaias, "Pinalaya niya ang mga tao sa kanilang mga sakit at sila ay pinagaling niya.'
\s5
\p
\v 18 Nakita ni Jesus ang napakaraming tao sa palibot niya, ngunit kailangan niyang mamahinga. Kaya sinabi niya sa kaniyang mga alagad na dalhin siya sa kabilang dako ng lawa sa pamamagitan ng bangka.
\p
\v 19 Habang naglalakad sila papunta sa bangka, isang lalaking tagapagturo ng batas ng mga Judio ang lumapit sa kaniya at nagsabi na, "Guro, sasama ako sa iyo saan ka man magpunta."
\p
\v 20 Sinagot siya ni Jesus, "May mga lungga ang mga asong gubat sa lupa upang doon sila manirahan, at may pugad ang mga ibon, ngunit kahit ako ang Anak ng Tao, wala akong tahanan na maaari akong matulog."
\s5
\p
\v 21 Isa pang lalaki na isa sa mga alagad ni Jesus ang nagsabi sa kaniya, "Panginoon, payagan mo muna akong umuwi sa aking tahanan. Pagkatapos mamatay ang aking ama ay ililibing ko siya, at pagkatapos sasama ako sa iyo."
\q
\v 22 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "Sumama ka sa akin ngayon. Ang mga taong maituturing na patay na, hayaan mo na sila nalang ang maghintay sa sarili nilang mga kasamahan na mamatay."
\s5
\p
\v 23 Pagkatapos, sumakay si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa bangka, at nagsimula silang maglayag sa palibot ng Dagat ng Galilea.
\p
\v 24 Biglang may malakas na hangin ang umihip sa tubig at ang malalaking alon ay sumasalpok sa bangka at pinupuno ito. Ngunit natutulog si Jesus.
\p
\v 25 Nagpunta sila at ginising siya at sinabi sa kaniya, "Panginoon, iligtas mo ang ating mga sarili! Malapit na tayong malunod!"
\s5
\p
\v 26 Sinabi niya sa kanila, "Hindi kayo dapat natakot! Hindi lubos ang inyong paniniwala na kaya ko kayong iligtas." At tumayo siya at sinaway ang hangin at sinabi sa alon na huminahon. Kaagad na huminto ang hangin sa pag-ihip at huminahon ang tubig.
\p
\v 27 At namangha ang mga lalaki, at sinabi nila sa bawat isa, "Tunay na hindi pangkaraniwan ang taong ito." Nasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan ang lahat! Sumusunod sa kaniya maging ang mga hangin at mga alon!"
\s5
\q
\v 28 Nang makarating sila sa silangang bahagi ng lawa, dumating sila sa rehiyon kung saan naninirahan ang mga Gadareno. Pagkatapos, lumabas ang dalawang lalaking sinapian ng demonyo mula sa mga kuwebang libingan kung saan sila naninirahan. Dahil lubhang napakarahas nila at nanunugod sila ng mga tao, walang sumusubok na dumaan sa lansangang iyon.
\p
\v 29 Bigla silang sumigaw kay Jesus, "Ikaw ang Anak ng Diyos! Dahil wala kang pagkakatulad sa amin, layuan mo kami! Naparito ka ba upang pahirapan kami ng labis bago ang oras na itinakda ng Diyos na parusahan kami?"
\s5
\p
\v 30 May malaking kawan doon ng baboy ang nagsisikain sa hindi kalayuan.
\p
\v 31 Kaya nagmakaawa ang mga demonyo kay Jesus at sinabi, "Palalayasin mo lamang naman kami sa mga lalaking ito, kaya ipadala mo na lamang kami sa mga baboy!" Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung iyan ang gusto ninyo, pumunta kayo!"
\q
\v 32 Kaya iniwanan ng mga demonyo ang mga lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagmadaling nagsitakbuhang pababa sa bangin ang buong kawan ng mga baboy at nalunod sa tubig.
\s5
\p
\v 33 Ang mga lalaking nangangalaga sa mga baboy ay natakot at tumakbo sa bayan at ipinamalita ang lahat ng nangyari at gayon din sa nangyari sa dalawang lalaki na sinapian ng mga demonyo.
\p
\v 34 At tila lahat ng mga tao na naninirahan sa nayong iyon ay nagpuntahan para makita si Jesus. Nang makita nila si Jesus at ang dalawang lalaking sinapian ng mga demonyo, nagmakaawa sila kay Jesus na umalis sa kanilang rehiyon.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Sumakay si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa bangka. Naglayag sila sa lawa at nagtungo sa Capernaum, ang lungsod kung saan siya naninirahan.
\q
\v 2 Dinala sa kaniya ng ilang mga tao ang isang lalaki na paralisado na nakahiga sa tulugan. Nang mapagtanto ni Jesus na sila ay naniniwala na kaya niyang pagalingin ang paralisadong lalaki, sinabi niya sa kaniya, "Lalaki, palakasin mo ang iyong loob! Pinapatawad ko na ang iyong mga kasalanan."
\s5
\p
\v 3 Ilan sa mga kalalakihan na nagtuturo ng batas ng mga Judio ang nagsabi sa kanilang sarili, "Iniisip ng taong ito na siya ay Diyos; hindi niya maaaring patawarin ang mga kasalanan!"
\p
\v 4 Alam ni Jesus ang mga iniisip nila kaya sinabi niyang, "Huwag kayong mag-isip ng masasamang kaisipan!
\p
\v 5 Ano ang mas madali, ang sabihin sa kaniya na ang kaniyang mga kasalanan ay napatawad na o sabihin sa kaniya na tumayo ka at lumakad?
\q
\v 6 Kaya gagawa ako ng ilang bagay upang sa gayon maaari ninyong malaman na binigyan ng Diyos ako na Anak ng Tao ng kapangyarihan upang patawarin ang mga kasalanan ng mga tao habang ako ay narito pa sa lupa." Pagkatapos sinabi niya sa paralisadong lalaki, "Tumayo ka, buhatin mo ang iyong tulugan at umuwi ka!"
\s5
\p
\v 7 Agad tumayo ang lalaki, binuhat ang kaniyang tulugan at umuwi!
\p
\v 8 Nang makita ito ng maraming tao, sila ay namangha. Nagpuri sila sa Diyos dahil sa pagbibigay niya ng ganoong kapangyarihan sa mga tao.
\p
\v 9 Habang papalayo si Jesus sa lugar na iyon, nakita niya ang isang lalaki na nagngangalang Mateo. Nakaupo siya sa paningilan ng buwis para sa gobyerno ng Romano. Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Sumama ka sa akin at ikaw ay magiging alagad ko!" Kaya tumayo si Mateo at sumunod sa kaniya.
\s5
\p
\v 10 Naupo si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa isang bahay upang kumain. Habang sila ay kumakain, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga taong hindi nagpapahalaga sa kautusan ni Moses at nakikain kasama nila.
\p
\v 11 Nang makita iyon ng mga Pariseo, lumapit sila sa mga alagad at sinabi, "Nakasusuklam ang inyong guro na kumakain at nakikisama sa mga maniningil ng buwis at sa mga taong katulad nila."
\s5
\p
\v 12 Narinig ni Jesus ang mga sinabi nila kaya sinabi niya sa kanila ang talinghagang ito: "Ang mga taong may sakit ay nangangailangan ng doktor, hindi ang mga taong nasa mabuting kalagayan.
\p
\v 13 Kailangan ninyong malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga salita na sinabi ng Diyos: 'Nais ko kayong maging mahabagin sa mga tao at hindi lamang pag-aalay ng mga handog.' Ilagay sa inyo kaisipan na ako ay pumarito sa inyo, hindi upang tawagin ang mga tao na nag-iisip na sila ay matuwid upang talikuran ang kanilang makasalanang pamumuhay at sumama sa akin, ngunit upang tawagin ang mga tao na nakakaalam na sila ay mga makasalanan."
\s5
\p
\v 14 Pagkatapos, dumating ang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo at tinanong si Jesus, "Kami at ang mga Pariseo ay madalas nag-aayuno dahil nais naming mabigayan ng lugod ang Diyos ngunit hindi ginagawa ng iyong mga alagad. Bakit hindi nila ginagawa ito?"
\p
\v 15 Sumagot si Jesus, "Kapag kasama ng lalaki ang kaniyang mga kaibigan nang siya ay ikakasal, ang mga taong iyon ay hindi nagluksa, di ba? Hindi, dahil hindi sila malungkot sa panahong iyon. Ngunit nang kailangan na silang iwan ng ikinasal na lalaki, sila ay mag-aayuno na dahil sila ay malungkot.
\s5
\p
\v 16 Ang mga tao ay hindi nagtatahi ng tagpi ng tela na hindi pa naunat sa lumang damit para itakip sa isang butas. Kung gagawin nila ito, kapag lalabhan na nila ang damit, maaaring ang tagpi ay lumiliit at pupunitin ang damit, at ang butas ay lalong lalaki.
\s5
\p
\v 17 Ni walang sinuman ang magbubuhos ng sariwang katas ng ubas sa lumang lalagyang balat upang itabi ito. Kung may gumawa man ng ganoon, ang mga sisidlang balat na iyon ay mapupunit kapag ang katas ay naging alak na. Ang mga sisidlan ay masisira at ang alak ay matatapon sa lupa. Sa halip, ilalagay ng mga tao ang bagong alak sa bagong sisidlang balat at ang sisidlan ay mababanat kapag ang alak ay aasim na. Sa ganitong paraan, ang alak at mga lalagyan ay parehong ligtas."
\s5
\p
\v 18 Habang sinasabi ni Jesus ang mga iyon, isang pinuno ng lungsod ang dumating at nagpatirapa sa harapan niya. Pagkatapos sinabi niya, "Kamamatay lang ngayon ng aking anak na babae! Ngunit kung pupuntahan mo at ipapatong mo ang iyong kamay sa kaniya, mabubuhay siyang muli!"
\q
\v 19 Kaya tumayo si Jesus kasama ng kaniyang mga alagad at umalis kasama ng lalaki.
\s5
\p
\v 20-21 At lumapit kay Jesus ang isang babae na nakararanas ng tuloy-tuloy na pagdurugo sa loob ng labindalawang taon. Sinasabi niya sa kaniyang sarili, "Nais kong pagalingin ako ni Jesus nang walang sinumang makakaalam na ako ay mayroong suliranin ng pagdurugo. Kaya kung mahahawakan ko siya o kahit mahawakan ko lang ang kaniyang damit ay gagaling na ako nang walang sinumang nakakaalam tungkol dito." Kaya lumapit siya sa likuran niya at hinawakan ang laylayan ng kaniyang damit.
\p
\v 22 Noon din ay tumalikod si Jesus upang tingnan kung sino ang humawak sa kaniya. At nang makita niya ang babae, sinabi niya sa kaniya, "Palakasin mo ang iyong kalooban, minamahal na babae. Dahil sa naniniwala ka na mapagagaling kita kaya pinagaling kita." Ang babae ay gumaling sa pagkakataon ding iyon.
\s5
\p
\v 23 Dumating si Jesus sa bahay ng lalaki at nakita niya ang mga manunugtog ng plauta na tumutugtog ng musikang pangluksa; mayroon ding maraming nagdadalamhati na tumatangis ng malakas dahil patay na ang dalagita.
\p
\v 24 Sinabi niya sa kanila, "Lumayo kayo at ihinto ninyo ang musikang pangluksa at ang pagtatangis sapagkat hindi pa patay ang dalagita! Siya ay natutulog lamang!" Pinagtawanan siya ng mga tao sapagkat alam nila na siya ay patay na.
\s5
\p
\v 25 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila na lumabas sila ng bahay. Pagkatapos, pumasok siya sa silid kung saan nakahiga ang dalagita. Hinawakan niya ang kaniyang kamay at muli siyang nabuhay at bumangon.
\p
\v 26 At nabalitaan ng mga tao sa buong rehiyon ang tungkol dito.
\s5
\q
\v 27 Habang papaalis si Jesus mula doon, may dalawang bulag na lalaki ang sumunod sa kaniya at sumisigaw, "Mahabag ka sa amin at pagalingin mo kami, ikaw na Kaapu-apuhan ni Haring David!"
\p
\v 28 Pumunta si Jesus sa kaniyang sariling bahay at pumasok din ang mga bulag na lalaki. Sinabi ni Jesus sa kanila, "Naniniwala ba kayo na mapapagaling ko kayo?" Sinabi nila sa kaniya, "Opo Panginoon!"
\s5
\p
\v 29 At hinawakan niya ang kanilang mga mata at sinabi sa kanila, "Dahil kayo ay naniniwala na mapapagaling ko ang inyong mga mata, pinagagaling ko na ang mga ito ngayon din!"
\p
\v 30 At sila ay nakakita! Pagkatapos mahigpit na ipinagbilin ni Jesus na, "Tiyakin ninyo na hindi ninyo ipagsasabi kahit kanino ang ginawa ko sa inyo!"
\q
\v 31 Ngunit umalis sila at ikinalat ang balita sa buong rehiyon.
\s5
\p
\v 32 Pagkaalis lang ng dalawang lalaki, nagdala ang ilang mga tao kay Jesus ng lalaki na hindi makapagsalita dahil pinipigilan siya ng demonyo.
\p
\v 33 Pagkatapos palayasin ni Jesus ang demonyo, ang lalaki ay nag-umpisang magsalita! Namangha ang maraming tao na nakakita nito at sinabi nilang, "Wala pa kaming nakikitang ganitong kamangha-manghang pangyayari sa Israel!"
\p
\v 34 Ngunit sinabi ng mga Pariseo, "Si Satanas na namumuno sa mga demonyo ang nagbigay ng kakayahan sa taong ito upang makapagpalayas ng mga demonyo sa mga tao."
\s5
\p
\v 35 Pagkatapos pumunta si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa maraming lungsod at mga bayan sa distrito ng Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at ipinapangaral ang mabuting balita tungkol sa malapit ng paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang mga tao na may iba't ibang karamdaman at sakit.
\v 36 Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila dahil sila ay balisa at nangangamba. Para silang tupa na walang pastol.
\s5
\v 37 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: "Ang mga tao na nakahandang tanggapin ang aking mensahe ay maihahalintulad sa isang bukid kung saan handa nang anihin ang mga pananim. Ngunit kakaunti lang ang mga tao na pumunta upang tipunin ang mga ani.
\v 38 Kaya ipanalangin ninyo at hilingin sa Panginoong Diyos na magpadala nang mas marami pang mga tao upang tipunin ang kaniyang mga anihin."
\s5
\c 10
\p
\v 1 Sinabi ni Jesus sa kaniyang labindalawang alagad na lumapit sa kaniya. Binigyan niya sila ng kapangyarihan na magpalayas ng mga masasamang espiritu na sumasapi sa mga tao. Sila ay binigyan din niya ng kakayahan na magpagaling ng lahat ng uri ng sakit ng mga tao o ng mga may sakit sa lahat ng uri ng kapamaraanan.
\s5
\p
\v 2 Ito ang talaan ng pangalan ng labindalawang alagad na tinatawag niyang mga apostol. Sila ay sina Simon na binigyan niya ng bagong pangalan na Pedro; Andres na nakababatang kapatid ni Pedro; Santiago na anak ni Zebedeo; Juan na nakababatang kapatid ni Santiago;
\p
\v 3 Felipe; Bartolome; Tomas; Mateo na maniningil ng buwis; Santiago na anak ni Alfeo; Tadeo;
\p
\v 4 Simon ang Makabayan; at si Judas Escariote na kalaunan ay naging paraan ng mga pinuno ng mga Judio upang mahuli si Jesus.
\s5
\p
\v 5 Nang isugo na ni Jesus ang kaniyang labindalawang apostol upang ipahayag ang mabuting balita sa mga tao sa iba't ibang lugar, ibinigay niya sa kanila ang mga tagubilin na ito: "Huwag kayong pupunta kung saan nakatira ang mga hindi Judio o maging sa mga bayan kung saan naninirahan ang mga Samaritano.
\p
\v 6 Sa halip, puntahan ninyo ang mga mamamayan ng Israel. Tulad sila ng mga tupa na nawawala sa kanilang pastol.
\p
\v 7 Kapag pumunta kayo sa kanila, ipahayag ninyo sa kanila na malapit nang ipakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari.
\s5
\p
\v 8 Pagalingin ang mga taong may sakit, buhayin ang mga taong patay, pagalingin ang mga taong may ketong at ibalik sila sa lipunan, at palayasin ang mga demonyo sa kanilang mga sinapian. Huwag kayong maniningil ng anumang pera sa pagtulong ninyo sa mga tao sapagkat hindi kayo sinisingil ng Diyos sa pagtulong niya sa inyo.
\p
\v 9-10 Huwag kayong magdadala ng anumang pera, kahit na paglalagyan ng inyong mga dala. Huwag kayong magdadala ng dagdag na damit panloob, kahit sandalyas na dagdag sa inyong mga suot, o maging tungkod man. Ang bawat manggagawa ay karapat-dapat na mabigyan ng kabayaran mula sa mga tao na kaniyang pinagtatrabahuan, kaya karapat-dapat na kayo ay tumanggap ng pagkain at isang lugar upang matuluyan mula sa mga tao na inyong mapupuntahan.
\s5
\p
\v 11-12 Sa anumang bayan o nayon na inyong mapuntahan, humanap kayo ng isang tao na gustong manatili kayo sa kaniyang tahanan. Habang nandoon kayo sa bahay na iyon, ipanalangin ninyo sa Diyos na gawan niya ng mabuti ang mga tao na nakatira doon. Manatili kayo sa bahay na iyon hanggang kayo ay umalis sa bayan o nayon na iyon.
\p
\v 13 Kung tatanggapin kayo nang maayos ng mga tao na nakatira sa bahay na iyon, tiyak na mabuti din ang gagawin ng Diyos sa kanila. Ngunit kung hindi nila kayo tatanggapin nang maayos, ang inyong mga panalangin ay hindi makakatulong sa kanila at hindi din gagawa ang Diyos nang mabuti sa kanila.
\s5
\p
\v 14 Kung hindi kayo tatanggapin o hindi pakikinggan ang inyong mensahe ng mga tao na nakatira sa mga bahay o bayan, iwanan ninyo ang lugar na iyon. Pagpagin ninyo ang alikabok sa inyong mga paa sa inyong pag-alis. Sa paggawa ninyo niyan, binibigyan ninyo sila ng babala na sila ay hindi tatanggapin ng Diyos tulad ng hindi nila pagtanggap sa inyong mga sinabi.
\p
\v 15 Tandaan ninyo ito nang maigi: Sa panahong hahatulan na ng Diyos ang lahat ng tao, ang mga masasamang tao na nanirahan sa Sodoma at Gomora ay parurusahan niya. Ngunit kung tatanggihan kayo ng mga tao sa anumang lungsod, parurusahan sila ng Diyos nang mas matindi.
\s5
\p
\v 16 Tandaan ninyo: Kapag kayo ay isusugo ko, magiging katulad kayo ng isang walang kalaban-laban na tupa sa kalagitnaan ng mga tao na tulad ng mga mapanganib na lobo. At kailangan ninyong hindi makapanakit tulad ng mga kalapati. Dapat lagi kayong mapagbantay sa mga tao tulad ng pagbabantay ng ahas laban sa mga tao.
\p
\v 17 Gayon din, laging magbantay laban sa mga tao sapagkat kayo ay kanilang huhulihin at dadalhin sa mga kasapi ng kanilang namumunong konseho upang litisin. Parurusahan nila kayo dahil kayo ay aking mga alagad. Hahagupitin nila kayo sa kanilang mga sinagoga.
\p
\v 18 At dahil kayo ay nabibilang sa akin, dadalhin nila kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari, nang sa ganon ay lilitisin kayo at parurusahan. Ngunit kayo ay magpapatotoo tungkol sa akin sa mga namumunong ito at sa mga hindi Judio.
\s5
\p
\v 19 Kapag huhulihin kayo ng mga taong ito, huwag kayong mangamba tungkol sa inyong mga sasabihin sa kanila sapagkat sasabihin ng Banal na Espiritu ang mga salita na dapat ninyong sabihin sa oras ding iyon.
\p
\v 20 Hindi kayo ang magpapasya kung ano ang inyong sasabihin. Sa halip, sasabihin ninyo kung ano ang ipinapasabi sa inyo ng Espiritu ng inyong Ama na nasa Langit.
\s5
\p
\v 21 Dadalhin nila kayo sa mga may kapangyarihan upang mamatay dahil nananampalataya kayo sa akin. Halimbawa, gagawin ng mga tao ang ganitong bagay sa kanilang mga kapatid at gagawin ng ama ang ganitong bagay sa kanilang anak. Ang mga anak ay lalaban sa kanilang mga magulang at ipapatay nila sila.
\p
\v 22 Kamumuhian kayo ng maraming tao dahil naniniwala kayo sa akin. Ngunit sinuman na matapat na magtitiwala sa akin hanggang sa kanilang kamatayan, ililigtas ng Diyos ang mga taong iyon.
\p
\v 23 Kung parurusahan kayo ng mga tao sa isang lungsod, tumakas kayo sa ibang lungsod. Tandaan ninyo ito: Ako, na Anak ng Tao ay tiyak na babalik sa lupa bago ninyo matapos ang pagpapahayag tungkol sa akin sa bawat bayan nga buong Israel.
\s5
\p
\v 24 Ang isang alagad ay hindi dapat umasa na maging mas magaling siya kaysa sa kaniyang guro at ang mga lingkod na mas mataas sila sa kanilang amo.
\p
\v 25 Huwag ninyong asahan na pakikitunguhan ng mga tao ang isang mag-aaral nang mas mabuti kaysa sa kaniyang guro o pakitunguhan nila ang isang alipin nang mas mabuti kaysa sa kaniyang amo. Ganon din, dahil sa ako ang inyong guro at panginoon, asahan din ninyo na hindi din kayo pakikitunguhan ng mabuti dahil ako ay hindi nila pinakitunguhan ng mabuti. Ang pinaka-aasahan ninyo ay pakikitunguhan kayo ng mga tao tulad ng pakikitungo nila sa akin. Ako ay tulad ng pinuno ng isang sambahayan na tinatawag nilang Satanas. Kung nagsasagawa sila ng masama sa akin, ano pa ang iisipin ninyong pakitungo nila sa inyo?"
\s5
\p
\v 26 "Huwag kayong matakot sa mga taong iyon. Lahat ng hindi alam ng mga tao ay nais na ng Diyos na ipahayag ninyo ito ngayon. Ayaw niyang itago ninyo ang mga katotohanan tungkol sa kaniya ni manatili itong lihim.
\p
\v 27 Kaya sa halip na matakot, anumang sinabi ko sa inyo nang lihim tulad ng ginagawa ng mga tao tuwing gabi ay sabihin ninyo ng hayagan tulad ng ginagawa ng mga tao tuwing umaga. Anumang sinabi ko ng palihim tulad ng ginagawa ng mga tao kapag may ibinubulong sila sa inyo, ipahayag ito ng lantaran.
\s5
\p
\v 28 Huwag kayong matakot sa mga tao na may kakayahang pumatay ng katawan ngunit walang kakayahang patayin ang inyong kaluluwa. Sa halip, matakot sa Diyos sapagkat may kakayahan siyang patayin ang inyong katawan at kaluluwa sa impyerno.
\p
\v 29 Isipin ninyo ang tungkol sa mga maya. Napakaliit ng halaga nila na maaari ninyong bilhin kahit na dalawa nito sa isang kakaunting barya. Ngunit kapag ang isang maya ay nalaglag sa lupa at namatay, alam ng Diyos na inyong Ama na nasa langit ang tungkol dito sapagkat nalalaman niya ang lahat.
\p
\v 30 Alam din niya ang lahat ng tungkol sa inyo. Alam niya maging ang bilang ng inyong buhok sa ulo!
\p
\v 31 Mas higit na pinapahalagahan kayo ng Diyos kaysa sa pagpapahalaga niya sa mga maya. Kaya huwag ninyong katakutan ang mga tao na nagbabanta na papatayin kayo!
\s5
\p
\v 32 Kung ang mga tao ay kusang ipagsabi sa iba na sila ay nabibilang sa akin, akin din silang kikilalanin sa harapan ng aking Ama na nasa langit na sila ay nabibilang sa akin.
\p
\v 33 Ngunit kung natatakot sila na sabihin sa harapan ng iba na sila ay nabibilang sa akin, sasabihin ko din sa aking Ama na nasa langit, na sila ay hindi sa akin."
\s5
\p
\v 34 "Huwag ninyong isipin na pumarito ako sa lupa upang magdulot sa mga tao na mamuhay ng magkakasama sa kapayapaan. Dahil naparito ako, ang ilan sa mga susunod sa akin ay mamamatay.
\p
\v 35 Dahil naparito ako sa lupa, ang mga tao na hindi sumasampalataya sa akin ay sasalungat sa mga nanampalataya sa akin. Halimbawa, ang ilang anak na lalaki ay sasalungat sa kanilang mga ama, ang ilang anak na babae ay sasalungat sa kanilang mga ina, at ang ilang manugang na babae ay sasalungat sa kanilang mga biyenang babae.
\p
\v 36 Ipinapakita nito na kung minsan ang kaaway ng isang tao ay maaaring ang kasapi ng sarili niyang sambahayan.
\s5
\v 37 Ang mga tao na nagmamahal sa kanilang mga magulang nang higit sa pagmamahal nila sa akin ay hindi nararapat na mapabilang sa akin. Ang mga tao na nagmamahal sa kanilang mga anak nang higit sa pagmamahal nila sa akin ay hindi nararapat na mapabilang sa akin.
\p
\v 38 Kung hindi pa kayo handang mamatay dahil nabibilang kayo sa akin, kung ganoon hindi kayo nararapat na mapabilang sa akin.
\v 39 Ang mga tao na magtatanggi na sila ay nananampalataya sa akin upang sa gayon matakasan nila ang kamatayan ay hindi kailanman mamumuhay na kasama ang Diyos. Ngunit ang mga tao na nakahandang mawalan ng buhay dahil nagtitiwala sila sa akin ay mamumuhay na kasama ang Diyos magpakailanman."
\s5
\p
\v 40 Itinuturing ng Diyos na ang lahat ng tumatanggap sa inyo ay tatanggapin din ako, at itinuturing niya na ang lahat ng tumatanggap sa akin ay tatanggapin din siya na nagsugo sa akin.
\v 41 Ang mga tumanggap sa sinuman dahil alam nila na siya ay isang propeta--makatatanggap sila ng gantimpalang mula sa Diyos tulad ng matanggap ng isang propeta. Gayon din, ang mga tumanggap sa isang tao dahil alam nila na ang taong iyon ay matuwid--makatatanggap sila ng gantimpalang mula sa Diyos tulad matanggap ng isang matuwid.
\s5
\v 42 Tandaan ito: Ipagpalagay na nakita kayo ng mga tao na nauuhaw at binigyan nila kayo ng malamig na tubig na maiinom dahil alam nila na kayo ay mga alagad ko, kahit na hindi kayo isang taong mahalaga. Tiyak na gagantimpalaan ng Diyos ang mga tao na gagawa niyon sa inyo.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Matapos masabihan ni Jesus ang kaniyang mga alagad tungkol sa dapat nilang gawin, isinugo niya sila sa iba't ibang mga nayon ng mga Israelita. Pagkatapos, nagpunta siya upang magturo at mangaral sa iba pang mga nayon ng mga Israelita sa lugar na iyon.
\p
\v 2 Habang nasa bilangguan si Juan na Tagapagbautismo, narinig niya ang mga ginagawa ng Cristo. Kaya nagpadala siya ng ilan sa kaniyang mga alagad kay Jesus
\p
\v 3 upang tanungin siya, "Ikaw ba ang Cristo na sinabi ng mga propeta na darating o mayroon pang iba na aasahan namin na darating?"
\s5
\p
\v 4 Sinagot ni Jesus ang alagad ni Juan, "Bumalik ka at iulat mo kay Juan ang narinig mong sinasabi ko sa mga tao at ang nakita mong ginagawa ko.
\p
\v 5 Pinagagaling ko ang mga bulag upang makakitang muli at ang mga lumpo na makalakad. Pinagagaling ko ang mga taong may ketong. Pinagagaling ko ang mga bingi upang makarinig muli at binuhay muli ang mga patay. Sinasabi ko sa mga tao ang magandang balita ng Diyos.
\p
\v 6 Sabihin mo rin kay Juan na nalulugod ang Diyos sa mga taong hindi humihintong maniwala sa akin kahit ayaw nila ang aking ginagawa."
\s5
\p
\v 7 Nang makaalis na ang mga alagad ni Juan, nagsimulang kausapin ni Jesus ang napakaraming tao tungkol kay Juan. Sinabi niya sa kanila, "Kapag pumunta kayo sa ilang upang makita si Juan, ano ang inyong inaasahang makita? Hindi kayo pupunta roon para lamang makakita ng mataas na damo na hinihipan ng hangin, hindi nga ba?
\p
\v 8 Kung gayon, anong uri ng tao ang inaasahan ninyong makita? Siguradong hindi isang lalaking nakasuot ng mamahaling damit. Hindi! Alam na alam ninyo na ang mga taong nagsusuot ng damit na gaya niyan ay nakatira sa palasyo ng hari at hindi sa ilang.
\s5
\p
\v 9 Kung gayon, anong uri ng tao ang inyong inaasahang makita? Isang propeta? Oo, ngunit hayaan ninyong sabihin ko sa inyo ito: Hindi pangkaraniwang propeta si Juan.
\p
\v 10 Siya ang tinutukoy ng Diyos ng isinulat ng isang tao sa mga kasulatan at sinabi, 'Makinig kayo! Ipapadala ko ang aking mensahero na mauuna sa iyo upang ihanda ang mga tao sa iyong pagdating.'
\s5
\q
\v 11 Tandaan ninyo ito: Sa lahat ng mga taong nabuhay, hindi sila ibinilang ng Diyos na mas dakila kaysa kay Juan na Tagapagbautismo. At gayon din naman, ibinibilang ng Diyos ang lahat ng mga taong sasang-ayunan niyang pamunuan na higit na dakila kaysa kay Juan, kahit pa sila ay mababa sa mga taong kaniyang pinamumunuan.
\p
\v 12 Mula sa oras na nangaral si Juan na Tagapagbautismo hanggang sa ngayon, sinubukan na pilitin ng ibang mga tao ang Diyos na pamunuan sila sa paraang gusto nila, at sinubukan nilang pilitin ang Diyos na mamuno upang makinabang sila mula rito.
\s5
\p
\v 13 Lahat ng bagay na sinasabi ko tungkol kay Juan ay inyong mababasa sa mga isinulat ng mga propeta at kung ano ang sinasabi sa kautusan hanggang sa panahon ni Juan na Tagapagbautismo.
\p
\v 14 Hindi lamang ito, ngunit kung nais ninyong maunawaan ito, sasabihin ko sa inyo na sa totoo lamang, si Juan ay ang pangalawang Elias, ang propeta na darating sa hinaharap.
\p
\v 15 Kung gusto ninyo itong maunawaan, dapat ninyong pag-isipang mabuti ang tungkol sa aking mga sinabi.
\s5
\p
\v 16 Ngunit kayo at ang iba pang mga tao na nabubuhay ngayon, katulad kayo ng mga bata na naglalaro sa pamilihan. Ang ilan sa kanila ay tinatawag ang kanilang mga kaibigan,
\p
\v 17 'Tumugtog kami ng masasayang musika sa plauta para sa inyo, ngunit tumanggi kayong sumayaw! Kumanta kami ng mga awiting malulungkot para sa inyo, ngunit tumanggi kayong umiyak!'
\s5
\p
\v 18 Sinasabi ko ito dahil hindi kayo nasiyahan kay Juan at sa akin! Nang pumunta si Juan upang mangaral sa inyo, hindi siya kumain ng mga masasarap na pagkain at hindi uminom ng alak tulad ng ginagawa ng halos lahat ng mga tao. Ngunit siya ay inyong tinanggihan at sinabi, 'May demonyo na sumasapi sa kaniya!'
\p
\v 19 Ako na Anak ng Tao ay hindi ako katulad ni Juan. Kumakain ako ng parehong pagkain at umiinom katulad ng ginagawa ng ibang tao. Ngunit tinanggihan rin ninyo ako at sinabing, 'Tingnan ninyo! Ang taong ito ay kumakain ng sobra-sobrang pagkain at umiinom ng sobra-sobrang alak, at kaibigan niya ang mga maniningil ng buwis at mga makasalanan!' Ngunit sinumang tunay na marunong ay ipapakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng mga mabubuti."
\s5
\p
\v 20 Ang mga taong naninirahan sa mga nayon sa lugar na kinaroroonan ni Jesus, nakita nilang gumawa siya ng maraming himala. Ngunit hindi nila itinigil ang kanilang makasalanang pag-uugali. Kaya sinimulan silang sawayin ni Jesus sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na,
\p
\v 21 "Kayong mga taong nakatira sa lungsod ng Korazim at kayo na nasa lungsod ng Betsaida, labis kayong magdurusa! Gumawa ako ng mga dakilang himala sa inyong mga lungsod, ngunit hindi kayo tumigil sa pagkakasala. Kung ginawa ko ang mga bagay na ito sa mga lungsod ng Tiro at Sidon noong unang panahon, tiyak na tumigil ang mga makasalanang taong iyon sa pagkakasala; marahil magsusuot sila ng magagaspang na kasuotan at uupo sa mga malamig na abo mula sa kanilang mga apoy, naaawa ako sa nangyari sa kanila.
\p
\v 22 Hayaan ninyong sabihin ko ito sa inyo: parurusahan ng Diyos ang mga taong nanirahan sa mga lungsod ng Tiro at Sidon, ngunit mas matindi ang kaparuhasan niya sa inyo sa huling araw kapag hahatulan na niya ang lahat ng mga tao.
\s5
\p
\v 23 May sasabihin rin ako sa inyong mga naninirahan sa Capernaum. Sa tingin ba ninyo ay lubos kayong pupurihin ng iba dahil pupunta kayo sa langit? Hindi mangyayari iyan! Sa katunayan, kayo ay ibababa sa lugar kung saan pinarurusahan ng Diyos ang mga tao pagkatapos nilang mamatay! Kung ginawa ko ang parehong mga himala sa Sodoma noong unang panahon, tiyak na ititigil ng mga makasalanang taong iyon ang pagkakasala, at ang kanilang lungsod ay narito pa marahil sa mga araw na ito. Ngunit hindi kayo tumigil sa pagkakasala.
\p
\v 24 Sasabihin ko sa inyo ito: parurusahan ng Diyos ang mga masasamang taong nanirahan sa Sodoma, ngunit mas matindi ang kaparuhasan niya sa inyo sa huling araw kapag hahatulan na niya ang lahat ng mga tao."
\s5
\p
\v 25 Nang mga panahong iyon nanalangin si Jesus, "Ama, namumuno ka sa lahat ng mga bagay sa langit at lupa. Pinasasalamatan kita dahil pinigilan mo ang mga tao na isiping sila ay marurunong at may lubos na kaalaman upang malaman ang mga bagay na ito. Sa halip, inihayag mo ang mga ito sa mga taong tinatanggap ang iyong mga katotohanan tulad ng mga maliliit na bata na naniniwala sa mga sinasabi ng mga nakakatanda sa kanila.
\p
\v 26 Oo, Ama, ginawa mo ito dahil ito marahil ang mabuti para sa iyo na gawin."
\p
\v 27 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tao, "Inihayag ng Diyos na aking Ama ang lahat ng bagay upang magawa ko ang aking gawain. Tanging ang Ama ko lamang ang nakakaalam kung sino talaga ako. Bukod pa roon, ako lamang at ang mga taong nais kong ihayag ang Ama ang tunay na nakakakilala sa kaniya.
\s5
\p
\v 28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na mga taong lubhang napapagod sa pagsunod sa lahat ng batas na sinabi ng inyong mga pinuno na dapat ninyong gawin. Pagpapahingahin ko kayo mula sa lahat ng iyan.
\p
\v 29 Magpasakop kayo sa akin, tulad ng isang baka sa pamatok nito, at alamin ninyo kung ano ang aking ituturo sa inyo. Ako ay mahinahon at mapagpakumbaba, at kayo ay tunay na makapagpapahinga.
\p
\v 30 Sapagkat magaan ang pasanin na ibibigay ko at madali ninyo itong mabubuhat."
\s5
\c 12
\p
\v 1 Isang Araw ng Pamamahinga, napadaan si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa ilang triguhan. Dahil sa gutom na ang kaniyang mga alagad, nag-umpisa silang pumitas ng mga uhay ng trigo at kinakain ang mga ito, isang bagay na pinahihintulutan sa kautusan ni Moises.
\p
\v 2 Ilang mga Pariseo ang nakakita sa kanila na ginagawa iyan, kaya sinabi nila kay Jesus, "Tingnan mo! Ang iyong mga alagad ay nagtatrabaho sa araw ng ating pamamahinga. Hindi iyan pinahihintulutan ng kautusan!"
\s5
\q
\v 3 Ngunit sumagot si Jesus, "Nasusulat sa Kasulatan ang ginawa ng ating ninuno na si Haring David noong siya ay nagutom pati ang mga kalalakihan na kasama niya. Nabasa na ninyo ang tungkol diyan, ngunit hindi ninyo inisip kung ano ang ibig sabihin nito!
\p
\v 4 Si David ay pumasok sa Banal na Tolda na kung saan doon sila sumasamba sa Diyos at humingi ng ilang pagkain. Binigyan sila ng pinunong pari ng tinapay na nakahain sa harap ng Diyos. Ngunit ayon sa kautusan ni Moises, ang mga punong pari lamang ang pinahihintulutang kakain sa tinapay na iyon, ngunit si David at ang mga kalalakihan na kasama niya ay kumain nito. At hindi itinuring ng Diyos na ang kanilang ginawa ay mali!
\s5
\p
\v 5 Gayon din, tiyak na nabasa na ninyo ang isinulat ni Moises noong sinabi niya na kahit na ang mga pari, na nagtatrabaho sa templo sa Araw ng ating Pamamahinga ay hindi sumusunod sa kautusan ng pamamahinga sa araw ng mga Judio, sila ay hindi nagkakasala.
\p
\v 6 Hayaan ninyong sabihin ko sa inyo ang kahulugan nito: Ako ay dumating para sa inyo at ako ay mas mahalaga kaysa sa templo, kaya ang aking itinuturo ay mas mahalaga para sa inyo upang sundin ninyo kaysa sa sinabi ng ating mga ninuno tungkol sa Araw ng Pamamahinga.
\s5
\q
\v 7 Kailangan ninyong isipin ang mga salita ng Diyos sa Kasulatan: 'Nais kong maging mahabagin kayo sa mga tao at hindi lang sa pag-aalay ng mga handog.' Kung naiintindihan ninyo ang kahulugan nito, hindi ninyo hahatulan ang aking mga alagad na walang nagawang mali.
\q
\v 8 Ako ang Anak ng Tao, at mayroon akong kapangyarihan upang sabihin sa mga tao kung ano ang maaari nilang gawin sa Araw ng Pamamahinga."
\s5
\p
\v 9 At nang umalis si Jesus sa araw ding iyon, siya ay nagpunta sa isang sinagoga.
\p
\v 10 Nakakita siya doon ng isang lalaki na may paralisadong kamay. Patuloy na nagnanais makipagtalo kay Jesus ang mga Pariseo tungkol sa Araw ng Pamamahinga, kaya ang isa sa kanila ay nagtanong sa kaniya, "Pinahintulutan ba tayo ng Diyos na magpagaling ng mga tao sa araw ng ating pamamahinga?" Umaasa sila na si Jesus ay makagawa ng pagkakasala sa pamamagitan ng pagsasabi ng isang bagay na mali.
\s5
\p
\v 11 Sumagot siya sa kanila, "Kung sakali man na isa sa inyo ay mayroong isang tupa lamang, at nahulog ito sa isang malalim na butas sa Araw ng Pamamahinga. Iiwanan na lang ba ninyo ito doon? Tiyak na hindi! Kukunin ninyo ito at agad itong iaahon, at iyon ay tama rin sa araw ng ating pamamahinga!
\p
\v 12 Ngunit ang isang tao ay mas higit na mahalaga kaysa sa tupa. Kaya tiyak na nararapat na gumawa tayo ng mabuti sa pamamagitan ng pagpapagaling sa ibang tao anumang araw, kahit pa sa araw ng ating pamamahinga!"
\s5
\p
\v 13 Pagkatapos ay sinabi niya sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay!" Iniunat ng lalaki ang kaniyang paralisadong kamay at ito ay naging malusog katulad sa isa niyang kamay!
\p
\v 14 Pagkatapos, ang mga Pariseo ay umalis sa sinagoga. Nag-umpisa silang magplano nang magkakasama kung papaano nila mapapatay si Jesus.
\s5
\p
\v 15 Dahil alam ni Jesus na nagpaplano ang mga Pariseo upang siya ay patayin, isinama niya ang kaniyang mga alagad at umalis sila doon. Sumunod sa kaniya ang napakaraming bilang ng mga tao, kasama na din ang maraming may sakit at lahat sila ay pinagaling niya.
\p
\v 16 Ngunit mahigpit niyang sinabi sa kanila na huwag sasabihin sa ibang tao ang tungkol sa kaniya.
\p
\v 17 Dahil sa pagpapakumbaba niya, natupad ang isinulat ni propeta Isaias matagal nang panahon ang nakalipas. Sinulat niya,
\s5
\p
\v 18 "Ito ang aking lingkod na aking pinili, ang aking minamahal at nagpapalugod sa akin. Ilalagay ko ang aking Espiritu sa kaniya at siya ang magdadala ng katarungan at kaligtasan sa mga hindi Judio."
\s5
\p
\v 19 Hindi siya makikipag-away sa mga tao at hindi sisigaw. Hindi siya sisigaw sa mga lansangan.
\p
\v 20 Siya ay magiliw sa mga taong mahina. Kung ang isang tao ay malipit ng mamatay, hindi niya ito papatayin. At hahatulan niya ang mga tao nang may katarungan at ihahayag na sila ay walang pagkakasala.
\p
\v 21 Kaya ang mga hindi Judio ay magkakaroon ng lakas ng loob na magtiwala sa kaniya."
\s5
\p
\v 22 Isang araw, dinala ng ilang kalalakihan kay Jesus ang isang lalaking bulag at hindi makapagsalita dahil may demonyo sa kaniya. Pinalayas ni Jesus ang demonyo at pinagaling siya. At ang lalaki ay nag-umpisang magsalita at makakita.
\p
\v 23 Lahat ng taong nakakita nito ay namangha. Nagsimula silang magtanong sa isa't isa, "Maaari kayang ang taong ito ay ang Cristo, ang kaapu-apuhan ni Haring David na siyang ating inaasahan?"
\s5
\p
\v 24 Dahil narinig ng mga Pariseo ang tungkol sa himalang ito, sinabi nila, "Hindi ang Diyos kundi si Belzeebub, ang pinuno ng mga demonyo, ang nagbigay ng kakayahan sa taong ito upang magpalayas ng mga demonyo sa mga tao!"
\p
\v 25 Ngunit alam ni Jesus ang iniisip ng mga Pariseo. Kaya sinabi niya sa kanila, "Kung ang mga tao sa isang bansa ay nag aaway-away laban sa isa't isa, wawasakin nila ang kanilang bansa. Kung ang mga tao na nakatira sa iisang lungsod o bahay ay nakikipag-away sa isa't isa, tiyak na ang kanilang pamilya ay hindi mananatili bilang isang grupo o pamilya.
\s5
\p
\v 26 Gayun din naman, kung pinapalayas ni Satanas ang kaniyang sariling mga demonyo, nilalabanan niya ang kaniyang sarili. Hindi na niya maaaring ipagpatuloy ang pamumuno sa kaniyang mga lingkod!
\p
\v 27 Dagdag pa rito, kung totoo na si Satanas ang nagpapahintulot sa akin upang magpalayas ng mga demonyo, katotohanan din ba na ang iyong mga alagad ay nagpapalayas din sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Satanas? Hindi! Kaya ipapakita nila sa inyo na hindi kayo nag-iisip ng tama.
\s5
\q
\v 28 Ngunit dahil ang Espiritu ng Diyos ang nagbibigay sa akin ng kakayahan upang palayasin ang mga demonyo, pinapatunayan nito na sinisimulan na ng Diyos na ipakita ang kaniyang sarili bilang hari.
\p
\v 29 Ipapakita ko sa inyo kung bakit ako nakapagpapalayas ng demonyo. Ang isang tao ay hindi makakapasok sa bahay ng isang malakas na lalaki na katulad ni Satanas at kunin ang kaniyang mga pag-aari kung hindi niya muna itatali ang malakas na lalaki. Ngunit kung tatalian niya siya, ngayon maaari na niyang kunin ang kaniyang mga pag-aari.
\p
\v 30 Walang sinuman ang maaaring walang pinapanigan. Sumasalungat sa akin ang mga hindi kumikilala na ako ay nagpapalayas ng demonyo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at ang mga hindi nagtitipon ng mga tao upang maging alagad ko ang sanhi upang lumayo sa akin ang mga taong ito.
\s5
\p
\v 31 Sinasabi ninyo na hindi ang Banal na Espiritu ang nagbibigay sa akin ng kapangyarihan upang magpalayas ng mga demonyo. Kaya sasabihin ko ito sa inyo: Kung sinumang nagpapahiya at hahamak ng ibang tao sa anumang paraan pagkatapos sila ay hihingi ng kapatawaran sa Diyos, sila ay patatawarin ng Diyos. Ngunit hindi niya patatawarin ang mga tao na hahamak sa Banal na Espiritu.
\p
\v 32 Ang Diyos ay nakahandang patawarin ang mga tao na nanlalait sa akin na Anak ng Tao. Ngunit binabalaan ko kayo na hindi niya patatawarin iyong mga nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu. Hindi sila patatawarin ng Diyos ngayon o kahit sa darating na panahon.
\s5
\p
\v 33 Kapag nakakita kayo ng ilang bunga mula sa isang puno, kayo ang makapagpapasya kung ang bunga nito ay mabuti o masama. Kung ito ay mabuti, malalaman din ninyo na ang puno ay mabuti. Kung gumagawa ako ng mga mabubuting bagay, dapat alam ninyo kung ako ay mabuti o hindi.
\p
\v 34 Kayo ay katulad ng mga anak ng mga makamandag na ahas! Hindi kayo makapagsabi ng anumang bagay na mabuti sapagkat kayo ay masasama. Sa pamamagitan ng sinasabi ng isang tao ay nakikita kung ano ang nasa loob niya.
\p
\v 35 Ang mga mabubuting tao ay nagsasalita ng mga mabubuting bagay. Iyon ay dahil para silang nag-iipon ng lahat ng mabubuting bagay sa isang ligtas na lugar at maari nila itong ilabas anumang oras. Ngunit ang masasamang tao ay nagsasalita ng mga masasamang bagay. Iyon ay dahil para silang nag-iipon ng lahat ng masasamang bagay at inilalabas nila anumang oras mula sa lugar na kanilang pinag-imbakan.
\s5
\p
\v 36 Sinasabi ko sa inyo na sa araw na maghahatol ang Diyos, ipapaalala niya sa mga tao ang bawat salita na kanilang sinabi na nagdulot ng kapahamakan, at hahatulan niya ang mga tao ayon sa mga nasabi nila.
\p
\v 37 Ipapahayag ng Diyos na kayo ay matuwid ayon sa mga salita na inyong sinabi o di kaya hahatulan niya kayo ayon sa inyong mga nasabi.
\s5
\p
\v 38 At ilan sa mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan ng mga Judio ang tumugon kay Jesus, "Guro, nais naming magpakita ka ng isang himala upang maniwalas kami na sinugo ka ng Diyos."
\p
\v 39 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kayong mga tao, nakita na ninyo na ako ay gumawa ng mga himala, ngunit kayo ay masasama at hindi tapat na sumasamba sa Diyos! Nais ninyong patunayan ko na isinugo ako ng Diyos, ngunit ang Diyos ay magpapakita lang ng isang himala. Ito ay kagaya ng nangyari kay propeta Jonas.
\v 40 Si Jonas ay nasa tiyan ng isang malaking isda sa loob ng tatlong araw at gabi bago pinahintulutan ng Diyos na lumabas siya. Gayon din, sa loob ng tatlong araw at gabi, Ako na Anak ng Tao ay nasa ilalim ng lupa at pagkatapos bubuhayin akong muli ng Diyos.
\s5
\v 41 Kapag hahatulan ng Diyos ang bawat isa, ang mga taong nakatira sa lungsod ng Nineve ay tatayo sa harapan niya, sa tabi ninyong mga tao. Ngunit huminto sila sa kanilang pagkakasala noong binalaan sila ni Jonas. Ngayon ako ay naparito sa inyo, at ako ay hamak na mas mahalaga kaysa kay Jonas, ngunit hindi kayo huminto sa inyong pagkakasala. Kaya hahatulan kayo ng Diyos.
\s5
\v 42 Ang reyna mula Seba, sa timog ng Israel, na nabuhay matagal ng panahon ang nakalipas, ay naglakbay mula sa malayong rehiyon upang makinig kay Haring Solomon na nagtuturo ng maraming matatalinong mga bagay. Ngayon ako ay pumarito sa inyo, at ako ay lubos na mas mahalaga kaysa kay Solomon ngunit hindi kayo huminto sa pagkakasala. Kaya kapag hahatulan na ng Diyos ang bawat isa, ang reyna ng Seba ay tatayo sa kaniyang harapan sa tabi ninyong mga tao at hahatulan niya kayo."
\s5
\p
\v 43 Minsan kapag ang isang masamang espiritu ay aalis sa tao, ito ay maglilibot sa mga lugar na napabayaan, naghahanap ng isang tao na maaari niyang pagpahingahan. Kung hindi siya nakahanap ng sinuman,
\p
\v 44 sasabihin niya sa kaniyang sarili, 'Ako ay babalik sa tao na dati kong tinirahan.' Kaya siya ay babalik at nalaman niya na ang Espiritu ng Diyos ay walang kapamahalaan sa buhay ng taong iyon. Ang buhay ng tao ay katulad ng isang bahay na nilinisan at ang lahat ay nakalagay sa tamang kalalagyan, ngunit walang laman.
\v 45 Pagkatapos, ang masamang espiritung ito ay aalis at magsasama pa ng pitong mas masasamang espiritu at silang lahat ay papasok sa taong iyon at mag-uumpisang manirahan doon. Kaya kahit na masama na ang dating kalagayan ng taong iyon, lalo pa siyang magiging mas masama. Ganiyan ang mararanasan ninyong mga masasamang tao na nakarinig sa aking pagtuturo."
\s5
\p
\v 46 Habang nagsasalita pa si Jesus sa maraming tao, ang kaniyang ina at mga nakababatang kapatid na lalaki ay dumating. Nakatayo sila sa labas ng bahay at nais nila na siya ay kausapin.
\v 47 May isang tao na nagsabi sa kaniya, "Ang iyong ina at iyong mga nakababatang kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas ng bahay, at nais ka nilang makausap."
\s5
\p
\v 48 At sinabi ni Jesus sa taong nagsabi sa kaniya, "Sasabihin ko sa iyo kung sino talaga ang aking ina at aking mga kapatid."
\v 49 At itinuro niya ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Sila ang aking mga minamahal tulad ng pagmamahal ko sa aking ina at sa aking mga kapatid.
\p
\v 50 Ang mga gumagawa sa kagustuhan ng Diyos na aking Ama na nasa langit ay mahalaga sa akin tulad ng aking mga kapatid o aking ina."
\s5
\c 13
\p
\v 1 Sa araw ding iyon, iniwan ni Jesus kasama ng kaniyang mga alagad ang bahay kung saan siya nagtuturo at pumunta sa dalampasigan ng Dagat ng Galilea. Naupo siya doon,
\p
\v 2 at napakaraming bilang ng tao ang nagtipon sa palibot niya upang makinig sa kaniyang turo. Upang magkaroon ng kaunting puwang, nagtungo siya sa isang bangka at umupo para turuan sila. Tumayo ang maraming tao sa dalampasigan at nakinig sa kaniya.
\s5
\p
\v 3 Sila ay tinuruan niya sa pamamagitan ng maraming talinghaga. Sinabi niya, "Makinig kayo! Lumabas ang isang tao papunta sa bukid upang maghasik ng mga binhi.
\p
\v 4 Habang naghahasik siya ng mga binhi sa lupa, ang ibang mga binhi ay nahulog sa daan. Ngunit dumating ang ilang mga ibon at kinain ang mga binhi.
\p
\v 5 Ang ibang mga binhi naman ay nahulog sa lugar kung saan kakaunti lamang ang lupa sa ibabaw ng mga bato. Agad na sumibol ang mga binhi dahil mabilis na pinainit ng araw ang mababaw na lupa.
\p
\v 6 Ngunit nang sumibol ang mga bagong halaman, nainitan ng matindi ang mga ito dahil sa sikat ng araw, at natuyo ang mga ito dahil sa wala itong malalim na ugat.
\s5
\p
\v 7 Ang ibang mga binhi ay nahulog sa lupa na may mga matitinik na damo. Lumaki nang sabay ang matitinik na damo at ang mga bagong sibol na halaman hanggang sa tuluyang natabunan ng mga damo ang mga halaman.
\p
\v 8 Ngunit ang ibang mga binhi ay naihasik sa mabuting lupa. Lumaki ang mga halaman at namunga ng maraming butil. Ang ilan ay namunga ng tig-iisandaang beses ang dami ng binhi na naitanim. Ang ilang halaman ay namunga ng tig-animnapung beses ang dami at ang ilan naman ay namunga ng tig-tatlumpung beses ang dami.
\p
\v 9 Kung nais ninyong maintindihan ito, kinakailangan ninyong intindihin ng mabuti kung ano ang sinabi ko."
\s5
\p
\v 10 Mayamaya lumapit ang mga alagad kay Jesus at nagtanong sa kaniya, "Bakit ka gumagamit ng mga talinghaga kapag nakikipag-usap ka sa maraming tao?"
\p
\v 11 Sumagot siya, "Inihahayag ng Diyos sa inyo ang mga hindi pa niya inihayag noon kung papaano niya ipapakita ang kaniyang sarili bilang hari. Ngunit hindi pa niya inihayag ito sa ibang tao.
\p
\v 12 Sa mga nag-isip tungkol sa sinabi ko at umunawa nito, bibigyan pa sila ng Diyos ng kakayahan upang lalong makaunawa. Ngunit sa mga hindi nag-isip ng mabuti tungkol sa mga sinabi ko ay makakalimutan nila maging ang kanilang nalalaman.
\s5
\p
\v 13 Iyon ang dahilan kung bakit gumamit ako ng mga talinghaga kapag nakikipag-usap ako sa mga tao. Dahil kahit nakita nila ang mga ginawa ko, hindi nila naiintindihan kung ano ang kahulugan nito. At kahit na narinig nila ang mga sinabi ko, hindi naman nila tunay na natutunan kung ano ang kahulugan nito.
\p
\v 14 Ang ginawa ng mga taong ito ay tumupad ng husto sa sinabi ng Diyos na sabihin ni propeta Isaias noong unang panahon, Maririnig ninyo ang sinasabi ko, ngunit hindi ninyo ito maiintindihan. Makikita ninyo ang ginagawa ko, ngunit hindi ninyo matututunan ang kahulugan nito."
\s5
\p
\v 15 Sinabi din ng Diyos kay Isaias, Ang mga taong ito ay wala ng kakayahan upang tunay akong mapakinggan. Wala na rin silang kakayahan upang marinig ang aking sinasabi. Para bang mas nais nilang manatiling nakapikit na lang ang kanilang mga mata, na para bang hindi na nila nanaising makakita ng anuman, na para bang hindi na nila nanaising makarinig ng anuman. Ganito sila kaya hindi na nila iisipin na kailangan nilang tumigil sa pagkakasala. Ganito sila kaya hindi na nila iisiping kailangan nila ako upang iligtas sila.
\s5
\p
\v 16 Ngunit para sa inyo, nalugod ang Diyos sa inyo dahil nakita ninyo ang mga ginawa ko at dahil naintindihan ninyo ang mga sinabi ko.
\p
\v 17 Tandaan ito: maraming mga propeta at matutuwid na tao na nabuhay noong unang panahon ang nag-asam na makita ang inyong mga nakikita na aking ginawa ngunit hindi nila ito nakita. Sila ay nag-asam na marinig ang mga naririnig ninyong sinasabi ko ngunit hindi nila narinig kung ano ang inyong narinig na sinabi ko."
\s5
\p
\v 18 Ngayon makinig kayo sa pagpapaliwanag ko tungkol sa talinghaga na sinabi ko sa inyo.
\p
\v 19 Ang ibang mga tao ay nakarinig kung papaano sinisimulang pamunuan ng Diyos ang buhay ng mga tao ngunit hindi nila ito maunawaan. Sila ay tulad ng daan kung saan nahulog ang ilang mga binhi. Si Satanas, ang masama ay dumating at pinalilimut niya sa mga taong ito ang kanilang mga narinig.
\s5
\p
\v 20 Ang ibang mga tao ay nakarinig ng mensahe ng Diyos at agad itong tinanggap ng may kagalakan. Sila ay tulad ng mabatong lugar kung saan nahulog ang ilang binhi.
\p
\v 21 Ngunit dahil hindi tumagos sa kanilang mga puso, ito ay pinaniwalaan nila ng panandalian lamang. Katulad sila ng mga halamang may mababaw na ugat. Kapag pinakitunguhan sila ng masama at pinahirapan dahil naniwala sila sa mga sinabi ko sa kanila, nagkasala sila sa pamamaraang ayaw na nilang maniwala dito.
\s5
\p
\v 22 Ang ibang mga tao ay nakarinig ng mensahe ng Diyos, ngunit hinangad nila na maging mayaman kaya nababalisa sila tungkol sa pera lamang at kung ano ang mabibili nila sa pamamagitan ng pera. Ang kinahinatnan, nakalimutan nila ang mensahe ng Diyos at hindi nila ginagawa ang mga bagay na ninanais ng Diyos na gawin nila. Ang mga taong ito ay tulad ng lupa na may mga ugat ng matititnik na halaman.
\p
\v 23 Ngunit may ibang mga tao na nakarinig sa aking mensahe at naunawaan ito. Ang iba sa kanila ay gumawa ng maraming bagay na nakalulugod sa Diyos, ang iba ay gumawa ng mas maraming bagay na nakalulugod sa Diyos. At ang iba naman ay gumawa ng napakaraming bagay na nakalulugod sa Diyos. Sila ay tulad ng mabuting lupa kung saan nahulog ang ilang mga binhi.
\s5
\p
\v 24 Muling nagsabi si Jesus ng isang talinghaga sa maraming tao. Sinabi niya, "Kapag sisimulan na ng Diyos na ipakita ang kaniyang sarili bilang hari, ito ay magiging katulad ng isang may-ari ng lupa na nagpadala ng kaniyang mga tagapaglingkod upang maghasik ng mabuting binhi ng trigo sa kaniyang bukid.
\p
\v 25 Habang natutulog ang mga tagapaglingkod at hindi nagbabantay sa bukid, dumating ang isang kaaway ng may-ari ng lupa at naghasik din ng mga binhi ng damo sa kalagitnaan ng mga trigo saka umalis.
\p
\v 26 Nang sumibol na ang mga binhi at ang mga berdeng halaman ay lumaki, ang mga uhay ng butil ng trigo ay nagsimula nang mabuo. Ngunit tumubo din ang mga damo.
\s5
\q
\v 27 Kaya pumunta ang mga tagapaglingkod ng may-ari ng lupa at sinabi sa kaniya, 'Ginoo, binigyan mo kami ng mabuting binhi at iyon ang mga inihasik namin sa iyong bukirin. Kaya saan nanggaling ang mga damo?'
\p
\v 28 Sinabi ng may-ari ng lupa sa kanila, 'Ginawa ito ng aking kaaway.' Sinabi ng mga tagapaglingkod sa kaniya, 'Nais mo bang bunutin namin ang mga damo?'
\s5
\p
\v 29 Sabi niya sa kanila, 'Huwag ninyong gawin iyon, dahil baka mabunot din ninyo ang ilan sa mga trigo.
\p
\v 30 Hayaang lumaki ang trigo at ang mga damo nang sabay hanggang sa panahon ng pag-aani. At sa panahong iyon, sasabihin ko sa mga mag-aani na, 'Unahin ninyong tipunin ang mga damo at talian ito upang sunugin. Pagkatapos, tipunin ang trigo at ilagay sa aking kamalig.'"
\s5
\p
\v 31 Sinabi rin ni Jesus ang talinghagang ito: "Kapag sisimulan na ng Diyos na ipakita ang kaniyang sarili bilang hari, ito ay katulad ng mga binhi ng mustasa na tumubo pagkatapos itong itanim ng isang lalaki sa kaniyang bukid.
\p
\v 32 Bagaman pinakamaliit ang binhi ng mustasa sa lahat ng mga binhi na itinatanim ng mga tao, dito sa Israel ang mga ito ay nagiging isang malaking halaman. Kung ang halamang ito ay lubos na lumaki, mas malaki pa ito kaysa ibang halaman. Nagiging palumpong ang mga ito na kasinglaki ng isang kahoy at may sapat na laki upang mamugad ang mga ibon sa mga sanga nila."
\s5
\p
\v 33 Sinabi rin ni Jesus ang talinghagang ito: "Kapag sisimulan na ng Diyos na ipakita ang kaniyang sarili bilang hari, katulad ito ng isang babae na gumagawa ng tinapay. Siya ay kumuha ng nasa apatnapung kilo ng harina at inihalo sa kaunting lebadura, at ang tinapay ay umalsa."
\s5
\p
\v 34 Sinabi ni Jesus ang mga talinghaga upang ituro sa maraming tao ang mga bagay na ito. Nakahiligan niyang magkuwento ng katulad nito kapag nakikipag-usap siya sa kanila.
\v 35 Dahil sa paggawa niyang iyon, natupad niya ang sinabi ng Diyos na isinulat ng isa sa mga propeta noong unang panahon. Ako ay magsasalita sa pamamagitan ng mga talinghaga. Magsasabi ako ng mga talinghaga upang ituro ang mga iningatan kong lihim mula nang likhain ko ang mundo.
\s5
\p
\v 36 Pagkatapos pauwiin ni Jesus ang maraming tao, pumasok siya sa isang bahay. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Ipaliwanag mo sa amin ang tungkol sa talinghaga ng mga damo na lumaki sa bukirin ng trigo."
\p
\v 37 Sumagot siya, "Ang naghahasik ng mabuting binhi sa bukid ay kumakatawan sa akin na Anak ng Tao.
\p
\v 38 Ang bukid ay kumakatawan sa mundong ito kung saan naninirahan ang mga tao. Ang mga binhi na lumaki ng maayos ay kumakatawan sa mga tao na sumang-ayon na pamunuan ng Diyos. Ang mga damo ay kumakatawan sa mga tao na ginagawa kung ano ang nais na ipagawa sa kanila ng diyablo na ang Masama.
\v 39 Ang kaaway na naghasik ng mga binhi ng damo ay kumakatawan sa diyablo. Ang panahon ng pag-aani ng butil ay kumakatawan sa katapusan ng mundo. Ang mga mag-aani ay kumakatawan sa mga anghel.
\s5
\p
\v 40 Ang mga damo ay tinipon at sinunog. Inilalarawan nito ang mangyayari kapag hinatulan ng Diyos ang lahat ng tao sa katapusan ng mundo. Ito ay magiging tulad nito:
\v 41 Ako na Anak ng Tao ay magpapadala ng aking mga anghel at kanilang titipunin mula sa lahat ng tao na nasimulan ko ng pamunuan ang mga taong may sanhi na tumigil ang iba sa pananampalataya sa akin at gayon din sa lahat ng nagkasala sa anumang paraan.
\v 42 Itatapon ng mga anghel ang mga taong ito sa apoy ng impyerno. Iiyak ang mga taong ito doon at ang kanilang mga ngipin ay magngangalit dahil sa labis na sakit na kanilang nararanasan.
\v 43 Gayunman, ang liwanag ng Diyos ay magliliwanag sa mga tao na namuhay ayon sa kagustuhan niya. Ito ay magliliwanag sa kanila na kasing-liwanag ng araw na sumisikat. Ito ay magliliwanag sa kanila dahil pamumunuan sila ng Diyos na kanilang Ama. Kung ito ay nais ninyong maintindihan, kailangan ninyong intindihin ng mabuti kung ano ang sinabi ko."
\s5
\p
\v 44 Kapag naunawaan ng mga tao na ninanais ng Diyos na pamunuan sila, ito ay tulad ng isang tao na nakahanap ng napakahalagang kayamanan na ibinaon ng isang tao sa isang bukid. Nang hinukay ito ng tao, muli niya itong ibinaon upang sa gayon walang sinuman ang makahahanap nito. Pagkatapos, umalis siya at ibinenta ang lahat ng pagmamay-ari niya upang magkaroon ng pera para mabili ang bukid na iyon. Pumunta siya at binili niya ang bukid, kaya nagkaroon siya ng karapatan sa kayamanang iyon.
\p
\v 45 Gayon din, kapag pamumunuan na ng Diyos ang mga tao, ito ay tulad ng ginawa ng isang mangangalakal na naghahanap ng perlas na may magandang katangian upang bilhin.
\v 46 Noong nahanap niya ang isang napakamamahaling perlas na ibinibenta, ipinagbili niya ang lahat ng kaniyang pagmamay-ari upang magkaroon ng sapat na pera para mabili ang perlas na iyon. Pagkatapos, pumunta siya at binili ito.
\s5
\p
\v 47 Kapag ipapakita na ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari, ito ay katulad ng karaniwang ginagawa ng mga mangingisda sa mga isda na nahuhuli nila sa lawa sa pamamagitan ng isang malaking lambat. Nahuhuli nila ang lahat ng uri ng isda, ang mga napapakinabangan at ang mga walang pakinabang na isda.
\v 48 Kapag puno na ang lambat, hinihila ito ng mga mangingisda sa dalampasigan. Pagkatapos, uupo sila doon at inilalagay ang mga mabubuting isda sa mga balde ngunit itinatapon nila ang mga walang pakinabang.
\s5
\v 49 Ganito ang mangyayari sa mga tao sa katapusan ng mundo. Darating ang mga anghel sa kung saan hahatulan ng Diyos ang mga tao at ihihiwalay ang masasamang tao mula sa matutuwid na tao.
\v 50 Itatapon nila ang mga masasamang tao sa apoy ng impyerno. At iiyak ang mga masasamang tao at magngangalit ang kanilang mga ngipin dahil sa labis na sakit na kanilang nararanasan.
\s5
\p
\v 51 Pagkatapos, tinanong ni Jesus ang kaniyang mga alagad, "Naiintindihan ba ninyo ang lahat ng talinghagang sinabi ko sa inyo?" Sinabi nila sa kaniya,
\p
\v 52 "Oo, naiintindihan namin ang mga ito." At sinabi niya, "Dahil sa naintindihan ninyo ang lahat ng talinghagang ito, maiintindihan na din ninyo ang susunod na talinghaga. Kayo at ang ibang kasama ninyo ay magtuturo sa mga tao kung ano ang narinig ninyong sinabi ko tungkol sa kung papaano ninanais ng Diyos na pamunuan ang mga tao. Idadagdag ninyo iyan sa mga dati na ninyong natutunan. Kayo ay magiging katulad ng may-ari ng isang bahay na kumukuha ng bago at lumang mga bagay sa kaniyang silid-imbakan.
\p
\v 53 Nang matapos na ni Jesus na ilahad ang mga talinghagang ito, isinama na niya ang mga alagad at umalis na sa lugar na iyon.
\s5
\p
\v 54 Pagkatapos, nagpunta sila sa bayan ng Nazaret, ang bayan ni Jesus. Sa Araw ng Pamamahinga, nagsimula siyang magturo sa mga tao sa mga sinagoga. At ang kinahinatnan nito ay namangha ang mga tao doon. Ngunit ang ilan ay nagsabi, "Ang lalaking ito ay isa lamang ordinaryong tao na tulad natin! Kaya paano siya nagkaroon ng maraming kaalaman at maraming nauunawaan? At papaano siya nagkaroon ng kakayahan na gumawa ng mga himala?
\v 55 Anak lamang siyan ng karpintero, hindi ba? Ang kaniyang ina ay si Maria at ang kaniyang mga nakababatang kapatid na lalaki ay sina Santiago, Jose, Simon at Judas!
\p
\v 56 At ang mga kapatid niyang babae ay naninirahan din sa ating bayan? Kaya paano siya nagkaroon ng kakayahan na gawin ang mga himalang ito?"
\s5
\v 57 Tumanggi ang mga tao na tanggapin si Jesus bilang Cristo. Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, "Ako at ang ibang mga propeta ay pinararangalan ng mga tao saan man kami mapunta ngunit sa aming sariling mga bayan ay hindi kami pinararangalan at maging ang aming sariling pamilya ay hindi kami pinararangalan!"
\v 58 Hindi gumawa si Jesus ng maraming himala doon dahil hindi naniwala ang mga tao na siya ang Cristo.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Nang mga panahong iyon, narinig ng pinunong si Herodes Antipas ang balita tungkol sa paggawa ni Jesus ng mga himala.
\q
\v 2 Sinabi niya sa mga alagad niya, "Iyon ay si Juan na Tagapagbautismo. Nabuhay siya mula sa kamatayan at iyon ang dahilan kaya may kapangyarihan siyang gawin ang mga himalang ito."
\s5
\p
\v 3-4 Ito ang nangyari kaya inisip ito ni Herodes. Pinakasalan ni Herodes si Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe, kahit nabubuhay pa si Felipe. Kaya patuloy na sinasabi ni Juan sa kaniya, "Laban sa kautusan ng Diyos ang iyong ginagawa!" At para pasiyahin si Herodias, inutusan ni Herodes ang mga kawal niya na hulihin si Juan. Iginapos nila siya sa mga kadena at ikinulong.
\p
\v 5 Nais ni Herodes na utusan ang kaniyang mga kawal upang ipapatay si Juan, ngunit natatakot siya sa mga taong-bayan, dahil naniniwala silang si Juan ay isang propetang nagsasalita para sa Diyos.
\s5
\p
\v 6 Isang araw, nagdaos ng kasiyahan si Herodes upang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan, at sumayaw ang anak na babae ni Herodias para sa mga panauhin ni Herodes. Labis na nasiyahan si Herodes sa kaniyang pagsasayaw,
\q
\v 7 kaya nangako siya na ibibigay sa kaniya ang anumang hihilingin niya, at hiniling niya sa Diyos na maging saksi sa kaniyang ginawang pangako.
\s5
\p
\v 8 Kaya pumunta ang anak na babae ni Herodias sa kaniya at nagtanong kung ano ang kaniyang hihilingin. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina na hilingin ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo. Pagkatapos, bumalik ang kaniyang anak at sinabi kay Herodes, "Nais kong pugutan mo ng ulo si Juan na Tagapagbautismo at dalhin dito sa isang bandehado upang ipakita na patay na talaga siya!"
\p
\v 9 Labis na nalungkot ang hari ngayon dahil ipinangako niya na ibibigay sa anak na babae ni Herodias ang anumang hilingin niya. Ngunit dahil tumawag siya sa Diyos na pakinggan siya sa ipinangako niyang iyon, at dahil narinig ng lahat ng kaniyang panauhin na gagawin niya iyon, naramdaman niyang dapat niyang gawin ang sinabi niya. Kaya iniutos niya sa kaniyang mga lingkod na gawin ang nais ng dalaga.
\s5
\p
\v 10 Nagpadala siya ng mga kawal upang pumunta sa bilangguan at pugutan ng ulo si Juan.
\p
\v 11 Ginawa nila iyon at inilagay ang ulo ni Juan sa isang bandehado at dinala sa dalaga. At dinala ito ng dalaga sa kaniyang ina.
\p
\v 12 Pagkatapos noon, nagpunta ang mga alagad ni Juan sa kulungan at kinuha ang bangkay ni Juan at inilibing ito. Pagkatapos, nagpunta sila kay Jesus at sinabi ang nangyari.
\s5
\p
\v 13 Matapos marinig ni Jesus ang balitang iyon, tanging ang mga alagad lamang ang isinama niya at nagbangka sila sa Dagat ng Galilea patungo sa lugar na walang nakatira. Pagkatapos marinig ng maraming tao kung saan sila nagpunta, iniwan nila ang mga nayon nila at sumunod sa kanila na naglalakad sa dalampasigan.
\q
\v 14 Nang makarating sa dalampasigan si Jesus, nakita niya ang napakaraming tao na naghihintay sa kaniya. Naawa siya sa kanila, at pinagaling niya ang mga taong may sakit sa kanila.
\s5
\p
\v 15 Nang palapit na ang gabi, lumapit ang mga alagad kay Jesus at sinabi, "Ito ay isang lugar na walang nakatira at gabing-gabi na. Sabihin ninyo sa mga tao na umalis na upang makabili sila ng kanilang pagkain sa mga malapit na nayon."
\s5
\p
\v 16 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Hindi na nila kailangan pang umalis upang kumuha ng pagkain. Sa halip, kayo mismo ang magbibigay sa kanila ng makakain!"
\p
\v 17 Sinabi ng mga alagad, "Ngunit mayroon lamang kaming limang pirasong tinapay at dalawang lutong isda rito!"
\p
\v 18 Sinabi niya, "Dalhin ninyo ang mga iyan sa akin!"
\s5
\p
\v 19 Sinabihan ni Jesus ang napakaraming tao na nagkatipun-tipon na maupo sa damuhan. Pagkatapos, kinuha niya ang limang piraso ng tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit, ipinagpasalamat ang mga ito sa Diyos at saka pinagpira-piraso ang mga ito. Pagkatapos, ibinigay niya ang mga piraso sa mga alagad niya at ipinamahagi nila ito sa mga tao.
\q
\v 20 Lahat ng mga tao ay kumain hanggang sa nabusog sila. Pagkatapos, tinipon ng ilang mga tao ang sobrang piraso at nakapuno sila ng labindalawang basket.
\p
\v 21 May limanlibong kalalakihan ang kumain ng mga oras na iyon, hindi pa nabilang ang mga kababaihan at mga bata!
\s5
\p
\v 22 Pagkatapos mangyari iyon, sinabihan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na sumakay ng bangka upang tumawid sa kabilang bahagi ng Dagat ng Galilea. Samantala, pinauuwi niya ang napakaraming tao sa kani-kanilang mga tahanan.
\p
\v 23 Pagkatapos niyang pauwiin ang mga tao, umakyat siya sa bundok upang manalanging mag-isa. Nang sumapit na ang gabi, nag-iisa pa rin siya roon.
\p
\v 24 Sa mga oras na ito, malayo na ang mga alagad sa dalampasigan. Malakas ang pag-ihip ng hangin pasalungat sa pinaglalayagan ng mga alagad; nang dahil sa hangin nagkaroon ng mga napakalalaking alon na sumasalpok sa bangka pabalik-pabalik sa tubig.
\s5
\p
\v 25 Bumaba si Jesus mula sa mga burol papunta sa tubig. Mga bandang alas tres at alas sais ng umaga nang siya ay lumakad sa tubig patungo sa bangka.
\p
\v 26 Nang makita siya ng kaniyang mga alagad na naglalakad sa tubig, iniisip nilang multo siya. Labis silang natakot at sumigaw sila sa takot.
\q
\v 27 Kaagad sinabi ni Jesus sa kanila, "Magpakatatag kayo! Ako ito. Huwag kayong matakot!"
\s5
\p
\v 28 Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Panginoon, kung ikaw iyan, sabihin mo sa akin na lumakad sa tubig papunta sa iyo!"
\p
\v 29 Sinabi ni Jesus, "Halika!" Kaya bumaba si Pedro sa bangka. Lumakad siya sa tubig papunta kay Jesus.
\q
\v 30 Ngunit nang napansin ni Pedro ang malakas na hangin, natakot siya. Nagsimula siyang lumubog sa tubig at sumigaw, "Panginoon, sagipin mo ako!"
\s5
\p
\v 31 Kaagad na iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at inabot si Pedro. Sinabi niya sa kaniya, "Maliit lamang ang pagtitiwala mo sa aking kapangyarihan! Bakit ka nagdalawang-isip na kaya kitang iligtas mula sa paglubog?"
\q
\v 32 Pagkatapos, sumakay si Pedro at Jesus sa bangka at agad na tumigil ang hangin sa pag-ihip.
\p
\v 33 Yumukod ang lahat ng alagad na nasa bangka kay Jesus at sinabi, "Tunay nga na ikaw ang Anak ng Diyos!"
\s5
\q
\v 34 Nang sila ay nakarating sa palibot ng lawa sa pamamagitan ng bangka, narating nila ang dalampasigan sa bayan ng Genesaret.
\q
\v 35 Nakilala ng mga tao roon si Jesus, kaya nagpadala sila ng mga tao upang ipaalam sa mga taong naninirahan sa buong rehiyon na dumating na si Jesus. Kaya dinala ng mga tao kay Jesus ang lahat ng may sakit.
\p
\v 36 Nagpatuloy na nagmakaawa ang mga taong may sakit kay Jesus na payagan niya silang mahawakan siya o kahit ang dulo man lamang ng kaniyang kasuotan upang gumaling sila. Lahat ng humawak sa kaniya o sa kaniyang kasuotan ay gumaling.
\s5
\c 15
\p
\v 1 May mga ilang Pariseo at kalalakihan na nagtuturo ng mga kautusan ng mga Judio ang dumating mula sa Jerusalem upang kausapin si Jesus. Sinabi nila,
\p
\v 2 "Nakita namin na nilalabag ng iyong mga alagad ang mga tradisyon ng ating mga ninuno! Hindi nila isinasagawa ang angkop na rituwal ng paghuhugas ng kanilang mga kamay bago kumain!"
\q
\v 3 Sinagot sila ni Jesus, "At nakikita ko na tinatanggihan ninyong sumunod sa mga utos ng Diyos upang sa gayon masunod ninyo ang itinuro ng inyong mga ninuno!
\s5
\q
\v 4 Binigay ng Diyos ang dalawang utos na ito: 'Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina,' at 'Ang mga taong nagsasalita ng masama sa kanilang ama at ina ay kailangang mamatay.'
\q
\v 5 Ngunit sinabi ninyo sa mga tao, 'Maaari ninyong sabihin sa inyong ama o ina, "Ang tulong na ibibigay ko para sa inyong pangangailangan, ngayon ay ipinangako kong ibibigay ko sa Diyos."'
\q
\v 6 Kung ginawa ninyo iyon, iisipin ninyo na hindi na ninyo kailangang magbigay ng kahit anong bagay sa inyong mga magulang. Sa ganoong paraan, sinasantabi ninyo ang iniutos ng Diyos para masunod lamang ninyo ang itinuro ng inyong mga ninuno!
\s5
\q
\v 7 Nagpapanggap lamang kayo na kayo ay mabuti! Totoo rin ang sinabi tungkol sa inyo ni Isaias nang siya ay nagsalita tungkol sa mga inisip ng Diyos sa inyong mga ninuno.
\q
\v 8 'Nagsasalita ang mga taong ito na parang pinaparangalan nila ako, ngunit hindi nila ako pinapahalagahan,'
\q
\v 9 Ang pagsamba nila sa akin ay walang kabuluhan, dahil itinuturo nila sa mga tao ang mga katuruan na parang ako ang nag-utos nito."'
\s5
\q
\v 10 At muling pinalapit ni Jesus ang napakamaraming tao sa kaniya. At sinabi sa kanila, "Makinig kayo sa sasabihin ko at sikapin ninyong unawain ito.
\q
\v 11 Hindi ang kinakain ng tao ang dahilan upang hindi siya tanggapin ng Diyos. Sa halip, kung ano ang sinasabi ng mga tao --ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig--ang dahilan kung bakit hindi sila tatanggapin ng Diyos."
\s5
\p
\v 12 Pagkatapos, ang mga alagad ay pumunta kay Jesus at sinabi, "Alam ba ninyo na nagalit ang mga Pariseo nang narinig nila ang sinabi ninyo?"
\q
\v 13 At sinabi ni Jesus sa kanila ang talinghagang ito. "Tatanggalin ng aking Ama na nasa langit ang lahat ng mga nagtuturo ng mga bagay laban sa kaniyang mga sinasabi, katulad ng pagtanggal ng magsasaka ng mga halaman na hindi niya tinanim sa pamamagitan ng pagbubunot sa kanilang mga ugat.
\q
\v 14 Huwag ninyong pansinin ang mga Pariseo. Hindi nila tinutulungan ang mga tao upang maintindihan ang mga utos ng Diyos, katulad ng mga bulag na gabay na hindi niya natutulungan ang mga bulag na tao upang malaman kung saan siya dadaan. Sa halip, lahat sila ay mahuhulog sa iisang butas."
\s5
\q
\v 15 Sinabi ni Pedro kay Jesus, "Ipaliwanag ninyo sa amin ang talinghaga tungkol sa kung ano ang kinakain ng tao.
\q
\v 16 Sumagot si Jesus sa kanila, "Dapat naunawaan ninyo kung ano ang itinuro ko, ngunit hindi ako nasiyahan dahil hindi ninyo naunawaan.
\q
\v 17 Kailangan ninyong maunawaan na anumang kinakain ng tao ay pumapasok sa kanilang mga tiyan, at pagkatapos lumalabas sa kanilang mga katawan. Hindi ang kinakain ng tao ang dahilan upang sila ay hindi tanggapin ng Diyos.
\s5
\q
\v 18 Sa halip, ang mga masasamang salita na lumalabas sa bibig ang dahilan ng hindi pagtanggap ng Diyos sa tao, dahil nanggagaling ito sa mga masasamang iniisip ng tao mula sa kaibutaran ng kaniyang pagkatao.
\p
\v 19 Ito ay sa dahil sa kaibutaran ng pagkatao kaya nakakapag-isip siya ng mga masasama, na pumatay ng mga tao, na mangalunya, na makagawa ng ibang mga malalaswang kasalanan, na magnakaw, na magpatotoo ng kasinungalingan, at na makapagsalita ng masama tungkol sa iba.
\p
\v 20 Dahil sa mga ganitong gawain kaya itinuturing ng Diyos ang mga tao na hindi katanggap-tanggap sa kaniya. Ngunit ang hindi paghugas ng mga kamay bago kumain ay hindi dahilan upang hindi tanggapin ng Diyos ang mga tao."
\s5
\p
\v 21 Pagkatapos nang isinama ni Jesus ang mga alagad at nilisan ang pook ng Galilea, pumunta silang lahat sa rehiyon na kung saan matatagpuan ang lungsod ng Tiro at Sidon.
\p
\v 22 Isang babaeng mula sa grupong ito na tinatawag na mga Cananea na nakatira sa rehiyon na ito ang lumapit kay Jesus. Patuloy siyang sumisigaw sa kaniya, "Panginoon, ikaw ay ang kaapu-apuhan ni Haring David, ikaw ay ang Mesiyas! Maawa ka sa akin at sa aking anak na babae! Lubhang siyang nagdurusa dahil siya ay nasa kapangyarihan ng demonyo."
\p
\v 23 Ngunit hindi siya talaga sinagot ni Jesus. At sinabi ng mga alagad sa kaniya, "Paalisin ninyo siya sapagkat ginugulo niya tayo at sumisigaw na sumusunod sa atin."
\s5
\p
\v 24 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Sinugo ako ng Diyos para lamang sa mga tao ng Israel, dahil sila ay katulad ng mga tupang naliligaw sa kanilang daan. Hindi nila alam kung paano pumunta sa langit."
\p
\v 25 Ngunit lalo pang lumapit at lumuhod ang babae sa kaniyang harapan. Siya ay nagmakaawa, "Panginoon, tulungan mo ako!"
\q
\v 26 At sinabi sa kaniya, "Hindi tama sa isang tao na kunin ang pagkain na nakahanda para sa kaniyang mga anak at ibigay sa mga tuta sa tahanan."
\s5
\p
\v 27 Ngunit sumagot ang babae, "Panginoon, totoo ang sinasabi mo, ngunit kahit ang mga tuta ay kinakain ang mga tirang nahuhulog mula sa mesa ng kanilang amo kapag umuuposa kanilang mga mesa upang kumain!"
\q
\v 28 Pagkatapos sinabi ni Jesus sa kaniya, "Babae, dahil matatag ang iyong pananampalataya sa akin, pagagalingin ko ang iyong anak na babae ayon sa iyong ninanais!" Sa oras ding iyon, umalis ang demonyo sa kaniyang anak na babae at gumaling siya.
\s5
\p
\v 29 Pagkatapos, umalis si Jesus at ang kaniyang mga alagad mula sa lugar na iyon, na bumalik sa Dagat ng Galilea. Pagkatapos umakyat si Jesus sa burol malapit doon at umupo upang turuan ang mga tao.
\p
\v 30 Napakaraming tao ang patuloy na pumupunta sa kaniya sa loob ng dalawang araw at dinala ang mga pilay, mga lumpo, at mga bulag, mga hindi nakakapagsalita, at marami pang iba na may mga iba't ibang sakit. Inilagay sila sa harapan ni Jesus upang pagalingin niya. At pinagaling niya sila.
\p
\v 31 Nakita ng mga tao ang pagpapagaling niya sa mga tao na hindi makapagsalita, mga taong lumpo, mga taong pilay, at mga taong bulag, at sila ay namangha. Sinabi nila, "Purihin ang Diyos na namumuno sa atin sa Israel!"
\s5
\p
\v 32 At tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Ang napakaraming taong ito ay nananatili sa akin sa loob ng tatlong araw at walang makain. Naaawa ako sa kanila. Ayaw ko silang paalisin habang sila ay gutom, dahil pagginawa ko iyan, baka sila ay himatayin sa daan pauwi."
\p
\v 33 Sinabi ng mga alagad sa kaniya, "Sa lugar na ito na walang taong nakatira, hindi kami makakuha ng sapat na pagkain para mapakain ang ganitong napakaraming tao?"
\p
\v 34 Nagtanong si Jesus, "Ilang mga tinapay ang mayroon kayo?" Sumagot sila, "Mayroon kaming pitong tinapay at ilang lutong isda."
\q
\v 35 At sinabi ni Jesus sa mga tao na umupo sila sa lupa.
\s5
\v 36 Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda. Pagkatapos niyang magpasalamat ng mga ito sa Diyos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at patuloy niyang ibinibigay ang mga ito sa mga alagad. At patuloy na ipinamahagi ng mga alagad ang mga ito sa mga tao.
\p
\v 37-38 Dahil himalang nagawa ni Jesus na paramihin ang pagkain, nakakain ang mga tao at marami pa sa ikabubusog nila. Mayroong apat na libong mga lalaki ang kumain, ngunit walang nagbilang sa mga babae at mga bata na kumain. Pagkatapos, inipon ng mga alagad ang mga pira-pirasong pagkain na natira at nakaipon sila ng pitong malalaking mga basket na puno ng mga ito.
\v 39 Pagkatapos mapaalis ni Jesus ang mga tao, siya at ang kaniayng mga alagad ay sumakay sa bangka at naglayag sa paligid ng lawa sa rehiyon ng Magadan.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Lumapit kay Jesus ang ilang mga Pariseo at mga Saduseo at sinabi sa kaniya: "Ipakita mo sa amin na talagang ipinadala ka ng Diyos para sa amin! Gumawa ka ng isang himala sa langit at gamitin mo ang kaniyang kapangyarihan upang papaniwalain kami!"
\q
\v 2 Sinabi niya sa kanila, "Sa ating bansa, kapag mapula ang langit sa gabi, sinasabi natin 'Magiging maganda ang panahon bukas.'
\s5
\q
\v 3 Ngunit kapag mapula ang langit sa umaga sinasabi natin, 'Magiging mabagyo ang panahon ngayong araw.' Sa pagtitig sa langit, nasasabi ninyo ang magiging panahon, ngunit hindi ninyo nauunawaan kung ano ang ginagawa ng Diyos kapag nakita ninyo ang mga bagay na nangyayari ngayon sa inyong paligid.
\p
\v 4 Kayong masasamang tao, nakita ninyo akong gumawa ng mga himala, ngunit hindi ninyo sinasamba ang Diyos ng matapat. Kaya wala akong gagawing himala sa inyo, maliban ang himalang nangyari kay propeta Jonas, na nanatili ng tatlong araw sa loob ng malaking isda ngunit muling lumabas." Pagkatapos iniwan sila ni Jesus at naglayag kasama ang kaniyang mga alagad.
\s5
\p
\v 5 Naglayag silang lahat sa ibayo sa Dagat ng Galilea. At napagtanto ng mga alagad na nakalimutan nilang magdala ng anumang makakain.
\p
\v 6 Sa puntong iyon, sinabi ni Jesus sa kanila, "Mag-ingat na huwag tatanggapin ang lebadura na gustong ibigay sa inyo ng mga Pariseo at mga Saduseo.
\p
\v 7 Sinubukan nilang bigyan ng kahulugan kung ano ang sinabi sa kanila ni Jesus at sinabi nila sa isa't isa, "Marahil sinasabi niya iyon dahil nakalimutan natin na magdala ng anumang makakain!"
\p
\v 8 Ngunit alam ni Jesus kung ano ang kanilang sinasabi at sumagot siya, "Hindi ako nasiyahan na iniisip ninyo na dahil sa nakalimutan ninyong magdala ng tinapay kaya ko sinasabi ang tungkol sa lebadura ng mga Saduseo at mga Pariseo. Maliit lang ang inyong pananampalataya sa kung ano ang kaya kong gawin sa inyo.
\s5
\p
\v 9 Huwag ninyong isipin na nababahala ako tungkol sa pagkakaroon ng pagkain. Talaga bang nakalimutan ninyo kung paano ko napakain ang limang libo sa pamamagitan ng limang tinapay, o ilang basket ang naipon ninyo sa natirang pagkain?
\p
\v 10 O ang tungkol sa apat na libong taong kumain nang paramihin ko ang pitong tinapay? At kung ilang basket ng mga tira ang inyong naipon?
\s5
\p
\v 11 Dapat ninyong mabatid na hindi talaga tungkol sa tinapay ang sinasabi ko. Huwag kayong tumanggap ng lebadura mula sa mga Pariseo at mga Saduseo."
\q
\v 12 At nabatid ng mga alagad na hindi ang lebadurang nasa tinapay ang tinutukoy ni Jesus. Sa halip, sinasabi niya ang tungkol sa maling turo ng mga Pariseo at mga Saduseo.
\s5
\p
\v 13 Nang pumasok si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa rehiyong malapit sa lungsod ng Cesarea ng Filipos, tinanong sila ni Jesus, "Ano ang sinasabi ng mga tao kung sino talaga ako na Anak ng Tao?
\p
\v 14 Sumagot sila, "Sinasabi ng ilang mga tao na ikaw si Juan na Tagapagbautismo na muling nabuhay. Sinasabi naman ng ilan na ikaw si propeta Elias na bumalik mula sa langit gaya ng ipinangako ng Diyos. Sinasabi rin ng iba na ikaw si propeta Jeremias o isa sa mga propeta noong unang panahon at muling nabuhay."
\p
\v 15 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kayo naman? Sino ako sa inyo?"
\q
\v 16 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, "Ikaw ang Cristo! Ikaw ang Anak ng Diyos na makapangyarihan sa lahat."
\s5
\p
\v 17 At sinabi sa kaniya ni Jesus, "Simon, anak ni Jonas, nalugod sa iyo ang Diyos. Ang iyong sinabi--- walang tao ang naghayag nito sa iyo. Sa halip, ang aking Ama na nasa langit ang naghayag nito sa iyo.
\p
\v 18 Sasabihin ko rin ito sa iyo: Ikaw ay Pedro na nangangahulugang 'bato.' Ikaw ang magiging tagataguyod ng mga nananampalataya sa akin, tulad ng isang malaking bato na umaalalay sa malaking gusali. At maging ang kamatayan ay hindi magtatagumpay upang wasakin ito."
\s5
\q
\v 19 At sinabi niya, "Bibigyan kita ng kakayahan na magbukas at magsara ng daan para sa mga tao na pamumunuan ng Diyos. Anuman ang pahihintulutan mo sa lupa ay pahihintulutan din ng Diyos sa langit. Anuman ang ipagbabawal mo sa lupa ay ipagbabawal din ng Diyos sa langit."
\p
\v 20 At mahigpit na binalaan ni Jesus ang mga alagad na huwag nilang ipagsasabi sa sinuman sa panahong iyon na siya ang Cristo.
\s5
\p
\v 21 Mula sa panahong iyon nagsimulang turuan ni Jesus ang mga alagad na kinakailangan niyang pumunta sa lungsod ng Jerusalem. Doon siya pahihirapan at papatayin ng mga namamahalang nakakatanda, ng mga punong pari at ng mga lalaking nagtuturo ng mga batas ng mga Hudyo. At muli siyang mabubuhay sa ikatlong araw.
\q
\v 22 Ngunit si Jesus ay dinala ni Pedro sa isang tabi at sinimulan niyang pagsabihan. Sinabi niya, "Panginoon, huwag nawa itong pahintulutan ng Diyos na mangyari sa inyo! Hindi ito dapat mangyari!"
\p
\v 23 At tumingin si Jesus kay Pedro at sinabi sa kaniya, "Umalis ka sa aking harapan, sapagkat nagungusap sa iyo si Satanas. Sinusubukan mo akong magkasala. Hindi mo iniisip kung ano ang iniisip ng Diyos, ngunit kung ano lamang ang iniisip ng tao!"
\s5
\q
\v 24 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Kung sinuman sa inyo ang nagnanais na magtiwala sa akin at sumama sa akin saan man ako pumaroon, dapat niyang alisin ang kaniyang mga sariling naisin at layunin at dapat ninyong pasanin ang inyong sariling krus at sumunod saan ko man kayo dalhin.
\p
\v 25 Sinumang naghahangad na iligtas ang kaniyang sariling buhay, mapagtanto niya na sa halip na iligtas ang kaniyang buhay, mawawalan siya nito. Ngunit sinuman ang mawawalan ng buhay alang-alang sa akin ay masusumpungan niya ang kaniyang buhay.
\q
\v 26 Maaaring makuha ng mga tao ang lahat ng gusto nila sa mundong ito, ngunit kung hindi sila magiging alagad ko, wala silang mapapala at mawawala maging ang kanilang mga sariling buhay. Ano ang maaaring ibigay ng sinuman sa Diyos kapalit ang kanilang sariling buhay?
\s5
\q
\v 27 Makinig ng mabuti. Ako na Anak ng Tao ay lilisanin ang mundo, ngunit babalik ako at sasamahan ako ng mga anghel ng langit. Sa panahong iyon taglay ko ang maluwalhating liwanag ng aking Ama at gagantimpalaan ko ang lahat ayon sa kanilang ginawa nang sila ay nabubuhay pa sa mundong ito.
\p
\v 28 Makinig ng mabuti! Ang ilan sa inyo na narito ay makikita ako na manggagaling sa langit, sa aking pagbabalik bilang hari. Makikita ninyo ito bago kayo mamamatay!"
\s5
\c 17
\p
\v 1 Makaraan ang isang linggo matapos sabihin ni Jesus iyon, isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan nanakababatang kapatid ni Santiago at pinangunahan sila paakyat sa isang mataas na bundok kung saan malayo sila sa ibang mga tao.
\p
\v 2 Habang sila ay naroon, nakita ng tatlong alagad na nagbago ang anyo ni Jesus. Lumiwanag na katulad ng araw ang kaniyang mukha at nagliwanag ang kaniyang damit at nagningning gaya ng ilaw
\s5
\q
\v 3 Nang biglang nagpakita at nagsimulang makipag-usap sa kaniya si Moises at Elias na mga makabuluhang mga propeta noong maraming taon na ang lumipas.
\q
\v 4 Nakita sila ni Pedro at sinabi niya kay Jesus, "Panginoon, napakahusay para sa amin na narito kami! Kung nais mo, magtatayo ako ng tatlong tolda, isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias."
\s5
\p
\v 5 Habang nagsasalita si Pedro, isang maliwanag na ulap ang tumabing sa kanila. Narinig nila ang Diyos na nagsasalita tungkol kay Jesus mula sa ulap. Sinabi niya sa kanila, "Ito ang aking Anak. Minamahal ko siya. Labis akong nalulugod sa kaniya. Kaya dapat kayong makinig sa kaniya!"
\q
\v 6 Nang marinig ng tatlong alagad na nagsasalita ang Diyos, lubha silang natakot. Dahil dito, sila ay nagpatirapa.
\p
\v 7 Ngunit lumapit sa kanila si Jesus, hinawakan sila, at sinabi sa kanila, "Tumayo kayo! Huwag na kayong matakot pa!"
\p
\v 8 At nang tumingala sila, nakita nila na si Jesus na lamang ang naroon.
\s5
\p
\v 9 Habang naglalakad sila pababa sa bundok, pinagbilinan sila ni Jesus, "Huwag ninyong sabihin kanino man kung ano ang nakita ninyo sa taas ng bundok hanggang ako na Anak ng Tao ay bubuhayin muli ng Diyos pagkatapos kong mamatay."
\p
\v 10 Nagtanong kay Jesus ang tatlong alagad na iyon, "Kung totoo ang sinasabi mo, bakit sinasabi ng mga taong nagtuturo ng kautusang Judio na kinakailangang bumalik si Elias sa mundo bago dumating ang Mesiyas?"
\s5
\q
\v 11 Sinagot sila ni Jesus, "Totoong nangako ang Diyos na darating si Elias upang ihanda ang maraming tao sa pagdating ng Mesiyas.
\p
\v 12 Ngunit tandaan ninyo ito: Dumating na si Elias at nakita na siya ng ating mga pinuno, ngunit hindi nila nakilala na siya ang darating bago ang Mesiyas. Sa halip, siya ay pinagmalupitan nila kagaya ng ninanais nila. Pakikitunguhan ako na nagmula sa langit ng mga tagapamunong ito sa ganoon ding pamamaraan."
\q
\v 13 At naunawaan ng tatlong alagad na si Juan na Tagapagbautismo ang tinutukoy niya nang nagsasalita siya tungkol kay Elias,
\s5
\p
\v 14 Nang si Jesus at ang tatlong mga alagad ay bumalik na sa iba pang mga alagad at sa maraming tao na nagkakatipon, isang lalaki ang lumapit at lumuhod sa harapan ni Jesus.
\p
\v 15 Sinabi niya kay Jesus, "Ginoo, maawa kayo sa aking anak at pagalingin ninyo siya! Siya ay may Epilepsya at labis na nahihirapan. Dahil sa sakit niyang ito, maraming beses na bumabagsak siya sa apoy at sa tubig.
\p
\v 16 Dinala ko siya sa inyong mga alagad upang pagalingin siya ngunit hindi nila kayang pagalingin siya."
\s5
\p
\v 17 Tumugon si Jesus, "Kayong mga tao sa panahong ito na hindi talaga naniniwala sa kapangyarihan ng Diyos. Nalilito talaga kayo! Gaano katagal na kailangang manatili ako sa inyo bago ninyo makayang gawin ang mga ginagawa ko. Dalhin ninyo ang batang lalaki sa akin!"
\p
\v 18 Nang dinala nila ang bata kay Jesus, nagsalita si Jesus ng matindi sa demonyo na dahilan ng kaniyang epilepsya. Dahil dito lumabas sa bata ang demonyo at gumaling sa mga oras na iyon.
\s5
\p
\v 19 Hindi nagtagal, lumapit ang ilan sa mga alagad kay Jesus nang nag-iisa siya at tinanong, "Bakit hindi namin kayang palabasin ang demonyo?"
\q
\v 20-21 Sinagot niya sila, "Ito ay dahil sa hindi kayo lubos na naniwala sa kapangyarihan ng Diyos. Pag-isipan ninyo ang tungkol dito: Napakaliit ng buto ng mustasa, ngunit lumalaki ito at nagiging mga malaking halaman. Gayon din naman, kung maniniwala kayo ng kahit kaunti na gagawin ng Diyos ang hinihingi ninyo sa kaniya, kaya ninyong gawin ang anuman! Maaari ninyong sabihin kahit na sa bundok na ito, 'Lumipat ka mula rito papunta doon!' at pupunta ito kung saan mo sabihing pumunta."
\s5
\p
\v 22 Nang nagkatipon ang mga alagad sa pook ng Galilea, sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi magtatagal, may magpapasakamay sa Anak ng Tao sa mga may kapangyarihan.
\q
\v 23 Papatayin nila ako, ngunit bubuhayin akong muli ng Diyos sa ikatlong araw matapos na ako ay patayin." Nang marinig iyon ng mga alagad, labis silang nalungkot.
\s5
\p
\v 24 Nang dumating si Jesus at ang mga alagad sa lungsod ng Capernaum, lumapit kay Pedro ang maniningil ng buwis sa templo at sinabi sa kaniya, "Nagbabayad ng buwis sa templo ang iyong guro, di ba?"
\q
\v 25 Sumagot si Pedro, "Oo nagbabayad siya." Nang dumating kami sa bahay ni Jesus, bago makapagsalita si Pedro, sinabi ni Jesus sa kaniya, "Simon, sa palagay mo, mula kanino naniningil ng kita o buwis ang mga tagapamuno? Naniningil ba sila ng buwis mula sa mga mamamayan ng kanilang bansa o mula sa mga mamamayan ng mga bansa na kanilang sinakop?"
\s5
\q
\v 26 Sumagot si Pedro, "Mula sa mamamayan ng ibang mga bansa." Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kaya hindi na kailangang magbayad ng buwis ang mamamayan ng kanilang bansa?
\p
\v 27 Ngunit pumunta ka at magbayad ng buwis para sa atin upang hindi magalit sa atin ang naniningil ng buwis sa templo. Para makakuha ka ng pera upang bayaran ito, pumunta ka sa dagat ng Galilea, ihagis mo ang iyong lambat at pamingwit at kunin mo ang unang isda na iyong mahuhuli. Kapag binuksan mo ang bibig nito, may makikita ka na salaping pilak at iyon ay sapat upang ibayad sa buwis mo at sa akin. Kunin mo iyon at ibigay sa mga maniningil ng buwis sa templo."
\s5
\c 18
\p
\v 1 Sa ganap na oras na iyon, lumapit ang mga alagad kay Jesus at tinanong siya, "Sino sa amin ang magiging pinakamahalaga kapag ginawa ka nang hari ng Diyos?"
\q
\v 2 Tinawag ni Jesus ang isang bata at dinala siya ni Jesus sa kanilang kalagitnaan.
\p
\v 3 Sinabi niya, "Sasabihin ko sa inyo ang katotohanan: Kung hindi kayo magbabago ng pag-iisip ninyo at maging mapagpakumbaba na tulad ng maliit na mga bata, tiyak na hindi kayo pamumunuan ng Diyos.
\s5
\p
\v 4 Ang mga taong magiging mapagpakumbaba tulad ng batang ito ang magiging pinakamahalagang mga tao sa mga pamumunuan ko.
\p
\v 5 Gayon din, kapag tinanggap ng mga tao ang batang tulad nito dahil iniibig nila ako, ituturing ng Diyos na ako ang tinatanggap nila."
\p
\v 6 "Kung kayo ang magiging sanhi na ang isang taong naniniwala sa akin ay magkasala, kahit pa itinuturing siya ng mga tao na hindi mahalaga katulad ng batang ito, parurusahan kayo ng matindi ng Diyos. Parurusahan niya kayo ng matindi na parang itinapon kayo ng isang tao sa kailaliman ng dagat na may nakataling mabigat na bato sa inyong leeg!
\s5
\p
\v 7 Nakakatakot para sa mga nagiging sanhi na magkasala ang iba. Palaging may mga tukso sa pagkakasala, ngunit nakakatakot para sa sinuman na magiging sanhi sa ibang tao na magkasala.
\p
\v 8 Kaya kung ninanais ninyong gamitin ang isa sa mga kamay o paa ninyo sa pagkakasala, itigil na ninyo ang paggamit sa kamay o paa na iyan! Kung kailangan, putulin ninyo iyan upang hindi kayo magkasala! Ipagpalagay ninyong mayroon na lamang kayong isang kamay o paa ngunit manatiling namumuhay kasama ng Diyos magpakailanman, mas mabuti ito kaysa parehong mayroon ang inyong mga kamay at paa at itapon kayo ng Diyos sa walang hanggang apoy sa impyerno dahil sa inyong kasalanan.
\s5
\p
\v 9 Oo, at kung ang inyong nakikita ang nagiging sanhi ng inyong pagkakasala, huwag na ninyong tingnan ang mga bagay na iyon! Kung kailangan, dukutin ninyo ang isa sa inyong mga mata at itapon ito sa malayo upang maiwasan ang pagkakasala! Ipagpalagay ninyong mayroon na lamang kayong isang mata ngunit manatiling namumuhay kasama ng Diyos magpakailanman, mas mabuti ito kaysa parehong mayroon ang iyong mga mata ngunit itapon kayo ng Diyos sa walang hanggang apoy sa impyerno."
\s5
\p
\v 10 "Tiyakin ninyong hindi ninyo hahamakin kahit ang isa sa mga batang ito. Totoo itong sinasabi ko sa inyo na maaaring pumunta sa aking Ama ang mga anghel na nag-iingat sa kanila upang ibalita kung inyong pinagmalupitan ang mga bata.
\p
\v 11 (Sapagkat ang Anak ng Tao ay pumarito upang iligtas ang nawawala.)
\s5
\p
\v 12 Ano sa palagay ninyo ang gagawin ninyo sa sumusunod na kalagayan? Kung mayroon kayong isandaang tupa at nawala ang isa sa mga ito, tiyak na aalis kayo at iiwan ninyo ang siyamnapu't siyam na tupa na nasa tabi ng burol upang hanapin ang nawawalang isa, hindi nga ba?
\p
\v 13 Kung mahanap ninyo ito, tinitiyak ko sa inyo na labis kayong magagalak. Magsasaya kayo na hindi nawala ang siyamnapu't siyam, ngunit magagalak kayo ng higit pa dahil nahanap ninyo ang tupang nawala.
\p
\v 14 Katulad ng isang pastol na ayaw mawala ang isa sa kaniyang mga tupa, ayaw din ng Diyos na inyong Amang nasa langit na mapunta sa impyerno ang kahit isa sa mga batang ito."
\s5
\p
\v 15 "Kung magkasala laban sa inyo ang kapwa mananampalataya, puntahan ninyo siya kung maaari ninyo siyang makasamang mag-isa at pagsabihan ninyo siya dahil sa pagkakasala niya laban sa inyo. Kung makinig sa inyo ang taong iyon at nagsisi na nagkasala siya laban sa inyo, magiging mabuting magkapatid kayong muli.
\p
\v 16 At kung sakaling hindi makinig sa inyo ang taong iyon, magsama kayo ng isa o dalawa pang mananampalataya. Isama ninyo sila upang sa gayon, gaya ng sinasabi ng kautusan, 'dapat mayroong dalawa o tatlong mga saksi upang patunayan ang bawat paratang.'
\s5
\p
\v 17 Kung hindi makinig sa kanila ang taong nagkasala sa inyo, sabihin ninyo sa buong kongregasyon ang bagay na ito upang siya ay itama nila. At kung hindi makinig ang taong iyon sa kongregasyon, itiwalag ninyo siya sa inyo, gaya ng inyong pagtitiwalag sa mga pagano at mga maniningil ng buwis bilang mga makasalanang walang pag-asa.
\s5
\q
\v 18 Isa-isip ninyo ito: Anuman ang inyong pagpasyahan sa lupa tungkol sa pagpaparusa o sa hindi pagpaparusa sa isang kasapi ng inyong kongregasyon, ito rin ay ang napagpasyahan ng Diyos sa langit.
\p
\v 19 Isa-isip ninyo rin ito: Kung mayroon sa inyo kahit dalawa na nabubuhay dito sa lupa ang magkasamang sumang-ayon tungkol sa kahit anong hinihiling ninyo sa Diyos, Ang Diyos na aking Amang nasa langit ay ipagkakaloob ang inyong hinihiling.
\p
\v 20 Totoo ito, dahil saanman mayroong kahit dalawa o tatlo sa inyo na nagkatipon dahil naniniwala kayo sa akin, ako ay nasa inyo."
\s5
\p
\v 21 Pagkatapos, nilapitan ni Pedro si Jesus at sinabi sa kaniya, "Ilang beses ko dapat patawarin ang kapwa mananampalataya na patuloy sa pagkakasala sa akin? Kung patuloy niyang hihilingin sa akin na patawarin ko siya, dapat ko ba siyang patawarin ng hanggang sa pitong beses?"
\p
\v 22 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Sinasabi ko sa iyo na hindi lamang hanggang pitong beses mo dapat patawarin ang isang tao, ngunit dapat mo siyang patawarin ng pitumpu't pitong beses--walang katapusan kung ilang bases mo gawin ito.
\s5
\p
\v 23 Upang mailarawan kung bakit mo kailangang gawin ito, may sasabihin ako sa iyo na isang talinghaga. Sa talinghagang ito, ang Diyos ay katulad ng isang hari at mayroon siyang mga opisyal. Sinabihan ng hari ang ilan sa kaniyang mga lingkod na gusto niyang pagbayarin ang kaniyang mga opisyal sa kanilang mga utang.
\p
\v 24 Kaya nagpunta ang mga opisyal na iyon sa hari upang makipagsulit sa kanilang mga pagkakautang sa kaniya. Isa sa mga opisyal na dinala ay nagkakautang sa hari ng ilang milyong piso.
\p
\v 25 Ngunit dahil wala siyang sapat na pera upang bayaran ang kaniyang utang, ipinag-utos ng hari na ibenta siya sa iba, pati ang kaniyang asawa, kaniyang mga anak at maging ang lahat ng mayroon siya upang mabayaran ang hari sa pamamagitan ng perang pinambayad sa kanila.
\s5
\p
\v 26 At ang opisyal na iyon, alam niyang wala siyang sapat na pera upang mabayaran ang ganoong kalaking utang, lumuhod siya sa harapan ng hari at nagmakaawa sa kaniya, 'Pagtiyagaan mo muna ako, at hindi magtatagal mababayaran ko ang lahat sa iyo.'
\p
\v 27 Dahil alam ng hari na hindi kayang bayaran ng opisyal ang malaking utang, naawa siya sa kaniya. Kaya pinatawad niya ang mga utang ng opisyal at pinakawalan siya.
\s5
\p
\v 28 Pagkatapos, pinuntahan ng opisyal na iyon ang isa pang opisyal ng hari na nagkautang sa kaniya ng hindi gaanong bababa sa isang taong suweldo. Sinunggaban niya ito at hinawakan sa leeg at sinakal ito, at sinabi sa kaniya, 'Bayaran mo ang utang mo sa akin!'
\q
\v 29 Lumuhod ang opisyal na iyon at nagmakaawa sa kaniya na sinasabi, 'Pagtiyagaan mo muna ako at hindi magtatagal babayaran ko ang lahat sa iyo.'
\s5
\p
\v 30 Ngunit ang unang opisyal ay patuloy na tumanggi na patawarin ang maliit na utang na iyon ng lalaki sa kaniya. Sa halip, ipinakulong niya ang opisyal na iyon upang manatili roon hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng pera na nautang niya.
\p
\v 31 Nang malaman ng ibang mga opisyal ng hari na nangyari ito, sila ay lubhang nabalisa. Kaya nagpunta sila sa hari at isa-isang ibinalita ang nangyari.
\s5
\q
\v 32 At ipinatawag ng hari ang opisyal na may utang sa kaniya na ilang milyong piso. Sinabi niya sa kaniya, 'Ikaw na masamang lingkod! Pinatawad ko ang malaking utang mo sa akin dahil nagmakaawa ka na gawin ko iyon!
\q
\v 33 Dapat naging maawain ka rin at pinatawad ang utang ng iyong kapwa opisyal, katulad ng pagiging maawain ko sa iyo at pagpapatawad sa utang mo!'
\s5
\q
\v 34 Labis na nagalit ang hari. Ipinasakamay niya ang opisyal na ito sa ilang mga bantay ng bilangguan na silang magpapahirap sa kaniya ng matindi hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng utang niya."
\q
\v 35 At nagpatuloy si Jesus sa pagsasabi, "Iyan ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi kayo magiging maawain at taos-pusong magpapatawad sa isang kapwa mananampalataya na nagkasala sa inyo."
\s5
\c 19
\p
\v 1 Pagkatapos na sinabi iyon ni Jesus, dinala niya ang kaniyang mga alagad at umalis sa pook ng Galilea. Pumunta sila sa bahagi ng pook ng Judea na silangan ng ilog Jordan.
\q
\v 2 Maraming mga tao ang sumunod sa kaniya roon, at pinagaling niya ang may sakit sa kanila.
\s5
\q
\v 3 Ang ilan sa mga Pariseo ay lumapit sa kaniya at nagsabi sa kaniya, "Pinapayagan ba sa batas nating mga Judio ang lalaki na hiwalayan ang kaniyang asawa sa anumang kadahilanan?" Tinanong nila ito upang makipagtalo sa kaniya.
\p
\v 4 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Nabasa ninyo ang mga kasulatan, dapat alam ninyo na sa panahong iyon noong unang nilikha ng Diyos ang mga tao, 'Gumawa siya ng isang lalaki at gumawa din siya ng isang babae.'
\s5
\p
\v 5 Ito ang paliwanag kung bakit sinabi ng Diyos na, 'Kapag ang lalaki at babae ay mag-aasawa, hindi na sila dapat manirahan pa kasama ng kanilang mga ama at mga ina. Sa halip, silang dalawa ay kailangang mamuhay na magkasama, at sila ay magiging malapit na malapit na nagkakaisa na parang sila ay iisang tao na.'
\p
\v 6 Dahil dito, bagaman sila ay gumagalaw bilang dalawang magkahiwalay na tao noon, sila ngayon ay tulad sa iisang tao. Gayong ito ay totoo, ang lalaki ay hindi dapat hihiwalay sa kaniyang asawa kung saan sila ay pinagsama ng Diyos."
\s5
\p
\v 7 At sinabi ng mga Pariseo sa kaniya, "Kung iyan ay totoo, bakit iniutos ni Moises na ang lalaki na gustong hiwalayan ang kaniyang asawa ay kailangang magbigay sa kaniya ng papel na nakasaad doon ang kaniyang dahilan sa pakikipaghiwalay sa kaniya, at paalisin na siya?"
\p
\v 8 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ito ay sa kadahilanan ng katigasan ng inyong mga ninunong ginusto nila ang kanilang sariling mga kaparaanan kaya pinahintulutan sila ni Moises na hiwalayan ang kanilang mga asawa, at hindi kayo naiiba sa kanila. Ngunit noong una na ginawa ng Diyos ang lalaki at ang babae, hindi binalak ng Diyos na maghiwalay sila sa isa't isa.
\p
\v 9 Mariin kong sinasabi sa inyo na itinuturing ng Diyos na ang sinumang lalaki na hihiwalay sa kaniyang asawa at mag-aasawa ng ibang babae ay nakagagawa ng pangangalunya."
\s5
\p
\v 10 Sinabi ng mga alagad sa kaniya, "Kung iyan ay totoo, mas mabuti kung hindi na mag-aasawa ang mga lalaki!"
\p
\v 11 Sumagot siya, "Hindi lahat ng tao ay kayang tanggapin ang katuruang ito, ngunit ang mga tao lamang na binibigyan ng Diyos ng kakayahang tanggapin ito.
\p
\v 12 May mga lalaki na hindi nag-aasawa dahil ang kanilang nakatagong mga bahagi ay may kapansanan na mula noong sila ay pinanganak. Mayroon din namang ibang mga lalaki na hindi nag-aasawa dahil sila ay nakapon na. At ang iba ring mga lalaki ay nagpasya na hindi mag-aasawa upang mapaglingkurang mabuti ang Diyos habang siya ay namumuno sa kanila. Kayo na nakakaunawa sa nasabi ko tungkol sa pag-aasawa kinakailangang tanggapin at sundin ito."
\s5
\p
\v 13 Pagkatapos nito ay may maliliit na mga bata na dinala kay Jesus upang maipatong ang kaniyang mga kamay sa kanila at ipanalangin sila. Ngunit pinagalitan ng mga alagad ang mga tao sa paggawa nito.
\p
\v 14 Nang makita kami ni Jesus na pinagalitan sila, sinabi niya sa amin, "Hayaang pumunta sa akin ang mga bata at huwag silang pigilan! Ang mga tao na mapagpakumbaba at naniniwala tulad nila, ang sinang-ayunan ng Diyos na pamamahalaan niya."
\p
\v 15 At ipinatong ni Jesus ang kaniyang mga kamay sa mga bata at hiniling sa Diyos na pagpalain sila. At pagkatapos ay iniwan niya ang lugar na iyon.
\s5
\p
\v 16 Habang si Jesus ay naglalakad, isang binatang lalaki ang lumapit sa kaniya at nagsabi sa kaniya, "Guro, anong mabubuting gawa ang kailangan kong gawin upang mamuhay kasama ang Diyos nang magpakailanman?"
\p
\v 17 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bakit tinatanong mo sa akin ang tungkol sa kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti at tanging nakakaalam kung ano ang mabuti. Iyon ay ang Diyos. Ngunit upang sagutin ang inyong mga tanong patungkol sa pagnanais na mamuhay kasama ang Diyos nang magpakailanman, sasabihin ko sayo na tuparin mo ang mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises."
\s5
\p
\v 18 Tinanong ng lalaki si Jesus, "Alin sa mga kautusan ang kailangan kong tuparin?" Sumagot si Jesus sa kaniya, "Huwag pumatay ng sinuman, huwag mangangalunya, huwag magnakaw ng mga bagay, huwag kang magpatotoo ng may kasinungalingan,
\p
\v 19 igalang mo ang iyong ama at ina, at ibigin mo ang mga tao na makikilala mo katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili."
\s5
\p
\v 20 Sinabi ng binatang lalaki kay Jesus, "Lagi kong sinusunod ang lahat ng mga kautusang iyon. Ano pa ang kailangan kong gawin upang ako ay makapamuhay kasama ang Diyos nang magpakailanman?"
\p
\v 21 Sinabi ni Jesus sa Kaniya, "Kung ninanais mong ganap talaga sa kagustuhan ng Diyos sa iyo, umuwi ka, ipagbili ang lahat ng pag-aari mo, at ibigay ang pera sa mahihirap na mga tao. Ang magiging kahinatnan ay magiging mayaman ka sa langit. At halika, sumunod ka sa akin, at maging alagad ko!"
\p
\v 22 Nang mapakinggan ng binatang lalaki ang mga salitang iyon, umalis siyang malungko, dahil sa napakayaman niya at ayaw niyang ipamigay ang lahat ng pag-aari niya.
\s5
\p
\v 23 At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Panatilihin ito sa inyong kaisipan: Napakahirap talaga sa mayayamang mga tao upang sumang-ayon at hayaang mamahala ang Diyos sa kanilang mga buhay.
\p
\v 24 Tandaan din ito: Mahirap sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng karayom. Mas lalong napakahirap sa mayayamang mga tao ang sumang-ayon na ang Diyos ang mamamahala sa kanilang mga buhay."
\s5
\q
\v 25 Namangha ang mga alagad nang mapakinggan nila ito. Inisip nila na ang mga mayayamang tao ang pinagpala ng Diyos nang labis. Kaya sinabi nila kay Jesus, "Kung iyan ay totoo, tila walang isa man ang maliligtas!"
\p
\v 26 Mataimtim na tinitigan sila ni Jesus at nagsabi, "Oo, hindi maaaring iligtas ng tao ang kanilang sarili. Ngunit kaya silang iligtas ng Diyos, dahil kayang gawin ng Diyos ang anumang bagay!"
\p
\v 27 Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Alam mo na iniwanan namin ang lahat at kami ay naging mga alagad mo upang makasunod sa iyo. Ano ngayon ang pakinabang na mapapala namin sa paggawa noon?"
\s5
\p
\v 28 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Panatilihin ninyo ito sa inyong isipan: Makakakuha kayo ng maraming mga pakinabang. Kung gagawin na ng Diyos ang bagong daigdig at kung Ako na Anak ng Tao ay uupo sa aking kahanga-hangang trono, bawat isa sa inyo na sumasama sa akin ay uupo sa isang trono, at huhukuman ninyo ang lahat ng mga tao sa labindalawang mga tribu ng Israel.
\s5
\p
\v 29 Gagantimpalaan ng Diyos ang mga nag-iwan ng bahay o bahagi ng lupa, kanilang mga kapatid na lalaki at babae, kanilang mga ama at ina, kanilang mga anak o iba pang mga kasapi sa pamilya dahil sila ay mga alagad ko. Bibigyan sila ng Diyos ng isang daang beses at higit na maraming pakinabang kaysa kanilang iniwanan. At sila ay mamumuhay kasama ang Diyos magpakailanman.
\p
\v 30 Ngunit maraming mahalagang tao ngayon sa buhay na ito ay magiging hindi mahalaga sa darating na panahon, at maraming hindi mahalagang mga tao ngayon ay magiging mahalaga sa darating na panahon."
\s5
\c 20
\p
\v 1 Upang mailarawan kung paano gantimpalaan ng Diyos ang mga tao, ihahalintulad ko ang kaparaanan ng Diyos kung paano siya mamamahala sa kaniyang mga tao tulad ng ginawa ng isang nagmamay-ari ng isang lupain. Maagang-maaga pumunta ang may-ari ng lupain sa pamilihan kung saan ang mga gustong magtrabaho ay nagkakatipun-tipon. Pumunta siya roon upang umupa ng mga manggagawa na magtatrabaho sa kaniyang ubasan.
\p
\v 2 Nangako siya sa mga taong kaniyang inupahan na magbabayad siya sa kanila ng batayang sahod sa isang araw na trabaho. At pinapunta niya sila sa kaniyang mga ubasan.
\s5
\p
\v 3 Nang mag-aalas nuwebe ng umaga ring iyon, bumalik siya sa pamilihan. At doon nakakita siya ng iba pang mga taong walang trabaho.
\p
\v 4 Sinabi niya sa kanila, 'Pumunta kayo sa aking ubasan tulad sa ginawa ng iba at magtrabaho roon. Babayaran ko kayo kung ano ang nararapat na sahod.' Kaya sila rin ay nagpunta at nagsimulang magtrabaho.
\s5
\p
\v 5 Nang mag-aalas dose ng tanghali at mag-aalas tresng hapon, muli siyang pumunta sa pamilihan at nakatagpo ng iba pang mga manggagawa at nangako siyang magbabayad ng makatarungang sahod.
\p
\v 6 Minsan pa muli siyang pumunta sa pamilihan nang mag-aalas singko ng hapon at nakakita siya ng iba pang mga kalalakihan na nakatayo roon na hindi nagtatrabaho. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit buong maghapon kayo nandito at hindi nagtatrabaho?'
\p
\v 7 Sinabi nila sa kaniya, 'Dahil walang sinumang umupa sa amin.' Sinabi niya sa kanila, 'Uupahan ko kayo. Kayo din ay pumunta sa aking ubasan katulad ng ginawa ng ibang kalalakihan, at magtrabaho doon.' At pumunta sila.
\s5
\p
\v 8 Nang sumapit ang gabi, ang may-ari ng ubasan ay nagsabi sa kaniyang tagapamahala, 'Sabihin mo sa mga kalalakihang pumunta sila dito upang maibigay mo sa kanila ang mga sahod nila. Unahin mong bayaran ang mga kalalakihan na huling nagsimulang nagtrabaho, at huli mong bayaran ang mga unang nagsimulang magtrabaho.'
\p
\v 9 Binayaran ng tagapamahala ng batayang sahod sa isang araw ang bawat isa sa mga lalaking nagsimula lamang magtrabaho nang mag-aalas singko nang hapon.
\p
\v 10 Nang ang mga kalalakihan na nagsimulang magtrabaho ng umagang-umaga ay pumunta upang kunin ang kanilang mga sahod, iniisip nila na tatanggap sila nang higit sa batayang sahod. Ngunit sila rin ay tumanggap ng batayang sahod.
\s5
\p
\v 11 Kaya sila ay dumaing sa may-ari ng ubasan dahil iniisip nila na ang kanilang bayad ay hindi patas.
\p
\v 12 Sinabi nila sa kaniya, 'Hindi ka patas! Ang mga kalalakihang nagsimulang magtrabaho pagkatapos naming lahat ay nagtrabaho ng isang oras lamang at binayaran mo ng kapareho ring sahod sa ibinayad mo sa amin! Ngunit higit kaming nagpagal sa buong araw. Nagtrabaho kami maging sa kainitang bahagi ng araw!'
\s5
\p
\v 13 Sinabi ng may-ari ng ubasan sa isa sa mga dumaing, 'Kaibigan, hindi ko kayo pinakitunguhan nang hindi patas. Nakipagkasundo kayo sa akin na magtrabaho nang buong araw ayon sa batayang sahod sa isang araw.
\p
\v 14 Itigil ang pagdadaing sa akin! Kunin mo ang iyong sahod at umalis ka na! Kagustuhan ko na magbigay ng sahod katulad sa ibinigay ko sa inyo sa kanila na nagsimulang magtrabaho pagkatapos na kayong lahat ay nagsimula nang magtrabaho.
\s5
\p
\v 15 Tiyak na may karapatan akong gastusin ang aking pera ayon sa nais ko, hindi ba? Hindi mo dapat kinaiinggitan ang pagiging mapagbigay ko!
\p
\v 16 At si Jesus ay nagsabi sa amin, "Gayon din, gagamtimpalaan ng Diyos nang mabuti ang ilan sa mga taong tila hindi gaanong mahalaga ngayon, at hindi niya gagantimpalaan ang ilan sa mga taong tila mahalaga ngayon."
\s5
\p
\v 17 Nang si Jesus ay naglalakad sa daan patungong Jerusalem kasama ang kaniyang labindalawang alagad, dinala niya sila sa lugar na sila lang upang makausap sila nang sarilinan.
\p
\v 18 At sinabi niya sa kanila, "Makinig nang mabuti! Tayo ngayon ay tutungo sa Jerusalem. Habang tayo ay naroon, isang tao ang magiging dahilan upang hulihin ako na Anak ng Tao ng mga punong pari at ng mga kalalakihan na nagtuturo ng mga kautusan ng mga Judio at lilitisin nila ako. Hahatulan nila ako at sasabihin na kailangang mamatay ako.
\p
\v 19 At ibibigay nila ako sa mga kamay ng mga hindi Judio upang kutyain nila ako, hagupitin ako, at papatayin nila ako sa pamamagitan ng pagpako sa krus. Ngunit sa ikatatlong araw pagkatapos nito, muli akong bubuhayin ng Diyos."
\s5
\p
\v 20 At dinala ng ina ang kaniniyang dalawang anak na sina Santiago at Juan, na mga anak ni Zebedeo, kay Jesus. Yumukod siya sa harapan ni Jesus at humiling sa kaniya na bigyan siya ng pabor.
\p
\v 21 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ano ang gusto mong gawin ko sayo?" Sinabi niya sa kaniya, "Pahintulutan mong maupo ang dalawang mga anak kong ito sa pinakamarangal na lugar kapag ikaw ay naging hari na, ang isa ay sa dako ng iyong kanang kamay at isa naman ay sa dakong kaliwa mo."
\s5
\p
\v 22 Sinabi ni Jesus sa kaniya at sa kaniyang mga anak, "Hindi ninyo naiintindihan kung ano ang inyong hinihiling. Kaya ba ninyong magdusa katulad sa pagdurusang haharapin ko?" Sumagot sa kaniya si Santiago at si Juan, "Oo, kaya naming gawin iyon."
\p
\v 23 Sinabi ni Jesus sa kanila. "Oo, kayo nga ay magdurusa gaya ng ako ay magdurusa. Ngunit hindi ako ang pipili sa mga uupo sa tabi ko at mamamahalang kasama ko. Ang Diyos na aking Ama ang magbibigay sa mga lugar na iyon sa mga pinaglalaanan niya"
\p
\v 24 Nang mapakinggan ng iba pang sampung mga alagad ang kahilingan ni Santiago at Juan, nagalit sila sa kanila dahil gusto rin nilang mamahala kasama ni Jesus sa pinakamarangal na mga katungkulan.
\s5
\q
\v 25 Kaya sama-sama silang lahat na tinawag ni Jesus at sinabi sa kanila, "Alam ninyo na ang mga namamahala sa hindi mga Judio ay nasisiyahang ipinapakita sa kanila na sila ay makapangyarihan. Ang kanilang mga punong tagapamahala ay nasisisyahang nag-uutos sa mga tao na nasa ilalim ng pamamahala nila.
\p
\v 26 Dapat hindi kayo katulad nila. Bagkos, sinuman sa inyo ang gustong ituring ng Diyos na dakila ay kinakailangang magiging tagapaglingkod ninyong lahat.
\p
\v 27 "Oo, at ang sinuman sa inyo ang gustong ituring ng Diyos na pinakamahalaga ay kinakailangang magiging tagapaglingkod ninyo.
\q
\v 28 Kinakailangang tularan ninyo ako. Bagaman ako ay ang Anak ng Tao, hindi ako pumarito upang paglingkuran ng ibang mga tao. Bagkos, ako ay pumunta upang sila ay paglingkuran at hayaang patayin nila ako, upang ang aking kamatayan ay magsilbing tulad sa pambayad sa katubusan ng maraming mga tao mula sa kaparusahan ng kanilang mga kasalanan."
\s5
\p
\v 29 Habang sila ay paalis sa lungsod ng Jerico, sumunod sa kanila ang napakaraming tao.
\p
\v 30 Habang lumalakad sila, nakita nila ang dalawang bulag na mga lalaki na nakaupo sa gilid ng daan. Nang marinig nilang si Jesus ay dadaan, sumigaw sila sa kaniya, "Panginoon, kaapu-apuhan ni Haring David, ikaw ay ang Cristo! Mahabag ka sa amin,"
\p
\v 31 Pinagalitan sila ng maraming mga tao at sinabihan silang tumahimik. Ngunit ang mga bulag na mga lalaki ay lalong sumisigaw nang mas malakas, "Panginoon, kaapu-apuhan ni Haring David, ikaw ay ang Cristo! Mahabag ka sa amin."
\s5
\p
\v 32 Huminto si Jesus at tinawag sila na lumapit sa kaniya. At sinabi niya sa kanila, "Ano ang gusto ninyong gawin ko para sa inyo?"
\p
\v 33 Sinabi nila sa kaniya, "Panginoon, pagalingin ninyo ang aming mga mata upang kami ay makakita!"
\v 34 Naawa si Jesus sa kanila at hinawakan ang kanilang mga mata. Kaagad-agad sila ay nakakakita na, at sumunod sila kay Jesus.
\s5
\c 21
\p
\v 1-2 Habang papalapit si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa Jerusalem, pumunta sila sa nayon ng Betfage na malapit sa bundok ng Olibo. Sinabi ni Jesus sa kaniyang dalawang mga alagad, "Pumunta kayo sa nayon na nasa unahan ninyo. Pagkapasok ninyo doon, makakakita kayo ng asno at ang kaniyang batang asno na nakatali. Kalagan sila at dalhin ninyo sila sa akin.
\q
\v 3 Sinuman ang magsasabi sa inyo kung bakit ginagawa ninyo ito, sabihin ninyo sa kaniya, 'Kailangan sila ng Panginoon.' At hahayaan niya kayo na dalhin sila."
\s5
\p
\v 4-5 Kapag mangyari ang lahat ng mga ito, magiging totoo ang naisulat ng isa sa mga propeta. Isinulat ng propetang iyon, "Sabihin mo sa mga tao na nakatira sa Jerusalem, 'Tingnan ninyo! Ang inyong hari ay parating na sa inyo! Mapagpakumbaba siyang darating. Ipapakita niya na siya ay mapagpakumbaba, sapagkat siya ay sasakay sa batang asno na anak ng asno."
\s5
\p
\v 6 Kaya pumunta ang dalawang mga alagad at ginawa nila ang ipinagagawa sa kanila ni Jesus.
\p
\v 7 Dinala nila ang asno at ang batang asno kay Jesus. At inilagay nila ang kanilang mga balabal sa likod ng asno upang maupuan niya. At si Jesus ay sumakay at umupo sa mga balabal.
\p
\v 8 At naglatag ang napakamaraming tao ng ilan sa kanilang pang-ibabaw na mga damit sa daan, at pumutol ang ibang mga tao ng mga sanga mula sa mga punong palma at inilatag ang mga ito sa daan. Ginawa nila ang mga bagay na iyon upang parangalan si Jesus.
\s5
\p
\v 9 Ang napakaraming tao na naglalakad sa unahan niya at ang mga naglalakad sa likuran niya ay sumisagaw ng katulad nito, "Purihin ang Cristo na kaapu-apuhan ni Haring David!" "Nawa'y pagpalain ng Panginoong Diyos ang taong ito na dumating bilang kinatawan ng Diyos na mayroong kapangyarihan ng Diyos." "Purihin ang Diyos na nasa kataas-taasang langit!"
\p
\v 10 Nang papasok na si Jesus sa Jerusalaem, maraming mga tao na galing sa iba't ibang mga lungsod ang naging sabik at nagsabi, "Bakit iginagalang nila ang taong ito nang ganoon?"
\p
\v 11 Sumagot ang mga tao na matagal ng sumusunod sa kaniya, "Siya si Jesus, ang propeta na taga Nazaret sa Galilea!"
\s5
\p
\v 12 At pumunta si Jesus sa patyo ng templo at hinabol palabas ang lahat ng mga namimili at nagtitinda ng mga bagay doon. At tinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng mga Romanong baryang pambayad sa buwis sa templo, at tinaob din niya ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati na pang-alay.
\p
\v 13 At sinabi niya sa kanila, "Sumulat ang isang propeta sa mga Kasulatan na sinabi ng Diyos na, 'Nais ko na ang aking tahanan ay maging lugar kung saan ang mga tao ay mananalangin sa akin,' subalit kayong mga tao ay ginawa ninyo itong lugar na pinagtitipunan ng mga magnanakaw!"
\q
\v 14 Pagkatapos noon, maraming mga bulag at mga pilay ang pumunta kay Jesus sa templo upang sila ay pagalingin niya, at ginawa niya ito.
\s5
\p
\v 15 Nakita ng pinakapunong pari at ng mga lalaking nagtuturo sa mga tao ng mga batas ng mga Judio ang mga kamangha-manghang gawa na ginawa ni Jesus. Nakita rin nila ang mga batang sumusigaw sa templo, "Pinupuri namin ang Cristo, ang inapo ni Haring David!" Nagagalit sila sapagkat hindi sila naniniwala na si Jesus ay ang Cristo.
\p
\v 16 Inisip nila na hindi dapat hinayaan ni Jesus ang mga bata na magsalita nang ganoon, kaya tinanong nila siya, "Bakit mo pinapayagan ito? Narinig mo ba kung ano ang isinisigaw ng mga batang ito?" Sinabi ni Jesus sa kanila, "Oo, narinig ko sila, ngunit kung naalala ninyo kung ano ang inyong nabasa sa mga Kasulatan tungkol sa mga batang nagpupuri sa akin, malalaman ninyong nagagalak ang Diyos sa kanila. Sumulat ang mang-aawit, sinabi sa Diyos, "Tinuruan mo ang mga sanggol at ang ibang mga bata upang papurihan ka nang ganap.'"
\p
\v 17 At umalis si Jesus sa lungsod. At pumunta ang mga alagad kasama niya sa nayon ng Betania, at doon nanatili ng gabing iyon.
\s5
\p
\v 18 Maagang-maaga kinaumagahan nang pabalik na sila sa lungsod, nagutom si Jesus.
\p
\v 19 Nakakita siya ng puno ng igos malapit sa daan, kaya lumapit siya rito upang pumitas ng ilang mga bunga upang kainin. Subalit noong malapit na siya, nakita niyang walang bunga ang puno, maliban sa mga dahon. Kaya sinabi niya sa puno ng igos, "Sana'y hindi ka na magbubungang muli!" Ang kinahinatnan, kaagad-agad nagsimulang matuyo ang puno ng igos.
\s5
\p
\v 20 Sa sumunod na araw, nakita ng mga alagad ang puno ng igos na ganap na namatay. Namangha sila at nagsabi kay Jesus, "Namangha kami na natuyo agad ang puno ng igos!"
\p
\v 21 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Isipin ninyo ito: Kung naniniwala kayo na mayroong Diyos na may kapangyarihang gawin kung ano ang hihilingin ninyo sa kaniya at hindi mag-aalinlangan, makakaya ninyong gawin ang katulad sa ginawa ko sa puno ng igos. Maaari nga rin ninyong gumawa ng mga kamangha-manghang mga gawa tulad ng pagsasabi sa burol sa dako roon, 'Bunutin mo ang iyong sarili at ihagis mo ang iyong sarili sa dagat,' at mangyayari ito!
\p
\v 22 Dagdag pa roon, sa tuwing hihingi kayo ng anumang bagay sa Diyos kapag kayo ay nananalangin sa kaniya, kung naniniwala kayo na ibibigay niya ito sa inyo, matatanggap ninyo ito sa kaniya."
\s5
\p
\v 23 Pagkatapos noon, pumunta si Jesus sa patyo ng templo. Habang siya ay nagtuturo sa mga tao, lumapit sa kaniya ang mga punong-pari at ang mga nakatatanda sa mga tao. At nagtanong sila, "Sa anong kapangyarihan ginagawa mo ang mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan upang gawin ang mga ginagawa mo rito kahapon?"
\q
\v 24 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ako rin ay magtatanong sa inyo, at kung sasagutin ninyo ako, sasabihin ko sa inyo kung sino ang nagbigay sa akin ng kapangyarihan upang gawin ang mga bagay na ito.
\s5
\p
\v 25 Saan galing ang kapangyarihan ni Juan na Tagapagbautismo upang bautismuhan ang mga lumapit sa kaniya? Nakuha niya ba ito sa Diyos o sa mga tao?' Nagtatalo-talo ang mga punong pari at mga nakatatanda tungkol sa kanilang isasagot. Sinabi nila sa bawat isa, "Kung sasabihin nating, "Ito ay galing sa Diyos,' sasabihin niya sa atin, 'Dapat pinaniwalaan ninyo ang kaniyang mensahe!'
\p
\v 26 Ngunit kung sasabihin nating, 'Ito ay galing sa mga tao,' maaaring gumawa ng karahasan ang maraming tao sa atin, sapagkat naniniwala ang lahat ng tao na si Juan ay isa sa mga propeta na ipinadala ng Diyos."
\p
\v 27 Kaya sumagot sila kay Jesus, "Hindi namin alam kung saan nakuha ni Juan ang kaniyang kapangyarihan." At sinabi ni Jesus sa kanila, "Dahil hindi ninyo sinagot ang aking katanungan, hindi ko sasabihin sa inyo kung sino ang nagbigay sa akin ng pahintulot upang gawin ang mga bagay na ginawa ko rito kahapon."
\s5
\p
\v 28 Sinabi ni Jesus sa mga punong pari at mga nakatatanda, "Sabihin ninyo sa akin kung ano ang iniisip ninyo tungkol sa sasabihin ko sa inyo. Mayroong isang taong may dalawang anak na lalaki. Pumunta siya sa kaniyang nakakatandang anak at sinabi, 'Anak ko, pumunta ka at magtrabaho sa aking ubasan ngayon!'
\q
\v 29 Ngunit sinabi ng anak sa kaniyang ama, 'Hindi ako pupunta!' Ngunit di nagtagal nagbago ang kaniyang isip, at pumunta siya sa ubasan at nagtrabaho.
\q
\v 30 At lumapit ang ama sa kaniyang nakababatang anak at sinabi niya kung ano ang sinabi niya sa nakatatanda niyang anak. At sinabi ng anak na iyon, 'Ginoo, pupunta ako at magtatrabaho sa ubasan ngayon.' Subalit hindi siya nagpunta roon.
\s5
\p
\v 31 Ngayon, alin sa dalawang anak ng lalaki ang gumawa ng kagustuhan ng kanilang ama?" Sumagot sila, "Ang nakatatandang anak." At sinabi ni Jesus sa kanila, "Kaya pag-isipan ninyo ito: Ang ibang mga tao, kablang ang mga maniningil ng buwis at mga nagbebenta ng aliw, na sinasabi ninyong labis na makasalanan--malamang na mas sasang-ayunan niya na mamahala sa kanila kaysa sang-ayunan niya na mamahala sa inyo.
\p
\v 32 Sinasabi ko ito sa inyo sapagkat, bagamat ipinaliwanag ni Juan na Tagapagbautismo sa inyo kung papaano mamuhay sa tamang kaparaanan, hindi kayo naniwala sa kaniyang mensahe. Subalit naniwala sa kaniyang mensahe ang mga maniningil ng buwis at mga nagbebenta ng aliw, at tinalikuran nila ang kanilang makasalanang gawain. Ang pagkakaiba ninyo sa kanila, kahit na nakita ninyong sila ay nagbago, hindi kayo tumigil sa paggawa ng kasalanan, at hindi kayo naniwala sa mensahe ni Juan."
\s5
\p
\v 33 Makinig sa isa pang talinghaga na sasabihin ko sa inyo. Mayroong nagmamay-ari ng lupa at tinaniman ito ng ubas. Tinayuan niya ng bakod ang palibot nito. Gumawa rin siya ng lugar na pagkukunan ng katas na manggagaling sa mga ubas. Gumawa rin siya ng tore na maaaring upuan ng isang tao na magbabantay sa ubasang iyon. Pinaupahan niya ang ubasan sa ilang kalalakihan na kayang mangalaga nito at bilang kapalit ibibigay sa kaniya ang ilan sa mga ubas. At umalis siya patungo sa ibang bayan.
\p
\v 34 Nang dumating na ang panahon ng pag-aani ng mga ubas, ang may-ari ng lupain ay nagpadala ng ilan sa kaniyang mga utusan doon sa mga tao na nangangalaga sa ubasan upang kunin ang kaniyang bahagi sa mga ubas na bunga ng kaniyang ubasan.
\s5
\p
\v 35 Ngunit sinunggaban ng mga mangungupa ang mga utusan. Pinalo nila ang isa sa kanila, pinatay nila ang isa pa, at pinatay ang pangatlo sa kanila sa pamamagitan ng pagbato sa kaniya.
\p
\v 36 Kaya nagpadala ang may-ari ng lupain ng maraming mga utusan higit sa pinadala niya sa unang pagkakataon. Pinakitunguhan ng mga mangungupa ang mga utusang iyon sa pamamaraang katulad sa ginawa nila sa ibang mga utusan.
\v 37 Pagkatapos niyang mapakinggan ang tungkol dito, ipinadala ng may-ari ng lupain ang kaniyang sariling anak papunta sa mga mangungupa upang kunin ang kaniyang bahagi sa mga ubas. Nang pinadala niya siya, sinabi niya sa kaniyang sarili, 'Tiyak na gagalangin nila ang aking anak at ibibigay sa kaniya ang aking bahagi sa mga ubas.'
\s5
\p
\v 38 Ngunit nang makita ng mga mangungupa ng ubasan na parating ang anak, sinabi nila sa isa't-isa, 'Ito ang taong magmamana sa ubasang ito! Magsama-sama tayo at patayin natin siya at paghatian natin sa ating mga sarili ang ari-arian.'
\v 39 Kaya sinunggaban nila siya, at kinaladkad palabas ng ubasan, at siya ay pinatay.
\s5
\p
\v 40 Tatanungin ko kayo ngayon, kapag bumalik na ang may-ari sa kaniyang ubasan, ano sa palagay ninyo ang kaniyang gagawin sa mga mangungupa?"
\p
\v 41 Sumagot ang mga tao, "Lilipulin niyang lubos ang mga masasamang kalalakihang ito! At pauupahan niya ang ubasan sa iba. Ibibigay nila ang kaniyang bahagi sa mga ubas kapag hinog na."
\s5
\p
\v 42 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Tama iyan, kaya kinakailangang pag-isipang mabuti ang tungkol sa mga salitang ito na inyong nabasa sa mga Kasulatan: 'Tinanggihan ng mga tao na nagtatayo ng malalaking gusali ang isang bato. Ngunit inilagay ng iba ang gayon ding bato sa tamang lugar nito, at ito ay naging napakahalagang bato sa gusali. Ang Panginoon ang gumawa nito, at mamangha tayo nang tiningnan natin ito.'
\s5
\p
\v 43 Kaya, dahil tinanggihan ninyo ako, sasabihin ko ito sa inyo: Kayo na mga Judio ay hindi na ang mga taong paghaharian ng Diyos. Sa halip, siya ay sasang-ayon na pagharian ang mga hindi Judio, at gagawin nila ang anumang kaniyang ipapagawa sa kanila.
\v 44 Ang sinumang mahuhulog sa batong ito ay madudurog nang pirapiraso, at dudurugin naman ng batong ito ang sinumang mahulugan."
\s5
\v 45 Nang napakinggan ng mga punong-pari at mga nakatatandang mga Pariseo ang talinghagang ito, napagtanto nila na sila ang pinararatangan niya dahil hindi sila naniniwala na siya ang Cristo.
\v 46 Nais nilang sunggaban siyang ngunit hindi nila ginawa dahil natatakot sila kung ano ang gagawin ng maraming tao kung gagawin nila iyon, dahil itinuring ng maraming tao si Jesus na isang propeta.
\s5
\c 22
\p
\v 1 Pagkatapos nito sinabi ni Jesus sa mga pinuno ng mga Judio ang iba pang mga talinghaga. Ito ay isa sa mga talinghagang iyon:
\p
\v 2 "Kapag mamamahala ang Diyos saanmang dako bilang hari, magiging tulad siya sa isang hari na nagsabi sa kaniyang mga utusan na maghanda sila ng salu-salo sa kasal ng kaniyang anak.
\p
\v 3 Nang naihanda na ang salu-salo, pinadala ng hari ang kaniyang mga utusan upang sabihin sa mga taong naanyayahan na panahon na upang pumunta sa salu-salo ng kasal. Ngunit ayaw magsipunta ng mga taong naanyayahan.
\s5
\p
\v 4 Kaya nagpadala ang hari ng iba pang mga utusan upang muling sabihin sa mga taong iyon na pumunta sa salu-salo ng kasal. Sinabi niya sa mga utusang iyon, 'Sabihin sa mga taong inanyayahan ko na pumunta na sila sa salu-salo, "Ito ang sinasabi ng hari sa inyo, 'Naihanda ko na ang pagkain. Ang mga baka at mga pinatabang mga batang baka ay nakatay at luto na. Handa na ang lahat. Panahon na upang kayo ay pumunta sa salu-salo ng kasal!""
\s5
\p
\v 5 Ngunit nang sinabi iyon ng mga utusan, binalewala nila kung ano ang sinabi ng mga utusan. Ang iba sa kanila ay nagtungo sa kanilang sariling mga sakahan.
\p
\v 6 Nagtungo naman ang iba sa lugar ng kanilang negosyo. Ang iba naman ay sinunggaban ang mga utusan ng hari, minaltrato sila, at pinatay.
\p
\v 7 Nang marinig ng hari ang nangyari, galit na galit siya. Inutusan niya ang kaniyang mga kawal na pumunta at patayin ang mga mamamatay taong iyon at sunugin ang kanilang lungsod.
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos na magawa iyon ng kaniyang mga kawal, sinabi ng hari sa iba pa niyang mga utusan, 'Naihanda ko na ang salu-salo ng kasal, subalit ang mga taong naanyayahan ay hindi karapat-dapat na pumunta rito.
\p
\v 9 Kaya pumunta kayo sa mga sangandaan ng mga pangunahing daanan. Sinuman ang inyong matagpuan sabihin niyo sa kanila na kailangang pumunta sila sa salu-salo ng kasal.'
\p
\v 10 Kaya ang mga utusan ay pumunta roon, at tinipon nila ang bawat isa na kanilang matagpuan. Tinipon nila kasama ang masasama at mabubuting tao. Dinala nila sila sa bulwagan kung saan gaganapin ang salu-salo ng kasal. Napuno ng mga tao ang bulwagan.
\s5
\p
\v 11 Ngunit nang pumunta ang hari sa bulwagan upang tingnan ang mga panauhin, may isang tao siyang nakita na hindi nakasuot ng mga damit pangkasal na ibinigay sa mga bisita upang suotin sa salu-salo ng kasal.
\p
\v 12 Sinabi ng hari sa kaniya, 'Kaibigan, hindi ka dapat pumasok sa bulwagang ito dahil hindi ka nakasuot ng mga damit na sinusuot ng mga bisita sa salu-salo ng kasal!' Hindi nakapagsalita ng anuman ang taong ito, dahil hindi niya alam ang kaniyang sasabihin.
\s5
\p
\v 13 At sinabi ng hari sa kaniyang mga utusan, 'Igapos ang mga paa at mga kamay ng taong ito at itapon siya sa labas kung saan ganap ang kadiliman, kung saan naghihiyawan ang mga tao, at nagngangalit ang kanilang mga ngipin dahil sa sakit kung saan sila naroon.'"
\p
\v 14 At sinabi ni Jesus, "Ang tinutukoy ng talinghagang ito ay inaanyayahan ng Diyos ang lahat ng tao na lumapit sa kaniya, ngunit kakaunti lang ang mga taong kaniyang pinili na makapupunta roon."
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos na sinabi ito ni Jesus, nagsama-sama ang mga Pariseo upang magplano ng paraan kung papano nila mapagsalita siya ng isang bagay na maaaring gamitin sa pagparatang sa kaniya.
\p
\v 16 Pinadala nila sa kaniya ang ilan sa kanilang mga alagad, na nag-iisip na ang mga Israelita ay kailangang magbayad lamang ng buwis sa inutos ng mga Judio na nasa kapangyarihan. Nagpadala rin sila ng ilang mga kasapi sa isang samahan na sumusuporta kay Herodes. Inisip ng mga kasapi ng samahan na kinakailangang magbayad ang mga Israelita ng buwis na iniutos ng pamahalaan ng Romano. Ang mga pinadala ay dumating at sinabi kay Jesus, "Guro, alam namin na ikaw ay makatotohanan at nagtuturo ng katotohanan tungkol sa mga kagustuhan ng Diyos na gawin namin. Alam din naming hindi mo binabago kung ano ang iyong itinuturo dahil lamang sa sinasabi ng sinuman tungkol sa iyo, bagamat siya ay mahalagang tao na hindi nagugustuhan ang iyong itinuro.
\p
\v 17 Kaya sabihin mo sa amin ang iyong iniisip tungkol sa bagay na ito: Tama ba na magbayad ng mga buwis sa pamahalaan ng Romano, o hindi?"
\s5
\p
\v 18 Ngunit alam ni Jesus na talagang masama ang nais nilang gawin. Nais nila na makapagsalita siya ng isang bagay na magdadala sa kaniya sa kaguluhan maging sa mga Judio o sa mga Romano na nasa kapangyarihan. Kaya sinabi niya sa kanila, "Mga mapagkunwari kayo; nais ninyong makapagsalita ako ng isang bagay upang maakusahan ninyo ako. Ipakita ninyo sa akin ang isa sa mga barya na ibinabayad ng mga tao sa buwis ng Roma."
\p
\v 19 Kaya ipinakita nila sa kaniya ang isang barya na tinatawag na denaryo.
\s5
\p
\v 20 Sinabi niya sa kanila, "Kaninong larawan ang nasa baryang ito? At kaninong pangalan ang nakalagay dito?"
\p
\v 21 Sumagot sila, "Larawan at pangalan ni Cesar, ang pinuno ng pamahalaang Romano." At sinabi niya sa kanila, "Kaya ibigay sa pamahalaan kung ano ang kanilang iniutos, at ibigay sa Diyos kung ano ang kaniyang iniutos."
\p
\v 22 Nang mapakinggan ng mga kalalakihang iyon ang sinasabi ni Jesus, namangha sila sa kaniyang sagot sapagkat hindi ito naging dahilan upang maparatangan siya ninuman. At iniwan nila si Jesus.
\s5
\p
\v 23 Sa araw ding iyon, pumunta ang ilang mga Saduseo kay Jesus. Sila ang mga grupo ng mga Judio na hindi naniniwala na ang mga tao ay maaaring mabuhay muli pagkatapos nilang mamatay. Nais nilang magtanong kay Jesus.
\p
\v 24 Sinabi nila sa kaniya, "Guro, may sinulat si Moises sa mga Kasulatan, na nagsasabi 'Kung ang isang lalaki ay mamatay na walang mga anak, ang kaniyang kapatid na lalaki ay kailangang magpakasal sa balo ng namatay na lalaki upang magkaroon siya ng anak sa kaniya. Ang anak ay ibibilang na kaapu-apuhan ng namatay na lalaki at sa ganoong paraan ang namatay na lalaki ay magkakaroon ng mga kaapu-apuhan.'
\s5
\p
\v 25 Ngayon, may isang pamilya na nakatira malapit sa amin na may pitong anak na mga lalaki. Ang nakatatanda sa kanila ay nag-asawa. Siya at ang kaniyang asawa ay hindi man lang nag-kaanak, at siya ay namatay. Kaya naging asawa rin ng pangalawang kapatid ang balo. Ngunit namatay rin siya na hindi nagkaroon ng anak.
\p
\v 26 Gayon din ang nangyari sa ikatlong kapatid, at sa iba pang apat na magkakapatid, kung saan isa-isa nilang naging asawa ang babaeng ito.
\q
\v 27 Pinakahuli sa lahat, ang babae ay namatay din.
\p
\v 28 Ngayon, sa panahon na bubuhayin ng Diyos ang mga tao mula sa mga patay, sino sa pitong magkakapatid sa palagay ninyo ang magiging asawa niya? Isipin mo na silang lahat ay naging asawa niya."
\s5
\q
\v 29 Sumagot si Jesus sa kanila, "Tiyak na mali ang inyong iniisip. Hindi ninyo alam kung ano ang nasusulat sa mga Kasulatan. At hindi rin ninyo alam na ang Diyos ay may kapangyarihang buhayin muli ang mga tao.
\p
\v 30 Sa katunayan ang babaeng iyon ay hindi na magiging asawa ng sinuman sa kanila, dahil pagkatapos na buhaying muli ng Diyos ang lahat ng mga taong namatay, wala nang mag-aasawa. Sa halip, ang mga tao ay magiging tulad sa mga anghel sa langit. Hindi sila nag-aasawa.
\s5
\p
\v 31 Ngunit patungkol sa mga patay na magiging buhay muli, may sinabi ang Diyos tungkol doon. Natitiyak kong nabasa na ninyo ito. Pagkatapos ng mahabang panahon na si Abraham, Isaac at si Jacob ay namatay, sinabi ng Diyos kay Moises,
\p
\v 32 'Ako ang Diyos na sinasamba ni Abraham, ang Diyos na sinasamba ni Isaac, at Diyos na sinasamba ni Jacob!' Hindi ang mga patay ang sumasamba sa Diyos. Mga buhay na mga tao ang sumasamba sa kaniya. Kaya natitiyak naming ang kanilang mga espiritu ay buhay pa rin!"
\q
\v 33 Nang mapakinggan ng maraming tao na ganoon ang tinuturo ni Cristo, sila ay namangha.
\s5
\q
\v 34 Ngunit nang marinig ng mga Pariseo na sinagot ni Jesus ang mga Saduseo sa paraang ang mga Saduseo ay hindi makapag-isip ng anumang maisasagot sa kaniya, nagtipun-tipon ang mga Pariseo upang magplano kung ano naman ang kanilang sasabihin sa kaniya. At sila ay lumapit sa kaniya.
\q
\v 35 Ang isa sa kanila ay isang abogado na nag-aral nang mabuti sa mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises. Gusto niyang makipagtalo kay Jesus. Tinanong niya siya,
\p
\v 36 "Guro, alin sa utos ng mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises ang pinakamahalaga?"
\s5
\q
\v 37 Binanggit ni Jesus ang mga Kasulatan nang siya ay sumagot, "Kailangang mahalin ninyo ang inyong Panginoong Diyos ng inyong buong pagkatao. Ipakita na mahal mo siya sa lahat ng iyong ninanais, sa lahat ng iyong nararamdaman, at sa lahat ng iyong iniisip.'
\q
\v 38 Iyon ang pinakamahalagang utos sa mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises.
\s5
\q
\v 39 Ang sumunod na pinakamahalagang utos na kinakailangang sundin ng bawat isa ay: 'Kinakailangang mahalin mo ang mga tao sa iyong paligid tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.'
\q
\v 40 Ang dalawang kautusang ito ay batayan ng bawat utos na isinulat ni Moises sa mga Kasulatan at gayon din ang lahat ng isinulat ng mga propeta."
\s5
\p
\v 41 Habang ang mga Pariseo ay patuloy na nagkakatipun-tipon malapit kay Jesus, tinanong niya sila,
\q
\v 42 "Ano ang iniisip ninyo patungkol sa Cristo?" Kaninong kapu-apuhan siya?" Sinabi nila sa kaniya, "kaapu-apuhan siya ni Haring David."
\s5
\q
\v 43 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung ang Cristo ay kaapu-apuhan ni Haring David, hindi sana siya tinawag ni David na "Panginoon" nang si David ay nagsabi kung ano ang pinasasabi ng Banal na Espiritu sa kaniya.
\q
\v 44 Sinulat ito ni David sa mga Kasulatan patungkol kay Cristo: 'Sinabi ng Diyos sa aking Panginoon, "Umupo ka rito sa aking tabi sa kanan, kung saan paparangalan kita ng dakilang pagpaparangal, habang inilalagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa."
\s5
\q
\v 45 Kaya, dahil tinawag ni Haring David si Cristo na 'aking Panginoon,' ang Cristo ay hindi lamang isang kaapu-apuhan ni David! Higit na mas dakila siya kaysa kay David!"
\q
\v 46 Walang nakasagot ng kahit na isang salita sa mga nakarinig sa mga sinabi ni Jesus. Pagkatapos noon, walang kahit isa na nagtanong pa sa kaniya upang subukin siyang bitagin.
\s5
\c 23
\p
\v 1 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa maraming tao at sa kaniyang mga alagad,
\p
\v 2 "Ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng mga kautusan nating mga Judio ang gumawa sa kanilang mga sarili bilang tagapagpaliwanag ng mga kautusang ibinigay ng Diyos kay Moises para sa mga tao ng Israel.
\p
\v 3 Kaya, gawin ninyo ang anumang sinasabi nilang dapat ninyong gawin. Ngunit huwag ninyong gawin ang kanilang ginagawa, dahil sila mismo ay hindi ginagawa ang mga bagay na iyon.
\s5
\p
\v 4 Inuutusan nila kayong sumunod sa maraming mga kautusang mahirap sundin. Ngunit sila mismo ay hindi tumutulong sa sinuman upang sundin ang mga kautusang iyon. Ito ay parang itinatali at ipinapapasan nila ang mga napakabigat na dalahin sa inyong mga balikat upang buhatin ang mga ito. Ngunit hindi nila igagalaw ang kahit isang daliri man lang upang tulungan kayo sa pagbubuhat ng mga ito.
\q
\v 5 Anuman ang ginagawa nila, ginagawa nila ang mga ito upang makita at hangaan sila ng ibang mga tao. Halimbawa, mas pinapalapad nila ang mga maliliit na kahon na naglalaman ng mga bahagi ng Kasulatan na isinusuot nila sa kanilang mga braso. Hinahabaan nila ang mga palawit sa kanilang balabal upang isipin ng iba na iginagalang nila ang Diyos.
\s5
\p
\v 6 Nais nilang igalang sila ng ibang mga tao. Halimbawa, sa mga kainan, umuupo sila sa mga upuan na inuupuan ng mga pinakamahahalagang tao. Sa mga sinagoga, nais din nilang umupo sa gayunding mga uri ng puwesto.
\p
\v 7 Nais nilang batiin sila ng mga tao nang may labis na paggalang sa mga pamilihan, at tawagin silang 'Guro.'
\s5
\q
\v 8 Ngunit kayong aking mga alagad ay hindi dapat pumayag na tawagin kayo ng mga tao na 'Guro,' gaya ng ginagawa ng iba sa mga tagapagturo ng mga Judio. Ako lamang ang tunay ninyong guro. Ibig sabihin, pantay-pantay kayo sa isa't isa, na parang magkakapatid.
\p
\v 9 Huwag ninyong igalang ang sinuman sa lupa sa pamamagitan ng pagtawag sa kaniya na 'Ama,' dahil ang Diyos na inyong Ama sa langit ay ang tanging tunay ninyong ama.
\p
\v 10 Huwag kayong papayag na tawagin kayo ng mga tao na 'guro,' dahil akong na Cristo ang inyong tanging guro.
\s5
\p
\v 11 Sa halip, ang bawat isa sa inyo na nagnanais na ituring sila ng Diyos na mahalaga ay dapat maglingkod sa iba gaya ng ginagawa ng mga tagapaglingkod.
\p
\v 12 Ibababa ng Diyos ang mga sumusubok na gawing mahalaga ang kanilang mga sarili. Ang mga nagpapakumbaba, gagawin silang tunay na mahalaga ng Diyos."
\s5
\p
\v 13-14 At sinabi ni Jesus sa mga relihiyosong pinuno, "Kayong mga tagapagturo ng kautusan at kayong mga Pariseo, mga mapagkunwari kayo! Kakila-kilabot kung paano kayo parurusahan ng Diyos, dahil hinahadlangan ninyo ang mga tao na tanggapin siya upang maghari sa kanila. Para kayong mga lalaking nagsasara ng tarangkahan upang hindi makapasok ang iba sa lungsod ng Diyos. Kayo mismo, ayaw ninyong pumasok, at hinahadlangan din ninyo ang iba sa pagpasok."
\p
\v 15 "Mga mapagkunwari kayo, kayong mga tagapagturo ng kautusan at kayong mga Pariseo! Kakila-kilabot kung paano kayo parurusahan ng Diyos! Naghihirap kayong paniwalain ang kahit isang tao sa inyong mga turo. Nilalakbay pa ninyo ang ibayo ng karagatan at ng mga lupain sa malalayong lugar upang gawin iyan. At ang kalalabasan, kapag naniniwala ang isang tao sa itinuturo ninyo, ginagawa ninyo ang taong iyon na karapat-dapat mapunta sa impiyerno nang mas higit pa sa inyo."
\s5
\p
\v 16 "Kayong mga pinuno ng mga Judio, kakila-kilabot kung paano kayo parurusahan ng Diyos! Para kayong mga taong bulag na sinusubukang akayin ang iba. Sinasabi ninyo, 'Kapag may humihiling na patotohanan ng templo na gagawin niya ang isang bagay na parang ang templo ay isang tao, at kung hindi niya nagawa ang kaniyang ipinangako, wala itong kabuluhan. Ngunit kapag may humihiling na patotohanan ng ginto sa templo na gagawin niya ang isang bagay, dapat niya itong gawin.'
\p
\v 17 Mga hangal kayo, at para kayong mga taong bulag! Mahalaga ang ginto na nasa templo, ngunit mas mahalaga ang templo, dahil ang templo ang dahilan na ang ginto ay gagamitin lamang para sa Diyos.
\s5
\p
\v 18 Sinasabi rin ninyo, 'Kapag may humihiling na patotohanan ng altar na gagawin niya ang isang bagay na parang ang altar ay isang tao, at kung hindi niya nagawa ang kaniyang ipinangako, wala itong kabuluhan. Ngunit kapag may humihiling na patotohanan ng mga handog na nakalagay sa altar na gagawin niya ang isang bagay, dapat niya itong gawin.'
\q
\v 19 Para kayong mga taong bulag. Mahalaga ang handog na inilagay ninyo sa altar, ngunit mas mahalaga ang altar dahil ang altar ang dahilan na ang handog ay gagamitin lamang para sa Diyos.
\s5
\p
\v 20 Kaya ang mga nangangako na gawin ang isang bagay at hinihiling na patotohanan ng altar na gagawin nila ito, hinihiling din nila ang lahat ng nasa altar na gawin ang gayunding bagay.
\q
\v 21 Oo, at ang mga nangangako na gawin ang isang bagay at hinihiling na patotohanan ng templo na gagawin nila ito, hinihiling din nila na patotohanan ng Diyos na nagmamay-ari ng templo ang gayunding bagay.
\p
\v 22 At ang mga nangangako na gawin ang isang bagay at hinihiling na patotohanan ng langit na gagawin nila ito, hinihiling nila na patotohanan ng trono ng Diyos na gagawin nila ito, at hinihiling din nila na patotohanan ng Diyos na nakaupo sa tronong iyon, ang gayunding bagay."
\s5
\p
\v 23 "Kayong mga tagapagturo ng kautusan at kayong mga Pariseo, kakila-kilabot kung paano kayo parurusahan ng Diyos! Mga mapagkunwari kayo dahil kahit na ibinibigay ninyo sa Diyos ang ikasampung bahagi ng itinanim ninyong mga halaman gaya ng yerbabuena, anis, at komino, hindi ninyo sinusunod ang mga kautusan ng Diyos na mas mahahalaga. Halimbawa, hindi kayo makatarungan sa iba, hindi kayo mahabagin sa ibang tao, at hindi kayo tapat. Mabuti na ibinibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng inyong mga halaman sa Diyos, ngunit dapat sinusunod din ninyo ang iba pang mga mahahalagang kautusan.
\q
\v 24 Kayong mga pinuno ay parang mga bulag na tao na sinusubukang akayin ang iba. Maingat ninyong hindi magalit ang Diyos sa paglunok ninyo ng kahit pinakamaliit na kulisap kapag umiinom kayo ng tubig, ngunit masasama ang inyong mga ginagawa na parang nilulunok ninyo ang isang kamelyo!
\s5
\p
\v 25 "Kayong mga mapagkunwari, kayong mga tagapagturo ng kautusan at kayong mga Pariseo, kakila-kilabot kung paano kayo parurusahan ng Diyos! Ipinapakita ninyo na parang mabuti kayong tao sa iba. Para kayong mga tasa at mga pinggan na hinugasan ng mga kababaihan ang labas ng mga ito, ngunit sa loob ng mga bagay na ito ay marumi, na may maraming pagkain at inumin na higit pa sa kinakailangan ninyo, pagkain at inumin na kinuha ninyo sa iba.
\p
\v 26 Kayong mga bulag na Pariseo! Dapat tumigil muna kayo sa pagnanakaw sa iba. At magagawa ninyo kung ano ang matuwid. At kayo ay magiging parang tasa na malinis sa labas at sa loob."
\s5
\p
\v 27 Mga mapagkunwari kayo, kayong mga tagapagturo ng mga kautusan at kayong mga Pariseo, kakila-kilabot kung paano kayo parurusahan ng Diyos! Para kayong mga gusali sa ibabaw ng mga libingan ng mga tao, mga gusali na pininturahan ng puti upang makita ng mga tao at maiwasang hawakan ang mga ito. Maganda ang labas ng mga puntod, ngunit sa loob ay puno ng mga buto at dumi ng mga patay.
\p
\v 28 Para kayong mga puntod na iyon. Kapag tinitingnan kayo ng mga tao, iniisip nilang matuwid kayo, ngunit sa inyong kalooban, mga mapagkunwari kayo dahil hindi kayo sumusunod sa mga kautusan ng Diyos."
\s5
\p
\v 29 Mapagkunwari kayong mga tagapagturo ng mga kautusan ng Judio at kayong mga Pariseo! Kakila-kilabot kung paano kayo parurusahan ng Diyos! Itinatayo ninyong muli ang mga puntod ng mga propetang pinatay ng iba matagal na ang nakalipas. Pinapalamutian ninyo ang mga monumento na nagbibigay galang sa mga taong matuwid.
\p
\v 30 Sinasabi ninyo, 'Kung nabubuhay kami sa panahon ng aming mga ninuno, hindi kami tutulong sa mga pumatay sa mga propeta.'
\p
\v 31 Sa ganitong paraan, inaamin ninyong mga kaapu-apuhan kayo ng mga mamamatay taong iyon; kaya, kagaya kayo nila!
\s5
\p
\v 32 Kayo rin, ipagpatuloy at tapusin ninyong gawin ang lahat ng mga kasalanan na sinimulang gawin ng inyong mga ninuno.
\p
\v 33 Napakasama ninyong mga tao! Mapanganib kayo na parang mga makamandag na ahas! Mga hangal kayong nag-iisip na makakaligtas kayo sa kaparusahan ng Diyos sa inyo sa impyerno!
\s5
\p
\v 34 Tandaan ninyo nadahil dito magsusugo ako ng mga propeta, mga matatalinong tao, at mga tagapagturo. Papatayin ninyo ang ilan sa kanila sa pamamagitan ng pagpako sa kanila sa mga krus, at papatayin ninyo ang ilan sa kanila sa ibang mga paraan. Hahagupitin ninyo ang ilan sa kanila sa mga lugar kung saan kayo sumasamba at tutugisin ninyo sila sa bawat kabayanan.
\p
\v 35 Kaya ituturing ng Diyos na kayo at ang inyong mga ninuno ang may kasalanan sa pagpatay ng lahat ng mga taong matuwid na nabuhay sa lupa, kabilang ang anak ni Adan na si Abel na taong matuwid, at ang anak ni Baraquias na si Zacarias na pinatay ng inyong mga ninuno sa banal na lugar sa pagitan ng templo at ng altar. Pinatay rin ninyo ang lahat ng mga propeta na nabuhay sa mga panahong nabuhay ang dalawang taong iyon.
\p
\v 36 Isaisip ninyo ito: Kayong mga taong nakakita sa aking ministeryo, kayo ang mga parurusahan ng Diyos sa pagpatay ng lahat ng mga propetang iyon!"
\s5
\p
\v 37 "O mga tao ng Jerusalem, kayong mga pumatay sa mga propetang nabuhay noong unang panahon, at kayong mga pumatay sa pamamagitan ng mga bato sa ibang mga isinugo ng Diyos. Napakaraming pagkakataong ninais ko kayong tipunin upang pangalagaan gaya ng pagtitipon ng inahin sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak. Ngunit ayaw ninyong gawin ko iyon.
\p
\v 38 Kaya pakinggan ninyo ito: Ang inyong lungsod ay magiging lugar na hindi pananahan.
\p
\v 39 Tandaan ninyo ito: Makikita ninyo lamang akong muli sa aking pagbabalik, kapag sinasabi na ninyo sa akin, 'Tunay ngang nalulugod ang Diyos sa taong ito na pumaparito sa kapangyarihan ng Diyos.'"
\s5
\c 24
\p
\v 1 Umalis si Jesus sa patyo ng templo. Habang siya ay naglalakad, lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at nagsimulang nagsalita patungkol sa templo kung gaano kaganda ang mga gusaling ito.
\q
\v 2 Sinabi niya sa kanila, "Sasabihin ko sa inyo ang katotohanan patungkol sa mga gusaling ito na nakikita ninyo: isang hukbo ng mga sundalo ang lubusang sisira sa mga ito. Ibabagsak nila ang bawat bato ng gusaling ito. Wala kahit isang bato ang mananatili sa ibabaw ng isa pang bato."
\s5
\q
\v 3 Hindi nagtagal, habang nakaupo si Jesus sa dalisdis ng Bundok ng mga Olibo, lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at tinanong siya, "Kailan ito mangyayari sa mga gusali ng templo? At ano ang mangyayari na palatandaan sa inyong muling pagbabalik, at palatandaan na malapit na magwakas ang mundong ito?"
\q
\v 4 Sumagot si Jesus, "Ang sasabihin ko lamang ay, tiyakin ninyo na wala ni isa ang manlinlang sa inyo patungkol sa mangyayari!
\p
\v 5 Maraming mga tao ang darating at magsasabi na sila ay ako. Oo, sasabihin talaga nila, 'Ako ang Cristo,' at malilinlang nila ang maraming tao.
\s5
\q
\v 6 Maririnig ninyo ang patungkol sa mga digmaan na malapit at mga digmaan sa malayo, subalit huwag ninyong hayaan ito na babagabag sa inyo. Palagi ninyong isipin na sinabi ng Diyos na kailangang mangyari ang lahat ng mga bagay na ito. Ngunit kung mangyayari ito, hindi ito nangangahulugan na ang wakas ng mundo ay dumating na!
\q
\v 7 Ang bawat lahi ng mga tao ay sasalakay sa isa't isa, at pamumunuan ng mga hari ang mga sundalo laban sa isa't isa. Magkakaroon ng tag-gutom at mga lindol sa iba't ibang mga lugar.
\q
\v 8 Mangyayari muna ang mga bagay na ito, ngunit mahalintulad ang mga ito sa babaeng magdurusa sa sakit bago pa siya manganak.
\s5
\p
\v 9 Mas marami pang masasamang mga bagay ang mangyayari. Ang mga tao na sumasalungat sa inyo ang magdadala sa inyo sa pagdurusa at kamatayan. Kamumuhian kayo ng mga tao na nabuhay sa lahat ng lahi sapagkat naniniwala kayo sa akin.
\p
\v 10 Gayundin, maraming mga tao ang titigil sa pananampalataya sa akin dahil sila'y magdurusa. Ipagkakanulo nila ang kapwa mga mananampalataya at kamumuhian ang isa't isa.
\p
\v 11 Marami ang darating na magsasabi na sila ay mga propeta, ngunit magsisinungaling sila, at manlilinlang sila ng maraming tao.
\s5
\p
\v 12 Sapagkat parami nang parami ang mga tao na hindi susunod sa mga kautusan ng Diyos, marami sa mga mananampalataya ang hindi na magmamahalan sa isat-isa.
\p
\v 13 Ngunit lahat ng mananatiling nagtitiwala sa akin hanggang sa wakas ng kanilang buhay, ililigtas sila ng Diyos.
\p
\v 14 Bukod doon, ipapangaral ng mga mananampalataya ang magandang balita patungkol kung paano nagsisimulang maghahari ang Diyos sa mga tao sa bawat bahagi ng mundo, upang maihayag ito sa lahat ng lahi ng mga tao. At darating na ang wakas ng mundo."
\s5
\p
\v 15 Subalit bago magwakas ang mundo, ang kasuklam-suklam na tao na dudungis sa banal na templo at ang dahilan na iwanan ng mga tao ito ay tatayo sa templo. Sinabi at sinulat ni Daniel na propeta ang patungkol dito noon pa. Nawa'y makinig sa akin ang bawat tao na babasa nito, dahil binabalaan ko kayo.
\q
\v 16 Kung makikita ninyo itong mangyari sa templo, kayo na nasa rehiyon ng Judea ay kailangang tumakas sa matataas na mga burol!
\q
\v 17 Yaong mga nasa labas na ng kanilang mga bahay ay dapat huwag nang bumalik sa kanilang mga bahay upang kumuha ng mga bagay bago pa sila tumakbo palayo.
\q
\v 18 Yaong mga nagtatrabaho sa sakahan ay dapat huwag nang bumalik upang kumuha ng kanilang panlabas na kasuotan bago tumakas.
\s5
\q
\v 19 Kakila-kilabot sa isang buntis na babae sa panahon na iyon, at sa mga babae na nag-papasuso ng kanilang mga sanggol, sapagkat lubhang napakahirap para sa kanila na tumakbo!
\p
\v 20 Manalangin na hindi kayo tatakas sa araw ng taglamig kung saan napakahirap ang maglakbay, o sa Araw ng Pamamahinga, ang araw ng pagpapahinga;
\p
\v 21 sapagkat lubhang magdurusa ang mga tao kung mangyayari ang mga bagay na iyon. Kailanman ay hindi pa lubhang nagdusa ang mga tao mula nang nilikha ng Diyos ang mundo hanggang sa ngayon, at wala ni isa ang muling magdurusa tulad nito,
\q
\v 22 Kung hindi nagpasiya ang Diyos na paikliin ang panahong iyon nang labis na magdurusa ang mga tao, mamamatay ang bawat isa. Subalit nagpasiya siya na paikliin ito dahil nag-alala siya patungkol sa mga tao na kaniyang pinili."
\s5
\p
\v 23-24 "At sa panahong iyon may lilitaw na mga tao at magsasabi na sila ay ako, ang Cristo, o sila ay totoong mga propeta ng Diyos. Magsasagawa sila ng maraming uring mga himala at kamangha-manghang mga bagay upang makalinlang ng mga tao. Susubukan pa nilang malinlang kayong mga tao na pinili ng Diyos. Kaya sa panahon na iyon, kung may taong magsasabi sa inyo, 'Tingnan ninyo, nandito na ang Cristo' o kung may taong magsasabi, 'Nandoon ang Cristo' huwag ninyong paniwalaan ito!
\p
\v 25 Huwag ninyong kalimutan na binalaan ko na kayo noon patungkol sa lahat ng mga ito bago pa ito mangyayari.
\s5
\p
\v 26 Kung may taong magsasabi sa inyo, 'Tingnan ninyo, ang Cristo ay nasa ilang!' huwag kayong pumunta roon. Gayundin, kung may taong magsasabi sa inyo, 'Tingnan ninyo, nasa lihim siya na silid!' huwag kayong maniwala sa taong iyon,
\p
\v 27 sapagkat katulad ng kidlat na kikislap mula sa silangan hanggang kanluran at nakikita ito ng mga tao, sa ganoon ding paraan, kung ako, ang Anak ng Tao, ay babalik muli, lahat ay makakita sa akin.
\p
\v 28 Kung ako ay babalik, ito ay maliwanag sa bawat tao; ito ay katulad ng makakakita kayo ng mga buwitre na nagkatipun-tipon, alam ninyo na naroon ang patay na hayop."
\s5
\p
\v 29 Agad-agad pagkatapos magdusa ng mga tao sa panahon na iyon, magdidilim ang daigdig. Magdidilim ang araw. Hindi na magliliwanag ang buwan. Mahuhulog ang mga bituin mula sa kalangitan. At yayanigin ng Diyos ang lahat ng nasa kalangitan na kakalas mula sa kanilang mga kinaroroonan.
\s5
\p
\v 30 Pagkatapos nito, ang lahat ay makakita ng isang bagay mula sa kalangitan na magpapahiwatig na Ako na Anak ng Tao, ay babalik sa lupa. At ang mga tao na hindi mananampalataya mula sa iba't ibang lahi sa mundo ay tatangis sapagkat matatakot sila sa parusa ng Diyos sa kanila. Makikita nila ako na Anak ng Tao, na darating mula sa mga ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian sa aking pagbabalik sa lupa.
\q
\v 31 Ipapadala ko ang aking mga anghel sa lupa mula sa lahat ng dako ng langit. Kapag naririnig nila ang malakas na tunog ng trumpeta, titipuning sama-sama ang mga tao ng Diyos—ang mga taong pinili niya—mula sa iba't ibang dako ng lupa."
\s5
\p
\v 32 Kaya nais ko na matuto kayo mula sa talinghagang ito kung papaano tumubo ang puno ng igos. Kung ang mga sanga ng igos ay maging malambot at ang mga dahon nito ay magsimulang umusbong, alam mo na papalapit na ang tag-init.
\q
\v 33 Gayundin, kung makikita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito na aking inilarawan na mangyayari, malalaman ninyo na nalalapit na ang panahon ng aking pagbabalik.
\s5
\q
\v 34 Tandaan ninyo ito: Mangyayari ang lahat na mga pangyayaring ito bago mamatay ang lahat ng mga tao na nakakita sa mga bagay na ginawa ko.
\v 35 Nakatitiyak kayo na mangyayari ang mga bagay na ito na aking sinabi sa inyo. Isang araw mawawala ang lupa at ang kalangitan, ngunit manatiling totoo ang aking sinasabi."
\s5
\v 36 Ngunit ako man, ni sinumang tao, ni sinumang anghel sa langit, hindi alam ang araw o ang oras na mangyayari ang mga sinasabi ko sa inyo. Ang Diyos lamang na aking Ama ang nakakaalam.
\s5
\v 37-39 Magiging katulad ito sa nangyari nang nabubuhay pa si Noe. Hanggang sa dumating ang baha, hindi alam ng mga tao na may masamang mangyayari sa kanila. Kumakain sila at umiinom tulad ng nakagawian. Nagsisipag-asawa ang ilang mga lalaki, at ibinibigay ng mga magulang ang kanilang mga anak na babae sa mga lalaki upang pakasalan sila. Ginagawa nila ang lahat ng ito hanggang sa panahon na si Noe at ang kaniyang pamilya ay pumasok sa malaking barko. At dumating ang baha at nalunod ang lahat na wala sa loob ng barko. Gayundin, ang mga hindi mananampalataya ay hindi alam kung kailan ako na Anak ng Tao ay babalik, at hindi nila ako inaasahan.
\s5
\v 40 Sa aking pagbabalik, hindi ko dadalhin ang lahat ng mga tao sa langit. Dadalhin ko lamang ang mga nagtitiwala sa Akin. Halimbawa, may dalawang tao na nasa mga sakahan. Kukunin ang isa sa kanila papunta sa langit at ang isa naman ay maiiwan dito upang parusahan.
\v 41 Gayundin, may dalawang mga babae na naggigiling ng butil gamit ang panggiling. Kukunin ang isa sa kanila papunta sa langit at ang isa naman ay maiiwan.
\v 42 Kaya, dahil hindi ninyo alam kung anong araw ako na inyong Panginoon na magbabalik sa lupa, kailangan kayong maging handa sa aking pagbabalik sa anumang oras.
\s5
\v 43 Alam ninyo na kung alam lang ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, mananatili siyang gising at pipigilan ang magnanakaw sa pagpasok. Gayundin, babalik ako na hindi inaasahan tulad ng magnanakaw.
\v 44 Kaya kailangang handa kayo sa aking pagbabalik, sapagkat ako na Anak ng Tao ay babalik sa lupa sa oras na hindi ninyo inaasahan na ako ay babalik."
\s5
\p
\v 45 "Isipin kung ano ang katulad ng isang tapat at matalinong utusan. Pumili ang may-ari ng isang bahay ng isang utusan na mamahala sa iba pang mga utusan. Sinabi niya sa kaniya na bigyan sila ng pagkain sa mga tamang oras. Pagkatapos ay umalis siya sa isang mahabang paglalakbay.
\v 46 Kung ginagawa ng utusan ang trabahong iyon sa pagbabalik ng may-ari ng bahay, magagalak nang labis sa kaniya ang may-ari ng bahay.
\v 47 Pag-isipan ito: Pipiliin ng may-ari ng bahay ang utusan na ito na maging tagapamahala sa lahat ng kaniyang mga ari-arian.
\s5
\v 48 Ngunit ang masamang utusan ay maaaring magsabi sa kaniyang sarili, 'Wala ang may-ari sa mahabang panahon, baka hindi siya babalik kaagad at hindi niya malaman kung ano ang aking ginagawa.'
\v 49 Kaya sisimulan niyang paluin ang iba pang mga utusan, kakain at iinom kasama ang mga lasing.
\p
\v 50 At babalik ang may-ari ng bahay sa panahon na hindi siya inaasahan ng utusan.
\v 51 Parurusahan niya ang utusan nang matindi at ilalagay siya kung saan inilalagay ang mga mapagkunwari. Sa lugar na iyon iiyak ang mga tao at magngangalit ang kanilang mga ngipin sapagkat labis ang kanilang pagdurusa."
\s5
\c 25
\p
\v 1 Nagpatuloy si Jesus sa pagsasabi, "Kung ako ay babalik mula sa langit bilang hari, katulad ito ng nangyayari sa sampung dalaga na naghanda upang pumunta sa isang handaan ng kasalan. Dadalhin nila ang kanilang mga ilawan at pupunta upang hintaying dumating ang lalaking ikakasal.
\p
\v 2 Ngayon, ang lima sa mga babaeng ito ay hangal, at ang lima ay matatalino.
\p
\v 3 Nagdala ang mga babaeng hangal ng kanilang mga ilawan, ngunit hindi sila nagdala ng karagdagang langis ng olibo para sa kanilang sarili.
\p
\v 4 Ngunit ang matatalinong mga babae ay nagdala ng langis sa kanilang mga lalagyan at sa kanilang mga ilawan.
\s5
\p
\v 5 Natagalan sa pagdating ang lalaking ikakasal, at lumalim ang gabi. Kaya inantok ang lahat na mga babae at nakatulog.
\p
\v 6 Sa kalagitnaan ng gabi may nang gising sa kanila sa pamamagitan ng pagsigaw, 'Nandito na siya! Parating na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo at salubungin siya!'
\s5
\q
\v 7 Kaya tumayo ang lahat na mga babae at inayos ang kanilang mga ilawan upang magningas.
\p
\v 8 Nagsabi ang mga babaeng hangal sa mga matatalino, 'Bigyan ninyo kami ng inyong langis, dahil aandap-andap na ang aming mga ilawan!'
\p
\v 9 At sumagot ang matatalinong mga babae, 'Hindi, dahil baka hindi sasapat ang langis sa aming ilawan at sa inyo. Pumunta kayo sa mga nagbebenta at bumili para sa inyong mga sarili!'
\s5
\p
\v 10 Ngunit habang papunta ang hangal na mga babae upang bumili ng langis, dumating ang lalaking ikakasal. At ang matatalinong mga babae, na nakahanda, ay sumama sa kaniya sa lugar ng bulwagan ng kasalan, kung saan naghihintay ang babaeng ikakasal. At isinara ang pintuan.
\p
\v 11 Hindi nagtagal, ang ibang mga babae ay dumating sa lugar ng bulwagan ng kasalan, at tinawag nila ang lalaking ikakasal, 'Ginoo, buksan ninyo ang pintuan para sa amin!'
\p
\v 12 Ngunit sinabi niya sa kanila, 'Ang katotohanan ay hindi ko kayo kilala, kaya hindi ko bubuksan ang pintuan para sa inyo!"'
\p
\v 13 At nagpatuloy si Jesus na nagsabi, "Kaya, upang hindi ito mangyari sa inyo, manatili kayong umaasa na ako ay babalik, dahil hindi ninyo alam kung kailan ito magaganap."
\s5
\p
\v 14 Kung ako ay babalik mula sa langit bilang hari, ito ay katulad ng isang tao na paalis na sa isang mahabang paglalakbay. Sama-sama niyang tinawag ang kaniyang mga utusan at binigyan ang bawat isa sa kanila ng ilan sa kaniyang kayamanan upang ipuhunan at patubuin nang mas maraming pera para sa kaniya.
\q
\v 15 Nagbigay siya sa kanila ng pera ayon sa kanilang kakayanan sa paggamit nito. Halimbawa, binigyan niya ang isang utusan nang limang supot ng ginto, binigyan niya ang isa pang utusan nang dalawang supot, at binigyan niya ang isa pang utusan nang isang supot. Pagkatapos, umalis siya para sa kaniyang paglalakbay.
\p
\v 16 Umalis kaagad ang utusan na nakatanggap nang limang supot ng ginto at ginamit ang perang iyon at kumita nang lima pang supot.
\s5
\p
\v 17 Gayundin, ang utusang nakatanggap nang dalawang supot ay tumubo ng dalawa pang supot.
\p
\v 18 Ngunit ang utusan na nakatanggap ng isang supot ng ginto ay umalis, at naghukay ng butas sa lupa, at itinago ito doon upang panatiliin itong ligtas.
\s5
\p
\v 19 Pagkatapos ng mahabang panahon bumalik ang amo ng mga utusan. Ipinatawag niya silang lahat upang alamin kung ano ang ginawa nila sa kaniyang pera.
\p
\v 20 Ang utusang nakatanggap nang limang supot ng ginto ay nagdala nang sampung supot sa kaniya. Sinabi niya, 'Amo, binigyan mo ako nang limang supot ng ginto upang pamahalaan. Tingnan mo, tumubo ako ng lima pa!'
\q
\v 21 Sumagot ang kaniyang amo, 'Napakabuti mong utusan! Naging tapat ka sa akin. Pinangasiwaan mong mabuti ang maliit na halaga ng pera, kaya ilalagay kita na tagapamahala sa maraming mga bagay. Halika at maging masaya kasama ko!'
\s5
\p
\v 22 Ang utusang nakatanggap nang dalawang supot ng ginto ay dumating din at sinabi, 'Amo, binigyan mo ako nang dalawang supot ng ginto upang pamahalaan. Tingnan mo, tumubo ako ng dalawa pa!'
\p
\v 23 Sumagot ang kaniyang amo, 'Napakabuti mong utusan! Naging tapat ka sa akin. Pinangasiwaan mong mabuti ang maliit na halaga ng pera, kaya ilalagay kita na taga-pamahala sa maraming mga bagay. Halika at maging masaya kasama ko!'
\s5
\p
\v 24 Ang utusang nakatanggap nang isang supot ng ginto ay dumating din at sinabi, 'Amo, natatakot ako sa'yo. Alam ko na ikaw ang taong umaasa na kumita ng maraming pera kahit na hindi ka namuhunan, katulad ng isang magsasaka na sinusubukang anihin ang sakahan na hindi niya tinaniman.
\p
\v 25 Natatakot ako kung ano ang gagawin mo sa akin kapag nawala ko ang perang ipinahiram mo sa akin upang ipuhunan, kaya itinago ko ito sa lupa. Nandito; pakiusap kunin ninyo ulit ito!'
\s5
\q
\v 26 Sumagot ang kaniyang amo, 'Masama kang tamad na utusan! Alam mo na umaasa akong tumubo ang pera nang hindi ako namuhunan.
\p
\v 27 Kaya dapat, inilagay mo na lang ang aking pera sa bangko, upang sa aking pagbabalik makukuha ko ulit ito kasama ang tubo nito!'
\s5
\q
\v 28 Pagkatapos sinabi ng amo sa iba niyang mga utusan, 'Kunin ninyo ang supot ng ginto mula sa kaniya at ibigay ito sa utusang may sampung supot!
\p
\v 29 Ang mga gumagamit nang mabuti ng kanilang natanggap, bibigyan ng Diyos nang higit pa, at magkakaroon pa sila ng marami. Ngunit ang mga hindi ginagamit nang mabuti ang kanilang natanggap, kahit ang mayroon sa kanila ay kukunin pa.
\p
\v 30 At saka, itatapon ang walang silbing utusan na ito sa kadiliman sa labas, kung saan makakasama niya ang mga tumatangis at nagngangalit ng kanilang mga ngipin sa sakit."
\s5
\p
\v 31 "Kapag ako na Anak ng Tao ay babalik muli, babalik ako na may napakaningning na liwanag at isasama ko ang lahat ng aking mga anghel. Pagkatapos uupo ako bilang hari sa aking trono upang hahatulan ang lahat.
\p
\v 32 Magkakatipun-tipon sa harapan ko ang bawat tao mula sa ibat-ibang lahi. Pagkatapos, ihihiwalay ko ang mga tao, mula sa isa't-isa, gaya ng pastol na inihihiwalay ang kaniyang mga tupa sa kaniyang mga kambing.
\q
\v 33 Ilalagay ko ang mga matuwid na tao sa bandang kanan ko at ang mga hindi matuwid sa bandang kaliwa ko, tulad ng mga tupa at ng mga kambing."
\s5
\q
\v 34 Pagkatapos sasabihin ko sa mga nasa bandang kanan ko, "Kayong mga tao na pinagpala ng aking Ama, halikayo! Halikayo at tanggapin ang lahat ng mabubuting mga bagay na ibibigay niya sa inyo, dahil nagsimula na siyang mamuno sa inyo nang lubusan— mga bagay na kaniyang inihanda mula noong nilalang niya ang sanlibutan.
\p
\v 35 Para sa inyo ang mga bagay na ito, dahil binigyan ninyo ako ng makakain noong nagugutom ako. Binigyan ninyo ako ng maiinom noong nauuhaw ako. Noong dayuhan ako sa inyong bayan, inanyayahan ninyo akong manatili sa inyong mga tahanan.
\p
\v 36 Noong nangangailangan ako ng mga kasuotan, binigyan ninyo ako. Noong may sakit ako, inalagaan ninyo ako. Noong nasa kulungan ako, pumunta kayo upang dalawin ako.'
\s5
\q
\v 37 At sasagot ang mga tao na inihayag ng Diyos na mabuti, 'Panginoon, kailan ka nagutom at nakita ka namin at binigyan ka ng makakain? Kailan ka nauhaw at binigyan ka namin ng maiinom?
\q
\v 38 Kailan ka naging dayuhan sa aming bayan at inanyayahan ka namin na manatili sa aming mga tahanan? Kailan ka nangailangan ng mga kasuotan at binigyan ka namin?
\p
\v 39 Kailan ka nagkasakit o nakulong at pumunta kami at dinalaw ka? Wala kaming maalala alinman sa mga bagay na ito na ginawa namin para sa iyo.
\p
\v 40 Sasagot ako, 'Ang katotohanan kung anumang ginawa ninyo sa kapwa ninyong mga mananampalataya, kahit ang hindi gaanong mahalaga, tiyak na ginawa ninyo ito sa akin.'
\s5
\v 41 Ngunit, sasabihin ko sa mga nasa kaliwa ko, 'Kayong mga tao na sinumpa ng Diyos, lumayo kayo sa akin! Pumunta kayo sa walang hanggang apoy na inihanda ng Diyos para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel!
\v 42 Dapat lang kayong mapunta doon, dahil hindi ninyo ako binigyan ng anumang makakain noong nagutom ako. Hindi ninyo ako binigyan ng anumang maiinom noong nauhaw ako.
\p
\v 43 Hindi ninyo ako inanyayahan sa inyong mga tahanan noong dayuhan ako sa inyong bayan. Hindi ninyo ako binigyan ng anumang kasuotan noong kinailangan ko ang mga ito. Hindi ninyo ako inalagaan noong may sakit ako o nasa kulungan ako.'
\s5
\p
\v 44 Sasagot sila, 'Panginoon, kailan ka nagutom o nauhaw o naging dayuhan o nangangailangan ng kasuotan o may sakit o nasa kulungan, at hindi ka namin tinulungan?'
\p
\v 45 Sasagot ako, 'Ang katotohanan ay ganito, kapag wala kayong ginawa upang matulungan ang sinuman sa aking mga tao, kahit ang hindi gaanong mahalagang tao, ako ang hindi ninyo ginawan nito.'
\v 46 At mapupunta ang mga taong nasa bandang kaliwa ko kung saan paparusahan sila ng Diyos magpakailanman, ngunit ang mga taong mabuti sa paningin ng Diyos ay mapupunta kung saan mamumuhay sila kasama ng Diyos magpakailanman."
\s5
\c 26
\p
\v 1 Nang matapos sabihin ni Jesus ang mga bagay na iyon, sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
\p
\v 2 "Alam ninyo na dalawang araw mula ngayon ay ipagdiriwang natin ang Pista ng Paskua. At sa panahong iyon may isa na ipapasakamay ako na Anak ng Tao sa mga magpapako sa akin sa krus."
\s5
\p
\v 3 Sa ganoon ding panahon nagkatipun-tipon ang mga punong pari at ang nakatatanda sa mga Judio sa tahanan ng pinakapunong pari na nagngangalang Caifas.
\p
\v 4 At nagplano sila roon kung papaano nila madadakip si Jesus sa mapanlinlang na paraan upang ipapatay nila siya.
\p
\v 5 Subalit sinabi nila, "Hindi natin dapat gagawin ito sa araw ng Pista ng Paskua, sapagkat kung gagawin natin sa araw na iyon baka magkagulo ang mga tao."
\s5
\p
\v 6 Habang nasa nayon ng Betania si Jesus at ang kaniyang mga alagad, kumain sila sa bahay ni Simon, na pinagaling ni Jesus sa ketong.
\p
\v 7 Sa panahon ng kainan, may babaeng dumating sa bahay. Dala-dala niya ang isang sisidlang gawa sa bato na naglalaman nang labis na mamahaling pabango. Pumunta ang babae habang kumakain si Jesus at ibinuhos ang lahat ng pabango sa kaniyang ulo.
\q
\v 8 Nang nakita ng mga alagad ito, labis silang nagalit. Ang isa sa kanila ay nagsabi, "Nakasisindak na nasayang ang pabangong ito!
\p
\v 9 Maaari sana natin itong ibenta at kumita ng maraming pera mula rito! At ipamimigay ang pera sa mga taong mahihirap."
\s5
\p
\v 10 Alam ni Jesus ang kanilang mga sinasabi, kaya sinabi niya sa kanila, "Hindi ninyo dapat ginugulo ang babaeng ito, gumawa siya ng magandang bagay sa akin.
\q
\v 11 Tandaan ninyo na kasama ninyo palagi ang mga taong mahihirap kaya matulungan ninyo sila kung nanaisin ninyo. Ngunit hindi ako palaging kasama ninyo!
\s5
\p
\v 12 Nang ibinuhos niya ang pabango sa aking katawan, para bang alam niyang malapit na akong mamatay. At para bang pinapahiran niya ang aking katawan na ililibing.
\p
\v 13 Sasabihin ko sa inyo ito: Saan man sa buong mundo ipangaral ng mga tao ang magandang balita patungkol sa akin, sasabihin nila ang nagawa ng babaeng ito, ang kinahinatnan nito ay palagi siyang maalala ng mga tao."
\s5
\p
\v 14 At si Judas Iscariote, kahit isa siya sa labindalawang mga alagad, pumunta sa mga punong pari.
\p
\v 15 Nagtanong siya sa kanila, "Kung kaya kong ipadakip sa inyo si Jesus, magkanong pera ang nais ninyong ibigay sa akin?" Nagkasundo sila na bigyan siya ng tatlumpung pilak na pera. Kaya binilang nila ang mga pera at ibinigay sa kaniya.
\p
\v 16 Mula sa panahon na iyon naghanap si Judas ng pagkakataon kung kailan nila maaaring madadakip si Jesus.
\s5
\p
\v 17 Sa unang araw ng linggo ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, pumunta ang mga alagad kay Jesus at nagtanong, "Saan mo nais na maghanda kami ng pagkain sa pagdiriwang ng Paskua upang kakain kaming kasama mo?"
\p
\v 18 Tinuruan ni Jesus ang dalawa niyang mga alagad patungkol sa kanilang dapat gawin. Sinabi niya sa kanila, "Pumunta kayo sa lungsod sa isang tao na dati kong kinausap patungkol dito. Sabihin ninyo sa kaniya na ako na ang Guro, ang nagsabi nito: 'Ang panahong sinasabi ko sa inyo ay malapit na. Ako ay magdiriwang ng Paskua kasama ng aking mga alagad sa iyong bahay, at ipinadala ko ang dalawang ito upang maghanda ng pagkain.'"
\p
\v 19 Kaya ginawa ng dalawang alagad ang sinabi ni Jesus sa kanila. Pumunta sila at naghahanda ng kakainin sa Paskua sa bahay ng taong iyon.
\s5
\p
\v 20 Nang dumating ang gabing iyon, kumakain si Jesus kasama nang labindalawang mga alagad.
\p
\v 21 Sinabi niya sa kanila, "Pakinggan ninyo itong mabuti: Isa sa inyo ang magpapadakip sa akin sa aking mga kaaway."
\p
\v 22 Labis na nalungkot ang mga alagad. At nag-umpisang magsabi sa kaniya nang salitan, "Panginoon, tiyak na hindi ako iyan!"
\s5
\p
\v 23 Sumagot siya, "Ang magpapadakip sa akin sa aking mga kaaway ay ang kasama kong sasawsaw ng tinapay sa sawsawan sa pinggan.
\p
\v 24 Tiyak na Ako, na Anak ng Tao ay mamamatay, sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan patungkol sa akin. Ngunit may darating na nakasisindak na parusa sa taong magpapadakip sa akin sa aking mga kaaway! Mas mabuti pa sa taong iyon na hindi na siya ipinanganak!"
\p
\v 25 At si Judas, na siyang magkakanulo sa kaniya, ay nagsabi, "Guro, tiyak na hindi ako! Sumagot si Jesus, "Oo, ikaw iyon."
\s5
\p
\v 26 Habang sila'y kumakain, kumuha si Jesus ng tinapay at ito ay ipinagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, "Kunin ninyo ang tinapay na ito at kainin ito. Ito ang aking katawan."
\s5
\p
\v 27 Hindi nagtagal kinuha niya ang tasa ng alak at ito ay ipinagpasalamat sa Diyos. At ibinigay ito sa kanila at sinabi, "Lahat kayo ay uminom mula sa tasang ito.
\p
\v 28 Ang alak sa tasang ito ay ang aking dugo na aagos sa aking katawan. Ang dugong ito ay palatandaan sa bagong kasunduang ginagawa ng Diyos upang mapatawad ang kasalanan ng maraming tao.
\p
\v 29 Tandaan ninyo itong mabuti: Hindi na ako iinom pa ng alak sa ganitong paraan hanggang sa panahon na ako ay iinom kasama ninyo na may bagong kahulugan. Mangyayari iyon kapag ipinakita ng aking Ama ang kaniyang sarili bilang hari sa lahat."
\s5
\p
\v 30 Pagkatapos nilang umawit ng himno, nagsimula silang pumunta sa Bundok ng mga Olibo.
\p
\v 31 Habang sila ay nasa daan, sinabi ni Jesus sa kanila, "Sa gabing ito, iiwanan ninyo akong lahat dahil sa mangyayari sa akin! Tiyak na mangyayari ito sapagkat ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos ay nakasulat sa Kasulatan: 'Ipapapatay ko sa mga lalaki ang pastol, at ikakalat nila ang lahat ng mga tupa.'
\p
\v 32 Ngunit pagkatapos kong mamatay at mabuhay muli, mauuna ako sa inyo sa Galilea at tatagpuin ko kayo doon."
\s5
\p
\v 33 Sumagot si Pedro, "Marahil iiwan ka ng lahat ng mga alagad kung makita nila ang mangyayari sa iyo, ngunit tiyak na hindi kita iiwan!"
\p
\v 34 Sumagot si Jesus sa kaniya, "Ang katotohanan, sa gabing ito, bago pa tumilaok ang tandang, sasabihin mo nang tatlong beses na hindi mo ako kilala!"
\p
\v 35 Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Kahit na patayin nila ako habang ipinagtatanggol kita, hinding-hindi ko sasabihing hindi kita kilala!" At ganoon din ang sinabi ng ibang mga alagad.
\s5
\p
\v 36 At pumunta si Jesus kasama ang mga alagad sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi niya roon, "Manatili kayo rito habang pupunta ako roon at mananalangin."
\p
\v 37 Isinama niya si Pedro, si Santiago, at si Juan. Lubha siyang namimighati.
\p
\v 38 At sinabi niya sa kanila, "Labis akong nalulungkot na pakiramdam ko para na akong mamamatay na! Manatili kayo rito at manatiling gising kasama ko!"
\s5
\p
\v 39 Pagkatapos niyang lumakad sa hindi kalayuan, siya ay nagpatirapa. Nanalangin siya, "Aking Ama, kung maaari ay huwag mong hayaang ako ay magdusa sa paraang alam ko na pagdadaanan ko. Ngunit huwag mong gawin ayon sa nais ko. Sa halip, gawin mo ayon sa iyong ninanais!"
\p
\v 40 Pagkatapos bumalik siya sa tatlo niyang mga alagad at nakita niya sila na natutulog. Ginising niya si Pedro at sinabi sa kaniya, "Hindi ako nasiyahan na kayong mga lalaki ay natutulog at hindi nanatiling gising kasama ko sa loob lamang ng maikling oras!
\p
\v 41 Kailangan ninyong maging handa at manalangin upang maiwasan ninyo kung may manukso sa inyo sa kasalanan. Nais ninyong gawin ang sinasabi ko, ngunit wala kayong sapat na lakas na gawin talaga ito."
\s5
\p
\v 42 Umalis siya sa pangalawang pagkakataon. Siya ay nanalangin, "Aking Ama, kung kinakailangang ako ay magdusa, nawa ang nais mo ang maganap!"
\v 43 Nang bumalik siya sa tatlong alagad, nakita niya na sila ay natutulog muli. Hindi nila kayang panatilihing nakabukas ang kanilang mga mata.
\p
\v 44 Kaya iniwan niya sila at muling umalis. Nanalangin siya sa pangatlong pagkakataon, at nagsabi ng ganoon din na kaniyang pinanalangin noon.
\s5
\p
\v 45 Pagkatapos, bumalik siya sa lahat ng kaniyang mga alagad. Ginising niya sila at nagsabi sa kanila, "Hindi ako nasiyahan na natutulog pa rin kayo at nagpapahinga! Tingnan ninyo! Mayroong magpapadakip sa akin na Anak ng Tao sa mga taong makasalanan!
\p
\v 46 Tumayo kayo! Tayo na at salubungin natin sila! Parating na ang tao na magpapadakip sa akin!"
\s5
\p
\v 47 Habang nagsasalita pa si Jesus, dumating si Judas. Kahit isa siya sa labindalawang alagad ni Jesus, dumating siya upang ipadakip siya sa mga kaaway ni Jesus. Maraming tao na may daladalang mga espada at mga pamalo ang dumating kasama niya. Ang mga punong pari at mga nakatatanda ang nagpadala sa kanila.
\p
\v 48 Dati nang nakipag-usap si Judas na bigyan sila ng hudyat. Sinabi niya sa kanila, "Ang taong aking hahalikan ay siyang nais ninyo. Dakpin ninyo siya!"
\s5
\p
\v 49 Agad siyang lumapit kay Jesus at sinabi, "Binabati kita, Guro!" At hinalikan niya si Jesus.
\p
\v 50 Sumagot si Jesus, "Kaibigan, kung ano ang nais mong gawin, gawin mo na kaagad." At ang mga tao na sumama kay Judas ay lumapit at sinunggaban si Jesus.
\s5
\p
\v 51 Biglaang bumunot ng espada mula sa kaluban ang isa sa mga lalaking kasama ni Jesus. Tinagpas niya ang utusan ng pinakapunong pari upang patayin siya, ngunit tainga lamang ang naputol sa kaniya.
\p
\v 52 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ibalik mo ang iyong espada sa kaniyang kaluban! Ang lahat na sumubok na pumatay ng iba gamit ang espada-- may iba ring papatay sa kanila gamit ang espada!
\v 53 Inisip ba ninyo na kung humiling ako sa aking Ama, hindi siya kaagad-agad magpapadala nang higit pa sa labindalawang hukbo ng mga sundalo ng mga anghel upang tulungan ako?
\v 54 Ngunit kung ginawa ko iyon, ang naisulat ng mga propeta sa Kasulatan na mangyayari sa Mesiyas ay hindi na matutupad."
\s5
\v 55 Sa panahong iyon, sinabi ni Jesus sa maraming tao na sumunggab sa kaniya, "Katawa-tawang pumunta kayo rito upang hulihin ako na may dalang mga espada at mga pamalo, na para bang ako ay tulisan! Araw-araw nakaupo ako sa patyo ng templong nagtuturo sa mga tao. Bakit hindi ninyo ako hinuli noon?
\v 56 Ngunit ang lahat ng ito ay nangyayari upang matupad ang isinulat ng mga propeta sa kasulatan tungkol sa akin." At iniwanan ng lahat ng mga alagad si Jeuss at tumakbo silang palayo.
\s5
\p
\v 57 Ang mga lalaking dumakip kay Jesus ay dinala siya sa bahay kung saan nakatira si Caifas na pinakapunong pari. Ang mga lalaking nagturo ng mga kautusan ng mga Judio at ang nakatatanda sa mga Judio ay nagkatipun-tipon na roon.
\p
\v 58 Sumunod si Pedro kay Jesus sa may kalayuan. Dumating siya sa patyo ng pinakapunong pari. Pumasok siya sa patyo at umupo kasama ang mga bantay upang makita kung ano ang maaaring mangyari.
\s5
\v 59 Ang mga punong pari at ang iba pa sa konseho ng mga Judio ay sinusubukang maghanap ng mga tao na maaaring magsabi ng kasinungalingan patungkol kay Jesus upang maaari nilang parusahan siya sa kamatayan.
\v 60 Ngunit kahit pa maraming tao ang nagsabi ng kasinungalingan patungkol sa kaniya, wala silang nakitang nagsasabi ng anumang kapaki-pakinabang. Sa wakas, may dalawang tao ang lumapit
\v 61 at nagsabi, "Ang taong ito ay nagsabi, 'Kaya kong gibain ang templo ng Diyos at muli itong ipatayo sa loob ng tatlong araw."
\s5
\p
\v 62 Pagkatapos, tumayo ang pinakapunong pari at sinabi kay Jesus, "Hindi ka ba sasagot? Ano ang masasabi mo patungkol sa mga bagay na ito na sinasabi nila upang paratangan ka?"
\p
\v 63 Ngunit nanatiling tahimik si Jesus. At sinabi ng pinakapunong pari sa kaniya, "Inuutusan kita na sabihin mo sa amin ang katotohanan; alam mo na ang pinaka-makapangyarihang Diyos ay nakikinig sayo: Ikaw ba ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos?
\p
\v 64 Sumagot si Jesus, "Oo, katulad ng iyong sinabi. Ngunit sasabihin ko rin ito sa inyong lahat: Sa darating na araw makikita ninyo ako na Anak ng Tao, na nakaupo sa tabi ng Dakilang Diyos at namumuno. Makikita rin ninyo akong darating sa mga ulap galing sa langit!"
\s5
\p
\v 65 Labis na nagalit ang pinakapunong pari kaya pinunit niya ang kaniyang panlabas na kasuotan. At sinabi niya, "Nilapastangan ng taong ito ang Diyos! Inaangkin niya na siya'y kapantay ng Diyos! Tiyak na hindi na natin kailangan na may magpapatotoo laban sa taong ito! Narinig ninyo ang kaniyang sinabi!
\v 66 Ano sa palagay ninyo?" Sumagot ang mga pinuno ng mga Judio, "Ayon sa ating batas, nagkasala siya at karapat-dapat na patayin!"
\s5
\v 67 At dumura sa kaniyang mukha ang ilan sa kanila. Sinuntok siya ng iba gamit ang kanilang mga kamao. Pinagsasampal naman siya ng iba
\v 68 at sinabi, "Dahil sinasabi mo na ikaw ang Cristo, sabihin mo sa amin kung sino ang sumuntok sa iyo!"
\s5
\p
\v 69 Nakaupo si Pedro sa labas ng patyo. May isang utusang babae ang lumapit sa kaniya at tumingin sa kaniya. Sinabi niya, "Kasama ka rin ni Jesus, ang taong iyon na mula sa distrito ng Galilea!"
\p
\v 70 Ngunit habang ang lahat doon ay nakikinig, ikinaila niya ito. Sinabi niya, "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ninyo!"
\s5
\p
\v 71 At lumabas siya patungo sa tarangkahan ng patyo. May isa pang utusang babae ang nakakita sa kaniya at sinabi sa mga tao na nakatayo sa malapit, "Ang taong ito ay kasama ni Jesus, ang taong taga-Nazaret."
\p
\v 72 Ngunit muling ikina-ila ni Pedro ito. Sinabi niya, "Nawa'y parusahan ako ng Diyos kung nagsasabi ako sa inyo ng kasinungalingan, ni hindi ko nga kilala ang taong iyon!"
\s5
\p
\v 73 Pagkaraan ng ilang sandali, lumapit kay Pedro ang mga taong nakatayo roon at sinabi sa kaniya, "Nakatitiyak kami na ikaw ay isa sa mga taong kasama ng taong iyon. Masasabi namin mula sa diin ng iyong pananalita na ikaw ay taga-Galilea."
\p
\v 74 Pagkatapos nagsimula si Pedro na magpahayag nang malakas na isumpa siya ng Diyos kung siya ay nagsisinungaling. Hiningi niya sa Diyos ng langit na magpatotoo na siya ay nagsasabi ng katotohanan at sinabi, "Hindi ko kilala ang taong iyon!" Agad tumilaok ang tandang.
\p
\v 75 At naalala ni Pedro ang mga salita na sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bago pa tumilaok ang tandang, sasabihin mo nang tatlong beses na hindi mo ako kilala." At si Pedro ay umalis sa patyo, umiiyak dahil labis siyang nalungkot sa kaniyang nagawa.
\s5
\c 27
\p
\v 1 Kina-umagahan ng sumunod na araw, nakapagpasiya ang lahat ng mga punong pari at nakatatanda ng mga Judio kung paano hihimukin ang mga Romano upang patayin si Jesus.
\p
\v 2 Pagkatapos itinali nila ang kaniyang mga kamay at dinala siya kay Pilato, ang Romanong gobernador.
\s5
\q
\v 3 Napagtanto ni Judas, ang tao na nagkanulo kay Jesus, na nakapagpasiya na sila na dapat mamatay si Jesus. Kaya dinaig siya ng pagsisisi tungkol sa kaniyang nagawa. Ibinalik niya ang tatlumpung pilak na pera sa mga punong pari at mga nakatatanda.
\p
\v 4 At sinabi niya, "Nagkasala ako. Ipinagkanulo ko ang isang tao na walang kasalanan." Sumagot sila, "Hindi mahalaga sa amin iyon! Pananagutan mo na iyan!"
\p
\v 5 Kaya kinuha ni Judas ang pera at itinapon ito sa patyo ng templo. At umalis siya at nagbigti.
\s5
\p
\v 6 Maya-maya nakita ng pinakapunong pari ang mga pilak. Kinuha nila ito at sinabi, "Pera ito na ibinayad upang mamatay ang tao, hindi pinapahintulutan ng ating batas na ilagay ang perang tulad nito sa panananalapi ng temlpo."
\p
\v 7 Kaya nakapagpasiya silang gamitin ang perang iyon upang bilhin ang bukid na tinatawag na Bukid ng Magpapalayok. Ginawa nila ang bukid na iyon na lugar na libingan ng mga dayuhan na namatay sa Jerusalem.
\p
\v 8 Kaya tinawag pa rin ang lugar na iyon na "Ang bukid ng dugo."
\s5
\p
\v 9 Sa pamamagitan ng pagbili ng bukid na iyon, nagawa nilang magkatotoo ang mga salita na isinulat ni propeta Jeremias noon: "Kinuha nila ang tatlumpong pilak na pera--iyon ang napagpasiyahan ng mga pinuno ng Israel na kaniyang halaga--
\p
\v 10 sa pamamagitan ng pera na iyon, binili nila ang bukid ng magpapalayok. Ginawa nila iyon tulad ng iniutos ng Panginoon sa akin."
\s5
\p
\v 11 At tumayo si Jesus sa harapan ng gobernador. Tinanong siya ng gobernador, "Sinabi mo ba na ikaw ang hari ng mga Judio?" Sumagot si Jesus, "Oo, katulad ng kasasabi mo lang."
\p
\v 12 Ngunit nang pinaratangan ng mga punong pari at mga nakatatanda si Jesus sa paggawa ng ilang mali na mga bagay, hindi siya sumagot.
\p
\v 13 Kaya sinabi ni Pilato sa kaniya, "Narinig mong napakarami ng mga ipinaparatang nila sa'yo, hindi ka ba sasagot?"
\p
\v 14 Ngunit hindi nagsalita ng anuman si Jesus. Hindi siya sumagot sa kahit anong ipinaparatang nila sa kaniya. Ang kinahinatnan, labis na namangha ang gobernador.
\s5
\p
\v 15 Ngayon, kaugalian na ng gobernador na sa bawat taon sa panahon ng pagdiriwang ng Paskua na magpalaya ng isang taong bilanggo. Pinapalaya niya ang sinumang bilanggo na nais ng mga tao.
\p
\v 16 Sa panahong iyon sa Jerusalem may isang tanyag na bilanggo na nagngangalang si Barabas.
\s5
\p
\v 17 Kaya nang nagkatipun-tipon ang mga tao, tinanong sila ni Pilato, "Sinong bilanggo ang nais ninyong pakawalan ko para sa inyo: si Barabas, o si Jesus na tinatawag nilang Cristo?"
\p
\v 18 Nagtanong siya ng ganoong tanong dahil nalaman niyang dinala ng mga punong pari si Jesus sa kaniya dahil lamang sa inggit nila kay Jesus. At inisip ni Pilato na mas pipiliin ng mga tao na palayain niya si Jesus.
\p
\v 19 Habang nakaupo si Pilato sa upuan ng hukuman, nagpadala ang kaniyang asawa ng mensahe: "Nitong umaga nanaginip ako ng masama dahil sa tao na iyon. Kaya huwag mong husgahan ang matuwid na taong iyon!"
\s5
\p
\v 20 Ngunit hinikayat ng mga punong pari at mga nakatatanda ang mga tao na hingiin kay Pilato na palayain si Barabas, at ipag-utos na patayin si Jesus.
\p
\v 21 Kaya nang tinanong sila ng gobernador, "Sino sa dalawang tao ang nais ninyong pakawalan ko para sa inyo?" Sumagot sila, "Si Barabas!"
\p
\v 22 Labis na nabigla si Pilato, at nagtanong siya, "At ano ang gagawin ko kay Jesus na sinasabi ng ilan sa inyo na siya ang Cristo?" Sumagot silang lahat, "Iutos mong ipako siya sa krus ng iyong mga kawal!"
\s5
\p
\v 23 Sumagot si Pilato, "Bakit? Ano ang nagawa niyang krimen?" Subalit sumigaw sila nang mas malakas, "Ipako siya sa krus!"
\p
\v 24 Napagtanto ni Pilato na wala siyang magawa. Sa halip, nakita niyang nag-umpisang magkagulo ang mga tao. Kaya kumuha siya ng batya ng tubig at hinugasan ang kaniyang mga kamay habang nanonood ang mga tao. Sinabi niya, "Sa pamamagitan ng paghuhugas ng aking mga kamay ipinapakita ko sa inyo na kung mamatay ang taong ito, kasalanan ninyo at hindi ko kasalanan!"
\s5
\p
\v 25 At sumagot ang lahat na mga tao, "Kami na ang mananagot sa pagpatay sa kaniya, at mananagot din ang aming mga anak!"
\p
\v 26 At inutusan niya ang mga kawal na palayain si Barabas para sa kanila. Subalit iniutos niya na latiguhin si Jesus ng kaniyang mga kawal. At pagkatapos, ibinigay niya si Jesus sa mga kawal upang ipako nila si Jesus sa krus.
\s5
\q
\v 27 Pagkatapos, dinala ng mga kawal ng gobernador si Jesus sa kuwartel ng mga kawal. Pinalibutan siya ng buong pangkat ng mga kawal.
\q
\v 28 Hinubad nila ang kaniyang damit, at pinagkunwaring siya'y isang hari, at sinuotan nila siya ng maliwanag na pulang kapa.
\q
\v 29 Kumuha sila nang ilang sanga na may mga tinik at lumala ng korona at inilagay sa kaniyang ulo. Naglagay sila sa kaniyang kanang kamay ng tambo tulad ng tungkod na hinahawakan ng isang hari. Pagkatapos, lumuhod sila sa kaniyang harapan at pinagtatawanan siya, na nagsasabi, "Kapayapaan sa hari ng mga Judio!"
\s5
\p
\v 30 Ipinagpatuloy nila ang pagdura sa kaniya. Kinuha nila ang tungkod at patuloy na pinalo siya sa ulo gamit ito.
\q
\v 31 Nang natapos ang pangungutya nila sa kaniya, hinubad nila ang kapa at isinuot sa kaniya ang kaniyang sariling damit. Pagkatapos, dinala siya sa lugar kung saan maaari nilang ipako siya sa krus.
\s5
\p
\v 32 Pagkatapos buhatin ni Jesus ang kaniyang krus sa hindi kalayuan, nakita ng mga kawal ang isang tao na nagngangalang Simon, na mula sa lungsod ng Cirene. Siya'y pinilit nila na buhatin ang krus para kay Jesus.
\q
\v 33 Nakarating sila sa lugar na tinatawag na Golgota. Ang ibig sabihin ay "ang lugar tulad ng isang bungo."
\p
\v 34 Nang dumating sila roon, may inihalo sila sa alak na sobrang mapait ang lasa. Ibinigay nila ito kay Jesus upang inumin nang hindi siya gaanong makaramdam ng sakit kapag siya'y ipinako na nila sa krus. Subalit nang tinikman niya ito, tumanggi siyang inumin ito. Kinuha ng ilang kawal ang kaniyang damit.
\s5
\q
\v 35 Pagkatapos ay ipinako nila siya sa krus. Maya-maya, pinaghati-hatian nila ang kaniyang damit sa pamamagitan ng pagsusugal na tulad ng isang dais upang makapagpasiya kung anong bahagi ng damit ang kukunin ng bawat isa.
\q
\v 36 Pagkatapos umupo ang mga kawal doon upang bantayan siya, upang pigilin ang sinumang sumubok na iligtas siya.
\v 37 Naglagay sila sa taas ng krus sa bandang ulo ni Jesus ng isang tanda na nakasulat kung bakit ipinako nila siya sa krus. Ngunit ang sinasabi lang nito ay, 'Ito ay si Jesus, ang Hari ng mga Judio.'
\s5
\v 38 Ipinako din nila ang dalawang magnanakaw sa mga krus. Inilagay nila ang isang krus sa kanang bahagi ni Jesus at ang isa ay sa kaliwang bahagi.
\v 39 Hinamak siya ng mga taong dumadaan sa pamamagitan ng pag-iling ng kanilang mga ulo na para bang masama siyang tao.
\q
\v 40 Sinabi nila, "Sinabi mong gigibain mo ang templo at pagkatapos ipapatayo ito muli sa loob ng tatlong araw! Kaya kung kaya momg gawin iyon, kaya mo dapat na iligtas ang iyong sarili! Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa krus!"
\s5
\p
\v 41 Gayundin, pinagtatawanan siya ng mga punong pari, ang mga tao na nagtuturo ng kautusan ng mga Judio, at mga nakatatanda. Nagsabi sila ng mga bagay tulad ng,
\v 42 "Sinasabi niya na iniligtas niya ang iba sa kanilang mga sakit, ngunit hindi niya kayang iligtas ang kaniyang sarili!" "Sinabi niya na siya'y Hari ng Israel. Kaya dapat siyang bumaba sa krus. At maniniwala na tayo sa kaniya!"
\s5
\v 43 Sinabi niya na nagtitiwala siya sa Diyos, at sinabi niyang siya ang tao na Diyos din. Kaya kung nalulugod ang Diyos sa kaniya, dapat siyang iligtas ng Diyos ngayon!"
\v 44 At kinutya rin siya ng dalawang magnanakaw na kasama niya sa krus, na nagsasabi ng ganoon din.
\s5
\p
\v 45 Nang tumanghali na, dumilim ang buong lupain. At nanatili itong madilim hanggang alas tres ng hapon.
\p
\v 46 At bandang alas tres ng hapon, sumigaw nang malakas si Jesus, "Eli, Eli, lama sabachthani?" Ang ibig sabihin, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?"
\p
\v 47 Nang marinig ng ilang mga taong nakatayo roon ang salitang "Eli," inisip nila na tinatawag niya si propeta Elias.
\s5
\p
\v 48 Agad na tumakbo ang isa sa kanila at kumuha ng spongha. Pinuno niya ito ng maasim na alak. Pagkatapos inilagay ang spongha sa dulo ng tambo at itinaas ito upang sipsipin ni Jesus ang alak na nandito.
\v 49 Subalit sinabi ng ibang mga tao doon, "Sandali lang! Tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya!"
\v 50 At pagkatapos sumigaw ulit nang malakas si Jesus at siya'y namatay at ibinigay ang kaniyang espiritu sa Diyos.
\s5
\p
\v 51 Sa sandaling iyon nahati sa dalawang bahagi mula taas hanggang baba ang makapal na kurtina na nagsasara sa Pinaka Banal na Lugar sa templo. Nayanig ang mundo, at nahati ang ilang malalaking mga bato.
\v 52 Nabuksan ang ilang mga libingan, at nabuhay muli ang mga katawan ng maraming tao na nagarangal sa Diyos.
\v 53 Lumabas sila sa mga libingan, at noong nabuhay muli si Jesus, pumunta sila sa Jerusalem at nagpakita sa maraming tao roon.
\s5
\v 54 Nakatayo sa malapit ang opisyal na namumuno sa mga kawal na nagpako kay Jesus sa krus. At nandoon din ang kaniyang mga kawal na nagbabantay sa mga krus. Nang maramdaman nila ang lindol at nakita ang iba pang mga bagay na nangyari, labis silang natakot. Sinabi nila, "Katotohanang Anak siya ng Diyos!"
\v 55 Maraming babae ang nandoon, nanonood sa may kalayuan. Sila ang mga babae na sumama kay Jesus mula sa Galilea upang ibigay ang mga bagay na kaniyang kailangan.
\v 56 Ang ilan sa mga babaeng iyon ay si Maria Magdalena, ang isa pang Maria na ina ni Santiago at Jose, at ang ina ni Santiago at Juan.
\s5
\p
\v 57 Nang pagabi na, may isang lalaki na nagngangalang Jose ang dumating doon. Galing siya sa bayan ng Arimatea. Alagad din siya ni Jesus.
\v 58 Pumunta siya kay Pilato at hiniling kay Pilato na payagan siyang kunin ang katawan ni Jesus at ilibing ito. Inutusan ni Pilato ang kaniyang mga kawal na payagan siyang kunin ang katawan.
\s5
\v 59 Kaya kinuha ni Jose ang katawan ni Jesus at binalot ito ng isang malinis na puting tela.
\v 60 Pagkatapos inilagay nila ito sa bagong libingan na pag-aari ni Jose na binutas ng mga manggagawa sa malaking bato sa bangin. Iginulong nila ang pabilog na malapad na bato sa harap ng pasukan ng libingan. Pagkatapos umalis na sila.
\v 61 Doon sa tapat ng libingan nakaupong tumitingin sina Maria na taga Magdala at ang isa pang Maria.
\s5
\p
\v 62 Ang sumunod na araw ay sabado, ang araw ng pahinga ng mga Judio. Pumunta kay Pilato ang mga punong pari at ang ilan sa mga Pariseo.
\v 63 Sinabi nila, "Ginoo, naalala naming habang buhay pa ang manlilinlang, sinabi niya, 'Tatlong araw pagkatapos akong mamatay ako'y mabubuhay muli.'
\v 64 Kaya hinihiling naming utusan mo ang mga kawal na bantayan ang libingan sa loob ng tatlong araw. Kung hindi mo gagawin iyan, maaaring pumunta ang mga alagad at nakawin ang katawan. Pagkatapos sasabihin nila sa mga tao na nabuhay siya muli mula sa pagkamatay. Kung manlilinlang sila ng mga tao sa pamamagitan sa pagsasabi noon, mas malala pa ito kaysa paraan na panlilinlang niya ng mga tao noon sa pamamagitan ng pagsasabi na siya ay ang Cristo."
\s5
\p
\v 65 Sumagot si Pilato, "Maaari kayong magdala ng ilang mga kawal. Puntahan ninyo ang libingan at tiyaking ligtas sa paraan na alam ninyo."
\v 66 Kaya pumunta sila at ginawang ligtas ang libingan sa pamamagitan ng paglalagay ng lubid mula sa bato na nasa harap ng pasukan hanggang sa bawat gilid ng bato at sinelyuhan ito. Nag-iwan din sila ng ilang mga kawal doon upang bantayan ang libingan.
\s5
\c 28
\p
\v 1 Nang matapos ang Araw ng Pamamahinga, noong Linggo ng madaling araw, pumunta sa libingan si Maria na taga-Magdala at ang isa pang Maria upang makita si Jesus.
\q
\v 2 Mayroong malakas na lindol dahil bumaba ang anghel ng Diyos mula sa langit. Pumunta siya sa libingan at iginulong ang bato palayo mula sa pasukan. At umupo siya sa bato.
\s5
\p
\v 3 Kasing liwanag ng kidlat ang kaniyang katawan, at kasing puti ng niyebe ang kaniyang kasuotan.
\q
\v 4 Nanginig ang mga bantay dahil labis silang natakot, at natumba sila na parang mga patay.
\s5
\p
\v 5 Sinabi ng anghel sa dalawang babae, "Hindi kayo dapat matakot! Alam ko na hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus.
\p
\v 6 Wala na siya rito! Binuhay siyang muli ng Diyos, katulad ng sinabi ni Jesus na gagawin niya! Halikayo at tingnan ang lugar kung saan siya inihimlay!
\p
\v 7 At pumunta kayo kaagad at sabihin sa kaniyang mga alagad, 'Nabuhay siya mula sa pagkamatay! Mauuna siya sa inyo sa distrito ng Galilea. Makikita ninyo siya roon!' Makinig kayo sa sinasabi ko sa inyo!"
\s5
\p
\v 8 Kaya kaagad na umalis ang mga babae sa libingan. Natakot sila, subalit labis din silang nasiyahan. Tumakbo sila upang sabihin sa mga alagad kung ano ang nangyari.
\p
\v 9 Habang sila'y tumatakbo, biglang nagpakita si Jesus sa kanila. At sinabi niya, "Sumainyo ang kapayapaan!" Lumapit ang mga babae sa kaniya. Lumuhod sila at niyakap ang kaniyang mga paa at siya'y sinamba.
\p
\v 10 At sinabi ni Jesus sa kanila, "Huwag kayong matakot! Humayo kayo at sabihin sa aking mga alagad na dapat silang pumunta sa Galilea. Makikita nila ako roon."
\s5
\p
\v 11 Habang papunta ang mga babae, pumunta sa lungsod ang ilan sa mga kawal na nagbabantay sa libingan. Ibinalita nila sa mga punong pari ang lahat ng nangyari.
\q
\v 12 Kaya nagtipun-tipon ang mga punong pari at nakatatanda sa mga Judio. Nag-isip sila ng paraan kung paano ipaliliwanag kung bakit wala ng laman ang libingan. Nagbigay sila sa mga kawal ng maraming pera bilang suhol.
\q
\v 13 Sinabi nila, "Sabihin ninyo sa mga tao, 'Dumating ang kaniyang mga alagad noong gabi at ninakaw ang kaniyang katawan habang natutulog kami.'
\s5
\q
\v 14 Kung maririnig ng gobernador ang patungkol dito, titiyakin naming hindi siya magagalit at hindi kayo parurusahan. Kaya huwag kayong mabahala."
\p
\v 15 Kaya kinuha ng mga kawal ang pera at ginawa ang iniutos sa kanila. Sinabi ang kuwentong ito sa mga Judio sa hanggang sa araw na naisulat ko ito.
\s5
\p
\v 16 Hindi nagtagal, pumunta ang labing-isang mga alagad sa distrito ng Galilea. Pumunta sila sa bundok na sinabi ni Jesus na pupuntahan nila.
\q
\v 17 Nakita nila siya doon at siya'y sinamba. Ngunit nag-alinlangan ang ilan kung si Jesus nga ba talaga iyon at kung nabuhay siya muli.
\s5
\p
\v 18 Pagkatapos, lumapit si Jesus sa kanila at sinabi, 'Binigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng kapangyarihan sa lahat ng bagay at sa lahat ng nasa langit at sa lupa.
\q
\v 19 Kaya humayo kayo at gamitin ang aking kapangyarihan upang ituro ang aking mensahe sa lahat ng tao sa lahat ng lahi upang sila'y maging mga alagad ko. Bautismuhan sila sa kapangyarihan ng aking Ama, sa akin na kaniyang Anak, at sa Banal na Espiritu.
\s5
\p
\v 20 Turuan silang sumunod sa lahat na aking iniutos sa inyo. At tandaan na ako'y palaging nasa sa inyo, hanggang sa wakas ng panahong ito."